Itinuro ako ng mayordoma na pumasok sa opisina ni Don Cleo. Kinakabahan ako. Isa akong katulong dito ngunit kanya akong pinatawag. Nakakaduda.
Binuksan ko ang pintuan at agad kong nakita ang nag aabang na si Don Cleo. Tahimik, ngunit taas noo akong lumapit.
"Magandang araw sayo Addelyn. Take a seat please." aniya at uminom sa kanyang kopita.
Umupo ako doon. Pinagsiklop niya ang kanyang mga palad. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.
"Masyado akong naging abala sa trabaho at pera." ngumisi siya. "Hindi ko na namalayan na may bago pala saking mansyon. Ikaw nga ang sinasabi ng anak ko."
"Yes Don Cleo." mataman kong sagot. Tinitigan ko ang paligid at may dalawang tauhan na nagbabantay sa magkabilang gilid.
"Thank you for taking care of Melissa in Samar."
Tumango lamang ako ngunit may kakaiba akong nararamdaman.
"Walang anuman." kinuyom ko ang aking kamay sa kandungan ng tumayo mula sa kinauupuan si Don Cleo. Pumunta siya sa likod ko.
"Alam ba ni Diego na alam kong' magkapatid kayo?"
Namilog ang mga mata ko. Nakita ng tauhan ni Don Cleo ang reaksyon ko. Kinagat ko ang labi at pagak na tumawa.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Don Cleo. Pinatawag mo ba ako para lang diyan?"
Humalakhak siya at umiling bago tumawang muli. Hindi ko lubos maisip na ganito ang ugali ng ama ni Bloom.
"You...." tinuro turo niya pa ako habang umikot sa harapan ko. Tila tuwang tuwa. "You are smart. But..."
Napatili ako ng hilahin niya bigla ang aking buhok!
"Don!"
Napatingala ako ng hilahin niya ang buhok ko at pinatayo ako.
"D-Don Cleo!"
"Ang ayoko sa lahat ang mga traidor! I always amaze of Diego since then. Akala ko... Tunay na ama na ang turing niya sa akin! Pero isa rin siyang traidor!"
Uminit ang gilid ng mga mata ko. Alam na ni Don Cleo. Alam na niya. Kung kailan aalis na ako tsaka niya nalaman ang lahat. Nasa delikadong kalagayaan ngayon si kuya!
"Nasasaktan ako Don Cleo! Hindi ko alam ang sinasabi mo!" tinulak niya ako sa sahig at may pinindot. Bumukas ang malaking flat screen TV habang nakasalampak ako sa sahig. Parang matatanggal ang mga buhok ko sa kanyang ginawa.
May pinakitang lalaking nakaupo sa sahig na marumi at tila ba nasa selda. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino iyon! Si Daddy!
Gusto kong isigaw ang pangalan ni Daddy. Gusto ko siyang tawagin ngunit nangako ako kay kuya. Hinding hindi ko ipapahamak si kuya! Dumaloy ang luha ko.
Ayaw kong tignan kung gaano ka payat si daddy! Nasa kanya si daddy! Sa haba ng panahon na akala ko namatay si daddy sa pag ambush sa amin! Siya pala ang may pakana ng lahat.
"Surprise? Why so quiet my dear Addelyn? Aren't you surprise?"
Umiling ako. "H-Hindi ko iyan kilala."
Nanginginig ang kalamnan ko ng pakawalan niya ako at halos sumalampak ako sa sahig.
Si Don Cleo, wala siyang kaibahan sa mga taong gustong pumatay sa amin noon.
"Hmm, baka nga siguro hindi pa bumabalik ang mga alaala mo?" inayos nito ang suot na suite at kinuhang muli ang kopita at uminom doon. Kuminang ang mga singsing niya sa daliri.
Hindi na ako magtataka kung bakit niya alam ang tungkol doon sa akin.
"Pero hindi ako bubo na hindi malaman na may plano kayo ng kapatid mo."
Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Na parang wala lang ang lahat. Maging siya ay nagtaka sa aking kinilos. Hindi ako nagwala. Hindi umamin. Wala.
Hinding hindi ko ilalaglag ang nga taong alam kong masasandalan ko sa oras ng aking pangangailangan. Hinding hindi ko ipapahamak si kuya.
"Tama kayo. Oo, kasama ko si Melissa sa Samar. Ngunit tulad ng tingin niyo sa akin kung bakit ako nandito ay kailangan ko ng pera para makapag aral. Trabaho ko ho iyon. Wala na po akong alam bukod doon. Si sir Diego, nag uusap kami tungkol kay maam Bloom at wala ng iba. Iyan kang ho ba ang kailangan niyo?"
Ngayon, isipin mo na may amnesia parin ako. Hinding hindi ako aamin sa plano namin ni kuya.
Pagak itong tumawa at hindi makapaniwala. "Ikaw..." tinuro niya ako. "I like you. I like you." Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking baba.
"But once I am right Addelyn, Mamamatay ang kapatid at ama mo."
Tinulak ako ng dalawang tauhan ni Don Cleo palabas ng kanyang opisina. Pagkalabas na pagkalabas ay nanghina ako agad. Bumuhos ang aking luha kaya dire-diretso ako sa aming kwarto at doon na ako umiyak ng umiyak.
Nahihirapan akong umalis ng basta basta. Kung aalis ako na nandito pa si kuya, mapapahamak siya. Dapat kong pag isipan ang mga gagawin ko.
Natapos iyon na parang wala lang sa akin. Nanilbihan ako ng maayos. Si kuya ay bihira ko nang makita dito sa mansyon at maging si Kuya.
Pagod na pagod ako sa kakalinis ng malalaking picture frames ng tumawag si kuya sa cellphone ko.
"Kuya, kamusta ka?" agad kong tanong.
"Addelyn, you have to listen." narinig ko siyang nagmumura. "Kailangan mo nang umalis diyan. You are not safe there anymore."
Natulala ako at kinabahan. Lumabas ako ng mansyon at nagtungo sa mga bulaklak. Sinigurado kong walang makakarinig.
"Kuya bakit? Ikaw? Paano ka?"
"Damn it. Wag mo akong alalahanin. Just do what I said. Leave. Slowly but surely. I want you safe. Walang kahit anong sakit sa katawan mo. Addelyn, pag nasaktan ka ng kahit sino makakapatay ako."
Uminit ang gilid ng aking mga mata. Fuck.
Hindi ko sasabihin. Hindi ko gagamitin ang sariling kahinaan ko para magalit si kuya.
"Okay. Gagawin ko. I know what to do na kuya. Uunti untiin ko."
"Good. I love you."
"I love you kuya. Keep safe please."
"No, you. You have to take care for me." paninigurado niya.
I ended our call at nag isip ako ng dapat gawin.
Kinabukasan ay linggo at tambak na ang mga answer sheets ko. Hindi ito kinuha ni Felix. Habang si Bloom naman ay nakakapunta nang Unibersidad.
Nahiya akong ibigay ito kay Bloom lalo na at hindi na kami masyadong nagpapansinan.
Alam ko kung saan akong Unibersidad naka enrolled. At sa tingin ko ay kailangan ko na itong ibigay lalo na at mag sesecond semester na pero nandito parin ito sakin.
Nagbihis ako at nagpaalam sa mayordoma na kailangan kong pumunta ng eskwelahan. Ipapasa ko lamang ito. Ayokong masayang ang pag aaral ko.
Nagbihis ako ng T shirt at Pantalon. Sumakay ako ng traysikel papunta sa Unibersidad. Kahit nakasakay ako, sa daming sasakyan sa kalsada ay alam kong pinasusundan ako ni Don Cleo.
Parang sasabog ako sa kaba. Kinagat ko ang labi at tiniis ang takot na nararamdaman ko.
Hanggang sa makarating ako sa eskwelahan, nagtanong ako kung saan ang room ni Felix lalo na at siya ang adviser ko.
"Oh! Si Sir Felix ba? Bihira nalang iyon dito pero tignan mo sa Building Two. Ang pinakahuling room sa ikalawang palapag iyon ang kanya." sabi ng guard sakin.
"Maraming salamat po." hindi ako nawalan ng pag asa at tinungo iyon.
Nararamdaman ko na may sumusunod parin sakin. Paano ako makakaalis sa puder ni Don Cleo kung bawat galaw ko ay nakamasid siya?
Saktong lunch break at nagsilabasan ang mga studyante at nakita ko nga si Felix. Nag aayos siya ng mga papel bago pumikit at pinatunog ang kanyang leeg. Tila pagod siya.
Kumatok ako sa pintuan ng room niya para mapansin. Agad siyang napatingin sakin.
"What's bring you here?" agad na tanong niya. Napalunok ako at tinitigan ang likod ko. Walang sumusunod na sakin dito pero alam ko na nasa paligid lang.
"Uh, itong mga exams at activities ko pala. H-Hindi ko pa naipapasa saiyo s-sir."
Lumapit ako sa kanyang mesa at nilagay doon.
Ngumuso siya at inenspeksyon ang mga papel ko. "Alright. I'll check this."
"T-Thank you.."
Nalalanghap ko ang bango niya. Pakiramdam ko ang daming nagbago sa kanya. Mas lalong uminit ang aking mga mata sa nagbabadyang luha.
Napatigil ang aking mga mata sa kanyang leeg. Nakita ko ang iilang kiss bite doon. Nanghina ako.
Hindi lang iyon dahil saktong may tumawag sa kanya at nakalagay sa cellphone niya ay "My Bloomeria" ang caller.
Umiwas ako bago pa malaglag ang aking mga luha.
~~~
Paano ako makakaalis kung alam ko na nasa piitan nila si daddy? Tatlong araw na ako halos hindi makatulog. Ginugol ko nalang ang mga oras ko dito sa mansyon. Sabi ni kuya gumagawa siya ng paraan para makuha niya si daddy.
Alam ko na nahihirapan na rin si kuya.
"Addelyn... Ako na lang ang magdadala ng mga ito sa kuwarto ni Don Cleo." sabi ng mayordoma sakin. Para siyang kabado na hindi ko alam. May awa sa kanyang mga mata.
"H-Ho?" tinitigan ko ang pagkain na nasa tray. Hawak niya iyon.
Tumingin siya sa paligid maging ako ay ginaya siya. Napalunok ako dahil sa simple niyang galaw ay alam ko na agad.
"Umalis kana dito Addelyn." bulong niya sakin. "Naaawa ako sayo. I-Iyong apo ko ay umalis dito dahil pinagsamantalahan raw ng Don."
Nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin?
"I-Ibig mo bang sabihin na baka gawin niya sakin? B-Bakit mo ho ito nasasabi sakin? Anong nakita o narinig mo?"
Naramdaman ko ang pangangatal ng katawan niya. "Si Don , Addelyn ay pinagpapantasyahan ka. Hindi iyon titigil. Ako na ang nakikiusap sayo na umalis kana dito."
Napalunok ako. Nag usap kami ng Mayordoma bago niya binigay ang pagkain ni Don Cleo.
Nang alam ko na wala si Rowena sa kwarto ay pumasok ako doon at tinawagan si kuya.
"Kuya!" sabi ko ng sumagot siya agad.
"Addelyn, doon ka likod dumaan. Doon kita aantayin. Umalis kana diyan ngayon na."
Tumango ako at napapikit.
Alam ko na makakalabas ako dito. Kung hindi ako magpapahalata ay makakalabas ako.
Nangangatal ang aking buong katawan sa kaba. Napalunok ako at inayos ang sarili. I'll bring my phone with me. Alam ko na kung saan ako ay malalaman ni kuya dahil dito. Isang pindot ko lang ay makakahingi ako ng tulong kahit paano.
Lumabas ako ng kwarto at nakitang abala ang mga katulong. Alam mo talaga ang isang lugar na hindi safe para sayo dahil unti unti itong nagiging estranghero.
Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig ng makita na abala sila sa pagluluto ay umalis ako agad doon at doon dumaan sa harapan na gate. Hindi pwedeng sa likod dahil maghihinala sila.
Si Felix lang ang dahilan kung bakit ginusto ko na dito manatili pero ngayong alam ko na wala na akong puwang sa puso niya ay aalis na ako kahit ano man ang mangyari.
Naniniwala ako na maililigtas ni kuya si papa.
Palabas na ako ng mansyon ng harangan ako ng dalawang tauhan ni Don Cleo. Napalunok ako.
Tinitigan ko sila. "Bakit po? May bibilhin ako." simpleng sabi ko at napalunok ng makitang patuloy sila sa pag abante sakin.
"Pasensiya na. Hindi ka puwedeng lumabas . Napag utusan lang."
Bawat abante nila ay ummatrs akopara iwasan sila.
"Ano? Bakit akopagbabawalan?"
Nakita kong' may hawak ng panyo ang isa sa kanila at nanlaki ang mga mata ko.
Hindi!
Nilukob ako ng kaba ng ambang tatakpan niya ang ilong ko ng panyo. Tumakbo ako at pinindot ang aking cellphone. Siya ang paghila ng aking buhok ng lalaki at napatili ako ng napadapa ako sa lupa.
"K-kuya!" sigaw ko at naramdaman ang pagtalbog ng cellphone ko sa kung saan. Sa aking pagtili ang siyang paglanghap ko ng amoy sa panyo. My vision became blurry . Bago pumikit ng sapilitan ang aking mga mata ay nakita ko ang dalawang pares ng sapatos.
"Oh dear Addelyn. "
--------
Hindi ako makagalaw ng maalimpungatan ako. Masakit ang aking buong katawan at namalayan ko nalang na nakahubad na ang aking pang itaas na damit ko. Napabalikwas agad ako ng upo at sumiksik sa dulo ng tingin ko ay kulungan? Nandito ako sa underground ng mansyon ni Don Cleo!
"T-tulong!!" namamaos kong sigaw ng maramdaman ang sakit sa aking gitnang hita. Halos magimbalako dahil sa nakikita ko na nagkakagulo.
Pilit kong tinatabunan ang aking hubad na pang itaas na katawan. Akam kong' magulo sa labas at ngayon ko lang nalaman dahil ngayon lang ako nagising at hindi ko alam ang nangyari!
Unti unti kong tinitigan ang aking katawan. Marami akong pasa. Maraming sugat ang aking katawan at parang hindi ako makakilos ng maayos.
Nang lumabas ako ng kulungan , nakita ko at narinig ang iilang sigawan at barilan. Narinig ko ang tilian ng kung sinuman. Parang isang pelikulang nasa gyera. Nanginginig ang aking kalamnan ng makita si kuya.
He save me. He save me pero hindi ang aking ama. Nakita kong walang buhay ang aming ama sa harapan ni kuya. Marami siyang sugat at nanghihina niya akong tinitigan.
"I'm sorry. Sorry mahal kong kapatid. Huli na ako."
Sa likod ni kuya ay dumako doon ang aking tingin at nakita si Felix na sugatan. Napalunok ako .
Ang dungeon na punong puno ng dugo at mga katawan na sa tingin ko'y nakakulong dito ang nagkalat. Nangilid ang aking luha at napaluhod.
Bakit sa isang higlap ay nagkaganito ang lahat? Kung may malay ba ako ay makakaya ko ang lahat? Makakaya ko ba ang mga nakita ko?
Pagod na napaupo sa sahig si Felix. Sinabunutan niya ang kanyang sariling buhok. Nnag titigan ko si kuya ay hindi ko na siya mamukhaan sa dugo na nasa kanyang mukha. Bakit nagawa ni Cleo ang mga ito?
"Today is the end.." mahinang sambit ni kuya at nakita kong' dumaloy ang luha niya. Kalaunan ay naramdaman ko ang pagsakit ng aking pagkababae. Nagimbal ako. Nangatal ang aking pagkatao. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Pighati. Pagkasuklam. Awa.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Felix sakin ng mahigpit. Sa sobrang luha ko ay hindi ko iyon namalayan.
"I'm sorry. I'm sorry." patuloy niyang sambit. Mas lalo akong umiyak.
"Hindi sapat ang buhay nila sa kanilang ginawa. Patawarin mo ako kapatid ko. P-patawarin mo ako." napahilamos si kuya ng mukha at umawang ang labi ko.
"A-anong nangyari s-sakin?" nahihirapan kong tanong at bumaba ang tingin sa kamay ni Felix na maraming dugo. Mas lumakas ang aking iyak.
"I'm sorry.." si Felix at humigpit ang hawak sakin. "Hindi sapat ang buhay nila. Hindi sapat na sila lang ang namatay." banta ni Felix.
SILA?
Gusto kong sumigaw ngunit isang mahabang iyak ang nagawa. Hindi ko alam kung bakit ako humantong sa ganito.
Binaboy nila ako.