Chapter 34

“’Follow back’ is a task done when somebody follows you on social networking sites and you follow them back or vice versa. Pero minsan ay nagagamit din itong pang-blackmail. i.e.,

@cruzandrada00: @littlemisssaffron #followback or else…”

~---~

NOON LANG ni Saffy natingnan ng ganoon kalapit si Cruz at na-realize niyang may pagka-brown pala ang mga mata nito. Na-amaze din siya dahil mahahaba pala ang pilikmata nito na lalong nagpaganda sa mata ni Cruz. Naramdaman ni Saffy ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi kasabay ng pag-iinit ng kanyang palad na nakatakip sa bibig ni Cruz. Pero gayundin ang kamay nitong nakapulupot sa kanyang baywang.

Nang tumikhim si Jigo ay agad niyang inalis ang kamay na itinakip niya sa bibig ni Cruz saka ito mabilis na itinulak palayo. Bakit ba niya ginawa iyon?

“Sorry, Little Miss Saffron,” malumanay na sabi ni Cruz pagkatapos. Tinawag siya nito sa kanyang username sa Instagram.

“Sorry na, Saffy. Gusto ka lang naming pasayahin. Ito o,” sabi ni Jigo sabay abot sa kanya ng mudslide frappe na paborito niya. “Libre ko na ‘yan.”

“Thanks,” sabi niya sabay kuha ng kanyang bag para makaalis na sa lugar na iyon. Pero nang tumalikod siya ay saka namang pasok ng grupo nina Bastien sa café kaya natigilan si Saffy.

“Bastien!” tawag ni Cruz sa crush niya na kapwa nito miyembro sa swimming club.

“Cruz?” sagot naman ng crush niyang si Bastien.

Nang muli niyang balingan si Cruz ay nakangisi ito sa kanya—na tila ba may gagawin itong kababalaghan—pagkuwa’y yumuko ito at tumipa ng kung ano sa hawak na cell phone. Napabalik tuloy sa tabi nito si Saffy para makiusap dito.

“Don’t,” sabi niya kay Cruz. Lumapit ito sa kanya. She had never expected herself to be this close to this guy before. Bakit parang mas tumalon pa ang puso niya dahil sa proximity nilang ito ni Cruz kaysa noong makita niya kanina si Bastien?

“Check your Instagram,” bulong nito sa kabila niyang tainga. Pinanindigan siya ng balahibo sa batok dahil sa ginawa nitong iyon. Pagkuwa’y lumapit na ito sa grupo nina Bastien.

Agad namang tsinek ni Saffy ang Instagram niya para tingnan kung ano ang sinasabi nito. Marami siyang notifications dahil may mga p-in-ost siyang picture ng pagkain kanina pero hinanap niya agad sa mga iyon ang mula kay Cruz.

@cruzandrada00 left a comment on your photo: @littlemisssaffron #followback or else…

Doon pa ito nag-comment sa close-up picture niyang kinuha ni Mavis noong debut nito. Dahil sa kabang malaman ni Bastien ang tungkol sa pagsintang-pururot niya’y agad niyang pinuntahan ang account ni Cruz at pinindot ang “follow” button doon. Pagkuwa’y tumingin siya sa gawi nito para magbigay ng warning. Nakatingin sa kanya si Cruz habang nakaakbay kay Bastien. Itinaas niya rito ang kanyang cell phone para sabihing f-in-ollow back na niya ito. At grabe ang naging ngisi ng damuho.

Ugh! Bading ka talaga, Cruz!

PAGKAUWI ni Saffy ng hapong iyon sa kanilang condo ay nakatanggap siya ng text mula sa isang numerong hindi naka-register sa kanyang contacts. Napapikit-mata siya ng malamang si Cruz pala iyon. May kutob siya kung kanino nito nakuha ang number niya—kay Mavis o hindi naman kaya’y kay Jigo.

Cruz: Hi, Little Miss Saffron. Got your number from Mavis. I’d like to help you with your problem. Would you please let me?

“Ugh, Mavis!” sigaw niya sa pangalan ng kaibigan dahil sa inis. Bakit nito basta na lang ibinigay kay Cruz ang number niya? At bakit ba tila isang kabuteng sulpot na lang ng sulpot si Cruz ngayon sa buhay niya? Ano ang tinutukoy nitong problema? Ano na naman ang sinabi ni Mavis dito?

Cruz: Thanks for the follow, by the way.

Damn you. Bl-in-ackmail mo kaya ako.

Cruz: Narinig ko ‘yong usapan n’yo ni Sir OJ kanina. Kailangan mong matutong lumangoy at gusto kitang turuan.

Oh. Naroon nga pala ito kanina nang mag-usap sila ni Sir De Guzman. Pero hindi niya akalaing narinig nito ang lahat ng pinag-usapan nila. It’s embarrassing for her. But come to think of it, swimmer nga pala itong si Cruz at willing itong turuan siya ng libre. Kahit hopeless case na siya ay baka maaari pa siya nitong isalba—o ang grade niya. Pero bakit gusto siya nitong tulungan? Bakit pakiramdam niya’y parang nagsusumiksik ito sa kanyang buhay ngayon?

Hindi kaya alam na niyang ikaw si ‘Spice Girl’ at gusto niyang mapalapit sa’yo para saktan ka sa huli? anang isang bahagi ng isipan ni Saffy.

That’s a common recipe for revenge. Pero kung ganoon nga ay paano naman nito nalaman na siya nga si Spice Girl? May tiwala pa rin siya kay Mavis na hindi siya nito ibubuko kay Cruz. Kaya baka hindi tama ang kutob niya.

O baka naman crush ka niya? nakakalokong sabi na naman ng makulit na bahagi ng kanyang isipan.

Right. Maganda ka kasi, Saffron Gaile Zapanta, nang-uuyam na sabi niya sa sarili. Hindi naman kasi niya ikino-konsidera ang sariling maganda kahit na may mga nagsasabing maganda siya. Hindi kasi pasado ang hitsura niya sa sarili niyang standard ng kagandahan. Hindi katulad ng Ate Cinnamon niyang maganda talaga. But she looked decent enough to have a boyfriend then.

Ang natatanging naging boyfriend niya na…mabuti pang kalimutan na lang.

Saffy: Bakit gusto mo akong tulungan? Hindi naman tayo close.

Cruz: Kaya nga kita tutulungan. Para maging close tayo.

Napataas ang isang kilay ni Saffy dahil sa text na iyon ni Cruz. Nag-isip pa siya ng ire-reply dito pero muli itong nag-text.

Cruz: Seriously, Saffy. Gusto kitang tulungan dahil tinulungan mo rin ako. You opened my eyes to something I couldn’t accept and made me realize how wrong I am to believe it before.

So, tama ang hinala ko na may mali nga sa kwento niya dati? Magmo-move on na siya sa Janella na ‘yon? tanong niya sa sarili. Dapat pala ay sinabi na rin niya rito noon ang isa pang gustong sabihin ni Saffy. Na hindi nito dapat hayaang diktahan ng “confession” na iyon ang takbo ng buhay nito—kahit siya pa ang may gawa niyon.

Pero mukhang na-realize naman agad iyon ni Cruz kaya hindi na niya iyon kailangang isatinig pa ngayon. Dahil din sa sinabing iyon ni Cruz ay nabawasan ang konsensiya ni Saffy sa paggawa ng confession sa Brookeshire na nakasira sa imahe nito. Siguro ay dapat siyang muling gumawa ng confession na magbabawi sa sinabi niya noon dahil mukhang hindi naman totoong bading sina Cruz at Dave. Kailangan din niyang itama ang maling kanyang nagawa.

Saffy: You’re welcome. Pero ayaw kitang abalahin kaya hindi ko matatanggap ang tulong mo.

Cruz: Paano mo ipapasa ang P.E. class mo?

Oo nga, Saffy? Paano mo maipapasa ang P.E. class mo kung hindi ka magpapaturong lumangoy? tanong niya rin sa sarili. Pero isipin pa lang niyang si Cruz ang magtuturo sa kanyang lumangoy ay nao-awkward-an na siya. Paano pa kaya sa actual day na mangyari iyon? Isa pa, hindi siya makakapag-pretend na gusto niya ito—bilang isang tao—dahil ang totoo’y isa ito sa mga hindi niya paboritong tao sa mundo. Ang kapal naman ng mukha niya kung magiging ungrateful siya dito sa huli. Straightforward kasi siyang tao kaya hindi niya maitatago ang tunay niyang nararamdaman at gustong sabihin.

“Saffy, nand’yan ka na pala,” bungad sa kanya ng Kuya Sage niya. “O, may problema ba?”

“Bagsak ako sa P.E., kuya. Pero binigyan naman ako ng chance ng professor ko na mag-take ng special exam. Kailangan ko lang maka-two laps ng back stroke or freestyle para ipasa niya ako,” pag-amin niya rito.

“Hindi naman niya sinabing bawal gumamit ng floaters kaya gumamit ka na lang no’n,” biro nito. Sinimangutan ito ni Saffy. “Bakit kasi pinaabot mo pa sa ganyan? No’ng una pa lang sana dr-in-op mo na.”

“Sinubukan ko naman, ‘di ba? Pero naunahan ako ng iba. Naubusan ako ng slot sa ibang klase,” sagot naman niya rito.

“Ah! Si Dave! Ka-batch mo siya. Dito rin siya nakatira at friend niya si Cruz Andrada. Tinuturuan ni Cruz lumangoy si Dave dahil hindi rin siya marunong. Pero marunong na yatang lumangoy si Dave dahil hindi ko na sila nakikitang nagpa-praktis sa pool. Nakiusap ka na sanang sumabay ng lessons sa kanila,” anang kuya niya. Hindi niya alam na kilala pala nito si Dave. Kunsabagay, friendly din naman kasi ang kuya niya.

Pero nanlaki ang mga mata niya nang mag-sink in ang mga sinabi nito. Tinuturuang lumangoy ni Cruz si Dave nitong mga nakalipas na linggo? Hindi kaya nag-perform lang si Cruz ng CPR kay Dave—at iyon ang nakita niyang “paghahalikan” ng mga ito—dahil nalunod si Dave kasi hindi ito marunong lumangoy?

Oh, God. Nagkamali talaga ako. Mas nadagdagan pa ang konsensiya niya. Hayaan na lang kaya niyang tulungan siya ni Cruz para makabawi siya dito?

Cruz: Let me help you, Saffy.

Saffy: Okay. Thank you. I’ll treat you to coffee in return. Pwede na ba ‘yon?

Cruz: Kahit kiss na lang.

Saffy: Go die first.

Cruz: Kiss and die. Call. Pero sino ang magtuturo sa’yong maglangoy kapag namatay agad ako?

Saffy: Si Bastien. Don’t flirt with me, Cruz. Or, I’ll really kill you.

Cruz: Haha! Fine, fine. Pero ibig sabihin no’n call off na ang kiss ko?

Pinangilabutan si Saffy ng mabasa ang text nito pero naghatid din iyon ng kakaibang pakiramdam na hindi niya pa mawari kung ano. What the hell are you doing, Saffy? You’re flirting with him! kastigo ni Saffy sa sarili. Napa-facepalm siya ng ma-realize kung ano ang ginagawa saka niya naihagis sa mesang nasa harap ang kanyang cell phone. Tinampal-tampal pa niya ang sarili para magising sa kalokohang iyon.

“Oh, bakit?” kunot-noong tanong ng Kuya Sage niya. Bigla niyang nakalimutang nasa harapan nga niya pala ito. At tangkang dadamputan nito ang cell phone niya nang mabilis iyong kinuha ni Saffy at nakita niyang may bago siyang text message. “Sino ba ‘yang ka-text mo at para kang timang d’yan? Hindi ko alam kung natatae ka ba o kinikilig ka lang.”

“Hindi ako kinikilig ah!” agad na tanggi niya rito. Mas naging defensive pa yata kaysa dapat ang naging pagsagot niya. Pero mas naging defensive pa yata ang puso niya nang mabasa ang sunod na text message ni Cruz.

Cruz: Sana ako na lang. Ako na lang ang gustuhin mo.

Saffy: Go die, Cruz!

NATAWA si Cruz nang mabasa ang reply ni Saffy. “Go die, Cruz!” Hindi niya alam na matatawa siya sa unang threat na natanggap niya buong buhay. Wala pang nakapagsasabi sa kanya ng ganoon kahit na pa pabiro iyon. He grew up being adored by everybody. He grew up believing that he could do and have everything. But Saffy’s a living reminder that not everything can always go his way. Ito at ang nag-confess sa BSU Secret Files na iyon—si Spice Girl.

Napangisi si Cruz nang maalala ang unang beses na nagkausap sila ni Saffy. Alam niyang matagal na itong barista sa Wanderlust Café pero noon lang niya talaga ito napansin. It’s not that she’s unnoticeable. It’s just she didn’t want to be noticed.

Nang aksidente nitong masabi ang iniisip noon ay alam na ni Cruz na hindi siya gusto ni Saffy. May bite ang bigkas ng mga salita nito habang nagpapaliwanag sa kanya noon. Pero kahit pakiramdam niya’y nasupalpal siya noon at nakaramdam siya ng hiya dito ay nakatulong naman ang mga salita nito sa kanya ngayon.

Cruz A: At kay Saffy ka magmu-move on, gano’n?

Cruz B: No. I won’t ever use her or someone for that matter. Gusto ko lang talaga siyang tulungan dahil tinulungan niya ako.

Cruz A: Then, why are you flirting with her?

Cruz B: I just…like teasing her. Hindi ko kasi makalimutan ‘yong reaksyon niya no’ng binibiro namin siya ni Jigo at no’ng akala niya’y ibubuko ko ang pagka-crush niya kay Basty. She’s cute.

Cruz A: Hindi mo ba naisip na baka iba ang maging dating no’n sa kanya? Paano kung paniwalaan niya ang mga sinabi mo pero hindi naman pala totoo? You suck.

“Ah, fine. I’ll stop teasing her,” sabi niya sa sarili.

“Stop teasing who? At kailan ka pa natutong magsalita mag-isa?” bungad ni Thor. Nauna siyang umuwi sa dorm dahil nag-practice pa ang mga ito.

“Kay Race,” pabirong sagot niya rito dahil nakita niyang kasunod nito si Racer.

“Mas malala ka sa’kin, ‘no. At least, ako tulog ‘pag nagsasalitang mag-isa. Eh ikaw, gising na nga, nakangisi pa mag-isa,” sabi naman ni Racer.

“So, bakit kinakausap mo ang sarili mo?” tanong ni Thor.

Racer faked a gasp. “Tuluyan na bang nasira ang ulo mo dahil kay Spice Girl?”

“Ulol! Masaya lang ako dahil marami akong na-realize lately,” seryosong sabi niya sa mga ito.

“I’m so proud of you, Cruz!” sigaw ni Racer saka tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya. “Akala ko habang-buhay ka nang magiging down. Let’s celebrate!”

“I know. Kaya thankful talaga ako kay Saffy,” aniya sa mga ito.

“Sinong ‘Saffy’?” tanong ni Racer.

“Isang bagong kakilala na walang gusto sa’kin,” aniya.

“Babaeng walang gusto sa’yo? Gusto ko siyang makilala,” agad na sabi ni Racer.

“Sana siya na ang forever mo, Cruz,” sabi naman ni Thor.

“Wala akong balak na ligawan siya ‘no. Gusto ko lang siyang maging kaibigan. I actually don’t want any relationship for now,” aniya sa mga ito.

“Eh ‘di wow!” komento ni Racer.

“Tama ‘yan. Mag-focus ka na lang sa swimming,” ani Thor.

“Yes, captain!”

Right.

“Pero matanong ko lang, Cruz. Okay lang ba talaga sa’yo na si Bastien ang napasama sa official team?” pagkuwa’y tanong ni Racer.

“Oo naman. Hindi naman niya kasalanan ang pagfe-fail ko bilang parte ng team. Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko,” seryosong sabi niya rito.

“Talaga? Kahit palagi niyang sinasabi noon na papalitan ka niya sa team?” panunubok pa ni Racer.

“At least, he has a goal.”

“Eh, si Janella? Okay ka lang ba talaga?” tanong pa ni Racer.

“Dude, tanggap ko na ang katotohanan na taken na siya. I’ll just try to move on.”

---

The day after

Cruz: Saffy, here’s my schedule for the whole week. What’s yours? Para mai-set natin kung kailan tayo magkikita.

Cruz: Oo nga pala. Can we do it at your condo’s pool?

Cruz: I’m talking about swimming! Swimming!

Cruz: May kaibigan akong nakatira d’yan at kilala niya daw ang kuya mo kaya nalaman kong d’yan ka nakatira.

Saffy: ---

Cruz: Saffy?

Cruz: Galing ako sa Wanderlust Café. Absent ka pala. Is there something wrong?

Cruz: Mavis told me you’re sick. Please drink lots of water. Get well soon, okay? 

And the next day

Cruz: I talked to Sir OJ. Sinabi ko sa kanya ang sitwasyon mo kaya in-extend niya ‘til Monday ang special exam mo. So, keep calm and get well soon.

Cruz: I saw you earlier. You were smiling brightly. It’s good to see you’re well. 

Saffy: ---

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.