NAKANGITING pumasok nang isang boutique na malapit sa kanyang opisina si Jazz. Naisip niyang bilhan ng damit si Heart bilang regalo. Gusto lang niyang makita itong suot ang ibibigay niyang damit. Iyon lang, masaya na siya.
His and Heart’s deal had been going on for a month now. Tagumpay naman ang kanilang pagpapanggap na muntikan na niyang makalimutan nang ilang beses niya itong nakasama. Pakiramdam kasi niya’y natural lang sa kanila ni Heart na umakto ng malambing sa isa’t isa, parating magkasama at maging ‘sila’.
Malapit nang matapos ang Heart’s Corner na ipinapagawa niyang food corner para rito. Iyon kasi ang nakasaad sa kasunduan nila na gusto niyang tuparin. Gusto niyang ibigay kay Heart ang lahat ng makapagpapasaya rito dahil naging malapit na ito sa kanya.
Sa sobrang lapit, hindi ko napigilang mahulog ang loob ko sa kanya.
Yes, he likes Heart so much. Moreso, he’s going head over heels in love with her. Ang lahat ng ginagawa niya para rito’y hindi na lang basta dahil sa kanilang kasunduan. He was doing it for her. He was doing it to be with her.
Noong una’y tangging kamatayan pa siya na gusto na niya si Heart dahil kinontra niyon ang sinabi niya noong una na hindi niya ito type man lang. Pero dumating ang isang sitwasyon at pagkakataon na natitigan niya ito sa mga mata, nakasama ng matagal at nakilala ng mabuti kaya nahulog ang loob niya rito. Noong unang gabi ng kanilang pagpapanggap kung saan hiningi ni Yvonne na halikan niya ito’y nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ito sa mga mata.
Right there and then, he knew his heart was going to be in a rumble.
Hindi siya sigurado sa kung ano ang nararamdaman sa kanya ni Heart pero nagbago siya para rito. Alam niyang hindi gusto ni Heart ang tipo niya kaya nagbago siya para magustuhan nito. Hindi niya alam kung napansin ni Heart ang pinagbago niya. But he is ready to take their ‘relationship’ to the next level. He wants to make it all real.
At pinalakas ng pinagsaluhan nilang halik sa Boracay ang kanyang loob. Ramdam niyang may pagtingin din sa kanya si Heart. Kaya hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Sasabihin na niya kay Heart ang kanyang nararamdaman.
“Good afternoon, Sir. What can I do for you?” magiliw na tanong sa kanya ng isang sales lady.
“Hi! I’m looking for a dress.” aniya.
“Para kanino po, Sir?”
“It’s for the girl I really like. ‘Mind if I look around?” aniya. Gusto niyang siya mismo ang pipili sa damit na ibibigay niya kay Heart.
“Sige po, Sir. Tawagin n’yo na lang po ako ‘pag may napili na kayo.” anang sales lady. Tinanguan niya lang ito.
Naglibot siya sa buong store para makahanap ng babagay na damit kay Heart. Gusto niyang maging mukhang espesyal ang damit na iyon. At nakakita naman siya ng isang magandang damit na siguradong babagay kay Heart. Isa iyong stripe dress with tank top. Tamang-tama dahil napansin niyang mahilig si Heart sa mga dress.
Ngunit nang aabutin na niya ang damit na iyon ay may isang babaeng humila niyon mula sa kabilang dulo. Nang mag-angat ito nang mukha ay nakilala niyang ito si Jenny.
“Jazz!”
“Jenny!” bati niya rito. Nagulat siya ng bigla na lang siya nitong halikan sa mga labi. Agad naman niya itong itinulak. Hindi na kasi siya sanay sa ganoon simula nang magpanggap sila ni Heart. Kumbaga’y naging good boy na siya at umiwas na siya sa tukso.
“What happened to you?” nakataas ang kilay na tanong nito. He should’ve known. Hindi pa nito alam ang tungkol sa kanila ni Heart. Galing nga pala ito sa ibang bansa.
“Hindi mo na pwedeng basta na lang gawin sa’kin ngayon ‘yon, Jen. I already have a girlfriend. A serious one,” paliwanag niya rito.
“Pff. What the heck are you talking about? Seriously? You committed yourself to someone? You’re afraid of commitments, Jazz. Kaya nga tayo nagkasundo ‘di ba? We both like to play and have fun.” Hinawakan nito ang isang balikat niya at hinagod-hagod iyon. “I just came back from Vienna, Jazz. Don’t you think that I deserve a welcome party?” Inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. Kinagat pa nito ang kanyang tainga at bumulong doon. “In your bed.”
Muli niya itong itinulak. Wala na siyang ibang gustong makasama kundi si Heart. “I’m sorry, Jen. May gagawin pa kasi ako eh.”
“Are you dumping me?” mataas ang boses na tanong nito.
“I’m not. It’s just that, we don’t have a relationship, remember? So, how could I dump you?”
“Uh! You cannot leave me like this!” anitong nasa boses na ang pagkairita.
“Ikaw na rin ang nagsabi na wala tayong commitment sa isa’t isa. In my case, I’m done playing. You should stop and look for a constant companion too, Jen,” aniya rito.
“Who is the girl?” seryosong tanong nito sa kanya.
“Her name is ‘Heart’ and I love her,” proud na sabi niya rito. Kinuha niya ang damit na napili.
Tinawanan lang siya nito na para bang isa siyang luko-loko. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Jazz? You’re talking nonsense! There’s no such thing as love in this world we’re living. Kapag hindi ka marunong maglaro, hindi ka mabubuhay.”
“I believe in love, Jen. And I don’t kid about that,” seryosong sabi niya rito saka niya ito tinalikuran.
“Hindi pa tayo tapos, Jazz! Tandaan mo ‘yan!” banta nito sa kanya. Well, he’s not expecting it to be easy with Jenny. Mas malala kasi ito kaysa kay Yvonne. Nagkibit-balikat na lang siya sa sinabi nito. Tinawag niya ang sales lady na bumati sa kanya kanina at nagpa-asiste. Ipinabalot na niya iyon.
“Ang swerte naman ng girlfriend n’yo sa inyo, Sir. Huling stock na namin ‘yan dito.” anang cashier.
“Maswerte ako ‘pag naging kami na. Thank you kung gano’n.”
“Naku, Sir! Sasagutin kayo no’n basta ba ipapakita n’yo sa kanyang mahal na mahal mo siya. Iyon lang naman ang hinahanap ng mga babae eh.”
“Yeah. I’d do that because I really love her.”
Yeah. I love Heart and it’s time for me to tell her that.
“WHAT’S with the face?” kunot-noong tanong ni Heart kay Allen. Kung makangisi at makatingin kasi ito sa kanya ngayo’y parang wala nang bukas. “Ano? You’re freaking me out.”
“OA mo, ha. Natutuwa lang ako sa inyo ni Jazz.” sabi nito habang hinahalo ang pizza dough na ginagawa nito. Siya naman ang nag-aayos ng mga magiging toppings ng pizza.
It’s Sunday afternoon and Allen’s going to make pizza. Wala silang lakad ng araw na iyon kaya napagdesisyunan nilang mag-movie marathon na lang sa kanilang bahay habang kumakain ng paborito nilang pizza. Nag-out-of-town kasi si Jake na nobyo ni Allen kaya ayaw nitong lumabas.
Pagbalik niya galing Boracay ay sa Parañaque siya dumiretso dahil tinawagan siya ng kapatid niyang si Avie. Sa susunod na linggo na pala ang kasal nito at siya ang napili nitong maid of honor para sa kasal nito. Kaya siya nito pinabalik agad sa Maynila ay para sukatan at para magpatulong sa preparasyon ng kasal. Hindi kasi sang-ayon sa maaga nitong pagpapakasal ang ina nitong si Tita Sylvia lalo na’t buntis na pala ito kaya kinailangan nito ng tulong niya.
“Bakit?” tanong niya ritong hindi mapigilan ang mapangiti. Naalala na naman niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Jazz noon sa Boracay. Sa isiping iyon ay gusto niyang magtatalon dahil sa kilig.
“Lumalabas pa rin kayong dalawa kahit hindi na kailangan dahil naniniwala na ang lahat tungkol sa relasyon n’yong dalawa.” anito na nasa tinig ang panunukso.
“Sabi ni Jazz, we should be more convincing para hindi na bumalik ang mga nangungulit sa’min. Kaya sinusubukan naming magpakita sa publiko para hindi sila magtaka na palabas lang ang lahat.” katwiran niya.
Ang totoo ay mas naging maayos ang samahan nila ni Jazz pagbalik nila galing Boracay. True to his words, they’ve been going out for weeks to try new things they’ve both never tried before.
“That’s not how I see it.”
“Ano?” bulalas niya. Ano na naman ang iniisip ng bruhang ‘to?
“Nai-in love na kayo sa isa’t isa. Iyong tipong, I won’t last a day without you. Nagkikita kayo araw-araw. Ang effort ni Jazz na pumunta sa P&P para lang yayain kang kumain sa labas gayong may kalayuan ang opisina nila sa opisina n’yo, wagas. At ikaw naman, kung hindi ka pa nai-in love kay Jazz, tatanggihan mo ang mga imbitasyon niya dahil may proof ka na naman na effective ang naging pagpapanggap n’yo. Pero hindi, gora ka pa rin sa paglabas-labas n’yo.” mahabang litanya ni Allen habang minamasa na nito ang pizza dough.
Tama si Allen sa mga hinala nito. Naalala naman niya ang isang eksenang talagang nakapagpakilig sa kanya. At noon niya nalaman na in love na nga siya kay Jazz.
Hinatid ni Jazz si Heart sa bahay nila galing sa birthday party ni Jack. Maaga silang umuwing dalawa dahil pareho pa silang may pasok kinabukasan. Tawa sila ng tawa sa kotse nito habang inaalala ang mga nangyari sa party ni Jack. Nagtipon-tipon kasi roon ang mga dating girlfriend ni Jack maging ang mga babaeng ka-fling nito at walang kamalay-malay si Jack doon. Iyon pala’y set up ng ‘mortal na kaaway’ daw nitong si Jean.
“Paano kung gawin ‘yon sa’yo ni Yvonne?” tanong niya kay Jazz.
“Nah. She’s through with me. I heard na may bago na siyang boyfriend. And besides, I won’t throw a party like that. Mas gugustuhin kong mag-celebrate na tayong dalawa lang,” masuyong sabi nito sa kanya.
Nag-init ang magkabila niyang pisngi dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung paano itatago ang kilig na nararamdaman mula rito. “Haha! Umuwi ka na,” pagtataboy na lang niya rito.
“Okay, okay. Kinikilig ka lang eh,” biro nito sa kanya.
“Dream on!” asik niya rito saka ito itinulak palayo.
Tumawa ito. “Good night, Heart,” bati nito sa kanya nang papasok na siya sa pintuan ng kanilang bahay. Nasa may gate na nila ito.
“Good night, Jazz,” bati rin niya rito saka dumiretso na siya sa pagpasok sa kanilang bahay. Pagkapasok niya ay doon niya pinakawalan ang impit na tili dahil sa hindi maitagong kilig. In love na yata siya kay Jazz!
Napatigil siya sa pagtili ng may biglang kumatok sa kanilang pinto. She composed herself. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya ng makita ang nakangising si Jazz.
“O, bakit ka bumalik? Akala ko ba pauwi ka na?” tanong niya rito.
“I forgot something,” anito saka siya hinila palapit dito para sa isang mahigpit na yakap. Nang ihiwalay siya nito mula sa katawan nito’y saka naman nito ginawa ang signature kiss nito. Hinalikan na naman siya nito sa noo.
Pero kahit na sa noo lang iyon, kinilig pa rin siya ng bonggang-bongga! Sabi nga ni Allen, “A real lover is the man who can thrill you by kissing your forehead.”
“Heart, you’re a woman who’s disgusted with Jazz’s type. Pero nagagawa mo pa ring sumama sa kanya. If you’re deal is really all about business, hindi ka ganyan. You always limit yourself to things that are going beyond the limits. Pero pagdating kay Jazz ay tila wala kang kinatatakutan o kinaiinisan sa mga playboy.”
Nginisihan niya ito. “We kissed!” I guess there’s no point in hiding. Hindi na kasi niya maitago ang kilig sa harap ni Allen.
“Oh-my-god! So, something really happened in Boracay,” anito.
“You knew?”
“Hindi. Naramdaman ko lang na may nag-iba sa aura mo kaya. Ang saya-saya mo at mukhang in love ka. Sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Jazz, palagi kang nangingiti. Hindi ka rin matigil sa kakakwento sa kanya. At, hindi na puro bad comments ang ibinibigay mo sa’kin tungkol sa kanya. That’s why I knew you’re now in love with him,” paliwanag nito.
“Talaga?”
“Ano ba’ng nararamdaman mo para kay Jazz?”
“I’m happy whenever I’m with him. Alam mo ‘yong feeling na secure ka sa kanya at the same time free? Hinahayaan niya akong gawin lahat ng gusto kong gawin. At siya mismo ang nag-encourage sa’kin na subukan ang mga bagay na hindi ko pa nasusubukan. Pero hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng takot. Alam mo naman kung ano ang nangyari sa’min ni Joe noon. What if, maging kami nga ni Jazz pero hindi rin kami magtagal?” nag-aalalang tanong niya.
“Alam mo kung ano ang problema sa’yo? Masyado kang nega! Stop thinking that way! Hindi ka talaga magiging masaya n’yan. Go with the flow. Hindi porke hindi naging successful ang un among relationship ay ganoon din ang mangyayari sa susunod. Give love a chance,” sabi ni Allen sa kanya.
“Alam mo ‘yong feeling na, masaya ka sa una, ‘tapos hindi mo alam magiging malungkot ka rin pala sa huli. Hindi ko maiwasan ang mangamba. Hindi ba pwedeng masaya lang kami ni Jazz sa isa’t isa?”
“Siyempre, you have to put a label to your relationship. Hindi naman pwedeng habang buhay kayong magpapanggap, ‘di ba?”
“Oh-my-god! The deal! Our deal! Paano kung sweet lang sa’kin si Jazz dahil sa deal namin? Paano kung ako lang ang nakaka—“
“Heart, dear, ‘ayan ka na naman. Kasasabi ko lang sa’yong ‘wag kang maging nega. For sure, in love din sa’yo si Jazz. Believe me, I know. Ngayon, kung ayaw mo pa ring maniwala. Let’s give him a test.”
“Ano?”
“Tawagan mo siya. Sabihin mo sa kanyang pumunta dito within fifteen minutes. Kapag hindi siya nakarating dito within fifteen minutes, hindi ka niya mahal. Kapag naman nakarating siya rito within fifteen minutes, ibig sabihin no’n ay mahal ka niya.”
“Luka-luka ka talaga, Allen! Kung anu-ano ang naiisip mo,” naiiling na sabi niya rito.
“Nahihiya ka pa, ako na nga ang tatawag,” ani Allen saka nito iniwan ang ginagawa at naghugas ng kamay bago kinuha ang kanyang cell phone. Maya-maya lang ay may kausap na ito sa telepono.
“Ahm, yeah. Gumagawa kami ng pizza ni Heart ngayon. Pumunta ka dito within fifteen minutes. Kapag hindi ka nakarating, wala kang pizza,” biro ni Allen dito saka nakangising tumingin sa kanya. Nag-thumbs up ito saka tinapos ang tawag. “And we’re going to wait.”
Please be here within fifteen minutes, Jazz. Please…