Uncomfortable. I can't sleep.
I looked at Zakarius who's currently sleeping like a baby right now. He's hugging my waist while his lips are slightly parted. Noon ko pa napapansin na mabilis makatulog si Zak lalo kapag magkatabi kami. We just finished making love and he already fell asleep five minutes after cleaning me up and himself. And I'm here, still wide awake for almost an hour after he fell asleep. Kanina pa ako nakatitig sa mukha niya, halos magsawa na ako.
Sa totoo lang ayaw niya pang matulog kanina dahil hihintayin niya raw ako na maunang makatulog, pinilit ko na lang siya na pumikit dahil alam kong hindi niya mapaninindigan 'yon at makakatulog din siya kaagad.
I feel uncomfortable because I want to eat something from Mcdo or other fast-food chain, but I don't want to wake him up just for that. Ayaw kong sirain ang tulog niya dahil mukhang himbing na himbing sa pagtulog.
I just sighed and clung my arm around his nape, he didn't even move and still sleeping soundly. I just smiled and chuckled softly. The duality of this man, he was so hot while we're making love making me lose my inhibitions, but now he's sleeping like an innocent baby.
I gently traced his jaw using my index finger. I gave him a peck on his lips and nuzzled on his neck. He let out a husky groan and hugged me tighter. I inhaled his scent, ang amoy niya yata ang pinakagusto kong amoy sa lahat.
"Angel," he murmured.
Umalis ako sa pagkakasubsob sa leeg niya at tumingin sa mukha niya. He slowly opened his eyes, kinusot niya ang mga 'yon saka napahikab. He honestly looks cute while yawning.
"Why are you still awake?" he asked in a hoarse voice and gently caressed my cheek. I just bit my lower lip and smiled shyly at him.
"Go back to sleep, makakatulog din ako mamaya," sabi ko na lang. Napakunot ang noo niya.
"What is it? Why are you still not sleeping? Can't sleep?" he asked and gave me a peck on my forehead. I just closed my eyes and sighed.
My stomach growled, mukhang naramdaman niya yata 'yon dahil natigilan siya. He let out a manly chuckle and pinched my cheek.
"You're hungry. Why didn't you wake me up? Ipagluluto naman kita," tila nanenermong sabi niya.
"You're sleeping peacefully, I don't want to disturb you," I mumbled qmd avoided his gaze.
Zakarius gently held my jaw and made me face him. Napatingin ako sa asul niyang mga mata, seryoso siyang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.
"Next time, don't hesitate to wake me up if you need or want something. Okay? You boldly ask for sex earlier, hindi ka rin dapat mahiya na gisingin ako kapag may kailangan ka. It's totally fine," usal niya saka pinaningkitan ako ng mga mata. Napanguso na lang ako.
"Fine... I'm hungry," I mumbled and touched my stomach.
"Do you want a real food this time or..."
Hindi ko na siya pinatapos, agad kong hinampas ang braso niya. Tinawanan niya lang ako saka marahang kinurot ang pisngi ko.
"Just kidding," he mumbled. I just glared at him.
Bumangon siya at umalis ng kama saka lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko at inalalayan ako na bumangon. Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinigilan siya nang akmang lalabas na kami ng silid niya.
He looked at me with confusion in his eyes. I just bit my lower lip and sighed.
"I want food from Mcdo, Zak. I want spaghetti, fried chicken, fries, and McFlurry from Mcdo," I mumbled.
Zakarius nodded and took his car key from the bedside table. Mukha namang hindi siya naiinis kahit pa nagising siya ng dahil sa 'kin tapos pabibilhin ko pa siya ng pagkain sa fast-food chain.
"Wait for me here, I'll buy those for you. May iba ka pa bang gusto?" he asked in a soft voice and caressed my cheeks while staring at me. I smiled at him and shook my head.
"Wala na."
Napatango na lang si Zak.
"Okay, I'll go now. I love you," he murmured and gave me a gentle kiss on my lips. Pagkahalik niya sa akin ay lumabas na rin siya kaagad.
Bumalik na lang ako sa kama at umupo ro'n pagkaalis ni Zak. Napahawak ako sa tiyan ko na kanina pa nag-aalburoto. Napapangiting umiling na lang ako.
When will I be able to tell him about my pregnancy? Sa ngayon maitatago ko pa dahil maliit pa rin ang tiyan ko. Pero alam kong napapansin niya rin ang mga pagbabago sa 'kin.
Napailing na lang ako at kinuha ang phone ko sa bedside table. 1 am na pala, last na 'to na magpupuyat ako. Makakasama sa baby ko ang pagpupuyat. Binuksan ko na lang ang phone ko at nag-games na lang habang hinihintay si Zak. Simula ng mag-lie low ako sa showbiz, madalang na akong gumamit ng phone.
Dumating din kaagad si Zakarius makalipas ang ilang minuto. I put my phone on the bedside table gave Zakarius a wide smile. Mas lalo akong na-excite nang makita ang paper bags na dala niya na may logo ng Mcdo.
Zakarius sat beside me and gave me a peck on my lips.
"I love you, but don't eat here and eat on the dining area instead, Angel," he said and scratched his eyebrow. I just rolled my eyes and nodded. Ayaw niya talaga na nakain dito sa room niya, mas maarte pa yata siya sa akin.
"Samahan mo 'ko, susubuan kita," sabi ko na lang saka ngumiti nang matamis sa kanya at hinila siya.
Nagpatianod na lang siya sa 'kin nang hilahin ko siya palabas ng silid. Nagtungo kami sa living room at umupo sa couch. Kinuha ko mula sa kanya ang mga pagkain at inilapag ang mga 'yon sa mini table saka inilabas sa paper bag. Halos tumambling ang sikmura ko sa tuwa nang maamoy ko ang fries.
"I've been craving for this," I murmured.
Sumandal na lang si Zakarius habang nakatitig sa 'kin. Kumuha ako ng isang fries at kinagatan 'yon. Napatingin ako kay Zak, muli akong kumuha ng isang fries at itinapat 'yon sa bibig niya. Napailing na lang siya.
"I'm good, baka kulang pa sa 'yo 'yan, natatawang sabi niya. I glared at him and punched his arm lightly.
"Fine. How about spaghetti?"
Inilabas ko ang box ng spaghetti saka binuksan 'yon. Kinuha ko ang plastic fork saka inikot iyon sa spag. Inilapit ko iyon sa bibig niya, umiling na naman siya.
"Sige na, hindi mo na ba ako mahal?" I asked and glared at him.
Napakamot na lang siya sa batok niya at isinubo ang spaghetti. Napangiti na lang ako habang nakatitig sa kanya, hinihintay ko ang opinyon niya about sa spaghetti.
"Ano? Masarap diba?" tanong ko saka ako naman ang sumubo ng spaghetti.
"Not bad," he answered. I just rolled my eyes at him, ang arte ha.
Kumain na lang ako nang kumain habang si Zakarius, nakatitig lang sa akin. Sinusubuan ko siya ng kung ano-ano, wala naman siyang nagagawa kundi ang kumain na lang dahil nagagalit ako kapag natanggi siya.
Bumalik na kami sa kuwarto niya pagkatapos naming kumain.
"I'll just brush my teeth," Zakarius said and entered the bathroom.
I immediately took my phone and followed him in the bathroom. Halatang natigilan naman siya nang makita akong pumasok. Sakto na naglalagay na siya ng toothpaste sa toothbrush niya.
"Sabay na tayo, wait ka lang!"
Kinuha ko ang toothbrush ko sa lagayan saka inagaw mula sa kanya ang toothpaste. Nilahyan ko ng toothpaste ang toothbrush ko. Akmang magto-toothbrush na si Zak pero agad ko siyang pinigilan, napakunot ang noo niya.
"Wait, magvi-video tayo na sabay nagto-toothbrush, dapat mukha tayong sweet. Tumitig ka sa 'kin habang nagto-toothbrush tayo ha, kunwari in love na in love ka sa 'kin," sabi ko saka inilagay ang toothpaste sa lagayan.
"In love na in love naman talaga ako sa 'yo, e," sabi niya habang nakakunot pa rin ang noo.
I stared at him and blinked twice. Seryoso ang mukha niya nang sabihin niya 'yon, walang halong 'banat' look or what. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at nag-focus sa phone ko para hindi niya mahalata na kinilig ako sa sinabi niya.
"Basta gano'n. Ipo-post ko 'to sa social media kapag legal na tayo sa Pilipinas at wala na 'ko sa showbiz ng tuluyan," sabi ko saka in-open ang camera ng phone ko.
"Why do we need to be legal for other people? Hindi natin kailangang maging legal sa kanila, sa mga magulang mo na lang," sabi niya saka tumingin sa salamin.
My cheeks heated with his remark. Nagpapahiwatig ba siya?
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at magmumog. Kung ano-anong pagpapakilig ang sinasabi niya. Ang gusto ko naman kay Zak ay ang pagiging unaware niya na pinapakilig na pala niya ako.
"Soon. Basta, mag-video muna tayo." Itinapat ko ang camera sa salamin, mirror shot ang gagawin namin, para cute. "Game na ha... One, two, three!"
I started the video. We both started brushing our teeth. Gusto kong matawa kay Zak dahil halatang awkward na awkward siya sa camera.
'Di kalaunan, tumingin na lang siya sa akin. He gave me that kind of look that I want, he's looking at me as if his world revolves around me. I fought the urge to giggle, once I'm done with showbiz, I'll post this video on social media.
Wala akong pakialam kung mainggit man ang mga single diyan.
* * *
"I can go on my own, Zak. Saglit lang naman kaming mag-uusap ni Cassian, ise-settle ko lang ang mga kailangan kong bayaran for the breach of contract," I said while applying lip balm on my lips. Hindi na ako nag-apply nang makapal na make up. I wore a simple Boho Coachella ruffle floral dress, I paired it with a beige flat shoes. Hindi na muna ako magsusuot ng heels while I'm pregnant.
"I'll come with you," pamimilit ni Zak saka sinuot ang black leather jacket niya.
Ngayon ko na lang siya ulit nakitang magsuot niyan. Feeling ko si Director Cavalcante ang kaharap ko ngayon at hindi boyfriend ko.
"Ang kulit," napapailing na sabi ko na lang saka kinuha ang sling bag ko. "Kapag nakita tayo ng media, pag-iinitan na naman tayo," I said and crossed my arms above my chest.
"We'll be careful. Let's wear a mask," he said and took two black face masks from his drawer. I chuckled and shook my head.
Wala na akong nagawa kundi ang isama siya. Siya naman ang nag-drive, sineryoso namin ang pagsusuot ng face mask kahit mukha kaming holdaper pareho.
"Wait for me here, saglit lang kaming mag-uusap ni Cassian. I'll be--" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"I'll come with you," he said and removed his seatbelt. Tinanggal niya rin ang seatbelt ko. Napasinghap ako nang magdikit ang mga mukha naming dalawa. Napangiti na lang siya saka dinampian ng halik ang labi ko bago dumistansya.
I cleared my throat to calm myself. Ano ba naman 'yan? Bakit hindi pa rin nasasnaay ang puso ko sa lalaking 'to?
"Bahala ka na nga," sabi ko na lang at napairap saka agad na bumaba ng kotse niya.
Sumunod siya sa 'kin papasok ng Aingeal building, napaptingin sa 'min ang ilang empleyado dahil mukha kaming ewan. Whatever, hindi na naman ako mag-a-artista, e.
About that, siyempre may parte sa akin na nalulungkot. Kahit nakaka-stress at nakakapagod ang pagiging artista and model, napapasaya naman ako no'n lalo na kapag nakikita ko ang mga sumu-suporta sa 'kin. But now, my number one priority is protecting my baby. Hindi na maganda ang imahe ko sa showbiz, ayaw ko na dalhin 'yon ng magiging anak ko kaya ititigil ko na lang. I'm sure that my baby will be my number one happiness anyway.
"Angel!"
Agad akong binati ni Cassian pagpasok namin ni Zak sa office niya. Inirapan ko na lang siya at naiinis na hinubad ang face mask ko.
"Shut up," sabi ko na lang saka umupo sa couch.
Umupo si Zak sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko, hinayaan ko na lang siya.
"Wow, is that Director Cavalcante?" Cassian asked.
Zakarius removed his face mask and put it in his pocket. Napasinghap naman si Cassian nang makita ang buong mukha niya.
"You two are in a relationship?" Cassian asked. His eyes widened and his lips parted in shock.
"Hindi ba obvious? Gusto mo maghalikan pa kami sa harap mo, e," sabi ko na lang saka ngumisi sa kanya.
"Angel," pananaway ni Zak sa 'kin.
"What?" I asked and looked innocently at him. He just sighed and shook his head.
Natatawang napakamot na lang si Cassian sa batok niya habang nakatingin sa amin.
"Congrats sa inyo, but Angel, you have to pay for the breach of contract on your signed endorsements and movies kung talagang titigil ka na sa showbiz," naging seryoso ang tono ng boses ni Cassian.
"I know that, babayaran ko ang mga 'yon, don't worry," I said and smiled at him.
"How much does she need to pay? I'll pay for that." Natigilan ako sa sinabi ni Zak. Tumingin ako nang masama sa kanya at hinampas ang braso niya.
"No way, Zak. I have my own money, ako na ang bahala," sabi ko na lang. Napabuntong hininga na lang si Zak.
"I know you're an independent woman, but you can rely on me, Angel. If you need something, just tell me," Zakarius said and intertwined our fingers. I just nodded and smiled at him.
"I know, love. But I can pay for this one, hmm? Let me handle my own problem, your presence is enough to make me feel better," I muttered. Zakarius gave me a small smile and kissed the back of my hand.
"Sige, mag-live drama na lang kayo sa harapan ko."
Natigilan kaming pareho at napatingin kay Cassian. Inirapan ko na lang siya, panira talaga.
Pagkatapos naming pag-usapan ang mga kailangan kong bayaran, agad din kaming umalis ni Zak sa agency at agad na umuwi.
Umalis din kaagad si Zak dahil may kailangan pa siyang trabahuhin, ilang araw din kasi siyang hindi nag-trabaho.
Habang wala si Zak, napag-desisyunan kong magluto at mag-bake. I will surprise him, tonight, I will finally tell him that I'm pregnant.
Sa totoo lang, nagda-dalawang isip pa rin ako noong una, pero para saan pa nga ba kung ililihim ko pa ang tungkol doon?
Napatigil ako sa panonood ng tutorial sa youtube nang mag-text si Zakarius.
My baby Zakarius: let's eat somewhere nice tonight, I have something to tell you. I love you, my Angel.
Napangiwi ako nang mabasa ang text niya. Ano ba 'yan? Nakapagluto na ako, e. Agad ko siyang ni-reply-an.
Let's eat here na lang sa house mo. Nagluto ako para sa 'yo eh :< but if you really want to eat somewhere, okay lang naman din.
Agad siyang nag-reply.
My baby Zakarius: No, diyan na lang tayo kakain. You cooked for me, I'm so excited to go home. ^_^
Natawa ako sa emoticon na kasama sa message niya. Ang cute talaga ng baby Zakarius ko, na-miss ko tuloy agad siya. I miss his squishy squishy already.
"Yey, I'm done," bulong ko nang matapos na akong magluto. Kaunting dish lang naman ang niluto ko dahil hindi naman talaga ako marunong magluto. Tinikman ko naman ang lahat, hindi naman masama ang lasa.
8 pm na nang makauwi si Zak. Agad niya akong sinugod ng yakap na para bang ten years kaming hindi nagkita.
"Ah, I missed you so much," he murmured and gave me a peck on my lips. I chuckled and smacked his chest lightly. "Squishy squishy," he mumbled and pinched my cheeks.
Kinurot ko rin ang pisngi niya. "Squishy squishy," I muttered and smiled at him.
"Ano'ng niluto mo?" tanong niya saka yumakap sa baywang ko.
Agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya paupo sa upuan, natawa na lang siya sa ginawa ko. Umupo ako sa katapat na upuan, saka itinuro ang mga niluto ko.
"I cooked steak, chicken marsala, and homemade ricotta. I also baked a small chocolate cake. Tada!" I smiled at him. Napangiti na lang din si Zak habang nakatitig sa akin.
Akmang ipaghahain ko na siya pero agad niya akong pinigilan. Natigilan ako nang siya ang maghain para sa 'kin. Napangiti na lang ako at hinayaan siya. I'm sure he'll be a good husband... I just wish he will be my husband in the future, I can't imagine myself with another man but him.
Nagsimula na kaming kumain, pasimple akong napapatingin sa kanya habang nakahawak sa tiyan ko. Kinakabahan pa rin ako. Humahanap lang ako ng magandang timing na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"Hey, do you want to say something? Hindi ka mapakali." Zakarius held my hand and stared at me. I just sighed and bit my lower lip.
I should tell him now. Bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya, kung matutuwa man siya o maiinis. Bahala na. Ang mahalaga, masabi ko na 'to sa kanya.
"Zakarius, ang totoo niyan... I'm preg--" naputol ang sasabihin ko.
"Zak!"
Natigilan kaming pareho sa pinanggalingan ng boses. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Jaze na naglalakad papalapit sa amin. Her eyes are swollen, mukhang kakagaling niya lang sa pag-iyak.
"What the hell are you doing here?" nakakunot-noong tanong ni Zak.
Hindi ako binalingan ng tingin ni Jaze, nanatili siyang nakatingin kay Zakarius.
"You will propose to her, right? I saw you bought a ring earlier," Jaze said and glimpsed at me. Muli niya ring ibinalik ang tingin kay Zak.
Nanlamig ang mga kamay ko sa sinabi niya, may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung kaba ba 'yon o excitement. Napatingin ako kay Zak, he just avoided my gaze and cleared his throat.
"So what if I will? And why are you even here? After what you have done to Angel, you'll show yourself as if you didn't do something terrible to her," Zakarius said, his forehead creased and his jaw clenched.
"No, Zak. You can't marry her! Kailangan mong panagutan 'to!" singhal ni Jaze saka itinuro ang tiyan niya.
Agad na nanghina ang buong katawan ko sa sinabi niya. Maski si Zakarius ay halatang nagulat din dahil napaawang amg mga labi niya.
"What the hell are you saying, Jaze?" Zakarius asked and stood up, nakipaglabanan siya ng tingin kay Jaze.
Jaze gave him a bitter smiled. Kinuha niya ang kamay ni Zak at inilagay iyon sa tiyan niya. Mas lalo akong nanghina sa nasaksihan, tila may patalim na sumasaksak sa puso ko.
Mas lalong nayanig ang mundo ko sa sunod na sinabi ni Jaze.
"I'm pregnant... I'm pregnant with our child, Zak. We're having a baby."