Chapter 38

GUSTO nang sumigaw ni Heart dahil sa inis. Hindi maganda ang simula nang araw niya dahil umaga pa lang ay inulan na siya ng tukso pagpasok pa lang niya sa P&P. Paano ba naman kasi’y pinadalhan na naman siya ng isang pumpon ng puting rosas ni Jazz bilang pasasalamat sa kanyang mabuting pagganap nang nagdaang gabi. Ang alam kasi ng mga katrabaho niya’y “sila” nga ni Jazz kaya ganoon na lang kung tuksuhin siya ng mga ito.

Idagdag pa ang darating na event sa Sabado. Birthday ni Madame Jacque na siyang may-ari ng P&P. She’s going to throw a big birthday party. Naglabas din ito ng memo kanina na nagsasabing kailangang dumalo ng lahat ng nagta-trabaho sa P&P mapa-model man o hindi at kailangang may kasama pa silang kapareha.

Now, everybody’s looking forward to the party except her.

Ibig sabihin kasi niyon ay magpapanggap na naman sial ni Jazz. Hindi pa rin niya nakalilimutan ang nangyari nang nagdaang gabi at hindi niya nagustuhan anng kanyang naging reaksyon ukol doon.

Talk about liking Jazz! Hindi maalis sa isipan niya ang pares ng mga mata nitong tumitig sa kanya.

Not the kiss again! Aminin man niya o hindi, nakaramdam siya ng pagkakaasar kay Jazz noon. Ipinaramdam kasi nito sa kanyang hindi siya kaakit-akit dahil hindi siya nito hinalikan. Sa noo siya nito hinalikan. Ano ako bata?

So, gusto mong magpahalik sa kanya gano’n?

Hindi naman sa gano’n. It’s just that…feeling ko hindi ako desirable.

Inihatid siya ni Jazz noong nagdaang gabi at madaldal ito. Halatang balewala lang dito ang nangyari samantalang malaking “issue” iyon para sa kanya. Pinilit niyang makipagbiruan dito dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kapag natahimik sila pareho. The silence will surely kill her.

Just when she’s about to oppose herself, her phone rang. Ang pangalan ni Jazz ang lumabas sa screen ng kanyang cell phone.

“Bakit?” mataray na sagot niya rito.

“Hey, girlfriend! D’you like the flowers?” tanong nito mula sa kabilang linya. Her lips twitched when she heard him call her “girlfriend”, she felt awkward.

“Kanina ko pa natanggap ang mga bulaklak mo, ngayon ka lang tumawag.” aniya.

“Galit ka?” malambing na tanong nito.

“Hindi.”

“Galit ka eh. I’m sorry. Nagkaroon kasi kami ng urgent meeting. Kalalabas lang namin ng conference room kaya ngayon lang ako nakatawag.” paliwanag nito.

Sumulyap siya sa wall clock sa kanilang opisina at nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas-dos na ng hapon. Alas-nuwebe ng umaga ito nagpadala ng mga bulaklak. Ibig sabihin ay limang oras itong nakipag-meeting. Nakaramdam siya ng pag-aalala dito.

“Kumain ka na ba?” tanong niya rito.

“Hindi pa nga eh.”

“Ano? Bakit hindi ka nagpa-deliver ng pagkain sa meeting n’yo? Hindi mo ba alam na masama ang nagpapalipas ng gutom? ‘Buti sana kung ang laki-laki ng katawan mo.”

Nang marinig niyang tumawa ito mula sa kabilang linya ay mas lalo siyang nainis.

“Heart, ‘wag mong masyadong ipahalata na in love ka na sa’kin.”

“Ano?” asik niya rito. Anak ng tinapa!

“Kumain naman ako kanina ng sandwich eh. Thank you sa concern pero ‘wag ‘yong masyado kasi kinikilig ako.”

Nanlaki ang mga mata niya at kung kaharap lang niya ito ngayo’y alam niyang nakangisi itong parang aso. “Hindi ka ba nangingilabot sa mga sinasabi mo, Jazz? Nakakadiri ka.”

Tumawa ito. “I’m coming over at P&P.”

“Huh? Bakit?”

“Kakain tayo sa labas. Kesa sinesermonan mo ako, samahan mo na lang akong kumain.”

“Ano ka bata para samahan ko pang kumain? Pwede ka namang kumaing mag-isa.” aniya rito. Pero may kung anong bagay na nagbubulong sa kanyang gusto niya itong makita ngayon.

“Gusto kong kasalo kita. At saka, pag-uusapan natin ang tungkol sa birthday party ni Madame Jacque sa Sabado,” katwiran nito.

Alam na pala nito ang tungkol doon. Mukhang wala na siyang kawala pa sa birthday party na iyon.

Nagulat naman siya ng bigla na lang itong sumulpot sa P&P. Ibig sabihin ay papunta na talaga ito roon kaninang kausap niya ito sa cell phone.

“Ano’ng ginagawa mo dito? May trabaho ka pa ‘di ba?” aniya rito.

“Na-miss na kasi kita eh,” malambing na sabi nito. Nagulat siya ng bigla na lang siya nitong hapitin palapit dito saka siya nito hinalikan sa noo.

Sa noo na naman! Not that she’s complaining, but it made her feel undesirable but his gesture seemed so sweet. Kinilig siya kaya hindi agad siya nakahuma dahil sa ginawa nito. Alam niyang maraming mata ang nakapokus sa kanila ng mga oras na iyon pero mukhang walang pakialam sa mga ito si Jazz.

“What are you doing here?” tanong na lang niya rito para maitago ang pagkailang niya. Nagsimula lang naman siyang mailang dito dahil sa nangyari nang nagdaang gabi.

“I’m here to see you. Isa pa, kailangan kong mag-gym para sa gagawin kong special photoshoot sa Boracay kasama ka,” anito.

“Boracay? Kasama ako?” takadong tanong niya rito.

“Yeah. Binigyan ako ng assignment ni Madame Jacque do’n. Alam mo namang hindi ako makakatanggi sa kanya. Nagkataon naman na wala akong gagawin sa linggong iyon kaya pumayag ako. With the special privilege to be with you,” paliwanag nito.

Naitaas niya ang isang kilay sa huling sinabi nito. “Bakit kailangang kasama pa ako?”

“Dahil gusto kong makasama kita do’n. I told her to make you my manager.”

“Wala ka talagang magawa sa buhay, Jazz!” sabi niya saka ito tinalikuran. Ngunit agad siya nitong hinawakan sa braso para pigilan.

“Nah-uh. You will also be my gym instructor starting now.”

Hinila siya nito upang magpunta sila sa gym. Ipinaalala nito sa kanya na kailangan nilang magpanggap sa harap ng mga modelong naroon para sa kanilang kasunduan kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang nais nito.

Pero gusto niya itong murahin dahil sit-ups pa ang gusto nitong gawin. Iminwestra ng kamay nitong lumapit siya rito. Ipinakita nito sa kanya ang ginagawa ng ibang nagsi-sit ups doon. Kaya ginaya nila ang ginagawa ng mga ito. Humiga si Jazz sa sahig habang hinawakan niya ang tuhod at binti nito. Nakaupo siya sa dalawang paa nito.

Kaya naman sa tuwing bumabangon ito’y sakto sa mukha niya ang mukha nito. Nag-iiwas na lang siya ng tingin dahil muli niyang naaalala ang damdaming pinukaw nito sa kanya ng nagdaang gabi. “Get a room!” sigaw ni Hugh at Yuri na kanina pa pala sila pinagmamasdan.

“Mainggit kayo!” sigaw sa mga ito ni Jazz saka siya hinawakan sa batok at inilapit sa mukha nito. Sa gulat niya ay napasinghap siya. Akala niya’y hahalikan siya nito pero hindi naman. Mukhang gusto lang nitong ipakita kina Yuri at Hugh na naghahalikan talaga sila pero hindi naman.

Sa ginawa nito’y lalo siyang nakaramdam ng pagkailang dito. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso maging ang panlalamig ng kanyang kamay at ang pagkatuyo ng kanyang lalamunan. Gusto niyang gumalaw pero isang galaw lang ay siguradong mahahalikan na niya si Jazz.

Kapag ginawa niya iyon, wala siyang shop dahil nilabag niya ang rule number three!

“CONGRATULATIONS, then.” walang emosyong sabi ni Heart kay Jazz.

Kumakain sila ngayon sa La Soufflѐ na malapit lang sa P&P. Ikinikwento nito sa kanya ang resulta nang ginawa nilang pagpapanggap kagabi at tuwang-tuwa naman ito. Naging tagumpay ang plano nila.

Nang gabi ring daw iyon ay tumawag ang mga babaeng naghahabol kay Jazz dito mismo upang kumpirmahin ang ikinalat na balita ni Yvonne. Naikalat na pala agad ni Yvonne ang balitang may bagong ‘babae’ sa buhay ni Jazz kaya naging alerto ang mga naghahabol sa huli.

Kinumpirma naman ni Jazz ang sinabi ni Yvonne sa mga babaeng iyon at sinabi pa raw nitong seryoso na ito sa ‘kanya’.

“May problema ka ba, Heart? Pagod ka ba?” nag-aalalang tanong ni Jazz sa kanya. Nagulat pa siya ng mapuna nito ang mood niya ganoong tuwang-tuwa ito sa pagku-kwento sa kanya kanina.

“Wala. Ayos lang ako.” Nag-iwas siya ng tingin dito. “Anyways, tapos na ang kasunduan natin ngayon?”

“Bakit? Ayaw mo na akong maging boyfriend?” nakangising tanong nito saka uminom ng lemonade.

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Sumeryoso ka nga, Jazz!”

“Seriously, bakit mo ba tinatanong ‘yan eh nagsisimula pa lang tayo?”

“Ano’ng nagsisimula eh success na nga ‘yong pagpapanggap natin kagabi, ‘di ba?”

“Yes, pero first phase pa lang ‘yon. Paano natin sila mapapaniwala na totoo ngang seryoso na ako sa’yo kung magkakahiwalay agad tayo?”

May punto naman ito. Bumuntong-hininga siya ng malalim. “Paano ka makakahanap ng babaeng mamahalin mo kung hindi ka makakaporma ng maayos dahil nakatali ka sa kasunduang ito?”

Napatitig ito bigla sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang. “Saka na natin problemahin ‘yon.” sabi lang nito.

“Ang sabihin mo, hindi ka talaga marunong magseryoso.”

“I can be serious when it comes to the girl I really like.” seryosong sabi nito.

“Talaga lang ha?”

“Oo naman. Bakit ba?”

“Wala kasi sa hitsura mo, Jazz.”

“Ang sama ng ugali mo. Marunong akong magseryoso, ‘no. Kapag nakita ko na ang babaeng mamahalin ko ng sobra, makikita mo.” mayabang na sabi nito sa kanya.

“Eh paano pala kung wala kang makitang babaeng mamahalin mo?”

“Imposible ‘yon. Lahat ng nilalang sa mundo ay may kanya-kanyang kapareha. But if in case na hindi ko makita ang babaeng ‘yon, I’ll just stick with you. Komportable tayo sa isa’t isa at pareho tayo ng gusto kaya okay lang na magsama tayo.” anito.

“Sa tingin mo naman papatol ako sa’yo?” asik niya rito.

“You already did. Boyfriend mo ako ngayon, ‘di ba?” anito saka nang-aasar na ngumisi sa kanya.

“Just because of a deal and just because we have to.” aniya saka ito binelatan.

“Still, pinatulan mo pa rin ako. That’s the bottomline.”

“Bahala ka na nga.”

“Eh, ikaw? Wala ka talagang balak na magka-boyfriend man lang?” biglang tanong nito sa kanya.

“Wala. Katulad nang sinabi ko sa mga kaibigan ko dati, sakit lang sa ulo ang mga lalaki. Lalo na ang mga katulad n’yo.”

“Hindi lahat ng lalaki katulad ng iniisip mo, Heart.”

“Talaga? Well, ganoon ang alam ko dahil lahat ng nakapalibot sa’kin ay gano’n. Playboys, chickboys, and ba-boys.”

“Ang sakit mo namang magsalita. I admit that guys do like to play along with girls, lalo na ‘pag alam din nilang hindi seryoso ang mga babae. But once that those guys found who their true match is; all they have to do is go with the flow and deal with it. Hindi lahat ng mga lalaki ay mga manloloko. I’m sorry kung ipinapakita ko sa’yo ang negative side ng mga lalaki.”

“Well, nasasabi ko lang siguro ang mga ito dahil wala pa akong nakikilalang lalaki na hindi gano’n except for my Kuya Isaac. Teka, may positive side ka ba?”

“Oo. Ang ka-gwapuhan ko at ang pagiging ‘Don Romantiko’ ko.” mayabang na sabi nito.

“Ang hangin mo talaga, Jazz!”

“Kidding aside, you have to let yourself experience what true love is, Heart. ‘Cause only then you’ll realize what happiness truly is.” ani Jazz na ikinagulat niya.

“Paano ka nakakapagsalita ng ganyan kung hindi mo pa nae-experience ang true love?”

“Well, I’ve fallen in love once. With my best friend. I’ve been more than a jackass a couple of years ago. Nag-lie low na nga ako sa mga kalokohan ko ngayon eh. Kaya ‘yong mga babaeng nababalitaan mong naghahabol sa’kin, mga dates at ex-girlfriends ko sila noon.”

Nagkwento ito tungkol sa matalik nitong kaibigan na si Wena. Simula bata pala’y magkasama na ang mga ito. Katulad ng ibang istorya ng magkakaibigan, minahal ni Jazz si Wena ngunit hindi iyon natugunan dahil may ibang mahal ang huli. Noong nakaraang taon lang daw ang ikinasal si Wena sa ngayo'y asawa na nitong si Brynn.

Hindi niya mawari kung bakit pero nakaramdam siya ng simpatya kay Jazz. Mukhang makatotohanan tuloy ang sinabi nito kanina at parang gusto niya iyong paniwalaan.

“…I’ll just stick with you. Komportable tayo sa isa’t isa at pareho tayo ng gusto kaya okay lang na magsama tayo,” kusang nag-rewind iyon sa kanyang isipan. May isang bahagi ng isipan niya—maging ng puso niya—na gusto iyong mangyari.

What if they really would stick together?

“JAZZ, why are we here?” tanong ni Heart kay Jazz. Nagtataka siya kung bakit inimbita siya nitong kumain sa isang fine dining restaurant gayong wala naman silang pinag-usapan. Sinundo siya nito sa P&P ng walang pasabi kaya nagulat siya. Hindi pa naman bagay ang suot niya sa restaurant na iyon dahil naka-tracksuit lang siya.

“Gusto lang kitang makasabay kumain ng dinner,” simpleng paliwanag nito.

Inirapan niya ito. Iyon na lang lagi ang sinasabi nito tuwing kumakain sila sa labas. Kahit walang ex o dating date nito sa tabi-tabi ay lumalabas pa rin sila. Gusto raw kasi nitong maging kapani-paniwala ang kanilang pagpapanggap.

“Pwede ka namang kumain na lang sa bahay. O sa shop nina Allen. Bakit dito pa? Tingnan mo naman ang suot ko.”

“Kahit ano pa ang suot mo, you’ll still be the most beautiful girl for me.”

“A-ano?” Tama ba ang narinig niya mula rito? Nagagandahan ito sa kanya?

“Hindi ka bingi kaya alam kong narinig mo ‘yon. Gusto mo lang ulitin ko sa’yo para sweet,” nakangising sabi nito.

“Ang kapal ng mukha mo! Iuwi mo na ako,” naiinis na sabi niya rito.

“Gusto mo na kitang iuwi?”

“Oo nga!”

“Wala ng bawian?”

“Gusto ko na ngang umuwi!”

“Sa bahay ko?”

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Ano bang sinasabi mo d’yan?”

“Sabi mo iuwi na kita.”

“Ang ibig kong sabihin, sa bahay namin!”

Nginisihan lang siya nito. “Akala ko pa naman, kakagat ka na.”

“Ano?”

“Nothing. Let’s just eat, then, iuuwi na kita,” nakangising saad nito. Tiningnan niya ito ng masama. “What?”

“Tigilan mo ako, Jazz.”

“Bakit?”

“Basta.”

“Nai-in love ka na sa’kin ‘no?”

“Excuse me lang ha. Hindi ‘no!” Sabi niya rito pero parang pakiramdam niya’y nagsisinungaling lang siya sa sarili. Hindi naman talaga ako in love sa kanya ah!

Ni hindi nga siya komportable kay Jazz dahil pakiramdam niya’y palagi siya nitong tinutukso. Tinutukso na magustuhan ito. Kaya naman ganoon na lang ang pagpipigil niya sa kanyang sarili na mahulog nga ang loob dito. Wala siyang shop kapag nagkataon.

Iyong shop lang ba ang inaalala mo o natatakot ka talagang ma-in love kay Jazz?

Pareho? Natatakot siyang magtiwala sa mga lalaki noon…at ngayon.

SABADO. Araw nang kaarawan ni Madame Jacque. Maliban kay Jazz na siyang partner ni Heart ay kasama rin niya ang kaibigang si Allen. Wala naman kasi itong date nang gabing iyon at sa bahay lang ito kaya isinama na lang niya ito. Nagulat pa nga siya dahil nakasundo agad nito si Hugh. At ngayon nga’y hindi na mapaghiwalay ang dalawa.

“Lagot ako kay Jake ‘pag nagkataon.” aniya sa katabing si Jazz. Iba ang aura nilang dalawa ngayon kaysa noong mga nakalipas nilang pagsasama. Hindi niya matukoy kung ano ang pagkakaiba pero pakiramdam niya’y may nagbago sa kanya.

Jazz had been the perfect date. Pinapatunayan nito sa lahat na isa itong ulirang kasintahan at pinapakita nito sa lahat kung gaano ito kaseryoso sa kanya. Napakalambing nito sa kanya at hindi siya nito iniiwan. Kaya naman walang lalaking nagtangkang lumapit sa kanya.

Tagumpay ang plano nila. Ngunit paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili na nagpapanggap lang sila kaya ganoon ito kung umasta.

Hindi rin ito nakikipagkwentuhan sa ibang babae maliban kay Allen at sa mga executives ng kompanya. Maging sa mga kilala nitong modelong babae ay hindi rin ito nakikipag-usap. Ang katwiran nito’y nagbabagong buhay na raw ito. Baka raw kasi may ma-hook na naman ditong babae. Umiiwas na raw ito sa gulo. He was dead serious on finding the right girl for him.

“If they’re meant for each other—I meant Hugh and Allen—walang magagawa si Jake do’n.” anito.

“Right,” pairap na sabi niya rito. Nagiging makata kasi ito nitong nakaraang mga araw. Hindi na ito ang Jazz na kilala niya. And again, that’s part of his being ‘serious’.

Swerte ang babaeng sunod na mamahalin ni Jazz dahil talagang pinipilit na magbago ng huli para lang maging karapat-dapat sa babaeng iyon kahit hindi pa niya iyon nakikilala.

“Okay. Maswerte ang babaeng mamahalin mo, Jazz.” naibulalas niya.

Ngumiti itong tila amused sa sinabi niya. “Mag-a-apply ka na ba sa’kin bilang babaeng mamahalin ko?” biro nito.

Inirapan niya ito. “Hindi, ‘no. Sinasabi ko lang ‘yon dahil nakikita ko ang effort mo sa pagbabago.”

Nakangiting tumingin si Jazz sa kanya. “Hey, hindi pa pala tayo nakakasayaw simula pa kanina.” anito saka lumapit sa kanya at inilahad ang isang kamay. Naulinigan niyang kanta pala ng Lifehouse ang musikang tumutugtog---ang “You and Me”.

“May I have this dance?” tanong nito sa kanya. Napangiti siya saka tinanggap ang kamay nito.

In a swift moment, his right hand was on her waist and the other, holding her hand. Ganoon din siya. With the tune of the music, they swayed through the night. They were merely looking at each other’s eyes. Parehong saya ang mababanaag sa kanilang mga mata sa hindi niya mawaring dahilan.

Komportable siya kay Jazz katulad nang inamin nito sa kanya noon. Pero may isang bagay na pilit na sumasagi sa isipan niya. Isang bagay na hindi pa niya kayang harapin o sagutin ngayon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.