KULANG na lang ay mawala ang itim sa mga mata ni Heart katitirik niya sa mga iyon dahil sa sermon nang nakatatanda niyang kapatid na si Lovely. Binisita niya ang pamilya nito sa Marinduque para sa isang bakasyon. Tamang-tama ang punta niya roon dahil Holy Week. Maraming turista, maraming programa at maraming kasiyahan. Pero mukhang walang balak ang kanyang nakatatandang kapatid na pasayahin siya dahil puro sermon ang ginawa nito sa kanya pagtapak pa lang niya sa pintuan ng mga ito.
Ang problema nito---ang hindi pa rin niya pagkakaroon ng isang mapapangasawa. Taliwas sa pangalan niyang ‘Heart’ ay hindi siya naniniwala sa pag-ibig.
“Ate, ano bang problema sa’kin?” tanong niya rito.
“’Yon nga ang tanong ko sa’yo. Ano’ng problema sa’yo?” balik-tanong nito sa kanya.
“Ate, walang problema sa’kin. Healthy ako, successful, maganda at sexy.”
“Sige. Magbuhat ka pa ng sarili mong bangko. Umayos ka, Heart. Alam mong hindi ‘yan ang ibig kong sabihin.”
“Eh, ano? Problema ko ba na naniniwala ako sa single-blessedness?” paismid na sabi niya rito.
“Heart, marami pang ibang lalaki d’yan na hindi katulad ni Joe. He’s just an average Joe anyways. Hindi mo siya deserve kaya humanap ka na lang ng kapalit niya. It’s been six years since the guy left you.”
“Ipaalala mo pa, Ate. Ang bait mo talaga,” sarkastikong sabi niya rito. Ipaalala ba naman nito sa kanya ang pinakaayaw niyang topic?
Si Joe ang una at huling naging kasintahan niya. Tumagal din naman ang kanilang relasyon ng dalawang taon. Dalawang taong puro angilan at hindi pagkakaintindihan. Iniwanan siya nito para sa isang mas sexy, mas maganda, mas successful at mas healthy na babae. Ang rason nito: boring daw siya. Kasalanan ba niya kung hindi siya pala-gimik? Kasalanan ba niya kung hikain siya at hindi niya natatagalan ang mga extremes na hobby nito? Kasalanan din ba niya kung ayaw pa niyang makipag-sex hanggang hindi pa sila naikakasal?
Simula nang makipaghiwalay sa kanya si Joe, wala na siyang ibang ginawa kundi magtrabahao para sa sarili niya. Isa siyang nutritionist-cum-dietician ng mga artista, modelo at atleta. She wants to put up her own shop but her fund wasn’t enough yet. Wala rin naman siyang mga magulang na dapat sustentuhan dahil parehong may ibang pamilya na ang mga ito. At wala rin siyang balak pang magkaroon ng isang pamilya.
For her “love” and “marriage” are evil words that needs to be avoided. Nagsisisi siya noon kung bakit naniwala pa siya sa pag-ibig gayong nasaksihan niya kung paano nawasak ang kanilang pamilya. Hindi rin siya makapaniwala na nagawang magkaroon ng isang pamilya ng kanyang kapatid. She was once an anti-love person. Pero nang makilala nito ang Kuya Isaac niya’y biglang nagbago na lang ang paniniwala nito. Now, they have two adorable kids.
Pero hindi ako naiinggit sa kanya. I love my life, being single and all that.
“You should find your Mr. Right, your Prince Charming, the love of your life, your destiny, your forever, you soul mate.” tila nangangarap pa nitong sabi.
“Ate, every ‘once upon a time’ doesn’t always end up with a ‘happily ever after’. A fairy tale is just a story. Sa libro lang nangyayari ang lahat ng ‘yon. Nagiging realistic ako. Kailangan kong maging praktikal. Mas magandang mamuhay ng mag-isa ka lang dahil wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mong gastos at ang problema mo sa trabaho. No boyfriend means no problem.” paliwanag niya rito.
Naniwala siya sa mga iyon noon pero hindi na ngayon dahil napatunayan na niyang hindi totoo ang lahat ng iyon. Isa pa, hindi lang ang personal niyang karanasan ang kanyang batayan kundi ang mga karanasan na rin ng kanyang mga kaibigan pagdating sa pag-ibig. Sometimes, love doesn’t fit all kinds of people. At kasama siya mga iyon. Love just never fit her.
“There’s no perfect love story, Heart. Kailangan mo lang maging matiyaga na hintayin o hanapin ‘yong isang taong nararapat sa’yo. Maniwala ka sa’kin dahil ‘yon ang ginawa ko. Kita mo naman, nakilala ko ang Kuya Isaac mo. Hindi man naging madali para sa’min ang lahat noon, masaya na naman kami ngayon. You see, it’s just in the matter of time.”
“Ate, wala akong tiyaga, okay? Kaya hindi magfi-fit sa’kin kahit kailan ang salitang ‘pag-ibig’, ‘destiny’ o kung anupaman ang mga ‘yon. Bakit hindi mo na lang ba ako hayaan? Masaya ako sa buhay ko ngayon. Walang problema, palagi akong masaya. I don’t need a man to be contended, satisfied and happy. Masaya ako na ako lang, at kayo.”
“Well, mas sasaya ka kung sasamahan mo kami ngayon sa beach para mag-swimming at maglaro.” bungad sa kanila ng Kuya Isaac niya.
“Oh, hi, honey! Ready na ba ang mga bata?” tanong ng Ate Lovely niya rito.
“Oo. Excited na sila kanina pa.”
“Aba, parang wala sila palagi sa beach ah.” aniya.
May-ari kasi ng isang resort sa Gasan, Marinduque ang mag-asawa kaya malamang na palaging kasama ng mga ito sina Cassie na walong taong gulang at si Rodney na limang taong gulang. Ang walang kasing-cute niyang mga pamangkin.
“Kahapon pa daw kasi sila nagawi sa beach kaya na-miss nila.” biro ng Kuya Isaac niya. Lumapit ito sa Ate Lovely niya at hinalikan ang huli sa noo.
Isang dahilan kung bakit masaya siya para sa kanyang kapatid at hindi niya ito sine-sermonan o kinukutya dahil nagmahal ito taliwas sa mga sinabi nito noon sa kanya’y dahil sa kanyang Kuya Isaac. Ito na yata ang pinaka-mabait at pinaka-faithful na lalaking nakilala niya. Maswerte ang kapatid niya rito.
“O, bakit? Nagda-dalawang-isip ka ng mag-asawa? May ipapakilala ako sa’yo ngayon.” anang Kuya Isaac niya.
“’Di pa rin.” nakangising sabi niya rito. Dalawampu’t walong taong gulang na siya at wala siyang pakialam kung wala siyang boyfriend o asawa. She’s proud of being single and she would love to tell the world about it.
NAPAPAKAMOT sa ulo si Heart dahil kanina pa siya inis na inis kay Gregory na isang German na ipinakilala sa kanya ng Kuya Isaac niya. Ang akala niya’y magtatanong lang ito sa kanya tungkol sa kung ano ang pwedeng maging diet nito dahil may katabaan ito pero iba na ang takbo ng usapan nila ngayon. May restaurant daw ito sa Maynila at gusto nitong pagtrabahuhin siya roon bilang personal nutritionist-cum-dietician ng establishemento nito na agad naman niyang hindi tinanggap.
“Can you excuse me for a moment, Gregory?” aniya rito.
“Sure. But be sure to come back. We’re still going to talk about your bright future with me and my restaurant.” anito.
Bright future daw? Oh, no! Nanginig siya sinabi nito hindi dahil kinikilig siya kundi dahil nandidiri siya rito. Treinta lang daw ito pero mukha na itong singkwenta sa hitsura nito. Papa God, hindi ko po ugaling manlait ng kapwa pero ngayon lang po ito. piping dalangin niya.
Pinuntahan niya sa tabing dagat ang mag-asawang Isaac at Lovely para komprontahin ang mga ito.
“So, kumusta ang date n’yo ni Gregory? Gustong-gusto ka niya ah.” nakangising sabi sa kanya ng Kuya Isaac niya.
“Ako rin, Kuya. Gusto ko siya. Gustong-gusto ko siyang sakalin! Why the hell did you set me up with him? Alam n’yong ayaw ko ng sakit ng ulo!” inis na wika niya sa mga ito.
“Naghahanap kasi ng makakausap si Gregory kanina. Since wala kang ibang ginagawa kundi ang magbasa, ikaw ang pinakilala ko sa kanya. Mabait naman siya ah.” anito.
“Kuya, he’s ready to talk about his bright future with me! Yuck!” may disgusto sa tinig na sabi niya. Sabay naman na humagalpak ng tawa ang mag-asawa. “Nag-e-enjoy naman kayo sa miserable kong sitwasyon ngayon, gano’n?”
“Well, may choice ka naman na hindi siya kausapin at tarayan na lang pero kinausap mo pa rin siya.” anang Ate Lovely niya.
“Kasalanan ko pa ngayon na mabait ako, gano’n?”
“At dahil mabait ka, bumalik ka na ro’n dahil kinakawayan na tayo ni Gregory.”
“Ayoko na! Aalis na ako dito!” naghuhuramentadong sabi niya.
“You’ll miss the great festival tomorrow.” anang Ate niya. Napaungol siya sa sinabi nito. Ang Gasang-Gasang Easter Festival ang pinakaabangang kasiyahan sa Gasan at naroon din siya ngayon para makanood niyon pero nasira ang magandang mood niya buong linggo sa paghihintay niyon dahil kay Gregory at kasalanan iyon ng mabait niyang kapatid at ang makulit nitong asawa.
“Or, pwede kang mag-isip kung paano mo maitataboy si Gregory. Because I’ve heard that he’s persistent. ‘Pag gusto niya talaga’y gagawin niya ang lahat makuha niya lang.” sabi pa ng Kuya niya.
“At gano’n din ako. ‘Pag ayaw ko’y ayaw ko talaga.”
“Well, good luck to you.” sabay na sabi ng mag-asawa.
“Kasalanan n’yo ‘tong dalawa!” akusa niya sa dalawa.
“Mabait din lang kami.” painosenteng saad ng mga ito.
All right. I’m going to get rid of Gregory if he’s more persistent than my pimples!
NANG oras na hinawakan ni Yelena ang kamay ni Jazz ay alam na niya ang gusto nitong mangyari. Lalo na’t nakatingin ito sa kanya na para bang siya na ang gusto nitong gawing hapunan. Yelena was pretty and sexy but he still wanted to hear from her that she wants to do it with him.
Kagagaling lang nila sa isang round Marinduque tour at nag-enjoy naman siyang kasama ito.
“I want you, Jazz…” makapanindig balahibong sabi nito sa tapat ng kanyang tainga.
It was a normal thing a woman always tells him. Kumbaga, sanay na siya sa mga pag-aanyayang ganoon. He doesn’t need to say anything at all. Umakyat sila sa kwartong inookupa niya at agad na sinarado ang pinto. Then, Yelena was already going all over him.
Hinubad nito ang pang-itaas niyang damit at nagsisimula na nitong hubarin ang kanyang pantalon. Masyado itong aggressive at hindi niya iyon nagustuhan. Gusto kasi niyang siya palagi ang nasa control. Gusto niya ang mga babaeng palaging game pero hindi ang mga babaeng mas aggressive pa kaysa sa kanya.
“Yelena, slow down. We’ve got all the time.” aniya rito.
“Nandito na sina Daddy mamaya kaya kailangan nating bilisan.” mabilis na sabi nito saka siya muling siniil ng halik pero agad din naman niya itong itinulak.
“Whoa! Let’s stop this.” aniya.
Stop! sabi niya sa sarili. Kahit na gusto niyang makasama ngayon si Yelena ay nakaramdam siya ng hiya dahil nasa bahay nga pala siya ng mga ito at nakikituloy lang. Nakakahiya sa mga magulang nito kung makikita nang mga itong nasa kwarto niya si Yelena.
Because of his damn libido, he forgot all about his manners.
“What the hell are you doing?” maang na tanong sa kanya ni Yelena. Inaayos na kasi niya ang kanyang pantalon.
“Yelena, we’re at your house. This isn’t right.” simpleng paliwanag niya.
“A couple of minutes ago, you were as eager as I am. What just happened?”
“I just thought that this isn’t right.”
Her facial expression suddenly softened as she approached him. She stroke his chest seductively. Pero mas kontrol na niya ang kanyang sarili ngayon. Wala nang epekto sa kanya ang ginagawa ni Yelena. Nakaramdam siya ng kaunting disgusto para rito dahil parang wala itong isip. Hindi man lang nito naiisip ang sasabihin ng ibang tao.
Just as he was about to push Yelena away, the door suddenly opened. Nabungaran nila ang gulat na anyo ng Mayor habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa.
“Mr. Villaraza, mag-uusap tayo ngayon!” matigas na wika nito.
What had just happened?
Later that night, he learned the biggest doom of his life.