Chapter Thirty-Two

Hindi ko alam kung gaano kami katagal naglalabanan ng titig ni Cadence. Gusto kong malaman ang tumatakbo sa isip niya ngayon pero hindi ko mabasa... mukhang hindi ko pa talaga ganoong kilala si Cadence.

“A-ano'ng dapat kong gawin para hindi mo sabihin kay Zak?” nauutal na tanong ko.

Mas lalong napangisi si Cadence sa sinabi ko. Bahagya siyang lumayo sa 'kin, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Napakamot si Cad sa kilay niya saka umupo sa couch.

“Iyon naman pala, e. Dapat kanina mo pa sinabi 'yan,” natatawang sabi ni Cadence saka ipinatong ang mga paa niya sa mini table.

“What are you up to?” Castor asked. He took Cad's collar and made him stand up. Bahagyang namumula ang mukha niya at mukhang handa ng suntukin si Cadence.

“Castor,” pagpigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya upang pakalmahin siya.

“Chill ka lang diyan, bro. Madadaan naman 'to sa maayos na usapan, kalma ka lang,” sabi ni Cad saka inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Castor.

“Go straight to the point, Cadence. What do you want me to do for you to keep your mouth shut?” I asked and gritted my teeth.

I shouldn't have trust him in the first place. Masyado akong nagpadala sa pagiging easygoing niya.

“How much can you offer, Angel? Kaya mo bang lamangan ang ibabayad ni Zakarius sa akin kung sakali? I know you're aware about Zakarius' wealth, it's unimaginable. He can buy anything in just a snap of his finger... Kaya mo bang lamangan 'yon?”

Natahimik ako sa tanong ni Cad. Lalong nanlamig ang mga kamay ko sa tanong niya. Napalunok ako at pilit na pinakalma ang sarili ko.

Kahit sa panaginip, hinding hindi ko malalamangan ang kayang ibayad ni Zak sa kanya.

“How much do you want? Ako ang magbabayad,” seryosong sabi ni Castor.

My eyes widened and my lips parted in shock, Castor seemed serious. Walang bahid ng pagbibiro sa mukha niya.

Pinagpag ni Cadence ang damit niya saka ngumiti kay Castor. Tinapik-tapik niya ang balikat nito.

“Hmm, pag-iisipan ko pa. For now, chill muna kayo, guys. Don't worry, hindi ko sasabihin kay Zak habang nag-iisip ako. Bigyan niyo 'ko ng 3-5 days para makapag-presyo. Sige, sibat na 'ko. Bye, friends!” Tinalukuran na kami ni Cadence, akmang aalis na siya ngunit agad ding natigilan. Lumapit siya ulit sa akin saka hinarap ako, napakunot na lang ang noo ko.

“What?” I asked and raised my eyebrow. I don't want to show him that I'm intimidated, I'm still mad thinking that I trusted him. He's just a manipulative assh-le na mukhang pera!

“Bakit hindi mo na lang sabihin kay Zak? Para wala kang pino-problema,” sabi ni Cadence. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

“Wala ka na ro'n!” asik ko at bahagyang tinulak ang dibdib niya.

“Ouch naman, parang wala tayong pinagsamahan, ah. Pero sige, ikaw ang bahala.” Napakibit-balikat siya.

Nakangising tinalikuran na kami ni Cadence bago ito tuluyang lumabas ng bahay ko. Tila nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na siya. Nanghihinang napaupo na lang ako sa couch at napahilot sa sentido ko.

I don't know what Cadence is up to, I don't even know if I'm going to take him seriously or not. Nagbibiro lang ba siya tungkol sa mga sinabi niya kanina? O baka naman didiretso kaagad siya kay Zak para humingi ng pera kapalit ng nalaman niya?

Castor sat beside me and inhaled deeply. I remained silent and closed my eyes. I don't know what to do anymore... bakit ba kasi hindi ko naramdaman na nandoon si Cadence?

“Hindi ka naman siguro ilalaglag kaagad ni Cad, he may be a jerk, but I think he's not gonna do that. Sa ngayon, magtiwala muna tayo sa sinabi niyang hindi niya sasabihin kay Zak. H'wag kang masyadong mag-isip nang mag-isip, baka makasama pa sa baby mo,” tila nag-aalalang sabi ni Castor saka hinawakan ang kamay ko. Napabuntong hininga na lang ako at tipid na ngumiti sa kanya.

Sana nga... Sana nga mapagkatiwalaan ko ang Cadence na 'yon.

* * *

“In-announce na namin sa media ang tungkol sa pag-alis mo sa showbiz world. Sure ka ba na wala kang last say para sa fans mo? Ni wala ka man lang statement or kahit goodbye short clip sa kanila.”

I looked at myself in the mirror and shook my head. I sighed and rolled my eyes even though Cassian can't see me. Goodbye short clip? What the hell is that for? Kailangan pa ba no'n? Wala na nga yata akong fans, e.

“You know that I have no plans on clearing my name whatsoever, right? Wala na rin naman ako sa showbiz, para saan pa ang goodbye shits na 'yan? Besides, close-minded ang mga tao sa 'kin, baka kapag nag-release pa ako ng formal retirement sa showbiz, lalo lang akong i-bash ng mga tao. I'm so done with that, Cassian. Gusto ko na lang mamuhay nang tahimik.” Kasama ang anak ko.

“Okay, fine, if that's what you want. Alam mo na ha, kahit wala ka na sa showbiz, one call away pa rin kami ni Chan. H'wag kang mahihiya na tawagan kami o puntahan, bibisitahin ka rin namin ni Chan diyan kapag hindi kami busy. Stay healthy ha, h'wag kang magmukmok,” tila natatawang sabi ni Cassian sa kabilang linya. Napairap na lang ako ngunit natatawa rin.

“Hindi ako magmumukmok 'no. By the way, kumusta na kayo ni Chan?” tila nanunuksong tanong ko.

“Anong kumusta kami ni Chan ang sinasabi mo riyan? Bye na nga, saka nga pala, h'wag ka ng magbukas ng social media accounts, kung maaari i-take down mo na ang mga accounts mo. H'wag ka na ring magbasa ng comments, magpahinga ka na lang. Kapag natuloy ka sa New Zealand, bibisitahin ka pa rin namin ni Chan. Teka nga pala, isasama mo ba si Director Cavalcante sa New Zealand?”

Napawi ang ngiti ko sa tanong niya. Hindi niya nga pala alam na hiwalay na kami ni Zak. Napabuntong hininga na lang ako at napailing.

“Bye na, magpapahinga na 'ko.” Hindi ko na hinintay na sumagot siya at agad ko ng tinapos ang tawag.

Tumayo ako at nagtungo sa kama saka umupo ro'n. Napatingin ako sa passport na nasa ibabaw ng bedside table.

Bakit pakiramdam ko ayaw ko pang umalis?

Umaasa ba ako na magbabago ang sitwasyon? Umaasa ba ako na baka may pag-asa pa rin kami ni Zak?

Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Napasinghap ako nang makitang gustong makipag-video call ni Mommy. Agad kong inayos ang buhok ko, tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin upang siguruhin na maayos ang hitsura ko bago ko sinagot ang tawag.

Bumungad sa 'kin ang magandang mukha ng Mommy ko.

“My baby Angel! I missed you so much, my baby!”

Napangiti ako sa agad na bungad ni Mommy, kahit matanda na ako, baby pa rin yata ako sa paningin niya.

“Hello, Mommy! Na-miss din po kita. Where's Dad po?” tanong ko.

“Surprise! I'm here!” Biglang sumulpot si Daddy na katabi lang pala ni Mommy. Natawa na lang ako.

My Dad is a full blood Brazilian and he's the sweetest Dad ever, my Mom is a Filipina, she's sweet too, pero nakakatakot siyang magalit, she's kinda strict too.

“Angel, kailan ka uuwi rito, anak?” tanong ni Mommy. Napatango naman si Dad, he can speak tagalog. Ilang taon din si Dad sa Pilinas hanggang sa nakilala niya si Mommy na accountant during that time.

Aware sila sa nangyari sa akin, alam nila kung paano nasira ang pangalan ko sa showbiz pero hindi nila ako sinermunan. Kakausapin na lang daw nila ako kapag nasa New Zealand na ako, but knowing them, they'll just comfort me, hindi nila ako papagalitan o anuman.

“Come here immediately, Angel. I'm so excited to hug my favorite anak,” my Dad said with a wide smile. I just chuckled and rolled my eyes.

“I'm your only anak, Dad,” natatawang sabi ko.

Matagal din kaming nag-kwentuhan nina Mommy. Ang hindi pa nila alam hanggang ngayon ay ang tungkol sa pagbubuntis ko. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanila 'yon ngayon. Lalo na't wala akong maipapakilalang tatay sa kanila, talagang magagalit nang sobra sina Mommy.

Napailing na lang ako at nagbukas ng social media, I think I should listen to Cassian's advice and delete my social media accounts, it will just be a hindrance to my going to be peaceful life.

Bumungad agad sa akin ang article ng pag-alis ko sa showbiz. Sinubukan kong pigilan ang ko ang sarili ko na basahin ang comments pero hindi ko rin napigilan.

Sayang, mababawasan ang malalandi sa showbiz industry.

Baka tinakbuhan na siya ni Director Cavalcante, lol.

Mas maganda sana kung mawala na rin siya sa earth.

Baka wala na siyang mautong direktor kasi laos na siya.

Y'all stop bashing her, kung makapang-bash naman kayo sa kanya parang nakapatay siya ng tao. Nakalimutan niyo na yata kung gaanong karami ang natulungan niya. Puro kasi negative ang nakikita niyo sa tao. May pagkasuplada lang talaga siya pero ang bait niya.

Napangiti na lang ako nang makitang may isang nagtanggol sa akin. Binasa ko ang mga replies sa kanya at kahit papa'no, napagaan ang loob ko nang makitang may mga ibang nagtanggol din sa akin do'n.

Ang nag-iisang positive comment na 'yon na lang ang itatatak ko sa isip ko bago ko tuluyang burahin ang accounts ko.

Natigilan ako nang muling tumunog ang phone ko. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang number ni Jaze sa caller ID. Huminga muna ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko bago ko sinagot ang tawag niya.

Hindi muna ako nagsalita at hinintay siya na magsalita, saglit din siyang natahimik.

“Pwede ba tayong mag-usap bukas?” she asked in a low tone. I bit my lower lip and sighed.

“What for? I bet you don't even want to see me.” I tried to sound strong and unaffected as best as I could. I can do that, I know I can.

“I know you still want to fix our friendship, and so do I. Let's talk tomorrow, here in my house. Zak will be here too... I know you're aware that you can't have him, right? You're aware that you shouldn't give him false hope because you two can't be together now, right?”

Natahimik ako sa tanong niya. Tila malakas na sampal sa mukha ko ang mga binitiwan niyang salita. Gusto ng puso ko na sabihing ‘hindi’, ngunit iba ang lumabas sa bibig ko.

“Of course, I know.”

I shouldn't give myself false hope too, right? Zak and I wouldn't be together again, we're not meant to be together.

* * *

“Bakit sumama ka pa?”

Natawa na lang si Castor at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay niya.

“May sinabi ba si Jaze na bawal akong sumama?” nakangising tanong niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at napaismid.

Nanatili kami sa loob ng kotse niya. Nasa tapat na kami ng bahay ni Jaze ngunit ayaw ko pang pumasok. Parang gusto ko na lang mag-back out at umuwi.

“Hindi dapat nawawala ang second lead sa mga ganitong scene, Angel. Second lead ako sa buhay mo,” tila natatawang sabi ni Castor. Natawa na lang din ako at pabiro siyang hinampas sa braso, kahit papa'no napagaan no'n ang loob ko.

“Ikaw ang leading man ng sarili mong kuwento, wala pa kasi yung leading lady,” sabi ko na lang at tinapik ang balikat niya. Napangisi na lang siya at napailing.

Matapos amg ilan pang minutong pagtambay sa kotse, napagdesiyunan din namin na tuluyang lumabas ng kotse. Agad na nagbukas ang pinto pagkatapos kong pindutin ang doorbell sa gate, pinagbuksan kami ng katulong ni Jaze.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Inakbayan naman ako ni Castor at marahang tinapik ang balikat ko na tila pinapakalma ako. Huminga na lang ako nang malalim.

Dumiretso kami sa dining area. Naabutan ko ro'n sina Jaze at Zak na seryosong nag-uusap.

Naramdaman siguro nila ang presensya namin ni Castor kaya agad silang napalingon sa direksyon namin.

“Angel.” Jaze stood up and smiled at me. I just gave her an awkward smile. This is really not a good idea. We won't be able to fix anything, hindi na namin maibabalik ni Jaze sa dati ang pagkakaibigan namin, alam kong imposible na 'yon.

“Maupo kayo,” nakangiting sabi niya. Napatango na lang ako.

Umupo na kami ni Castor. Pinigilan ko ang sarili ko na mapatingin kay Zak na katapat ni Castor ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko.

I gasped when our eyes met, he's looking at me too. I just avoided his intense gaze and looked at my plate. Looking at him won't be good, I'll just end up giving in again. His eyes are enough to make me feel weak, his eyes are enough to make me love him more.

“Nabalitaan ko kay Cassian na pupunta ka na ng New Zealand.”

Natigilan ako sa sinabi ni Jaze, nanatiling tahimik si Zak at walang kibo na tila ba alam na niya ang tungkol doon. Tipid na ngumiti na lang ako at tumango.

“Oo, gusto rin kasi ng mga magulang ko na sa New Zealand na 'ko tumira,” tipid na sagot ko na lang.

I was taken aback when Jaze held my hand. She sighed and stared directly into my eyes. There's an emotion in her eyes that I couldn't read. Is that sadness? Nah, it's impossible. She hates me.

“Attend our wedding first before you go, Angel.”

Pakiramdam ko natulos ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Nanatili namang nakatingin sa akin si Jaze habang nakahawak sa kamay ko. Pakiramdam ko hinang hina ako, pakiramdam ko anumang oras bibigay ang katawan ko.

Naisip ko na na pwedeng mangyari 'to, pero bakit tila may sumasaksak pa rin na patalim sa puso ko? Bakit ang bilis? Bakit magpapakasal sila kaagad?

Paano kung... Paano kung hindi naman pala si Zak ang ama? Paano kung iba pala?

Bakit ko ba pinapaasa ang sarili ko?

Ako ang pumiling tapusin ang lahat sa amin ni Zak, bakit ko pinapaasa ang sarili ko sa mga imposibleng bagay? This is reality, I'm not in a drama where impossible circumstances happen... This is reality that says Zak and I aren't made for each other.

“Naka-schedule na ang flight ko,” tipid na sagot ko na lang at marahang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko, hindi ko matagalan 'yon, parang mainit na bagay 'yon na pumapaso at lumulusaw sa kamay ko paakyat sa buong katawan ko... hindi ko matagalan.

“H'wag ka munang umalis agad, Angel. Diba aayusin pa natin ang friendship natin? Gusto ko sana na maayos na tayong dalawa bago ka umalis,” sabi pa ni Jaze habang nakatitig sa mga mata ko.

I closed my eyes tightly and inhaled deeply. I can't take this anymore. I sacrificed my happiness with Zakarius for her, siguro naman ay may karapatan na akong gawin 'to.

Nakipaglabanan ako ng titig kay Jaze.

“I don't want to,” mariing wika ko.

Her eyes widened, her lips parted in shock. I raised my eyebrow and smirked at her. I'm so done with this, ayos na sa akin ang matapos ang pagkakaibigan namin ng may lamat kaysa magpanggap ako na ayos lang ang lahat sa aming dalawa kahit alam kong hindi.

“Let's just stop this facade, Jaze. This doesn't suit us, hindi na natin maibabalik ang dati. This whole thing makes me puke. I don't want to reconcile with you, I don't wanna act like everything's fine. Zakarius is now yours, ang selfish mo naman kung hihilingin mo pa na magkaayos tayo.” I stood up and took a deep breath.

Halata pa rin ang gulat sa mga mata ni Jaze dahil sa mga binitiwan kong salita, si Zak naman ay nanatiling walang emosyon habang nakatingin sa akin... Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob na sabihin ang mga 'yon, pakiramdam ko lang na dapat.

“Let's go, Castor.”

Agad akong umalis ng dining area, sumunod naman kaagad sa akin si Castor. Nanatili siyang tahimik hanggang sa makabalik na kami ng kotse.

Napahawak na lang ako nang mariin sa sling bag ko. Akala ko pagkatapos kong sabihin ang mga 'yon kay Jaze, mas lalong bibigat ang pakiramdan ko.

But oddly, it somewhat makes me feel good, maybe, I just have to release everything inside.

Napapitlag ako nang maramdaman kong may kumalampag sa bintana ng kotse, gano'n na lang ang gulat ko nang makitang si Zak ang gumawa no'n. Matiim siyang nakatititg sa akin mula sa bintana.

“Let's talk.”

Hindi ko gaanong narinig ang sinabi niyang 'yon pero alam kong iyon ang ibig niyang sabihin.

My system is in ruckus again. Presensya lang niya, sapat na para magkagulo na naman ang sistema ko... hinding hindi na yata talaga ako makakawala sa pagmamahal sa kanya.

Akmang lalabas na ako para harapin siya ngunit agad na nahawakan ni Castor ang braso ko. He looked at me with concern in his eyes, I just gave him a small smiled and nodded. Napabuntong hininga na lang siya bago binitiwan ang braso ko.

Lumabas na ako ng kotse upang harapin si Zak.

“What the hell do you want?” I asked in a bitch tone. I should be strong, I know I can do this.

He held my hand and looked directly into my eyes, I almost melted because of the intensity of his stare. I can see lots of emotion in his eyes which is unusual... he seems scared, sad, hopeless... I don't know anymore.

“W-why are you giving me to her just like that?”

My heart almost stopped beating when his voice cracked. I avoided his gaze and suppress myself from pulling him into a tight hug. I miss him so much, I miss everything about him...

“Face your responsibility and don't bother me again, Zak.” I looked at him, I did my best to look unaffected, to look strong. “Do you want me to be honest with you?”

Natigilan siya sa tanong ko.

“I hate you, Zak. Galit na galit ako sa 'yo dahil nagkaanak kayo ni Jaze!” Lies. “Kaya h'wag mo ng hayaan na mas lalo kitang kamuhian, h'wag na h'wag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan. Makita ko pa lang ang pagmumukha mo, nangingitngit na ang kalooban ko sa galit. H'wag ka ng magpapakita sa 'kin ulit dahil napalitan na ng galit ang pagmamahal ko sa 'yo!”

Hindi ko na hinintay na makasagot siya, agad akong sumakay ng kotse.

“Let's go, Castor.”

Tila naging signal iyon ni Castor upang paandarin ang sasakyan. Napatingin ako kay kay Zak mula sa side mirror ng kotse. Agad na nanlabo ang paningin ko kasabay ng pag-alpas ng mga luha mula sa mga mata ko.

Bakit gano'n? Bakit ako rin ang nasaktan sa mga binitiwan kong salita sa kanya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.