IT’S THE TWENTY-FIRST. It’s the date that they usually celebrate their monthsary. Mula umaga ay naghanda na si Poppy para sa magiging date nila ni Nate nang gabing iyon dahil pagkatapos ng limang taon ay noon lang sila muling magde-date. Sa condo unit nito siya nag-set up ng date nila. Siya ang naging abala para sa date nila ni Nate dahil may importanteng meeting ito sa araw na iyon. Ngunit alam niyang may ihahanda pa rin sa kanyang espesyal na sorpresa si Nate kahit na gaano ito kaabala. Siya lang talaga ang nag-asikaso ng kanilang mga kakainin para sa gabing iyon.
“This night’s going to be amazing,” nasisiyahang sabi niya sa sarili nang makita ang ayos ng center table sa salas ni Nate. Ready na rin ang mga panonoorin nilang movies na madalas nilang gawin noon. At ihahain na lang niya ang mga pagkaing kailangang mainit pa mamaya kapag dumating na si Nate.
Everything’s going to be special and awesome for the both of them.
Or so, she thought.
Sumapit ang alas-siyete ng gabi na usapan nila ni Nate ay hindi pa rin ito dumating sa condo nito. At dahil naisip niyang baka natagalan lang ito sa meeting nito’y naghintay pa siya. Plano naman kasi niyang doon matulog sa condo nito. Nanood na lang siya ng isang romantic comedy movie para malibang siya. Ngunit isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dumadating si Nate kaya nagpasya siyang tawagan ito. Pero tatawagan n asana niya ito’y bigla na lang itong tumawag sa kanya.
“Where are you?” bungad niya rito.
“Nandito ako sa Camp Speed ngayon, Poppy. Nasa condo ka na ‘di ba?” tanong nito sa kanya.
Oo! What the heck? Kanina pa ako dito, ngali-ngaling sabihin niya rito.
“Yes,” tanging nasambit niya dahil pakiramdam niya’y hindi importante para dito ang date nila na iyon.
“D’yan ka na lang matulog. Late akong makakarating eh. Kaila’s not being herself again and I need to make sure she’s going to be safe,” paliwanag nito sa kanya na nakapagpabigat lang sa damdamin niya.
Kaila! She needs to make sure that Kaila’s safe! ‘Di ba ako ang girlfriend? I need to feel loved and cared for, sabi niya sa sarili. Nagseselos siya kay Kaila. May karapatan naman siyang magselos dahil nobya siya ni Nate.
Gusto niyang i-threaten si Nate na kung hindi ito babalik agad sa Maynila ay makikipag-break na siya dito. Pero naisip niyang mangyayari na naman ang nangyari limang taon na ang nakararaan. Nangako na nga pala sila ni Nate sa isa’t isa na gagawin nila ang lahat para hindi na iyon muling mangyari pa.
So, wait and understand, Poppy. That’s the key to not breaking up, sarkastikong sabi niya sa sarili.
“Okay. Kakainin ko na lang ‘yong ice cream na—“
“Kaila!” sigaw ni Nate sa kabilang linya. Nailayo niya mula sa kanyang tainga ang cell phone niya dahil masakit sa tainga ang naging sigaw ni Nate. “I got to go, Poppy,” mabilis na paalam nito sa kanya at saka walang anu-anong naputol na ang tawag nila.
The ice cream was meant to tease him, sa loob-loob niya.
“This is such a great night,” sarkastikong sabi niya sa sarili. Naihagis niya sa sahig ang throw pillow na nasa tabi niya sa sobrang inis.
She’s the girlfriend but she felt like she’s just an option when she should be the priority. She felt like the number two when she should be the number one.
Bumuntong-hininga siya saka uminom ng wine na dapat sana’y pagsasaluhan nila ni Nate. Ang mabuti pa’y umuwi na lang siya sa kanila ngayon. At least doon ay hindi niya iisipin ang paghihintay niya.
PAGKAUWI NI POPPY AY nagulat siya dahil pagpasok niya sa loob ng kanilang sala ay nakita niya ang kaibigan niyang si Louelle at kasama pa nito ang kapwa model niya na naging pinakamalapit sa kanya noon sa Manhattan na si Matthew McDonell at ang mommy niya. Nag-resign na si Matt sa modelling industry dahil malapit na itong ikasal dito sa Pilipinas. And she couldn’t feel anything but be happy for him.
“Louelle! Matt!” nasisiyahang tawag niya sa mga ito. Patakbong yumakap siya sa dalawa.
“I’ll leave you three here,” anang mommy niya saka ito umakyat sa kwarto ng mga ito.
“Why didn’t you tell me you’ll be coming home tonight?” sita niya kay Louelle.
“Surprise!” nakangising sabi naman nito sa kanya.
“Oh my god! I can’t believe that you’re finally here!” hindi makapaniwalang sabi niya rito. Alam din kasi niyang ngayon lang ito nakabalik ng bansa. May ayaw din kasi itong balikan doon.
“Time to conquer my greatest fear. Anyways, dumaan lang talaga kami ni Matt dito. Ihahatid na rin niya ako sa hotel na tinutuluyan ko. Hindi ko naman alam na may date ka ngayon. So, how was your date?” tanong ni Louelle sa kanya.
Napasimangot siya dahil sa naging tanong nito. “It was nothing. Hindi niya ako sinipot eh,” malungkot na sabi niya sa mga ito.
“Ikaw pa ang hindi sinipot ng date mo? Sino ang lalaking ‘yon?” ani Matt.
“The Nate Alonzo, of course,” excited na sabi naman ni Louelle.
“The one and only,” aniya rito. She heaved a sigh. Pagkuwa’y umupo sa sa isang couch doon at tumabi naman sa kanya si Louelle.
“Akala ko ba kayo na?” kunot-noong tanong ni Louelle sa kanya.
“Kami nga. May importanteng tao lang siyang kailangang asikasuhin ngayon,” aniya.
“Mas importante pa sa girlfriend niya?” tanong naman ni Matt.
Strike to my heart. Tama nga si Zeb. The truth hurts, aniya sa sarili.
“But I’m sure he has reasons,” biglang sabi ni Matt.
“Talk it out. Hindi mo siya pakakawalan, ‘di ba? So, talk it out. Don’t stress yourself too much. Magmo-model ka pa next weekend para sa collection ko. Don’t forget,” paalala naman ni Louelle sa kanya.
“Of course, I’ll be there. So, sino ang special escort ko?” pag-iiba niya ng usapan.
“Secret pa rin. You’ll know when the event comes. Kaya sana maayos mo na kung anumang issues ang hinaharap mo ngayon para everybody happy na sa Fashion Week. Okay?” ani Louelle sabay kindat sa kanya.
Nginitian niya ito at maging si Matt. Pagkuwa’y nagyaya na si Louelle pauwi dahil napapagod na daw ito kaya inihatid niya ang dalawa sa labas ng bahay nila. Nakaparada naman doon ang kotse ni Matt. Pagkatapos ay umakyat na siya sa kanyang kwarto. Pero nang hindi siya makatulog ay nagtimpla siya ng gatas at saka tumambay siya sa may garden nila. Hinihintay niya ang tawag ni Nate sa kanya pero walang dumating.
“Problem?”
Nang mag-angat ng mukha si Poppy ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ng daddy niya. Walang anu-anong niyakap niya ito.
For these past five years, she had stood with her own two feet. For these past five years, she had known how to be tough. For these past five years, she had been reaching for her dream. But it all comes down to one thing—after all these years, love was still her weakness. In a snap of a finger, all her toughness was gone and she wanted to be cared for.
Humiwalay siya sa daddy niya. “Dad, alam mo ba ang sinabi sa’kin ni Nate? The years and the distance allowed us to grow as individuals. But the years and distance also allowed us to grow apart. Akala ko ‘pag nagkabalikan na kami ay babalik na sa dati ang lahat. That we’re going to start again where we left of, pero hindi pala ‘yon madali,” naluluhang sabi niya sa kanyang daddy. Kung anu-anong negatibong isipin na kasi ang pumapasok sa isipan niya. Hindi pala talaga ganoon kadaling gawin ang mga sinasabi mo.
“Baby, if you start where you left of, you wouldn’t start well. Bakit n’yo ba dudugtungan ang may lamat n’yo nang relasyon noon? Start a new beginning and treat what happened then as an inspiration,” pag-aalo sa kanya ng daddy niya.
“He said that those five years were worth it dahil kami na ulit ngayon. Pero alam mo, dad? Parang hindi naman. I don’t want to doubt his love but he’s giving me a reason to,” amin niya rito.
Peste! Grabe ang selos na nararamdaman niya kay Kaila. Sa nakaraang limang taon ay nagkasama ang mga ito. Malay ba niya kung nag-date ang mga ito noon o kung nagkamabutihan ang mga ito noon. Malay ba niya kung tinanggihan lang ni Kaila si Nate noon o kung tinanggihan naman ni Nate si Kaila. Baka may “something” sa pagitan ng mga ito. Lalo na’t binantaan siya noon ni Kaila. Paano kung nag-inarte lang ito ngayon para kunin ang loob ni Nate? Paano kung plano talaga nitong kunin si Nate sa kanya?
Stop it, Poppy! saway niya sa sarili. Ngunit hindi niya mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. She could feel that Nate was fond of Kaila. He said she’s a friend. Pero paano kung ma-realize ni Nate na hindi lang pala tinging-kaibigan ang tingin nito kay Kaila? Mabait si Kaila at naging kaibigan na rin niya ito pero nang hindi siya siputin ni Nate nang gabing iyon ay nagduda na siya kung ano ba talaga ito sa buhay ni Nate.
Ano ba ang mayroon at ganoon na lang ang pag-aalala ni Nate kay Kaila? Pumunta pa si Nate sa Camp Speed para kay Kaila samantalang ilang oras siyang naghintay sa condo unit ng una para sa sana’y date nilang dalawa. It’s like Nate chose between her and Kaila and he chose the latter even though she’s the girlfriend. Ang isiping iyon ay tila kutsilyong tumarak sa puso niya. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano pero hindi niya mapigilan ang sarili niya.
“Bakit naman, baby?” tanong ng daddy niya sa kanya.
“Dapat sana’y date namin ngayong gabi pero nagpunta siya sa Camp Speed at inuna pa niya ang ibang tao. Maiintindihan ko naman kung meeting ‘yon eh, pero hindi,” aniya rito.
Inakbayan siya nito at inihilig naman niya ang kanyang ulo sa balikat nito. “Poppy, most of the times, mas matindi ang problemang dumadating sa’ming mga lalaki kaysa sa inyong mga babae. Kadalasan, nahaharap kami sa matitinding sitwasyon na kailangan naming desisyunang mabuti. At siyempre, tao lang kami, nagkakamali. Dahil akala namin ay tama ang mga desisyong ginagawa namin. Pero alam mo ba? Kapag nagmahal kami, labis at sigurado kang ikaw lang. Don’t think too much, Poppy. Wait for Nate’s explanation. Talk it out,” anang daddy niya.
“Dad, ‘yan ang problema sa inyong mga lalaki. You always want to be the hero of everything at nakakalimutan n’yo nang may responsibilidad kayo sa iba,” sabi naman niya rito.
“See? That’s the difference of men and women. Us men, would decide for the good of many. You women, would decide what’s best for yourselves,” anito na ikinainis niya.
Bago pa man siya muling makapagsalita ay nagsalita ulit ang daddy niya. “Women are sensitive. Minsan, hindi namin ‘yon naalala kaya nakakagawa din kami ng mga dahilan para saktan kayo. But we would always make up for it. Kaya ‘wag kang mag-alala, baby, babawi sa’yo si Nate. I’m sure may rason kung bakit inuna niya si Kaila,” anang daddy niya.
Pumitik ang sintido niya nang marinig niya ang huling sinabi nito. She really felt like she’s number two. She hates it so much. “Why do you think so, dad?” tanong niya rito.
“Hindi ko rin alam at tanging si Nate lang ang makakasagot niyan. So, mag-usap kayo. ‘Wag mong hayaang mangyari ulit ang nangyari five years ago,” anang daddy niya.
“But it’s our monthsary,” aniya.
“Baby, be rational,” sabi naman ng daddy niya.
You sounded so selfish, Poppy, anang isang bahagi ng isipan niya. Bumuntong-hininga siya. Ipinapanalangin niyang sana’y mawala ang mga isipin niya sa bawat pagbuntong-hininga siya.
“Mag-usap na lang kayo ni Nate bukas, baby. Sleep it off,” payo ng daddy niya sa kanya. Tinanguan lang niya ito.
Tomorrow’s going to be a better day, aniya sa sarili.
PEACE OF MIND. I need a peace of mind and a calm heart, sabi ni Poppy sa sarili. Katatapos lang nilang mag-photoshoot sa main racing arena ng Camp Speed. Tapos na ang set nila ni Vonn sa mga sasakyan. Ang susunod naman ay ang photoshoot niya kasama si Nate sa race track. Binigyan lang siya ng oras para makapagpalit ng wardrobe.
You need to focus too, dagdag pa ng isang bahagi ng isipan niya. Hindi kasi siya makapag-focus dahil nadi-distract siya sa presensiya ni Nate at ni Kaila. Umaasta ang mga ito na para bang walang nangyari o walang naging kasalanan sa kanya ang mga ito na labis niyang ikinainis. At sa inaasta ng mga ito’y parang ang dalawa pa ang mag-nobyo at extra lang siya.
“Ate, okay ka na ba?” sigaw sa kanya ni Aireen—na siyang PA niya—sa labas ng banyong pinagbihisan niya.
“Okay na,” aniya saka siya lumabas ng banyo. Mula sa sexy racing suit na suot niya kanina’y nagpalit naman siya ngayon ng katulad sa isinusuot ng mga grid girls sa bawat karera—itim na short at pulang fitted blouse na hanggang sa may pusod lang niya at may checkered flag detail sa may manggas at laylayan saka isang black boots na umabot sa ilalim ng tuhod niya.
“Wow! Ang sexy mo, ‘te! Grabe!” eksaheradang komento ni Aireen sa kanya.
Nginitian lang niya ito. Marami na ang nagsabi niyon sa kanya pero hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya tuwing sinasabihan siya ng ganoon.
“Halika na. Baka hinihintay na nila tayo do’n,” yaya niya rito at saka sila naglakad papunta sa main arena. Nadatnan nila roong nag-uusap-usap ang Gear One team pati na rin ang Camp Speed owners at patron racers kasama na si Nate.
“Wow! I so envy your figure, Poppy,” bungad sa kanya ng Gear One team photographer na si Cornelia.
“I envy your eating habit naman,” sabi naman niya rito.
Nito lang umuwi kasi siya ng Pilipinas siya nakakain ng mga pagkaing matagal na niyang gustong kainin. Kaya hindi niya pinalampas ang Sugar Treats noon. Kailangan kasi niyang pangalagaan ang kanyang katawan dahil nagmomodelo siya. Kailangang manatiling maganda ang katawan niya.
“Wala naman kasi akong pinagpapagandahan kaya keri lang maging baboy kumain,” ani Cornelia saka ito humagikhik.
“What the hell are you wearing?” sigaw ni Nate sa kanya nang makita siya nito.
“Clothes,” sarkastikong sagot niya rito.
“It almost looked like a two-piece bikini for me,” iritadong sabi ni Nate. Naitaas niya ang isang kilay niya rito.
“OA ka, Nate! Paghubarin mo si Poppy ng suot niyang ‘yan. Iyon ang mukhang two-piece bikini. Gusto mo ba?” sabi dito ni Cornelia—ang photoshoot photographer nila—ngunit hindi ito pinansin ni Nate.
“You are not going to do this damn photoshoot dressed like that,” mariing sabi sa kanya ni Nate.
Hinawakan nito ang isang kamay niya. Tangkang hihilahin siya nito palayo sa lugar na iyon pero ipiniksi niya ang kanyang kamay na hawak nito at naglakad na patungo sa may paddock na hindi na nilingon pa si Nate.
“Let’s do the photoshoot now. Kung ayaw ni Nate, iba na lang,” sigaw niya sa mga tao roon. Sukat sa sinabi niyang iyon ay mabilis na nilapitan siya ni Nate. He towered above her. Kaya tumingala siya rito.
“What are you trying to play, Poppy?” tila iritadong tanong nito sa kanya.
“Hindi na bago sa’kin ang mga ganitong damit. You saw some of my photos then, right?” balik naman niya rito. Bumuntong-hininga ito at hindi na nagsalita pa.
Ang mga sumunod na oras ay ginugol nila sa photoshoot. Sinunod nila ang lahat ng inuutos ni Cornelia para mabilis na matapos ang photoshoot. Alam niyang paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para hindi na sila maghiwalay pa ni Nate pero mahirap palang panindigan iyon lalo na’t hindi lang kayo ang involve sa relasyon niyong dalawa.
“So much for the ‘it’s just you’, huh?” pagpaparinig niya rito nang matapos ang photoshoot nila.
Tila clueless pa rin ito sa nagawa nito sa kanya. O, akala nito’y ayos lang sa kanyang maging number two?
“What?”
“It’s our monthsary yesterday, Nate,” malungkot na sabi niya rito saka mabilis itong iniwan sa lugar.