Chapter BTSSM 57

NANLALABO na ang paningin ni Alta at nanunuyo ang lalamunan. Nakatagilid siya sa kama habang hinang-hina. Pinagpapawisan siya habang habol ang hininga. Hindi na sapat ang tubig at ang mga ipinupuslit na pagkain ni Fleur para sa kanya. Gustong-gusto na talaga niya ng pagkain. Not just ordinary food. She was craving for blood. Choco blood. Any blood.

Bumukas ang pinto at pumasok si Homer. May babae itong kasunod itong babae na parang wala sa sarili. “Siguradong gutom ka na, Alta. Kaya dinalhan kita ng pagkain. Grazilda ang pangalan niya. She is my chatmate and she decided to meet me for a date. Don’t worry. Wala pang nangyayari sa amin. I tried my best to control my urges for you. Di mo kailangang magselos.”

Di na lang siya kumibo para hindi maubos ang lakas niya. Pang-ilang tao na ba iyon na idinala nito para ubusin niya ang dugo at patayin? Nagagawa niyang labanan ang mga cravings niya noong una subalit hindi niya alam kung hanggang gaano pa katagal siyang makakatiis. Hunger could drive a sanguis insane. Dahil sa gutom ay maari siyang makapatay. Ayaw niyang magmistulang hayop na wala sa sarili.

Umupo si Grazilda sa sofa sa harap niya at mukhang wala sa sarili. Umupo naman sa arm ng sofa si Homer at hinawakan ito sa balikat. Kinagat nito ang balikat ni Grazilda. Umungol at napapikit si Grazilda na parang nag-e-enjoy pa.

She smelled the strong smell of blood the moment Grazilda’s skin broke. Parang may pumigang kamay a sikmura niya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Parang may sariling buhay ang dugo at tinatawag siya. Animo’y ambrosia ang amoy ng dugo at nag-aanyaya sa kanya. Her stomach clenched once more. Hindi siya sagot sa paanyayang iyon. Magtitiis siya.

Umuklo sa harap niya si Homer at kinintalan ng halik ang labi niya. “Masarap ang dugo niya at mainit. Mas masarap kaysa sa kunwaring dugo na iniinom ninyong mga rojo.”

Matapang niyang pinalis ang dugo sa labi niya at ang bakas ng halik nito. Parang gusto niyang masuka sa halik nito sa kabila ng malakas na tawag ng dugo. “Hindi ako magiging mamamatay-tao katulad ninyo.”

Ngumisi ito at binasa ng dila ang ibaba ng labi nito na parang nagustuhan nito ang magkahalong lasa ng labi niya at ng dugo ni Grazilda. “Masyado kayong ipokrito, Alta. Kalokohan ang mga naimbento ng mga sanguinare. Isang insulto sa lahi nating mga umbra. Sila pa mandin ang mga direktang anak ng buwan pero sinisira nila ang totoong esensiya ng pagiging anak ng diwata ng buwan. Pekeng dugo? Dugo ng hayop?” Ngumisi ito. “Kalokohan!”

“Umiinom nga ng dugo ang mga diyosa at mga sanguinare pero hindi sila pumatay ng tao o ng kapwa kahit kailan bilang pagkain. At iyon ang tingin ninyong mga Umbra sa mga tao. Mga pagkain. Parang hayop na papatayin na lang basta. Naging gahaman kayo sa dugo. Wala kayo sa sarili ninyo. Nakalimutan na ninyo na minsan din kayong naging mga tao at kauri nila. Nagagawa ninyo iyon sa kapwa ninyo tao?”

Tumayo ito at humalakhak. “Tao? Matagal na akong hindi tayo. Mahina ang mga tao. Mahina sa katawan, mahina ang emosyon. Akala ng mga tao sila na ang superyor sa lahat. Masyadong maikli ang buhay nila at hindi nila nakukuha ang gusto nila. Namamatay sila na puno ng pagsisisi. Ayoko nang maging isang tao lang. Ang mahihina ay kinakain ng malalakas. Huwag kang maging mahina, Alta. Ayaw mong maging mahina, hindi ba?”

“Hindi kahinaan ang maging tao. May karapatang mabuhay ang mga tao nang malaya. At naniniwala ako na pwedeng mabuhay ang mga sanguis at ang mga tao nang nagkakaisa. Hindi kailangang magkasakitan para mabuhay ang bawat isa.”

“Bakit mo ba pinoprotektahan ang mga tao? Tingnan mo nga ang Tiya Cora mo. Ginawa ka niyang alila. Pinagmalupitan ka. Maraming mga tao na nagpapatayan ng walang dahilan. Giyera dito at giyera doon. Nang-aapi sila ng kapwa nila para sa pansarili nilang interes. Hindi rin sila nag-aalinlangang pumatay ng kapwa nila para makuha ang gusto nila. Iyon ang halimaw. Nagkukunwaring asal-tao at silibilisado pero mga demonyo naman. Iyan baa ng ipinagmamalaki ninyong pinoprotektahan ninyo? Sila ba ang pinanghihinayangan ninyong mawala sa mundo? Wala rin silang ipinagkaiba sa mga hayop.”

“Anong nangyari sa iyo, Homer? Bakit ka nagkaganyan?” malungkot niyang tanong. Nasaan na ang kaibigan niyang laging sumusuporta sa kanya? Sa kanilang mga atleta ay ito ang laging positibo sa buhay at masayahin. Di nito iniinda ang hirap ng buhay at ang lungkot na wala itong pamilya. Hindi niya makita ang katauhan ng kaibigan niya doon. Nilinlang lang ba siya nito para mapalapit sa kanya o na-corrupt ito ng pagiging isang umbra?

Sumandal ito sa dingding habang nakatingin sa dingding sa harapan nito. Nakita niya ang lungkot at galit sa mga mata nito na parang inaalala nito ang nakaraan. “Walang kwenta ang buhay ko noong tao pa ako. Lumaki ako sa addict na magulang. Ibebenta nila ang mga sarili nila para lang matustusan ang bisyo nila. Dahil din sa kanila ay natuto akong magnakaw. Kung hindi ko gagawin iyon ay bubugbugin nila ako. Disisiyete anyos ako nang mahuli akong nangho-holdap sa isang jeep. Binugbog ako ng mga tao. Hinayaan lang nila akong duguan sa tabi ng daan ng mga taong iyon. Pakiramdam ko mamamatay na ako noon. Naramdaman ko ang sakit hanggang mawalan ako ng malay. Paggising ko nasa isang mansion ako. Napulot ako ni Master Mercado sa tabi ng daan. Inalagaan niya ako at itinuring na parang anak. Maayos ang trato niya sa akin hindi katulad ng trato sa akin ng mga magulang ko. Hindi siya natakot na mawalan siya ng mamahaling gamit sa bahay at pinagkatiwalaan niya ako. Kaya kahit nalaman kong isa siyang sanguis, hindi ako nag-atubili na magprisinta bilang tagasunod niya. Binigyan niya ako ng mga misyon at pinagkatiwalaan niya ako sa mga sekreto niya. Itinuring niya ako na parang anak. Sampung taon na ang nakakaraan nang sa wakas ay maging isa akong ganap na sa umbra. Naging trabaho ko na subaybayan ang mga mezzo na katulad mo.”

Ngayon ay naiintindihan na niya ang pinagdaanan nito. Mas maayos ang naging trato dito ng isang katulad ni Mercado kaysa sa mga taong nakasalamuha nito kaya naging malapit ang loob nito. “Pero mali pa rin ang ginagawa mo, Homer. Mabait nga si Mercado sa iyo at ginawa ka niyang importanteng parte ng mga Umbra pero ginagamit ka niya sa kasamaan. Hindi mo ba nakikita…”

“Ikaw ang nabubulagan. Kayo ng mga mapagpanggap na rojo. Sinasayang lang ninyo ang lakas ninyo. Kung makikiisa sana kayo sa layunin ni Master Mercado, tayong mga sanguis ang maghahari sa mundo,” nakangiti nitong sabi na parang nangangarap.

“Kahit kailan hindi ko pinangarap na maghari sa mundo. Lalong hindi ko pinangarap na mapunta sa taas nang nananakit ng ibang tao. Lalong di ko kayang pumatay.”

“Kung mananatili kang mahina, mamamatay kayo ng anak mo.”

“Hindi ko imumulat ang anak ko sa buhay ng isang halimaw,” maasido niyang sabi. Mamamatay sila ng anak niya nang lumalaban.

“Hindi ka na masasagip pa ni Cordero o ng mga rojo. Hanggang kailan ka makakatagal nang hindi umiinom ng dugo?” Tumahimik siya at di sinagot ang tanong nito. Hindi rin niya alam ang sagot sa tanong nito ngunit pilit siyang lalaban. “Iiwan ko muna si Grazilda sa iyo. Huwag kang mahihiyang ubusin ang dugo niya kapag nagutom ka,” may paanyaya nitong wika bago umalis ng silid.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.