Chapter 32 - Epilogue

“SHINE BRIGHT LIKE a diamond, Poppy!” pagtsi-cheer kay Poppy ni Louelle habang inaayos nito ang suot niyang disenyo nito. Lady Elle would showcase their very own wedding collection. At siya ang finale ng koleksyon ng kaibigan.

Excited naman siyang imodelo ang gawa nito lalo na’t gustong-gusto niya ang pagkakadisenyo ng gown na suot niya. It suited her perfectly. It was an empire cut wedding dress that showed off her curves. It was lacey and studded too. Louelle really has a taste for art and fashion and she was very proud of her friend.

“This dress is amazing, Lou! Congratulations!” masayang bati niya sa kaibigan.

“Your finale’s going to be amazing. Excited na excited na ako para sa gabing ito,” ani Louelle na hindi maitatago ang excitement.

“I’m sure you are. So, nasaan na ang sinasabi mong special escort ko?” tanong niya rito.

“Oh, he’s right over there,” ani Louelle na may kung sinong itinuro sa likuran niya. Nilingon niya ang itinuro nito at nagulat siya ng makita si Nate na palapit sa kanilang dalawa.

“What the...?” nagtatakang tanong niya. Paano nagkakilala sina Nate at Louelle?

“Poppy, meet my benefactor. Nathaniel Ignacio Alonzo. He was the one who helped me finance my studio and designs. So, siya ang tumulong sa’ting dalawa para sumikat. Nate, meet Popcorne Belmonte, my most favorite model,” nakangising pakilala ni Louelle sa kanilang dalawa ni Nate.

“You knew it all along!” nang-aakusang sabi niya rito. Ibig sabihin ay si Louelle ang sinasabing “reliable source” ni Nate.

“Sorry. Boss’ orders. Sinabihan niya ako na ‘wag munang sabihin sa’yo ang lahat until now. Anyways, you two talk before your ramp. Para okay na ang lahat mamaya. Good luck!” sabi ni Louelle at sa isang iglap lang ay nawala ito sa paningin nila.

Nakahalukipkip siyang tumingin kay Nate at itinaas niya ang isang kilay dito. “Explain everything, Nate. What the hell?”

“Surprise!” nangingiting sabi nito sa kanya pero tinaasan pa niya lalo ito ng isang kilay. “I wanted something in connection with you. Kaya nilapitan ko noon si Louelle. Nagpa-background check ako sa kanya at alam kong malapit kayo sa isa’t isa. Alam ko rin ang tungkol sa pangarap niyang maging isang fashion designer kaya tinulungan ko siya. And now, we’re here. I’m so proud of the both of you,” sabi ni Nate sa kanya.

“At kailangang umabot pa hanggang ngayon para malaman ko ang tungkol do’n?” tanong pa rin niya rito.

“Oh, it’s because we have a surprise for you,” sabi lang ni Nate.

“What?”

“Surprise nga eh,” nakangising sabi nito pero pagkuwa’y sumeryoso din ito. “I’m sorry, Poppy. I know I’ve hurt you recently. I’m terribly sorry,” hinging-paumanhin nito sa kanya.

“I’ll be honest with you, Nate. That night, feeling ko ako ang option mo at si Kaila ang priority mo. I felt like I’m the number two and she’s the number one. It’s supposed to be our first monthsary after five years pero pakiramdam ko, bale-wala lang ‘yon sa’yo. But dad talked to me. Sinabi niyang kausapin daw kita at hayaang magpaliwanag. Truth is, I’m doubting you, Nate. I’m sorry but I can’t help it. Limang taon tayong nagkahiwalay. What if along the way, na-in love ka pala kay Kaila at hindi mo pa ‘yon nare-realize? The way you cared for her is beyond friendship, Nate. Pinuntahan mo pa siya talaga sa Camp Speed. Hindi mo ba naisip na naghihintay ako sa’yo sa condo mo nang gabing ‘yon? O mas matindi talaga ang pag-aalala mo kay Kaila sa pagmamahal mo sa’kin? ’Tapos no’ng nagkita tayo para sa photoshoot, feeling ko bale-wala lang ako sa’yo dahil mas inintindi mo pa si Kaila kaysa sa’kin,” nagtatampong sabi niya rito.

Tinawid ni Nate ang distansiya nilang dalawa at binigyan siya ng magaang halik sa kanyang mga labi.

“You’re always in my heart and in my mind, Poppy. We could have everyday and treat it special as our monthsary. Don’t ever doubt my love, babe. Limang taon akong naghintay sa’yo. I dreaded over those five years. It’s still you, Poppy. It’s always going to be you. Hindi ako na-attract kay Kaila o sa kahit na sinong babae. Natandaan mo ba ang sinabi ko sa’yo noon? You’re the only one who can move my heart. Kaya siguro hindi ako nagkakagusto sa ibang babae.”

“Kaila? She’s a friend. Naging malapit kami sa isa’t isa dahil kapwa kami heart-broken noon. I lost you and she lost Duane. She always dread over Duane every twenty-first. We were never attracted to each other because we both loved those whom we lost. Don’t be threatened by Kaila or be jealous of her. I cared for her dahil kargo de konsensiya ko kung mamatay na lang siya basta sa race track. Ako lang kasi ang may alam kung ano ang nararamdaman niya at alam ‘yon ng mga nasa Camp Speed,” paliwanag ni Nate.

“What if she’s in love with you? Kinausap niya ako noon sa Camp Speed. No’ng tinulungan ka niyang magturo sa mga bata. I feel threatened dahil sabi niya sa’kin, kapag sinaktan daw kita ulit, hindi ka na babalik sa’kin. I took it as ‘I’ll take him from you’. I don’t know pero ‘yon ang dating no’n sa’kin,” pag-amin naman niya rito sa mga negatibong bagay na pumasok sa isipan niya.

“Concern lang sa’kin si Kaila kaya niya nasabi ‘yon sa’yo. Alam kasi niya kung paano ako nagluksa sa pagkawala mo noon, same as alam ko kung paano siya nagluksa sa pagkawala ni Duane noon. I’m sorry, babe. It’s my fault. Dapat ay sinabi ko sa’yo kung ano ang mayroon kahapon. Dapat ay tinawagan muna kita bago ako pumunta sa Camp Speed o kaya’y isinama na lang kita roon. I’m sorry if I ever let you feel unprioritized or uncared for. Hindi na mauulit. Kaila has someone to take care of her now. And I have a lifetime to prove my love for you,” anito sa kanya bago lumuhod sa harapan niya.

“What do you mean?”

“Will you marry me?”

“No. Sina Kaila at—“

“Ang sakit ha. Nagpo-propose ako sa’yo—“

“You are?” gulat na tanong niya rito. Natawa siya ng kumunot ang noo nito. But he is Nate Alonzo. Tumayo ito at walang anu-anong hinalikan siya. She gasped at the sudden touching of their lips. And just like that, the doubts and jealousies went away in an instant.

“Marry me,” pagkuwa’y sabi ni Nate sa kanya nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

“I will,” nakangiting sabi niya rito.

“Great. Let’s go,” sabi ni Nate.

“Huh? Saan tayo pupunta?”

“We’re going to get married today,” biglang sabi nito.

“What?” bulalas niya.

“You already have my heart, Popcorne Belmonte. But to erase all your doubts and jealousies, I’m going to give you my name. So, you’ll have all of me,” masuyong sabi sa kanya ni Nate.

I’m going to be Mrs. Nathaniel Alonzo today!

“Tapusin muna natin ang pagrampa dahil baka patayin tayo ni Louelle, okay?” nangingiting sabi niya rito.

“Kailangan talaga nating tapusin ang pagrampa,” makahulugang sabi nito sa kanya na ipinagkibit-balikat na lang niya.

Nang lapitan sila ni Louelle at sabihing sila na ang susunod na rarampa ay pumwesto na sila sa may bukana ng stage ramp—nasa magkabilang dulo sila ni Nate at magmi-meet sila sa gitna ng entablado. Nginitian niya ito bago siya naglakad pabungad sa stage. Naghiyawan ang mga tao pagkakita sa kanya at kay Nate. Hinawakan ni Nate ang isang kamay niya bago sila rumampa sa stage. They did their acts well. At sa pagbalik nila sa gitna ng entablado ay naka-abrasiete na siya kay Nate.

Nagulat pa siya nang pagdating nila sa gitna ng entablado ay nakita niyang may nakatayong pari doon, katabi si Louelle at ang organizer ng event na si Chachi. Pagkarating nila roo’y itinutok ni Chachi ang mikropono kay Nate na agad namang nagsalita. Hawak naman ni Louelle ang marriage contracts at mga singsing nila.

“In front of all of you, I want to marry this lovely woman, the love of my life and the woman I’d be willing to tie myself into,” sabi ni Nate. Nagpalakpakan ang mga tao sa audience. She felt tears suddenly well up in her eyes. Iyon pala ang sorpresa na sinasabi nito. Tamang-tama naman sa suot nila ni Nate ang okasyong iyon sa kanila.

“Curse you, Nate,” pabirong sabi niya kay Nate dahil naiiyak na talaga siya.

“You want to kiss me now?” pabiro ding sabi nito sa kanya. Hindi na niya napigilan ang kanyang sariling yakapin ito.

She wasn’t the perfect woman to love, heck, she feels like the worse woman to love but she’s so glad that Nate loved her so.

And there, in front of a very big crowd, they both sealed their love with their “I dos” and a promise of a happy ever after.

---

“THEY’D KILL US when we get back,” sabi ni Poppy kay Nate.

Hawak niya ang isang iPad samantalang nakaharap naman sa laptop nito si Nate. Natatawa sila dahil kapwa naging magulo ang timeline nila sa Facebook, Twitter at Instagram. Kahapon kasi ay nag-post siya sa Instagram ng picture ng wedding rings nila maging ng marriage contract nila at simula noon ay hindi na natahimik ang mundo nila lalo na’t hindi alam ng mga magulang nila na ikinasal sila.

Well, they knew about it in the news.

Tatlong araw na silang nasa Cancun, Mexico kung saan nila napiling mag-honey moon. Nang gabing ikinasal sila ni Nate sa Philippine Fashion Week ay tumulak na rin sila papuntang Mexico dahil planado na pala ni Nate ang lahat. Hanggang sa marriage contracts, singsing at honeymoon nila. Kaya pala inabot ito ng ilang araw bago magpakita sa kanya at magpaliwanag noon. Dalawang linggo ang kinuha nilang travel package doon kaya isang linggo’t kalahati pa ang ipapamalagi nila sa Cancun.

“Then, we’d die together. It’s going to be romantic,” sabi naman sa kanya ni Nate. Binato niya ito ng throw pillow sa tabi niya.

“You’re the most annoying husband ever,” pairap na sabi niya rito.

“But you love me,” panunukso sa kanya ni Nate.

“I’m kinda regretting the day I’ve married you,” ganti niya rito.

“Ah, gano’n?” anito. She chuckled at him. Saka siya muling humarap sa iPad niya at tingnan ang mga sinabi ng mga taong nag-comment at nag-tweet sa kanila ni Nate.

@Gine_Sparks : @The_Popcorne I hate you both! Inunahan n’yo pa kaming makasal ni Nick! Tanggal na kayo sa guest list namin, tweet sa kanya ni Rodgine.

@The_Popcorne : @Gine_Sparks Bongga naman ‘yong sa inyo. Hayaan mo na. ; ), reply niya rito.

@Gine_Sparks : @The_Popcorne Ah, basta! ‘Di na kayo invited! tweet na naman ni Rodgine na ikinatawa at ikinailing na lang niya.

@Mrs_Esguerra : @The_Popcorne Congratulations Mr. And Mrs. Nathaniel Alonzo! Pero...nauna pa rin akong maging “Mrs.” kaysa sa’yo, Ate Poppy. ; ), tweet naman sa kanya ni Kaycee.

@The_Popcorne : @Mrs_Esguerra Pero nauna kaming ikasal. :P, reply naman niya rito.

@Mrs_Esguerra : @The_Popcorne Tse! We love each other. That’s what matters most, tweet muli ni Kaycee. She Retweeted and Favorited her tweet.

Marami siyang fans na nag-tweet at nag-comment sa Instagram photo niya at bumabati sa kanila ni Nate at pinasalamatan naman niya ang mga ito. Pero ang tweet ni Kaila ang pinakanakapagpatawa sa kanya.

@ksebastian21 : @The_Popcorne I meant no harm, Poppy, tweet ni Kaila sa kanya.

@The_Popcorne : @ksebastian21 So, that’s the reason of your number “21”. Sorry, Kaila. I hug you! I love you, reply naman niya rito.

@ksebastian21 : @The_Popcorne Oo na. Basta uwian n’yo ako ng lalaki. Hahaha! :D, muling tweet ni Kaila sa kanya.

@The_Popcorne : @ksebastian21 Ha? Eh, ‘di ba kayo na ni *insert name here*, reply niya rito.

@ksebastian21 : @The_Popcorne He’s stupid!!! reply naman nito sa kanya.

Hindi na niya nagawang reply-an pa ang tweet nito dahil biglang tumunog ang telepono sa may bedside table nila. Agad niya iyong sinagot. Sinabi ng front office clerk na connecting call daw iyon mula sa daddy niya kaya napangiwi siya. Siguradong pinatawagan nito sa sekretarya nito ang hotel kung saan sila tumutuloy.

“Nate! Si daddy. Ikaw na ang kumausap,” tawag niya kay Nate. Agad naman itong lumapit at kinuha ang telepono sa kanya.

“Nasa Skype si mommy. Kausapin mo,” sabi naman nito sa kanya na ikinalaki ng mata niya. Lumapit siya sa laptop nito at nakita niya nga ang mukha doon ng Mommy Cora niya.

“Hi, mommy! I’m sorry,” agad na sabi niya rito.

“Poppy! Alam mo bang halos maghisterya kami dito ng mommy Phem mo ng malaman naming ikinasal na kayo? Unica hija ka naming dalawa. Bakit ka pumayag na basta-bastang kasal lang ang mangyari sa inyo ni Nate? Kung nagmamadali kayo, kaya naman naming ayusin ng mommy mo ang buong kasal sa loob lang ng dalawang linggo. Hindi pa kayo nakapaghintay,” dire-diretsong sabi ng Mommy Cora niya. Maya-maya’y um-appear sa screen ang mukha ng mommy niya.

“Popcorne! Paano mo nagawa ‘to sa’min? Excited pa naman kaming mag-ayos ng kasal n’yo. Paano n’yo ipinagkait sa’min ‘yon? Kailangan n’yong magpakasal ulit ni Nate! This time, church wedding na at kailangang bongga siya. Magpa-plano na kami ni Cora para sa kasal n’yo,” dire-diretso ring sabi ng mommy niya.

“Yes, dad. I’ll marry her again. Fifty times kung gusto mo,” narinig niyang sabi ni Nate.

“Yes, mom. Please plan the wedding for us,” sabi naman niya sa mommy niya dahil alam niyang iyon ang gusto nitong marinig mula sa kanila ni Nate. Kasalanan naman nila dahil hindi sila nagpaalam sa mga ito bago sila magpakasal. Kaya kung gusto nitong magpakasal muli’y gagawin nila para sa kaligayahan ng mga ito.

Nang matapos ang pakikipag-usap nila sa mga magulang nila’y sabay silang nahiga ni Nate sa kanilang kama. Her head on his chest while she was enveloped in his arms. Yes, those five years of pain is worth it.

“I’ll marry you again. Fifty times,” sabi ni Nate.

“Every year? Sabi ni daddy?”

“No. Everyday. Sabi ko,” masuyong sabi sa kanya ni Nate.

“I love you—annoying and all,” sabi naman niya rito.

“Paano ba ‘yan? I don’t,” ani Nate.

“What?”

“I super love you,” bawi naman nito sa kanya.

“You are so annoying.”

“But you love me.”

“Whatever,” pairap na sabi niya rito. Pero sa halip na layuan niya ito’y niyakap niya ito ng mahigpit.

“Rev emailed me. Katatapos lang daw ng monthly patron race sa Camp Speed. And guess who kung sino ang kulelat,” ani Nate.

“Si Franz Matthew?”

“Yeah. But I don’t think it’s because of stupidity,” sabi naman ni Nate.

“It’s because of love. So, totoo talaga ang myth?”

“Sinasabi ko na nga ba’t umaasa ka sa myth na ‘yon eh. Noon pa lang, may silent wish ka na talagang makipagbalikan sa’kin,” pang-aasar sa kanya ni Nate.

“Damn you! Ikaw kaya ‘yon!” ganti naman niya rito.

He laughed at her. “Who brought up the myth issue again?”

“You! Mag-divorce na tayo!” asar na sabi niya rito.

“Sorry, babe. Sa Pilipinas tayo ikinasal. Walang divorce do’n. You’ll be stuck with me ‘til forever ends,” ani Nate.

“Forever isn’t real,” aniya rito.

“But it is with us,” masuyong sabi nito sa kanya saka siya hinalikan sa tuktok ng ulo niya.

Myth and forever—they’re just folklores but for them, it’s real. Look where they are now—together in love and happy.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.