Chapter Thirty-Three

I didn't know that pushing someone you love away would be this painful. Naiisip ko pa lang na nasasaktan si Zak sa mga sabi ko at pagtaboy ko sa kanya, sobrang nasasaktan na ako... Knowing Zak, he's a crybaby.

"I can't say that you did the right thing, I'm in no place to judge that. Ang gusto ko lang, hindi mo pagsisihan ang mga nagiging desisyon mo at pag-isipan mo munang maigi."

Napatingin ako kay Castor na seryoso ang mukha at tutok ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Napabuntong hininga na lang ako at mapait na napangiti.

"Hindi mo lang siguro napapansin, pero palagi mong kinakampihan si Zak sa mga ganitong sitwasyon," napapailing na sabi ko at natawa na lang.

"Hindi naman," pagtanggi niya saka napakamot sa kilay niya.

Natahimik na lang ako at napatingin sa bintana. Pinanood ko ang mga gusaling nadadaanan namin na iba iba ang hitsura at ang taas. Siguro dapat ko ng samantalahin ang mga huling araw ko rito sa Pilipinas. I'll stay in New Zealand for good, together with my child. I'll find a stable job there and will live peacefully. To be honest, I will surely miss the showbiz world, but I don't want to go back there again, lalo pa't magkakaanak na ako.

Nagpahatid na lang ako kay Castor pauwi, bukas na lang ako maggagala-gala bago ako tuluyang umalis. Masyadong na-drain ang energy ko sa nangyari kanina. Gusto ko na lang munang matulog nang matulog ngayong araw.

"Call me if you need something!" sabi ni Castor mula sa loob ng kotse niya. Napangiti na lang ako sa kanya saka tuluyang pumasok sa bahay.

Dumiretso ako sa kuwarto at agad na humiga sa kama. Ni hindi kami inabot ng isang oras ni Castor sa bahay ni Jaze pero napagod agad ako nang ganito.

"Get up, Angel. Get up," I murmured to myself. I need to take a shower first before I go to sleep, pero ang bigat masyado ng katawan ko at hindi ako makabangon.

Ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko para saglit na umidlip. Kahit saglit lang ipapahinga ko muna ang isipan ko kina Jaze at Zak. Gusto ko muna ng katahimikan sa isip ko kahit saglit lang.

NAPABALIKWAS ako ng bangon nang magising ako. I looked at the wall clock and gasped when I saw the time. 4 pm na pala, ang haba ng tulog ko. Baka naman wala na akong itulog nito mamaya.

Napahawak ako sa sentido ko at kinuha ang phone ko. Tatawagan ko na lang muna si Chan, pupuntahan ko siya kung hindi siya busy para makapagpaalam ako nang ayos sa kanya. Malaki rin ang naging utang na loob ko sa lalaking 'yon dahil naka-tiyaga siya sa akin ng ilang taon... Pero malaki rin ang utang na loob niya sa 'kin dahil napagtiyagaan ko ang katangahan niya paminsan-minsan.

Natigilan ako nang makitang hindi ko pa pala nabubura ang instagram account ko. Napangiwi ako at tiningnan muna 'yon bago ko burahin.

Natigilan ako nang makita ang trending sa social media ngayon.

Picture ni Castor na natutulog sa kama, may kasama siyang babae na siyang kumuha ng photo na 'yon. Nakangiti ang babae sa picture at naka-peace sign. Mukhang lasing si Castor dahil namumula pa ang mukha niya sa picture.

kleinczenith: with Castor Raven wahhh! Nananaginip lang ba ako? Huhu. Ang gwapo niya sobra 😭

Napailing na lang ako dahil puro bashers ang nasa comment section, halos lahat bina-bash ang babae sa picture. Kesyo creepy raw ito at desperada... hindi na 'ko nagulat, wild talaga ang mga fans ni Castor.

Ini-stalk ko ang babae sa picture. Artista rin pala ito, underrated actress, I guess? Kaunti lang ang followers nito, kung may mga comments man sa kanya, puro bashers. Marami na talaga siyang bashers bago niya pa i-post ang picture nila ni Castor. Bakit naman kaya ang dami niyang bashers? She looks sweet and kind, she's beautiful too. But well, it won't be good for Castor's career to be involved with her.

Agad kong tinatawagan si Castor, nakailang ring din bago niya nasagot. Mukhang busy talaga siya dahil sa issue niya ngayon.

"Hello." He sounds stressed out. Hindi na ako nagulat.

"Ano'ng meron ha? Sino yung girl na kasama mo sa picture? Siya na ba ang leading lady sa buhay mo?" tila nanunuksong tanong ko.

"She's not," tila naiinis na sabi nito. Natigilan ako. Parang ngayon ko lang yata narinig na ganito ang tono ng boses niya, maliban na lang kapag si Zak ang kausap niya. Mukhang problema talaga ang dinala sa kanya ng babaeng kasama niya sa picture.

"Why not? She's beautiful," I said while looking for that woman's pictures.

Gusto kong malaman ang dahilan bakit marami siyang bashers, bukod sa picture nilang dalawa ni Castor.

"I need to take care of something, bye."

My forehead creased when Castor immediately ended the call. I just shook my head and chuckled.

Parang ayaw ko muna tuloy umalis, parang gusto ko munang masaksihan ang magiging love life ni Castor.

* * *

"Wow, ililibre mo talaga ako, Angel? Kahit anong gusto ko?!" excited na tanong ni Chan habang nakahawak sa braso ko.

I glared at him and smack his arm. Napaka-ingay talaga ng lalaking 'to.

"Hinaan mo nga ang boses mo. Para saan pa 'tong disguise ko kung ipagsisigawan mo rin pala ang pangalan ko?!" naiinis na asik ko. Napaismid na lang si Chan saka napanguso.

Naka-face mask pa ako at naka-shades para lang hindi makilala kahit mukha akong ewan para lang mabili ko ang mga gusto niya rito sa mall.

"Bakit? Ikaw lang ba ang Angel ang pangalan sa mundo?" bulong niya na narinig ko naman. Inirapan ko na lang siya.

"Whatever, just say what you want me to buy for you, anything... h'wag lang house and lot at kotse," sabi ko na lang saka hinila siya.

Napahawak si Chan sa baba niya na tila nag-iisip.

"Ah, I want donuts and sundae," nakangiting sabi niya saka itinuro ang stall ng donuts. Napakunot ang noo ko.

"Iyon lang ang gusto mo?"

"Hindi, meron pa, pero nagugutom na ako, e. Halika!" Hinila niya ako sa bilihan ng donuts. Nagpatianod na lang ako sa kanya.

Ibinili ko siya ng isang box ng donuts. Kinain niya 'yon habang naglalakad kami.

"Angel, ito!" Itinuro ni Chan ang bilihan ng keychain na tag-fifty pesos lang yata. Hinila niya ako papunta ro'n.

"Ano riyan ang want mo?" tanong ko.

Ipinakita niya sa 'kin ang keychain na dalawang heart na kulay pink na may balahibo na parang ewan. Napatango na lang ako at binayaran 'yon.

"What else do you want?" I asked. Chan attached the keychain on his bag's zipper.

"Wala na."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Wala na?" I asked as if I heard it wrong. Chan nodded like a kid while staring at his keychain.

"Oo, iyon lang naman ang gusto ko, e," sagot naman niya.

Bakit hindi man lang siya nagpa-libre ng mamahaling damit or alahas? Sinabi ko naman sa kanya na ililibre ko siya ng kahit anong gusto niya. Nahirapan akong ilibre siya dahil puro mumurahin ang gusto niya, puro blue bills lang ang laman ng wallet ko... Hmm, kaya siguro siya nagustuhan ni Cassian.

"Chan, who's Klein Czenith na nai-issue kay Castor ngayon? Nilibre talaga kita ngayon para maki-tsismis dahil ayaw magkwento ni Castor." at para na rin malimutan sina Jaze at Zak kahit sandali.

"Ah, si Klein, artista rin siya sa agency ni Cassian. Palagi siyang nagpapa-picture sa 'yo noon kada nakikita ka niya sa agency. Hindi mo ba naaalala?" tanong ni Chan.

"I don't remember," I murmured and held my chin.

"Sumisikat na siya noon, kaso na-issue siya na naging kabit ng isa ring sikat na artista, may issue pa siyang isa na nalimutan ko. Kaya ayun, nag top 4 siya last year sa most hated celebrities in the Philippines. Hindi siya inalis ni Cassian sa agency kasi nakakaawa. Ang malas lang talaga ni Castor at kay Klein pa siya na-involve, pero ginagawan na naman nina Cassian ng paraan 'yung issue ngayon."

Napapatango na lang ako habang nagku-kuwento si Chan. I don't want to judge that Klein girl easily, baka naman naipit lang siya sa sitwasyon or what.

"By the way, wala ka na ba talagang gusto?" tanong ko pa kay Chan. Tumango naman siya agad.

Natigilan ako nang mapatingin sa store ng home appliances. Agad na nanghina ang mga tuhod ko nang makita ro'n sina Zak at Jaze. Napalunok ako at napakapit nang mahigpit sa braso ni Chan upang kumuha ng lakas.

May ipanakitang oven si Jaze kay Zak. Bahagyang ngumiti si Zak saka tumango. Pakiramdam ko may mabigat na dumagan sa dibdib ko dahil sa nasaksihan.

"Angel, are you alright?" tila nag-aalalang tanong ni Chan.

I smiled faintly at him and nodded. I took a deep breath to calm myself. Hindi ko dapat nararamdaman 'to, wala na akong karapatan maramdaman 'to pagkatapos kong itaboy si Zakarius.

"I'm fine... I-I just want to go home, sorry, Chan. N-nahilo kasi ako, e. Mauuna na 'ko."

Hindi ko na hinintay na makasagot si Chan, agad ko siyang tinalikuran. Nagmamadali akong lumabas ng mall dahil pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko anumang oras.

I finally have a reason to leave as soon as possible. Just seeing them together like that, smiling at each other, already pains me... paano pa kaya kapag ikinasal na sila?

Akmang papasok na ako ng kotse nang may humawak sa braso ko. Agad akong napalingon sa humawak no'n at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang si Zakarius 'yon.

"Angel," he murmured. I gulped and removed his grip on my arm.

"W-what are you doing here?" I asked, I tried to sound strong and unbothered but my own voice failed me.

Zakarius removed my shades and looked into my eyes directly. Nanghina ang mga tuhod ko nang mapatingin ako sa asul niyang mga mata. I pushed his chest and took my shades from him.

"Why are you crying?" he asked and held my cheeks gently. He wiped my tears there with much gentleness and care.

I felt like I'm hypnotized while he was caressing my cheeks. I was about to push him away again but I ended up touching his chest, tila roon ako kumapit at kumuha ng lakas dahil pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko anumang oras.

Napatingin ako sa paligid, walang masyadong tao rito pero paniguradong may makakakilala pa rin sa amin.

Zakarius held my chin and made me face him. He sighed and hugged my waist, he rested his chin on my shoulder and hugged me tightly, tila ba wala siyang pakialam kahit pa may makakita o makakilala sa amin.

"Nagseselos ka ba?" tila bulong na tanong niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at sinubukan siyang itulak ngunit mas hinigpitan niya lang ang yakap sa akin.

"H-hindi ako nagseselos! Lumayo ka nga sa akin!" Sinubukan ko ulit siyang itulak ngunit nagmatigas siya.

"I'm sorry for making you cry," he muttered and buried his face on my neck. I hissed and tried to push him again, hindi ba siya nahihiya sa mga makakakita?!

Tila nakahinga ako nang maluwag nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin, pero hindi ko alam kung bakit parang lumamig ulit nung hindi na siya nakayakap sa 'kin... pakiramdam ko may kulang na ulit sa pagkatao ko.

Natigilan ako nang ngumiti siya sa akin saka kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Let's talk later, hmm? I'll go to your house and we'll talk about something. H'wag ka ng umiyak, I don't love her, I will never love her. Ikaw lang ang mahal ko," anas niya saka dinampian ng halik ang noo ko.

Agad na nag-init ang magkabilang pisngi ko sa ginawa niya. Napaiwas na lang ako ng tingin at itinulak siya sa dibdib niya.

"W-wala tayong pag-uusapan, doon ka na lang kay Jaze, saka 'di ba sabi ko magagalit na talaga ako kapat nagpakita ka pa sa 'kin?!"

Napabuntong hininga si Zak sa sinabi ko.

"Don't you love me anymore? Mag-uusap lang naman tayo, e," he said and avoided my gaze.

My heart almost fell when his lips slightly pouted. I bit my lower lip and took a deep breath... What the hell? Bakit siya nagpapa-cute sa akin nang ganyan?

Akala niya yata ay madadaan niya 'ko sa ganyan.

"Fine! Ano ba'ng pag-uusapan natin?!" naiinis na tanong ko.

Zakarius' face gleamed with delight and smiled at me again. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"We will talk about us," sabi niya habang nakahawak pa rin sa mga kamay ko.

"Why will we talk about us? Baka nakakalimutan mo na may responsibilidad ka kay Jaze?" nakataas-kilay na tanong ko.

"I know... pero mamayang gabi, magkakabalikan na tayo," tila confident na sabi niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa mga mata niya at bahagya siyang itinulak palayo.

"Ewan ko sa 'yo!" asik ko saka agad na pumasok sa loob ng kotse ko saka pinaharurot 'yon.

Naramdaman ko ang mga kamay kong nanginginig pa rin habang nakahawak sa manibela. Napalunok na lang ako at pilit na pinakalma ang sarili ko.

What the hell? Muntik na naman akong bumigay sa kanya.

ILANG ORAS na rin yata ang nakalipas simula ng makauwi ako galing sa mall, pero ito pa rin ako, nakatulala habang nakaupo sa kama ko.

Ano ba'ng dapat kong gawin?

Parang ayaw ko na lang na mag-usap kami, paano kung bumigay na talaga ako nang tuluyan sa kanya? Paano si Jaze at ang anak nila ni Zak?

Napabalikwas na lang ako ng tayo saka agad na kinuha ang maleta ko na ilang araw ng nakahanda. Siguro ay tataguan ko na lang siya, kay Chan na lang muna ako mags-stay hangga't hindi ako naalis.

Hindi kami pwedeng mag-usap ni Zak. Sigurado ako na kapag nag-usap kami sa pagkakataong 'to, bibigay na talaga ako nang tuluyan... at hindi pwedeng mangyari 'yon, hindi.

Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan si Chan, laking pasasalamat ko nang sagutin niya kaagad ang tawag ko.

"Hello, Angel, bakit ka napatawag?" tanong ni Chan.

"Pwede bang diyan muna 'ko sa 'yo tumuloy. Don't worry, malapit na rin naman akong umalis, kailangan ko lang muna ng matutuluyan," sabi ko na lang saka kinagat ang kuko ko.

"No problem, wait kita rito." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you!"

Agad akong lumabas ng bahay nang matapos kong tawagan si Chan. Hindi na ako nagdala ng kotse, sumakay na lang ako ng taxi papunta sa bahay ni Chan.

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip habang nasa loob ako ng taxi. Ayos lang ba na hindi ko na pakinggan si Zak?

Napailing na lang ako at huminga nang malalim. Haharapin ko na lang ang desisyon kong 'to.

Natigilan ako nang mag-vibrate ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang makitang kay Cadence galing ang text.

Cadence: Pasensya ka na ha, God bless.

Ano raw? Ano'ng ibig sabihin ng text na 'to?

Magre-reply na sana ako ngunit biglang tumigil ang taxi. Napakunot ang noo ko, at nagtatakang napatingin sa driver.

"Manong, bakit po kayo tumigil?" nagtatakang tanong ko.

"Ma'am, ano po kasi... may nakaharang na kotse sa daraanan natin," sagot ng driver at napakamot sa batok niya.

Napatingin ako sa daan, may nakaharang nga na itim na kotse ro'n. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong tila pamilyar ang kotseng 'yon.

Bumigat ang paghinga ko nang bumaba na ang driver ng kotse na nakaharang sa harapan namin, nakasuot ito ng itim na leather jacket. Mas lalong bumigat ang paghinga ko nang mapagtantong si Zakarius 'yon.

Lumapit siya sa taxi at tumingin sa akin mula sa bintana. He's glaring at me as if I did something unforgivable.

"Labas!" sigaw niya habang nakatitig nang masama sa akin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Bakit siya nagagalit?

"Manong, umikot na lang po tayo," sabi ko na lang sa driver.

Kinatok ni Zak ang bintana ng taxi driver. Napabuntong hininga na lang si manong at ibinaba ang bintana niya. Napasinghap ako nang makitang inabutan ng pera ni Zak si manong. Napakamot na lang si manong sa batok niya.

Muling bumalik sa akin si Zak at binuksan ang pinto ng taxi. He held my wrist tightly and pulled me out of the car. Kinuha niya rin ang maleta ko at hinila ako papunta sa kotse niya.

"Bitiwan mo 'ko! 'Di ba may usapan tayo na h'wag ka ng magpapakita sa akin! Gusto mo bang magalit na talaga ako sa 'yo nang--" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Ikaw pa talaga ang magagalit, Angel?! Ikaw pa talaga ang may karapatang magalit?! Hindi ba dapat ako?!"

Napapitlag ako nang bulyawan niya ako. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit sa akin. Halos mamula na ang buong mukha niya sa galit. Napasinghap ako nang basta na lang niya ihagis ang maleta ko sa loob ng kotse niya.

Muli niya akong hinarap, bahagya akong napaatras dahil sa sama ng tingin niya sa akin. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa tingin niyang 'yan. Zakarius never looked at me like this before. Tila ba galit na galit talaga siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

He took a deep breath and gripped his own hair, he bit his lower lip and closed his eyes tightly. Tila ba pinipigilan niyang sumabog sa inis.

Muli siyang tumingin sa 'kin, nanghina ang buong katawan ko nang makitang namumula ang mga mata niya, napaiwas siya ng tingin sa 'kin nang tuluyan ng umalpas ang mga luha mula sa mga mata niya.

"Ibinigay mo na lang ako kay Jaze ng basta basta na parang gamit lang ako na pwedeng ibigay... And fuck, you didn't tell me that you're pregnant, you're planning to leave for good without even telling me... Tang ina, mahal mo ba talaga ako, Angel? B-bakit sobrang babaw naman yata ng pagmamahal mo sa 'kin?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.