Chapter 36

“To Cruz and Saffy “1H” doesn’t mean a hundred peso or an hour or a number of

chemical compounds with one hydrogen atom; it means ‘a hug’. ‘2K’ doesn’t

mean a game or a run or a two thousand peso money; it means ‘two kisses’.

Hugs and Kisses are the modes of payment for this lovestagram. i.e.,

@cruzandrada00: Nagbago na ang isip ko @littlemisssaffron I want 1H.”

~---~

PAKIRAMDAM ni Saffy ay na-drain ang energy niya sa katawan nang pumasok siya sa Wanderlust Café. Nabasa kasi niya ang mga komento sa Instagram post ni Cruz kung saan ay kasama siya. Kahit binura rin iyon ni Cruz ay marami pa ring tao ang nakakita doon. Higit pa sa inis na naramdaman ay nasaktan siya. Hindi lang dahil sa mga taong nagbigay ng komento doon kundi sa maaaring rason ni Cruz kung bakit nito p-in-ost iyon.

Some of the comments read:

“Uy! May girlfriend pala. O, hindi bading.”

“Baka pang-front lang.”

“Image building lang?”

“Ano bang sinasabi n’yo? Tunay na lalaki naman talaga si Cruz. Siniraan lang siya ng Spice Girl na ‘yon. Baka isa siya sa mga hindi napansin ni Cruz noon at gusto niyang maghiganti kaya siya nag-confess ng gano’n. It’s absurd!”

“Naks. Naka-move on na kay Janella? Agad-agad? Porke lumabas lang ‘yong balita na si Janella at si Ping na? Naglabas din ng babae?”

Hangga’t maaari ay ayaw nang pag-isipan ng masama ni Saffy si Cruz pero may kutob siyang tama ang sinasabi ng ilan sa mga nag-comment sa Instagram post na iyon. Maipapaliwanag niyon kung bakit bigla na lang ang paglapit sa kanya ni Cruz na tila ba nagsusumiksik ito sa kanyang buhay. Pero bakit siya pa? Bakit hindi na lang si Mavis na may gusto talaga dito?

Papayag ka bang magpagamit sa kanya dahil lang may kasalanan ka sa kanya? Hanggang saan ka ibababa ng guilt mo, Saffy? tanong ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Pero paano naman kung hindi totoo? Paano kung magkamali ka na naman ng akala, Saffy? sabi naman ng isa pang bahagi ng kanyang isipan. Besides, mukhang sincere naman talaga ito sa pagtulong ka sa kanya.

“Ugh! ‘Wag mo na lang isipin, Saffy. Mag-focus ka na lang sa trabaho mo. Kung totoo man ‘yon, tanggapin mo na lang ang turo niya at pagkatapos no’n, hindi naman na kayo magkikita pa dahil quits na kayo. The end na. ‘Di ba? Gano’n lang. ‘Wag kang pabebe,” sabi ni Saffy sa sarili.

“Saffy! ‘Yong java chip,” pukaw ni Jigo sa kanyang atensyon.

Shit. Oo nga pala. Tapos na niya iyong gawin. Nakalimutan niyang ipatong sa counter ang order na iyon para mai-serve na ng server nilang si Owen.

“Parang wala ka sa sarili mo ngayon. May problema ka ba, Saffy?” tanong ni Jigo sa kanya.

“Wala,” pagsisinungaling niya rito. Pero isang tingin lang nito sa kanya ay alam na nitong nagsisinungaling siya. Kaya hinatak siya nito paalis sa may work area at papunta sa cashier. Hangga’t maaari sana ay gusto niyang pagpahingahin sa pagtatrabaho sa café si Jigo dahil may trabaho din ito sa isang fast food chain pagkatapos niyon pero hindi niya magawa ngayon.

“Alam mo kasi, Saffy, hindi mo dapat sinasarili ang problema mo. Uso din ang pagse-share. Wala nang sikreto ngayon. ‘Kita mo nga may BSU Secret Files,” pabirong sabi ni Jigo. Pero natamaan si Saffy dahil sa sinabi nito.

“O, sige nga. Help me. Paano ka aamin ng pagkakamali mo sa isang tao kung pagkatapos mo siyang husgahan ay naging mabait sa’yo at tinulungan ka pa sa problema mo?” tanong niya rito.

“Simple lang, umamin ka pa rin. Patagal-tagalin mo man ‘yan, doon pa rin ang tuloy n’yan. At habang pinapatagal mo, nadadagdagan lang ang kasalanan mo sa taong ‘yon. Napaka-simple ng problema ginagawa mong komplikado, Saffron,” paliwanag ni Jigo sa kanya habang gumagawa ito ng orders ng kanilang mga customer. Napanguso siya rito nang tawagin siya nito sa kanyang tunay na pangalan.

Dapat ay aminin ko na talaga kay Cruz na ako si Spice Girl para matapos na ang lahat ng ‘to, pasya ni Saffy. Ite-text niya mamaya si Cruz para magkita sila at makapag-usap ng maayos. Pero kinakabahan siya ngayon pa lang dahil hindi niya alam kung masasabi ba niya iyon ng diretso sa harapan nito.

“Okay. Paano naman kung hindi ako marunong lumangoy pero kailangan kong mag-take ng special exam sa Monday para pumasa?”

“Tuturuan kita,” sagot ng isang pamilyar na tinig sa harapan ng counter. Isang tinig na nakapagpatalon ng puso ni Saffy. “One caramel macchiato and your schedule please.”

Holy shit! Si Bastien! Kinakausap ako. Oh, God. Nagha-hallucinate ba ako o totoo ‘to? Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Saffy habang nakatanga sa mukha ni Bastien. Ngayon lang niya ito nakita ng malapitan—as in. Kulay-karamel pala ang mga mata nito na nagpapakita ng kapaguran nito. Pero sa mahirap nitong kursong Architecture at ang pagiging parte nito ng official swimming team ay baka gumagapang na nga ito dahil sa pagod. Saffy’s heart went out for him.

“Uh, Saffy? Hello?” pukaw sa kanya ni Bastien.

“Kilala mo ako?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.

“Yes. You’re Cruz’ ‘Little Miss Saffron’. Everybody in the swimming team wants to get to know you,” sabi ni Bastien. Napanganga si Saffy dahil sa mga narinig. Nag-init ang buong mukha niya dahil sa sinabi nito at minura niya sa kanyang isipan si Cruz.

“Cruz’? Me? I’m not his!” mariing tanggi niya rito. Pero sa panggigilalas niya’y ngumisi lang ito sa kanya.

“You’re cute,” sabi ni Bastien na nakapagpalundag na naman sa puso ni Saffy. Pagkuwa’y tumalikod ito at humanap ng pwesto doon. Pero hindi pa rin maka-get over ang puso ni Saffy dahil sa pangyayari.

“Shit, Jigo! Narinig mo ba ‘yon? Cute daw ako!” kinikilig na baling niya kay Jigo.

“Oo na. Maganda ka na. I-prepare mo muna ‘yong mga cakes na order no’ng iba bago mo unahin ang crush mo,” sabi naman ni Jigo. Napahiya siya dahil sa sinabi nito kaya naman talagang bumawi siya. At dahil inspired siya ay nagawa niya ng mabilis ang kanyang trabaho. “Nag-isip ka pa. Si Bastien lang pala ang solusyon sa pagiging down mo,” sabi pa ni Jigo. Nginisihan lang niya ito.

“Saffy,” tawag sa kanya ni Owen pagkabalik nito sa pagdadala ng kape ni Bastien. “Kulang daw ‘yong order ni Sir Basty.”

“Caramel macchiato lang naman ang order niya eh,” maang na sagot niya rito.

“Iyong schedule mo pa daw,” sabi ni Owen.

At naestatwa lang si Saffy doon dahil sa matinding kilig.

“CRUZ.”

“Oh?”

“Buong araw bang kumain ng sili si Fitz kaya ganyan siya ngayon?” tanong ni Saffy kay Cruz habang nagti-tread sa tubig katulad ng tinuro nito sa kanya kahapon.

Ito ang ikalawang beses ng pagtuturo sa kanya ni Cruz. Freestyle ang naging topic nila ngayong gabi pero natigil sila sa paglangoy dahil naistorbo sila ng bangayan nina Fitz at Mavis. Hindi na niya mabilang kung nakailang bitaw na ng mura si Fitz sa nakalipas na labinlimang minuto. At hindi rin nagbago ang maaasim na mukha ni Mavis mula nang makita nito si Fitz kaninang kasama ni Cruz.

Alam ni Saffy na magkaklase ang dalawa pero hindi niya alam na ganito ka-“close” ang mga ito—parang ang hindi niya pag-aakalang close din pala ang Kuya Sage niya at si Dave. Hindi naman kasi nagku-kwento si Mavis sa kanya nang kahit ano tungkol kay Fitz dahil pulos Cruz ito noon. Nagsimula ang bangayan ng mga ito sa pagpili kung sino ang mas magaling kina Taylor Swift at Katy Perry. At hanggang ngayon ay hindi pa iyon natatapos. Nadamay na ang lahat ng aspeto ng buhay ng dalawang music artist. Sirang-sira na ang mga ito kina Mavis at Fitz.

“Hindi ko rin alam kung bakit palaging nasa ‘evil mode’ siya tuwing kaharap ang kaibigan mo,” sabi naman ni Cruz habang nakamasid din sa dalawang taong nasa tabihan ng pool.

“So, matagal mo na ring kilala si Mavis? Kahit bago pa siya nagkaro’n ng number mo?” curious na tanong ni Saffy dito.

“Well, yes. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa niyang ipahingi ang number ko kay Jigo gayong close naman pala sila ni Fitz. Hindi mo alam na ganyan sila ka-close?” ani Cruz.

“Actually, hindi.”

“Letse ka, Fitzpatrick! Magsama kayo ng Katy Perry mo!” inis na sigaw ni Mavis maya-maya sabay tayo at alis doon. Baka babalik na ito sa condo unit nina Saffy.

“In another life, she would be your girl…” kanta ni Cruz sa isang linya ng kanta ni Katy Perry na “The One That Got Away”. Fitz flipped Cruz the finger. Saka ito napabuga ng hangin na ikinatawa ng malakas ni Cruz.

Oh my, God! Gusto ni Fitz si Mavis?

“Ah, fuck it,” mura na naman ni Fitz. Laglag ang balikat nito na para bang natalo ito sa isang malaking laban gayong si Mavis naman ang nag-walk out.

“Oreo cheesecake lang ang katapat no’n, Fitz,” suhestyon niya rito para suyuin si Mavis. Mamaya na niya kakastiguhin ang kaibigan tungkol sa mga nasaksihan niya ngayong gabi. Dahil kilala niya ang kaibigan. Palagi itong tikom ang bibig kapag nai-in love hindi katulad kapag may crush ito na araw-araw na lang siyang nina-nag.

Kaya pala, naisip ni Saffy sabay ngisi. Kinikilig siya para kay Mavis dahil mukhang mutual din ang nararamdaman dito ni Fitz. Love-hate relationship ang ipinapakita ng dalawa ngayon pero hindi magtatagal at magiging buong love na iyon. ‘The more you hate, the more you love’ nga daw.

Ah. Parang ikaw kay Cruz noon? Ibig sabihin, may chance na—

Shut it, saway ni Saffy sa kanyang sarili dahil mali na ang itinatakbo ng kanyang isipan.

“Aalis na ako,” paalam ni Fitz na nakakuha ng atensyon niya.

“Bibili ka ng cheesecake?” nanunuksong tanong dito ni Cruz.

“Hindi. Fuck you,” walang-emosyong sabi ni Fitz sa pinsan bago ito tuluyang umalis doon. “Gross!” natatawang sigaw naman ni Cruz dito na ikinatawa din ni Saffy. Nang silang dalawa na lang ang natira doon ay tinitigan siyang mabuti ni Cruz.

“O, bakit?”

“Parang ang saya mo ngayon. Ilang beses ka nang tumatawa eh,” pansin ni Cruz.

“Ah! Pinansin kasi ako ni Bastien kanina. Hiningi nga niya ang schedule ko kasi tuturuan daw niya akong lumangoy,” kinikilig na sagot niya rito. Pagkuwa’y sinimangutan niya ito nang maaalalang pinansin siya ni Bastien dahil dito. “Pero nakilala lang niya ako dahil sa’yo.”

“Bakit? Ano’ng sinabi niya sa’yo?” kunot-noong tanong ni Cruz. Tila puno pa ng pag-aalala ang mga mata nito.

“Wala naman. In-address lang niya ako as your Little Miss Saffron.”

“Binigay mo ba sa kanya ang schedule mo?” kaswal na tanong ni Cruz pero may kaunting “bite” ang tono nito.

“Hindi. Kasi tinuturuan mo na ako. And honestly, baka hindi ako matuto kapag siya ang nagturo sa’kin dahil mako-conscious lang ako sa kanya,” pag-amin niya kay Cruz. Wala naman kasi siyang nararamdamang malisya kay Cruz kaya kapag nakakalimutan niya ang kasalanan niya dito’y unti-unti na siyang nagiging komportable sa presensiya nito. Dahil parang nagsimula na silang maging magkaibigan.

Oo nga pala. Kailangan ko nang aminin ngayon kay Cruz na ako si ‘Spice Girl’, paalala ni Saffy sa sarili.

“So, hindi ka nako-conscious sa’kin?” biglang tanong ni Cruz sa malamyos na tinig saka ito tumitig ng diretso sa kanyang mga mata.

Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan. Biglang kumabog ng mabilis ang puso niya dahil sa tinging ibinibigay na iyon ni Cruz. Bigla niyang naalala ang kasalanan niya dito kaya na-conscious siya sa mga dapat niyang sabihin dito.

“Heh. Hindi. ‘Di ba magkaibigan na tayo? Hindi ba dapat maging komportable tayo sa isa’t isa?” aniya rito na pilit ginagawang kalmado ang sarili.

“But even friends fall in love, Saffy,” sagot naman ni Cruz.

Nawala sa ritmo ang pagkampay ni Saffy sa tubig kaya unti-unti siyang lumubog. Agad naman siyang inalalayan ni Cruz sa pamamagitan ng paghapit sa kanyang baywang palapit dito. Saka siya inilangoy ni Cruz patabi ng pool. Kasabay ng takot sa pagkalunod, kaba at pagkailang ang nararamdaman ni Saffy ngayon.

“Sorry, Saffy. Okay ka lang?” nag-aalala at nagpapaumanhing sabi ni Cruz sa kanya nang makatabi sila.

“Sa tingin mo ba makakapasa ako sa lagay na ‘to?” sa halip na sagutin ang sagutin ang tanong nito’y sabi niya. Cruz chuckled at her. Ipinatong nito sa magkabila niyang balikat ang dala niyang tuwalya kanina.

“Kaya mo ‘yon. I’ll be right there with you,” pagbibigay assurance ni Cruz. Saka nito tinapik ang isang balikat niya.

“Actually, Cruz, may sasabihin ako sa’yo.”

“Confession ba ‘to?”

“Uh, yes.”

“Yes,” nakangiting sabi ni Cruz.

“Ha?”

“I mean, go on.”

Here we go, Saffy.

“Cruz, actually—“

“Saffy!” malakas na sigaw ng tinig ni Mavis. Sabay silang napalingon dito ni Cruz at naputol ang dapat sana’y pagko-“confess” niya rito. “Tumawag si Tita Jen. Kakausapin ka daw niya,” sabi ni Mavis patungkol sa mama niya. Hindi niya alam kung good timing ba iyon o hindi. Pero aaminin niyang medyo nakahinga siya ng maayos ngayon.

Bumalik sila sa condo unit nila at habang nagbabanlaw si Cruz ay kausap naman ni Saffy ang mama niya. Tumawag lang naman ito para mag-monitor. Nerbyosa at medyo strict kasi ang mama niya kaya noon ay araw-araw itong tumatawag sa kanilang magkakapatid. Pero dinaan nila sa pagre-“report” araw-araw kaya lingguhan na lang ang pagmo-monitor nito ngayon.

Pagkatapos niyang kausapin ang mama niya’y sakto namang tapos din ni Cruz sa banyo. Paglabas nito’y naka-shorts lang ito at walang suot na pang-itaas kaya malayang tumitig dito ang Ate Cinnamon niya at si Mavis—pero nahawa din siya sa mga ito. Bakit nga ba naumay siya sa abs ni Cruz noon gayong parang nama-magnet ang mga mata niyang tumingin doon ngayon?

“Two ‘K’ na ‘yan ha, Saffy,” sabi ni Cruz.

“Ha? Ano’ng ‘two K’?” kunot-noong tanong niya.

“Two K na ang utang mong…kiss. ‘Di ba sabi ko sa’yo, one look, one kiss?” nakangising tanong nito. Agad na tumili ang Ate Cinnamon niya at maging si Mavis. Pero sakit sa katawan ang inabot ni Cruz sa kanya.

“Letse ka,” mura niya rito pero tumawa lang ito ng malakas. Hinila niya ito palayo sa may banyo at pumasok siya doon. Noon lang niya na-realize na tila tumili rin ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.

Nang gabing iyon ay tumipa ng letter of apology si Saffy—bilang si “Spice Girl”—sa kanyang laptop para ipadala sa BSU Secret Files. Para kay Cruz.

---

Saturday shenanigans

Cruz: If you’re coffee, what flavor are you?

Saffy: WTF?

Cruz: Just answer it, Saffy. Magtanong ka rin sa’kin.

Saffy: Macchiato?

Cruz: Bakit naman?

Saffy: Because I’m evil with just a tinge of kindness.

Cruz: Cool. Then, I’m affogato. Mabait ako pero may pagka-bad boy din. Haha!

Saffy: Hindi ka naman conceited n’yan? Ano nga pala ang specialty mo?

Cruz: Lahat sa’kin special.

Saffy: Gross. I mean, specialty mo sa swimming.

Cruz: Butterfly. What are you listening right now?

Saffy: Can’t Feel My Face by The Weeknd. Grabe. Obvious na bored ka.

Cruz: But I love it. But I love it. Haha! Fine. See you later, Macchi.

Saffy: Macchi?

Cruz: From “Macchiato”. Kaya “Macchi”. Cute, ‘no?

Saffy: Whatever. Then, I’ll call you…Affo? Hahaha!

Cruz: “Ga” na lang. Mas sweet.

Saffy: ---

“Hoy, Saffron! Ano’ng nginingiti-ngiti mo d’yan? Sino ba ‘yang ka-text mo?” tanong ng Ate Cinnamon niya sa kanya.

Napamata lang siya rito. Ganoon ba kapansin-pansin ang ngiti niya? She was trying not to smile. Ah, pesteng, Cruz! Pero hindi talaga niya mapigilang hindi ngumiti sa mga sinabi nito. Medyo matagal nang panahon mula nang huli siyang kiligin ng ganito.

Wait, ‘kiligin’? So, kinikilig ka nga! anang isang bahagi ng kanyang isipan.

No, agad na tanggi niya sa sarili.

Huh. Kasasabi mo lang, Saffy.

Ugh. Damn it!

The day before the exam

@littlemisssaffron: Thank you for everything, @cruzandrada00 

@cruzandrada00: Nagbago na ang isip ko @littlemisssaffron I want 1H.

@littlemisssaffron: One hundred lang? @cruzandrada00 Haha.

@cruzandrada00: Sige. 10H na lang @littlemisssaffron   

@littlemisssaffron: Ha? So, 1K? @cruzandrada00

@cruzandrada00: Whoa. Kaya mong ibigay? @littlemisssaffron

@littlemisssaffron: Oo naman. 1K lang naman eh. Alam ko namang mahal ang swimming lessons. And my instructor’s ‘the’ Cruz Andrada so, fine. @cruzandrada00

@cruzandrada00: HAHAHA! @littlemisssaffron Nakalimutan mo na ba kung ano ang meaning ng K para sa’kin? 

@littlemisssaffron: Peste ka @cruzandrada00 100$ gusto mo?

@cruzandrada00: Ano naman ‘yong 100$? @littlemisssaffron

@littlemisssaffron: 100 sapak!! @cruzandrada00

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.