Chapter 34

“I’M…SORRY…Gregory. I think…I’m losing…my signal. I…can’t hear…you.” paputol-putol na sabi ni Heart kay Gregory sa kabilang linya na kunwari’y nawawalan siya ng signal at hindi niya ito gaanong marinig gamit ang balat ng candy. Nakatulong iyon para kunwari’y pangit talaga ang signal niya.

Nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas ay matapos ang tawag. Simula nang hindi niya ito balikan para kausapin kahapon dahil nagkunwari naman siyang masakit ang ulo dahil sa tindi ng sikat ng araw ay iniiwasan na talaga niya ito. Kaninang umaga ay sinadya niya talagang gumising ng maaga at pumunta sa bayan para hindi lang ito makita sa resort. Doon kasi sila natulog. Swerte naman siya dahil nasaksihan niya ang street dancing ng festival.

“The classic candy thing.” anang pamilyar na boses sa kanyang tagiliran.

Kasalukuyan siyang kumakain ng hotdog sandwich sa isang booth sa may Guingona Park kung saan ginaganap ang Gasang-Gasang Easter Festival. Alas-diyes na ng umaga at talaga namang gutom na siya. Naka-tatlong hotdog na yata siya ngayon.

Nang lingunin niya kung sino ang nagsalitang iyon ay napakunot ang noo niya dahil hindi niya ito makilala. Nakasuot kasi ito ng isang over-sized sunglasses, malaking ilong at kulot na wig. Hindi niya alam kung iyon ba ang uso ngayon o gusto lang nitong maiba. Pero hindi hamak na matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Nakikita niya iyon dahil sa suot nitong sando at loosed faded jeans.

“Avoiding someone?” anang swabe nitong boses. Oh my, gosh! Kilala ko talaga ang boses niya.

“It’s none of your business. Who are you anyway?” mataray na tanong niya rito.

“I’m geek.” sagot nito.

“Funny, but you looked more like a dork to me.”

“Still the sassy-Heart, huh?” anito na tila kilalang-kilalang siya.

“Isa pang salita at hindi pa rin kita kilala, sasapakin na talaga kita.”

“Whoa! I’m Jazz.”

“Jazz who? I don’t know a dorky-Jazz.” kunot-noong sabi niya rito.

“I’m Jazztine James Villaraza. May tinatakasan akong tao kaya ‘wag kang maingay.” pakilala nito.

Her mouth formed a big ‘o’. He is the infamous Jazztine James Villaraza, a royal businessman, model and a total buff. That explains the body. Nakatrabaho na niya ito pati na rin ang iba pang modelo ng Prim and Proper modeling house. Hindi na kasi ito regular na modelo nang naturang ahensiya dahil naka-pokus na ito sa pagnenegosyo kasama ang kapatid nitong si Azeriel Villaraza. Kasama na sa pamamahala ng Villaraza Group of Companies ang dalawa kaya naging abala na si Jazz.

Pero sino naman kaya ang tinatakasan nito at bakit ito nasa Marinduque? Sa pagkakaalam niya, wala naman itong negosyo sa lugar. Hindi na niya nasagot ang mga katanungan sa kanyang isip dahil tumunog ang kanyang cell phone. Isang text message ang ipinadala ni Gregory sa kanya at sinabing pupuntahan daw siya nito sa bayan. Paano naman nito nalaman na naroon siya?

“Holy shit! This guy is really as persistent as my pimples!” inis na bulalas niya.

“Sino?”

“Gusto ko pa sanang makipag-usap sa’yo pero next time na lang. I got to run.” paalam niya rito. Hindi na niya tinapos pa ang kanyang pagkain at basta na lang siya tumakbo paalis sa lugar na iyon. Niloloko lang ba siya ni Gregory o ano? Totoo ba ang sinasabi nito?

“Wait! Saan ka pupunta?” tanong ni Jazz. Hinahabol siya nito. Siguro’y mukha na silang mga tanga dahil hinahabol siya ng isang lalaking nakasuot ng ‘dorky-disguise’.

“Hindi ko rin alam eh. Basta may kailangan akong takasan.” aniya na patuloy pa rin sa pagtakbo.

“Ako rin. I have to get away from here or something.” determinadong sabi nito.

“Bakit ba?” tanong niya rito.

PIGIL NA pigil ni Heart ang pagtawa ng malakas pagkatapos marinig ang kahabag-habag at nakakatawang kwento ni Jazz. Mas malala pa pala ang problema nito kaysa sa problema niya. Si Jazztine James na napaka-palikero ay matatali sa kasal sa isang babaeng kakikilala pa lang nito noong nakaraang gabi.

Naroon pala ito sa Marinduque dahil ito ang pinapunta ng ina nito para um-attend ng Gasang-Gasang Easter Festival at maging judge para sa naturang kompetisyon ng street dancing. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa buhay nito’y nagtatago ito ngayon. Hindi raw ito makakaalis ng Marinduque dahil nasa watch list siya ng paliparan at pier sa buong probinsiya. Ang hinihintay nitong tulong mula sa mga kapamilya ay hindi dumarating dahil ayon sa mga ito’y kailangan daw panagutan ni Jazz ang ginawa.

Kung bakit ba naman kasi nakakita lang ito ng babae ay kama agad ang nasa isip.

Ipinasyal daw kasi ito ni Yelena na anak ng Mayor kahapon. Maganda at sexy si Yelena. Nag-aral ito sa Maynila at taliwas sa nalalaman ng marami tungkol dito na mahinhin ito ay mapangahas naman talaga ito. Pagdating daw nito at ni Jazz sa mansion ng Mayor ay agad daw dinala ni Yelena si Jazz sa kwarto nito at niyayang makipag-sex. At dahil lalaki lang si Jazz---at gustong-gusto niya ang ideyang iyon---ay agad itong pumayag.

Nasa kalagitnaan na daw ang dalawa nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa dalawa ang gulat na mukha ng Mayor. Kinagabihan din ay tinawagan ng Mayor ang pamilya ni Jazz at sinabi ang nangyari. Agad na naitakda ang kasal ng dalawa na mangyayari sa susunod na linggo. Hindi na raw iyon dapat pang patagalin dahil baka malaman pa ng publiko ang nangyari. Makasisira daw iyon sa reputasyon ng dalawang pamilya.

Kung bakit ba kasi gagawa ng milgaro na hindi inila-lock ang pinto?

“’Yan! Lesson ‘yan para sa’yo. Kapag kasi nakakita ka ng isang maganda at sexy na babae, ‘wag mo agad paaandarin ang libido mo. ‘Yan ang problema sa inyong mga lalaki eh. Masyado kayo.” natatawang sabi niya rito. Kasalukuyan silang nasa likod ng isang booth at nag-uusap habang kumakain.

“Sige, tawanan mo ako. Sasabihin ko sa matandang German mo na nandito ka lang.” banta pa nito sa kanya. Nai-kwento na rin niya rito ang tungkol kay Gregory at naiintindihan naman siya nito.

“Subukan mo lang. Tatawagin ko naman si Mayor at sasabihing nandito ang future-son-in-law niya.” tatawa-tawang sabi niya.

Tinanggal nito ang suot na mga disguise at namangha siya sa nakita. Hindi talaga niya maikakailang napaka-gwapo nito. He has jet black hair, brown eyes, high pointed nose, fair complexion and sexy lips. Well built ang katawan nito dahil given na isa itong model. He was the epitome of a perfect lady’s man. Kawawa ang magiging girlfriend nito dahil tiyak na maraming makakaagaw ng babaeng iyon.

“Shit! I never thought I could be in this kind of situation.” frustrated na sabi nito. Wala naman talagang nangyari sa mga ito dahil hindi naman natuloy ang milagro.

“May naiisip ka bang paraan para makatakas ka sa gulong ito?” tanong niya rito.

“Mayro’n, actually. But it’s crazy.” anito.

“Ano?”

“We could pretend.” sagot nito.

“Ano? Ano’ng ibig mong sabihin?”

“I could pretend as your boyfriend para maitaboy mo si German at magpe-pretend ka naman na girlfriend ko para makawala ako sa kasalang ito. I mean, this would both benefit us. Madali lang naman ‘yon eh.” paliwanag nito.

“’Ay naku! Hindi! Ayoko! Hindi ko nga pinangarap na magka-boyfriend, ‘tapos, bigla mo na lang sasabihin na magiging boyfriend na kita?” agad na tanggi niya.

“Pretend-boyfriend.” pagtatama nito sa kanya. “Come on, Heart. Walang mawawala sa’ting dalawa. Pareho tayong makakaalis sa lugar na ito ng buhay at lutas ang problema. Ayaw mo ba no’n?”

“Siyempre, gusto. Pero…hindi madali ang gusto mong mangyari ‘no.” aniya.

“Okay. Ipapaliwanag ko ha. Magpapanggap lang tayo. Ngayong araw lang o hanggang sa matapos ang problema natin. Gagawin natin ito dahil kailangan lang. Hindi mo ako magiging totoong boyfriend, okay? After this, wala na tayong pakialam sa isa’t isa. Got it?”

Napatangu-tango siya sa mga sinabi nito. May punto naman ito. Makakaalis nga sila sa lugar na iyon ng walang problema kung magtutulungan silang malutas ang kani-kanilang problema. Kaya lang ay napakahirap ng sitwasyon nito.

“Madali lang ang sa’kin dahil tutulungan mo ako. Pero sa tingin ko, mahihirapan tayo sa problema mo.” aniya.

“No. I think kaya natin.” anito.

“Well, makakalusot ka d’yan kung sasabihin mong si Yelena nga ang nauna. At base sa kwento mo, siya naman talaga, ‘di ba? O baka naman, dina-downplay mo lang ang ikinwento mo sa’kin kanina?”

“No. Siya talaga ang nagyaya sa’kin. What can I do? Palay na ang lumapit, tatanggi pa ba ako?”

“A typical lady’s man, huh? Anyways, pwede nating gawing rason ‘yon. Basta bahala na. Kung ano ang lumabas na rason sa bibig natin, ‘yon na ‘yon.”

“I didn’t think you could be spontaneous.” amused na sabi nito.

“I can be one. Sometimes.” aniya.

“Okay. Ready?” tanong nito.

“I guess so. Are you?”

May isang hinala siya na gusto niyang siguraduhin mamaya.

KUNG wala sigurong hinaharap na problema ngayon si Heart ay natawa na siya dahil hindi mapakali sa upuan niya si Jazz. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang kamay at tila wala na itong balak bumitaw. Ramdam niyang natatakot ito kahit pinipilit nitong hindi iyon ipahalata.

This was his first time to face this kind of situation. Hindi nito iyon napaghandaan pero nakaisip pa rin ito ng paraan para makatakas sa suliraning iyon.

Kaharap nila ngayon si Mayor pati na rin ang asawa nito at si Yelena. Kapag nakalusot sila dito’y haharapin naman nila mamaya ang makulit na si Gregory kaya dapat niyang galingan ngayon.

You can do this, Heart.

“Sino ang babaeng ito, Jazz?” tanong ni Mayor kay Jazz.

“She’s my fiancée, Mayor.” ani Jazz. Bigla siyang napatingin kay Jazz.

What the hell? Ang usapan nila’y boyfriend-girlfriend lang pero mas pinataas pa nito ang antas ng kanilang pagsasama. Pambihira! Wala siyang nagawa kundi ang pisilin ang kamay ni Jazz at kurutin ito sa tagiliran.

“Ano? May nobya ka na pero nagagawa mo pa ring makipag…makipag…”

“Jazz, what the hell is the meaning of this?” inis na tanong ni Yelena nang hindi matapos ng ama nito ang sasabihin.

“It means that I am Jazz’s fiancée and that he’s going to marry me next month.” taas-noong sagot niya rito. Basta na lang lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang iyon nang hindi siya nag-iisip dahil naiinis siya kay Yelena.

“Walang sinabi si Jazz sa’kin na ikakasal na pala siya.” giit nito.

“Hindi mo kasi siya binigyan ng pagkakataong sabihin ‘yon sa’yo dahil masyado kang aggressive.” matapang na saad niya rito.

“How dare you talk to our daughter like that in front of us!” sita sa kanya ng asawa ng Mayor.

“Turuan n’yo po kasi ng magandang-asal ang anak n’yo, ginang.”

“You—“

“Nagpunta po ako rito para sunduin ang fiancé ko. Babalik na kami sa Manila ngayon dahil on-going pa rin ang preparations para sa kasal namin. Kailangan na naming makabalik doon. I want to thank all of you for taking care of my hubby here.” aniya saka tumayo habang hawak pa rin ang kamay ni Jazz.

Hubby? Yuck!

“At paano ang anak ko, Mr. Villaraza? Ano’ng mangyayari sa anak ko?”

“Nothing happened between us, Sir.” ani Jazz.

“At ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng nakita ko?” galit na tanong ni Mayor.

“Jusko! Nakita n’yo lang pong walang pang-itaas si Jazz pero nag-insinuate na agad kayo na may nangyari sa kanila ng anak n’yo.” sagot niya rito.

“Paano mo naman nalaman ang lahat ng ito, Miss?”

“Dahil sinabi agad sa’kin ‘yon ni Jazz. Walang inililihim sa’kin si Jazz kaya alam ko ang lahat ng nangyari. Faithful siya sa’kin.” aniya. Binitiwan niya ang kamay ni Jazz at humalukipkip na humarap sa mga ito. “Hindi kaya isang set-up lang ang nangyari? Gusto n’yo lang ma-trap sa anak n’yo si Jazz dahil sa apelyido niya at sa lawak ng koneksyon ng pamilya nila?”

Iyon ang kanina pa niya pinaghihinalaan pero wala siyang ebidensiya. Wala siyang batayan para akusahan ang mga ito nang ganoon kaya dinaan na lang niya sa ganoong paraan ng pagtatanong.

“Ano’ng ibig mong sabihin? Na gagamitin lang namin si Jazz?” ani Yelena.

“Hindi ba?” nanghahamon na tanong niya rito.

“You’re accusing us without any evidence, young lady!” galit na saad ni Mayor.

“And you’re accusing Jazz of such…whatever, without enough evidence too!” palaban na sabi niya rito. Inuuntag niya si Jazz pero para itong estatwa na nagmamasid lang sa kanilang pag-aaway ng pamilya ng Mayor.

“Mayor, wala pong nangyari sa’min ng anak n’yo. Siya po ang nanguna. Alam kong may kasalanan din po ako sa nangyari dahil nagpadala ako sa tukso pero agad din naman po akong tumigil. Iyong naabutan n’yo pong eksena, inaawat ko na po si Yelena noon.” paliwanag ni Jazz sa mga ito.

“See? Ni hindi n’yo hinintay ang paliwanag ni Jazz. Agad n’yong kinausap ang mga magulang niya at nag-set agad kayo ng kasal. Masyado po kayong mabilis. Ngayon, paalisin n’yo na ba kami dito o ilalabas ko pa ‘to sa publiko?” banta niya sa mga ito.

Huling-huli niya ang pamumutla ni Mayor pati na rin ang takot sa mga mata ng asawa nito at ang pagsimangot ni Yelena. Nangangahulugan lang iyon na nanalo sila.

Akalain mo ‘yon? Pwede rin pala akong maging lawyer-lawyer-an kuno.

“So, cased close? Pwede na kaming umalis?” nakangising tanong niya sa mga ito.

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga ito. Alam na niyang ligtas na si Jazz mula sa kamay ng mga ito kaya hinila na niya palabas ng bahay na iyon ang huli. Oras naman na harapin nila ang kanyang problema.

“YOU ALREADY have a boyfriend?” bulalas ni Gregory ng makausap ito ni Heart kasama si Jazz. Nagulat ito nang ipakilala niya rito si Jazz.

Sweet na sweet silang humarap kay Gregory na ikinagulat nang huli. Maging ang Ate Lovely at Kuya Isaac niya’y nagulat nang bumalik siya sa resort kasama si Jazz. Ipinaliwanag naman niya sa mga ito kung ano ang plano nila ni Jazz na ikinatawa lang ng mag-asawa.

“Yes, Gregory. Jazz and I are going back to Manila together.” paliwanag niya rito habang panay naman ang halik sa ulo niya ni Jazz.

Sumu-sobra na ang kumag na ‘to.

“But Isaac and Lovely told me that you don’t have a boyfriend.” ani Gregory.

“What they meant was, my boyfriend is not here. But Jazz surprised me this morning.” paliwanag niya.

“I missed my girlfriend already, Gregory. I want to take her home now.” masuyong sabi ni Jazz. “I missed you, baby.” bulong ni Jazz sa tapat ng kanyang tainga na nakapagbigay sa kanya ng goosebumps. Bahagya niya itong inilayo sa kanya pero nakahawak pa rin ito sa kanyang baywang.

“That’s too unfortunate for me, then. I’ve hoped that we could hit it off together.” malungkot na sabi ni Gregory. Para naman siyang biglang na-guilty dahil sa pagsisinungaling niya rito.

“You could still find someone, Greg. I’m sure a lot of girls out there would want to date you. Except my girl, okay?” possessive na saad ni Jazz.

My girl. Now why was that so good to hear? Ay naku! Erase, erase! Ano bang iniisip mo, Heart?

“Yeah. Hey, you guys take care on going back to Manila, okay?” sport naman na sabi ni Gregory. Napangiti siya rito.

“We will. I hope you could find your girl you’ll love here, Gregory.” aniya rito.

“Bye, Gregory.” paalam dito ni Jazz saka siya iginiya paalis sa lugar na iyon. “What? Gusto mo na rin si Gregory ngayon?” tila nagseselos na tanong nito sa kanya.

“Huh? Hindi. Bakit mo naman nasabi ‘yan?” kunot-noong tanong niya rito.

“Para kasing malungkot ka.”

“No, I’m not.” aniya. Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang baywang. “Thank you sa pagliligtas sa’kin. And you’re welcome na rin sa ginawa ko para sa’yo kanina.”

“You’re asking me to leave now? Sabay tayong babalik sa Manila, ‘di ba?”

She heaved a deep grunted sigh and walked away with him. Nakalimutan niyang makulit nga pala si Jazz. Why had I dealt with him anyway?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.