Chapter 34 - Extra Story

BONUS STORY

NAPABALIKWAS ng bangon si Saskia ng makarinig ng isang tili. Agad siyang tumayo sa kamang hinihigaan niya at isinuot ang kanyang bra saka siya tumakbo palabas ng kwarto niya at hinanap kung sino ang tumili. Gusto niyang bulyawan kung sino man iyon. Sabado noon kaya gusto sana niyang tumulog pa ng matagal pero dahil nagising na siya’y mahihirapan na siyang makatulog pang muli.

Nakita niya sa left wing ng hallway ang magkapatid na sina Tyra at Trina. Hindi katulad niyang naka-pajamas pa, nakabihis ng pang-exercise ang mga ito.

“I saw him first!” sigaw ni Tyra kay Trina.

“But he talked to me first!” sigaw naman ni Trina kay Tyra.

“Hoy! Ang aga-aga nagsisigawan kayong dalawa. Ano bang pinag-aawayan n’yo?” singit niya sa mga ito dahil kung mamaya pa niya aawatin ang dalawa’y siguradong matutulili ang tainga niya.

“Si Matt! Inaagaw siya sa’kin ni ate,” nakasimangot na sabi ni Tyra sa kanya. Naitaas niya ang isang kilay dahil sa sinabi nito.

Isang buwan na siya sa bahay ng mga Fernandez pero iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niyang nagsisigawan sina Tyra at Trina. Madalas na nag-aaway ang mga ito pero hindi iyong ganoong nagsisigawan pa ang dalawa. So that Matt must be something interesting.

Doon siya nakatira sa mga Fernandez ngayon dahil ipinapagawa pa niya ang bahay niya sa kabilang street ng exclusive subdivision na iyon. Isinuhestyon ng Tita Tara niya—na kapatid ng mama niya—na sa bahay na lang siya ng mga ito tumira dahil malapit lang iyon sa pinagta-trabahuhan niyang architectural firm—na pag-aari ng Tito Tyrone niyang asawa ng Tita Tara niya. Pabor iyon sa kanya dahil hindi na siya gagastos magrenta ng isang apartment habang nagpapagawa siya ng bahay. Isa pa’y komportable din siya sa bahay na iyon. Parang mga tunay niyang kapatid sina Trina—na kaedad niya—si Tyra at ang bunsong si Tyler at alam niyang mahal na mahal siya ng pamilya ng mga ito.

“Kami ni Matt ang magkaedad kaya kami ang bagay. So, back off,” ani Trina kay Tyra.

“Age doesn’t matter, big sister,” ani Tyra kay Trina.

“Okay. Sandali lang. Sino ba itong Matt na ito at nagkakaganyan kayo? First of all, hindi n’yo siya pag-aaring dalawa para pag-agawan n’yo ng ganyan. Isa pa, hindi magandang tingnan na nag-aaway kayong magkapatid dahil lang sa isang lalaki,” aniya sa mga ito.

Great! Umaga pa lang, nakapagsermon na agad ako.

“But—“

“You won’t win against me, little sister. So, good luck to you,” nakangising sabi ni Trina kay Tyra bago ito bumaba sa first floor ng bahay. Nakahinga siya ng maluwag dahil matitigil na sa pagsisigawan ang dalawa.

“That’s not fair!” reklamo ni Tyra.

“Bakit ba?”

“Magiging katrabaho niya si Matt so that means, they have more time together,” anito sa kanya. Nagkibit-balikat siya. Ibig sabihin ay isang model ang Matt na iyon dahil nagmomodelo si Trina. She wondered why most women likes male models. They seem so gay for her.

“Come with me,” yaya niya kay Tyra. Dinala niya ito sa loob ng kwarto nito at pinaupo sa kama nito. “Tyra, hindi lang ang Matt na ‘yon ang tanging lalaki sa mundo. Nineteen ka pa lang. Marami ka pang makikilalang lalaki. Hindi dapat love life ang iniintindi mo ngayon. You should focus on your studies right now. Trust me,” sabi niya rito.

“But he’s Matt McDonell! International model, musician, restaurateur and a very sweet son. Anak siya ni Tita Melanie at kauuwi lang niya sa Pilipinas galing ng Milan. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya mag-i-stay dito sa Pilipinas pero may mga gagawin siyang project dito at binibisita din niya ang chains ng restaurants niya. I hope he’ll stay for long para maka-diskarte ako sa kanya. Ang tagal ko na siyang crush. Mula pa pagkabata ko. I want him to be my husband, ate. I need to get his attention,” determinadong sabi ni Tyra.

Kapitbahay lang nila si Tita Melanie. Hindi niya alam na may international model pala itong anak. Ang palagi lang kasi niyang nakikitang kasama nito’y ang anak nitong doctor na si Ryleigh na matanda sa kanya ng tatlong taon.

“Seriously? Naku, lilipas din ‘yan. Childhood crush lang pala eh,” aniya rito.

“No, ate. I think I’m in love with him. Kung dati’y boy next door lang ang dating niya, hindi na ngayon. He’s insanely hot and gorgeous now! Nakakainis nga dahil for five years, sobrang nag-improve siya samantalang ako, mukhang baby pa rin,” nakasimangot na namang sabi ni Tyra.

Mas naintriga siya dahil sa sinabi nito. Gusto din tuloy niyang makita ang Matt na iyon. Siguradong makikita niya ito isa sa mga araw na darating dahil kapitbahay lang naman pala nila ito. Hindi imposibleng magkita sila.

“Eh, baby ka pa rin naman eh. You’re only nineteen years old. Ilang taon na ba siya?” tanong niya rito.

“Twenty-seven.”

“Oh, kaedad pala namin ni Trina. He’s too old for you. ‘Wag kang magmadali, Tyra. If you’re meant for each other, magiging kayo rin in the end. Right now, I suggest that you focus on your studies. Mas importante ‘yon,” sabi niya rito.

“Halika, Ate Sasa. Ipapakita ko sa’yo ang mga pictures niya,” yaya sa kanya ni Tyra saka siya nito hinila sa may study table nito kung nasaan ang laptop nito. Binuksan nito ang laptop nito.

“Hindi ako interesado, Tyra. Sinasabi ko sa’yo, mag-aral ka na lang. Saka mo na isipin ‘yang mga lalaki na ‘yan. Distractions lang sila. Maniwala ka sa’kin,” aniya rito.

“Ang KJ mo naman, Ate Sasa. Nagka-boyfriend ka na ba?” tanong sa kanya ni Tyra na ikinangiwi niya. Ayaw na sana niyang maalala ang mapait na karanasan niya sa pakikipagrelasyon pero heto at may nagpaalala na naman sa kanya.

She once had a boyfriend—secretly. Labing-siyam na taong gulang din siya noon katulad ni Tyra at very much in love. Hindi niya inintindi kung ano ang iisipin ng ibang tao basta makuha niya ang lalaking minahal niya. Nagtagumpay naman siya sa huli, pero hindi naging maganda ang kinalabasan nito. She made a scandalous issue in her first university. Nasira ang buhay niya dahil doon. Tumigil siya sa pag-aaral ng dalawang taon at tumira siya sa ibang bansa para pahilumin ang mga sugat sa puso niya. Pero na-trauma na yata siyang magtiwala sa mga lalaki kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang tumingin sa mga ito.

She swore to herself and to her family that she won’t fall in love with a man—ever again. Kaya kahit na maraming lalaki ang lumalapit sa kanya, ni isa sa mga ito’y hindi niya pinansin dahil natatakot siyang mangyari muli ang nangyari noon. Natatakot siyang masaktan at magulo na naman ang kanyang buhay. Maayos na siya ngayon, nagawa niyang bumangon, at ayaw na muli niyang maranasan kung ano ang narasan niya noon. Tama na ang isang pagkabigo sa buhay niya.

It’s now her time to achieve something. Plano niyang ibangon ang dignidad at pangalan niyang nasira dahil sa ‘scandal’ na iyon kaya gagawin niya ang lahat maging head architect lang siya ng kompanya ng Tito Tyrone niya. Nangako siya sa kanyang mga magulang na hindi siya uuwi sa probinsiya nila hanggang hindi niya naa-achieve ang mga gusto niyang ma-achieve para maging proud muli ang mga ito sa kanya. Babawi siya sa kahihiyang sinapit ng mga ito dahil sa kanya.

“Oo at alam ko kung paano sila maglaro kaya ang mabuti pa ay mag-aral ka na lang, okay?” sabi niya kay Tyra. Tangkang aalis na siya roon pero pinigilan siya nito.

“Ate, tingnan mo muna. Baka magbago ang stand mo sa mga lalaki kapag nakita mo si Matt,” pilit nito sa kanya.

“Tyra, kapag hindi ka pa tumigil, isusumbong kita sa mommy mo,” banta niya rito.

“Okay lang. Kilala naman ni mommy si Matt eh,” bale-walang sabi nito sa kanya.

Tyra typed Matt McDonell’s name on Google. Iba’t ibang imahe nito ang lumabas doon at napa-facepalm siya nang makita ang mga iyon. May pagka-conservative pa naman siya kaya hindi siya handang makakita ng mga ganoong litrato. Karamihan—kung hindi lahat—ay nakahubad ang sinasabi nitong Matt. Tinakpan niya ang mga mata ni Tyra.

“Ate! Palagi kong nakikita ang mga ‘yan. Kung hindi lang magagalit si mommy, pupunuin ko ng pictures niya ang buong kwarto ko para kahit saan ako tumingin dito makikita ko siya,” ani Tyra. Napanganga siya sa sinabi nito.

“You’re sick,” aniya rito. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Pero hindi niya masisi ng sobra si Tyra dahil pinagdaanan din niya ang pinagdadaanan nito ngayon. She did worse than what she’s doing now.

She saw through Matt’s pictures with eyes half-closed. Napalunok siya nang makita ang mga picture nito. Pakiramdam niya’y naubusan siya ng tubig sa katawan dahil sa init ng nararamdaman niya. Isa lang ang masasabi niya, tama si Tyra. He’s insanely hot and gorgeous. If Helen of Troy could launch a thousand ships, Matt could break millions of necks.

He doesn’t look gay, aniya sa sarili na akala niya’y magiging hitsura ng lalaki. Ang mga model kasing karaniwan niyang nakikita ay mukhang mga bakla. But this one wasn’t.

Matt’s body was well toned. Hindi ito iyong tipong malaki ang katawan na pang-wrestler. His body was the type you’d want to snuggle with at night when you’re cold and he will just give you the heat you need. He has a six pack rock-hard abs, sexy pillowed lips and a very seductive slightly hooded eyes.

“Parang Photoshop lang naman ang mga pictures niya. Ganyan talaga ang katawan niya?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Tyra. Hindi niya alam kung bakit pero may nabuhay na init sa katawan niya nang mapagmasdan niya ang mga litrato ng Matt na iyon.

“Oo naman. You should’ve seen his body kanina. Halos mag-drool na nga sa harapan ni Matt si Ate Trina eh,” ani Tyra. She could only imagine Trina’s face then.

“Gwapo at hot nga siya,” sang-ayon niya kay Tyra. Pero hindi ibig sabihin niyon ay gusto na niya ang lalaki. Na-appreciate lang niya ang angking kagwapuhan at ganda ng katawan nito.

“Hoy, Ate Sasa! ‘Wag kang magkaka-crush kay Matt ha?” ani Tyra sa kanya.

“Oo naman ‘no. Don’t you worry, child. Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. Pero ipangako mo sa’kin na magpo-focus ka sa pag-aaral mo before anything else,” bilin niya rito. “O, siya. Babalik na ako sa kwarto ko at maliligo dahil gagawa pa ako ng project ko, okay?” paalam niya rito. Hindi na rin naman siya makakatulog kaya ang mabuti pa’y gawin na niya ang proyektong ibinigay sa kanya ng Tito Tyrone niya.

“Okay,” nakangiting sabi nito sa kanya.

Pagkalabas niya ng kwarto ni Tyra ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya napansin na kanina pa pala pigil ang hininga niya.

Pesteng Matt na ‘yon ah! Papatayin pa niya ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may gwapo at sobrang hot silang kapitbahay. Ngayon ay hindi na siya nagtataka kung bakit pinag-aawayan si Matt nina Tyra at Trina. Marami rin sigurong mga babae sa buong mundo ang nag-aawayan para dito hindi lang ang dalawang magkapatid.

Pero hindi pa rin niya ito magugustuhan.

“SASKIA, phone!” tawag kay Saskia ng Tita Tara niya mula sa labas ng kwarto niya. Agad naman siyang lumabas ng kwarto niya at nakita niyang dala-dala ng tita niya ang cordless phone ng bahay. “Ang Tita Melanie mo,” anito sa kanya. Napakunot-noo siya. Bakit siya kailangang kausapin ng Tita Melanie niya?

“Thank you, tita,” aniya sa Tita Tara niya bago sinagot ang tawag ng Tita Melanie niya. “Hi, Tita!” bati niya rito.

“Saskia, busy ka ba? Can you come by a minute? May sasabihin lang ako sa’yo,” bungad nito sa kanya.

“Tungkol po saan?” kunot-noong tanong niya rito.

“I have a job for you,” anito.

“A job?”

“Yep. Pumunta ka dito sa bahay ngayon para mapag-usapan natin ng maayos,” anito sa kanya.

“Okay po, tita. Baba lang po ako,” aniya rito. Ano naman kayang trabaho ang ipapagawa nito sa kanya? Inereto ba siya nito sa mga kaibigan nito? May magpapagawa ba ng plano sa kanya?

“O, sige. Hihintayin kita dito,” anito saka tinapos ang tawag.

Itinabi muna niya ang mga ginagawa niyang plano bago bumaba. Ibinalik niya sa cradle ang cordless phone bago lumabas ng bahay. Agad na dumeretso siya sa kabilang bahay at mukhang pinasundo siya ng Tita Melanie niya sa kasambahay nitong si Vani sa gate dahil nadatnan niya itong naghihintay doon sa kanya.

“Hi, Saskia! Sa garden naghihintay si Madam Melanie. Halika na,” yaya sa kanya ni Vani na mukhang tuwang-tuwa.

“Parang ang saya mo ngayon, Vani. Ano’ng mayro’n?”

“Nandito kasi si Sir Matt! Ang gwapo-gwapo niya! Gustong-gusto ko siyang makitang palaging nakahubad,” kinikilig na sabi ni Vani sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad dahil bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba. “Nasaan ang Sir Matt mo ngayon?” tanong niya kay Vani.

“Kasama ni Madam sa may garden. Makikita mo siya do’n. Hay, naku! Ang gwapo talaga niya,” sabi pa ni Vani.

Parang ayaw na niyang tumuloy pa sa may garden at gusto na niyang umuwi ngayon. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahang makita si Matt. Napalunok siya at huminga ng malalim bago ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa may garden. Hindi siya dapat magpaapekto kay Matt.

“Saskia!” tawag ng Tita Melanie niya pagkakita nito sa kanya.

“Hi, Tita—“ Napatigil siya sa pagbati dito ng makita niya ang isang lalaking shirtless sa likuran nito. Napa-facepalm na naman siya sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon. Narinig niyang tumawa sa likuran niya si Vani.

“Matthew! Wala ka sa ibang bansa kaya magdamit ka nga! Tingnan mo’t nadi-distract sa’yo si Saskia,” saway ng Tita Melanie niya sa lalaki.

Oh-my-god! Ugali ba talaga niyang maghubad?

“I’ll take that as a compliment, mom,” narinig niyang sabi ni Matt sa ina nito. Naramdaman niyang may lumapit sa kanya at naamoy niya ang isang panlalaking amoy kaya alam niyang si Matt iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Shit! Bakit ako nagkakaganito? nawi-wirduhang tanong niya sa sarili.

“Hi, Saskia! I’m Matthew Lawrence McDonell. It’s a pleasure meeting you,” ani Matt. She faced him with eyes half-closed. Shirtless pa rin ang loko!

So, those abs did exist. And he’s definitely not gay.

“Okay,” tanging nasabi niya rito. Pinigilan niya ang sarili na tingnan ang katawan nito kahit na natutukso siya.

“Oh, you’re a woman with a few words,” anito sa kanya. His slow, husky and teasing voice almost sipped through her skin.

“And you’re a man with a few shirts,” sarkastikong sabi niya rito na ikinatawa nito.

“I like you,” tahasang sabi nito sa kanya. Doon siya nagmulat ng mga mata.

“And I’d like you to put on a shirt,” sabi naman niya rito.

“Bakit? Hindi ba maganda ang katawan ko para tingnan mo?”

“Actually, you have a very...” Doon niya nagawang tingnan ang katawan nito. His washboard abs are a killer. His biceps and broad shoulders too. Wala siyang maipipintas sa katawan nito. He’s very well built. Ngayon siya naniniwalang katawan talaga nito ang mga nasa pictures sa Google. “Nice body. Pero baka maubos na ang katawan mo mamaya sa kaka-display mo n’yan sa mga tao,” dugtong niya sa sinimulan niyang pangungusap kanina.

“I’ll take that as a compliment again. Thank you,” anito.

“Huh?”

“You almost said that you want to eat me. I’m flattered,” nakangising sabi nito sa kanya.

“Excuse me?”

“Sino lang ba ang tao rito? Si mommy, si Vani, ikaw at ako. Imposible namang pagnasaan ako ni mommy. So that leaves you and Vani. Thank you ha,” anito sa kanya saka siya kinindatan.

“Hoy! Hindi kita pinagnanasaan ‘no! Excuse me!” naiinis na sigaw niya rito.

“Oh, really? We’ll see about that,” anito sa kanya. He gave her that mischievous grin of his again and she wanted to wipe his face off with it.

Ano’ng ibig nitong sabihin?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.