Chapter 37

“HEART’S very hot.” anang kaibigan ni Jazz na si Jack patungkol kay Heart.

Kanina pa ito nagpapalipad-hangin sa kanya. Mukhang alam nito at ni Mandy ang tungkol sa ‘deal’ nila ni Jazz kaya malakas ang loob nitong magpa-cute sa kanya. Pasensiya na lang ito dahil wala siyang balak na makipaglokohan.

“Isa pang salitang patungkol sa’kin mula sa kaibigan mo at aalis ako dito.” bulong niya kay Jazz. Medyo mahina ang tunog ng musika sa lugar na inuupuan nila kaya nagkakarinigan pa sila nito.

“Jack, Heart’s off-limits, okay?” sabi naman ni Jazz kay Jack.

“Okay, fine. Pero, Heart, matanong nga kita. Bakit ba ayaw mong magka-boyfriend? Sayang naman ang ganda mo.” tanong sa kanya ni Jack.

“Dahil ayokong masayang ang oras ko sa mga lalaking walang ibang alam kundi ang maglaro. Tingnan mo kayong tatlo.” sagot niya rito.

“Itong si Jazz at Mandy lang ang mapaglaro. ‘Wag mo ‘kong idamay sa kagaguhan ng dalawang ‘yan.” ani Jack.

“Ulol! Sa’yo nga kami nagmana eh.” sabi naman ni Mandy.

“Whatever. Pare-pareho lang kayong mga lalaki.” aniya saka ini-straight ang isang shit ng tequila sabay sipsip ng lemon at sinunod ang isang chocolate. Hindi ka raw kasi malalasing kapag kumain ka ng matamis kaya iyon palagi ang ginagawa niya tuwing uminom siya.

“Eh, paano kung ma-in love ka pala?” tanong ni Mandy.

“Nah-uh. That won’t never happen.” umiiling na tugon niya.

“You’ll never know. Love comes unexpectedly. Kahit na gaano mo pa pigilan ang sarili mo, may isang lalaking pilit na magtre-trespass d’yan sa puso mo.” paliwanag ni Mandy.

“Dude, ‘lalim no’n ah!” pambubuska dito ni Jack.

“Hihintayin ko ang panahon na mai-inlove ka, Jack. Siguradong luluhuran mo ang babaeng ‘yon at ako ang unang tatawa sa’yo kapag nangyari ‘yon. Tandaan mo ‘yan.” makahulugang sabi ni Mandy kay Jack.

“Scary. If it will only happen lang naman. But I doubt it if it would.” nakangising turan naman ni Jack.

“Walang puso ‘yang si Jack, Mandy.” singit ni Jazz sa usapan.

“Eh, ikaw, Jazz? Handa ka na bang ma-in love?” baling dito ni Mandy.

“If I found the right girl, yes.” nakangiting saad nito.

“What? Cousin, you believe in such crap?” hindi-makapaniwalang tanong dito ni Jack.

Isa pang hirit nito’y baka mabatukan na niya ito. Sa tatlong magkakaibigang ito ay mukhang ito ang pinaka-pasaway. Kawawa ang babaeng magmamahal dito kung saka-sakali.

“Hindi mo ako katulad, Jack. I want to fall in love like my parents. I want to experience the bliss they’ve shared together. At mararamdaman ko lang ‘yon kapag nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko ng sobra. Ang kaso, wala pa siya eh.” ani Jazz.

Bigla siyang napatingin kay Jazz dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya alam na gusto pala nitong magmahal. Hindi niya alam na naniniwala pala ito sa pag-ibig.

Weird. But he did sound sincere and…mushy.

“Yuck! You’re being mushy all of a sudden.” ani Jack saka ito tumayo at nagpaalam sa kanila.

“Someday, there will come a girl who will take Jack into the land of love.” ani Mandy.

“Eh, ikaw, Mandy? Handa ka na bang ma-in love?” tanong naman niya rito. Pero hindi siya nito sinagot. Sa halip ay uminom ito ng alak saka walang anu-anong iniwan sila ni Jazz sa lugar na iyon. “May mga topak naman pala ang mga kaibigan mong ‘yon eh.”

Tumawa si Jazz. “Takot lang si Jack at frustrated si Mandy kaya gano’n sila.” anito.

“Eh, ikaw? Totoo ba ang sinabi mo kanina na gusto mong maranasang magmahal?”

“Oo. Eh, ikaw? Totoo ba ang sinabi mo kaninang ayaw mong maranasang magmahal o niloloko mo lang kami?”

“Ayaw ko talagang ma-in love. Ever.”

“Kahit sa’kin?” pa-cute na tanong nito.

“Lalo na sa’yo!”

“Ang sakit mo namang magsalita.” anitong kunwa’y nasaktan kaya sinapo ang dibdib saka humilig sa balikat niya. Natawa siya. “Halika, sayaw tayo.” yaya nito sa kanya.

“Marunong kang sumayaw?” manghang tanong niya.

“Oo naman. Gusto mo ng sample?” anito saka walang anu-anong tumayo at nagpagiling-giling sa harap niya na parang macho dancer.

Tawa naman siya ng tawa dahil mukha talaga itong katawa-tawa. Malambot nga ang katawan nito pero hindi bagay rito ang sumayaw ng ganoon. Pakiramdam niya’y kakabagin siya sa kakatawa habang pinapanood ito.

“Tama na.” aniya rito.

“O, ano? Naniniwala ka nang marunong akong sumayaw?”

“Oo na.” sabi na lang niya.

Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya papunta sa dance floor. Sumama naman siya. Nakita niyang naroon din si Jack at nakikipagsayaw ito sa tatlong babae. Yeah, three girls at the same time. Napailing na lang siya at hindi na ito pinansin.

The music was lively and she danced with it. Ganoon din si Jazz. Free style naman kaya kahit anong galaw ay pwede. Hindi siya magaling sumayaw pero marunong naman siya.

“Nag-e-enjoy ka ba?” anulinigan niyang tanong ni Jazz. Malakas na ang musika doon kaya hindi niya ito gaanong marinig.

“Yes!” sigaw niya. Hinawakan nito ang baywang niya habang sumasayaw sila dahil Medyo dumami ang tao sa pwesto nila. And they’re dancing real close with each other now.

Maganda ang takbo ng lahat ng pangyayari at nagsasaya sila ni Jazz nang biglang may sumingit sa gitna nilang dalawang isang babae, tinulak siya palayo at basta na lang kinabig si Jazz at hinalikan ito sa mga labi. Nagulat siya sa ginawang iyon ng babae.

Itinulak agad ito ni Jazz palayo. Sa ginawa nitong iyon, alam niyang isa ito sa mga target nila. “Yvonne, what are you doing here?” tanong dito ni Jazz.

“Gusto ko lang makasiguro kung totoo nga ang kumakalat na tsismis.” mataray na saad nito habang pailalim kung tumingin sa kanya.

“Na?”

“May bagong girlfriend ka na daw.”

“Yes, it’s true.” ani Jazz saka ito lumapit sa kanya at inakbayan siya. “Yvonne, meet my girlfriend, Heart. Heart, this is Yvonne.” pakilala sa kanila ni Jazz. Hindi na siya nag-abala pang makipagbeso o makipagkamay sa babae dahil alam niyang hindi siya nito kakaibiganin. Hindi siya makikipagplastikan dito.

“I can see another woman on your collection, Jazz.” anito.

“She’s not just another woman, Yvonne. I love her and I’m serious.” mariing sabi ni Jazz. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero nilukob ng kakaibang init ang kanyang puso sa pagkakasabi nito niyon. Pakiramdam niya ay totoo ang sinabi ni Jazz.

Snap out of it, Heart! Nagpapanggap lang kayo. At, hindi ka attracted kay Jazz, remember?

Right.

“Sweet.” nang-aasar na sabi ni Yvonne.

“Babe, tara na?” yaya na lang niya kay Jazz. May pa-babe-babe pa akong nalalaman.

“Oh, wait there, lady. Hindi pa tayo tapos.” pigil sa kanya ni Yvonne.

“Tinatapos ko na ngayon. Jazz, let’s go.” yaya niya muli kay Jazz. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palayo roon ngunit hindi niya ito madala. Nang tingnan niya kung ano ang problema’y iyon pala’y dahil hawak naman ni Yvonne ang isang kamay nito.

“Yvonne, ano ba?” inis na wika nito.

“Hindi ako basta na lang maniniwala na may sineseryoso ka ng babae ngayon, Jazz. Kilala kita.” ani Yvonne na ayaw pakawalan si Jazz.

“Well, hindi mo ako gano’n kakilalala, Yvonne.”

Bumaling sa kanya si Yvonne. “Heart, right? Kung ikaw ‘yong tipo ng babae na naniniwala sa mala-fairy tale na kwento, puwes, hindi si Jazz ang Prince Charming na hinahanap mo.”

“I don’t need your opinion about it, Yvonne. Isa pa, hindi ako naniniwala sa fairy tales. Pang bata lang ‘yon.” mataray na sabi niya rito.

“So, isa ka lang sa mga flings ni Jazz?”

“No. We’re dead serious about each other. Mahal namin ang isa’t isa. Bakit ba hindi mo ‘yon maintindihan?”

She smirked and her mouth twitched. “Really? Then, prove it.” nanghahamong saad ni Yvonne.

“What do you mean, Yvonne?” tanong dito ni Jazz.

“Do I have to spell it for you? Kiss her!” anito saka binitiwan ang kamay ni Jazz.

Nabahala siya. “Alam mo, Yvonne. Hindi naman namin kailangang-----------“

Hindi na niya naituloy pa ang iba niyang sasabihin dahil hinapit siya ni Jazz papalapit dito. Hawak nito ang kanyang batok habang nakatingin sa kanya. Naghinang ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa paligid pero pakiramdam niya’y tumigil ang pag-ikot ng mundo. Parang lahat ng nasa paligid niya’y naging slow motion.

Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. Saka lumapat ang mga labi nito sa kanyang…noo.

Seriously.

Bakit? Gusto mo sa lips?

Hindi, ‘no!

Tumawa ng malakas si Yvonne. “Gano’n lang? Humihina ka yata, Jazz.” pang-aasar ni Yvonne.

“I value her a lot. Hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakagalit niya. Hindi siya katulad ng ibang babae, Yvonne.” ani Jazz.

“Whatever, Jazz. Siguradong ibang babae na naman ang kasama mo sa mga susunod na araw.” ani Yvonne kay Jazz saka ito bumaling sa kanya. “Good luck, Heart.”

Wala rito ang atensyon niya kundi na kay Jazz. Bakit hindi siya nito hinalikan? Hindi kasi siya mapakali dahil ramdam niya ang kakaibang enerhiya sa pagitan nila ni Jazz kanina pero…

Rule number three: no kissing, remember?

Damn! Bakit ba ako naging ganito? Peste ha! Remember, Heart. Hindi mo dapat labagin ang rules niyo, kung hindi, wala kang shop!

HINDI agad nakatulog si Heart nang gabing iyon. Iniisip pa rin niya ang nangyari sa bar. Hindi niya makalimutan ang ginawa sa kanya ni Jazz at ipinagtataka niya kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya sa ginawa nito. Kailangan pa niyang paulit-ulit sabihin sa sarili na ginagawa niya iyon para sa kanilang kasunduan at para sa kayang dream shop.

Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagtimpla ng gatas. Baka makatulong iyon para makatulog siya. Alas-dos na kasi ng umaga, may pasok pa siya bukas kaya kailangan niyang makatulog na.

“Can’t sleep?” bungad sa kanya ni Allen. Gising pa rin pala ito. Tumango naman siya. “Bakit? Ano’ng nangyari? In love ka na ba kay Jazz?”

“Funny, Allen. Bakit naman ako mai-in love kay Jazz?”

“You’ll never know when it hits you. At saka, loveable naman si Jazz ah. Naku! Kukutusan kita kapag na-in love ka sa kanya dahil d’yan sa kakatanggi mo.”

“Hindi mo magagawa ‘yon dahil hindi ako mai-in love sa kanya.”

“’Wag magsalita ng tapos. Babalik ‘yan sa’yo.” banta nito.

“’Dami mong alam, Al.” umiiling na sabi niya rito.

“Sinasabi ko lang. Anyways, tumawag nga pala ang Papa mo dito. Pinapaalala niyang kailangan mo raw pumunta sa bahay nila dahil may sasabihin siya sa’yo.”

“Ano daw ‘yon?” tanong niya. Simula nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay hangga’t maaari ay hindi siya ang unang nakikipag-usap sa mga ito. Naninirahan na sa Cebu ang kanyang inang may sarili na ring pamilya samantalang nasa Maynila ang kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya.

Anong rason kung bakit nagkahiwalay ang mga ito? Iyon ay dahil susing hindi mahanap ng kanyang ina at isinisisi nito iyon sa kanyang ama. Hanggang sa maungkat ng maungkat ang mga pinag-aawayan ng mga ito at nagdesisyon na lang na maghiwalay.

Hindi katulad nang Ate Lovely niya na may sarili na ring pamilya at kasama sa buhay, mag-isa lang siya sa mundong iyon maliban kay Allen na kasama niya sa bahay. Pero kapag nagpakasal na ito at ang nobyo nitong si Jake ay mag-iisa na rin siya.

Sanay na naman siyang mag-isa kaya balewala na iyon sa kanya.

“Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko, may kinalaman ‘yon sa kasal ni Avie.”

“Avie? Ikakasal na si Avie?” gulat na tanong niya.

Si Avie ang panganay na anak ng kanyang ama sa pangalawa nitong asawa na si Tita Sylvia. Sa pagkakaalam niya’y beinte anyos pa lang ito.

“Oo. No’ng isang araw kasi’y napadaan siya sa shop at sinabing ikakasal na daw siya. Mukhang hindi siya masaya. Siguro, dapat mong alamin kung ano ang nangyari, Heart.”

Bumuntong-hininga na lang siya at tinanguan ito. Hindi naman siya galit sa mga kapatid niya ngayon dahil wala namang kasalanan ang mga ito, ngunit nagtatampo siya sa kanyang mga magulang. Pwede namang ayusin ng mga ito ang problema noon pero sumuko na lang ang dalawa.

Well, I guess that’s how relationship goes. Parang glass lang. Oras na magkaroon ng lamat, isang usog lang at mababasag na. It can’t be put up together the same as it was before.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.