SINALUBONG si Tracy ng isang nakakagutom na amoy pagpasok niya sa university health clinic nila. Break niya ngayon sa duty niya sa “Madugong Paligsahan” na isang sporting at blood donation event sa PrinceU. Isa siya sa volunteer doon.
Nagpabili siya kina Camri at Xesha ng lunch dahil gutom na gutom na siya at gustong-gusto na niyang kumain kanina pa at ayaw na niyang lumabas pa ng campus o maglakad ng malayo papunta sa kanilang canteen para kumain kaya nagpabili na lang siya.
“Food! Food! Food!” sigaw niya sa mga taong nagkumumpulan sa reception area kung nasaan sina Camri at Xesha. Agad na lumapit siya sa mga ito at nakigulo na rin.
“Ay, Tracy! Ikaw pala. Halika, kumain ka na,” yaya sa kanya ni Doktora Magaling.
“Oo nga, Trace. ‘Eto o, para sa’yo lahat ‘yan,” sabi naman ni Sir Ben.
“Kumain ka ng marami ha? Masarap ‘yan,” ani Doktora Magaling. Napakunot-noo siya sa mga ito. Bakit parang naging extra-mabait yata ang mga ito sa kanya ngayon? Anong nakain ng mga ito?
“Magkano ‘yan? Bakit parang ang dami n’yo yatang biniling pagkain, Camri, Xesha?” tanong niya sa kanyang mga kaibigan.
“Oh, don’t worry. Libre lang ‘yan,” ani Camri at binigyan siya ng isang makahulugang ngiti.
“Talaga?” aniyang malapad ang naging ngiti. Gutom na gutom na siya kaya kumuha siya ng pagkain at nagsimula nang kumain. Tumabi pa siya kay Camri para makakain siya ng maayos.
“Libre ‘yan ni Zac,” ani Xesha na ikinatigil niya sa pagsubo.
“Ano? Sinong Zac?” maang na tanong niya.
“Zac Castillo,” sagot nito.
“Nasa loob nga sila ng opisina ni Sir Rooke eh. Do’n sila kumakain kasama ang ibang Princes. Ang saya ‘no? Dito kasi sila nagpakuha ng dugo. Sabi kasi ni Sir Rooke, baka magkagulo sa pavilion ‘pag doon sila nag-stay kaya dito na lang sila sa clinic,” paliwanag ni Camri. Isinantabi niya ang kanyang pagkain at saka tumayo mula sa kinauupuan niya.
“O, bakit? Ano’ng nangyari sa’yo, Trace? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong ni Doc Ben sa kanya.
“Wala naman po,” umiiling na sabi niya rito. Hindi siya mapakali. Ayaw pa niyang makita si Zac lalo na’t naroon si Camri. Alam nito kung ano ang nangyari sa Milandia noon.
Aalis na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Sir Rooke at iniluwa roon ang miyembro ng Princes kasama na si Zac. Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at nanlalamig ang kanyang mga kamay. Kaya nagtago na lang siya sa ilalim ng mesa ng reception desk dahil ayaw niyang makita siya ni Zac.
You’re scared of Zac now? kastigo niya sa sarili. Hindi niya rin alam. Basta ayaw niyang magkita sila ni Zac ngayon. Parang hindi pa siya handang makita ito kaya hindi siya mapakali.
Napapikit siya at nanalanging sana’y umalis agad ang Princes para makakain na siya ng maayos, makahinga na siya ng maayos at hindi na siya makaramdam ng kakaibang kaba na nararamdaman niya ngayon habang nagtatago sa ilalim ng mesa.
“Aw, thinking of me, babe?”
Her eyes flew open the moment she heard that voice. And there she was greeted by Zac’s sexy grin. Sweetness crap!
“What the hell?” sikmat niya rito.
“Bakit kailangang magtago ka pa sa ilalim ng mesa para isipin ako?” amused na tanong nito sa kanya.
“At sinong nagsabi sa’yo na nagtatago ako? Bakit naman pati kita iisipin in the first place?”
“To answer your first question, maybe because nahihiya ka sa’kin. And to answer your second question, maybe you can’t forget the kiss—“
Mabilis na tinakpan niya ang bibig nito. “Shut up!” mariing bulong niya rito.
“What kiss?” intregerang tanong ni Doktora Magaling na malapit sa kanila ni Zac.
“Hoy! Ano’ng ginagawa n’yo d’yan sa ilalim?” tanong naman ni Zephyr. Sabay silang tumayo ni Zac.
“Ketchup po ‘yong sinasabi niya, doktora,” sagot niya kay Doktora Magaling.
“Ah. Akala ko naman ‘yong nangyaring kiss sa pagitan n’yo,” anito na ikinalaki ng mga mata niya.
“Ano?” sabay-sabay namang bulalas ng Princes.
“P-po? A-ano’ng…” Syemas!
“Naikwento na sa’min ni Camri, matagal na. ‘Wag kang mag-alala, kami lang ang nakakaalam no’n. At saka, bagay naman kayo eh,” nakangiting sabi sa kanila ni Doktora Magaling. Pinandilatan niya ng mata si Camri na naka-peace sign ang mga kamay sa kanya. Hindi pa alam ng mga ito na may second kiss nang nangyari sa pagitan nila ni Zac.
“Doktora, ano po ‘yong kiss na sinasabi mo?” intregerong tanong ni Zephyr.
“’Yong kissing scene nila sa Milandia,” sagot dito ni Doktora Magaling pagkuwa’y umiling-iling pa ito. “Kayo itong mga kaibigan ni Zac pero hindi n’yo alam. Mahina pala ang antenna n’yo eh.”
Earth, eat me now! ngali-ngaling sumigaw siya niyon ngayon dahil sa kahihiyan.
“Aba, eh mabilis ka naman pala, Zac ‘no? Magaling, magaling,” komento naman ni Sir Ben. Nagkibit-balikat lang si Zac. Naiinis na hinampas niya ito sa braso. How could he be that cool when she’s freaking embarrassed?
“Naku! Kaya nga po nanlibre si Zac ngayon kasi engaged na sila ni Tracy,” sabi ni Zephyr.
Fucking crap!
“Engaged? Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa’min? Madaya ka, Tracy ha!”
Hindi na niya malaman kung sino ang nagsalita ng mga linyang iyon dahil halos sabay-sabay na nagsalita ang mga taong nakapaligid sa kanya. Gusto na niyang bumuka ang lupa ngayon ay kainin siya.
“Three days ago po. Siya pa ang ang nag-propose sa’kin eh,” nakangising sabi ni Zac.
Double crap! mura niya sa kanyang isipan. Hindi niya na-anticipate na babalik din sa kanya ang ginawa niyang “ganti” dito noon sa TresKas. Kaya bago pa man siya magisa ng mga tao roo’y tumakbo na siya palabas ng clinic.
“MAMA, ano’ng mayro’n? Bakit ang daming pagkain?” tanong ni Tracy sa kanyang ina na abalang naghahanda ng pagkain sa kanilang hapag. Abala din ang kapatid niyang si Yanah sa paghahalo ng icing para sa cupcakes na ginagawa nito.
“May darating tayong espesyal na bisita. Nakita mo ba ‘yong dress na nakapatong sa ibabaw ng kama mo? ‘Yon ang isuot mo ngayon. Magpalit ka na ng damit, dalian mo,” excited na utos ng mama niya sa kanya.
Napakunot-noo siya rito. “Bakit? Ano’ng mayro’n?”
“Basta. May bisita tayo at kailangan mong maging maganda,” anito.
“’Ma! May irereto ka sa’kin?”
“Basta magpalit ka ng damit. And put on some make up,” utos nito sa kanya.
Napakunot ang noo niya rito. “Ano nga ang mayro’n ngayon?” makulit na tanong pa rin niya sa mga ito.
“O, siya. May irereto nga kami sa’yo ni Yanah.”
“Oo nga, ate. Gwapo si Kuya—“
“Yanah!” saway kay Yanah ng mama niya.
“Oooops. Sorry. Basta gwapo siya, ate. You’ll drool when you see him naked,” ani Yanah sa kanya na ikinalaki niya ng mata.
“Mama! Ano na naman ‘yang natutunan ni Yanah? May ‘naked’ at ‘drool’ na siyang nalalaman? No’ng seven years old ako, McDo fries at sundae lang ang tinuro mo sa’kin,” baling niya sa mama niya. “Yanah, stop saying those things and stop listening to adult conversations,” sermon niya sa kapatid niya.
“Eh, kasi naman, ate. Nakita namin si kuya sa spa. He only got his towel wrapped around—“
“Yanah!” sabay pa nilang sigaw dito ng mama niya. Pati siya ay nadedemonyo sa mga sinasabi ng kapatid niya.
“Mama!” baling naman niya sa mama niya.
“Oo na. Hindi ko na siya isasama sa spa. Ikaw na ang magsama sa kanya sa tae kwon do lessons mo.”
Tumango na lang siya sa mga ito. Umakyat siya sa kanyang kwarto para magbihis. Pagbibigyan niya ang kanyang ina pero ngayon lang. Pagbukas niya sa kanyang kwarto ay narinig niyang tumutunog ang cell phone niyang nakapatong sa kanyang study table. Hindi kilalang numero ang tumatawag kaya binalewala niya iyon. Nagtungo siya sa kanyang bathroom at naligo roon.
Iniisip niya kung sino ang lalaking irereto sa kanya ng mama niya na ayon kay Yanah ay magdu-‘drool’ pa siya kapag nakita niya ang ‘naked’ body nito. Naiiling na lang siya sa mga terms ng kanyang kapatid. Malamang ay naririnig nito iyon sa mga amiga ng kanyang mama. Madalas kasing pumunta sa spas ang kanyang ina dahil doon ang tambayan nito ng mga amiga nito kasama ang ina nina Freya at Drea at ang iba pang home owners sa Crescentville. Walang naiiwang mag-aalaga kay Yanah kaya naisasama ito ng kanyang ina sa spa. Kapag Sunday kasi ay may tae kwon do lessons siya dahil isa siyang tae kwon do teacher. At ang ibang araw naman niya’y ginugugol niya sa pag-duty sa clinic nila sa school.
Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang may kausap sa cell phone niya si Yanah. Tinakbo niya ang kinaroroonan nito at hinaklit dito ang cell phone niya.
“Hello?” humihingal na sagot niya sa phone.
“Hey, babe!” anang pamilyar na boses sa kabilang linya. Naiikot niya ang kanyang mga mata.
“Don’t call me ‘babe’, Castillo! You still top my killing list!” sikmat niya rito.
“Scary. Hayaan mo, quits lang tayo. You top my list of girls to kiss,” anito sa amused na tinig. Napanganga siya dahil sa sinabi nito. The weird thing was, she felt her heart skipped a beat, literally. Parang tuksong nag-rewind sa isipan niya ang halik na pinagsaluhan nila noon sa labas ng Milandia at sa Sports and Wellness Shop.
Bwisit ka, Castillo! The things you do to me. “Malandi ka talaga, Castillo!” inis na sigaw niya rito saka pinutol ang tawag nito. Hindi pa niya naibabalik sa dati ang ritmo ng paghinga niya’y muling tumunog ang cell phone niya at ang numero na naman nito ang tumatawag. “What?”
“See you later, babe!” sabi nito sa kabilang linya saka tinapos ang tawag. Anong ibig nitong sabihin?
Nang balingan niya si Yanah ay nakangisi ito sa kanya. “Ano ang sinabi sa’yo ng lalaking ‘yon, Yanah?” tanong niya sa kapatid.
“Nothing, ate,” painosenteng saad nito saka tumakbo palabas ng kanyang kwarto.
“Yanah!” tawag niya rito.
“He just said he loves you, ate,” ani Yanah ng bumalik ito at pagkatapos ay umalis ito roon at naiwan siyang nakatulala at hindi makapaniwala.
WALA SA tamang huwisyo si Tracy nang magtungo siya sa kanilang sala dahil inabisuhan siya ni Yanah na naroon na raw ang espesyal nilang bisita. Suot niya ang dress na inihanda ng kanyang ina at dapat daw niyang isuot ngayon. Iniisip niya kung may katotohanan ang sinabi ni Yanah sa kanya kanina tungkol sa “love” ni Zac sa kanya. Not that she cared or something.
Of course, you care! Hindi ka mag-aabalang mag-isip ng ganyan kung wala kang pakialam, anang makulit na bahagi ng isipan niya. Ako ang matinong bahagi ng isipan mo, naghuhumiyaw na sabi ng bahagi ng isipan niyang iyon. She must be getting crazy.
Really, Zac. What you do to me.
“Tracy, okay ka lang?” narinig niyang tanong ng papa niya kaya nag-angat siya ng tingin. Hindi na niya nasagot ang tanong nito dahil nakita niyang katabi nito si Zac.
“What the crapping hell are you doing here?” she blurted.
“Hello to you too, Trace,” sarkastikong bati sa kanya ni Zac. With that sexy grin of his again. Gusto niya itong singhalan, but his kiss’ memory, his sexy grin, the though of his naked body that would make her drool and what Yanah said earlier about Zac loving her combined together made her loose every irritating feeling she felt towards him.
“Ahm, Tracy?” untag sa kanya ng mama niya.
“I’m fine, ‘Ma,” sabi lang niya rito habang diretsong nakatingin pa rin kay Zac.
“Okay. Obvious na magkakilala na kayong dalawa—engaged na nga kayo ‘di ba?” nakangising saad ng mama niya.
Oh, yeah. I blurted that “engagement” in TresKas.
“Kain na tayo dahil almost past lunch time na,” anang mama niya na mukhang excited na excited. Pakiramdam niya’y sine-set up siya nito kay Zac.
Bago pa man sila makapasok sa kanilang dining room ay hinila niya patungo sa may lanai nila si Zac.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya rito. Oh, come on, Tracy. Ang gusto mo naman talagang itanong sa kanya ay kung totoo ang sinabi kanina ni Yanah, anang isang bahagi ng isipan niya.
“Inimbitahan ako ng mama mo dito,” kaswal na sagot nito. Kroo—kroo—kroo…
“May itatanong ka pa ba, Trace?” untag sa kanya ni Zac nang hindi na siya makapagsalita.
“Nakausap mo kanina si Yanah, ‘di ba?” aniya rito. Tumango naman ito. “Ano’ng sinabi mo sa kanya?” pasimpleng tanong niya rito.
“Oh, that. Wala naman. Bakit? Ano bang sinabi niya sa’yo?”
“Wala,” nakasimangot na sabi niya rito. Pinagti-trip-an lang ba siya nito? Kung ganoon, hindi nakakatuwa.
Nauna siyang pumasok sa loob ng sala nila kaysa rito. Ngunit pinigilan siya nito ng dederetso na siya sa kanilang dining room kung saan naghihintay na ang kanyang pamilya.
“I meant what I said to Yanah, babe,” bulong sa kanya ni Zac bago ito pumasok sa kanilang living room. Napatulala siya dahil sa ibinulong nito. Nasapo niya ang kanyang dibdib dahil hindi niya makontrol ang nagririgodon na tibok ng puso niya.
Really, Zac. The things you do to me.