Tila may kung anong mabigat na tensyon ang nanggaling sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko nga ay talagang magbabarilan sila.
Kinakabahang napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Dapat na ba akong makialam?
Napatili ako nang paputukin ni Vaughn ang baril niya. Napahawak ako sa dibdib ko at kinakabahang napatingin sa kanila, nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang hindi niya binaril si Arken, sadyang pinaputok niya lang ang baril.
Mukhang hindi man lang nagulat si Arken sa putok ng baril at nanatiling walang emosyon na nakatitig kay Vaughn.
“Tama na 'yan!”
Agad akong lumapit sa kanila. Humawak ako sa braso ni Vaughn at hinila siya palayo kay Arken.
Hindi ko alam kung bakit natigilan ako nang mapatingin si Arken sa kamay ko na nakahawak kay Vaughn. Napailing na lang ako.
“Baka magising si Vander sa ginagawa niyo at makita pa kayong nagbabarilan dito! Ikaw naman, Arken, diba sinabi ko na sa 'yo na wala kang karapatan sa anak ko! Ano ba ang hindi mo maintindihan do'n?!”
Hindi siya sumagot, nanatili siyang tahimik habang nakatitig sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Vaughn.
“I never follow orders from anyone, Jonalyn,” sabi nito saka tumitig sa mga mata ko.
Napabuntong hininga na lang ako at hinarap si Vaughn at hinawakan ang kamay niya.
“Kakausapin ko lang siya, a-ako na ang bahala, pumasok ka na sa loob,” sabi ko na lang saka tipid na ngumiti sa kanya.
Ilang segundo ring napatitig sa 'kin si Vaughn na tila ba hindi siya kampante na kausapin ko si Arken nang mag-isa. Ngumiti na lang ulit ako sa kanya at tumango.
“Sige na, Vaughn, kaya ko na 'to. Ako na lang ang kakausap sa kanya kaysa magbarilan kayo, a-alam mo namang takot ako sa baril diba?” tanong ko na lang. Napabuntong hininga siya saka tumango.
“Just scream loudly if he tries to harm you or take you away,” tila hindi pa rin kumbinsidong sabi niya saka bahagyang hinaplos ang pisngi ko.
Tumalikod na si Vaughn at pumasok sa bahay, hinabol ko na lang siya ng tingin bago hinarap si Arken at tiningnan siya nang masama. Nanatili naman siyang walang emosyon na nakatingin sa 'kin.
“That's fucking sweet, I almost teared up,” may bakas ng sarkasmong sabi niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko, naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya.
“Bakit ka ba nandito? Ano ba ang pinaglalaban mo?! Diba pumayag ka na nung una na sa 'kin na lang si Vander at hindi mo na siya kukuhanin, bakit biglang nagbago ang isip mo? Pinaglalaruan mo ba ako?”
Hindi sumagot si Arken at inilagay ang baril niya sa bulsa ng coat niya habang nakatitig sa mga mata ko.
“Do you love him?”
Imbis na sagutin ang tanong ko, tinanong niya rin ako. Napabuntong hininga na lang ako at inilagay ang kamay ko sa baywang ko.
“Hindi 'yan ang pinag-uusapan natin ngayon, Arken! Ang sinasabi ko, wala ka ng karapatan na kuhanin sa 'kin si Vander!”
Bakit niya ba iniiba ang usapan?
“You're not safe with that man, Jonalyn,” sabi na lang niya.
Natawa ako nang mapakla dahil sa sinabi niya. Napakagat pa ako sa ibabang labi ko upang pigilan na matawa nang mas malakas.
“Safe ako kay Vaughn, Arken. Sa 'yo ako hindi ligtas! Ikaw ang totoong mapanganib, huwag mong ipasa sa iba ang baho mo. Si Vaughn ang tumulong sa 'kin nang mga panahong pinalayas mo ako at tinangkang patayin, si Vaughn ang nagligtas kay Vander noong nasa sinapupunan ko pa lang siya, si Vaughn ang tumulong sa 'kin na umahon. Kung wala siya baka wala na rin si Vander ngayon, kung wala siya baka matagal na 'kong sumuko sa buhay ko. Kaya wag na wag mong sasabihin na hindi ako ligtas kay Vaughn, sa kanya ako pinakaligtas laban sa mga katulad mong walang puso at pakiramdam!”
Sa unang pagkakataon, napaiwas ng tingin sa 'kin si Arken. Naramdaman kong bumigat ang paghinga niya. Muli niya 'kong hinarap, pero walang bahid ng emosyon sa mga mata nito na para bang hindi siya naapektuhan sa mga sinabi ko.
Ano pa ba ang dapat kong asahan sa katulad niya? Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao?
“I... I'll talk to you again tomorrow.”
Natigilan ako nang talikuran niya ako saka umalis. Ramdam na ramdam ko ang bigat sa bawat hakbang niya. Napakunot na lang ang noo ko habang hinahabol siya ng tingin.
Inaasahan ko na pakikipag-argumento pa siya sa 'kin, akala ko ipaglalaban niya pa rin ang gusto niya.
Naapektuhan ba siya sa mga sinabi ko? Pero imposible 'yon, walang pakialam sa ganitong bagay ang Arken na 'yon, wala siyang pakiramdam.
“Is he really Vander's father, Ayen?” seryosong tanong ni Vaughn nang pumasok na ako sa bahay. Napatungo na lang ako habang nilalaro ang mga daliri ko. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
“O-oo, pasensya na kung inilihim ko sa 'yo ang tungkol do'n. Sasabihin ko naman talaga dapat ang tungkol do'n ngayon, k-kaso naunahan ako ni Arken. Natatakot din ako sa magiging reaksyon mo dahil alam kong galit ka sa kanya.”
Hindi siya agad nagsalita at nanatili lang na seryosong nakatitig sa 'kin.
Nakahinga ako nang maluwag nang kalaunan ay napabuntong hininga siya kasabay ng paglambot ng ekspresyon niya. Hinawakan na lang niya ang kamay ko at hinila ako para yakapin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at gumanti ng yakap sa kanya.
Naghuhuramentado na naman ang puso ko, palagi kong hinihiling na sana hindi niya nararamdaman ang tibok ng puso ko sa mga ganitong sitwasyon.
“Fine, I understand. Don't worry, I will protect you and Vander from him at all cost. I won't let him take you away from me.”
Kahit papa'no, pakiramdam ko gumaan ang loob ko sa sinabi niya.
Alam kong hindi niya hahayaang makuha ni Arken si Vander, magtitiwala ako sa kanya.
* * *
“Hay nako, excited na ako mamaya sa debate mamaya nina Mayor Vaughn at Arken Zaviere,” excited na sabi ni Ember at hinampas pa ang braso ko.
Napailing na lang ako at sinuri ang pusang si Kitty, ayon sa may-ari ng pusa, magda-dalawang linggo na raw ang sipon ni Kitty. Baka pneumonia na ang sakit nito.
“Ang swerte nga natin dahil dito gaganapin ang debate nila. Hay, siguradong taob 'yang si Arken Zaviere kay Mayor Vaughn,” sabi ni Jian saka napangisi.
Naloloka ako sa mga 'to, lima ang magde-debate mamaya, lima lahat ang tumatakbong gobernador ng Sorsogon pero kina Arken at Vaughn lang nagfo-focus ang mga tao. Sila ang pinakamatinding magkalaban sa ngayon.
“Try mo kayang manood ng mga naging debate ni Arken Zaviere sa ibang pulitiko, mapapanganga ka teh. Masyado ka kasing focused kay Mayor Vaughn eh, ayaw mong bigyan ng chance ang iba,” sabi naman ni Elein.
Sabi na nga ba at pag-aawayan na naman nila sina Arken at Vaughn.
“Basta Team Vaughn ako,” sabi na lang ni Ember saka napaismid.
Napailing na lang ako, bahala sila riyan, basta si Vaughn ang iboboto ko kahit ano'ng mangyari. Mas mapapabuti ang Sorsogon kay Vaughn kaysa kay Arken, wala akong tiwala sa lalaking 'yon na idinadaan lahat sa dahas.
“Team Vaughn din si Doc Ayen, bakit ba kinakawawa ninyo ako?” nakasimangot na tanong ni Elein.
Hindi ko alam kung manonood ba ako ng debate nila. Paniguradong marami ang manonod do'n. Nakakapagtaka lang na pumayag si Arken na rito iganap ang debate sa Sorsogon City, halos lahat ng taga-rito ay naka-suporta kay Vaughn dahil siya ang mayor dito.
Napailing na lang ako, ano naman ngayon kung wala siyang taga-suporta rito? Mas maganda nga iyon eh, siguradong madi-discourage siya sa magiging opinyon sa kanya ng mga tao.
“Doc Ayen, hindi ka ba manonood ng debate? Nagsisimula na,” sabi nina Elein bago sila lumabas. Tipid na ngumiti na lang ako saka umiling.
“Babantayan ko ang clinic,” pagpapalusot ko na lang.
“Babantayan mo ang clinic? Para saan pa ang guard? Halos lahat manonood, saka nasa loob naman si Doc Orlando,” nakakunot-noong sabi ni Jian.
“Hindi na, rito na lang ako,” sabi ko na lang saka iwinasiwas ang kamay ko na tila pinaaalis na sila.
Hindi ko alam kung bakit ayaw kong panuorin ang debate nila. Sa tingin ko kasi wala namang silbi kung manonood pa ako ro'n, kahit naman ano ang sabihin ni Arken doon, hindi ko rin susuportahan. Saka may personal akong galit sa kanya, lahat ng lalabas sa bibih niya paniguradong hindi ko naman magugustuhan. Mas mabuting hindi na lang ako manood.
Napatingin na lang ako sa cellphone ko at napatingin sa facebook at instagram. Kinakabahan na akong mag-online, baka makita na naman ni Wrena at tawagan niya ako ulit. Kinakabahan din akong basahin ang mga bagong chat niya, paniguradong galit na talaga siya sa 'kin dahil sa ginawa ko kahapon.
Napabuntong hininga na lang ako at umiling. Napatingin ako sa wall clock, halos isang oras na ang nakakalipas, hindi pa rin nabalik sina Ember. Bakit naman gano'ng katagal ang debate nina Vaughn at Arken?
Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumayo saka lumabas ng clinic. Nakaka-boring sa clinic kapag wala sina Ember, siguro panunuorin ko na lang ang debate nina Arken at Vaughn kahit paniguradong patapos na iyon.
Bumagsak ang balikat ko nang mapansing tapos na pala ang debate at wala na ang mga tao. Agad naman akong nilapitan nina Ember nang makita nila ako.
“Bakit ngayon ka lang lumabas? Sayang hindi mo napanood ang debate, ang intense ng aura sa paligid ni Mayor Vaughn at Arken, parang may personal silang alitan. Nakakakilig kasi ang seryoso nilang dalawa,” sabi ni Elein at impit pang napatili.
“Malakas talaga ang feeling ko na may alitan ang dalawang 'yon, kung nakakamatay lang ang tingin, baka patay na silang dalawa ngayon. Akala ko magsusuntukan na sila kanina,” nakangiwing sabi ni Jian.
Hindi naman siguro, nagtutukan lang sila ng baril.
“Baka naman nag-aagawan sila sa isang babae, diba gano'n sa mga palabas?” tanong ni Ember.
Hindi ko alam kung bakit natigilan ako sa sinabi ni Ember. Hindi naman ako pinag-aagawan ni Vaughn at Arken tulad ng nasa isip nila ngayon. Si Vander naman yata ang pinag-aagawan nila diba? Hindi naman ako.
“Hala, baka si Vierra De Guzman? Pero diba girlfriend na ni Arken Zaviere 'yon? Saka may anak na sila, bakit naman makikisawsaw si Mayor Vaughn?” nagtatakang tanong ni Elein.
Girlfriend na ba ni Arken si Vierra? Sabagay, hindi na nakakapagtaka, mas magtataka pa ako kung wala silang relasyon. Buti at pinapayagan siya ni Vierra na guluhin ako at bawiin sa 'kin si Vander. Eskandalosa pa naman ang babaeng 'yon.
“Huy, Ayen, bakit ang tahimik mo?” tanong ni Jian. Napailing na lang ako.
Bakit ko ba iniisip kung may relasyon man sina Arken at Vierra? Wala naman akong pakialam, saka hindi na dapat ako nagtataka dahil halos magtalik na sila nang maabutan ko sila noon bago ako umalis sa poder ni Arken.
“May iniisip lang ako,” pagdadahilan ko na lang.
* * *
“Ano ba ang kailangan nating pag-usapan?” nakapamaywang na tanong ko.
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Arken ang number ko, basta na lang siyang nagtext sa akin at kakausapin niya raw ako tungkol kay Vander.
“Ano? Tititigan mo na lang ba ako?” masungit na tanong ko pa.
Ginabi ako ngayon sa clinic. Pinasundo ko na lang si Vander sa driver ni Vaughn dahil may inoperahan akong aso at ngayon lang natapos.
Pagod ako at text pa ni Arken ang bumungad sa 'kin, lalo tuloy akong naiirita. Malamang ipaglalaban na naman niya ang karapatan kuno niya kay Vander.
“Come with me,” sabi na lang niya at hinawakan ang palapulsuhan ko saka hinila ako. Agad naman akong nagpumiglas pero walang silbi 'yon dahil di hamak na mas malakas siya sa 'kin.
“Bitiwan mo 'ko! Sisigaw ako,” pananakot ko sa kanya.
Tumigil si Arken, natigilan ako nang humarap siya sa 'kin at hinila ako papalapit sa kanya. Napakurap na lang ako at napahawak sa dibdib niya dahil nabigla ako sa ginawa niya.
“I just want to talk to you about our son, Jonalyn. I won't kidnap you or what. Just fucking cooperate, I'm tired as fuck,” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang ulo ko upang tumango sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko sa tono ng boses niya na pagod talaga siya. Alam kong hindi naman dapat ako naaawa sa kanya pero hinayaan ko na lang siya at nagpatianod sa kanya.
Nababaliw na rin yata talaga ako.
Tahimik lang kaming pareho sa kotse niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, dapat ay nasigaw na ako ngayon at kinukulit siya na pababain ako. Siguro pagod na rin akong makipag-argumento sa kanya at interesado rin naman akong pakinggan ang sasabihin niya.
Sana lang talaga ay 'wag niyang sayangin ang oras ko.
Tahimik pa rin kaming pareho nang tumigil na ang sasakyan. Agad na lumabas ng kotse si Arken at pinagbuksan ako ng pinto saka hinila ako palabas.
“Aray naman! Dahan-dahan, aray!”
Napakapit ako sa matipunong braso niya nang mabali ang takong ng sapatos na suot ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang natigilan siya at napatingin sa 'kin.
“I-ikaw kasi! Bakit mo ako kinakaladkad? May lakad ka ba?!” naiinis na tanong ko na lang para itago ang pagkapahiya.
Bakit naman ngayon pa nabali ang takong ng sapatos ko? Sa harapan pa talaga ng Arken na 'to.
Napasinghap ako nang walang sabi sabi na binuhat ako ni Arken. Kusang gumalaw ang mga braso ko at napakapit sa batok niya. Napalunok naman ako at napatingin sa kanya, halos magtayuan ang mga balahibo ko nang halos magdikit na ang ilong naming dalawa dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin.
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Inayos naman niya ang pagkakabuhat sa 'kin, bahagya akong umalog at mas napakapit ang mga bisig ko sa batok niya.
“M-magpasalamat ka at nasira ang sapatos ko, kung hindi talagang masasapak kita,” sabi ko na lang habang panay ang iwas ng tingin sa kanya.
Ang lapit namin sa isa't isa kaya hindi ako mapakali, dagdag pa na naamoy ko na ngayon ang pamilyar na amoy niya. Mukhang yung dati pa rin ang ginagamit niyang pabango.
Hindi na lang siya nagsalita at naglakad na lang habang buhat buhat ako. Minabuti ko na lang na ilibot ang tingin sa paligid ko, naiilang ako dahil masyado kaming magkadikit.
Bwisit talaga ang sapatos ko na 'to.
Ngayon ko lang napansin na dinala niya ako sa hindi kalakihang bahay. Hindi naman iyon maliit, pero hindi rin naman sobrang laki kagaya ng bahay niya sa Caloocan. Simple lang din ang disenyo ng bahay na 'to, makakaramdam ka ng pangpamilyang vibes mula rito.
Tahimik na lang ako nang makapasok kami sa loob. Dahan dahan niya akong iniupo sa couch. Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na siyang lumayo sa 'kin.
Hindi ko namalayan na matagal ko palang napigil ang paghinga ko.
Kumuha ng tsinelas si Arken sa shoe rack mula sa di kalayuan saka lumapit sa 'kin. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang paa ko.
Hindi ko alam kung bakit nakatingin lang ako sa bawat kilos niya at hindi nagpupumiglas kahit hawakan niya ako. Siguro napagod lang talaga ako sa araw na 'to at naubos na ang lahat ng energy sa katawan ko, maski na ang energy na makipag-away sa kanya.
Tinanggal ni Arken ang sapatos na suot ko. Napapitlag ako nang hawakan niya ang sakong ng paa ko at dahan dahang inikot iyon na tila ba hinihilot niya 'yon. Napatikhim na lang ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
Ayoko mang aminin, pero ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya. Ang gaan ng mga kamay niya na para bang nag-iingat siya na hindi ako masaktan.
Muli akong tumingin sa kanya nang dahan-dahan niyang isinuot ang dalawang tsinelas sa 'kin. Malaki ang tsinelas na 'yon at malakas ang pakiramdam ko na sa kanya ang mga 'yon.
Napatingin na lang ako sa kanya nang tumayo siya saka umupo sa mini table na nasa tapat ko. Muli akong napaiwas ng tingin dahil ang lapit niya na naman sa 'kin. Medyo mababa ang mini table pero matangkad naman siya, kahit nakaupo siya ro'n nakakapanliit pa rin. Saka bakit ba siya dikit nang dikit? Kanina pa siya ah.
“You want Vander for yourself, right? You don't want me to be his father, right?” tanong niya.
Napapitlag ako nang hawakan niya ang panga ko at pinaharap ako sa kanya.
“Answer me,” utos niya habang nakakunot-ang noo.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka tumango. Tama naman siya, gusto ko na sa 'kin lang si Vander at huwag na siyang makisawsaw, kaya ko namang alagaan nang walang tulong niya ang anak ko, nagawa ko 'yon ng mahigit anim na taon.
“I'll do what you want on three conditions,” sabi niya saka inangat pa ang tatlong daliri niya. Napakunot naman ang noo ko.
“Teka, ang dami naman. Dapat isa lang eh,” nakasimangot na sabi ko.
Baka naman dayain niya lang ako rito.
“I'm doing you a favor right now. Samantalahin mo na habang mabait pa ako,” sabi niya habang seryosong nakatitig sa 'kin.
“Ano ba 'yon?” pagsuko ko na lang saka muling napaiwas ng tingin sa kanya.
“I want Arkia to meet our son, her brother. Let them have a quality time together, it's not difficult, right?”
Muli akong tumingin sa kanya saka napatango. Wala namang kaso sa 'kin 'yon, gusto ko rin namang makilala ni Vander ang ate niya.
“Second, sleep with me tonight.”
Natigilan ako nang tumayo na siya at tinalikuran ako. Napakurap na lang ako at pinilit na i-proseso sa isip ko ang sinabi niya.
Napasinghap ako at agad na napatayo saka sinundan siya. Nagtungo siya sa kusina upang uminom ng tubig. Agad ko namang hinawakan ang braso niya at pinaharap siya sa 'kin.
“Hoy, bakit may sleep with me chuchu ka na sinasabi riyan?! Baliw ka ba?! I-uwi mo na 'ko ngayon dahil baka nag-aalala na sina Vaughn at Vander,” naiinis na sabi ko habang nakatingin nang masama sa kanya.
May ilang patak ng tubig ang tumulo sa damit niya habang nainom siya. Seryosong tumitig lang siya sa 'kin saka pinunasan ang baba niya gamit ang likod ng palad niya. Napaatras ako nang maglakad siya papalapit sa 'kin.
Napakurap naman ako habang nakatitig din sa kanya nang bumangga na ang pwetan ko sa mesa kaka-atras ko.
Napangisi na lang siya saka inilagay ang baso sa mesa. Tila nakahinga naman ako nang maluwag, akala ko kung ano na ang gagawin niya.
“I'm sure Vander won't mind if you sleep here, as well as Vaughn. He's not even your boyfriend. He shouldn't give a fuck.”
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil nakaramdam ako nang kaunting pagkapahiya. Sabagay, may punto naman siya ro'n.
“K-kahit na! Ang kapal ng mukha mo na yayain ako ng g-gano'n, nauubusan ka na ba ng babae?!” naiinis na tanong ko saka pasimpleng napayakap sa sarili ko.
Marahang hinawakan ni Arken ang panga ko saka tinitigan nang diretso ang mga mata ko. Halos maduling ako dahil ang lapit niya sa 'kin, naaamoy ko na rin ang mabangong hininga niya.
“I'm too tired to drive that's why you have to sleep here, I'm talking about it literally. What kind of ‘sleep with me’ do you have in mind, Ms. Macarios?” tanong niya sa malalim na boses habang titig na titig sa 'kin.
Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko. Siguro pulang pula na ngayon ang mukha ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko, malamang dahil napahiya na naman ako sa kanya ngayong gabi. Ilang beses na 'to.
“H-hindi mo naman kasi nililinaw! Kasalanan mo,” sabi ko na lang saka inirapan siya.
Gusto ko na lang maglaho sa harapan niya ngayon. Bakit naman kasi ang bastos ng isip ko?
“S-sabihin mo na yung isa pang kondisyon!” sabi ko na lang para maalis na ang usapan sa sleep with me na iyan.
Napasinghap ako nang walang sabi sabing hinawakan niya ang baywang ko. Napahawak na lang ako sa balikat niya nang walang kahirap-hirap na binuhat niya ako at iniupo sa mesa.
Nanlaki ang mga mata ko nang itukod niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko, ang lapit na naman ng mukha niya sa 'kin.
“Lastly, you have to prove to me that that d-ckhead, Vaughn Regnier, is a pure and loving fucktard, and he deserves to be my son's father. If you fail to prove that d-ckhead's immaculacy, you have to submit yourself willingly to me.”