Chapter 35

“HOW DID you get out of that messy-hellic situation, Jazz?” tanong kay Jazz nang kaibigan at pinsan niyang si Jack.

Nakabalik na siya sa Maynila at kasalukuyan siyang kumakain sa isang sikat na restaurant sa Ortigas kasama ang mga kaibigan niya. Hindi biro ang kinasangkutan niyang gulo sa Marinduque kaya gusto niyang makabawi ngayon. Gusto niyang mag-relax.

“I’ve had a pretend-girlfriend.” kaswal na saad niya. Napapangiti siya sa tuwing naaalala niya ang ideyang iyon lalo na si Heart.

Malaki ang pasasalamat niya kay Heart dahil sa ginawa nitong pagtulong sa kanya. He didn’t know the woman was spontaneous. Hindi niya inakalang makakabuo ito ng konklusyon na ganoon para madiin sa sarili nilang patibong ang mag-anak na Palmera. Natutuwa talaga siya rito.

Kaibigan niya ito noon pa man dahil naka-trabaho niya ito sa Prim and Proper modeling agency pero sa Marinduque na lang sila muling nagkita matapos ang maraming taon dahil pareho silang naging abala sa kanya-kanyang trabaho.

“You what?” hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan niyang si Mandy. Katabi lang ng gusali nila ang gusali ng sarili nitong negosyo kaya madalas ay ito ang palagi niyang nakaka-kwentuhan. Free time lang kasi ni Jack ngayon dahil busy ito sa pagpapatakbo ng sports complex nito sa Batangas at doon ito naglalagi.

“You heard me right. A pretend-girlfriend. You know, nagpanggap kami bilang magkasintahan para parehong makaalis sa lugar na ‘yon ng buhay at walang problema. Nagkataon na may tinatakasan din siya kaya napapayag ko siya sa problema ko. So, heto, dahil sa tulong niya ay nandito ako sa harap n’yo. Buhay at walang problema.” masayang paliwanag niya sa mga ito.

“Wow! Ang galing ah. You could actually use her to shoo all your exes and past dates aways. Hmmm. I think I’m going to hire a pretend-girlfriend too. That’s a good idea.” sabi ni Mandy.

“Yeah. It’s like having a friend with a benefit.” sabi naman ni Jack.

Tango lang ang isinagot niya sa mga ito dahil tuwang-tuwa siya sa lahat ng nangyari. Pero aaminin niyang natakot siyang matuloy ang kasalang iyon. Takot siya sa commitment. Sa tuwing nagkakaroon kasi siya ng nobya ay pakiramdam niya’y nakatali siya sa isang relasyong mahirap nang makaalis pa. Pakiramdam niya’y nasasakal siya tuwing nakikipag-commit siya sa isang babae. Kaya hangga’t maaari ay nililinaw niya sa mga nagiging dates niya ngayon kung ano lang ang gusto niyang mangyari.

Stick-to-one naman siya sakaling may date siya pero hinihiwalayan agad niya ang isang babae kapag nakaramdam na siya ng kasawaan. Mabuti na lang at naipapaliwanag niya ang gusto niya sa mga ito sa unang pagkikita pa lang nila kaya hindi siya masyadong nahihirapang makipaghiwalay.

May iba lang talaga na makulit at gusto pa rin siyang guluhin.

“You would need her in times like this.” biglang sabi ni Mandy.

“Why?” kunot-noong tanong niya rito.

“Jazz, darling! How are you?” bati sa kanya ng kararating lang na si Yvonne. Ex-girlfriend niya ito na isang socialite na walang ginawa kundi ang mag-shopping at magpaganda.

All she has is a beautiful face and a nice ass. No brains at all. Isa ito sa persistent at consistent niyang ex na patuloy pa rin sa paghahabol sa kanya. Mabuti nga at wala sa bansa si Jenny dahil may modeling job ito sa iba’t ibang bansa. Kung nagkataon ay baka nag-away na naman ang dalawa. Si Jenny kasi ang number one sa kanyang listahan kapag gusto niyang maglaro. At nagagalit doon si Yvonne. Nagtataka nga siya kung paano nito nalaman na naroon siya sa restaurant na iyon kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi na hindi naman niya tinugon.

“Yvonne, we’re in a public place. And in case you’ve forgotten, we’re already through.” prangkang sabi niya rito.

“Oh, come on, Jazz. We could still hit it off like old times, you know. Same old you and I.”

“I’m sorry, Yvonne. I can’t do that anymore. I already have a girlfriend. A serious one.” seryosong sabi niya rito. Hindi niya alam kung saan din nanggaling ang ideya niyang iyon pero naisip niya ang sinabi kanina ni Mandy at Jack. At isang babae lang ang naisip niyang pwede sa ganoong set-up.

Heart.

Wala siyang planong makipag-commit kahit kanino pero gusto niyang may playmate siya. Ang problema nga lang niya’y kung paano makikipaghiwalay sa mga ito na hindi na muli pang maghahangad ang mga ito na balikan siya. At para maitaboy niya ang past dates at exes niyang pilit pa ring bumabalik sa kanya’y kailangan niya ng isang scheme.

And Heart would be more of help on this one. He would offer her a deal she would never say ‘no’ to. Just thinking of the idea made his eyes shine.

What if you fell in love with her? tanong ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Nah. She’s not my type of girl. kumpiyansang sagot naman niya.

NAGSISIMULA nang uminit ang ulo ni Heart dahil sa mga lalaking nakapalibot sa kanya ngayon sa loob ng Prim and Proper gym. Pawang modelo ang mga ito ng P&P na inaalagaan niya. Pero hindi ibig sabihin ng pag-aalaga niya sa mga ito’y pwede na siyang pormahan ng mga ito. Ang mga katawan lang ng mga ito ang interes niya. Wala siyang interes mismo sa mga ito kaya sawang-sawa na siyang araw-araw na lang kinukulit ng mga ito.

“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko ugali ang makipag-date, huh?” aniya sa mga itong pinipilit na kumalma. Ayaw niyang sirain ang mood niya dahil umaga pa lang ngayon.

“You wouldn’t make any exemptions to your rule?” tanong ni Yuri. Isang Brapanese model na anim na taon na sa ahensiya.

“Yes. I wouldn’t make any exemptions to my rule. Kaya pwede na kayong umalis sa harap ko, okay?” pagtataboy niya sa mga ito.

“Sigurado ka, Heart? Kahit ako?” pa-cute na sabi ni Hugh.

“Lalo na ikaw.” aniya rito.

“You’re heartless, Heart, you know that?” anito.

Akmang sasagutin niya ito nang may biglang magsalita na hindi niya inaasahan. “She’s not heartless, because her heart belongs to me.” Napanganga siya nang makitang naglalakad palapit sa kanya si Jazz na animo pag-aari nito ang buong gym.

Nakuha nito ang atensyon ng lahat ng babae roon maging ang atensyon ng mga kalalakihan. Naiintindihan niya ang humahangang tingin ng mga ito kay Jazz dahil itinuturing na senior at inspirasyon ng mga baguhang modelo ang huli. At hindi lingid sa kaalaman niya na karamihan sa kanilang female models ay may malaking pagkagusto dito.

Manghang napatitig lang siya rito nang ipulupot nito ang mga kamay sa kanyang baywang saka siya kinabig nito at hinalikan sa noo. Nagkataon pang back bra lang ang suot niyang damit kaya ramdam niya ang init ng braso ni Jazz sa kanyang balat. It sent shivers down her spine and brought her goosebumps.

“Hi, Jazz!” bati ng ilan dito.

“You two are together?” hindi makapaniwalang tanong ni Hugh sa kanila. Napatingin siya rito pero naramdaman niyang pinisil siya ni Jazz sa kanyang tagiliran na para bang may gusto itong ipahiwatig kaya napatingin na naman siya rito.

“Yes we are.” sagot ni Jazz kay Hugh. Unti-unting umalis sa paligid nila ang ibang lalaki pero nanatili sa tabi nila sina Hugh at Yuri. Palibhasa’y nakatrabaho na ni Jazz ang mga ito kaya magkakaibigan na ang tatlo. “We need to talk.” bulong naman ni Jazz sa kanya.

“I didn’t know that you two are dating before.” ani Hugh.

“Why do you need to know about it?” tanong dito ni Jazz sas malamig na tinig. He pulled her closer to him as if he’s not going to ever let her go.

“I’m just asking, Jazz. Chillax, will you?” ani Hugh.

“Keep your hands off my girl, got it?” mala-leon na sabi nito sa dalawa saka siya iginiya palabas sa gym.

My girl. Now why was that-------Hey! Nasabi ko na ‘to dati ah. sabi niya sa sarili dahil muling nahumaling siya sa pagsabi ni Jazz ng salitang ‘my girl’ tuwing tinutukoy siya nito. Erase, erase! Ano ba ang pumasok sa kukote ng kumag na ‘to at sinabi nito ‘yon sa mga gunggong na lalaking ‘yon na girlfriend siya nito? Tapos na kami sa pretensions na ‘yan, ‘di ba?

“Jazz, bakit—“

“Sa labas na tayo mag-usap, okay?” agad na sabi nito. Hinagilap niya ang kanyang bag at kinuha roon ang kanyang jacket saka iyon isinuot.

Niyaya siya nitong sumakay sa kotse nitong nakaparada lang sa tapat ng P&P building at agad iyong pinaharurot papunta sa isang malapit na coffee shop. Um-order ito ng merienda para sa kanilang dalawa saka siya nito hinarap.

“So, what are you cooking up?” tanong niya rito.

“May ipo-propose ako sa’yo.” anito.

“Ano naman?” kunot-noong tanong niya rito.

“The same thing we did in Marinduque.”

NAKATANGGAP ng isang pumpon ng puting rosas si Heart isang araw sa kanyang opisina sa Prim and Proper modeling agency. Inulan siya ng tukso lalo na’t alam na ng buong P&P na si Jazz ang kanyang nobyo. Hindi na lang siya nagsasalita para tumigil na ang mga ito sa kakakulit sa kanya.

Hanggang ngayon kasi’y malaking issue pa rin iyon sa kanilang ahensiya dahil hindi naman nasaksihan ng lahat ang ‘ligawan’ sa pagitan nila ni Jazz. Wala naman talagang nangyaring ligawan.

Binabawi niya ang sinabi ni Jazz na ‘sila’ na pero ayaw maniwala ng mga kasamahan niya sa trabaho. Kung sinuman ang hindi naniniwala sa kanila’y ang mga malalapit na modelo sa kanya iyon. Palibhasa’y iyon ang unang pagkakataon na may isang lalaking nakapagpadala ng mga bulaklak sa kanya sa opisina.

Kadalasan kasi’y tinatakot agad niya ang kanyang mga manliligaw at nasisindak naman ang mga ito sa mga sinasabi niya. Pero hindi si Jazz ang taong basta na lang nasisindak lalo na at kailangan nito ng tulong niya.

Tinanggihan niya ang alok ni Jazz hindi pa man niya naririnig ang kalahatang proposal nito sa kanya. Alam kasi niya kung ano ang gusto nitong mangyari at ayaw na niyang magpanggap pa. Tama na ang naging pagpapanggap nila sa Marinduque at ayaw na niyang maulit pang muli iyon. Now, she was facing a setback.

Hindi pa rin tumitigil ang mga lalaking nangungulit sa kanya.

“Hindi ako naniniwala na kayo nga talaga ni Jazz, Heart. Tell me, sinabi lang ba niya ‘yon dahil inutos mo?” ani Hugh sa kanya.

Ipinaghanda niya ang mga ito ng diet menu nang araw na iyon. Palibhasa’y siya lang ang natatanging dietician sa ahensiya kaya siya lang ang gumagawa niyon.

“Eh, ano naman kung hindi ka naniniwala? Wala akong pakialam.” mataray na sabi na lang niya rito. Ayaw na niyang magpaliwanag pa dahil mapapagod lang siya.

“Good. I’ll see you later, then? I’ll pick you up at your place, say seven pm?” hirit nito.

“Hugh, nand’yan si Keziah. Bakit hindi siya ang alukin mo ng date? Bagay naman kayo.” pagtanggi niya rito. Napakamot ito sa ulo. Isang stylist na madalas pumunta sa P&P.

“So, I’ll pick you up at seven?” makulit na sabi nito.

“Heart, bakit siya pinayagan mong i-date ka? Unfair ‘yon ha.” tila batang nagtatampong sabi ni Yuri.

Nang tanungin niya ang mga ito dati kung bakit siya ang sinusuyo ng mga ito ay isa lang ang sagot ng bawat isa. Siya daw ang “dream girl” ng mga ito. All-around girl daw kasi siya. Maganda raw siya, sexy, matalino, mabait, career-woman pa, realistic at practical. She could even be a model if she wants to. But she refused the limelight.

Well, if I really am that desirable, hindi sana ako iniwan ni Joe.

Sanay na siya sa mga ganoong hirit ng mga lalaki kaya hindi na siya mabibihag pa ng mga mabulaklak na dila. Ganoon din kasi ang mga sinasabi sa kanya noon ni Joe, kita mo ngayon at wala silang kinahinatnang mabuti. Nadala na siya at kailanma’y hindi na siya uulit pang makipag-relasyon.

“Hindi ‘no. At kahit kailan ay hindi ako makikipag-date sa isa sa inyo. ‘Wag ako ang pag-trip-an n’yo dahil wala kayong mapapala sa’kin.” paingos na sabi niya sa mga ito saka tumalikod at hinarap ang kanyang planner.

“Hindi ako titigil hanggang sa makipag-date ka sa’kin, Heart. You know how much I really like you.” pahayag ni Hugh. Sanay na siya sa mga hirit nito. Ilang beses na nga nitong sinabi sa kanya kung gaano siya nito kagusto pero hindi pa rin niya ito papatulan nang dahil lang doon.

Nagulat pa siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Jazz nang sumunod na sandali.

“I told you not to mess up with my girl.” anang baritonong boses nito. Nang mag-angat siya ng tingin dito’y masama ang tingin nito sa mga lalaking nakapalibot sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.