“Beast Mode: A state wherein a person does anything excessively or aggressively;
A hype, wilding out state of mind. Madalas dahil naubusan na ng pasensiya
sa isang tao pero minsan, lumalabas lang ito dahil sa matinding selos. i.e.,
@superracer21: #BeastMode si @cruzandrada00 Naka-15,000m IMs!
Bumabawi ba talaga sa practice o nagseselos kaya binubuhos ang lahat sa practice?”
~---~
PAGKATAPOS ng klase ni Saffy ay agad niyang pinuntahan si Cruz. T-in-ext niya ito kanina at sinabi nitong naroon daw ito sa may pool kaya doon siya dumiretso. Kinakabahan siya pero kailangan na niyang ipaalam dito ang totoo. Pagdating niya roon ay nakita niyang kasama ni Cruz si Racer.
“Hi, Saffy,” bati ng mga ito sa kanya.
“Pwede ba kitang makausap, Cruz?” agad na tanong niya rito. Hindi talaga siya pinatulog ng samu’t saring nararamdaman niya para sa kanilang sitwasyon at sa sikretong tinatago niya rito kaya gustong-gusto na niyang aminin dito ang lahat.
“Oo—“
“Teka lang, Saffy, ha,” awat sa kanya ni Racer. “May confession na naman si Spice Girl para sa’yo. Nabasa mo na ba?” sabi nito kay Cruz.
“I don’t care about that anymore,” sabi naman ni Cruz. Hindi alam ni Saffy kung matutuwa ba siya doon. Pero isa lang ang nararamdaman niya ngayon—kaba.
“Sa tingin ko ay dapat mong basahin ‘yon,” sabi pa ni Racer. Pakiramdam naman niya’y sasabog ang puso niya ng iabot ni Racer ang cell phone nito kay Cruz—na hinaglit niya mula rito. Doon lumingon ang mga ito sa kanya.
“Don’t. S-sasabihin ko na lang sa’yo kung ano ang nakalagay do’n, Cruz,” lakas-loob na sabi niya. Pero parang sinisikil na siya ng mga oras na iyon.
“Saffy, what…?” tila naguguluhang tanong ni Cruz.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago muling magsalita. “Ako si Spice Girl, Cruz. Ako ‘yong taong sumira sa’yo. I’m sorry.”
Napamata lang si Cruz sa kanya. Mukhang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi pero nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nang muli siyang humingi ng tawad dito’y hindi pa rin ito nakapagsalita. At dahil hindi niya kinaya ang tensyong nararamdaman noon ay nag-walk out siya. Hindi na siya pumasok sa susunod niyang klase at dumiretso siya ng uwi sa kanilang condo dahil pakiramdam niya’y naubusan siya ng lakas.
Magkahalong hiya, regret at lungkot ang nararamdaman niya. Naalala niya ang hitsura ni Cruz kanina na para bang binagsakan ito ng bomba at pakiramdam niya’y minartilyo ang puso niya. Naiiyak na siya pero pilit niyang kinalma ang kanyang sarili. Tama nga si Mavis. Nagbago na siya. She learned how to care about other people. She learned how to care for Cruz’ feelings. Dahil kung siya pa rin ang selfish na Saffy ay hindi siya mangingiming magbigay ng pake dito.
Pagdating niya sa kanilang condo unit ay nagulat siya nang madatnang “cozy” sa kanilang sofa ang Kuya Sage niya at si Dave. Hindi niya akalaing ganoon pala ka-“close” ang mga ito. Kaya pala alam ng kuya niya ang tungkol sa pagtuturo ni Cruz kay Dave noon. Pagkakita ng dalawa sa kanya’y parang nakakita ang mga ito ng isang multo. Biglang napatayo ang kuya niya mula sa kinauupuan nito.
“Saffy, what are you doing here?” gulat na tanong ng kuya niya sa kanya.
“Ah…Masama kasi ang pakiramdam ko, kuya,” simpleng sabi niya rito. Pagkuwa’y sinulyapan niya si Dave. “May kasalanan ako sa’yo, Dave.”
Since araw naman yata ng revelations ngayon, bakit hindi ko pa sagarin?
“Ako si Spice Girl at ikaw ‘yong tinutukoy kong friend ni Cruz do’n sa confession. I saw you guys in the pool…at nagkamali ako ng akala sa nakita ko. I’m sorry,” seryoso at sinserong sabi niya rito.
“Saffy, that’s…okay. Sorry din. Nagtago din ako ng sikreto sa inyo,” pagkuwa’y sabi ng kuya niya. May kutob na siya kung ano iyon pero hindi pa siya naniniwala. “Kami ni Dave,” anito sabay akbay kay Dave.
Hindi na napigilang mapaluha ni Saffy matapos marinig iyon mula sa kuya niya. Agad naman siyang niyakap ng kuya niya. Hindi siya umiiyak dahil ayaw niya sa sinabi nito. Pero alam niya ang pakiramdam kung paano magtago ng sikreto at kung gaano karaming courage ang dapat ipunin para sabihin iyon sa ibang tao. Kaya ayaw niyang itanong dito kung alam na ba iyon ng Ate Cinnamon niya at ng parents nila. Prerogative nitong ilabas iyon kailanman nito gusto.
Hindi niya nahalata noon sa kuya niya na bading ito dahil sa tingin niya’y lalaking-lalaki ang dating nito. Pero masyado itong metikuloso para sa isang lalaki. Si Dave naman, ni-rule out na niyang bading ito ng masiguro niyang hindi bading si Cruz. Pero wala siyang karapatang husgahan ang mga ito. Natutunan na niyang hindi siya dapat agad manghusga ng isang tao dahil sa nangyari sa kanila ni Cruz.
“Uh, alis na muna ako,” narinig niyang sabi ni Dave.
“No, Dave,” sabi niya sabay kalas sa yakap ng kuya niya. “Hindi ako umiiyak dahil sa inyo. Umamin na rin kasi ako kay Cruz…I…I’m just sorry. Napaka-insensitive at immature ko. Nasaktan ka siguro dahil sa confession na ‘yon. I’m sorry.”
Bumuntong-hininga muna si Dave bago ito nagsalita. “Since nag-‘sorry’ ka, dapat din akong mag-apologize kay Cruz dahil wala siyang alam tungkol dito. Although nag-‘sorry’ na ako sa kanya dati.”
“Next time na lang please? Na-double kill ko na siya ngayon eh,” pakiusap niya rito.
---
BSU Secret Files
“I am sorry.”
Akala. Tama. Nagsimula ito sa maling akala. Maling akala na hinaluan ko ng personal kong opinyon sa kanya. Hindi ko siya gusto eh. Ginawa ko ang una kong confession para lang sa aking peace of mind without making sure kung tama ba talaga ang nasaksihan kong eksena noon. Turns out, nag-perform lang pala si Macho King ng CPR sa Friend niya. Ang immature ko, ‘di ba?
So, yeah. He’s not gay. At hindi ko ‘to ginawa dahil bl-in-ackmail niya ako or whatsoever. Ginawa ko ‘to dahil dapat lang na ako ang mag-clear ng pagkakamali ko noon.
To Macho King, I’m sorry dahil nagkamali ako. I don’t have any excuse or other reason kung bakit ginawa ko ang confession na ‘yon kundi ang sinabi ko sa taas. I don’t even expect you to forgive me. Pero sana matulungan kitang ibalik ang anumang nawala sa’yo nang dahil sa pagkakamali ko. I’m terribly sorry.
-Spice Girl
20**
---
MAHIGIT isang linggo na ang nakalilipas mula nang umamin si Saffy kay Cruz na siya si “Spice Girl”. Akala niya’y maaalis na ang guilt sa kanyang dibdib pagkatapos niyang umamin dito pero nadagdagan lang ang bigat niyon dahil alam niyang nasaktan na naman niya si Cruz. Nang i-text niya ito makalipas ang ilang araw ay hindi ito nag-reply. Pero in-expect na niya iyon. Tuwing nakikita niya rin ito’y halatang umiiwas ito sa kanya. Hindi na rin ito pumupunta sa Wanderlust Café at hindi na rin ito nagpo-post sa Instagram.
“Saffy, ano? Roses ba o carnations ang gagamitin nating center piece?” untag sa kanya ng kaklase niyang si Jeng.
Kasalukuyan silang nasa Dangwa ngayon. Nagka-canvas sila ng presyo ng gagamitin nilang bulaklak para sa coffee party na siyang magiging midterm exam nila sa susunod na linggo.
“Ikaw na’ng bahala,” sabi niya rito.
“Grabe. Absentminded ka na naman. Ano bang nangyayari sa’yo?” sabi nito sa kanya pagkuwa’y kinausap na ang tindera ng mga bulaklak.
“Jeng, alam mo ba kung ano ang bulaklak na nagsi-symbolize ng apology at forgiveness?” tanong niya rito. Brainy kasi si Jeng kaya alam niyang may ideya ito sa sagot. Naalala din niyang sinabi nito kanina na nag-research pa daw ito sa meaning ng flowers.
“Purple hyacinths.”
Tinanong niya ang isang tindera kung mayroon ba ang mga ito ng ganoon. Nang ituro nito sa kanya ng purple hyacinths ay agad iyong kinuhanan ng picture ni Saffy diretso sa Instagram.
@littlemisssaffron: They say that purple hyacinths are flowers that symbolizes forgiveness and apology. I was really wrong. I’m sorry.
“SORRY NA kung nagalit ka, ‘di naman sinasadya. Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo. Pipilitin kong magbago, pangako sa’yo. Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang—“
“Shut up, Racer!” sigaw ni Cruz sa kaibigan. Hindi ito ang panahon para marinig niya ang kanta nitong wala sa tono.
Nagre-review kasi siya para sa test niya bukas. Kahit may athletic scholarship siya at plano niyang gawing career ang swimming ay dapat pa rin siyang mag-aral ng mabuti. Gusto niyang makapasa sa kanyang mga subjects hindi dahil sa impluwensiya ng sport na ginagawa niya kundi dahil sa sarili niyang sikap.
“Cruz, bakit parang hindi ka na nagpo-post sa Instagram ngayon? Nakakapanibago,” maya-maya ay sabi ni Racer. Umupo pa ito sa tapat niya.
“Bakit ba? Hindi naman mawawala ang Instagram kahit hindi ako mag-post do’n,” sagot niya rito.
“Wow, ha. Parang dati hindi lumilipas ang isang araw na hindi tatlo ang post mo sa Instagram, ‘tapos biglang nawalan ka ng ganang mag-post do’n ngayon?” ani Racer.
Napabuga ng hangin si Cruz dahil sa kakulitan ni Racer. Kung ibang tao lang ito’y kanina pa niya ito nasapak. Tiningnan niya ito ng masama para balaan ito. Agad naman itong tumayo mula sa kinauupuan at lumayo sa kanya. Pero para matahimik na talaga siya’y pumasok na siya sa kanyang kwarto.
“Flooded na ang Instagram mo, Cruz. Mag-open ka na!” pahabol na sigaw ni Racer bago maisara ni Cruz ang pintuan ng kanyang kwarto.
Muling napabuntong-hininga si Cruz pag-upo niya sa kanyang kama. Akala ba nito’y madali lang ang ginagawa niya? He was avoiding contact with Saffy on purpose. Dahil na-realize niyang nagkamali din siya dito. Siya ang may kasalanan kung bakit iniisip ng ibang tao na ginagamit lang niya ito para maka-move on kay Janella. Siya ang may kasalanan kung bakit tampulan ito ng locker room talks kahit dahil din iyon kay Bastien.
“Dude, pareho bang dine-date ni Saffy sina Cruz at Bastien?”
“Pati ba naman sa babae magkalaban pa rin sila?”
“Kawawa ‘yong babae, dude. Maiipit sa gusot no’ng dalawa.”
Ilan lang iyon sa narinig niyang usap-usapan sa kanilang tatlo. Nangyari na iyon sa kanya dati—si Janella naman ang involved—at ayaw na niyang mangyari pa ulit iyon lalo na kay Saffy. Pinili niyang lumayo na lang dito para hindi na rin ito guluhin pa ni Bastien. Hindi na niya iniisip pa ang pagkakamali nito—bilang Spice Girl—dahil ito rin naman ang nagligtas sa kanya noon. Nagulat lang talaga siya sa pag-amin nito sa kanya ng diretso. Not everyone’s brave to do that.
“Sila na ba?” tanong ni Thor kay Racer nang kumakain na sila ng hapunan.
“Hindi…pa…siguro,” pa-misteryoso pa namang sagot ni Racer.
“Eh, bakit nagho-holding hands kanina?” sabi naman ni Thor.
Napakunot-noo siya sa mga ito. “Sino ‘yang mga ‘yan?” curious na tanong niya sa mga ito. Tila nag-atubili pa ang mga itong sabihin sa kanya kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero dahil nasa DNA ni Racer ang pagiging madaldal ay nagsalita din ito.
“Sina…Saffy at Bastien. Nakita namin sila sa clinic kanina,” sagot ni Racer. Hindi siya nakaimik dahil sa sinabi nito. Pero nakaramdam siya ng adrenaline rush—dahil sa matinding inis. “Dude, what if he’s going for her to spite you? ‘Tapos masasaktan si Saffy sa huli. Kasalanan mo. Magi-guilty ka. Magso-‘sorry’ ka rin sa kanya. ‘Tapos, ganyan din ang gagawin ni Saffy. Paulit-ulit na lang, Cruz. Unahan mo na bago pa mangyari ulit.”
“Ano bang sinasabi mo?”
“Ang sinasabi ko lang naman, tama na ang drama. Nagkamali siya, nag-‘sorry’ na. Tama na ‘yon. Batiin mo na. Besides, ikaw na rin naman ang nagsabi noon na thankful ka sa kanya dahil niligtas ka niya, ‘di ba? Don’t you think it’s fate that brought you two together? Ginawa niya ang confession na ‘yon para sa’yo, then unexpectedly, siya rin ang nagtama niyon. Tandaan mong kung hindi dahil kay Saffy, hindi ka makakawala sa kahibangan mo kay Janella,” paliwanag ni Racer. Madaldal talaga ito.
“Alam ko ‘yon. Bakit ba masyado kang affected?”
“Dude, because you’re wasting your time moping around when you’re supposed to make her fall for you,” halos pasigaw nang sabi ni Racer. “Kung hindi mo pa rin alam, ako na ang magsasabi. You like her. Bakit sa tingin mo ay naka-get over ka agad kay Janella? Dahil dumating si Saffy sa buhay mo. Don’t you think dumating siya sa buhay mo sa tamang oras?”
Nakuha niya ang lahat ng point ni Racer. Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay hindi napigilang itsek ni Cruz ang Instagram—para mang-stalk kina Saffy at Bastien. At ang una niyang nakita sa feed ni Saffy ay ang kulay lilac na mga bulaklak.
@littlemisssaffron: They say that purple hyacinths are flowers that symbolizes forgiveness and apology. I was really wrong. I’m sorry.
@dr.arthead: Okay ka na ba? Thanks for the cake, by the way. Masarap! @littlemisssaffron
What cake? Close na sila? Fuck!
Agad niyang t-in-ext si Mavis at tinanong kung anong nangyari kay Saffy. Napaso daw ang kamay ng babae sa oven. Pero hindi niya magawang maitanong dito kung bakit si Bastien ang kasama ni Saffy sa clinic.
Hindi nakatulog ng maayos si Cruz dahil doon. Nilayuan na nga niya si Saffy para hindi na ito guluhin pa ni Bastien pagkatapos ay may komunikasyon pa rin pala ang mga ito ngayon. Siyempre, alam niyang crush ni Saffy si Bastien pero…Fuck! Halos hilahin niya ang oras para mag-umaga na. At nang magkaharap sila ni Bastien sa morning practice nila ay agad niya itong kinompronta tungkol kay Saffy.
“Gusto mo ba si Saffy o gusto mo lang siyang gamitin laban sa’kin?” tanong niya rito.
“Paano kung gusto ko na nga siya?” sabi naman ni Bastien. Kung gusto na rin nito si Saffy, ibig sabihin ay magiging mutual na ang feelings ng dalawa at magiging nuisance lang siya para sa mga ito. Pero hanggang hindi siya nakakasiguro na mabuti ang intensyon ni Bastien kay Saffy ay babantayan niya ito.
“Bastien, she’s not a toy. Don’t fucking hurt her,” pakiusap niya rito.
Nang araw na iyon ay nakita niya mismo sina Bastien at Saffy na magkasama. At magsisinungaling siya sa kanyang sarili kung sasabihin niyang okay lang siya dahil hindi. That scene made a deep cut in his heart.
That evening
@superracer21: #BeastMode si @cruzandrada00 Naka-15,000m IMs! Bumabawi ba talaga sa practice o nagseselos kaya binubuhos ang lahat sa practice?
@mightythor_nton: I vote for the latter.
@jejejejeng: So totoo ang mga nangyayari dito sa Instagram? @superracer21 #Lovestagram
@mavispolicarpio: OMG! I know why!! May kilala rin akong #BeastMode ngayon. Nagpapaka-busy. Hahaha!
@fitz_patrick: @mavispolicarpio Psh. Know-it-all. But, si @littlemisssaffron ba ‘yon?
@littlemisssaffron: ---
@cruzandrada00: The latter.