Chapter Twenty-Seven

Mas pinili ko na lang na hindi seryosohin ang sinabi ni Arken.

Aminado ako na kinakabahan ako. Malaki ang posibilidad na kuhanin niya talaga sa 'kin si Vander, kapag nangyari 'yon, wala akong choice kundi ang humingi ng tulong kay Vaughn. Siya lang ang kilala ko na kaya akong matulungan, at kayang kalabanin si Arken. Siguro kakapalan ko na lang ang mukha ko.

“Is there something bothering you?”

Napatingin ako kay Vaughn nang umupo siya sa tabi ko saka inabutan ako ng baso na may lamang gatas. Napangiti na lang ako at kinuha 'yon. Alam na niya talaga ang kailangan ko kapag hindi ako makatulog.

“Wala naman, hindi lang ako makatulog,” pagdadahilan ko na lang saka ininom ang gatas.

“You're absolutely lying, Dr. Macarios. Nagpupunta ka rito kapag marami kang iniisip, lalo na nung mga panahong nag-aaral ka pa lang,” natatawang sabi niya saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

Palagi talaga akong nandito sa pool area kapag marami akong iniisip, nakatitig lang sa pool nang ilang oras. Weird mang pakinggan pero napapakalma no'n ang isip ko kahit papa'no.

“You can tell me what's bothering you,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa 'kin.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at tipid na ngumiti sa kanya. Napangiti na lang din siya at hinawakan ang kamay ko saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Napalunok na lang ako at napaiwas ng tingin nang pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako masanay-sanay sa tuwing ginagawa niya 'to. Pakiramdam ko teenager pa rin ako na kinikilig sa bawat gestures ng crush ko.

Minsan naguguluhan ako kung bakit niya ginagawa ang mga 'to. Minsan hindi ko maiwasang isipin na baka may gusto rin siya sa 'kin, o baka naman pinapaasa niya lang ako, o kaya naman ganito lang talaga siya at normal lang 'to sa kanya. Pero hindi ko pa naman nakita na ginawa niya 'to sa ibang babae, at ayoko rin namang makita na gawin niya 'to sa ibang babae.

“Kumusta ang pangangampanya mo?” pag-iwas ko na lang sa usapan. Napangiti na lang siya saka mahinang kinurot ang ilong ko.

“You're changing the topic, silly woman,” sabi niya saka pinaningkitan ako ng mga mata.

“Sagutin mo na lang,” ungot ko.

Inakbayan niya ako, yumakap na lang ako sa baywang niya at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ang bango talaga ni Vaughn.

Magkaiba sila ng amoy ni Arken.

Natigilan na lang ako at napailing. Bakit naman biglang napasok sa isip ko ang lalaking 'yon?

Ayaw ko mang aminin, pero hanggang ngayon tanda ko pa rin ang amoy ni Arken. Siguro tumatak na talaga 'yon sa sistema ko, pero wala namang ibig sabihin 'yon. Mahirap lang siguro talaga 'yong kalimutan.

“It's kinda tiring, as always. Especially the smile part, it's not easy to smile for hours. Ang sakit sa psingi,” natatawang sabi niya at hinawakan pa ang pisngi niya.

Lumayo ako nang kaunti sa kanya, napangiti na lang ako at kinurot ang pisngi niya.

“Hmm, paano yung mga kalaban mo? Hindi ka ba naii-stress sa kanila?” tanong ko.

Natigilan siya sa tanong ko, saglit siyang natahimik pero ngumiti na lang siya sa 'kin bago sumagot.

“Wala naman akong matinding kalaban, si Arken Zaviere lang talaga. Nag-tie kami sa survey kahapon. To be honest, I'm kinda nervous, he's not an easy opponent,” sabi naman niya.

“Wag kang mag-alala, mahaba-haba pa naman ang oras mo para mapatunayan ang sarili sa mga tao. Saka sigurado naman ako na kinakabahan din si Arken Zaviere sa 'yo,” sabi ko na lang saka tinapik ang balikat niya.

Sa totoo lang duda ako sa sinabi ko. Hindi ko pa yata nakitang kinabahan si Arken sa ganitong bagay, o baka naman hindi lang siya mahilig magpakita ng emosyon.

Napailing na lang ako at mahinang sinampal ang sarili ko. Nakakainis talaga ang Arken na 'yon, nagugulo na naman ang isip ko ng dahil sa kanya. Malamang natatakot ako sa katotohanan na kaya niyang makuha si Vander mula sa 'kin.

Hindi ko siya maintindihan, pumayag na siya na sa akin na lang si Vander, sinabi niyang hindi na niya kukuhanin sa 'kin di Vander, at sa kanya na rin mismo nanggaling na wala siyang karapatan na maging ama ni Vander.

“I'm still confused, Ayen. Of all places in this country. Why did he suddenly run as a governor here in Sorsogon? I mean, he's from Caloocan. Bakit hindi na lang siya sa Caloocan tumakbong gobernador? Bakit dito pa?” tanong niya habang nakatitig sa pool.

Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niyang 'yan dahil maski ako ay nagtataka kung bakit pa siya rito tumakbong gobernador.

“You were from Caloocan City too, right? I think you kind of know him,” sabi niya habang nakatitig sa 'kin.

Alanganing ngumiti na lang ako sa kanya. Ayokong magsinungaling sa kanya, pero hindi ko alam kung handa na ba akong sabihin kung ano ang naging papel ni Arken sa buhay ko. Mas mahirap ngayon lalo pa't may nararamdaman siyang inis kay Arken dahil sa pulitika.

“M-mayor siya ng Caloocan City, medyo kilala ko siya, pero hindi personally,” sabi ko na lang. Napatango na lang siya saka hinaplos ang buhok ko.

“I think you should rest now, Ayen. Maaga pa ang pasok mo sa trabaho bukas,” nakangiting sabi na lang niya saka dinampian ng halik ang noo ko.

Hinabol ko na lang siya ng tingin nang tumayo siya at pumasok na sa loob ng bahay. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napabuntong hininga.

Bakit kailangan pang guluhin ni Arken ang tahimik ko ng buhay? Bakit kailangan niya pang bumalik at pahirapan ako nang ganito?

* * *

“Bakit ka ba tingin nang tingin sa labas?”

Napatikhim na lang ako sa tanong ni Ember at kinagat ang tuktok ng ballpen ko. Ibinaling ko na lang sa kanila ang tingin ko at iniwas ang tingin ko sa labas.

“Naghihintay lang ako na may pumasok na kailangan ng tulong natin,” sabi ko na lang saka muling tumingin sa labas.

“Baka naman hinihintay mo si Arken Zaviere.”

Napaubo ako sa sinabi ni Jian. Agad akong inabutan ng tubig nina Elein, agad ko namang ininom 'yon.

“Bakit ko naman hihintayin ang lalaking 'yon? I mean, bakit ko naman siya hihintayin? Hindi naman kami close.” Uminom ulit ako ng tubig.

“Bakit parang close kayo noong nag-usap kayo nung nakaraan?” pang-uusisa pa ni Elein.

“Siyempre, tinulungan ko siya diba? Nagpalasalamat lang siya sa 'kin ng personal. Kung kayo ang nasa posisyon niya gano'n din naman ang gagawin ninyo diba?” tanong ko pa. Napatango na lang sila sa sinabi ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatingin sa cellphone ko. Napatingin ako sa facebook at instagram, sa totoo lang matagal na akong nangangati na mag-online sa dating account ko at silipin kung kumusta na sina Aljen at Wrena, pero nahihiya ako.

Bigla na lang akong nawala nang walang paalam, paniguradong sobra silang nag-alala nang mga panahong 'yon. Sigurado rin ako na galit sila sa 'kin ngayon dahil hindi ako nagparamdam sa kanila ng anim na taon.

Lumabas ako ng clinic at umupo sa may malapit na bench habang hawak hawak ang cellphone ko.

Huminga ako nang malalim at sinubukang i-recover ang dati kong account. Kinakabahan ako, nanlalamig din ang mga kamay ko dahil pakiramdam ko manghihina ako sa mga messages na makikita ko.

Agad kong tiningnan ang mga chat sa akin nina Wrena at Aljen. Napabuntong hininga ako nang makitang ilang daan na ang mga chat nila sa 'king dalawa, lalo na kay Wrena.

Naramdaman ko ang panlalabo ng paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala nang makitang kaka-chat lang sa 'kin ni Wrena noong isang linggo.

Mukhang palagi niya akong china-chat na tila nagba-baka sakali na mag-online ako.

Hoy bruha, kumusta ka na? Buntis ako ngayon at kukuhanin kitang ninang. Sana magpunta ka sa binyag ng future inaanak mo, sasabunutan kita.

Kahit pakiramdam ko hindi ko kakayanin, sinubukan ko pa ring i-backread ang mga chat niya.

Ayen naman. Walang araw na hindi ka namin naiisip ni Aljen, sobra kaming nag-aalala. Si mayor ba ang dahilan kaya umalis ka? Ginawan ka ba ng masama ng putanginang yon?

Ayen. Kumusta kayo ng anak mo? Sana okay lang kayo kung nasaan man kayo ngayon.

Ayen. Naghiwalay kami ni Aljen, puro na lang kami away. Kailangan kita ngayon.

Ayen. Nagpropose sa 'kin si Aljen, ikakasal na kami! Sana makapunta ka.

Ayen, ikinasal kami ni Aljen kasabay ng pagpasa niya sa exam. Attorney na siya! Mas gagaling na siya magsinungaling. Sana nandito ka, miss na miss ka na namin.

Ikinasal kami ni Aljen kahapon, Ayen. Ang tindi niya sa honeymoon. Ang galing niya sa kama hihihi!

Napangiti na lang ako at nagpigil ng tawa habang dumadaloy ang mga luha sa pisngi ko.

Inaasahan ko na puro hate messages ang bubungad sa 'kin, pero mali ako. Hindi pa rin sila nagbabago, naniniwala sila na may matinong dahilan ang pag-alis ko. Naniniwala sila na hindi ko magagawang umalis ng gano'n gano'n na lang.

Tiningnan ko ang instagram account nila ni Aljen. Totoo ngang kinasal sila at attorney na ang loko lokong si Aljen. Sobrang saya ko para sa kanila, sabi na nga ba sila ang magkakatuluyan sa huli, sabi na nga ba at magiging masaya sila at mamahalin nang sobra ang isa't isa.

wrenamijares: tuwang tuwa si @aljenM, magiging daddy na siya. I'm 8 weeks pregnant yow!

Natawa na lang ako sa caption niya sa instagram, picture niya 'yon na nakahawak sa tiyan niyang medyo maliit pa. Napangiti ako nang makita ang wedding ring nila ni Aljen na sout niya.

Napasinghap ako nang makita ang incoming call na galing kay Wrena. Agad na naglabasan ang tadtad na chat mula sa kanya, mukhang nakita niyang online ako.

Tangina ka Ayen! Sagutin mo to kung ayaw mong ipakulam kita!

Ayennnn sagutin mo! Magagalit na talaga ako sayo for real!

Napabuntong hininga na lang ako at dali daling nag-log out. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napapikit nang mariin.

Hindi pa ako handang makausap sila, hindi ko alam kung magiging handa pa ba ako dahil ayoko ng balikan ang naging buhay ko sa Caloocan.

Tumayo na lang ako at pinagpag ang damit ko saka nanghihinang pumasok sa clinic.

“Uuwi ka na?” tanong ni Ember. Tipid na ngumiti na lang ako saka tumango at binitbit ang bag ko.

“Kaya na ni Doc Orlando rito, kaunti lang naman ang pasyente ngayon eh,” sabi ko na lang at agad na lumabas.

Tila lutang ako habang nagmamaneho papuntang school ni Vander. Mukhang maling ideya talaga na nag-log in pa ako sa dati kong account. Paniguradong ilang gabi akong hindi makakatulog nang ayos kakaisip kina Wrena.

Pero kahit papa'no nakampante ako, mukhang maayos ang buhay nila at masaya silang nagsasama, mahal na mahal din nila ang isa't isa.

Itinigil ko ang kotse sa parking space ng school, agad akong lumabas ng kotse. Natigilan ako nang makita si Vander sa labas ng school habang kausap si Arken.

Agad na bumilis ang pintig ng puso ko. Dali dali akong lumapit sa kanila at hinila si Van palayo kay Arken. Halata namang natigilan ang anak ko sa ginawa ko.

“Van, diba sabi ko sa 'yo wag kang makikipag-usap sa strangers?” tila nanenermong sabi ko kay Vander.

“He's not a stranger though, he's Arken Zaviere, he will be the governor of Sorsogon,” sabi niya na tila ba sigurado siya na si Arken ang mananalo sa pagka-gobernador.

“Kahit na! Hindi mo pa rin siya lubusang kilala! At ikaw naman! Diba sinabi ko na sa 'yo na 'wag mo ng kakausapin ulit ang anak ko!” naiinis na sabi ko habang nakatingin nang masama kay Arken.

“Wala naman akong sinabi na susundin ko ang sinabi mo,” walang emosyon na sabi niya habang nakikipaglabanan ng titig sa 'kin.

Parehas na parehas talaga sila ng paraan ng pagtingin ni Vander, nakakataas ng balahibo. Walang duda na mag-ama talaga silang dalawa.

Pero hindi ako makakapayag na kilalanin siyang ama ni Van. Hinding hindi ko malilimutan na siya ang dahilan kung bakit muntik ng mawala sa 'kin ang anak ko.

“Halika na, Vander!”

Hinila ko si Vander papuntang kotse. Natigilan ako nang mapansing lumilingon siya kay Arken. Mas lalo akong nakaramdam ng inis. Ano ba ang ginawa ng Arken na 'yon at gumaan kaagad ang loob sa kanya ni Van?

Tahimik kaming pareho ni Vander hanggang sa makauwi kami. Malakas ang pakiramdam ko na nagtatampo siya sa 'kin.

Bakit ba siya nagtatampo? Dahil ba hindi ko siya hinayaan na makausap nang matagal ang Arken na 'yon?

“Vander.”

Agad akong nagtungo sa silid niya nang matapos na akong magshower. Hindi niya ako nilingon, nanatili siyang nakatingin sa TV, nanonood na naman siya ng murder documentaries. Hindi na siya nagsawa sa mga ganyang palabas.

“Anak, nagtatampo ka ba sa 'kin?” tanong ko saka umupo sa tabi niya.

“I want to know him more,” sabi niya, hindi niya sinagot ang tanong ko.

“Bakit ba gusto mo siyang makilala pa? Hindi ba sapat sa 'yo ang Tito Vaughn mo? Mas mabait siya, inalagaan ka niya, minahal ka niya, at hindi ka niya sasaktan.”

Matagal ko ng gusto na kilalanin niya si Vaughn at pakisamahan nang maayos. Kaya nagtataka ako kung paano nakuha ni Arken ang loob niya sa loob lang ng ilang minuto nilang pag-uusap?

“I don't like Vaughn,” sabi na lang niya saka tumingin sa mga mata ko.

Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang kamay niya.

“Bakit ba ayaw mo kay Vaughn? Mabuti naman siyang tao, wala naman siyang ginawang masama sa 'yo diba?”

Tumango na lang siya sa tanong ko.

“Kaya nga, bakit hindi mo siya gusto? Bakit ang lamig mo sa kanya?”

Muli siyang tumingin nang seryoso sa mga mata ko bago sumagot.

“Because he's not my father.”

Natigilan ako sa sagot niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa sinabi niya at napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.

“B-bakit? Hindi mo rin naman tatay si Arken Zaviere diba?” nauutal na tanong ko.

“Ain't he my father though?” tila inosenteng tanong niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

Literal na nanginig ang mga tuhod ko sa tanong niya. Kung pakikinggan, ang inosente nang pagkakatanong niya sa 'kin, pero alam kong may laman ang tanong niyang 'yon. Masyado ko yatang minaliit ang kakayahang mag-isip ng anak ko.

“Anak,” nasabi ko na lang. Pakiramdam ko naubusan ako ng sasabihin.

Huminga ako nang malalim at napakagat sa ibabang labi ko.

“H-hindi siya ang tatay mo, saan mo naman nakuha ang ideyang 'yon?”

Tipid na ngumiti na lang si Van saka tumango.

“If you say so,” sabi na lang niya saka muling ibinaling ang tingin sa TV.

Hindi ko alam kung naniwala ba siya sa sinabi ko, pakiramdam ko hindi. Saan niya ba kasi nakuha ang ideyang si Arken ang tatay niya? Oo nga't totoo 'yon, pero sa edad niya, hindi niya dapat agad nalalaman 'yon.

“Vander, galit ka ba sa 'kin?” tanong ko na lang saka muling hinawakan ang kamay niya.

Muli siyang napatingin sa 'kin. Napabuntong hininga na lang siya at kinuha ang remote saka pinatay ang TV. Natigilan ako nang lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.

Tipid na napangiti na lang ako at ginantihan siya ng yakap, kahit papa'no napagaan no'n ang loob ko. Minsan lang maglambing si Vander kaya ang sarap sa pakiramdam.

“Hindi po ako galit, Mama. I will never be mad at you, I love you more than anything,” sabi niya habang nakayakap sa 'kin.

May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.

“Mahal na mahal din kita, baby ko.”

Kahit papa'no, nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Masaya ako na pinaniniwalaan ako ni Van na nalulungkot din, nagsinungaling ako sa kanya. Alam ko namang malalaman niya rin di kalaunan kung sino ang totoong tatay niya, pero kinakabahan pa rin ako.

“Tulog na ba si Vander?” tanong ni Vaughn at lumapit sa 'kin. Ngumiti na lang ako saka tumango.

“Why are you still awake?” tanong niya pa ulit saka marahang hinaplos ang pisngi ko.

Umupo ako sa couch, umupo rin naman siya sa tabi ko habang seryosong nakatingin sa 'kin na tila hinihintay ang sasabihin ko.

“Vaughn, may gusto sana akong aminin sa 'yo,” kinakabahang sabi ko saka tumingin sa kanya.

“About what?”

“T-tungkol sa tunay na tatay ni Van--”

Naputol ang sasabihin ko nang lumapit sa 'min si Gina. Mukhang nag-aalangan pa ito na lumapit, mukha siyang kinakabahan.

“Ma'am, Sir, m-may tao po sa labas,” sabi ni Gina saka napakamot pa sa batok niya.

“M-may nakapasok sa gate?” nagtatakang tanong ko. Tumango naman si Gina.

“Opo, nasa tapat po siya ng bahay eh, ayoko pong lapitan, hindi naman po kasi siya mukhang guard. Natatakot po ako,” kinakabahang sabi ni Gina.

Tumayo si Vaughn at agad na nagtungo sa kwarto niya. Napakunot na lang ang noo ko at hinabol siya ng tingin.

“Sige Gina, matulog ka na, kami na ni Vaughn ang bahala,” sabi ko na lang saka ngumiti sa kanya. Tipid na ngumiti na lang din siya saka tumango saka umalis.

Napatingin ako kay Vaughn na kagagaling lang sa kwarto niya. Agad akong tumayo at sinundan siya nang lumabas siya ng bahay.

“Stay inside, Ayen,” ma-otoridad na sabi niya nang mapansin niyang sumunod ako sa kanya ngunit hindi ako nakinig.

Natigilan ako nang mapatingin sa lalaking nakatayo mula sa di kalayuan. Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko.

Arken? Bakit siya nandito?

“Arken Zaviere? What the fuck are you doing here?! This is trespassing assh-le!”

Nanatili ako sa kinatatayuan ko nang lapitan ni Vaughn si Arken. Napalunok na lang ako nang magtagisan sila ng tingin, halos magkasing-tangkad lang sila.

Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa paligid nila, para silang magsusuntukan anumang oras.

“How ironic, Regnier. You're a trespasser too, aren't you?” walang emosyon na tanong ni Arken.

Ano ang ibig niyang sabihin do'n?

“Cut the crap, what the fuck do you need from me?”

Hindi sinagot ni Arken ang tanong ni Vaughn, tumagos ang tingin niya rito at tumingin sa 'kin. Napalunok na lang ako ag bahagyang napaatras nang magsalubong ang tingin naming dalawa.

Ilang metro naman ang layo namin sa isa't isa, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang intensidad ng titig niya.

“I don't need anything from you, but I need something from her,” sabi ni Arken habang nananatiling nakatitig sa 'kin.

Umakyat ang kaba sa dibdib ko. Ano ba ang trip nitong si Arken?

“You don't know that I'm the father of her child? That's impossible, Regnier,” tila sarkastikong sabi ni Arken saka tumingin kay Vaughn.

Hindi nagsalita si Vaughn, nanatili siyang nakatingin nang masama kay Arken na para bang may mabigat pa itong galit maliban sa magkalaban sila sa pulitika.

“I won't buy that crap, you're not Vander's father. Ayen and Vander? They're mine now, fucking leave.”

Umigting ang panga ni Arken sa sinabi ni Vaughn, mas tumindi ang intensidad ng tingin nito.

“Are you her husband? Are you her boyfriend? Just shut the fuck up, Regnier.”

“You're in my territory, Zaviere,” mariing sambit ni Vaughn saka itinulak si Arken.

“This is your territory, but Ayen and my son? I don't think they are yours too. That's why I'm here, I'm claiming what's rightfully mine.”

Nagtayuan ang mga balahibo ko nang ibaling ni Arken ang tingin niya sa 'kin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya.

Ano ba ang pinagsasasabi niya? Akala ko ba si Vander lang ang babawiin niya? Bakit pati ako kasama?

Napailing na lang ako, hindi rin naman ako papayag na kuhanin niya si Vander, hinding hindi ako papayag.

Napasinghap ako nang maglabas ng baril si Vaughn at itinutok iyon sa noo ni Arken.

“Fucking leave now before I lose it, Zaviere.”

Mas lalo akong kinabahan nang kuhanin din ni Arken ang baril mula sa bulsa ng coat niya at tinutukan din si Vaughn.

Baliw ba siya?! Hindi pa nga yata nagaling ang sugat niya, makikipagbarilan pa siya!

“Bring it on, motherf-cker,” malamig na sabi ni Arken habang nakatitig kay Vaughn.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.