Nanatili akong tahimik habang nasa biyahe, pasimple akong napatingin kay Zak na seryoso pa rin ang mukha habang nagmamaneho. I don't know where he'll take me, I can't even open my lips to ask him.
Hanggang ngayon hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya kanina, pakiramdam ko tuloy masyado ko siyang nasaktan, pakiramdam ko mababaw talaga ang pagmamahal ko sa kanya gaya ng sinabi niya kanina.
Natigilan ako nang tumigil na ang kotse. Agad akong sumilip sa labas. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong nasa labas kami ng bahay ni Jaze. Nagtatakang napatingin ako kay Zak.
“What are we doing here?”
He didn't answer. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. He held my wrist and pulled me out of his car. I grimaced because he's holding me too tight, pakiramdam ko madudurog ang buto ko kapag nagtagal pa ang paghawak niya sa akin... obviously, he's still mad at me.
He pressed the doorbell, saglit lang kaming naghintay at agad na kaming pinagbuksan ng katulong ni Jaze. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang muli niya akong hilahin papasok sa loob.
“Zak, I'm hurting,” I murmured and touched his hand gripping my wrist. Natigilan naman siya at agad na napabitiw sa akin.
He sighed and checked my wrist, bahagyang namula iyon. He bit his bottom lip as his expression softened. He looked at me and gently caressed my wrist.
“Sorry,” he muttered and turned his gaze away from me.
Agad na nawala ang kaba ko dahil sa simpleng salita galing sa kanya.
He held my other wrist, hindi na mahigpit kagaya ng kanina. Nagpatianod na lang ako sa kanya dahil baka mainis na naman siya. May atraso pa man din ako sa kanya.
Naabutan namin si Jaze sa living room. She's sitting on the couch while typing something on her laptop. Napatingin siya sa amin nang maramdaman niya ang pagdating namin. She smiled at us and closed her laptop and put it on top of the table.
“Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa 'ko naghihintay,” sabi ni Jaze saka tumayo at lumapit sa amin. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Agad kong inalis ang pagkakahawak ni Zak sa kamay ko.
“I'm so drained, Jaze. Explain everything to her.”
Natigilan ako nang talikuran na kami ni Zak. Lumabas na siya at iniwan kaming dalawa ni Jaze rito. Nagtatakang napatingin ako kay Jaze. Ano ba'ng nangyayari?
“Why don't we take a sit, Angel?” tanong ni Jaze.
Kahit naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, tumango na lang ako. Umupo na kami ni Jaze sa couch.
“Bakit dinala ako rito ni Zak? Ano'ng sasabihin mo sa 'kin? Ano ba'ng meron?” sunod-sunod na tanong ko.
Napabuntong hininga si Jaze saka napakamot sa batok niya.
“Ayaw mo siguro ng patumpik-tumik pa 'no? So, I think I'll just go straight to the point,” she said and gave me a weak smile. My forehead creased, I'm so confused right now.
“Hindi si Zakarius ang ama ng ipinagbubuntis ko,” sabi ni Jaze habang nakatitig sa mga mata ko.
Natahimik ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko tila binuhusan ako nang malamig na tubig. Tila hindi kaagad nag-proseso sa isip ko ang sinabi niya.
“What the hell are you saying? Pwede ba, ayaw kong makipagbiruan ngayon,” naiinis na sabi ko at napaiwas na lang ng tingin sa kanya.
Jaze held my hand, napatingin ako sa kanya. Her eyes softened and glistened at the same time. She took a deep breath and held my hand tightly.
“I know, I became desperate, I ruined our friendship because I love Zak too much. Parang nawala ako sa sarili ko noong siniraan kita sa mga tao. You know, I never loved anybody, si Zak lang talaga. Siguro hindi ko matanggap na all this time, all those years that we spent together, he still loves you, he never stopped loving you. Maybe, it drove me insane. Maiintindihan ko naman kung hindi mo ako papatawarin, hindi rin kita pipilitin.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatungo. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa inamin niya.
“Buntis na ako simula nang sumulpot ulit ako, obviously, Zakarius is not the father. Tinanong niya ako kung siya ba talaga ang tatay kahit alam niya sa sarili niya na walang nangyari sa amin... Idinahilan ko na lang na may nangyari sa amin noong nalasing siya, iyon siguro ang weakness niya, wala siyang naaalala kapag nalalasing siya. Sinabi ko na may nangyari sa amin kahit wala, I did that to hide from the true father of my child, well, I kinda hoped that... that Zak will marry me and love me back. I'll be honest, I still love him, I still love Zak. Pero napag-isip isip ko na parang... parang hindi na ako 'to. Binubulag na ako ng pagmamahal ko kay Zak. Naisip ko na nagawa kong abandonahin ang nag-iisa kong kaibigan at karamay sa buhay para lang sa kahibangan ko.”
Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa huling sinabi niya. Napatingin ako kay Jaze. Mapait na ngumiti siya sa akin, namumula na rin ang mga mata niya at makikita sa mga 'yon ang nagbabadyang mga luha.
“I really love him, Angel. I really love Zakarius. Sinubukan kong lumayo, sinubukan kong magmahal ng iba... I even got pregnant, but I still love him. Ayoko ng sumobra pa 'to, ayoko ng dumating ako sa punto na tuluyan na akong mahibang dahil sa pagmamahal ko sa kanya kaya itinigil ko na. S-sorry kung naging hadlang ako sa inyong dalawa, nasayang ang ilang taon sa buhay niyo na sana nagmamahalan kayo. Sorry kung naging selfish ako at hindi ko inisip ang nag-iisang best friend ko, sorry dahil naging hadlang ako sa inyo ni Zak, sorry for ruining your career, your dream... I know apology is not enough, I know this is not enough, but I still want to say sorry for everything. Hindi ko hinihiling na patawarin mo kaagad ako, kahit ilang taon pa 'yang abutin, kahit hindi mo na ako patawarin.” She forced a smile and wiped her tears. “By the way, kanina lang nalaman ni Zak na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ko. Alam kong nakita mo kami sa mall kanina, but don't worry, nagpasama lang ako sa kanya. Ikaw lang ang mahal ni Zak mula noon hanggang ngayon kaya wala kang dapat ipag-alala. Bukas din, lilinisin ko ang pangalan mo, aaminin ko na ang totoo sa mga tao.”
I sighed and smiled at her. Natigilan siya nang marahan kong hinaplos ang kamay niya.
“You don't have to do that. Wala na akong planong bumalik sa showbiz. Actually, I'm pregnant too, I want to give my child a peaceful life. Makakalimutan din naman ako ng mga tao, lilipas din 'yon... About everything, I couldn't tell that I finally forgave you. It will take time, pero hindi naman siguro matatagalan. Kailangan ko lang sigurong mag-isip, kasi mahal na mahal ko rin si Zak, Jaze, mula noon, wala akong ibang minahal maliban sa kanya. Naiisip ko pa lang ang ilang taon na sana ay magkasama kami, nanghihinayang ako. Nasasaktan din ako dahil nagawa mong balewalain ang pagkakabigan natin at nagawa mong pagdudahan ang pagiging kaibigan ko sa 'yo.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napatungo.
Saglit kaming natahimik pareho. Bakit ba nauwi sa ganito ang pagkakaibigan namin?
Kasalanan ni Zak.
“I understand, Angel. Hindi naman kita pinipilit na patawarin agad ako, take your time,” she said and smiled at me. Napangiti na lang din ako.
“I know this question is kinda offending, but I still want to ask you this, Jaze. Everything that you said, do you really mean it? I mean, it's so sudden. Parang noong nakaraan lang, parang desidido ka na ikasal kayo ni Zak. Why sudden change of heart? I'm sorry for suspecting you... I just want to make sure,” I mumbled.
“I know it won't be easy for you to trust me again, but I decided to finally give up because I realized what I've been doing all this time. Napagdesisyunan ko rin na umalis na lang ng bansa at pumunta sa tita ko sa abroad. I told you, 'di ba? Tinataguan ko ang totoong tatay ng baby ko,” sabi niya saka marahang hinaplos ang tiyan niya. Napakunot ang noo ko.
“Bakit mo siya tinataguan? Pwede ko bang malman kung sino siya?” tanong ko. Tipid na ngumiti si Jaze.
“H-he's not important,” sabi na lang na saka napaiwas ng tingin sa 'kin. Napatango na lang ako at hindi na siya pinilit na magsalita.
MATAPOS ANG matagal din naming pag-uusap, lumabas na kaming dalawa. Natigilan kaming pareho nang makita si Zak na may kausap na lalaki. Napakunot ang noo ko, hindi pamilyar sa akin ang lalaking 'yon.
“Zak.” Tinawag ko si Zakarius, agad naman siyang napalingon sa direksyon namin pati ang lalaking kausap niya.
Lumapit ako kay Zak. Napatingin ako sa lalaking katabi niya na ngayon ay nakatitig na kay Jaze. Sino naman ang lalaking 'to?
I admit, he's handsome as hell. Matangkad din ito kagaya ni Zak at halatang matipuno ang katawan. He's wearing a black t-shirt and pants, kitang kita ko ang tattoos sa mga braso niya. He's almost fully tattooed, maski leeg niya ay may tattoos, mukha na lang siguro niya ang wala, but honestly, he looks hot with those tattoos.
“Stop staring at him,” tila naiinis na sabi ni Zak at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya.
“Tang ina, pinahirapan mo 'kong hanapin ka, Jazelyn,” mariing mura ng lalaki at lumapit kay Jaze.
“Who is he?” bulong ko kay Zak. Hindi naman siya sumagot. Sungit.
“A-ano'ng ginagawa mo rito, Damien?!” naiinis na tanong ni Jaze at itinulak palayo ang lalaki.
I gasped when that guy Damien held Jaze's arm and pulled her closer to him. My forehead creased in confusion, who the hell is that Damien guy?
“Zak, baka kailangan ni Jaze ng tulong natin. Sino ba ang lalaking 'yan?” muli kong bulong kay Zak.
Baka saktan pa ng Damien na 'yan si Jaze. Mukha pa namang barumbado ang lalaking 'yon, kahit pa gwapo siya, hindi ko basta basta iiwan si Jaze sa kanya.
“Bakit mo 'ko tinakasan ha?! Buntis ka at ako ang tatay niyan! Ano'ng karapatan mong tumakas?! Akala mo ba ikaw lang ang gumawa sa bata?” mariing tanong pa ni Damien.
Napaawang ang labi ko at napatakip sa bibig ko. Kung gano'n... ang Damien na iyan ang ama ng ipinagbubuntis ni Jaze?
“Let's go,” sabi na lang ni Zak at hinila ako papasok sa kotse niya.
Muli kong sinilip sina Jaze at Damien na mukhang nag-aaway pa rin hanggang sa pumasok na si Zak sa kotse. Hinabol ko pa rin ng tingin sina Jaze kahit na pinaharurot na ni Zak ang sasakyan.
I looked at Zak and held his arm.
“Zak, that Damien guy might do something harmful to Jaze. Balikan natin si Jaze doon,” nag-aalalang sabi ko.
“Don't judge him by his appearance,” tipid na tugon na lang niya.
“I'm not judging him by his appearance... okay, fine, I'm kinda judging him because it looks like he'll punch Jaze kapag nagalit siya,” nag-aalalang wika ko na lang.
“Let them handle their problem, you have your own problem you need to deal with,” he said coldly. I sighed and bit my lower lip. He's still mad at me, huh.
SA BAHAY niya kami dumiretso. Hindi na lang ako nagsalita nang kuhanin niya ang maleta ko saka hinila ako palabas ng kotse niya. Nagpatianod na lang ako sa kanya nang hilahin niya ako papasok sa bahay niya.
Tahimik na lang ako nang dalhin niya ako sa naging kuwarto ko rito. Inilagay niya ang maleta sa gilid ng kama at pinaupo ako ro'n.
“Take a rest,” tipid na sabi niya saka agad na lumabas ng kuwarto ko.
I bit my lower lip and sighed when he finally left me in this room. I want to apologize to him but it seems like he still don't want to hear my apology now, hindi ko na lang muna siya kakausapin. Mukhang mainit pa ang ulo niya dahil sa mga ginawa ko... I can't blame him.
Napailing na lang ako at kumuha ng damit sa maleta ko. Pumunta ako sa banyo upang mag-shower.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo. Hanggang ngayon, pakiramdam ko hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyari.
Napailing na lang ako at lumabas ng banyo saka nagbihis. Bigla kong naalala si Chan. Agad ko siyang t-in-ext para sabihin na hindi na matutuloy ang pagpunta ko sa bahay niya.
Jaze popped up in my mind too. I immediately dialed her number, baka kung ano na ang ginawa sa kanya ng Damien na 'yon.
Laking pasasalamat ko nang agad niyang sagutin ang tawag.
“Hello, Jaze. Are you all right? I mean, did that Damien guy do something to you?” I asked, concern is evident on my voice.
“No, don't worry. That assh-le will never hurt me, well, he kinda looks and acts like a thug but he's not. I hate him but he's harmless.” Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.
“Is he really the father of your baby?” I asked. Jaze sighed on the other line.
“Unfortunately, he is... By the way, where did Zak take you?”
“Nandito ako sa bahay niya,” sagot ko naman.
Oddly, this conversation of ours feels good. Pakiramdam ko bumalik kami sa dati na komportable kami sa isa't isa.
“Good thing. I forgot to tell you something. I forgot to tell you the real reason why I suddenly disappeared without telling you. Zak hunted me down like crazy because of that, natatakot siya na baka sabihin ko sa 'yo ang tungkol sa natuklasan kong 'yon. Actually, I have photos and videos of it, but it's much better if you'll see it in person... Sa kuwarto ni Zak, meron siyang book shelf. May Italian book doon na ang title ay Angelo della mia vita. Put that book out of the shelf and you'll see a small button there, pindutin mo iyon at makikita mo ang ibig kong sabihin. Makikita mo ang secret room ni Zak.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Angelo della mia vita? Ano naman ang makikita ko ro'n sa secret room kuno ni Zak?
“Ano'ng meron doon?” nagtatakang tanong ko.
“Hmm, just Zakarius' weird and creepy stuff... Just see for yourself, bye.”
Magtatanong pa sana ako ngunit agad niyang binaba ang tawag. Mas lalo tuloy akong na-curious kung ano ang meron do'n.
I sighed and stood up. Before that, I need to eat first. Nagutom ako dahil sa mga naganap at nalaman ko ngayong araw.
Lumabas ako ng kuwarto at agad na nagtungo sa kusina, natigilan ako nang makita ko si Zak do'n at nagluluto. I just cleared my throat to get his attention but he didn't bother to look at me and just continued cooking. I sighed in frustration, hanggang kailan ba siya magmamatigas?
“Zak, I'm hungry,” I mumbled and touched my tummy.
Hindi nagsalita si Zak, palihim ko na lang siyang inirapan.
I took a deep breath to gather my courage. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanya mula sa likuran niya. Halata namang natigilan siya sa ginawa ko.
“I'm sorry, Zak. I'm really sorry. Sorry kung sa tingin mo mababaw ang pagmamahal ko sa 'yo, s-sorry kung naging selfish ako at hindi kita inisip, sorry kung itinago ko sa 'yo na buntis ako... Please, talk to me na, I-I can't take this anymore. Babawi naman ako sa 'yo, e. Punish me, do whatever you want. Just please, talk to me again.”
Hindi kumibo si Zak. Natigilan ako nang alisin niya ang pagkakayakap ko sa kanya saka humarap sa akin. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko nang matiim siyang tumitig sa akin.
“It's just... I think this whole thing is so unfair, Angel. Isang salita mo lang, kaya na akong palambutin. I can beg you and fight for my love for you without any hesitation, while you... you didn't even think twice to throw me away like a piece of garbage. This is honestly unfair because I think I love you a hundred times more than you love me.”
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya.
“It's not like that, Zak,” I mumbled and avoided his gaze.
Zakarius sighed and turned his back on me again. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa niluluto.
“It's fine, it's fine if I love you way more than you love me, it's fine if your love for me is shallow. Just don't... don't push me away again, and don't try to leave me again.” It almost came out as a whisper because his voice is too weak. I just bit my lower lip and nodded even though he can't see me.
Pinanood ko na lang siya hanggang sa ilagay na niya sa plato ang niluto. Inihain niya 'yon sa mesa saka hinila ako paupo sa upuan. He took a spoon and fork and gave it to me, naghanda rin siya ng tubig at iniabot sa 'kin.
Galit siya sa akin pero pinagsisilbihan niya pa rin ako nang ganito... Natigilan ako at napatingin sa kanya.
“Are you doing this because I'm pregnant?” I asked. Zakarius looked at me and sighed.
“No, I'm doing this because I love you,” he muttered and took his phone out of his pocket.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at uminom ng tubig dahil pakiramdam ko nag-iinit ang magkabilang pisngi ko.
“May kailangan akong puntahan. Call or text me if you want something...” Zakarius kissed my forehead. “...and I'm still mad at you.”
Pagkasabi no'n ay agad siyang umalis ng dining area. Napaismid na lang ako habang hinahabol siya ng tingin. Saan naman kaya siya pupunta?
Kumalam ang sikmura ko. Napailing na lang ako at nagsimulang kumain. Mamaya ko o bukas ko na lang ulit siya kakausapin. Medyo inaantok na rin kasi ako, masyadong napagod ang isip ko sa mga nangyari.
Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na ang plato saka muling bumalik sa silid ko. Papasok na sana ako sa kuwarto ko ngunit napatingin ako sa pinto ng kuwarto ni Zak. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Jaze sa akin kanina.
I entered Zakarius' room, his room is still clean and neat as always. Mas malinis pa yata ang room niya kaysa sa room ko.
Agad na naagaw ng bookshelf na malapit sa TV ang atensyon ko. That's the only bookshelf here in his room. Maybe that's what Jaze is talking about.
Lumapit ako ro'n at hinanap ang Angelo such na book. Natigilan ako nang may makitang book na Angelo della mia vita, this is it.
Kinuha ko ang libro at tama nga si Jaze, may red button nga roon. Dahil sa kuryosidad, agad kong pinindot ang button na 'yon at gano'n na lang ang gulat ko nang gumalaw ang bookshelf.
Agad akong napaatras nang kusang umurong ang bookshelf pagilid. May pinto sa likod ng bookshelf, marahil ito ang sinasabi ni Jaze na secret room kuno ni Zak.
I gulped and held the doorknob with my shaking hand. Luckily, the door wasn't locked at nabuksan ko iyon.
Napakunot ang noo ko, sobrang dilim sa secret room na 'to. Kinapa ko ang dingding sa gilid dahil baka may light switch doon or what. Agad kong pinindot ang switch nang may makapa ako at agad na nagbukas ang ilaw.
Natigilan ako sa bumungad sa akin.
“What the fuck is this?” I mumbled and covered my parted lips with my hand due to shock.
This room... this room have a lot of pictures on the wall, my pictures. Halos maduling ako sa dami ng pictures ko na nakadikit sa pader. Lumapit ako ro'n upang tingnan nang malapitan.
My goodness.
Pati pictures ko nang mga panahong reporter ako ay meron din. Karamihan ay pictures na noong artista ako, yung iba ay mukhang kinuha or pinilas magazines. Iyong iba naman ay pictures tuwing natanggap ako ng awards.
Halos mapuno ang bawat sulok ng silid ng pictures ko. Ano ba ang mga 'to?
Napapitlag ako nang makarinig ng kaluskos. Agad akong napalingon sa pinto at nakita ko si Zak doon na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
“What are you doing here?” he asked in a cold tone. I gulped and bit my bottom lip.
He should be the one to be nervous, right? I mean, bakit parang ako pa ang kinabahan na nakita niya ako rito sa secret room niya?