“Monday Blues is one of the daily Instagram hashtag or mood where an Instagrammer’s either unlucky on their first day of the week, or had experienced an unexpected event during a Monday, or are hungover the weekend and doesn’t want to go to school or work. Pero pwede rin namang ito ang pagsimulan ng similarity ng dalawang taong magkaiba ang paniniwala. i.e.,
@cruzandrada00: Hindi lahat ng hinihintay, worth it. #MondayBlues
@littlemisssaffron: I had a nightmare. And it’s Monday. Damn. #MondayBlues”
~---~
NAPASINGHAP si Saffy dahil bigla na lang ang paglapit ng mukha ni Cruz sa kanya. Napaurong siya mula sa kanyang kinauupuan pero agad ding umisod palapit sa kanya ang lalaki. Gusto niya itong itulak palayo pero pakiramdam niya’y nakatali sa magkabilang gilid ng kanyang kinuupuan ang mga kamay niya.
“Naniniwala ka ba talagang bading ako, Saffy?” tanong ni Cruz sa malamyos na tinig. Hindi alam ni Saffy kung saan nanggagaling ang takot na kanyang nararamdaman. Kaya umiling na lang siya dito. “Talaga? Bakit ginawa mo ang confession na ‘yon?”
“Akala ko lang kasi—“
“Akala mo lang?” ani Cruz sa malakas na tinig. Marahas pa nitong hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Napaigik siya sa gulat at sakit kaya napaurong na naman si Saffy. “Alam mo bang nang dahil sa maling akala mo na ‘yon ay nawala ang scholarship ko at ang babaeng pinakamamahal ko? Ha?”
“H-hindi ko naman alam na—“ Hindi na niya naituloy pa ang ibang sasabihin dahil nakita niyang biglang naghubad ng damit si Cruz. Mas nadagdagan ang takot na kanyang nararamdaman. Ano’ng gagawin niya sa’kin? tanong niya sa kanyang sarili.
“Hindi mo alam? Puwes ako, alam ko kung ano ang gagawin ko sa’yo ngayon. I need to punish you,” seryosong sabi ni Cruz.
Dahil masama na ang kutob ni Saffy sa maaaring gawin sa kanya ngayon ni Cruz ay sinubukan niyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan para tumakbo paalis doon. Pero hindi niya magawa dahil kahit pala ang kanyang mga paa ay tila nakakadena din. Sumigaw siya pero walang boses na lumalabas sa kanyang lalamunan.
“Patutunayan ko sa’yo na hindi ako bading!” sabi pa ni Cruz saka ito tumawa ng nakakaloko. Lumayo ito sa kanya at sumayaw-sayaw na para bang isa itong macho dancer.
Pagkuwa’y unti-unti na namang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kung saan-saang parte ng kanyang katawan.
“Nooooooooo!” Saffy shouted with all her might.
“No!” sigaw ni Saffy ng mapabalikwas siya ng bangon habang habol ang kanyang hininga.
“Bakit?” tanong ng Ate Cinnamon niyang nasa harapan ng kanilang dresser at nag-aayos na papasok sa school. Roommates kasi silang dalawa at ang Kuya Sage naman niya ang nasa kabilang kwarto ng condominium unit na tinitirhan nila.
Oh, God. Thank You dahil panaginip lang pala ‘yon, pasasalamat niya habang pinapanatag ang sarili.
“Hoy, okay ka lang?” muling tanong ng Ate Cinnamon niya.
“Muntikan na akong ma-rape sa panaginip ko, ‘te. Pesteng Cruz,” aniya rito na halos pabulong na ang huling pangungusap.
“Si Cruz naman pala. Okay lang ‘yon,” pabirong sabi ng ate niya. Narinig pala nito ang sinabi niya.
“Grabe ka, ‘te!” reklamo niya rito sabay baon ng kanyang mukha sa unan. Hindi pa rin siya maka-get over sa panaginip niya tungkol kay Cruz. Para siyang binangungot.
Correction. Bangungot nga ‘yon.
“Ah! It’s Monday. I hate it,” pagkuwa’y sabi niya.
“Monday blues,” pakantang sabi ng Ate Cinnamon niya.
May nag-‘ding’ sa isipan niya. Kaya nag-selfie siya habang nakabaon ang mukha sa unan at in-upload iyon sa Instagram account niya with the hashtag ‘Monday Blues’.
@littlemisssaffron: I had a nightmare. And it’s Monday. Damn. #MondayBlues
Nakita niyang may ilang notifications siya pero hindi niya muna iyon tiningnan dahil kailangan na niyang mag-ayos para sa school. Kaya bumangon na siya mula sa kanyang higaan, inayos iyon at naghanda na ng kanyang uniporme.
“So, ano’ng mayro’n sa inyo ni Cruz at ngayon ay napapanaginipan mo na rin siya? Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Sabi ko na nga ba, ‘the more you hate, the more you love’ ang magiging drama mo eh,” sabi ng Ate Cinnamon niya maya-maya.
Type din ng ate niya si Cruz. Siya lang yata ang hindi attracted dito sa buong BSU. Hindi dahil “bading” ito kundi dahil ayaw niya sa pakikitungo nito sa mga babae. Astang-playboy kasi ito. Pero ang pinakaayaw dito ni Saffy ay ang kadalasang post nito ng picture ng abs sa Instagram dahil tuwing ginagawa nito iyon ay sa kanya agad bumabaling si Mavis at naliligalig siya sa kilig ng kaibigan. Umay na umay na siya sa picture ng abs ni Cruz.
“Ano bang sinasabi mo, ‘te? Ayaw ko nga sa kanya,” sagot ni Saffy sa ate niya.
“Talaga? Wala kayong kahit anong connection sa isa’t isa?” tanong pa nito.
“Wala.”
“Hmm. F-in-ollow ka niya sa Instagram eh. Nakita mo na ba?” tanong nito.
“Ha?” Ano ‘to nananaginip? ani Saffy sa sarili patungkol sa kanyang kapatid.
“F-in-ollow ka nga niya sa Instagram. Check your IG,” udyok ng Ate Cinnamon niya.
Pero dahil hindi naniniwala si Saffy dito ay hindi agad niya tsinek ang kanyang Instagram account. Dahil bakit siya ifa-follow ni Cruz? Hindi naman siya nito kilala.
Okay. Granted na may mga tao talagang nagfa-follow sa ibang tao na hindi nila kilala. Pero ang mga nagfa-follow lang kay Saffy ay iyong mga taong “foodie”. Puro pagkain kasi ang laman ng kanyang Instagram feed. Iyong mga pagkain na hindi abs-friendly. At si Cruz Andrada iyong taong masyadong food conscious.
Nang buksan ni Saffy ang kanyang Instagram account ay napatigil siya sa paglalakad—papasok na kasi siya sa Brookeshire noon. Hindi siya makapaniwalang totoo pala ang sinabi ng Ate Cinnamon niya kanina.
@cruzandrada00 started following you.
Inisip niyang baka naman fake account ito ni Cruz kaya tiningnan niya ang account na iyon. Pero dahil sa dami ng followers nito ay nakumpirma niyon na ito nga ang totoong account ni Cruz Andrada. At nanlaki ang mga mata niya nang makitang halos pareho sila ng unang dalawang post—pati ang latte art kahapon.
@cruzandrada00: Hindi lahat ng hinihintay, worth it. #MondayBlues
@cruzandrada00: I think I’ve met my match. Thank you. #WanderlustCafé
@cruzandrada00: Hindi lahat ng confessions do’n, totoo. #HindiAkoBading
Naintriga siya sa ikatlong post na iyon na nakita niya sa feed nito at nang makita niya ang date kung kailan iyon nai-post ay napangiwi siya. It was around the time na lumabas ang confession “niya” sa BSU Secret Files. Naalala din ni Saffy ang usapan nina Cruz at Fitz kahapon pati na ang aksidenteng nasabi niya rito. Iyon ba ang dahilan kaya siya f-in-ollow ni Cruz? Dahil naipamukha niya rito ang katotohanang may problema nga sa “paghihintay” nito sa Janella na iyon? Pinili na lang niyang ignorahin ang pag-follow sa kanya ni Cruz. Pero noon naman nag-flood ng text sa kanya si Mavis.
Mavis: F-in-ollow ka ni Cruz sa Instagram! Ano’ng meron at pareho pa kayo ng hashtag?
Mavis: Pumayag na siya sa interview. Mamaya namin gagawin.
Mavis: Alam kong ayaw mo sa kanya pero mabait naman siya.
Mavis: Pinag-usapan ka namin kagabi.
Mavis: Sorry, babe. ‘Wag kang magalit ha. May kasalanan ako sa’yo.
Kinabahan si Saffy sa huling text ni Mavis kaya agad niya itong tinawagan. Pero hindi sinasagot ng bruha ang tawag niya. Alam niyang gising na ito ngayon dahil may 7:30AM class ito ngayong araw. Baka nga nasa Brookeshire na ito. Naka-limang tawag siya dito bago nito sagutin ang tawag niya.
“Ikaw talaga, Mavis! Ang daldal mo!” agad na bungad niya dito pagkasagot nito ng kanyang tawag.
“Sorry na, Saffy. Eh kasi nagtanong siya. Hindi ko naman mapahindian. Si Cruz Andrada ‘yon,” paliwanag ni Mavis sa mahinang tinig.
“So, alam na niya? Alam na niyang ako ‘yong nag-confess gano’n? Naku, Mavis! Makakalbo kita!” sigaw pa niya rito.
“Hindi! Hindi pa niya alam. Hindi ko naman ‘yon sasabihin sa kanya eh. Mas mahal kita kaysa kay Cruz. Po-protektahan ko rin ang sikreto mo,” ani Mavis.
“Eh bakit sinabi mo sa kanya ‘yong IG ko?”
“Eh kasi kinikilig ako for you, babe. Crush ka yata niya kasi ikaw lang ang pinag-usapan namin kagabi. Kung ikaw rin lang, okay na ako. Make cute babies together na,” eksaheradang sabi ni Mavis.
“Tange! Anong crush ka d’yan. May mahal ‘yong iba. Si Janella daw,” aniya rito.
“Eh bakit parang hurt ka?” nanunudyong saad ni Mavis.
“Bakit naman ako mahi-hurt? Naaawa lang ako sa kanya. Naghintay kasi siya ‘tapos isang confession lang na gano’n, initsapwera na agad siya. Totoong pagmamahal ba ‘yon? Eh sa una pa lang yata, hindi na siya gusto no’ng babae eh. Nagpakatanga lang siya. ‘Tapos, i-emote-emote siya ngayon, kasalanan naman niya,” himutok niya sa kaibigan.
“’Sabi ko na nga ba ikaw ‘yon eh. Tunog ikaw ‘yong mga hugot ni Cruz,” sabi ni Mavis sabay tawa. “So, ifa-follow back mo ba siya?”
“Hindi. Ayokong makita ang abs niya ‘no.”
“Aysus. If I know, nagke-crave kang makita ang abs niya.”
Dahil sa sinabi ni Mavis ay naalala na naman ni Saffy ang panaginip—err, bangungot niya—tungkol kay Cruz. Napasimangot siya. “Sige na, Mav. ‘Kita na lang tayo mamaya,” paalam na niya dito.
“Follow back mo na si Cruz. Ciao!” anito saka tinapos ang tawag.
Napailing na lang siya sa kaibigan. Hinding-hindi niya ifa-follow back si Cruz. For one, hindi naman sila friends at sigurado siyang hindi niya magugustuhan ang mga ipo-
post nito. Kaya hindi na lang. Pero nag-comment pa ito sa post niya ngayong araw.
@cruzandrada00: Let’s make our Monday pink today, @littlemisssaffron
“I WILL give you another chance, Saffy. Kapag naipasa mo ang special exam na ibibigay ko sa’yo, ipapasa kita sa prelims. Kaya paghandaan mo ‘yon. Two laps of either free style or back stroke.”
Alam ni Saffy na dapat ay maging masaya na siya sa ibinigay na konsiderasyon at pagkakataong iyon ni Sir De Guzman—ang kanyang swimming instructor—pero napangiwi pa rin si Saffy. Hindi siya marunong lumangoy pero swimming ang P.E. nila. Kahit na anong aral ang gawin niya’y hindi talaga siya matututo dahil hindi niya iyon hilig.
Hindi niya pinasukan ang klase na iyon ng halos isang buwan dahil noong unang linggo ng kanilang actual swimming class ay may period siya. Pagkuwa’y tinangka niyang i-drop ang swimming class na iyon para magpapalit ng ibang P.E. class pero na-miss na pala niya ang cut-off ng pagda-drop. Dumaan ang isang buwan na alibi siya ng alibi kaya hayun, bagsak siya ngayon sa prelims.
Irresponsible, I know. Pero sinubukan ko naman talagang mag-swimming no’ng una. Ayoko talaga. Mamamatay ako sa swimming class na ‘to, paliwanag niya sa sarili.
Pero hindi naman pwedeng magkaro’n ng red mark ang card ko. Hindi ako papayag. Kaya anong gagawin ko?
“Sir, one lap na lang please? Baka kasi mamatay na ako kapag two laps eh,” pakiusap pa rin niya sa kanyang propesor.
“Miss Zapanta, malaking konsiderasyon na nga ‘yon. Dapat bagsak ka na nga talaga since six absences lang ang allowed sa isang estudyante pero binibigyan pa kita ng chance ngayon. Take it or fail this class,” mariing sabi ni Sir De Guzman.
“Sir OJ! Ano’ng problema dito?”
Nanlaki ang mga mata ni Saffy nang biglang sumulpot doon si Cruz. Pero nasa teritoryo nga pala siya nito—ang swimming pool sa kanilang university—kaya hindi na siya dapat pang nagtaka na naroon ito. Hindi niya lang talaga napansing lumapit ito sa kanila. Bakit ba siya sinusundan ng malas ngayon?
“O, Cruz? Okay ka na ba?” nakangiting bati dito ni Sir De Guzman. Mukhang close ang dalawa dahil inakbayan pa ni Cruz ang kanyang propesor.
“Oo naman, sir. Dumaan lang talaga ako sa isang emotional phase ng buhay ko,” saad ni Cruz.
“Sir, alis na po ako,” mahinang paalam niya kay Sir De Guzman. Nang mapasulyap siya kay Cruz ay nakatingin pala ito sa kanya at nang magtama ang kanilang mga mata ay kumindat pa ang damulag. Inignora na lang niya ito. Again, hindi sila close.
“O, sige, Miss Zapanta. Basta ‘wag mong kalimutan ‘yong pinag-usapan natin. Good luck,” sabi naman nito na sinagot niya ng isang nag-aalinlangang ngiti.
Dahil huling klase na niya ang P.E. ay dumiretso siya sa Wanderlust Café para tumambay. Wala kasi siyang duty ngayon dahil may culinary class siya. Hindi na niya kaya pang magtayo ng matagal kaya tuwing may culinary class siya ang off niya sa pagpa-part-time sa café. Pagdating niya doon ay agad niyang ikinwento kay Jigo ang tungkol sa masamang balita. Pero tinawanan at tinudyo lang siya nito.
“Masyado mo kasing iniisip ‘yong crush mo,” sabi ni Jigo.
“Wala sa isip ko ‘yon,” sabi naman niya dito habang nakapangalumbaba sa may bar counter at pinapanood sa paggawa ng frappes si Jigo.
“Eh nasaan?”
“Nasa puso,” nakangising sagot niya rito.
“Sino? Ako?” singit ng isang pamilyar na tinig. Nang lumingon si Saffy ay saktong upo naman ni Cruz sa kanyang tabi at katulad ng ginawa niya kanina’y pumangalumbaba ito sa harapan niya. Pero pinili na lang niya itong ignorahin at ibinalik ang tingin kay Jigo.
“Ay, naku! Na-late ka ng dating, sir. May iba nang crush ‘tong si Saffy. Lumiko ka pa kasi, eh nasa malapit lang pala ang destinasyon mo. May naunang um-occupy tuloy sa puso niya,” hugot ni Jigo.
Pinanlakihan niya ito ng mata sabay patok sa ulo. “’Kala mo, Jigo. Isusumbong ko kay Ate Pren na may dini-diskartehan kang estudyante dito,” banta naman niya rito na ang tinutukoy ay ang girlfriend nito na nag-aaral sa ibang university. Pero tinawanan lang siya nito.
Mas matanda sa kanya si Jigo ng tatlong taon pero akala niya noong una ay bata pa ito kaya hindi niya ito tinawag na ‘kuya’. Huli na ng malaman niyang mas matanda pala ito sa kanya. Medyo awkward kapag tinatawag niya itong ‘kuya’ kaya sabi nito’y huwag na lang.
“Temporary lang ‘yon, Jigo. Ako, pang-permanente na,” hirit naman ni Cruz. Ito ang kilala niyang Cruz na kinaiinisan niya dahil masyadong flirt. Parang kailan lang na nag-e-emote-emote ito, pagkatapos ay masaya na ito ngayon.
Naiikot na lang ni Saffy ang kanyang mga mata sa ka-corny-han ng dalawa. Hindi siya kinilig sa mga banat ni Cruz sa totoo lang. Hindi talaga niya ito magugustuhan ever, lalo na kung iku-kompara ito kay Bastien. Oh, gosh. Isipin pa lang niya ang tanging lalaking naging crush niya sa Brookeshire ay kinikilig na siya.
“Sino bang crush mo?” curious na tanong ni Cruz. Tinaasan niya lang ito ng kilay dahil hindi naman sila close para sabihin niya rito kung sino ang kanyang crush. Pero traidor ang damuhong Jigo dahil basta na lang itong bumulong kay Cruz. “Si Bastien ang crush mo?”
Based on reflex ay walang anu-anong tinakpan ng kamay ni Saffy ang bibig ni Cruz. Halos i-arm lock na niya ito pero imbes na magreklamo ay nagulat siya ng kaswal na ipulupot ni Cruz ang isang braso nito sa kanyang baywang saka siya hinigit palapit sa katawan nito. Napasinghap si Saffy dahil sa gulat. Pakiramdam pa niya’y tumalon ang kanyang puso. Kaya napatingin siya kay Cruz at muli na namang nagtama ang mata nilang dalawa.
And then, something clicked on her.