Chapter Thirty-Five

“What the hell is this, Zakarius?”

Zak turned his gaze away from me. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka hinila ako palabas ng silid na 'yon. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko.

“What are those, Zak? Ano'ng trip mo at ang dami kong pictures doon?!” I asked hysterically.

Zak scratched his nape, he sighed and bit his bottom lip.

“Just forget about that, aalisin ko na rin naman 'yan,” sabi na lang niya habang hindi pa rin makatingin nang ayos sa akin. I rolled my eyes at him.

“No, explain that to me! I love you, Zak, but that is honestly creepy,” I said and pointed his secret room or whatever the hell he calls it.

“Is it really creepy?” Zakarius asked and scratched nape again. He looks like a lost puppy or what.

“Of course! Kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko, nakita mo akong may secret room kuno na punong puno ng pictures mo, ano'ng mararamdaman mo ha?” nakataas-kilay na tanong ko.

“Kikiligin ako,” agad na sagot ni Zak. Napaawang na lang ang labi ko saka napakurap. “Fine, Cadence said the same thing when he discovered that, he said it was creepy. I didn't thought it would turned out like that. I'm just collecting your magazines everytime I see one. At first, I just planned to make it a photo album, pero nakakapagod magbuklat nang magbuklat. So I just pasted all of it on the wall for easy viewing. I know this is kinda creepy--” agad kong pinutol ang sasabihin niya.

“Anong kinda?! That is so creepy on so many levels, Zak!” I sighed and massaged my temple.

Napatungo si Zak at halos hindi na talaga ito makatingin nang ayos sa akin.

“I'm sorry if that creep you out. As you can see, originally, it was my room for my ammunitions... b-but, I'm sorry, okay? Tatanggalin ko na ang mga 'yan, promise,” sabi na lang niya at humawak sa braso ko.

“Are you obsessed with me or what?” I asked. Zakarius was taken aback with my question.

“No, it's not like that. Ang assuming mo naman.”

Gusto ko sanang matawa sa sinabi niya na ang assuming ko, kaso dapat kong panindigan na seryoso ako ngayon.

“That is what that fucking room indicates, Zak. You are obviously obsessed with me, and it's not good,” tila nanenermong sabi ko.

“I'm not obsessed with you. I just bought some of your magazines and watched your movies. I mean, I promised you back then that when you became an actress, I'll be your director but everything became fucked up. I know that's creepy, tatanggalin ko na rin naman 'yan, e,” paliwanag niya. Napataas ang kilay ko.

“You bought my magazines and watched my movies? Anong dahilan 'yan? May picture doon noong reporter days ko, Zak. Obviously, you stalked me,” I accused. His forehead furrowed.

“Hey, I didn't stalk you, I'm not a stalker. Kinuha ko lang sa diyaryo ang mga pictures mo noong reporter ka pa. I didn't stalk you,” pagtanggi niya.

I crossed my arms over my chest and raised my eyebrow. I stared at him, Zakarius is still avoiding my gaze. Namumula na ang mukha niya dahil siguro sa hiya.

“But we can't deny the fact that you're crazily in love with me, as in crazily. Remove my pictures in that secret room of yours, Zakarius. Ang creepy talaga, kahit sino maki-creepy-han diyan. Sino ba naman ang matinong tao na magdi-dikit ng sandamakmak na pictures na ganyan?!” panenermon ko sa kanya. Napakamot si Zak sa batok niya.

“Cadence did this too with his favorite Korean idols,” bulong niya. Tiningnan ko siya nang masama.

“Magkaiba 'yon,” sabi ko na lang at inirapan siya.

Lumapit ako sa bookshelf at pinindot ang button doon. Muling gumalaw ang bookshelf at muling naharangan ang pinto. Napailing ako at ibinalik ang libro do'n. Muli kong hinarap si Zak na hanggang ngayon ay parang bata na pinagalitan ng nanay niya.

“Bukas dapat wala na ang mga 'yon doon, Zak. Do you understand?” I asked and put my hand on my waist.

Zakarius nodded like a child. I sighed and scratched my eyebrow. Damn this man, he never failed to surprise me every time. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ganito siyang kabaliw sa akin. Akala ko pa naman all these years, ako lang ang may hidden feelings sa kanya, mas malala pala ang nararamdaman niya sa akin.

“So... iyon pala ang dahilan kung bakit hanap ka nang hanap kay Jaze? Dahil nakita niya ang secret room mo na 'yon? Bakit natatakot ka na makita ko 'yon?” nakataas-kilay na tanong ko.

Zakarius held my hand and took a deep breath.

“Jaze discovered that secret room before you and I... you know, happened. I'm afraid that you'll find me creepy and weird... Don't worry, aalisin ko na talaga ang mga 'yon.”

Nanatili akong nakatitig sa kanya.

“Are you sure you aren't obsessed with me or what? Baka naman bigla mo na lang akong ikulong dito sa sobrang obsessed--” agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

“I will never do that! I'm not like that, Angel. Naiintindihan ko na natakot ka sa nakita mo, but I won't take away your freedom from you. I'm not obsessed with you, I'm in love with you, magkaiba 'yon, but I understand that you misunderstood those pictures and found it creepy.” He sighed. “Do you want to end everything now? I won't force you in a relationship with me if you don't want to, Angel.”

I bit my bottom lip and avoided his gaze.

“Kapag sinabi kong ayaw ko, pakakawalan mo talaga ako?” tanong ko.

“Yes, but I guess, I'll just find a way for you to love me again. I'll just court you again,” he said and gave me a small smile.

“Well, we already wasted a lot of time and years in our lives. H'wag na tayong dumaan sa gano'n. That creepy secret room, I'll just let it pass, but don't do it again,” I murmured and looked at his blue eyes. Zakarius just nodded.

“Are you sure you aren't obsessed with--” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Zak ang mukha ko gamit ang kamay niya. Agad ko siyang hinampas at inalis ang kamay niya sa mukha ko. Tiningnan ko siya nang masama.

“Bakit ba ipinagpipilitan mo 'yan?” nakakunot-noong tanong niya. Inismiran ko naman siya.

“Well, kasi, mga obsessed na tao lang ang gagawa ng gano'n. Kung konting pictures lang understandable pa, pero yung gano'ng karami?” Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko.

“Then you're obsessed with me too,” Zakarius said. My eyebrow shot up with his remark.

“Bakit naman?” tanong ko.

“I saw your photo albums in your room before. You have thick photo albums in your drawer with my pictures inside. Marami 'yon, halos katumbas ng pictures mo sa secret room ko,” sabi ni Zak saka pinaningkitan ako ng mga mata. Napasinghap ako sa sinabi niya.

“H-how did you know that?! Pinakialaman mo pala ang mga gamit ko kung ganoon?!” nakapamaywang na tanong ko. Idadaan ko na lang sa galit ang hiyang nararamdaman ko ngayon.

Totoo naman kasi na may pictures siya sa akin. Pero ang OA naman ng sinabi niya na katumbas ang dami no'n sa pictures na nasa secret room niya.

“That's not the issue here, Angelica Louise. To be honest, It creep me out too when I saw that. It's obvious that you're crazily obsessed with me.” Napangiwi pa si Zak at napayakap sa sarili niya. Napasinghap naman ako sa naging reaksyon niya.

“Ang kapal mo naman, sine-save ko lang ang nakikita kong pictures mo sa social media, 'no! It was just... just admiration, I admired your handsome face, nothing more, nothing less. Ikaw 'tong assuming, e!” asik ko saka itinulak siya palayo sa akin.

“Oh, really?” tila nang-aasar pa na tanong niya.

Bakit parang nagkabaligtad yata ang sitwasyon namin?

“Oo nga! Sige, mang-inis ka pa, aalis ulit ako,” pananakot ko. Feeling ko sobrang namumula na ang mukha ko dahil sa usapan naming 'to. Bakit naman kasi ako ang na-hot seat dito?!

“Joke lang, I didn't find it creepy.” Lumapit siya sa 'kin at yumakap sa baywang ko. “Kinilig lang,” bulong niya saka dinampian ng halik ang labi ko. Napaismid na lang ako.

Hindi naman talaga creepy 'yon, e. Na-trip-an ko lang naman ipa-print ang pictures niya dahil... dahil sayang ang binili kong photo album noon. Assuming siya masyado.

“Ano? You're not mad at me anymore?” nagba-baka sakaling tanong ko.

Natigilan siya at kumalas sa pagkakayakap sa 'kin. He crossed his arms above his chest and distanced himself from me. My lips parted because of his childishness. Is he for real?

“Hindi pa rin tayo bati kung gano'n?” nakataas-kilay na tanong ko. Hindi siya sumagot at inismiran lang ako.

Damn him, why is he so cute?

Lumapit ako sa kanya at biglaang yumakap sa kanya. Nawalan naman siya ng balanse kaya napahiga kami sa kama habang nasa ibabaw niya ako. I sat on his stomach and stared at him. Napakurap naman siya sa ginawa ko.

Natigilan siya nang pumaibabaw ako sa kanya at pinupog ng halik ang buong mukha niya... his forehead, his cheeks, his chin, his lips. Hindi naman siya nakagalaw sa ginawa ko.

“W-what are you doing?” nauutal na tanong niya at sinubukan akong alisin sa ibabaw niya pero mas binigatan ko ang sarili ko.

“Nilalambing kita para bati na tayo,” sabi ko saka muli siyang pinupog ng halik.

Tinitigan ko siya pagkatapos ko siyang halik-halikan. Napakurap siya saka napalunok. Namumula ang mukha niya lalo na ang tainga niya, halata rin na pinipigil niya ang paghinga niya.

“Hey, breathe. Masyado ka namang kinilig,” natatawang sabi ko bago saka dinampian siya ng isa pang halik sa labi.

Kinurot-kurot ko ang dalawang pisngi niya.

“You're so cute, my squishy squishy... In love na in love ka talaga sa 'kin, 'no?” I asked and gave him a playful grin.

I squealed when he changed our position, siya naman ngayon ang nasa ibabaw ko. Napahagikhik ako nang siya naman ang pumupog ng halik sa buong mukha ko.

“Zakarius!” I giggled.

“Let's have a date tomorrow, para bati na tayo,” sabi niya matapos halik-halikan ang mukha ko.

Natatawang napailing na lang ako sa sinabi nya.

“Akala ko pa naman sex ang gusto mo,” nakangising sabi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

“You... you're becoming a sex-starved woman,” sabi niya saka pinaningkitan ako ng mga mata.

I traced my finger on his hard chest and pouted my lips. I gave him a soft peck on his lips and smiled.

“Your fault, you're always driving me crazy every time we do that.”

Natawa na lang siya sa sinabi ko.

“Kasalanan ko pa talaga?” natatawang tanong niya. Muli akong napanguso saka tumango.

“Oo nga... but okay, para bati na tayo, fine, let's have a date tomorrow,” I said and clung my arms around his nape.

He let out a manly chuckle and buried his face on my neck. Humiga na siya sa tabi ko at yumakap sa baywang ko. Natigilan ako nang maramdaman kong napunta ang kamay niya sa tiyan ko at marahang hinaplos iyon.

“Many things happened tonight, I didn't get to show you how happy I am knowing that you're pregnant,” he muttered while caressing my tummy. I smiled and held his hand touching my tummy. His hand feels warm, he gave me and my baby the warmth we've been craving for from him in just a simple touch.

“Who told you that I'm pregnant?” I asked even though I already knew the answer to my own question.

“Cadence... it's not for free, but it was worth it,” he mumbled and nuzzled on my neck.

Natahimik na kaming pareho. Napapikit na lang ako niyakap siya pabalik. I stroked his soft hair using my fingers and started humming. Zakarius groaned and pulled me closer to him.

“I missed this so much, Angel... I love you so much,” he murmured. I just bit my lower lip and smiled.

“I love you too.”

I have to admit, Zakarius is one of the best thing that happened to me, and he will always be. Damn, I'm so in love with him too, so in love.

* * *

“How do I look with this dress, Zak?” tanong ko saka umikot sa harapan niya upang ipakita nang mabuti ang simpleng flowy white dress na suot ko. I paired it with beige-colored flat shoes.

Zakarius held his chin and stared at me from head to toe.

“You look ravishing as always,” he said and smiled at me.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at pa-kunwaring inirapan siya para hindi niya mahalata na kinilig ako sa sinabi niya. Kinuha na niya ang car key sa bedside table saka lumapit sa 'kin at hinawakan ang kamay ko.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang naglalakad kami palabas ng bahay niya.

“I don't know,” sagot niya saka pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Nakakunot-noong pumasok ako sa loob.

Nagyaya siyang makipag-date tapos hindi niya pala alam kung saan kami pupunta.

Sumakay na rin kaagad siya sa kotse saka pinaandar iyon.

“Ang low-maintenanced mo talaga palagi, Zakarius fucking Cavalcante,” sabi ko na lang saka napaismid.

Napangiti na lang si Zak at hindi na nagsalita. Hindi na lang din ako kumibo at tumingin na lang sa labas. 5 pm na kaya hindi na ganoong ka-init, ayaw ko rin kasi lumabas ng mainit.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating kami sa park na malapit sa school ko noong high school. Bumaba ng kotse si Zak saka pinagbuksan ako. He held my hand and intertwined our fingers. Napangiti na lang ako saka lumabas ng kotse.

I roamed my eyes around the park. Na-miss ko bigla ang lugar na 'to. Dito ako palaging tumatambay mag-isa noong high school ako. Ang peaceful kasi ng ambiance ng place. Maraming trees, may mga family nagpi-picnic, may mga couples din pero tahimik naman kahit papa'no at hindi ganoong ka-ingay.

Nagsimula na kaming maglakad-lakad. Kaunti lang ang tap rito ngayon pero may ibang napapatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin, wala na ako sa showbiz, wala na akong pakialam sa iisipin nila.

Napangiti na lang ako dahil dito ako naisipang dalhin ni Zakarius, he's kinda simple-minded most of the time, but I love this side of him.

“This is actually the place where I first met you.”

Natigilan ako sa sinabi ni Zak. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

“Akala ko ba sa rooftop mo ako unang nakita?” nagtatakang tanong ko. Napailing naman siya.

“I was around 22 years old that time, I saw you arguing with girls around your age during that time, maybe you were 14 or 15 back then,” kwento niya.

I chuckled and shook my head. War freak talaga ako noong high school, kahit nung college naman.

“Doon ka ba unang na-in love sa 'kin ha? Ano'ng nangyari? Nag-usap ba tayo? Did you approach me or the other way around?” sunod-sunod na tanong ko. Natawa na lang siya tumingin sa akin.

“Secret... I'll tell you when we're finally married. Kaya dapat magpakasal ka sa 'kin para malaman mo,” nakangiting sabi niya.

Damn, what a cute smile.

“Is this indirect proposal or what?” natatawang tanong ko. Napakibit-balikat na lang siya.

Natahimik na ulit kami. Ini-sway sway ko ang kamay naming magkahawak. Ang simple lang nito pero ang sarap sa pakiramdam. Kung yayayain ulit ako ni Zak na maglakad-lakad dito sa susunod, talagang papayag ako.

Natigilan ako nang maramdaman kong naiihi ako. Napatingin ako kay Zak at pinatigil siya sa paglalakad.

“Zak.”

“Hmm? Do you want something?” he asked and looked at me.

“I need to pee,” I mumbled. Natawa na lang siya saka napatango.

“Okay,” sabi na lang niya at hinila ako.

Hindi na lang ako nagreklamo at nagpatianod sa kanya. Naiihi na talaga ako, e.

Natigilan ako nang makarating kami sa mukhang high-end na hotel... CAD group of Hotels. Natawa na lang ako, dito pa talaga niya ako sa mamahaling hotel pai-ihiin. Ang arte talaga.

“Zak, nakakahiya naman kung papasok lang tayo rito para umihi,” bulong ko kay Zak.

Nakakapagtaka na basta na lang kami pinapasok ng guard, ni hindi man lang kami kinapkapan or what noong guard.

“It's fine, Cadence owns this hotel,” sabi na lang niya. Natigilan ako. Kaya pala CAD ang pangalan ng hotel na 'to. Nakikita ko talaga na maraming branch 'to all around the country, umabot pa sa Asia.

Mukhang may bunga naman pala ang pagiging mukhang pera ng Cadence na 'yon.

Hinila ako papuntang CR ng hotel.

Nakakasilaw ang hotel na 'to. Mukhang hindi biro ang bayad sa pag-stay rito. Pati loob ng CR nakakasilaw.

Lumabas na ako ng CR pagkatapos. Naabutan ko si Zak na nakasandal sa pader mula sa di kalayuan habang naghihintay sa akin. Lalapit na sana ako sa kanya ngunit may lalaking humarang sa akin. Mukhang guest siya rito sa hotel at mukhang mayaman din.

“Ikaw si Angel Mendoza, 'di ba?” tanong ng lalaki. Alanganing ngumiti na lang ako saka tumango. “Pwedeng magpa-picture?” tanong niya.

Kahit nag-aalangan, ngumiti na lang ako at pumayag sa gusto niya at nakipag-picture sa kanya. Napatingin ako sa direksyon ni Zak, naglalakad na siya papalapit sa 'kin habang nakakunot ang noo.

“You're kinda pretty, kaya siguro ang dami mong nalalanding lalaki. I have a friend who's a movie director. He said you let him fuck you for a movie contract. Magkano ba ang pwede kong ibayad sa 'yo? Name your price,” nakangising sabi nito.

Tila binuhusan ako nang malamig na tubig sa sinabi niya.

“Excuse me?” I asked and raised my eyebrow.

Pasimple kong pinatunog ang mga buto ko kamay. It's been so long since the last time I punched someone, mukhang may makakatikim ng suntok mula sa akin.

“Ah, you want straight to the point, huh? Can I fuck you, bitch? I'm willing to pay--”

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may humila sa kanya. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang isinandal ni Zak sa pader ang lalaki, kinuha ni Zak ang baril mula sa bulsa ng leather jacket niya at itinutok iyon sa panga ng lalaki. Agad akong lumapit sa kanya upang pigilan siya.

“Zak! No, don't do that,” tila pabulong na sabi ko sa kanya at tumingin sa paligid.

Walang masyadong nakakapansin sa amin dahil nasa sulok na parte kami ng hotel, pero delikado kapag may nakakita sa amin dito. Bakit ba siya may dalang baril in the first place?!

“What the fuck did you just said? Huh? Fucking assh-le,” mariing bulong ni Zak sa lalaki saka mas idiniin ang nguso ng baril sa panga ng lalaki.

Literal na nanginig at namutla ang lalaki, agad din itong pinagpawisan at kulang na lang maihi ito sa takot.

“Zak, calm down. Umalis na lang tayo, please. Don't do this,” pagpapakalma ko sa kanya. Marahan kong hinahaplos ang braso niya para kahit papa'no ay kumalma siya.

Zakarius is breathing heavily, he's holding the gun tightly as if he's determined to shoot this guy. Ang sama ng tingin niya sa lalaki at halos mamula ang buong mukha nito sa galit.

“Zak, baby, please. Listen to me, just let this pass, please. Kahit para na lang sa 'kin at sa baby natin,” bulong ko pa sa kanya.

Doon siya tila kumalma. Huminga siya nang malalim at inilayo ang baril sa panga ng lalaki. Kinuha ni Zak ang card na hawak ng lalaki at tiningnan ang pangalan doon.

“Alexandro Romano, general manager of QHY group of companies... remember this fucking day, I will make you pay for insulting my woman,” malamig na sabi ni Zak saka muling ibinalik ang baril niya sa bulsa. Tila nakahinga ako nang maluwag.

Nakatulala pa rin ang lalaki at namumutla, mukhang hihimatayin na ito anumang oras.

“Let's go, Zak,” sabi ko na lang at hinila siya palayo sa lalaki saka palabas ng hotel na 'yon.

I hope Zakarius won't hunt that man down. Mukhang mas galit pa siya sa akin, e.

KAHAPON PA nangyari ang insidenteng 'yon sa hotel pero hindi pa rin maganda ang mood ni Zak hanggang ngayon.

I'm honestly nervous, baka ipa-hunting niya ang lalaking 'yon kay Cad at kung ano pa ang gawin niya sa lalaki. Knowing Zak, masamang magalit 'yon.

Ilang ulit ko ng sinabi sa kanya kagabi na ayos lang ako at hindi naman ako naapektuhan dahil hindi naman 'yon totoo, pero naiinis pa rin talaga siya.

Wala ngayon si Zak dito sa bahay dahil balik trabaho na ulit siya kaya nanonood na lang ako ng movies mag-isa. Ayaw pa nga niyang pumasok pero pinilit ko lang, baka naman kasi ma-umay na siya sa akin kapag palagi kaming magkasama.

My phone rang. My forehead creased when I saw Chan's name on the caller ID. I instantly answered his call.

“Hello.”

“Angel! Buksan mo ang TV mo, sa channel B ha. Bye!” Binaba niya kaagad ang tawag. Nagtatakang napatingin ako sa phone ko. Ano naman kaya ang meron?

I just shrugged, binuksan ko na lang ang TV kagaya ng sabi niya. Sana lang talaga hindi panibagong issue tungkol sa akin. Nananahimik na ako rito.

Natigilan ako nang mukha ni Zak ang bumungad sa akin. Napaawang ang labi ko, ano'ng ginagawa niya riyan? I mean, ano'ng meron?

“I hope everyone stopped insulting my girlfriend, Angel Mendoza. I want everyone to know that she's not a bitch or a boyfriend stealer for I'm already hers right from the start.”

Napakurap na lang ako habang pinapanood siya sa TV. He's holding a press conference right now. Halatang naiilang siya sa nakakasilaw na cameras around him, pero tuloy lang siya sa pagsasalita.

“I still want to clear her name even though she's not in showbiz world anymore because it pains me every time people judge or insult her, because I know, more than anyone, that she's not like that... she's my angel. Yes, she stole my heart the very first time I saw her, but she's not a boyfriend stealer. Believe it or not, she's my first girlfriend... She may be a bitch most of the time, but she's kind, she's lovely, she's generous, she's softhearted... she's the most perfect angel, the best thing that ever happened to me, she's my everything.”

Agad na nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang umalpas mula sa mga mata ko habang pinapanood siya. Napatakip ako sa bibig ko upang labanan ang mapa-hikbi at mapahagulgol ng iyak.

“I hope everything is clear now, my Angel Mendoza, didn't steal anyone, because a woman like her can steal the heart of any man without exerting effort... This sounds corny but Angel Mendoza is the angel of my life. I couldn't ask for more. I'm not religious, I rarely pray to God before but after I met her, I always thank God for her existence.”

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Agad na umalpas ang mga luha ko at dumaloy ang mga 'yon sa pisngi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, sobrang saya ko hindi dahil nilinis ni Zak ang pangalan ko sa mga tao... sobrang saya ko dahil nagawa niyang ipaalam sa mundo kung gaano niya ako kamahal.

“My Angelica Louise Mendoza, if you are watching this right now I want you to know that I love you so much, more than anything. Ti amo, ti amo tanto, my angel.” He took something in the pocket of his leather jacket. It's a small red box. My eyes widened when he opened it, there's a ring inside. Ring.

He smiled awkwardly and scratched his nape. Napangiti ako sa pagitan ng pagluha dahil ang cute niya nang gawin niya 'yon, halata sa mukha niya na nahihiya siya harap ng camera.

He took a deep breath and closed his eyes tightly.

“My Angel... will you marry me?” he asked and smiled shyly.

Zakarius Cavalcante is always full of surprises.

I took my phone and dialed Zakarius' number while tears keep on flowing from my eyes. My hands are shaking but I still managed to dial his number. It feels like my heart will explode because of the unbearable happiness he makes me feel right now.

Kinuha ni Zak ang phone niya sa bulsa ng leather jacket niya. Halatang kinabahan siya nang mapatingin doon pero agad din naman niyang sinagot ang tawag ko.

“H-hello, Angel.”

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pakalmahin ang sarili ko. Napangiti ako bago magsalita.

“Y-you surprised the hell out of me, Zakarius... but my answer is yes. Of course I will marry you... and I love you too, baby. I love you so much.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.