Chapter 32

NAGULAT si Caraleigh nang makatanggap siya ng tawag mula kay Don Alberto isang araw. Pero hindi ito ang nakausap niya kundi si Xanthia at si Yngrid. Hindi raw kasi makahinga si Don Alberto dahil sa nangyayari kay Cage.

“Caraleigh, kailangan mong pumunta dito! Bilis! Baka hindi mo na maabutan si Cage na buhay!” naghihisteryang sabi ni Xanthia.

“Oo nga! Magulong-magulo ang buong mansiyon dahil nag-lock ng pinto si Cage at sigaw siya ng sigaw sa loob ng kwarto niya ng, ‘ayaw ko na…gusto ko ng mamatay!’” sabi naman ni Yngrid.

Natataranta siyang lumabas ng kanilang opisina at pinaharurot ang kanyang kotse papunta sa mansion ng mga Alonzo. Ano bang pumasok sa kukote ng lalaking ‘yon at magpapakamatay siya? May nangyari na naman bang hindi maganda dito at kay Leighton? tanong niya sa sarili. Dapat ay labas na ako sa usaping ‘yon dahil…hay…bakit ako ba naman kasi ang tinawagan ng dalawang bruhang ‘yon. Nataranta tuloy ako.

Wala na siyang balak pang kausapin ang sinuman na may kaugnayan sa mga Alonzo dahil tapos na ang misyon at trabaho niya sa mga ito. Pero dahil nataranta siya kanina sa ibinalita nina Xanthia ay Yngrid ay hindi na niya naisip pa iyon. Gusto niyang iligtas si Cage. Kung anuman ang problema nito’y tutulungan niya ito. Kahit na pa tungkol iyon kay Leighton.

Nang marating niya ang mansion ng mga Alonzo ay tila hinihintay talaga siya nga buong bahay dahil may tatlong katulong na nakaabang na sa main door at sinabing nasa taas ang mga tao, sa may kwarto ni Cage. Inihatid pa siya ng isa dahil hindi niya alam ang kwarto ni Cage.

Pagkarating niya roo’y naratnan niyang tahimik na nakahilera sa labas sina Nicko, Xanthia, Kyle, Yngrid, Henry at maging si Don Alberto. Nang makita siya nang mga ito’y agad siyang pinapasok sa loob ng kwarto ni Cage. Binuksan pa ng isang maid ang pintuan ng kwarto ni Cage na ipinagtaka niya.

“Bakit-----------“

“Kanina pa umiiyak si Cage sa loob!” natatarantang sigaw ni Xanthia.

“Pakiusapan mo ang anak ko, Caraleigh. Please…” nanghihinang bilin ni Don Alberto. Itinulak naman siya ni Yngrid sa loob ng kwarto kaya hindi na niya naitanong pa sa mga ito kung ano ang problema. Pagpasok niya sa loob ng kwarto’y narinig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower room. Nang marinig niya ang malakas na pagdaing ni Cage ay agad niya iyong tinungo.

Hindi naman iyon naka-lock kaya diretso ang pasok niya sa loob. Alalang-alala kasi siya dahil baka kung ano na ang nangyari kay Cage sa loob. Pagpasok niya’y nakita niyang walang suot na kahit ano si Cage, puno ng sabon ang buong katawan nito maging ang mukha. Nang bumaba ang tingin niya roo’y napasigaw siya ng malakas dahilan para mapasigaw din si Cage. At napuno ng sigaw nilang dalawa ang buong kabahayan.

“WHY THE hell did you just barged in in my room?” inis na sigaw kay Caraleigh ni Cage. Nakapagbanlaw na ito at kahit papaano’y nakabawas sa kanyang pagkaasiwa ang suot nitong roba. Pero init na init pa rin ang kanyang mukha at alam niyang namumula pa rin siya hanggang ngayon.

Kaninang pagsigaw nila ni Cage ay natatarantang lumabas siya ng shower room saka diretsong tinungo ang pintuan ng kwarto nito para lumabas pero ayaw niyong mabuksan. May hinala siyang sadyang kinulong silang dalawa ni Cage sa loob at hindi totoo ang pagpapakamatay kuno ni Cage. Isang set-up lang ang lahat. Kung sino ang may gawa? Iyon ang hindi niya alam.

“Narinig kasi kitang sumigaw. Akala ko kung napaano ka na kaya pumasok na ako sa…sa s-shower room. Hindi ko naman alam na…wa-wala kang suot na…k-kahit ano.” nauutal na paliwanag niya rito.

“What do you expect? Naliligo ako.”

“Sabi kasi nila magpapakamatay ka raw.”

“What? Sino’ng nagsabi?”

Huminga siya ng malalim saka nagsalita. Lagot kayo Xanthia at Yngrid paglabas ko dito. “Tumawag sa’kin ang number ng Daddy mo pero sina Xanthia at Yngrid ang nakausap ko. Sabi nila, nag-lock ka raw ng pinto at nagsisisigaw ka ng, ‘ayaw ko na…gusto ko nang mamatay!’ Hindi na raw makahinga ng maayos ang Daddy mo kaya pumunta agad ako dito kasi…nataranta ako.” mabilis na paliwanag niya.

“Concerned ka sa’kin?” tanong nito na may pinipigil na ngiti.

“Siyempre, may pinagsamahan din naman tayo kaya concerned ako sa’yo. Kapag nalaman ‘to ni Leighton, I’m sure mas maghi-histerya ‘yon kaysa kina Xanthia at Yngrid. So, bakit ka nga pala magpapakamatay?”

“Hindi ako magpapakamatay kahit kailan. At bakit nasali sa usapang ito si Leighton?”

“Hello? Ikakasal na kaya kayo. Nakita ko pa nga ‘yong engagement ring na binigay mo sa kanya eh.”

“Engagement what?” malakas na tanong nito na halos ikayanig ng buong kwarto.

“Engagement ring. You know, ‘yong binibigay ng lalaki kapag nagpo-propose siya sa isang babae.”

“Teka sandali, hindi pa ako nagpo-propose kahit kanino.”

“H-ha?” nawiwindang na tanong niya. Bakit mayro’ng singsing si Leighton, kung gano’n?

“Hindi ako nag-propose kay Leighton. I will never will. Hinding-hindi na ako babalik pa sa kanya.”

“Then, bakit nasa bahay mo siya noong isang araw? Pumunta ako sa bahay mo noon dahil sabay sana tayong kakain ng agahan, pero pinagbuksan ako ng pinto ni Leighton at sinabi niya sa’king nagkabalikan na kayo at engaged na kayo.”

“What?” bulalas nito. “At naniwala ka naman agad?”

“Siyempre, nasaktan agad ako eh.”

“Ano? Pakiulit nga. Nasaktan ka? Bakit?”

“Obvious ba? Dahil mahal kita, gago ka! Ikaw kaya ang makakitang may isang lalaki sa bahay ko na alam mong first love ko pala? ‘Tapos, sinabi pa niyang engaged na kami. Ano’ng mararamdaman mo eh alam mong mahal na mahal mo ako?”

“Mahal na mahal mo ako?”

“Oo nga, ‘di ba?”

“Mahal mo ako.”

“Oo nga sabi eh!” inis na sigaw niya rito. Hindi ba nito makuha na…Oh-my-god! Sinabi ko ba sa kanya na mahal ko na siya?

Hindi na siya nasagot pa ang katanungang iyon dahil sinakop na ng mga labi ni Cage ang labi niya. She opened her lips and welcomed his kisses. It was the very first kiss they’ve shared and it was the best. Hindi naman pala si Cage at si Leighton lang ang may firsts, pati sila ni Cage din.

“Wala nang bawian ‘yan ha, Caraleigh. You already said you love me.” sabi ni Cage nang matapos ang pinagsaluhan nilang halik. Yakap-yakap siya nito at para bang wala na itong balak pang pakawalan siya.

“Only if you promised me never to see Leighton again.” aniya.

“Aha! Nagseselos ka pala kay Leighton.”

“Cage, mag-promise ka muna.”

“Of course, I promise. I swear! Hindi ka dapat nate-threaten kay Leighton dahil wala na akong balak pang makipagkita sa kanya kahit kailan.” masuyong sabi nito. “Pumunta si Leighton noong gabi sa bahay para sabihing itanan ko daw siya dahil malapit na siyang ikasal. The hell I wil! Wala na akong ni katiting na nararamdaman para sa kanya. Hindi naman ako ang ikakasal kay Leighton eh. She was already engaged to the COO of their company. And guess why.”

“Bakit?”

“Kasi mayaman at malapit ng matigok ang COO na ‘yon. She’s never in for love. Dapat pala nakita ko na ‘yon dati pa. Anyways, you shouldn’t worry about her from now on. Nakausap ko na siya. We cleared things up, at hindi na siya manggugulo pa.” ani Cage.

“Siya ba ‘yong nai-kwento mo sa’kin noon? Iyong babaeng nanakit sa’yo na hindi ka nadamayan ni Mama France?”

“Oo. Pinagsisisihan ko man ang nangyari sa’min noon, it was all for experience naman. Wala na akong balak pang balikan ang nakaraan maging si Leighton, because I already have you, Caraleigh. You changed me into a better person.”

“Alam mo bang hindi pa ako gaanong seryoso sa’yo nang una kitang ligawan? I never want to commit myself to any woman dahil sa ginawa sa’kin ni Leighton noon. Natakot akong magmahal at magtiwala sa mga babae. But I met you. Aaminin ko sa’yong na-challenge ako sa’yo no’ng una. You were very different from all the other girls I’ve been with. Ikaw rin ang unang babae na katakot-takot ang pag-reject sa’kin. Pero ikaw ang tanging babae na nakapagparamdam sa’kin kung paano maging isang tunay na lalaking nagmamahal.”

Tumagos sa puso niya ang mga sinabi nito at kinilig siya.

“Kaya kahit na nire-reject mo ako noon, hindi pa rin ako tumitigil dahil alam kong worth ka ng pagpupursige ko. Nang makita ko ang mga mata mo nang sabihin mo sa’king hindi mo ako magugustuhan kahit kailan? I knew that you were fighting the feeling that you had for me since then. Alam kong gusto mo na ako noon. May pumipigil lang sa’yong isang bagay na hindi ko alam.”

“Nakaramdam ako ng galit sa’yo noon kaya ko nasabing katulad ka rin ni Leighton dahil pakiramdam ko’y pinaglalaruan mo lang din ang nararamdaman ko noon. Hindi ko kasi alam kung bakit sinabi mo sa’king hindi mo ako kayang mahalin agkatapos ay pupunta ka sa bahay at sasabihing magde-date tayo. Naguguluhan ako sa’yo noon pero hindi pa rin no’n maiaalis sa’kin ang pagmamahal ko sa’yo.” pagtatapat ni Cage.

Huminga siya ng malalim saka dumiretso ng tingin sa mga mata nito. “Si Papa lang ang nakakaalam nito sa pamilya ko. Pero alam ito nina Mama France. Pilit kitang iniiwasan noon dahil mahal ko pa rin si Brian. Hindi ko pa rin siya kayang pakawalan.” Ikinwento niya rito ang nangyari kay Brian.

“I still don’t have the courage to let go of Brian back then. Nangako kasi ako sa sarili ko na si Brian lang ang tanging mamahalin nitong puso ko. But then, I finally noticed you when you asked me about how I will never like you. Hindi agad ako nakapagsalita noon dahil naapektuhan ako sa nakikita kong sincereness sa mga mata mo. Idagdag pa ang pagiging makulit mo, wala na. Huli mo na talaga ang puso ko. You’re the guy who made me trip and fall, who made my jaw drop and who made me care less of the world around us.”

“I’m sorry if you ever thought that I’m playing with your feelings. I’m not. Na-guilty lang talaga ako nang makita ko sa Omakase si Ate Rem. Naaalala ko si Brian at ang pangako ko sa sarili ko kaya iniwasan kita. Pero kinausap ako ni Papa at pina-realize niya sa’kin kung ano ang dapat kong gawin.”

“Nagpunta ako sa puntod ni Brian at pinakawalan ko na siya. He will still have a place in my heart and in my memory, pero majority niyon ay sa’yo na Cage. Dahil natutunan na kitang mahalin ngayon. I love you, Cage. Kasi para kang tower.”

“Huh? Bakit?” kunot-noong tanong nito sa huling sinabi niya.

Napatawa siya ng malakas. “Kasi Eiffel for you.” tatawa-tawang banat niya rito. Kumurap pa ito bago nito makuha kung ano ang sinabi niya saka siya niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.

“Eh ikaw? Peanut ka ba?” hirit naman nito habang yakap siya ng mahigpit.

“Bakit?”

“Kasi peanut-ibok mo ang puso ko eh.”

Humahalakhak siya. “Ang corny mo, Cage!”

“Mahal mo naman ako kaya okay lang ‘yon.”

“Oo na lang!” nakangising sigaw niya rito.

Masaya siya ngayon at alam niyang ganoon din si Cage. Iyon lang ang importante sa kanila ngayon. Masaya sila at mahal nila ang isa’t isa. Even if all hell broke lose.

Pagkabihis ni Cage ay lumabas sila ng silid nito at hinarap ang pamilya Alonzo pati na rin ang dalawang bruhang sina Xanthia at Yngrid. Tatawa-tawa lang naman ang mga ito habang nakatingin sa kanila.

“Akala n’yo nakakatuwa ha.” sabi niya sa mga ito.

“Gumaganti lang kami, ‘no!” ani Yngrid.

“Oo nga. Noong sinabi n’yo sa’kin noon na galit si Nicko at pinapaalis niya sa Alonzo Towers ang lahat ng babae, nataranta din ako noon. Dapat lang na maramdaman mo ‘yon ngayon.” ani Xanthia. Alam niya ang tinutukoy ni Xanthia. Nagtulungan kasi sila ni Cage noon para ma-set up ito at si Nicko.

“At iyong pagsubaybay mo sa’min, Caraleigh. Akala mo hindi namin malalaman ‘yon ha.” sabi ni Yngrid.

“Nagrereklamo kayo na masaya kayo ngayon sa dalawang kumag na ‘yan, gano’n?” aniya sa mga ito.

“Joke lang.” nakangising sabi ng mga ito sa kanya.

“I’m so happy for the both of you.” bati sa kanila ni Don Alberto.

“Dad, pati ikaw nakisali na rin dito?” tanong dito ni Cage.

“Masyado pa kasing matatagalan kung hihintayin ko pa kayong kumilos. Kaya nagpatulong na ako sa kanila.” paliwanag ng Don. “Welcome to the family, Caraleigh!” masayang bati nito sa kanya.

“Maraming salamat po!”

“From now on, you should call me ‘Dad’.” anito.

“Okay, Dad.” nakangiting sabi niya.

“Dad, ayos lang ba sa inyo na gawin naming alipin ang mga anak n’yo?” tanong ni Xanthia rito.

“Alipin sa pag-ibig?” biro ni Don Alberto. Nagtawanan ang lahat. Masarap pakinggan na ganoon kasaya ang buong mansiyon ng mga Alonzo. Masaya ang lahat ngayon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.