Chapter Thirty-Two

"Don't worry, I'll sleep on the couch," Xanthos said and put our bags on the couch.

"No, you can sleep here on the bed... I just hope things won't be awkward for us, you know," I just said and scratched my nape.

"Of course not. Just be comfortable, Kiara," he said and smiled at me.

Napangiti na lang din ako at tumango. Umupo ako sa kama at marahang hinaplos 'yon, buti na lang talaga at malaki 'tong kama. Hindi kami gano'ng kalapit kapag nagtabi na kaming dalawa.

Natigilan kami nang makarinig ng katok. Agad na tumayo si Xanthos upanng buksan ang pinto. Bumungad sa kanya sina Denise at Angel.

"Sir Xanthos, pahiram muna kay mareng Kiara. Girl things 'to kaya bawal ka kumontra," sabi ni Denise saka sinilip ako rito sa loob.

Napapailing na tumayo na lang ako at lumapit sa kanila.

"Sure, make her feel welcome and be good to her," Xanthos said.

"Siyempre naman, boss. Sige ha, alis na kami. Let's go Kiara girl," sabi ni Denise at basta na lang akong hinila palabas ng kwarto namin ni Xanthos.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Denise.

"Magpapagandahan tayo ng katawan... Charot, alam kong wala kang dalang two piece dahil KJ ka kaya papahiramin ka ni Angel," sabi ni Denise at itinuro si Angel na katabi n'ya.

"Nakakahiya naman," sabi ko na lang at napakamot sa batok ko.

"H'wag ka ng mahiya, mare. Isipin mo naman, masusuot mo ang two piece ng isang Angel Mendoza. Saan ka pa diba? Sosyal ka teh kaya h'wag ka ng magpabebe," sabi pa ni Denise.

Napatingin ako kay Angel, ngumiti siya sa 'kin at tumango na para bang sinasabi n'ya na okay lang sa kanya. Nahihiyang napangiti na lang din ako sa kanya.

Nagtungo na kami sa isang silid na parang fitting room ang style. Natigilan ako nang ingay ng girls ang agad na bumungad sa 'min. Mas lalo akong nahiya dahil mukhang nandito ang lahat ng babae ngayon at nakabihis na rin sila ng swimsuit, kami na lang nina Denise at Angel ang hindi pa. Parang nahihiya na tuloy akong magsuot no'n, hindi na kasi nawala ang kaunting stretch mark ko sa tiyan dahil sa pagbubuntis.

"Kiara girl! Hello!"

Nahihiyang napangiti na lang ako nang batiin nila ako. Mukhang hindi naman pala ako dapat kabahan. Hindi lang sila magaganda, mukhang mababait din.

"Ang ganda mo talaga, Kiara girl. Deserve mong makipagbalikan kay Xanthos," sabi ni Nathalie saka yumakap sa braso ko.

Naiilang na natawa na lang ako. Mukhang hindi lang sina Cad at Denise ang Team Xanthos dito ah. Mukhang sila rin ay balak akong ibugaw kay Xanthos.

"Hanapan na natin siya ng swimsuit. Ang daming dinala ni Angel for her. Tayo na ang mamili para kay Kiara dahil mukha siyang shy type," sabi naman ni Faith habang naghahalungkat na ng swimsuit sa bag.

Napakurap na lang ako nang magkagulo sila ro'n habang namimili ng sususotin ko. Napakamot na lang ako sa batok ko at napangiti. Si Cristina at Cherry naman ay hindi nakigulo at lumapit na lang sa 'kin. Silang dalawa lang yata ang tahimik sa kanila.

"Hello, Kiara... Hindi namin ine-expect na ganito kaganda ang Mommy ng mga anak ni Xanthos," nakangiting sabi ni Cherry.

Nag-init ang mukha ko dahil sa pamumuri n'ya sa 'kin. "Salamat, Cherry. Sa totoo lang medyo nahihiya ako sa inyong lahat," nahihiyang sabi ko saka ngumiti.

"Nahihiya rin ako pero wala akong nagagawa kapag hinihila ako ni Denise," natatawang sabi naman ni Cristina.

Natigilan kami sa pag-uusap nang biglang pumagitna sa 'min si Denise.

"Mareng Kiara, isukat mo 'to! Luluwa ang mata ni Sir Xanthos kapag sinuot mo 'to, promise," sabi ni Denise at inabot sa 'kin ang pulang two piece.

Nahihiyang napakamot ako sa batok ko. Nagsusuot naman ako ng mga ganito noon pero siyempre hindi na 'ko sanay ngayon.

"No, ito ang isuot mo, Kiara. I think mas maganda 'to," sabi naman ni Liah saka ngumiti sa akin. Inabot n'ya sa 'kin ang mint green na one piece swimsuit.

"Kiara, how about this one? Ang girly diba? Baka magka-baby ulit kayo ni Xanthos kapag sinuot mo 'to," sabi naman ni Angel at inabot sa 'kin ang peach colored two piece.

Alanganing napangiti na lang ako. Isang Denise pa lang ang sakit na sa ulo. Feeling ko ang dami ng Denise sa harapan ko ngayon.

"I'll go for this," sabi ko na lang at kinuha ang peach swimsuit na suggested ni Angel dahil ito 'yung hindi masyadong revealing kumpara sa iba.

Nagbihis na rin kami nina Denise. Muli akong nahiya nang pagkaguluhan na naman nila ako paglabas ko. Mukhang tama nga ang sinabi nina Cad na para sa 'kin ang outing na 'to. Ramdam na ramdam ko ang atensyon na binibigay ng girls sa 'kin.

"Ang ganda mo, mare. Deserve mo na madiligan," sabi naman ni Nathalie na nagpa-init ng pisngi ko.

Napailing na lang ako sa pinag-uusapan nila. I just realized that it's been a long time since I had sex with someone... but come to think of it, si Xanthos lang naman ang nag-iisang lalaki na naka-sex ko at wala ng iba.

"Wow, mareng Angel. Ganyan ka ka-sexy tapos kakapanganak mo lang last year. Sana all," nakapamaywang na sabi ni Denise nang makapagsuot na ng two piece si Angel.

"Well, gano'n talaga..." mayabang na sabi ni Angel. "Hay, I miss my daughter already," dagdag pa n'ya.

Na-miss ko rin tuloy bigla 'yung kambal.

Lumabas na rin kami agad pagkatapos naming magbihis lahat. Medyo nahihiya pa 'ko pero wala na 'kong nagawa nang nahila na 'ko ni Denise palabas.

"Ang ganda mo, mareng Liah. Pakagat nga," sabi ni Cad at agad na yumakap kay Liah.

"My Angel looks ravishing as always," sabi naman ni Zak at agad na pinaupo sa kandungan n'ya ang asawa.

"Xceron, wala kang balak purihin ako? Aba, galaw galaw," nakapamaywang na sabi ni Denise.

Napangiti na lang si Xceron at hinila siya para yakapin. "Gandang ganda ka naman lagi sa sarili mo."

Napangiwi na lang ako habang pinapanood silang maglandian sa paligid ko. Pakiramdam ko parang sinasadya na nila ang ipamukha sa 'kin na single na ako ngayon. Napailing na lang ako at lumabas ng rest house. Magpapapahid sana ako sa kanila ng sunblock pero mukhang busy silang lahat.

Titingnan ko na lang ang dagat. Mamaya pa naman ako mags-swimming dahil mainit pa.

Natigilan ako nang makita si Xanthos na nakaupo sa beach chair sa may lilim ng puno. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa beach chair na katabi ng inuupuan n'ya. Napalingon siya sa 'kin nang maramdaman n'ya ang presensya ko.

"Hey, why are you not with the other girls?" Xanthos asked.

I just chuckled and shook my head. "They are with their husbands, I felt out of place around them being lovey dovey," I said while laughing.

Xanthos let out a laugh too. "Sorry about that. My friends are kinda different when they're with their wives," he said and scratched his eyebrow.

"It's fine, I'm happy for them. They look contented and happy, it was a wonderful sight," I said and closed my eyes.

Hindi na lang nagsalita si Xanthos sa tabi ko. Natahimik na lang din ako at dinama ang hangin. Medyo mainit ang singaw ng hangin pero hindi naman masakit sa balat. Binuksan ko na lang ang sunblock na dala ko at agad na pinahiran ang katawan ko. Napabuntonghininga ako nang likod ko na lang ang hindi ko malagyan. Napatingin ako kay Xanthos.

"Ahm, Xanthos... can you put some sunblock on my back... I mean, if you don't mind," I said and smiled shyly at him.

Xanthos didn't say anything and just took the sunblock from my hand. "It's fine," he said.

Tumalikod ako sa kanya. Napapitlag na lang ako nang maramdaman ko ang marahang paglapat ng palad n'ya na may sunblock sa likod ko.

"Does it hurt?" Xanthos asked in a soft voice.

I shook my head. "No, it doesn't. Please continue."

Itinuloy na n'ya ang pagpahid sa likuran ko. Napakuyom ang kamao ko at pilit na pinipigilan ang sarili ko na mag-react sa balat n'ya na dumadampi sa likuran ko. His hands are still the same as before. Mainit pa rin ang mga kamay n'ya kapag dumadampi sa balat ko.

"It's done," he murmured and gave me the sunblock.

I faced him and smiled. "Thank you."

Napatingin ako sa kanya. Nakasuot pa rin siya ng sando pero litaw na litaw ang matipunong braso n'ya. Napatingin na lang ako sa sunblock na hawak ko.

"Xanthos, you should put sunblock too, para hindi masaktan ang balat mo," sabi ko at inabutan siya ng sunblock.

"Will you put some on my back too?" he asked and chuckled.

"Oo naman. Tanggalin mo 'yang sando mo, lalagyan din kita sa likod," sabi ko at tumayo saka lumapit sa kanya.

"Ahm, I-I'm just kidding. It's not necessary," sabi na lang ni Xanthos.

My eyes narrowed. "It's necessary. Kapag nagka-sunburn ka, ikaw rin ang magsu-suffer. Sige na, sa likod lang naman kita lalagyan. Ikaw na ang bahala sa iba," sabi ko na lang saka binuksan ang sunblock.

Napabuntonghininga na lang si Xanthos at hinubad ang sando n'ya. Napatikhim na lang ako at napaiwas ng tingin sa maganda n'yang katawan. Sa pagkakatanda ko, nasa 40 years old na siya ngayon... pero bakit mas lalo lang gumanda ang katawan n'ya? It's honestly unfair.

Pinahiran ko na ng sunblock ang likod n'ya. Hindi naman siya nakibo at hinayaan lang ako. Pakiramdam ko nanliliit ang kamay ko sa likod n'ya. He has scars on his back but it just made him more appealing, and his tattoos too. They really look appealing and it suited Xanthos' manly and domineering aura.

"Xevan wants to have tattoos too because of you," I said and chuckled.

Natigilan si Xanthos sa sinabi ko. "Sorry about that."

"You don't have to. I'm not against it anyway. Hahayaan ko siya kapag nasa tamang edad na siya. Tattoo is an art too, there's nothing wrong with it," sabi ko na lang saka inabot sa kanya ang sunblock matapos kong pahiran ang likod n'ya.

Napangiti si Xanthos sa sinabi ko. "I can really see why the twin always calls you the best mother," Xanthos said while smiling.

"I can also see why they are calling you the best father." I chuckled.

Matagal din kaming nag-usap ni Xanthos dito. Mas okay na sa 'kin ang makipagkwentuhan sa kanya rito kaaysa makita ang mga naglalandiang couple sa loob ng rest house na 'yon.

Tinawag din naman kami ni Denise para kumain kaya wala kaming choice kundi ang bumalik sa loob. Sina Cad ang nagluluto ng mga pagkain. Puro seafood ang pagkain na pabor naman sa 'kin dahil mahilig ako ro'n. Umupo na ako sa pwesto ko, agad namang umupo si Xanthos sa tabi ko.

"Mga mare, for today swimming muna at kainan ang plano. Bukas na ang mga laro, naghanda kami ni Nathalie ng mga kalokohan--este laro bukas kaya bawal ang KJ. Ang KJ ipapabaril ko kay Xceron, bawal ang KJ ha, Kiara?" sabi ni Denise at agad akong tiningnan.

Napaismid na lang ako at tumango. Sa totoo lang hindi maganda ang kutob ko sa laro laro na sinasabi n'ya lalo kung siya ang nagplano.

"Ito na ang pagkain n'yo, mga boss," sabi ni Cad at inihain na ang mga inihaw at niluto nila.

Kumuha ako ng alimasag dahil paborito ko 'yon. Napakamot na lang ako sa batok ko nang maalalang hindi nga pala ako marunong magbukas no'n.

"Akin na, I'll open it for you," sabi ni Xanthos saka kinuha ang alimasag sa akin para siya ang magbukas.

"Ganyan dapat ang galawan, pare," sabi ni Eron saka napapalakpak pa.

"I'm proud of you, man. Akala ko hindi ka na talaga gagalaw," sabi ni Ashteroh at nakipag-apir pa kina Cad.

"Shut the fuck up," mariing sabi na lang ni Xanthos at muling nag-focus sa pagbubukas ng alimasag.

Napangiti na lang ako nang mapansing nahihirapan din siyang buksan 'yon pero hindi na lang ako nagsalita. Ayoko namang sirain ang effort n'ya sa ginagawa n'ya.

Halos hindi na makakain si Xanthos dahil pinagbubuksan n'ya lang ako nang pinagbubuksan ng seafood pero hindi siya nagrereklamo. Kung hindi ko pa nga siya hahatian sa pagkain ko baka hindi na talaga siya nakakain.

"Ganyan dapat, mareng Kiara. Parehas dapat kayong nagalaw ni Sir Xanthos para layag na layag talaga ang ship," nakangising sabi ni Denise.

Napailing na lang ako sa mga kalokohan n'ya. Pakiramdam ko isa talaga siya sa kasabwat ni Cadence dito.

Nang lumipas na ang bandang hapon, napagdesisyunan na naming mag-swimming dahil hindi na gaanong masakit sa balat ang araw. Hinila ako nina Denise at medyo lumayo kaming girls sa mga lalaki.

"Kiara, ito legit na tanong... Wala ba talaga kayong chance na magbalikan ni Sir Xanthos?" tanong ni Denise at napakagat pa sa kuko n'ya.

Nakatitig lang silang pito sa akin na tila hinihintay ang sagot ko. Alanganing napangiti na lang ako.

"Magkaibigan na lang kami ni Xanthos. Saka ano ka ba? Kakahiwalay lang namin ni Archer, binubugaw mo na agad ako," napapailing na sabi ko na lang.

"Obvious naman kasi na hindi mo minahal si Archer kagaya ng naging pagmamahal mo kay Sir Xanthos. Kinilig ka lang nang slight sa comfort na kayang ibigay ni Archer. Tingnan mo nga ang sarili mo ngayon, hindi ka masyadong malungkot na naghiwalay kayo hindi tulad ng kay Sir Xanthos noon," paglalaban pa ni Denise.

"Woah, intriguing," komento ni Angel.

"Wala akong time na malungkot dahil ang kulit mo," napapailing na sabi ko na lang.

"Ay gaga, ako pa ang ginawang excuse. Awit sa 'yo, mare," napapangiwing sabi ni Denise.

Napangiti na lang ako at inilublob ang katawan ko sa tubig.

"To be honest, pinayagan kong manligaw si Archer dahil nararamdaman ko sa sarili ko na hinihintay kong mag-first move si Xanthos. Nakokonsensya pa rin ako kapag naiisip ko na nagawa ko 'yon kay Archer... pero minahal ko naman talaga siya," sabi ko na lang saka napayakap sa sarili ko.

Napasinghap si Denise at napatakip sa bibig n'ya. "What the fuck, mare? Totoo ba 'yan? Ibig sabihin almost five years ka palang naghihintay na kumilos si Xanthos, gano'n?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Denise.

I smiled and nodded. "Parang gano'n na nga... Pero wala siyang ginawa, isa lang ang ibig sabihin no'n diba? Ibig sabihin, hindi n'ya 'ko mahal. Kaya hindi n'yo na dapat ipagpilitan pa ang sa amin. Okay na kami sa ganito," sabi ko na lang.

"Ano'ng hindi mahal?! Mahal na mahal ka kaya--" agad na tinakpan ni Liah ang bibig ni Denise.

"Shut up, Denise. Let Xanthos say that," bulong ni Liah. Binatukan naman nina Faith si Denise.

Napailing na lang ako at muling lumublob sa tubig. Mas okay na rin ang ganito kami ni Xanthos. Hindi kami magkakasakitan kapag ganito lang kami. Mas maganda ang magkaibigan lang kami.

"Are you sure, Kiara? I can sleep on the couch. Kasya naman ako ro'n," sabi ni Xanthos saka umupo sa kama.

"Yes, I'm sure. Masyado namang malaki ang kama kung ako lang mag-isa ang matutulog dito, saka may tiwala naman ako sa 'yo," sabi ko na lang at humiga saka nagkumot.

Kahit nag-aalangan, humiga na lang din si Xanthos pero dumistansya siya nang kaunti sa akin. Napapikit na lang ako at binalot ang sarili ko sa kumot. Hanggang ngayon ang lamig ng katawan ko dahil sa matagal na pags-swimming. Mahina pa naman ako sa lamig.

"Kiara, are you alright?" tila nag-aalalang tanong ni Xanthos.

Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Nakaharap siya sa akin ngayon.

"O-Okay lang ako, medyo nilalamig lang," sabi ko na lang saka tipid na ngumiti.

Napabuntonghininga siya at bahagyang lumapit sa 'kin. "Come here, I'll hug you."

Natigilan ako sa sinabi n'ya. "H-Ha? I-I'm fine, you don't have to."

"I won't do anything, I'll just hug you. My body is kinda hot, I mean, literally. It will help you ease the cold you're feeling," he said and tapped the space beside him.

I just bit my lower lip and nodded. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan n'ya ang baywang ko at bahagya akong hinila saka pinaunan sa braso n'ya. Napayakap na lang ako sa kanya nang ikulong n'ya ako sa mga bisig n'ya.

Pakiramdam ko nawala agad ang lamig na nararamdaman ko. Totoo nga ang sinabi n'ya, mainit nga talaga ang katawan n'ya. Gumanti ako ng yakap sa kanya at napapikit.

His familiar scent is giving me a nostalgic feeling. His warm hug felt familiar as if my heart and my body recognizes it. I just sighed and buried my face on his chest.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos n'ya sa buhok ko. Napakapit na lang ako nang mahigpit sa damit n'ya nang may maramdaman akong kakaiba sa tiyan ko.

This is just because of his warmth. Right, this has no meaning. His warmth is just overwhelming, that's it.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.