“Are you kidding me, Jaze?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Zakarius.
Hindi ako nakagalaw, nanatili akong nakatitig kay Jaze, tila na-blangko ang isip ko. Until now, my whole body is shivering like it's about to give up. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko... mabigat, ang bigat sa dibdib.
“You know it's not impossible, Zak. Alam kong alam mo 'yan,” mariing wika ni Jaze habang matiim na nakatitig kay Zakarius.
Nanatili akong nakaupo at hindi makagalaw, kahit yata ang tumayo ay hindi ko magagawa dahil sa panghihina ng buong katawan ko.
Of course it's not impossible, even though he never loved her, they've been together for years. Imposibleng walang nangyari sa kanila ng mga taong 'yon.
Napapitlag ako nang mapatingin si Jaze sa direksyon ko. Tumitig siya nang diretso sa mga mata ko, hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Wala akong nakikitang emosyon sa mga 'yon.
“Angel, we want to talk privately, if you don't mind,” she said and gave me a small smile.
Agad na lumapit sa 'kin si Zak at hinawakan ang kamay ko, ngunit nanatili siyang nakatingin kay Jaze.
“We don't need to talk privately, Angel doesn't need to--”
Natigilan si Zak nang alisin ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I stood up and distanced myself away from them. I bit my lower lip to suppress my emotions, I tried my best to calm my nerves and act like this situation isn't affecting me at all.
“It's fine, talk to her. Hahayaan ko kayong mag-usap.” Halos hindi ko na narinig ang sarili kong boses sa sobrang hina no'n.
Kahit nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit ko pa ring ihakbang ang mg paa ko at talikuran silang dalawa. Natigilan ako nang maramdaman kong hinawakan ni Zak ang kamay ko.
“Angel.”
Napapikit ako nang mariin at muling inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin at dali daling umalis ng hapag at iniwan sila ro'n. Agad akong nagtungo sa silid ni Zakarius at isinara ang pinto. Nanghihinang nagtungo ako sa kama at umupo ro'n.
With shaking hand, I touched my abdomen. I was about to tell him about our baby... I thought this is the perfect time.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kawalan, tila naubos ang lahat ng lakas ko sa mga binitiwang salita ni Jaze kanina. I honestly don't know what to do anymore. I couldn't blame anyone on this. Pinili kong mahalin pa rin si Zak kahit alam kong masasaktan ako. Pwede kong piliin na tumakbo kaagad palayo sa kanya noong una pa lang, pero naging mahina ako.
I did my best to stand up even though my whole body's about to give up. Nagtungo ako sa closet ni Zak at kinuha ro'n ang bag ko. Natigilan ako nang marinig kong bumukas ang pinto sa kwarto.
“Angel.”
Napalingon ako kay Zak, bumaba ang tingin niya sa bag ko. Agad siyang lumapit at inagaw ang bag mula sa 'kin.
“Let me explain first, please,” he mumbled. He looked directly into my eyes and held my wrist. His blue eyes scream emotions I couldn't read, he seems desperate and scared. Scared to lose me? Nah.
“Kung sasabihin mong sigurado kang hindi ikaw ang ama, maniniwala ako, Zak... T-tatanungin kita ngayon, ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Jaze o hindi?” tanong ko habang nakatitig nang diretso sa mga mata niya.
Naramdaman ko kung paano siya natigilan sa tanong ko. Lumuwag din ang pagkakahawak niya sa 'kin. Napalunok ako kasabay ang malakas na pagtibok ng puso ko... Natatakot ako, natatakot ako sa isasagot niya.
Please, please me that you're not the father, I'll believe you... Just say that you're not.
“I-I... I'm not sure, I can't answer you now, Angel.”
That's it.
Kinuha ko mula sa kanya ang bag ko. Sinamantala ko na mukhang nanghihina pa siya kaya agad kong naagaw ang bag mula sa kanya.
“I know Jaze, Zak. Ikaw lang ang lalaki sa buhay niya... Obviously, you are the father of her child,” I said and bit my lower lip, trying to fight my tears from falling.
Zakarius held my hand, his hands are cold.
“Angel, d-don't leave me. I'll face my responsibility with her, but please, don't leave me. You know that I can't bear to lose you, Angel, you're my life... I love you so much, baby, p-please, h'wag kang umalis. We can still be together even though... even though...” halos hindi niya maituloy ang sasabihin, nanginginig ang boses niya, nahihirapan na siyang magsalita dahil do'n.
“That's selfish, Zak. Masyadong makasarili ang gusto mong mangyari,” mariing asik ko at itinulak siya palayo sa akin.
I'm so tempted to agree with what he wants to happen. Tama naman siya, pwede pa rin naman kaming magpatuloy kahit pa may anak na siya sa iba... But I think I'm not selfish enough to accept that.
My tears finally escaped from my eyes. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at mabilis na pinahid ang mga luha ko.
“Let's just end this, Zak. Come to think of it, baka naman hindi talaga tayo ang para sa isa't isa... There are hindrances everywhere, parang ayaw talaga tayong pagsamahin. Prioritize Jaze and your child, mas mahalaga sila, Zakarius. I know that you love me, hindi ko na pinagdududahan 'yon, pero hindi natin pwedeng ipilit kung hindi talaga tayo pwedeng magsama. Isipin mo na lang ang anak niyo ni Jaze... Let's just stop this, please.”
Pagkasabi no'n, agad akong humakbang palayo at nilagpasan siya. Akmang lalabas na ako ng silid niya nang agad niya akong yakapin mula sa likuran. Agad na nanghina ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang mga bisig niyang nakayakap sa akin.
“I... I can't let you go, Angel, para mo na ring sinabi na mamatay na lang ako. Believe me or not, I can't live without you now. I finally experienced the love I longed for from you. Please, just give me time to fix this. D-don't leave me... I love you, I love you so much.”
Hinayaan ko na lang muna siyang yumakap sa akin dahil nanghihina pa ako. Minabuti ko na lang na hindi tumugon sa sinabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napapikit nang mariin. Hindi ako pwedeng magtagal pa rito, baka bumigay na naman ako... baka hindi ko na naman gustuhing umalis sa piling niya.
Muli kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin bago pa magbago ang isip ko.
Yes, I'm pregnant with his child too. But unlike Jaze, I have someone beside me, I have my family... Jaze grew up alone all her life. She's strong and independent, she survived all by herself without anyone to rely on. Hindi niya hinayaan na kaawaan ko siya o ng kahit sino dahil lang sa mag-isa na siya sa buhay mula pa noon. Alam kong matapang siya, pero kailangan na niya ng kasama ngayong magkaka-anak na siya, 'di hamak na mas kailangan niya si Zak sa tabi niya.
“Don't follow me, Zak, don't stop me. Kapag sinundan mo 'ko, t-talagang magagalit ako sa 'yo, kamumuhian kita habang buhay.”
Pagkasabi ko no'n, agad kong sinamantala ang pagkakataon at agad na lumabas ng silid niya.
Kapag nagtagal pa ako rito, baka gustuhin ko lang na makasama pa siya.
* * *
“Break na naman kayo, 'no?”
Hindi ko na lang pinansin ang tanong ni Cadence at itinuloy ang pag-inom ng juice ko. Gusto kong ipahinga ang isip ko kay Zakarius simula nang umalis ako sa bahay niya kagabi, kaso itong si Cadence, nagpunta pa rito.
Ni hindi ko nga siya pinapasok, e. Basta na lang siyang pumasok sa bahay ko na hindi ko alam kung paano niya nagawa. Ano ba'ng ginagawa nila ni Zak at nakakalusot sila sa security system ng bahay ko?
“What are you doing here? 'Di ba dapat si Zakarius ang kinakausap mo dahil siya ang boss mo?” masungit na tanong ni Castor. Napangisi na lang si Cadence.
“E, ikaw? Bakit ka nandito? Nako, grab the chance agad, 'no? Galing mo, Castor, kapag ganyan na malungkot ang puso ni Angel, kailangan niya ng magpapagaan ng kanyang puso,” ma-dramang sabi ni Cadence at napahawak pa sa dibdib niya.
Damn this man, I suddenly want to kick him out. Miyembro ba siya ng akyat-bahay gang? Paano ba kasi siya nakakapasok dito sa bahay ko?
“And besides, neutral akong tao. Kahit pa boss ko si Zakarius, kailangan ko ring mapakinggan ang side ni Ms. Mendoza 'no, saka hindi ko makausap nang ayos si Zakarius, basta na lang namamaril. Kaya si Angel na lang.” Tumingin sa 'kin si Cadence. “Spill the tea, sis.”
Castor stared at me too, waiting for my answer. I sighed and bit my lower lip, siguro gagaan kahit papa'no ang pakiramdam ko kung sasabihin ko sa kanila.
“Jaze is pregnant, he's the father.”
Natahimik silang pareho sa sinabi ko. Nanatili akong nakatitig sa basong hawak ko, nararamdaman ko ang kakaibang tingin nilang dalawa. Kahit na si Cadence na madaldal ay saglit na natahimik. Mukhang hindi nga talaga nasabi sa kanya ni Zak ang tungkol doon.
“Tinapos ko na lang lahat sa amin, kailangan si Zak ng magiging anak nila ni Jaze,” mahinang usal ko.
Napatingin ako kay Castor. For some odd reason, I can read what he's thinking right now... I'm pregnant too, I know, but Jaze needs Zakarius more than I do.
“Baka naman hindi talaga si Zak ang ama? Diba gano'n sa mga palabas?” tanong ni Cadence habang nakahawak sa baba niya na tila nag-iisip.
“Si Zakarius lang ang lalaking dumaan sa buhay ni Jaze. Ayaw ko na lang paasahin ang sarili ko,” sagot ko na lang saka inilapag ang baso sa mini table.
“Ano na'ng plano mo ngayon?” seryosong tanong ni Castor. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa couch saka pumikit.
“I don't know, gusto ko na lang munang bigyan ng oras ang sarili ko na ipahinga ang isip ko... About Zakarius, I'll just stay away from him, from them, gusto kong kalimutan na lang niya ako... I know he can do that.”
Cadence sighed and shook his head. Napakamot siya sa batok niya saka tumingin nang diretso sa mga mata ko, ngayon ko lang yata siya nakita na ganitong ka-seryoso.
“Believe me or not, he won't be able to do that, Angel... Not in this lifetime. Zakarius is madly in love with you. Pustahan nga tayo, mamaya lang, nandito na 'yon, e. Matagal kong nakasama si Zak, alam ko ang lahat tungkol sa kanya, maski na ang tumatakbo sa isip no'n. Kung babae nga lang ako baka nagkatuluyan na kami, e.”
Tiningnan ko nang masama si Cadence. Siniko naman siya ni Castor na katabi niya lang.
“Sige, nakasagap na 'ko ng tsismis. Aalis na 'ko. By the way, Castor, ito na ang chance mo. Fighting!” sabi ni Cadence bago tumayo. Tinapik muna nito ang balikat namin ni Castor bago tuluyang umalis.
Naiwan kami ni Castor. Napatitig na lang ako sa baso at napabuntong hininga. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin.
Dapat bang lumayo na lang ako?
“Paano ka? You're pregnant too, Angel.”
Napatingin ako kay Castor. Tumayo siya saka umupo sa tabi ko. I smiled bitterly and inhaled deeply, alam kong sasabihin niya 'to.
“I know, but Jaze needs him more. I have everyone on my back, I have my family, Jaze is all by herself... I'll just go to New Zealand and raise my child there. Tama, ganoon na nga lang. Ayaw kong ipagkait sa magiging anak ni Jaze ang buong pamilya, Castor. I can raise my child alone, I'll do my best without anyone's help. I know Jaze can do that too, but I know she doesn't want her child to experience what she had gone through and so do I, gusto ko na may buong pamilya ang magiging anak ni Jaze,” paliwanag ko. Saglit na natahimik si Castor.
“You care too much about Jaze's child, but how about your child, Angel? Okay lang ba sa 'yo na lalaki siyang walang kasamang tatay? Your child needs Zakarius too,” sabi ni Castor saka marahang tinapik ang balikat ko.
“But not as much as Jaze's child does, Jaze needs him too. I can't be selfish... Hindi ko kaya lalo na kung si Jaze ang pinag-uusapan. She's still my friend, the only friend that accepted me back then, the only friend that I relied on back then... Siya lang ang kaibigan ko na tumanggap sa akin noong tinalikuran ako ng lahat. Ito na lang ang magagawa ko para sa kanya... Ito na lang.” Halos hangin na lang na lumabas mula sa mga labi ko ang huling sinabi ko.
Natahimik na lang si Castor at hindi na nagsalita pa. Hinawakan niya ang kamay ko, hindi na lang ako nagsalita at nanatiling nakatitig sa baso na nasa mini table.
Ngayon alam ko na ang gagawin ko, sa pagkakataong 'to, itutuloy ko na ang balak kong magpunta ng New Zealand at doon palakihin ang anak ko. Pagkatapos kong asikasuhin ang mga kailangan kong gawin, hindi na ako mag-aaksaya ng oras at aalis na kaagad... Ito ang alam kong makabubuti para sa 'ming lahat.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong handa na akong kalimutan si Zak. Sa tingin ko nga ay wala na akong ibang mamahalin maliban sa kanya. Pero hindi ako pwedeng kumapit sa pagmamahal na 'yon, dahil may mas nangangailangan sa kanya... at hindi ako 'yon.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. My lips shivered as well as my hands. Being away from him, out in his life... It feels like I'm already being tortured by just thinking about it. We both waited for the moment when we can finally be together, but it seems like we're not really for each other... Pinapahirapan lang namin ang mga sarili namin.
“I need to leave as soon as possible, hindi dapat malaman ni Zak na buntis ako.” Napabuntong hininga ako.
“Wow, this shit's getting more interesting.”
Natigilan kami ni Castor. Tila natulos ako sa kinauupuan ko nang makita si Cadence na nakatayo mula sa di kalayuan. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa pader, nakangisi siya habang may pinapaikot na susi sa daliri niya.
Agad kaming napatayo ni Castor. Nanatiling nakangisi sa amin si Cadence, pakiramdam ko hindi siya ang Cad na nakasama ko ng ilang araw... parang ibang Cadence ang nasa harapan ko ngayon... at marahil iyon ang totoong siya.
“Hmm, I wonder, how much will Zak pay me for that important piece of information? But well, that's not the important question here, right?”
Naglakad si Cadence papalapit sa amin habang pinapaikot ang susi sa daliri niya. Napalunok ako at bahagyang napaatras nang nasa tapat ko na siya. Nanginginig ang mga tuhod ko sa hindi malamang dahilan.
Napahawak ako nang mahigpit sa damit ko... Hindi, hindi dapat malaman ni Zak ang tungkol dito.
Cadence gently held my chin and stared directly into my eyes. Halos magtayuan ang mga balahibo ko nang bigyan niya ako nang kakaibang ngisi... That grin is up to no good.
“What will Zakarius Cavalcante do once I tell him that you're pregnant with his child?”