“No Filter: A hashtag which tells people that you didn't use any filters to
enhance your photo. But it could also mean something like this:
@mavispolicarpio: This photo has #NoFilter Pwede bang gano'n din ang puso mo?”
~---~
“KUMUSTA naman ang puso mo?”
Ngiti lang ang isinagot ni Saffy sa tanong na iyon ni Mavis nang magkita sila sa school cafeteria kinabukasan. Alam niyang ang tinutukoy nito’y ang Instagram post ni Bastien. Ang post na hindi niya inasahan—lalo na ang caption niyon. Hindi siya makapaniwalang “crush” din siya nito. Pero may problema…bakit hindi siya kinikilig doon?
“Ang weird ko, Mav. ‘Di ba dapat matuwa ako na crush din ako ng crush ko? Pero bakit gano’n, wala akong maramdamang kilig no’ng makita ko ‘yong post niya?” pag-amin niya kay Mavis.
“Eh, baka hindi mo na siya crush katulad ng dati. May ginawa ba siyang ikina-turn off mo?” tanong naman ni Mavis. Bumalik sa isipan ni Saffy ang mga sinabi ni Bastien kay Cruz kahapon na hindi niya inakalang masasabi nito. Iyon ba iyon? Na-turn off siya kay Bastien dahil doon? “O ‘di kaya, may iba ka nang crush,” pagkuwa’y sabi ni Mavis.
“Hindi. Baka na-turn off lang ako sa kanya dahil do’n.”
“Dahil saan? Ano’ng nangyari?” curious na tanong ni Mavis. Kaya ikinwento niya rito kung ano ang mga nangyari kahapon. “Talaga? The nerve of that guy! Considering the fact na palagi siyang nasa reserved team, baka inggit lang siya kay Cruz. Pero hindi dahil nasa official team na siya ngayon ay may karapatan na siyang magyabang. See? Kaya pala hindi ko siya feel noon pa man,” nanggigigil na sabi ni Mavis matapos niyang magkwento.
“I agree with you. Pero…ugh. Grabe na ‘yong guilt na nararamdaman ko para kay Cruz. Aamin na sana ako noon sa kanya pero dumating ka and quite honestly, ang hirap nang umamin sa kanya ngayon na ako si Spice Girl dahil baka isipin niyang ginamit ko lang siya. Na ang kapal ng mukha ko para tanggapin ang tulong niya gayong may kasalanan ako sa kanya,” paglalabas niya ng saloobin sa matalik na kaibigan.
Sa halip na sagutin siya agad ay mataman muna siyang tiningnan ni Mavis. “This is so unlike you,” pagkuwa’y sabi nito.
“Bakit?”
“Saffy, you used to not care about what others might say or think about you hangga’t komportable ka at nagagawa mo ang mga gusto mo. Kahit madalas ay marami ang naiinis sa’yo. You’re selfish somehow at tanggap mo ‘yon. Na selfish ka talaga. But that’s what sets you apart from everybody. Hindi ko sinasabing maganda ‘yon ha, pero hindi ka naman nakakasakit ng ibang tao. Anyway, katulad ng sinabi ko, wala kang pakialam sa iba dati. Kaya bakit masyado kang affected ng issue mo kay Cruz ngayon?”
Napangiwi si Saffy matapos marinig ang mga iyon kay Mavis. “Oo na, immature na ako. Salamat sa pagtanggap sa’kin. Pero, Mav, katulad nga ng sinabi mo, sarili ko lang ang iniintindi ko noon. Kahit anong gawin ko, wala akong nasasaktang ibang tao maliban sa mga taong hindi ako ma-gets. Pero sa pagkakataong ito, may nasaktan ako eh. May nasira akong tao dahil sa maling akala ko. Dahil lang gusto kong matahimik ang kaluluwa ko noon. Heto, kina-karma ako ng guilt ngayon.”
“Simple lang ang solusyon d’yan. Aminin mo sa kanya na ikaw si Spice Girl at humingi ka ng tawad sa pagkakamali mo. Then, suffer the consequences,” sabi ni Mavis pagkatapos.
“Nagpasa ulit ako ng confession sa BSU Secret Files. Gusto kong mag-‘sorry’ sa kanya ng personal, gusto kong umamin sa kanya ng harap-harapan pero…ayoko siyang masaktan. Parang kaibigan na talaga kasi ang turing niya sa’kin. Double-kill ang gagawin ko sa kanya, if ever.”
“Alam kong mahirap gawin pero kailangan mo pa rin ‘yong gawin. Magpa-pile up sa dibdib mo ang guilt na ‘yan at hindi ka matatahimik. Umamin ka nga sa’kin, may gusto ka na ba kay Cruz?” biglang tanong ni Mavis.
“Ano? Wala,” agad na sagot niya rito.
“Ayaw mo pa rin sa ugali niya?”
“H-hindi na. Nagkamali nga ako ng akala, ‘di ba? Lahat ng tungkol sa kanya na akala ko noon, mali,” sabi niya rito. Mataman na naman siyang tiningnan ni Mavis dahil doon na para bang pinag-aaralan nito ang lahat ng ekspresyong ipinapakita niya.
“It’s not like you want him to like you, right? Ikaw na nga ang nagsabi, hindi mo siya planong i-impress. So, okay lang na sabihin mo sa kanya ‘yon. Malalaman niyang ikaw si Spice Girl, magso-sorry ka sa kanya at magagalit siya sa’yo. Hindi na kayo magkikita ulit. Hindi mo naman siya gusto, ‘di ba? Kaya okay lang na mag-go in separate ways kayo after,” sabi ni Mavis na para bang napakadali lang ng lahat.
May point naman ito. Pero aminin man niya o hindi sa kanyang sarili, ayaw niyang masira ang namuong pagkakaibigan sa pagitan nila ni Cruz. Because it’s like hurting him again would be the biggest crime she’d ever do, the heaviest guilt she’d ever bear and an apology wouldn’t be enough to bail her out of it.
What about love?
“Gusto mo na siya,” biglang sabi ni Mavis.
“Ha? Hindi ah,” gulat na sagot niya rito. Pero napangisi lang si Mavis sa kanya. “Eh, ikaw? Ano’ng mayro’n sa inyo ni Fitz? Hindi mo sinabi sa’kin na gano’n pala kayo ka-‘close’. Bakit hindi mo na lang sa kanya hiningi noon ang number ni Cruz?” dire-diretsong tanong niya rito pero tinawanan lang siya ng malakas ni Mavis.
“Look at you trying to turn the tables on me,” natatawang saad ni Mavis.
“Ugh! Peste ka, Mavis, alam mo ‘yon?” inis na sabi niya rito. Pero sumeryoso din ito pagkatapos.
“Okay lang namang magkamali, Saffy. Mistakes lead people to change. And I like the change in you. I’m sure hindi lang ikaw ang may natutuhan sa nangyari. Pati si Cruz din. So, be brave, okay?” payo sa kanya ni Mavis.
Yes, Saffy. Be brave, ulit ni Saffy sa sarili.
“Okay lang din na gustuhin mo si Cruz,” pagkuwa’y nanunudyong dugtong ni Mavis.
“Okay lang din na gustuhin mo si Fitz,” ganti niya rito. Kita niyang sasagot na sana si Mavis sa kanya pero natigilan ito nang may makitang kung ano sa likuran niya. Paglingon niya’y nakita niya si Cruz na palapit sa kanila. Kaya nagrigodon ang puso ni Saffy.
“Hi, girls,” nakangiting bati nito sa kanila ni Mavis.
“Hello, handsome,” bati naman dito ni Mavis.
“Kumusta ang puso nito? Buhay pa ba?” tanong ni Cruz kay Mavis. Ginulo nito ang buhok niya bago umupo sa kanyang tabi.
“Buhay pa naman. Pero feeling ko confused na eh,” sagot ni Mavis. Pinanlakihan ito ni Saffy ng mata.
“Bakit?” curious na tanong ni Cruz.
“Wala ‘yon. Luka-luka lang talaga ‘yang si Mavis. At siya ang confused, in denial pa,” sabi naman niya. Dahil alam na niya ngayon kung ano ang nangyari dito at kay Fitz.
“Sinong in denial?”
Speaking of the devil.
“Fitz! Tamang-tama ang dating mo,” nakangising welcome niya sa bagong dating.
“Hi, Saffy,” bati nito sa kanya sabay kuha ng kinakain na fries ni Mavis kanina. “Thanks, babe,” baling nito sa kaibigan niya.
“Go to hell,” sikmat naman ni Mavis dito. Kinikilig si Saffy para sa mga ito.
“May gagawin ba kayong dalawa after nito?” pagkuwa’y tanong sa kanila ni Cruz.
“May kailangan kaming puntahang party. Sama kayo,” ani Fitz na diretsong nakatingin kay Mavis. But Mavis was busy making faces at her.
“Simpleng party lang ‘yon. You’ll both love it,” segunda ni Cruz.
Dahil inakbayan na ni Fitz si Mavis at hinila ito patungo sa parking lot ay hindi na sila naka-hindi pa sa mga ito. Aminin man nila o hindi—pabebe lang—ay gusto rin naman nilang makasama ang magpinsan.
Pero natigilan silang lahat ng makasalubong nila si Janella Olivar sa hallway.
“CRUZ, I’m really sorry.”
Nang makasalubong nila ito ay tinawag siya ni Janella dahil gusto daw siya nitong makausap. Kaya heto sila ngayon. Pero hindi alam ni Cruz kung paano sasagutin ang sinabing iyon ni Janella. Ang iniisip lang niya ng mga oras na iyon ay naghihintay sa kanya sina Saffy sa kanyang kotse.
“I know na iisipin mong excuse na lang ang mga sasabihin ko pero pinagbawalan talaga ako ng parents kong mag-boyfriend muna. And I really tried to love you. Pero dumating si Ping…at na-in love ako sa kanya. Alam kong mali ‘yong way ng pag-e-end ko ng communication nating dalawa at alam kong mali na ginawa kong dahilan ang confession na ‘yon. I’m sorry,” seryosong sabi ni Janella.
“Let’s just leave it in the past,” sabi na lang niya rito. Dahil ano pa ba ang masasabi niya? Hindi naman niya pwedeng sabihin na okay lang sa kanya iyon dahil obvious na nasaktan siya.
“I know. I guess I’ll just have to say that sometimes, we make unexpected falls and no matter how hard we try to deny it to ourselves, the feeling will grow and stay. Kahit alam mong may tao kang dapat paglaanan ng pagmamahal mo. Kahit alam mong mali,” sabi pa ni Janella.
“I guess. But that’s how life is, Janella. We make mistakes, we move on. If someone hurts us, we love anew, right?” sabi naman niya rito. Napangiti ito dahil sa sinabi niya at kahit nasaktan siya noon, nakahinga na siya ng maluwag ngayon. Pakiramdam niya’y napanatag na ang puso niya ngayong nabigyan na siya ng tamang closure ni Janella.
Janella had always been simple yet elegant. Ito iyong tipong crush ng lahat ng lalaki pero maiilang kang lapitan dahil sa mala-prinsesa nitong aura. But he dared to approach her then. Kahit na sinasabi ng ibang wala siyang pag-asa dito. At tuwang-tuwa siya nang hayaan siya nitong makapanligaw kahit na may kondisyon na isikreto lang nila iyon. Now, he was glad that they ended things on a positive note despite everything that happened. Pero kung hindi pa siguro siya stable ngayon, malamang ay galit pa rin siya rito.
“Nag-‘sorry’ siya sa’kin,” sabi niya kina Saffy, Fitz at Mavis nang lulan na sila ng kanyang kotse patungo sa birthday party ng pamangkin nila ni Fitz na si Kenny. “Finally, ‘tapos na ang chapter na ‘yon sa buhay ko.”
“So, naka-move on ka na talaga?” tanong ni Fitz. Nasa backseat ito at si Mavis at nasa tabi naman niya sa may driver’s seat si Saffy.
“Hindi ko alam pero okay naman ako no’ng makausap ko siya kanina. I feel good dahil at least, nagkaro’n kami ng closure kahit hindi naman naging kami,” aniya. Sinulyapan niya si Saffy. Hinihintay niya ang komento nito pero diretso lang itong nakatingin sa daan. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang magbigay ito ng komento.
Simple lang ang sagot. Because her thoughts matter to you, anang isang bahagi ng kanyang isipan. Dahil doon ay nakalimutan na niyang dapat niya itong balaan tungkol kay Bastien.
“Alam mo, Cruz, hindi mo naman talaga mapipili ang taong mamahalin mo. Minsan akala mo ‘yon na pero pinaasa ka lang pala, eh nakapag-invest ka na ng feelings. Masakit. But we have to understand that sometimes, it’s inevitable to lose ourselves to someone. What matters is you have to be happy with the person you chose to lose yourselves into,” makahulugang sabi ni Mavis.
“I’m lost in you, babe,” banat naman ni Fitz dito.
“Gross,” komento ni Mavis dito na ikinatawa ni Saffy. Noon lang ito muling nagbigay ng reaksyon.
“Okay ka lang, Macchi?” tanong niya rito.
“’Macchi’? May pet name na kayo sa isa’t isa?” sabay na tanong nina Fitz at Mavis.
“Eh, kaya pala naka-move on na,” pagkuwa’y sabi ni Fitz.
“Bagay kayo,” segunda ni Mavis.
Bakit kinikilig siya sa panunudyo ng mga ito?
ISANG kiddie party ang pinuntahan nina Saffy. Birthday kasi ng three-years old na si Kenny—ang pamangkin nina Cruz at Fitz—na cute na cute dahil chubby ito at mamula-mula pa ang pisngi. Mula nang makita ito ni Saffy ay hindi na niya ito tinantanan at mukhang gusto naman siya ng bata dahil panay ang lapit nito sa kanya. Kaya panay ang halik ni Saffy dito habang kalong niya ito ngayon.
Isa sa mga napansin niya sa lahi ng mga Andrada ay ang magaganda ang mata ng mga ito. Only child si Cruz pero nakilala niya ang mga kapatid ni Fitz at pulos kulay tsokolate o caramel ang mata ng mga ito na may malalantik na pilik-mata. Ganoon din itong si Kenny dahil anak ito ng ate ni Fitz. At dahil hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ni Cruz ay pinagsawa niya ang sarili sa pagtingin sa mga mata ng bata.
Kanina nang ipakilala siya ni Cruz sa pamilya nito, nawindang siya ng tawagin siya ng Lola Wanda nitong “Little Miss Saffron ni Cruz”. Napatanga siya dahil iyon din ang itinawag sa kanya ni Bastien at Thor noong una niyang makausap ang mga ito. Pero pinili niyang huwag na lang bigyan iyon ng ibang kulay dahil kaka-move on lang ni Cruz kay Janella at dahil…hindi siya ang babaeng nababagay dito.
“Hay, naku, Saffy. Kahit anong tingin mo sa mga mata ni Kenny, hindi pa rin ‘yan si Cruz,” nanunudyong bulong sa kanya ni Mavis. Best friend talaga niya ito. Nalaman agad nito kung ano ang laman ng isipan niya. Pero inignora na lang niya ang sinabi nito.
“Gusto ko na siyang iuwi,” sabi ni Saffy kina Cruz at Fitz. “Do you want to come home with me, Kenny?” magiliw na tanong niya sa bata.
“Yes,” cute na sabi nito. Dahil sa tuwa ay hinalikan na naman niya ito.
“Hoy, Kenny. Sumo-sobra ka na sa halik ha. Ako naman,” biglang sabi ni Cruz na ikinalaki ng mga mata ni Saffy. Pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya dahil sa sinabi nito. Pero natawa silang lahat ng mariing umiling si Kenny.
“Talunin mo daw muna siya sa bato-bato pick, Cruz,” ani Fitz.
“Marunong siya no’n?” amazed na tanong niya rito.
“Oo. Genius ‘yan sa bato-bato pick. Hindi na pinag-iisipan pa,” sagot ni Fitz.
“Fine. ‘Pag nanalo ako ng isang beses, 1H ha, Macchi,” sabi naman ni Cruz sa kanya.
“Ano’ng 1H?” tanong nina Mavis at Fitz.
“Secret,” sagot ni Cruz sa mga ito sabay tingin sa kanya. “Call?”
“Fine. Go, go, go, Kenny!” pagtsi-cheer niya kay Kenny.
Nagsimulang maglaro ang dalawa. Tawa sila ng tawa dahil talo agad si Cruz. Naka-sampung rounds yata ang mga ito pero sa huli ay hindi man lang nanalo kahit isa si Cruz. Genius yata talaga sa bato-bato pick si Kenny. Nag-enjoy siya sa birthday party ni Kenny. Hindi lang kasi pambata ang party na iyon dahil lahat ng matatandang kamag-anak nina Cruz at Fitz ay naroon din. She was sure that everyone had fun.
Pagkauwi niya ay nag-notify ang Instagram na may i-t-in-ag na picture sa kanya si Mavis. Isang picture niya iyon na nakangiti siya habang kalong si Kenny. At pinagpiyestahan agad iyon ng kanilang mga kaibigan dahil sa nilagay nitong caption. Pero ang mga komento ni Cruz ang nagkaroon ng malaking impact sa kanya.
@mavispolicarpio: This photo has #NoFilter Pwede bang gano’n din ang puso mo?
@cruzandrada00: Don’t let somebody else in.
@mavispolicarpio: @cruzandrada00 Nobody else but you? OMG! @littlemisssaffron
@cruzandrada00: Pwede ba?
That’s when she realized that her lie was already going overboard. Kasabay ng realization na hindi na niya “hate” si Cruz—“like” na niya ito.