Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Napabuntonghininga ako nang nakaramdam nang mabigat na nakadagan sa baywang ko. Natigilan na lang ako nang mapansing nakayakap ang braso ni Xanthos do'n.
Napatingin ako kay Xanthos na nakapikit pa rin. Minsan ko lang siya makitang tulog na ganito. Nasabi rin sa 'kin noon ni Cadence na hirap makatulog si Xanthos at madalas hindi na lang siya natutulog.
I bit my lower lip and just stared at his sleeping face. Nahiya ang pilikmata ko sa kanya, mas mahaba pa yata ang sa kanya kaysa sa akin. Sa lahat ng lalaki, sa kanya ko lang nakita na bagay ang gano'ng pilikmata.
I gently touched his clean shaved jaw. He's always leaving stubbles on his face before. Pero nasabi ni Xiana na ayaw n'ya ang may gano'n sa mukha ni Xanthos kaya siguro lagi na siyang nagsh-shave ng balbas. Napangiti na lang ako.
Napapitlag ako nang marahang idinilat ni Xanthos ang mga mata n'ya. Agad akong lumayo nang kaunti pero agad n'ya rin akong hinila palapit sa kanya.
"Good morning," he whispered.
I gasped when I heard how sexy his voice was. His husky voice complimented his sexy morning look. How can someone be this attractive at the moment of waking up? This is not fair anymore.
I bit the insides of my cheeks and avoided his gaze. "I-I need to take a bath," I muttered.
Itinuro ko ang braso n'yang nakayakap pa rin sa baywang ko na para bang sinasabi ko na alisin n'ya 'yon. Tila natauhan naman si Xanthos at agad na inalis ang braso n'yang nakayakap sa 'kin.
"Oh, sorry. Go ahead, take a bath," he said and stood up. He disheveled his curly hair and stretched his body.
Tila nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na siya sa 'kin. Kanina ko pa kasi pinipigil ang paghinga ko sa hindi ko malamang dahilan. Napailing na lang ako at kumuha ng damit sa bag ko saka nagtungo sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo, naabutan ko si Xanthos na nakaupo pa rin sa kama at tila naghihintay sa 'kin.
"Ahm, ikaw naman ang maligo," sabi ko na lang saka alanganing ngumiti sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng awkwardness sa kanya samantalang siya naman ay walang nararamdamang pagka-ilang. Napailing na lang ako.
Hindi ko na nagawang hintayin si Xanthos, lumabas na agad ako ng kwarto namin pagkatapos kong magbihis ng beach dress. Nagsuot na rin ako ng swimsuit sa loob no'n.
"Kiara! Good morning!"
I just smiled when I saw them preparing breakfast. I think I should help them out too.
"Good morning," nakangiting bati ko sa girls. "Nasaan ang mga asawa n'yo?" tanong ko nang makitang wala sina Cad.
"Nasa labas sila, sabi namin maghanap dila ng panggatong," sabi ni Nathalie saka kumagat sa apple.
Napangiti na lang ako at napailing. Mukhang sa mga babaeng 'to lang lumalambot ang mga tigasing lalaki na 'yon.
"Kumusta naman ang tulog kasama si Sir Xanthos, Kiara?" nakangising tanong ni Denise. Nagtaas-baba pa talaga ng kilay ang loka.
"Ayos lang," sabi ko na lang saka uminom ng tubig.
"We don't want a vague answer, Kiara girl. We need a detailed answer," Angel said and crossed her arms.
I just chuckled and shook my head. "We just slept, nothing special happened," I said.
"Ay wow, grabe sa hina ng manok natin, girls. Akala ko pa naman naging mainit na ng tuluyan ang gabi ni mareng Kiara. Ilang taon ng walang dilig ang mare natin, aba," napapailing na sabi ni Denise.
Hinampas ko ang braso n'ya. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to, ang sarap sabunutan.
"My night was warm though," I murmured and smiled unconsciously.
"Bakit?" bulong din ni Denise.
Tinakpan ko na lang ang mukha n'ya at bahagyang itinulak palayo sa 'kin. Napanguso na lang si Denise at nagmaktol.
"Pa-mysterious, bahala ka, magkaanak sana kayo ng sampu ni Sir Xanthos," bulong n'ya.
Wala kaming ginawa maghapon kundi ang kumain, mag-swimming, at maglaro. Hindi ko na maalala ang huling beses na nakapag-enjoy ako nang ganito. Next time nga ay pupunta ulit ako sa beach at isasama ko ang kambal.
Nang sumapit na ang gabi, gumawa ng bonfire ang mga lalaki. Maglalaro na naman daw kami na pakana ni Denise. Malamang hindi ko magugustuhan ang mga ganyang laro n'ya.
"Bawal may malagpasan ha. Typical na truth or dare lang naman laro natin, pero kapag hindi nagawa ang dare o hindi nasagot ang tanong, kailangang uminom ng basong puno ng alak. Malakas ang tama nito, guys. Kung ako sa inyo game na lang," sabi ni Denise saka inangat ang bote na walang laman.
Napakamot na lang ako sa batok ko. Napatingin ako kay Xanthos na nasa tabi ko ngayon. Tahimik na nakikinig lang siya sa mga sinasabi ni Denise.
"Okay! Game na!"
Napabuntonghininga na lang ako. Sana walang kalokohan na ipagawa sa 'kin ang mga 'to kung sakali... pero duda ako ro'n lalo na kay Denise. Malamang siya pa ang mangunguna sa kalokohan.
Kinakabahan ako sa tuwing naikot ang bote. Umaakyat ang kaba ko sa tuwing titigil 'yon... buti na lang hindi pa ako natuturo ng boteng 'yon.
"Cadence, I dare you to suck your toe," nakataas-kilay na sabi ni Angel.
Napahagalpak naman ang lahat sa sinabi nito. Maski ako at natawa rin.
"Tangina naman nito, anong klaseng dare 'yan?! Ang panget," reklamo ni Cad.
"Gagawin mo ba o hindi?" nakapamaywang na tanong ni Angel.
"Hindi! Tanginang 'yan, gago ba ako?" Kinuha ni Cad ang basong puno ng alak at ininom 'yon.
Natawa na lang ang lahat sa naging reaksyon n'ya. Muli ng pinaikot ni Denise ang bote at kay Remor naman sumunod na tumutok ang bote.
"Truth or dare?" tanong ni Denise.
Remor scratched his nape. "Truth."
"Kailan ang huling beses na pumatay ka ng tao?" nakataas-kilay na tanong ni Denise.
Natigilan si Remor sa tanong n'ya at napatingin kay Cherry. Mukhang aware ang mga babae rito kung anong klaseng organisasyon ang pinapatakbo ng mga lalaki.
"Pare, h'wag mo ng tangkain magsinungaling dahil alam namin kung kailan 'yon huling nangyari," nakangising sabi ni Eron saka yumakap sa baywang ni Cristina.
Akmang iinom ng alak si Remor pero agad siyang pinigilan ni Cherry.
"Sagutin mo 'yung tanong ni Denise," sabi ni Cherry saka ngumiti nang kakaiba kay Remor.
Napalunok si Remor at napakamot sa batok n'ya. "I-It was last month, believe me, I didn't intend to do that," paliwanag ni Remor.
Nagtawanan sina Cad sa naging reaksyon ni Remor.
"Under na under naman tayo n'yan, pare," natatawang sabi ni Cad at binato ng canned beer na walang laman si Remor.
"Shut up, moron!" naiinis na sabi ni Remor.
Napailing na lang ako habang nakikitawa sa kanila. Sobrang kukulit nila.
"Tangina, ba't ako na naman mga mare?" reklamo ni Cad nang sa kanya tumutok ang nguso ng bote.
"Cad, truth or dare?" nakangising tanong ni Angel.
Nakita naming kinabahan si Cad. Alam n'ya kasi na puro kalokohan at talagang nakakahiya ang mga pinapagawa sa kanya ni Angel.
"Truth na lang, mare. Bati na tayo, Angel. Please be good to me," pakiusap ni Cad.
Napangisi si Angel. "Who is your first love? Don't lie, Cad. Alam kong nandito ang first love mo," nakangising sabi ni Angel.
Napakamot si Cad sa batok n'ya. "Tanga ka ba? Hindi n'yo kilala first love ko. Si Ailee kaya first love ko," sabi na lang ni Cad at napaismid.
"Na-uh, sabi mo puppy love lang 'yung kay Ailee before... Nandito 'yung first love mo," sabi naman ni Angel.
Napabuntonghininga si Cadence at napakamot sa batok n'ya. Natigilan ako nang mapatingin siya sa akin.
"Si Kiara first love ko, ang landi n'ya kasi dati. Pero ngayon si Liah na lang ang malanding nagpapatibok ng puso ko. Yiee! I'm your bitch talaga, baby," sabi ni Cad saka yumakap kay Liah.
Napakurap na lang ako sa nalaman ko. Hindi ko alam na nagkaroon ng romantic feelings si Cad sa 'kin noon. Hindi naman kasi halata dahil puro siya kalokohan kahit noon pa.
"Pareng Xanthos, it's your turn... Pero dahil truth na ang sinabi ni Cad, hindi ka pwede mag-truth. Dare ang sa 'yo," nakangising sabi ni Eron.
Xanthos sighed and nodded.
Napangisi sina Cad at nagkatinginan. Mukhang kalokohan ang ipapagawa nila kay Xanthos ah.
"Pareng Xanthos, dare namin sa 'yo... sexy dance ka sa harapan ni Kiara, walang music," sabi ni Cad saka napahagalpak ng tawa.
Nagtawanan na rin 'yung iba. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para magpigil ng tawa. Napatingin ako kay Xanthos, wala siyang reaksyon sa dare ni Cad.
Akmang kukuhanin na ni Xanthos ang baso na may alak pero agad siyang pinigilan ni Zak.
"Xanthos, it's your first time doing a dare... Don't be a kill joy," Zak said and smirked.
"Sige na, Xanthos..." sabi ko na lang habang natatawa.
"Yon oh! Si Kiara na ang nag-request. Magagawa mo bang tanggihan ang nanay ng mga anak mo, pare? H'wag gano'n, pangit 'yon," pamimilit pa ni Cad.
Natigilan si Xanthos at napatitig sa 'kin. Napabuntonghininga siya saka tumayo. Napatakip ako sa bibig ko nang talagang pumwesto siya sa harapan ko... Gagawin n'ya ba talaga?
"I'll kill you after this, Cad," mariing sabi ni Xanthos saka huminga nang malalim.
Naghiyawan sila at nagsimulang i-cheer si Xanthos. Napabuga ng hangin si Xanthos bago nagsimulang sumayaw. Mas lalong lumakas ang hiyawan nila maski ako na kanina pa tahimik ay napahiyaw rin sa gulat... Hindi ko alam na marunong mag-sexy dance si Xanthos.
Pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko ngayon dahil nasa harapan ko pa man din siya.
Tinakpan nina Cad ang mga mata ng mga girlfriend at asawa nila dahil tila nagiging heart shape ang mga mata ng mga 'to. Napatakip ako sa bibig ko habang hindi maalis ang tingin ko kay Xanthos.
Binato ng canned beer ni Pirius si Xanthos.
"Stop it, Xanthos! You're seducing my wife!" reklamo ni Pirius habang nakatakip sa mga mata ni Faith na pilit inaalis ang kamay nito sa mga mata n'ya.
Bumalik na si Xanthos sa tabi ko pagkatapos n'yang sumayaw. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil hindi ako makamove on sa nangyari.
"Gago, Xanthos. Kapag naghirap ka pwede kang mag-apply na macho dancer. Bentang benta ka ro'n, legit," sabi ni Cad at nag-thumbs up pa.
"Fuck you," sabi ni lang ni Xanthos at binato ng canned beer na walang laman si Cad.
Napatingin ako kay Xanthos. Hindi siya makatingin nang ayos sa 'kin ngayon at hindi rin nakakawala sa 'kin ang pamumula ng tainga n'ya. Napangiti na lang ako at bahagyang dinutdot ang braso n'ya. Nahihiyang napalingon siya sa 'kin.
"I didn't know that you're a good dancer," I murmured and let out a giggle.
Xanthos covered my face with his hand. I just laughed and removed his hand on my face.
"Are you embarrassed? You shouldn't be, you're talented. You really should become a macho dancer or something," pang-aasar ko pa sa kanya.
"Stop, Kiara... I did it because you requested it. Stop teasing me," he said while avoiding my gaze.
"Thank you for that performance, Sir. You are truly talented," I mumbled and pinched his muscled arm gently.
"Guys, pwede na nating itigil 'to. Kiara, doon na kayo sa kwarto n'yo ni Xanthos at gumawa na kayo ng kapatid ng kambal. Please lang," sabi ni Denise.
Tiningnan ko siya nang masama saka binato rin siya ng walang laman na canned beer. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to, walang filter ang bibig.
Muli na kaming bumalik sa paglalaro... at dumating na nga ang kinatatakutan ko. Tumapat sa 'kin ang nguso ng bote.
"Kiara, my dear friend... Truth or dare?" nakangising tanong ni Denise.
Natahimik ako. Hindi ako pwedeng uminom kung sakaling di ko kayang sagutin ang tanong o gawin ang dare dahil ito ang unang beses na tumapat sa 'kin ang bote. Saan ba ako mas safe? Kung truth ang pipiliin ko, malamang tungkol kay Xanthos ang itatanong nila sa akin... pero kung dare, mapapahiya man ako pero saglit lang siguro.
"Ahm... Dare," sabi ko na lang.
Naghiyawan ang girls sa sinabi ko. Mas lalo akong kinabahan nang makitang bumubulong sina Angel kay Denise. Lumaki ang ngiti ni Denise.
"Okay, mareng Kiara. Ang dare namin sa 'yo... Sabihin mo sa 'ming lahat ang sinabi mo kahapon sa aming girls. 'Yung sinabi mo na dahilan kung bakit mo pinayagang manligaw si Archer sa 'yo."
Natigilan ako sa sinabi ni Denise. Bumigat ang hangin nang mapatingin sa akin ang lahat. Pasimple akong tumingin kay Xanthos na nakatitig lang sa 'kin na tila hinihintay ang sasabihin ko.
"A-Ayoko..." nauutal na sabi ko at napailing.
"Mareng Kiara, walang ganyanan," nakangising sabi ni Nathalie.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Napabuntonghininga ako at saglit na napatingin kay Xanthos. Agad din akong napaiwas ng tingin sa kanya at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng dress ko.
"P-Pinayagan kong manligaw si Archer noon dahil hinihintay kong mag-first move si Xanthos. I-I waited for him to do so for five years and I got tired waiting... But don't get me wrong, I-I really did love Archer," sabi ko saka muling napatingin kay Xanthos.
Agad na naghiyawan ang lahat sa sinabi ko. Pati ang mga lalaki lalo na sina Cad ay napahiyaw at pinaikot-ikot pa ang damit nito.
"Tangina, ayan ang sinasabi ko, pareng Xanthos! Wooh!"
Napatingin ako kay Xanthos. Tila hindi makapaniwalang nakatingin siya sa 'kin. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakikipaglabanan ng tingin sa kanya.
"I told you, pare. Dapat dati ka pa kumilos," nakangising sabi ni Ashteroh kay Xanthos.
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at napatikhim. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko kasabay ng panginginig ng mga tuhod ko.
Hanggang sa matapos ang larong 'yon at makarating ako sa kwarto ko... nararamdaman ko pa rin ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Nagpaiwan sina Xanthos sa labas at nag-inuman pa silang mga lalaki.
Napahiga na lang ako sa kama pagkatapos kong mag-shower at yumakap sa isang unan. Hindi ako mapakali... Gusto kong malaman ang iniisip ni Xanthos at ang reaksyon n'ya sa sinabi ko kanina. Paano kung bigla siyang umiwas sa 'kin dahil do'n at maging awkward na naman kami?
Makalipas pa ang ilang minuto. Narinig kong bumukas ang pinto. Napabangon ako nang makitang pumasok na si Xanthos sa silid namin. Umupo siya sa kama habang nakahawak sa sentido n'ya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Napatingin naman siya sa 'kin.
"O-Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.
Napatingin ako sa sentido n'ya. Napasinghap ako nang makitang may maliit na bukol siya ro'n.
"Ano'ng nangyari diyan? Bakit ka nagkabukol?" nag-aalalang tanong ko.
"It's nothing, nagkauntugan lang kami ni Cad," sabi na lang n'ya saka nahihiyang napakamot sa batok n'ya.
Marahan kong hinawakan ang bukol n'ya. Tiningnan ko ang reaksyon n'ya, hindi naman siya nag-react kaya sa tingin ko hindi naman 'yon masakit.
Natigilan ako nang mapansing nakatitig siya sa 'kin. Medyo namumula na ang leeg at tainga n'ya dahil siguro nakainom siya.
"Lasing ka na ba?" tanong ko.
Umiling naman siya. "Not really, konting tama lang."
Napatango na lang ako. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa 'kin. Napahawak na lang ako sa braso ko dahil sa matiim na tingin n'ya. Hindi ko alam kung iiwas ba ako ng tingin o patuloy na makikipaglabanan ng titig sa kanya.
"Kiara, d-did you... did you really wait for me?" he asked in a low tone.
I bit the insides of my cheeks and avoided his gaze. "T-That was before," I muttered.
Xanthos held my wrist and pulled me closer to him. I lost my balance and accidentally sat on his lap. I gasped and held his shoulder for support.
"I should have known," he murmured and gave me a faint smile.
I gulped while staring at him. My hands became sweaty and I suddenly don't know what to do.
Patuloy siyang nakatitig sa 'kin. Marahan n'yang hinawakan ang pisngi ko nang bumaba sa labi ko ang tingin n'ya.
"Can I kiss you?" he mumbled and gently touched my bottom lip with his thumb.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa 'kin. Yumakap ako sa batok n'ya at marahan siyang hinila palapit sa 'kin.
"Y-Yes," I answered and looked at his lips too.
Hindi na nagsayang ng oras si Xanthos at agad na siniil ng halik ang labi ko. I instantly responded and hugged his nape tighter.
Xanthos held my back and pulled me closer to him as our kiss deepened. My mind suddenly becomes clouded. I don't know why my body is not listening to me at all. I can taste the beer in his mouth but it just added fire to our hot kiss.
I moaned against his kisses when I felt his tongue having its way inside my mouth. His hand went down to my leg and gently caressed it while kissing me passionately. My heart is beating so hard and I can feel a familiar tingling sensation in my stomach. His hands, his touch feels so familiar, it feels nostalgic... like I truly belong in his arms.
He gently bit my lower lip and sucked it. He let out a sexy groan and hugged my waist with his other arm. I gripped his hair while kissing him with equal fervor.
"Hmm..." I moaned when his hot tongue ran on my bottom lip. My heart beats faster when his lips reached my jaw, down to my neck.
"X-Xanthos..." I mumbled and gripped his shoulder for support.
Pareho kaming hinihingal nang matapos ang halikan namin. He looked at me with his drunk-like eyes. I can almost see the fire in his eyes.
He gave little kisses to my lips, down to my chin, down to my neck. I just hugged him tighter and closed my eyes. My whole body is shivering in excitement... I guess he's still the man who can make my knees weak with just his simple kiss.
Xanthos hugged me and buried his face on my neck. He murmured something in my ear.
"You just made me want to be selfish again, Kiara."