Hindi na halos makagalaw si Alta sa gutom at panghihina. Hindi sapat ang dugo ng manok na dala ni Fleur nang nakaraan para tumagal siya buong araw. Matinding torture para sa kanya tuwing magdadala ng tao si Homer upang ipangharuyo sa kanyang uminom ng gamot. Hirap na hirap siyang magtimpi. Isa pang ikinatatakot niya ay ang pagdating ng ibang mga pinuno ng mga Umbra. Paano kung hindi siya makaalis doon?
Bumukas ang pinto at naamoy agad niya ang pabango ni Fleur. May isa pa itong kasamang amoy lalaking tao. Napaungol na isa. Isa na namang lalaking tao na iaalay sa kanya. Masamang-masama ang loob niya. Akala ba niya ay tutulungan siya nito na tumakas doon? Na dadalhin nito si Kristian doon. May nagbago ba sa plano? May nangyari bang aberya? Paano kung kalaban na rin niya si Fleur at wala na siyang kakampi?
Naramdaman niya ang paglapit ng lalaki sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "Alta, gumising ka na. Nandito na ako."
Pumitlag ang puso niya nang marinig ang boses ni Kristian. Nang magmulat siya ay nakita niyang nakauklo ito sa tabi ng kama habang puno ng pag-aalala ang guwapo nitong mukha. Nanginginig niyang inangat ang kamay at hinaplos ang mukha nito. “Kristian…” Dumating ito. Sasagipin nga siya nito. Hindi siya nito binigo.
“Anong ginawa nila sa iyo?” puno ng sakit ang boses nitong tanong sa kanya.
Inalalayan siya nitong bumangon at niyakap siya ng mahigpit. Bumalong ang luha niya sa pinagsama-samang lungkot, kawalan ng pag-asa, saya at pananabik dito. Parang napakatagal nang panahon mula nang huli niyang mayakap at makita si Kristian.
“Akala ko habambuhay na ako dito. Akala ko hindi na ako masasagip. Takot na takot talaga ako. Ang magiging anak natin…”
“Alam ko. Nandito ako para sa inyo.” Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “Hindi ako papayag na mawala kayo sa akin. Marami pa akong gustong sabihin sa iyo.”
“Masyadong madaldal ang pakakasalan mo, Alta,” sabi ni Fleur. “Mabuti naman pala at ginagamit niya ang utak niya. Kung hindi baka kanina pa siya napatay sa labas.”
“Anong nangyari?” nag-aalala niyang tanong at muling inamoy si Kristian. “Saka bakit amoy tao ka?”
“It is his disguise as a male slave who looks like Kristian Cordero,” paliwanag ni Fleur. “Iyon lang ang paraan para makapasok siya dito.”
“Maraming salamat sa tulong.” Ngayon niya napatunayan na mas namayani ang pagiging kapatid nito sa kanya sa halip na isang Umbra. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Maraming salamat.” Kung wala si Fleur ay baka hindi siya makatagal sa impyernong kuwarto na iyon. Baka matagal na siyang sumuko sa kawalan ng pag-asa.
“That’s enough. I am not really into melodrama,” sabi ni Fleur at iniwas ang tingin sa kanya. Mukhang matigas ito ngunit alam niyang may mabuti itong puso.
“Paano kami makakatakas dito?” tanong niya kay Fleur.
Lumingon ito sa pinto at sumandal sa dingding. “Titiyempo tayo. Pagsikat ng araw saka tayo aalis dito. Mas mahina tayong mga sanguis sa umaga at mas mabilis tayong makakalabas dito.” May kumatok sa pinto at pumasok si Chardine, isa sa alipin na babae ni Fleur. May dalang alak si Chardine at ibinigay kay Fleur. “Sa ngayon, kailangan mo munang bumawi ng lakas. Kailangan mong uminom ng dugo mula kay Kristian para mas handa ka ring lumaban kung magkaroon tayo ng problema.”
Kristian was her destined one. Sa palagay niya ay dito lang niya kayang uminom ng dugo. At magiging mas malakas siya kung dugo nito ang iinumin niya.
Akmang lalapit ang labi niya kay Kristian nang pumaling ito ng tingin kay Fleur at tinaasan ng kilay ang kapatid niya. “Hindi mo ba kami pwedeng bigyan ng privacy?”
Namaywang si Fleur. “Ito ang huling beses na gagamitan mo ako ng ganyang tono.” Tinanguan nito ang aliping si Chardine at binuksan ang pinto. Bago sumara ay narinig niyang nagbilin sa guwardiya na huwag magpapapapasok ng iba sa kuwarto.
In-expose ni Kristian ang leeg nito sa kanya. “Go ahead. Bite me.”
She slid her lips down his neck, kissing, nuzzling as her fangs extended and grazed the surface of his neck. Napapikit ito nang bumaon ang pangil niya sa leeg nito. Nang malasahan niya ang dugo nito ay unti-unting bumalik ang buhay sa katawan niya. Hinaplos ni Kristian ang likod niya at ang braso niya. Tumigil lang siya nang marinig ang pag-ungol nito sa pag-aalalang masyado na siyang maraming dugong nakuha dito.
“Okay ka lang?” tanong niya at nakitang nakapikit pa rin ito.
“I am fine,” nakapikit nitong sagot at dahan-dahang dumilat. “I miss you, Alta. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mabalitaan kong basta ka na lang nawala at wala sa iyo ang singsing na bigay ko. Parang mababaliw ako sa kahihintay ng balita sa iyo.”
“Nang nasa park ako, tumawag sa akin si Homer. Oras na daw na hindi ako sumunod sa kanya, susugurin daw ng mga umbra ang park at maraming mamamatay na tao. Ano ba naman ang buhay ko para magpahamak pa ako ng marami. Di sapat ang pwersa namin para protektahan sila. Kaya sumunod ako sa utos nila. Pagpasok ko sa van, nandoon ang pinuno ng mga Umbra na si Mercado. Kinuha niya ang singsing sa akin at itinapon sa labas dahil alam daw nila na mate-trace ako ng mga rojo. Nawalan ako ng malay at paggising nandito na ako sa kuwarto na ito. Hindi kita kayang makausap sa isip dahil sa kakaibang kapangyarihan sa kuwarto na ito na humaharang sa kapangyarihang gumagamit ng isip o makipag-usap sa iba.”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Sinaktan ka ba nila dito? Si Homer? Anong ginawa niya sa iyo?”
“Ginugutom nila ako lagi at pinapainan ng tao. Ginagamit nila ang magiging anak natin para mapilitan akong uminom pero hindi ko magawa. Ayokong mabuhay siya sa mundong ito bilang isang Umbra at may impluwensiya ng isang ina na walang inisip kundi pumatay ng tao. Hindi ito ang mundo na pinangarap ko para sa magiging anak natin. Mabuti na lang at lagi akong tinutulungan ni Fleur kundi baka tuluyan na akong nasiraan ng bait at bumigay sa kawalan ng pag-asa. Parang napaka-imposibleng makatakas ako sa lugar na ito.”