“Crush: a brief but intense infatuation for someone or, the act of breaking,
pulverizing, injuring something or someone. i.e.,
@dr.arthead: Meet my #Crush
@cruzandrada00: Meet my fist. It will #Crush you.”
~---~
THIS SPECIAL exam is both a chance and a punishment, naisip ni Saffy habang naglalakad siya patungo sa pool lane kung saan niya haharapin ang two laps na dapat niyang tawirin para makapasa sa kanyang P.E. class. Ayon kasi sa iba niyang kaklase ay pang-Finals exam na ang pinapagawa sa kanya ni Sir De Guzman. Pero walang choice si Saffy kundi gawin iyon ngayon—kahit na natatakot at kinakaban siya.
Ipinagpasalamat niyang alas-siyete pa lang ng umaga—dahil ngayon lang daw ang libreng oras ni Sir De Guzman ngayong araw—kaya wala pang mga estudyante sa pool maliban sa kanilang swimming club. Ayon kay Cruz ay alas-singko daw kasi ang araw-araw na practice ng swimming team kaya naroon na ang mga ito ngayon. Pero nakadagdag lang sa kabang nararamdaman niya ang isiping mapapanood siya ng mga ito—lalo na si Bastien—at mawi-witness ng mga ito ang nakakahiyang paglangoy niya. And worse, mukhang on break ang mga ito ngayon dahil nakita niyang nakaupo sa may benches doon ang ilan sa mga ito kasama si Bastien.
“Saffy,” tawag sa kanya ng tinig ni Cruz. Nang lumingon siya’y nakita niyang palapit ito sa kanya kasunod sina Racer at Thor. Mukhang galing sa locker room ang mga ito. “Go stretching first,” sabi ni Cruz sa kanya.
“Nakapag-stretching na ako sa locker room. Hindi ko ‘yon nakalimutan ‘no,” sabi niya rito. Nag-stretching na siya bago pumunta doon dahil nahihiya siyang gawin iyon sa harap ng swimming club.
“Okay. Basta mag-relax ka lang. By the way, ito nga pala sina Racer at Thor,” pagkuwa’y pakilala ni Cruz sa mga kaibigan nito.
“Hi, Saffy. Maraming salamat sa ‘pagliligtas’ dito kay Cruz,” sabi ni Racer sabay lahad ng isang kamay sa kanya na tinanggap naman niya. Napangiti siya nang maalala niya ang sinabi noon ni Cruz na nagsasalita daw si Racer ng tungkol sa pagkain kapag tulog ito.
“Hello, Little Miss Saffron ni Cruz,” sabi naman ng captain ng mga itong si Thor sabay kamay sa kanya. Nag-init ang mukha niya dahil sa sinabi nito pero sinimangutan niya ito pagkatapos.
“Kuya Thor, I’m not his so pwede bang tama na tayo sa nickname na ‘yon?” prangkang sabi niya rito. Dahil alam niyang matanda ito ng dalawang taon sa kanya kaya tinawag niya itong ‘kuya’.
“Ooh. Ibig bang sabihin n’yan wala ka talagang gusto kay Cruz?” kastigo ni Racer. Binalaan na siya ni Cruz na madaldal ito pero hindi niya akalaing ganito ito ka prangka.
“Wala,” kaswal na sagot niya rito.
“Race, may crush na ‘yan—“ Hindi na naituloy pa ni Cruz ang iba pa nitong sasabihin dahil tinakpan na niya ang bibig nito gamit ang isa niyang kamay. Pinanlakihan niya ito ng mata pero napakunot-noo lang ito sa kanya. Pagkuwa’y hinawakan ni Cruz ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito at ikinulong iyon sa pagitan ng dalawa nitong kamay. “Ang lamig ng kamay mo. ‘Wag kang kabahan. Nag-promise ako sa’yo, ‘di ba? I won’t let you drown.”
Na-touch si Saffy sa sinabi ni Cruz. Naniniwala siya dito dahil mukhang sincere talaga ito. Pero bago pa man siya makapagbigay ng reaksyon dito’y pinukaw ng tinig ng “crush” niya ang kanyang atensyon.
“Saffy,” tawag sa kanya ng tinig ni Bastien mula sa kanyang likuran. “Ngayon na ba ang special exam mo?”
“Ah, oo,” simpleng sagot niya rito.
Dapat ay matuwa siya at kiligin dahil kinakausap siya ng crush niya ngayon pero hindi niya iyon magawa dahil nabo-bother siya sa ‘feel’ ng mga kamay ni Cruz. Hindi pa rin kasi nito binibitiwan ang kanyang kamay. Then, she saw Bastien eye her and Cruz’ hands. Kaya hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Cruz para maharap niya ng maayos si Bastien.
“Mabuti pang lumubog ka na muna sa pool para mai-kondisyon mo ang katawan mo sa lamig,” suhestyon ni Bastien.
“Ah, thanks.”
“Thanks for following nga pala sa Instagram and for liking my works,” pagkuwa’y sabi nito.
“Yeah. Fan mo ‘ko. Gusto ko talaga ‘yong mga gawa mo. Ang galing mo eh. Salamat din sa follow back,” nakangiting sabi niya rito.
“You’re welcome. I love your feed. Sana matikman ko rin ang mga luto mo or ma-introduce mo sa’kin ‘yong restaurants and cafés na featured sa Instagram mo,” sabi pa ni Bastien.
Oh my, God! Hindi na kailangang pag-isipan pa ang dapat niyang isagot doon. “Sure,” excited na sabi niya rito.
“Dela Rosa, let’s go. Time to do more IMs,” singit naman ni Thor sa kanila. Gusto niyang manood kung paano mag-practice ang mga ito ng individual medleys—nang butterfly, back stroke, breast stroke at freestyle swim.
“Bye, Little Miss Saffron,” paalam ni Racer sabay kaway sa kanya.
“Nice meeting you, Saffy,” ani Thor saka naglakad palayo sa kanila ang mga ito. Kaya silang tatlo na lang nina Bastien at Cruz ang natira roon.
“Aasahan ko ‘yon ha, Saffy. Hindi na schedule mo ang hihingin ko next time,” sabi ni Bastien kapagkuwan.
“I don’t think so, Bastien. Hindi ba dapat nagfo-focus ka sa practice ngayon?” sagot naman dito ni Cruz.
Sa mga oras na iyon ay naramdaman ni Saffy ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki dahil nagsukatan pa ng tingin ang mga ito. Nagtaka siya sa ikinikilos ng dalawa. Akala niya’y magkaibigan ang mga ito dahil nilapitan pa ni Cruz si Bastien noon sa Wanderlust Café—noong bl-in-ackmail siya nito. May tensyon ba sa pagitan ng mga ito dahil pinalitan ni Bastien si Cruz bilang parte ng official swimming team para sa nalalapit na university meet?
“I can handle myself well unlike you, Cruz. Hindi naman kasi ako malambot katulad mo,” sagot ni Bastien kay Cruz saka ito bumaling sa kanya. “Ingat ka d’yan, Saffy. Baka mamaya ginagawa ka lang niyang front.”
Oh, shit. Hindi ‘to maganda, sabi ni Saffy sa sarili. Lalo na’t nakita niyang naikuyom ni Cruz ang magkabila nitong kamay at ang pagtiim-bagang nito. Hinawakan niya ang isang kamay ni Cruz para pakalmahin ito. She just hoped it would work.
“Tinatawag ka na nina Racer do’n, Bastien,” pagkatapos ay sabi niya kay Bastien. Hindi siya makapaniwalang nagawa nitong sabihin ang mga katagang iyon kay Cruz. Hindi siya makapaniwalang may ganoong side pala itong si Bastien. Pero hindi nga pala niya ito lubusang kilala.
Bastien smirked at Cruz before bidding her goodbye. “See you around, Saffy,” anito saka ito naglakad patungo sa pool area kung nasaan ang ibang miyembro ng swimming club.
“Hindi ka ba susunod sa kanila?” tanong ni Saffy kay Cruz nang silang dalawa na lang.
“Tapos na ang practice ko kanina. Silang mga participants na lang para sa upcoming meet ang required na gumawa ng extra IMs,” paliwanag ni Cruz sa matigas na tinig. Hindi pa rin ito kumakalma. “I’m sorry about that, Saffy. Ignorahin mo na lang ang mga sinabi niya,” dugtong pa nito.
Hindi siya makatingin ng diretso dito dahil inisip niya ring ginagamit siya nito noon pero sa ibang dahilan—ang pagmu-move on nito kay Janella. Hindi na siya naniniwalang bading si Cruz dahil sa pagkakakilala niya rito ngayon ay imposible iyon. Walang puwang ang kahit na anong feminimity sa pagiging alpha hot ni Cruz. He’s just a very compassionate guy and one who’s also being true to his feelings. Wala siyang kilalang lalaki na magtitiyagang manligaw sa isang babae sa loob ng dalawang taon.
Cruz is a real man. Na-realize na niya iyon ngayon. Kaya bumalik na naman ang guilt niya dahil kung hindi dahil sa kanya’y hindi kakalat ang tsismis na bading ito. Pero kung aaminin niya kay Cruz ngayon na siya si Spice Girl ay baka isipin nitong siya ang nanggamit dito. Na ang kapal ng mukha niya dahil sa kabila ng paninira niya rito’y nakuha pa niyang tanggapin ang tulong nito gayong hindi naman siya deserving para doon. She felt ashamed of herself for judging him without getting to know him first.
Ugh. I hate this feeling, sabi ni Saffy sa sarili.
“Saffy, ‘wag mong sabihing naniniwala ka sa sinabi ng Bastien na ‘yon? Na ginagawa lang kitang front dahil bading ako? Hindi ko ‘yon magagawa sa’yo,” seryosong sabi ni Cruz.
Napangiwi siya rito. “Honestly, pumasok sa isip ko ‘yon. Pero hindi dahil bading ka. Inisip kong baka ginagamit mo lang ako dahil ano…para maka-move on ka kay Janella,” nag-aalangan pang sabi niya rito.
“What? Of course not! Bakit mo naman naisip ‘yon?” tanong nito.
“Ah…dahil do’n sa ‘thursdate’ post mo sa IG. Nabasa ko kasi ‘yong mga comments do’n. ‘Tapos alam ko pang mahal na mahal mo si Janella,” amin niya rito. Pero nakaramdam siya ng matinding hiya kaya kumabig siya. “Shit, ang kapal ng mukha ko. Siyempre hindi mo ako gusto. Ugh. Wala. Pumasok lang talaga sa isip ko ‘yon dati. Pero wala na ‘yon. Nabura mo naman na ‘yong post. Sorry.”
“No. Ako ang dapat mag-‘sorry’ sa’yo. I’m sorry, Saffy. Nasaktan kita. Ignorahin mo na lang ang mga nabasa mo do’n,” sabi ni Cruz pagkuwa’y hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at saka siya tiningnan ng diretso sa mga mata. Ipinalangin niyang sana’y hindi nito maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. “Hindi ko intensyong gamitin ka kailanman. I just…like teasing you. Ang cute mo kasi. Seriously. Pero hindi na kita tutuksuhin,” pangako nito.
“Hay, oo na,” sabi na lang niya rito saka bahagyang lumayo dito. What the hell is wrong with me? kastigo niya sa sarili pagkatapos dahil ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib at tila kinikiliti pa ng kung ano ang kanyang puso. Hindi niya mapigilan ang pamangiti sa mga sinabi ni Cruz at para na naman siyang tanga.
“Miss Zapanta, ready ka na ba?” pukaw sa atensyon niya ni Sir De Guzman nang lumapit ito sa kanila. Napatikhim tuloy si Saffy para ibalik sa tama ang kanyang pag-iisip. “Magsimula na tayo dahil baka wala ka ng magamit na lane mamaya. May mga klase pa mamaya.”
“Yes, sir,” sagot niya pero napangiwi siya ng muling bumuhos ang kaba sa kanyang dibdib.
“Kaya mo ‘yan, Saffy!” pagtsi-cheer sa kanya ni Cruz.
Okay, Saffy. Let’s do this for Cruz, sabi ni Saffy sa sarili. Dahil masasayang ang effort nito sa pagtuturo sa kanya kung hindi siya makakapasa.
Pagkuwa’y hinubad niya ang kanyang pang-ibabaw at pumunta sa starting line. Sinuot niya ang kanyang goggles saka siya huminga ng malalim at pagpito ni Sir De Guzman ay nag-dive siya sa tubig. Freestyle muna ang ginamit niyang stroke dahil mas komportable siyang makita ang kabilang dulo ng lane na iyon.
Nakita niya mula sa gilid ng kanyang mga matang may kung sinong lumangoy sa kabilang lane. Pero pinili niyang huwag itong pagtuunan ng pansin dahil baka kapag nawala ang ritmo at konsentrasyon niya ay baka lumubog siya. As if na-jinx niya ang sarili, wala pa man sa gitna ng metrong dapat languyin ay naramdaman na niya ang paglubog ng kanyang katawan. Kaya tumigil siya sa paglangoy at kumapit sa lane rope. Nagulat siya dahil nakita niya si Cruz sa kanyang pag-ahon. Ito ang taong lumalangoy sa kabilang lane.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya rito.
“I told you, I won’t let you drown,” ani Cruz. She was touched but—
“Minus five!” sigaw naman ni Sir De Guzman na para bang sumigaw ito ng “cut”.
“What? Pero, Sir, wala ka namang sinabing gano’ng rule,” reklamo niya rito. Pero tinawanan lang siya ni Cruz.
“Bawat tigil mo, minus five,” sabi pa ni Sir De Guzman pero hindi naman ito mukhang galit.
“Don’t worry, Saffy. I’ll be right here with you,” paniniguro ni Cruz.
Ugh. Paano niya nagawang siraan ang taong ganito kabait?
DUMIRETSO sina Cruz at Saffy sa Wanderlust Café pagkatapos ng special exam nito para mag-breakfast at para i-celebrate ang pagkakapasa nito sa P.E. Pero dahil natagalan ito sa locker room ay naabutan pa sila ng kanyang mga kaibigan. Kaya pati ang mga ito’y sumama sa kanila papunta sa café. And worse, sumunod din doon si Bastien na katabi ni Saffy ngayon. May mga ipinapakitang kung anong drawing si Bastien kay Saffy na nakapagpapangiti dito. Dapat ay matuwa siya pero naiinis siyang makitang nakakangiti ito ng ganoon kay Bastien.
“Cruz, nagbago na ba ang tingin mo kay Saffy?” pabulong na tanong sa kanya ni Racer.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Gusto mo pa rin ba siyang maging kaibigan o gusto mo siyang maging ‘more’?” nangangastigo nitong tanong sa kanya.
He was taken aback by his question. Alam niya kung ano ang dapat niyang isagot doon pero hindi niya alam kung ano ang pumipigil sa kanyang sabihin kay Racer na gusto lang niyang maging kaibigan si Saffy.
Okay, fine. He likes her. She’s like a breath of fresh air on the sudden plot twists on his life. Komportable siya rito at masaya siya tuwing kasama ito. Nai-kwento na nga niya ito kay Lola Wanda. Pero ayaw niyang magkamali dito. Ayaw niyang gustuhin ito sa estado ng buhay niya ngayon kung kalian pakiramdam niya’y nawala ang lahat sa kanya. If ever he would continue to liking her, he wanted to give her the best of him.
“Hindi pa? Kung gano’n, ‘wag mong tingnan ‘yong dalawa na para bang ginagawan ka nila ng masama. Mukha ka kasing nagseselos na boyfriend eh,” pabulong na sabi ni Racer. Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung nang-aasar lang ba si Racer o ganoon talaga ang hitsura niya ngayon.
Pero nang muli niyang makitang ngumiti si Saffy at halatang kinikilig sa kung anumang sinasabi ni Bastien dito’y hindi na niya nai-deny sa sariling naiinis siya. Hindi pa naman iyon selos, hindi ba? Sa isip-isip niya’y patay na sa mura si Bastien. Cruz was almost certain that he’s just going for Saffy to spite him.
Nagsimula noong last year nila sa high school ang galit sa kanya ni Bastien. Pareho sila ng nagustuhang babae noon—si Pamela. Pero siya ang nagustuhan ng babae. Nag-concede naman si Bastien pero pinapangako siya nitong huwag niyang sasaktan si Pamela. Kaunti lang ang nakaalam noon na sila na ni Pamela dahil pinagbabawalan pa daw itong mag-boyfriend ng mga magulang nito. At dahil hindi pa alam ng lahat na may girlfriend na siya noon ay marami pa ring babae ang lumapit sa kanya—isa doon ang kakambal ni Pamela na si Phoebe.
Alam niyang trouble si Phoebe. Ibang-iba ito kay Pamela kaya nga hindi ito ang nagustuhan niya. Pero nagulat siya ng mag-confess ito sa kanya. Siyempre, ni-reject niya ito dahil girlfriend na niya ang kakambal nito. Pero pagkatapos noon ay walang anu-anong hinalikan siya nito. Nasaksihan iyon ni Pamela kaya nakipag-break ito sa kanya.
Lumapit pala ito kay Bastien pagkatapos at nagsumbong. Dahil doon ay nagalit sa kanya si Bastien. Sinaktan daw niya si Pamela. Nag-explain siya rito pero hindi naman ito nakinig. Siyempre, ginawa niya rin ang lahat para makapagpaliwanag ng maayos kay Pamela. Nakipagkita pa siya dito kasama si Phoebe pero hindi niya inasahan ang sinabi ng mga ito sa kanya.
Sumali daw ang mga ito sa isang secret sorority gang at siya ang “subject” ng initiation ng mga ito. Ang pagkagusto sa kanya ni Pamela, ang relasyon nila, ang pagko-confess sa kanya ni Phoebe, ang paghalik nito sa kanya at pagkakasaksi doon ni Pamela—it was all according to that ridiculous iniation plan. Naging object lang siya ng bullying dahil sa mga ito.
See? Hindi talaga ako swerte sa mga babae.
Ipinaliwanag niya iyon kay Bastien pero hindi ito naniwala sa kanya. Nainis naman siya dito dahil kaibigan niya ito pero hindi ito marunong makinig sa kanya. Hanggang sa nagsawa na siyang magpaliwanag dito. Immature pa sila noon kaya naiintindihan niya si Bastien pero masyado nang matagal ang pangyayari, hungover pa rin ito roon. At ngayon ay may nadadamay na inosente. Kaya hindi niya hahayaang gamitin ni Bastien si Saffy laban sa kanya.
KINAGABIHAN. Napamura si Cruz nang makita ang bagong Instagram post ni Bastien—salamat kay Racer dahil hindi naman niya fina-follow sa Instagram ang lalaking iyon. Sketch ng mukha ni Saffy ang bagong post nito—iyong tanging close-up picture ni Saffy sa feed nito.
@dr.arthead: Meet my #Crush
Nainis si Cruz nang mabasa ang caption na iyon. Pagkatapos ay nakita pa niyang ni-like ni Saffy ang naturang post. Hindi nito ni-like ang “Thursdate” post niya noon. Mukhang crush na crush talaga nito si Bastien.
Bakit si Bastien pa? himutok niya sa sarili.
Gusto mo ikaw? pangangastigo naman ng isang bahagi ng kanyang isipan.
N-no. She should at least pick someone good enough for her.
“Crush ni Bastien si Saffy? Paano kung magustuhan din siya ni Saffy? Eh, ‘di magiging sila na?” narinig niyang sabi ni Racer.
Umakyat na yata sa ulo niya ang lahat ng dugo niya sa katawan nang marinig niya iyon. Hindi siya naniniwalang gusto talaga ni Bastien si Saffy. Hindi dahil hindi kagusto-gusto si Saffy pero dahil wala siyang tiwala kay Bastien. Kaya naman gamit ang kanyang account ay nagpadala siya ng direct message kay Bastien sa Instagram na may kasamang picture ng kanyang kamao.
@cruzandrada00: Meet my fist. It will #Crush you.
@cruzandrada00: If you’re going for Saffy because of me, I’ll definitely crush you.
@cruzandrada00: Leave Saffy out of your grudge against me and face me head on. Fuck you.
@dr.arthead: Huh. Isn’t it fine to use some tools in war? Or a hostage at that.
@dr.arthead: By the way, hindi ko akalaing ganito ka ka-intense magre-react. You must like her.
@cruzandrada00: I don’t. Ayoko lang may madamay na inosenteng tao sa galit mo sa’kin.
@cruzandrada00: By the way, why don’t you forget about the past already? Move on din ‘pag time, Bastien.
@dr.arthead: In time. Kapag nakita kong nagsa-suffer ka na.
@cruzandrada00: Fuck you.
@dr.arthead: Same to you.