Chapter BTSSM 63

Kinabig siya nito ng yakap at kinintalan ng halik sa noo. “Parang napaka-imposible nga. Wala akong tiwala kay Fleur noong una pero sabi niya kayang-kaya niyang ipapatay ang mas maraming rojo kung gusto niya. Pwede niyang pasugurin kami dito at nakahanda na ang ibang mga Umbra para i-ambush kami. Kahit na nakakairita ang kapatid mo na iyon, sa palagay ko naman hindi siya ganoon kasama.”

“Siyempre kapatid ko siya. Pakiramdam ko nga napipilitan lang siya na nandito,” malungkot niyang sabi. Hindi niya alam kung anong dahilan ni Fleur para manatili doon ngunit parang hindi ito bagay sa lugar na iyon. Kung siya ang masusunod ay gusto na niya itong isamang tumakas para maging bahagi ng rojo.

Hinaplos nito ang buhok niya. “Huwag na muna nating intindihin si Fleur. Take a rest. After that, I am taking you home. Naghihintay na sa iyo sila Padrone Kristoff at Padrona Olivia. Pati sila nanay at tatay nag-aalala sa iyo at siyempre si Rafflesia. Huwag mo nang gagawin ulit na basta na lang mawawala at isusugal ang buhay mo. ”

“I love you, Kristian,” bulong niya bago makatulog.

“I love you, too. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin.”

Gusto niyang kumpirmahin kung tama ang narinig niya na mahal din siya nito at kung talagang mahal siya nito. Nang yakapin siya nito at naramdaman ang init ng katawan nito sa tabi niya ay hindi na niya naisip pang magtanong. Unti-unti nang pumikit ang mga mata niya. Sa wakas ay mapapahinga siya nang walang pangamba.

Mahal siya nito at iyon ang mahalaga. Hindi na siya natatakot ngayon. Kasama na niya si Kristian at hindi siya pababayaan ng kapatid niyang si Fleur. Hindi siya pababayaan ng mga taong nagmamahal sa kanya.

NANG gumising si Alta ay naroon na si Fleur at kausap si Kristian. Nakaupo naman sa sofa ang alagad nitong si Chardine at parang matiyaga lang na naghihintay ng utos nito. “Aalis na ba tayo?” tanong niya at pupungas-pungas na bumangon.

Mas magaan na ang pakiramdam niya at mas malakas na siya dahil sa dugo ni Kristian. Gustong-gusto na niyang makaalis sa lunggang iyon. She stretched her arms and legs and rolled her neck and shoulders. Handa na siyang lumaban.

“Magpalit kayo ng damit ni Chardine. Siya ang papalit sa iyo at maiiwan dito,” sabi nito. Parehong mahaba at tuwid ang buhok nila ni Chardine. Pareho rin silang may bangs. Magkasingtangkad din sila at magkakatawan.

“Hindi ba siya mapapahamak?” nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti si Fleur. “She will be fine. Hindi nila malalaman ang pagkakaiba. Maglalagay ako hypnotic suggestion sa lahat ng nandito na hindi ikaw ang nakikita nila. Responsibilidad ko siya at responsibilidad naman niyang sundin ang lahat ng utos ko.”

Nagpalit sila ng damit ni Chardine. Bumagay sa kanya ang French maid costume nito. Ito pa ang nagsuklay ng buhok niya. “Salamat,” sabi niya nang matapos siya nitong ayusan. Saka lang ito ngumiti at humiga sa kama. Nagtalukbong ito ng kumot ayon na rin sa utos ni Fleur.

Nagpahid sila ng proteksiyon sa araw at si Kristian naman ay pinainom ng tableta para magmistulang dugo ng tao ang dugo nito.

“Ibaba mo lang ang tingin mo. Lumakad ka lang sa likuran ko na parang alipin ko,” bilin ni Fleur at inayos ang bangs niya. Ikinabit din nito ang kadena sa leeg ni Kristian. He looked like a male slave again. Parang hindi siya sanay na makita itong tahimik at sunud-sunuran subalit para sa kanya ay isinantabi nito ang pride niya.

Nang ngumiti ito sa kanya para sabihing okay lang ito ay gumaan ang loob niya. Pinisil niya ang kamay nito. Nagbitiw lang sila nang magsalita si Fleur. “Let’s go.”

Itinaklob niya ang hood sa ulo at nakababa ang tingin na naglakad. wala halos tao sa pasilyo maliban sa mga guwardiyang nakakasalubong nila at nagbibigay-galang kay Fleur.

Natigilan siya nang tumigil si Fleur at naramdaman niya ang pamilyar na presensiya ni Homer na kasalubong niya. “Aalis kayo?” tanong nito kay Fleur.

“Maaga ang appointment ko sa couturier ko. Mamayang gabi na ang party natin kasama ang ibang council kaya gusto ko naman ready na ang gown ko,” anang si Fleur.

Naglakad ito palapit sa kanya subalit nilagpasan siya nito at lumapit kay Kristian. “At bakit buhay pa ang isang ito? Sana ipinaubos mo ang dugo kay Alta.”

“He is a very expensive slave and very good looking. Sayang naman kung mababawasan ng isang guwapo sa mundo. Hindi rin natin alam kung anong posibleng mangyari kay Alta sa mga darating na araw. Baka kailanganin pa natin ang serbisyo niya.”

“Ako lang ang kailangan ni Alta mula ngayon. Hindi si Cordero at kahit na sinong kahawig niya,” pasigaw na wika ni Homer.

“Whatever! Aalis na kami dahil gusto kong makabalik agad dito. Ayokong abutan ng traffic sa Manila. Nagpapahinga pa si Alta ngayon. Huwag mo na siyang abalahin. Aalis na kami. Tata!” anang si Fleur at nagtuloy-tuloy sa paglakad. “See you later.”

Nakahinga siya ng maluwag nang lumayo sa kanila si Fleur subalit natensiyon pa rin siya nang bumilis ang lakad nito. “Move,” usal nito at pinindot ang elevator.

Muling bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niya kung anong ibig sabihin noon. Oras na malaman ni Homer na hindi siya ang nasa kuwarto at si Chardine ay malaking gulo iyon. Wala na silang masyadong oras. Sana lang ay hindi nito abalahin pa si Chardine para malaya silang makaalis. Ayaw na niyang magtagal pa sa lugar na iyon.

“Almost there,” usal ni Fleur nang bumukas ang elevator at bumungad sa kanila ang maraming mga kotse. Malapit na siyang maging malaya at makaligtas.

Papunta na sila sa kotse nito nang tawagin ito ng isang lalaki. “Fleur, saan kayo pupunta?” tanong nito.

“I must get ready for the party later. Kukunin ko ang gown ko,” sagot ni Fleur at tuloy-tuloy sa paglalakad. “I will see you later, Sandino.”

“What the hell are you doing with a sanguis slave? At paanong nagkaroon ka ng isang buntis na esclavo? Imposible iyan!” tanong ni Sandino sa mataas na boses. “Ibig sabihin…”

Nanlaki ang mata niya. Hindi basta-basta sanguis si Sandino. He had the inner eye. Nakikita nito kung ang isang nilalang ay tao, werewolf, bampira at anong uri ng bampira ito. Nahuli na ang pagbabalat-kayo nila.

Mula sa elevator ay humihingal na lumabas si Homer. “Pigilan ninyo sila! Makakatakas ang bihag natin!”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.