DISKUMPIYADONG pinagmasdan ni Kristian ang Cariño Bar pagbaba ng taxi na sinakyan. It was a run down and seedy bar in the middle of Quezon City. Pawang makakapal ang make up ng mga babae at lalaki na nakatambay sa labas ng bar at pawang gothic costumes ang suot. Isang mataba at matangkad na lalaki ang ngumisi sa kanya. He gave her an appraising look.
Tuloy-tuloy siyang lumapit sa pinto kung saan may nakatayong maskuladong bouncer na naka-leather pants at black sando. May tusok-tusok pa itong dog colar sa leeg. Mukha itong tagabitay ng mga sinaunang hari.
“Forever,” aniya sa bouncer at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kinapkapan muna siya nito bago siya pinapasok.
Isang babaeng nakapula na may mahabang ang lumapit sa kanya. “This way, Sir.”
More appreciative yet speculative stares looked his way. Malakas na rock music ang narinig niya pagpasok. Bukod sa bumabaha ng alak at sigarilyo doon at posibleng pati ang drugs ay nakita rin niya ang iba’t ibang klaseng palabas sa lugar na iyon. There was a man and a woman having sex on the table. May nadaanan din siya na nakasandal lang sa bintana. Di kalayuan sa stage ay nakatali ang isang lalaki at hinahagupit ng latigo isang babaeng nakasuot ng latex dress at boots.
Anong ginagawa niya sa bar na iyon? Maybe it was a bad idea. Kuta ba ng mga Umbra ang lugar na iyon? There was sex and BDSM anywhere. Di na lang siya gumala ng tingin dahil lalo lang niyang nararamdaman na out of place siya. Hindi rin niya inaasahan na may ganoong klaseng lugar sa Pilipinas. Some sanguis like those kind of silly games. Drinking blood was even kinky for some people. Perpekto ang lugar na iyon upang makakuha ng mabibiktimang tao ang mga umbra.
Binuksan ng babae ang pinto ng private room at pinapasok siya. Isang babae na nakasuot ng red leather dress ang nakaupo doon. Kulot ang mahaba nitong buhok subalit di tulad ng ibang nasa bar ay wala itong suot na make up. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “You are good looking. May taste naman pala ang kapatid ko.”
“Nasaan si Alta? Anong ginawa ninyo sa kanya?” tanong agad niya.
“Relax.” Inilahad nito ang palad. “Umupo ka muna. Do you want to drink anything? Fresh blood from a young woman? Pwede rin kitang iorder ng dugo ng hayop kung gusto ko. Unfortunately, we don’t have your famous blood concoction.”
“I don’t have time to relax. Sabi mo dadalhin mo ako kay Alta.”
“Patience. For a rojo, you don’t have the patience.”
“Niloloko mo ba ako? Sinasayang mo lang ang oras ko,” angil niya at matalim itong tiningnan. Kapag nalaman niyang niloloko lang siya nito ay baka mapilipit niya ang leeg nito. Wala siyang pakialam kung babae ito at kapatid ng babaeng mahal niya.
“Gusto kong maging malinaw muna ang lahat bago kita dalhin kung saan nandoon si Alta. Kung papayag ka sa mga patakaran ko, dadalhin kita sa kanya.”
Humalukipkip siya na nanatiling nakatayo. “Anu-ano ang mga patakaran na iyan?”
Hindi siya sanay na kumuha ng instruction mula sa isang babae lalo na sa isang babae na walang awtoridad at mas bata sa kanya. Kahit si Alta ay hindi siya nautusan ng ganito. At sa likod ng isipan niya ay iniisip pa rin niya kung dapat niyang pagkatiwalaan ang isang kaaway. Hindi niya ito lubusang kilala. Alam lang niya bukod sa pagiging isang Umbra na mortal na kaaway ng mga rojo ay kapatid ito ni Alta. Hindi niya ito pwedeng basta-basta pagkatiwalaan. Kailangan pa rin niyang mag-ingat dito.
Itinaas nito ang hintuturo. “Una, kailangang sumunod ka sa lahat ng iuutos ko.”
“Paano kung ayoko sa iuutos mo?”
Tumaas ang gilid ng labi nito. “Kung gusto mong manatiling buhay at iligtas si Alta, susundin mo ako. Delikado ang lugar na pupuntahan nating lugar. Nagkalat ang mga Umbra at ako lang ang nakakaalam kung paano ka maipapasok sa lugar na iyon nang hindi nade-detect na isa kang rojo at ikaw si Kristian Cordero.”
“Hindi yata ganoon kadaling gawin iyan.” Parang napaka-imposible ng gusto nitong mangyari. Parang mas gusto na lang niyang dalhin ang buong sandatahan ng mga rojo at sugurin ang lugar para mabawi si Alta. “Paano mo gagawin iyon?”
Bumalik ang babaeng naghatid sa kanya kanina na dala ang paperbag. Inabot nito ang paperbag sa kanya. “Isuot mo iyan,” utos ni Fleur.
Napanganga siya nang tingnan ang laman ng paperbag. Leather pants, leather vest and silver-like-studded bracelet was inside the paperbag. Maasim ang mukha niya itong tiningnan. “You expect me to wear these? Anong gagawin mo sa akin? Magmumukha akong bouncer dito.” Ipinilig niya ang ulo. “No. I will look like a gigolo. Or some sort of a slave. Katulad ng lalaking hinahagupit ng mga babae sa labas.” Padarag niyang ibinalik ang mga laman ng paper bag sa pinanggalingan nito na parang napaso. “I am not gonna wear these.”
“Kung gusto mong iligtas si Alta, isusuot mo iyan.”
“Para ba saan ang mga ito? You are not going to sell me to fags and matrons. I even hate whips. I am not into kinky stuffs.” Lalaban talaga siya oras na may ipagawa itong kalokohan sa kanya. Kailangan ba niyang ibandera ang katawan niya, hubaran ng mga estranghero at magpahagupit kung kani-kanino para makuha niya muli si Alta?
“Akala ko ba nagmamadali kang iligtas si Alta? Bakit kailangan mo pa ng paliwanag?” may katarayang tanong nito.
Great! Ito ba ang magiging sister-in-law niya? She was infuriating. Mabuti na lang at hindi ito parte ng rojo dahil ayaw niyang makadikit ito ni Alta. Napakalayo ng ugali ng mga ito sa isa’t isa. Well, she was the princess of the Umbras. Mabuti na lang at si Alta ang itinadhana sa kanya at hindi katulad nito. Sakit ng ulo ang dala nito.
“Hindi mo ako masisisi kung gusto kong makasiguro.” Hindi nga siya nito ipapain sa isang batalyong mga Umbra pero di rin niya gusto ang ideya na magmumukha siyang gigolo.
“Ipapaliwanag ko ang lahat sa iyo oras na nakabihis ka na. Remember I am the boss.” Naggiyagis ang ngipin niya at naglaban ang mga paningin nila. Inilahad nito ang palad sa isa pang pinto. “The restroom. Pwede kang magpalit ng damit diyan.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at pumasok sa restroom. Of course, ito ang nanalo. Pumikit siya ng mariin at inisip na lang si Alta. Ito na lang ang iisipin niya.