“WHEN THERE’S no getting over that rainbow, when my smallest of dreams won’t come true. I can take all the madness the world has to give but I won’t last a day without you.” masayang kanta ni Caraleigh habang nagluluto sila ni Lemon nang meryenda sa kanyang kusina. Nagluluto sila dahil mamaya ay dadalhin niya iyon sa bahay ni Cage. Babawi siya rito. Hindi siya mahilig magluto at si Lemon ang expert doon kaya nagpatulong siya rito.
“Ate, in love lang?” tudyo sa kanya ni Lemon.
“Masaya lang ako.” nakangiting sabi niya rito.
“I can see sparkles in your eyes, love on the way your eyes smile. Don’t you dare deny the fact, that you’re now in love with a man who had caged your heart.” patulang sabi ni Lemon.
“Ano’ng mayro’n sa mga tula mo ngayon? Ikaw yata itong in love eh.” tudyo niya rito.
“Ano’ng ako? Ikaw, Ate. Tapusin na nga natin ‘to nang masolo mo na si Kuya Cage.”
Natatawang sumunod na lang siya rito. Nang matapos silang magluto ay tinulungan siya ni Lemon na ilagay iyon sa mga lagayan at sa basket. Nagpalit din siya ng isang bestidang binili ni Lemon noon at hindi na niya nakalimutang tanggalin ang price tag para hindi na siya matudyo ni Cage mamaya.
Nang matapos ay nagpaalam na siya kay Lemon saka niya tinungo ang bahay ni Cage. Siniguro muna niyang naroon ito ngayon kaya pinatawagan niya ito kay Lemon kanina. Excited na siyang makita itong muli dahil missed na missed na niya ito. Hindi nito alam na pupunta siya sa bahay nito ngayon dahil gusto niya itong sorpresahin. Siya naman ngayon ang magso-sorpresa rito.
Tanggap na kasi niya sa kanyang sarili na espesyal para sa kanya si Cage. Pinakawalan na rin niya si Brian. Dinalaw niya ang puntod nito kahapon at nagpaalam siya ritong iibig na siyang muli. Mananatili namang may puwang sa kanyang puso si Brian. Pero si Cage na ang isinisigaw niyon ngayon.
Pagdating niya sa tapat ng bahay ni Cage ay nagtaka pa siyang may isang kotseng hindi pamilyar sa kanya na nakaparada sa tapat niyon. Bukas din ang gate ng bahay nito kaya pumasok na lang siya. Nang marating niya ang main door nang bahay nito’y may narinig siyang tumatawang babae. May narinig din siyang tunog ng tubig na nanggaling sa pool kaya alam niyang may bisita si Cage.
Babae? Nandito ba sina Yngrid? Xanthia? Baka nag-get-together ang mga ito sa bagong bahay ni Cage kasama sina Nicko at Kyle. Iyon ang unang sapantaha niya pero narinig nang marinig niyang magsalita ang babae’y nasiguro niyang hindi iyon si Yngrid o si Xanthia.
“Cage, come on. Tenth year high school anniversary natin ‘to, hindi ka a-attend? Ako pa naman ang nag-organize ng event na ‘to.” tila nagtatampo pang sabi ng babae.
“Marami akong appointments. Hindi ko alam kung makakapunta ako d’yan. Besides, it’s not an important thing for me. High school really was the most boring part of my life.” sabi naman ni Cage.
“Oh, come on, Cage. It was the most exciting part of your life. Lahat ng firsts mo ay nasa high school. Naging tayo noon.” anang babae.
“And that was the worst part of it.” patuyang sabi ni Cage.
“Oh, really? You didn’t enjoy what we’ve had back then? All those kissing and---------“
“Leighton, why are you here, really? What? To annoy me and bring back my worst memories?” inis na sabi ni Cage.
“I came back for you. My love for you never died. I still love you until now, Cage.” masuyong sabi ng babaeng tinawag ni Cage na ‘Leighton’.
Hindi na siya nakatiis pa. Sinilip niya ang pool area na isang ikot lang naman mula sa kinatatayuan niya. Nakita niyang kaaahon lang ni Cage sa pool at katabi lang nito ang babaeng halos iluwa na ang hinaharap sa baba ng cut ng suot nitong top at halos magmukhang panty-shorts ang suot nitong mini-short sa iksi. She looked more like a prostitute than a seductress to her. At matinding inis ang naramdaman niya para rito.
Nang nakita niyang hahalikan ng babaeng tinawag ni Cage na ‘Leighton’ ang una’y tumikhim siya ng malakas na halos ikagasgas ng lalamunan niya. Agad naman lumayo si Cage sa babae hindi pa man siya nito nakikita. At nang makita siya nito’y labis na pagkagulat ang nakita niyang bumadha sa mukha nito. Humalukipkip naman siya at tinaasan ito ng kilay.
“Who is she, honey?” tanong ni Leighton.
Honey?!
“What are you doing here, Caraleigh?” tanong sa kanya ni Cage sa malamig na boses na ikinakunot niya ng noo. Ngayon lang niya napansin pero pareho pala sila ni Leighton na may ‘Leigh’ sa pangalan.
“May date tayo.” simpleng sabi niya.
“What? A date?” tila hindi makapaniwalang sabi nito pero may halong panunuya ang tono ng boses nito. “Right. The last time we saw each other, you pushed me away and told me that you can’t love me back. And now, you’re asking me on a date?”
“Cage…” Alam niyang nasaktan niya ito pero nagsisisi na siya sa kanyang nagawa.
“Pathetic!” singit naman ni Leighton. Ngali-ngaling sugurin niya ito ng sapak.
“I’m not talking to you, miss!” inis na sabi niya rito.
“Well, I’m not talking to you either!” sigaw rin sa kanya ni Leighton. Naikuyom niya ang kanyang mga palad at pigil na pigil niya ang kanyang sariling sugurin ito at saktan.
“Alam n’yo? Magsama kayong dalawa! Pareho lang kayo!” galit na sabi sa kanila ni Cage saka ito pumasok sa loob ng bahay. Narinig pa niyang ni-lock nito ang pinto. Naiwan tuloy silang dalawa roon ni Leighton na nakanganga dahil sa ginawa ni Cage.
“I won’t stoop down to that level, missy. Pathetic!” nanunuyang sabi ni Leighton sa kanya.
“What level? Yours? Oh, don’t worry. Hinding-hindi ako le-lebel sa’yo.” ganti niya rito.
“Ang kapal din naman ng mukha mo, ‘no! Sino ka ba?”
“Hindi ko obligasyong makipagkilala sa’yo.” mataray na sabi niya rito.
“I can’t believe na pumatol sa isang katulad mo si Cage. You’re a trying hard bitch!”
“And you’re a slut!” Hindi niya ugaling manakit ng tao sa pamamagitan ng pagsasabi ng masasamang salita pero dahil kay Leighton ay mukhang matuto na siya.
“You------------“
“Subukan mo lang kundi babalian kita ng buto at babangasan ko ‘yang mukha mo. FYI lang ha, black belter ako sa tae kwon do.” banta niya rito.
Mukha naman itong natakot dahil umurong ito palayo sa kanya. Umayos ito ng tayo at taas-noong hinarap siya. “I’m a natural seductress. Sa akin mapupunta si Cage kaya good luck na lang sa’yo.” sabi nito sa kanya.
“Good luck. I wonder kung babalik pa sa’yo si Cage gayong wala siyang nararamdaman sa’yo kundi galit at inis.” aniya rito.
“May the best woman wins then?” anito.
“I will sure win.” kampanteng sabi niya.
“Good luck. FYI, I’m his first everything. I know him more than you do.” sabi nito para bantaan siya. Pero hindi siya magpapadaig dito.
I will do everything just to win Cage back and turn this Cruela Devil down.
NAHIHIRAPAN na si Cage na intindihin kung ano talaga ng gustong mangyari ni Caraleigh. Noong isang araw lang ay sinabi nito na hindi nito maibabalik ang pagmamahal na ibinibigay niya para rito pero ngayong araw ay pumunta na lang ito sa bahay niya at sinabing may date sila.
Pathetic! Pakiramdam niya’y pinaglalaruan lang siya nito. Marahil ay nakita nito kung gaano siya kaseryoso dito at gusto lang siya nitong turuan ng leksyon kaya ginagawa nito iyon sa kanya. But, hell, it hurts so damn much! Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niya.
Basta ang alam niya’y nasasaktan siya ngayon. Idagdag pa ang pagbabalik ni Leighton na isa pang sakit ng ulo niya.
God, I don’t know what to do anymore.
UMAGA nang gising si Caraleigh kinabukasan dahil gusto niyang siya naman ang magluto nang umagahan para kay Cage. Gusto niyang gawin dito ang lahat ng ginawa nito para sa kanya noon.
Pinadalhan niya ito nang mga pagkain maging bulaklak sa opisina nito na may kalakip na card pero hindi man lang ito tumawag. Si Yngrid kasi’y sa AlCom na nagta-trabaho ngayon dahil iyon ang gusto ni Don Alberto at ni Kyle. Ito na ang administrative officer nang naturang kompanya ngayon. At ito ang mata niya sa AlCom.
Sinabi ni Yngrid sa kanya na hindi man lang daw tiningnan ni Cage ang mga bulaklak na pinadala niya at pinakain nito sa mga empleyado ang mga pagkaing pinadala niya. Nasaktan siya sa inakto nito. Pero mas lalo siyang nagpursige nang malaman niyang palaging naroon sa AlCom si Leighton. Bagong representative daw ito ng isang investor ng AlCom kaya ito naroon lagi sa AlCom.
Hindi siya makadalaw kay Cage sa AlCom dahil may binigay na mga assignment sa kanya ang kanilang ahensiya kaya hanggang ligaw lang muna siya. Ngayong umaga siya babawi kay Cage.
Dala ang isang basket nang agahan ay nagtungo siya sa bahay ni Cage. Inalam niya muna kung naroon nga ito nang nagdaang gabi kaya sigurado siyang naroon ito ngayong umaga.
Nagpa-careless na naman ito dahil iniwan na naman nitong bukas ang gate nito. Naiiling na pumasok na lang siya sa loob nang gate at dumiretso sa pintuan nang mga ito. Kumatok siya sa pintuan. Alam niyang maaga palaging gumising si Cage dahil ugali na nitong gumising nang maaga.
Pero nagulat siya nang si Leighton ang magbukas ng pinto sa kanya at nakaroba lang ito.
“Well, hello, Caraleigh.” nakangising bati nito sa kanya.
“What are you doing here?” tanong niya rito.
“Ako dapat ang magtatanong n’yan sa’yo. Ano’ng ginagawa mo dito?” Binigyan lang niya ito ng masamang tingin. Tumawa naman ito ng malakas at nakakaasar. “In case you didn’t know, kami na ulit ni Cage. See this ring? We just got ourselves engaged last night.” mayabang na sabi sa kanya nito saka pinakita ang singsing na nasa daliri nito. “I slept here last night. Sinabi ko naman sa’yo na wala kang laban sa’kin eh. I’m Cage’s first love. And first love never dies. I’m so sorry, Caraleigh.”
Pakiramdam niya’y nagha-hyperventilate siya dahil napakabilis ng tibok ng kanyang puso at hindi siya makahinga ng maayos. Inis ang nanaig sa kanyang puso. Gustong-gusto na niyang sabunutan si Leighton pero pinigilan lang niya ang kanyang sarili.
Siya ang may kasalanan kung bakit nawala sa kanya si Cage. She and her stupid heart and beliefs. Pinipigilan niya ang kanyang mga luhang nagbabadya ng lumabas mula sa kanyang mata.
“Kainin n’yo ‘yan. ‘Wag kang mag-alala, if first love never dies, you two would. May lason ‘yan kaya magpakasaya kayo hanggang sa kabilang buhay.” inis na sabi niya rito saka padabog na ibinigay dito ang basket na dala niya.
Tumakbo siya palabas ng gate ng bahay ni Cage at bumalik sa bahay nila. Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Hinagilap niya ang isang malaking unan at itinakip iyon sa kanyang mukha. Doon siya nagpakawala ng isang malakas na sigaw at doon din siya humagulhol.
Masakit para sa kanya ang nangyari pero siya rin naman ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi siguro siya nagpadaig sa kanyang guilt ay hindi mawawala sa kanya si Cage. Disinsana’y masaya silang dalawa ngayon.
Well, Cage made his choice. Kung ganoon niya kadaling pinili si Leighton, ibig sabihin ay hindi ganoon katindi ang pagmamahal niya sa’yo.