Ngayon ko lang naramdaman na tila may malaking bagay na nawala sa pagkatao ko, pakiramdam ko kulang na ako, pakiramdam ko hindi na ako buo, pakiramdam ko may malaking parte sa puso ko na nawala.
Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatulala at hinihintay ang sarili ko na magising sa masamang panaginip na 'to. Pakiramdam ko nasa loob pa rin ako nang masamang panaginip, at gusto ko ng magising. Gustong gusto ko ng magising upang puntahan si Arken at sumama sa kanya.
“Ayen, please, get back to your senses. He's gone, crying won't change anything, it won't bring him back to life.”
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, tiningan ko nang masama si Vaughn. Ngayon ko lang yata naramdaman na gusto ko siyang bulyawan at saktan, alam kong wala siyang kasalanan sa nangyari, pero naiinis ako sa kanya ngayon.
“A-ano'ng nangyari? B-bakit namatay si Arken? S-sino'ng pumatay sa kanya? Sabihin mo sa 'kin, Vaughn!”
Hanggang ngayon ay may mapait na dumadaloy sa lalamunan ko, hindi matanggap ng sistema ko na wala na si Arken. Ang bigat bigat pa rin sa dibdib, pakiramdam ko may malaking nawala sa pagkatao ko.
“We were kidnapped, kalaban namin sa pulitika, dapat ako ang unang babarilin, but Arken insisted, he said that he's the one who must be killed first. It was weird, but it seems like he didn't want me to die, he tried to bought time for me not to be killed by them. I don't want to admit it, but if he didn't do that, ako sana ang namatay at hindi siya. Humiling lang siya na mag-iwan ng text message sa tauhan niya for the last time. After that, they shoot him.”
Bakit iniligtas ni Arken si Vaughn? Bakit niya hinayaang mabaril siya? Bakit hindi na lang siya nag-ubos ng oras hanggang sa dumating ang mga tauhan niya?
Napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko, nandoon pa ang mantsa ng dugo ni Arken. Naaalala ko na naman kung paano tuluyang pumikit ang mga mata niya, kung paano niya binitiwan ang kamay ko... Ayokong tanggapin na wala na siya, hindi kayang tanggapin ng puso ko na wala na siya.
“Ayen, did I hear you right earlier? Do you really love him? You don't love him, right? You're just carried away because he's dying in your arms, right?” tanong niya saka hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko na lang siya sinagot, wala akong lakas na makipagtalo o magpaliwanag sa kanya. Halo halo na ang lahat sa isip ko, naguguluhan na ako sa nangyayari at tila isang masamang panaginip pa rin ang lahat.
“G-gusto ko munang magpahinga, Vaughn.”
Hindi ko na hinintay na makasagot siya at tila walang lakas na tinalikuran siya saka agad na nagtungo sa silid ko.
Kahit may bahid pa ng dugo ni Arken ang damit ko at mga kamay ko, basta na lang akong humiga sa kama at yumakap ng unan. Napakagat ako sa ibabang labi ko kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.
Gusto kong malaman kung kumusta na si Arken, kung ligtas ba siya...kung buhay pa siya. Gustong gusto kong malaman ngunit wala akong magawa. Gustong gusto ko na siyang makita, ngunit wala akong lakas.
Hinayaan ko na lang ang mga luha na dumaloy sa magkabilang pisngi ko, napahagulgol ako ng iyak at yumakap nang mahigpit sa unan na nabahiran na rin ng dugo.
Hindi ko kakayanin ko kapag nawala si Arken, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa 'kin nang tuluyan.
“Mama.”
Natigilan ako at napatingin kay Vander na nasa pinto habang nakatingin sa 'kin. Namumula ang pisngi at mga mata niya, lumuluha siya habang nakatingin sa 'kin.
“I heard it wrong, he's not dead, right? He can't be... S-sabi niya po sa 'kin na papakasalan ka pa niya, sabi niya magiging buong pamilya tayo.”
Patuloy sa pagluha si Vander habang nakatayo sa may pintuan, pilit niyang pinapahid ang mga luhang hindi niya makontrol mula sa pag-alpas sa mga mata niya... Ngayon ko lang nakita na umiyak nang ganitong ka-tindi si Vander, parang dinudurog ang puso ko.
Kahit nanghihina, pinilit kong tumayo at lumapit sa kanya. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at pilit na ngumiti sa kanya. Hinang hina ako ngayon pero ayaw kong makita ni Vander na mahina ako.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya... Dahil ako mismo, hindi ko alam ang sagot sa tanong niya at natatakot akong tanggapin kung sakaling wala na siya... Hindi ko matatanggap, habang buhay kong pagsisisihan.
* * *
“Buti pinayagan kayo ni Mayor Vaughn na umalis,” sabi ni Wrena habang hinahaplos ang buhok ni Vander na tulog na tulog sa kama.
Napagdesisyunan kong umalis muna sa poder ni Vaughn, hindi ako makahinga nang ayos sa bahay niya. Alam kong hindi niya kasalanan ang nangyari kay Arken, pero naiinis ako sa katotohanan na nagawang unahin ni Arken ang buhay niya kaysa sarili nitong buhay.
Noong una ay hindi pumayag si Vaughn, idinahilan ko na lang na ayaw na ni Vander doon. Pero totoo naman 'yon, kung hindi ako pinilit ni Vander na umalis na ro'n, hindi pa ako kikilos.
Buti na lang at pinatuloy kami ni Wrena rito sa bahay ng mga magulang niya at mabait naman ang mga ito.
“Wala na ba talaga si Mayor Arken, Ayen? Kalat na kalat sa balita na patay na siya,” tila nag-aalangang sabi ni Wrena.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napatungo. Naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko at ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Ang hirap na naman huminga.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang bangungot na 'yon. Sinubukan kong tawagan si Adham, pero hindi siya nasagot sa tawag ko. Hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko para malaman kung kumusta na si Arken.
Pero nito lang ay lumabas ang balita na patay na siya dahil sa tama ng baril, hindi pa nahahanap ang puno't dulo ng pangyayari... Nakakapagtaka rin na hindi lumabas sa balita si Vaughn, pero hindi na lang ako nagtanong sa kanya.
Buong araw na umiyak si Vander nang makita ang balitang 'yon at halos hindi makausap. Ako man ay gusto ring bumigay at lumuha, pero ayaw kong makita ng anak ko na naiyak ako.
Ayaw kong paniwalaan ang nasa balita, ayaw 'yon paniwalaan ng puso ko... O baka dahil hindi ko lang matanggap, at kahit kailan ay hindi ko matatanggap.
SA HINDI KO na mabilangbna pagkakataon, sinubukan ko ulit na tawagan si Adham. Laking pasasalamat ko naman nang sumagot na ito.
“Adham! H'wag mong ibababa, please. P-pwede ko bang makausap si Arken? Pwede ko bang malaman kung kumusta na siya? H-hindi pa siya patay diba? K-kilala mo si Arken, imposibleng mamatay siya nang gano'n gano'n lang.”
Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses, pakiramdam ko hindi na ako 'to. Bakas na bakas ang panginginig sa boses ko dahil sa takot... Natatakot ako sa isasagot ni Adham.
“Pasensya na kung ngayon ko lang sinagot ang tawag mo, Ayen. Everything is still surreal for me, I-I'm still blaming myself for what happened, because I wasn't here, I didn't do my job to protect him at all cost... He's gone, Ayen. His remains are now in Spain as Arkia requested. You can come with me if you want to see him, but he will be cremated.”
Nanghihinang napaupo ako sa kama dahil sa sinabi niya. Sunod-sunod na kumawala ang mga luha mula sa mga mata ko at hindi ko na napigil ang mga iyon. Pakiramdam ko dumilim ang lahat sa paligid ko, pakiramdam ko wala na akong ibang makita kundi kadiliman.
“A-Adham, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. I-imposibleng patay na si Arken, s-sabi niya mahal niya 'ko, sabi niya sumama ako sa kanya!”
Alam kong hindi ko dapat kay Adham ibinubunton ang sakit na nararamdaman ko ngayon, ngunit wala na 'kong kontrol sa sarili kong emosyon. Nahihirapan akong tanggapin, hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang mga sinabi ni Adham.
“I know this is hard for you, until now I can't believe that he let himself die like that, without fighting, without thinking of himself. I never thought he would be selfless, it's killing me too, Ayen. Knowing that I was useless when he was killed. But what can we do? We can't bring him back to life, even if we want to.”
Pakiramdam ko, pati ako ay nawalan ng buhay dahil sa nalaman ko... Sa pagkakataong 'to, kumpirmado ko na na wala na talaga si Arken. Mas lalong masakit, mas lalong mabigat sa dibdib dahil umasa ako na buhay pa siya, umasa ako na nakaligtas siya sa bingit ng kamatayan at babalik siya sa 'kin.
“Ayen, kumain ka na muna. Hindi kumain ng kahit ano kahapon, baka naman magkasakit ka na niyan,” nag-aalalang sabi ni Wrena saka hinawakan ang kamay ko.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at muling napatingin kay Vander na natutulog na naman. Ilang araw na siyang hindi pumapasok, idinadaan niya na lang sa tulog ang sakit na nararamdaman niya. Naaawa ako sa anak ko, kahit pa saglit niya lang nakasama si Arken, talagang napamahal na siya rito.
“Wrena, k-kung alam ko lang na iyon na ang huling magkakausap kami ni Arken, sana sumama na 'ko sa kanya, s-sana pumayag na akong magpakasal sa kanya... S-sana sinabi kong mahal ko siya. A-ang tanga tanga ko Wrena, pinairal ko ang katangahan ko, y-yung pride ko, kasalanan ko kung bakit wala na siya ngayon.”
Hinayaan ko na lang na umalpas ang mga luha mula sa mga mata ko. Bakas sa mga mata ni Wrena ang pag-aalala habang nakatitig sa 'kin, napabuntong hininga siya at marahang pinahid ang mga luha ko.
“Sige lang, umiyak ka lang nang umiyak kung hindi mo na talaga kaya,” mahinang sambit niya saka hinila ako para yakapin.
Mahigpit na gumanti ako ng yakap sa kanya habang naluha. Walang kapaguran ang mga luha ko, halos maubos na ang tubig sa katawan ko, pero hindi ko sila makontrol... Sobra pa rin akong nasasaktan, para pa ring sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko kahit pa ilang ulit na akong umiyak.
Mukhang hindi na mapapagod ang mga mata kong umiyak sa tuwing maiisip ko siya.
* * *
“Vander, ayaw mo pa rin bang pumasok sa school?” tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya.
Hindi siya agad sumagot at muling kumagat sa tinapay. Kagaya ko, sobrang naapektuhan din si Vander sa nangyari kay Arken. Hindi niya rin matanggap na wala na ang Papa niya.
“Papasok na po ako bukas, Mama,” tipid na sabi na lang niya saka uminom ng tubig.
Mukhang nagutom talaga siya, ilang araw rin kasi siyang walang ganang kumain kagaya ko.
Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang galing kay Vaughn ang tawag. Tumayo muna ako at iniwan si Vander saglit saka sinagot ang tawag ni Vaughn.
“Ayen, when will you come back here? Please, let's fix this. Hindi ka naman ganito e, ayusin natin ang mga gusot. You know I can't live without you and Vander, right?”
Napabuntong hininga na lang ako.
“Vaughn, bukas na tayo mag-usap. Wala pa ako sa mood ngayon, please.”
Hindi ko na hinintay na sumagot siya at agad ng binaba ang tawag. Gusto ko muna ng malayo sa lahat lalo na kay Vaughn. Sa hindi ko malamang dahilan, nakakaramdam ako nang kaunting inis sa kanya.
Muli akong napabuntong hininga nang tumunog na naman ang phone ko, ngunit natigilan ako nang mapansing unregistered number ang natawag.
Napakunot ang noo ko at kahit nagda-dalawang isip ay sinagot ko pa rin ang tawag.
“Hello?” tanong ko.
“Is this Jonalyn Macarios? Ayen?”
Natigilan ako nang mapagtantong pamilyar ang boses niya sa pandinig ko. Mahinhin ang boses at malumanay, babaeng babae. Bakit pakiramdam ko narinig ko na ang boses na 'to noon?
“Oo, ako nga, sino ka po ba?” nagtatakang tanong ko na lang.
“It's me, Vierra, Arkia's mother.”
Natigilan ako, bakit hindi ko naalala na boses iyon ni Vierra?
Napalunok na lang ako at kinalma ang sarili ko bago muling nagsalita.
“B-bakit mo 'ko tinawagan? Ano'ng kailangan mo sa 'kin?”
“I want to talk to you personally, I think it's the right thing to do, I want to make amends with you before I leave.”
Natahimik ako sa sinabi niya, tila hindi kumbinsido. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ni katiting na tiwala sa kanya, pero sa tingin ko ay kailangan kong pakinggan kung ano man ang sasabihin niya.
“S-sige, sabihin mo kung saan tayo magkikita.”
AGAD KONG pinuntahan ang address na sinabi ni Vierra pagkatapos naming mag-usap. Si Vander naman ay ibinilin ko muna saglit kay Wrena.
Pinapunta ako ni Vierra sa hotel na tinutuluyan niya rito sa Sorsogon. Hindi naman gano'ng kalayo iyon sa bahay ng mga magulang ni Wrena kaya agad akong nakarating.
Nagtungo ako sa room 219 at nagdoorbell. Agad naman akong pinagbuksan ng pinto ni Vierra at iginiya ako papasok sa loob.
Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa lamig sa hotel room ni Vierra, malinis at malaki ang hotel room at mukhang mahal ang ibinayad niya rito.
“Do you want juice? Or water?” tanong niya. Umiling na lang ako at umupo sa couch.
“Mukhang ayaw mong magpa-tumpik tumpik,” sabi na lang niya at umupo sa sofa katapat ng inuupuan kong couch.
Hindi na lang ako nagsalita, gusto ko na kaagad ma umalis dito. Hindi ako komportableng kasama siya ngayon.
“To be honest, I don't why I'm doing this... But I think I have too, para naman matahimik ang kaluluwa ni Arken sa impyerno.”
Napalunok ako kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko dahil sa sinabi niya. Parang ginagawa niya lang biro ang pagkamatay ni Arken, hindi ako natutuwa... Nanginginig ang mg kamay ko na sampalin siya ngayon.
“Arken sincerely loved you before. Mahal ka na niya noon pa.”
Pakiramdam ko natulos ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Bumigat ang paghinga ko at kahit na ang hirap para sa 'kin na gawin, tumingin pa rin ako sa mga mata ni Vierra.
“P-pero bakit niya ginawa 'yon? B-bakit niya ako tinaboy?”
Seryoso ang mga mata na tumingin siya sa 'kin.
“Because I made him realize that you're way too good for him. Hindi mo alam ang mundong ginagalawan niya, magugulo lang ang tahimik mong buhay. And as a loving fucktard as he is, he doesn't want you to be involved in his shitty life... he pushed you away. And you know what? He cried like a fucking baby after he did that. It's actually the first time I saw the most ruthless and vicious man, Arken Zaviere cried, hiniling niya na sana parehas lang kayo ng mundong ginagalawan para magawa ka niyang mahalin nang malaya at walang takot. Arken is madly and deeply in love with you, Ayen. He's been crazy over you for how many years.”
Pakiramdam ko, ang bigat na dinadala ko ng mga nakaraang ay mas lalong bumigat. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang umalpas mula sa mga mata ko.
Kung gano'n pala... mahal niya rin ako noon. Hindi lang ako ang nagdusa noon, hindi lang ako ang nagmamahal noon.
“Wala na akong pakialam kung paniwalaan mo man 'yon o hindi. Basta natanggal na ang tinik sa dibdib ko, nasabi ko na sa 'yo ngayon. I know you won't believe me, so I'm giving this to you.”
Lumapit siya sa 'kin at inabutan ako ng flash drive.
“After watching the videos, you'll realize that Arken Zaviere is crazy and dramatic when he is in love,” nakangising sabi niya saka tinapik ang balikat ko.
Hindi ko alam kung kakayanin ko ba... Baka lalo akong masiraan ng bait.
* * *
Tahimik kaming pareho ni Vaughn. Kanina pa siya nagpunta rito ngunit kanina pa walang kumikibo sa aming dalawa.
Tuluyan na niya akong pinuntahan dito sa bahay ng mga magulang ni Wrena. Iniwan kami ng mga ito rito sa may hardin upang makapag-usap nang seryoso... Ngunit hanggang ngayon ay tahimik pa rin kaming dalawa.
“Ayen, I have a feeling about what you're going to say,” sabi ni Vaughn saka mapait na napangiti.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at tumingin sa mga bulaklak sa hardin na magandang tingnan. Kahit papa'no ay nakapagpahinga ang mga mata ko sa ilang araw at walang tigil na pag-iyak dahil sa magagandang bulaklak.
“Vaughn... Hindi ako tumigil na mahalin si Arken, mula noon, hanggang ngayon... Mahal na mahal ko pa rin siya. K-kahit wala na siya ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya.”
Mapait akong napangiti nang muling manlabo ang paningin ko. Agad kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko... Hindi ko na naman sila napigilan.
“Uuwi na kami ni Vander sa Camarines Sur... Pasensya na pero hindi ko kayang magpakasal sa 'yo, dahil sa buhay na 'to at kahit wala na siya, si Arken lang ang mamahalin ko.”