Chapter 39

BORACAY island. Isinama si Heart doon ni Jazz dahil siya ang special request nitong maging manager-kuno. Kinuha kasi ito ng kanilang ahensiya para ma-feature sa isang magazine. Since he only trust Prim and Proper to handle all his magazine or television appearances, sinabi nitong magmo-model lang ito para sa Bachelor’s—ang leading men’s magazine ng bansa—kung sasama siya rito sa lahat ng pictorial nito at magma-manage ng schedule nito.

Hindi siya nakatanggi dahil inutusan din siya ni Madame Jacque na samahan nga si Jazz at maging manager nito. Kaya naroon siya ngayon sa Boracay habang binabantayan si Jazz na nagsisimula nang kunan sa putting buhanginan ng Boracay. Para kasi sa summer issue ng Bachelor ang gagawin nito kaya summer look si Jazz ngayon.

He was only wearing a Hurley board shorts with nothing on the way up. Mainit ang sikat ng araw ngunit mas uminit iyon nang mahantad sa kanya ang magandang katawan ni Jazz. Idagdag pa sa get-up nito ang puting buhangin na kinalat ng stylist sa katawan nito na nagpadagdag sa sex appeal nito.

Marami ang nanonood sa pictorial at isa na siya roon. She can’t take her eyes off of Jazz. He is just so adorable.

“Ang swerte ng girlfriend niya! Ang gwapo talaga ni Jazz Villaraza!” narinig niyang bulong ng isang babaeng nasa likuran niya at nanonood din sa pictorial.

“Maswerte talaga. Ikaw ba naman ang mayakap niya habang naka-ganyan.” segunda naman ng isa.

“Sino kaya ang maswerteng babaeng ‘yon ‘no? Bow ako sa kanya.” sabi ng unang babae.

Napapangiti lang siya habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Maya-maya ay lumapit sa kanya ang stylist at sinabi kung saan ang next location ng photoshoot ni Jazz mamayang gabi.

“Mag-relax na lang muna kayo ngayong break natin. Sulitin n’yo ha.” nakangiting sabi sa kanya ni Keziah na siyang stylist.

“Magpapahinga na lang siguro ako.” aniya.

“Ano ka ba, Heart? Minsan ka lang magbakasyon. Sulitin mo na. There are a lot of things to do in Boracay. Go for it.”

Tumingin siya sa paligid. “I’ll try.”

“Good. Anyway, kasama mo naman si Jazz eh. Speaking of the devil.” ani Keziah.

“Nainip ka ba, Heart?” tanong sa kanya ni Jazz nang makalapit ito sa kanya. Nagulat pa siya nang hagkan siya nito sa kanyang pisngi at hinapit siya palapit dito.

“Oh my gosh! Siya pala ang girlfriend ni Jazz. Ang swerte niya. At ang sweet ng tawag ni Jazz sa kanya, ‘heart’.” anang unang babae. Napangiti siya sa sinabi nito. Akala nito’y endearment ni Jazz sa kanya ang ‘heart’.

Jazz lips formed into a curve, like the one actors usually give their fans. “Hi, girls! This is Heart. Heart talaga ang name niya. And I usually call her mine.” biglang sabi ni Jazz sa mga babaeng nasa likuran niya.

Nanlalaki ang mga matang tumingin siya rito ngunit kinabig lang siya nito sa isang yakap at hinalikan sa noo. “What the heck did you just say?” pabulong na tanong niya rito.

Did he just say ‘mine’? I’m his?

Ngunit nginisihan lang siya nito. “Napapagod ka na ba, Heart?” sa halip ay tanong nito.

“Hindi naman. Sa Angol nga pala ang next location ng shoot mo mamaya.” pairap na sabi niya rito. She somehow felt disappointed.

“Yeah. Sinabi na sa’kin ni Keziah.” anito.

“Sinasabi ko nga dito kay Heart na mag-relax kayo ngayong break time kasi babalik na tayo sa Manila bukas.” natatawang saad naman ni Keziah.

“Oo nga naman, Heart. This evening pa naman ‘yong photoshoot ‘di ba? So, let’s go. Magre-relax tayo.” yaya nito sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay na ikinapitlag niya. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa kanyang kamay nang humawak ito sa kanya. “Something wrong?”

“Ha? Wala naman. Teka, saan ba tayo pupunta?”

“You’ll see. But don’t worry, you can trust me.”

“I HATE you, Jazz!” patiling sigaw ni Heart nang nasa ere na sila ni Jazz habang nakapikit.

Katabi niya ito sa parachute dahil nagpa-parasail sila. They were attached to a parachute and towed behind by a speed boat. The speed creates a lift and they soar over a hundred feet over the sea. The thrilling experience was killing her.

Nang sabihin sa kanya ni Jazz na maaari niyang makita ang kabuuan ng Boracay ay na-excite siya. Hindi niya alam na magpa-parasail sila para lang makita ang buong Boracay. Akala niya kanina’y mag-i-speed boat sila ngunit nang lagyan siya ng safety gears ng crew ay nag-panic na siya.

Hindi siya takot sa mataas na lugar. But she’s not into extreme stuffs. Pero may tiwala siya kay Jazz kaya sinubukan niyang mag-parasail. Ngunit nang tumaas pa ng tumaas ang parachute ay nakaramdam na siya ng takot.

“Hold my hand, Heart.” narinig niyang sabi ni Jazz.

“Oras na bumaba tayo rito, papatayin kita! Sabihin mo sa kanila, tama na!” sigaw niya rito.

Tinawanan lang siya nito. “Open your eyes. Akala ko ba gusto mong makita ang buong Boracay? Excited ka pa nga kanina eh.”

“Gusto kong makita ang buong Boracay but not in this freaking way! Mamamatay ako sa takot!”

“Heart, hindi ka mamatay. It’s safe here. Nagpa-parasail lang tayo.”

“Puwes, ayoko na!”

Naramdaman niya ang kudlit nito sa tagiliran niya. “Buksan mo ang mga mata mo. Only then I’ll tell them to put us down.”

“Ayoko nga, ‘di ba? Imumulat ko lang ang mata ko kung nakababa na tayo.” anito.

“Kapag hindi ka nagmulat ng mata, hindi tayo bababa.” banta pa nito.

Anak ng kuting naman, o! Papatayin talaga ako sa nerbiyos ng lalaking ito!

“Jazz!”

“I’m not going to talk to you. May ten minutes pa tayo kaya tiisin mo ‘yon.” anito.

Naiinis na bumuntong-hininga muna siya para kumuha ng lakas ng lob bago dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Malakas ang hangin na umaalagpas sa kanyang katawan. Nang makita niyang ang dalampasigan mula sa kinatatayuan niya’y kinabahan siya. Lalo na ng magawi ang tingin niya sa ibaba.

“Aaaaaaah!” sigaw niya.

“Heart, calm down.” ani Jazz.

“How can I calm down?” inis na sigaw niya rito.

Umiling ito saka inabot sa kanya ang isang kamay. “Come on, Heart. Take my hand. May five minutes pa tayong natitira dito.”

“Ayoko na! Bumaba na tayo. Pinapatay mo ako eh!”

“Take my hand first.” anito. Ginawa naman niya. Mainit ang palad nito na umabot hanggang sa loob niya. Kahit paano’y nawala ang kabang naramdaman niya kanina.

“Trust me, Heart. Hindi ka mamatay hanggang nandito ako sa tabi mo.” masuyong sabi nito sa kanya.

May nabanaag siyang kung anong emosyon sa mga mata nito pero hindi niya iyon mabigyan ng eksplanasyon lalo na’t agad itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Sinenyasan nito ang boat man na bababa na sila.

Nang makarating sila sa dalampasigan ng isla’y hawak pa rin ni Jazz ang kanyang kamay.

“I’m sorry. Hindi na sana kita pinilit pang mag-parasail.”

“Hindi naman ako namatay kaya okay lang.” sabi niya.

“I can’t believe you’ve never tried parasailing before.”

“Hindi kasi ako mahilig sa extreme stuffs. I usually don’t go out too.” aniya.

“Talaga? Puwes, sinasayang mo lang ang oras mo.” pagkuwa’y sabi nito.

“Ano?”

“You’re missing a lot in life, Heart. Nag-e-enjoy ka man lang ba? Nasubukan mo na bang kumain ng marami? Tumawa hanggang sa sumakit ang tiyan mo? Maligo sa ulan? Talk when your mouth is full? Gone skinny dipping?”

“What? No. Skinny dipping? Hell, no!” tanggi niya.

“Okay, maybe not that one. Pero ‘yong iba, nagawa na ‘yon ng isang normal na tao. You should not limit yourself to things that would make you a better person, a happy one.”

“I am happy and I am a better person!” mariing sabi niya rito sabay bawi sa kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito roon.

“Break free. Subukan mo ang mga bagay na hindi mo pa nasusubukan. Nagka-boyfriend ka na ba?”

“Oo naman!”

“Talaga?” tila hindi makapaniwalang tanong nito.

“Ano’ng akala mo sa’kin? Siyempre, ‘no! And excuse me, nasubukan ko nang kumain ng marami at tumawa hanggang sumakit ang tiyan ko.”

“Iyon lang?”

“Masyado kang demanding, Jazz. Hindi ako kasing outgoing ng ibang mga babae mo.”

Tumawa ito ng malakas. “Hey, you sound jealous.” tudyo nito sa kanya.

“At bakit naman ako magseselos? Dahil sa’yo at sa mga babae mo? Hindi ‘no! Naawa nga ako sa kanila dahil naghahabol sila sa isang lalaking-------“

“Playboy, chickboy and ba-boy. Right.” malungkot na putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Napakagat-labi naman siya.

Stupid mouth, Heart! Stupid! “I didn’t mean to—“

“Of course you do, Heart. Ganyan naman ang tingin mo sa’kin noon pa man eh. Hindi mo ako nagawang kilalanin man lang.” sabi nito saka siya tinalikuran at iniwan sa lugar na iyon.

Nakaramdam siya ng guilt ngayon dahil sa mga nasabi niya rito. Kung bakit ba naman kasi walang preno ang bibig niya sa kakasalita.

Great. What will I do now?

“HI!” masiglang bati ni Heart kay Jazz pagkabukas nito ng pinto ng kwarto nito. Naglakas-loob na siyang puntahan ito sa kwartong tinutuluyan nito dahil hindi siya nito pinapansin kanina pa sa photoshoot. Ni-‘ha’ ni-‘ho’ ay hindi man lang nito sinabi sa kanya. Pero nakita naman niyang ilang beses siya nitong tinapunan ng tingin. Iyon nga lang, hindi talaga siya nito pinapansin.

Kumunot ang noo nito pagkakita sa kanya. “Hmm?” Hindi man lang nito niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok siya.

“Nag-extend ako ng stay dito. Since, wala naman akong importanteng gagawin sa Manila and since, malaki na naman ang mga alaga ko ro’n, okay lang siguro na magbakasyon muna ako dito for a day or two. Depende rin. Besides, I haven’t tried many things here.” paliwanag niya.

“Good for you, then. I guess I’ll see you in Manila after two days.” walang emosyong sabi nito.

“At, sasamahan mo akong magbakasyon.” sabi niya.

“Hindi ako pwede. Marami pa akong gagawin sa Manila.”

“Oh, don’t worry about that. Tinawagan ko na ang secretary mo. Sabi niya, wala ka naman daw meeting sa linggong ito kaya ayos lang na magbakasyon ka.”

Tinawagan niya kanina ang sekretarya nitong si Menchie nang isuhestyon ni Keziah kanina kung paano niya mapapaamo si Jazz. Sinabi nitong magbakasyon muna sila doon kahit isang araw man lang at gawin ang mga hindi pa niya nagagawa dahil siguradong matutuwa raw si Jazz kung gagawin nila iyon.

Tinawagan na rin niya si Madame Jacque at dito mismo nagpaalam na magbabakasyon muna siya. Na-guilty talaga siya sa mga sinabi niya kay Jazz kanina at sa iba pa sana niyang sasabihin. Naging mabuti nga naman ito sa kanya pagkatapos ay ganoon pa ang sasabihin niya.

He’d been a real friend to her. May mga bagay na nasasabi siya kay Jazz na hindi niya nasasabi kay Allen. Komportable siya kay Jazz at ito ang unang lalaking nakalapit sa kanya ng ganoon kalapit matapos siyang iwan ni Joe. Hindi siya nagtitiwala sa mga lalaki pero iba si Jazz. She has this good feeling about him. As a friend.

As a friend? May friend bang nagnanasa sa kaibigan niyang nakahubad habang kinukunan ng picture? paninita niya sa sarili.

Oh, god! It’s because he’s just so adorable. katwiran naman niya.

“May iba pa akong gagawin sa Manila.”

“Ano?”

“Basta. Hindi ako pwedeng magtagal dito.”

He’s playing hard to get. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin?”

“Bakit pa?” masungit na saad nito.

“Aba’t-----siguro may tinatago kang babae d’yan, ‘no?”

“Wala, ‘no. I came here for work.” anitong binigyang diin ang salitang ‘work’ na alam niya’y pasaring nito sa kanya.

“Jazz, sorry na, okay? Hindi ko naman ‘yon sinasadya eh. Hindi ako nag-isip muna bago nagsalita. Alam kong nasaktan kita sa mga sinabi ko kaya sorry na, ha?” hinging-paumanhin niya rito.

“Okay.” sabi lang nito.

“Kaya mag-i-stay ka rin dito kahit hanggang bukas lang dahil sasamahan mo akong magliwaliw.”

“I can’t.”

“Oh, yes you would. Ikaw ang nagsabi sa’kin na subukan lahat, ‘tapos ayaw mo naman akong samahan.”

“Oh, you want to do it all with me?” tanong nitong nakangiti na ngayon.

“Oo. Bakit?”

“Okay, fine! Sigurado akong magugustuhan mo ang lahat ng gagawin natin.”

“Huh?”

“I CAN’T believe that we’re leaving tomorrow! Ayaw ko pang umuwi.” sabi ni Heart kay Jazz nang ihatid siya nito sa kanyang kwarto sa tinutuluyan nilang hotel.

Maghapon silang wala sa hotel ni Jazz dahil nagliwaliw sila. Ipinaranas nito sa kanya ang mga bagay na hindi pa niya nararanasan kahit kailan. Ipinadama nito sa kanya kung paano maging malaya at kung paano maging masaya na hindi nililimitahan ang sarili.

Nagsimula ang kanilang araw nang pumunta sila sa Dead Forest o Sunken Forest sa may Bulabog Beach. Pagkagaling nila roo’y nag-snorkeling naman sila at cliff diving. Takot na takot siyang mag-cliff diving ngunit binubuyo siya ni Jazz kaya nagawa niya iyon. Isa pa’y kasama naman niya si Jazz at alam niyang hindi siya nito pababayaan.

Sinubukan din nilang mag-Zorb. Wala siyang ideya kung ano ang Zorb noong una pero nang makita niya iyo’y agad siyang umayaw. Hindi pa niya iyon nasusubukan pero alam niyang pagkatapos niyang sumakay roon ay magsusuka siya. And she did, right after she stepped out of the Zorb. Mabuti na lang at nakaagapay agad sa kanya si Jazz.

Pagkatapos nilang mag-Zorb ay nagpunta sila sa D’Mall at bumili sila ng mga pasalubong at souvenirs. Ang isang wala sa plano nila ng araw na iyon ay ang mag-helicopter ride para makita ang buong Boracay bago mag-sunset. Hindi na siya natakot pa noong sa helicopter sila sumakay dahil sa palagay niya’y mas safe iyon kaysa sa parasailing. Kinabahan siya noong una pero nawala agad iyon ng hawakan ni Jazz ang kamay niya.

Ang huli nilang ginawa ng araw na iyon ay ang kumain sa isang restaurant at nagpaluto ng mga binili nilang seafoods sa D’Talipapa market. Nag-bar hopping din sila at nanood ng mga fire dancers.

Masaya siya buong araw. Parang ayaw pa niyang bumalik sa Maynila pero tinawagan siya ni Allen kanina at sinabing may problema raw ang kapatid niyang si Avie at kailangan siya nito. Nag-aalala siya kung ano iyon kaya babalik na sila ni Jazz bukas sa Maynila.

Ayaw mo pang bumalik dahil hindi na kayo makakapagsama ni Jazz sa Maynila katulad nang pagsasama n’yo rito sa Boracay. anang isang bahagi ng isipan niya.

Hindi ah! agad naman niyang tanggi.

“We could still do this when we get back in Manila.” ani Jazz. Dahil sa sinabi nito’y tila nangislap ang kanyang mga mata.

“Talaga? Sige.” agad na pagpayag niya.

“Okay, then. Magpahinga ka na dahil maaga tayong aalis bukas. Susunduin na lang kita dito.” anito. Tumango siya. Nakapasok na siya sa kanyang kwarto pero parang ayaw pa niyang matulog.

“Good night, Heart.” bati sa kanya ni Jazz.

“Good night.” nakangiting sabi niya rito saka walang anu-anong inabot ang pisngi nito. Hahalikan lang sana niya ito sa pisngi pero dahil gumalaw ito ay sumakto ang kanyang labi sa labi nito.

Nagulat siya sa nangyari. It was not supposed to be like that. Uurong na sana siya pero hinawakan ni Jazz ang kanyang batok. He meant to deepen the kiss, and he did. She just responded to every kiss he’s giving her. Ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng kung anong sensasyon sa kanyang sistema pati na rin ang mabilis at malakas na pagtibok ng kanyang puso. It was exhilarated for something she’d never experienced for a long time.

It made her heart smile.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.