Chapter 35

“TITA, NASAAN nga po pala si Ryleigh?” tanong ni Saskia kay Tita Melanie nang makaupo sila sa tea table sa may garden. Pilit niyang inaabala ang sarili sa pagkausap sa kanyang Tita Melanie para hindi magawi ang tingin niya kay Matt.

“Umalis na siya eh. Duty na niya sa ospital. Bakit? May itatanong ka ba sa kanya?” tanong sa kanya ng Tita Melanie niya.

“Ah. Wala naman po. Naitanong ko lang. Parang hindi ko na po kasi siya nakikitang umuuwi dito eh,” aniya.

“Masyadong abala ‘yon sa ospital. Gusto mo ba ‘yong si Ryleigh? Sabihin mo lang sa’kin para mai-set up ko kayo ng date para magka-girlfriend na ‘yon. ‘Yong ospital na nga yata ang asawa no’n eh,” anang Tita Melanie niya.

“Hindi po, tita. At saka malay mo, may iba po palang nililigawan sa ospital si Ryleigh kaya palaging nando’n siya maliban sa trabaho at mga pasyente niya. We never know,” aniya sa ginang.

“Sino ang liligawan mo?” singit sa kanila ni Matt. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa hitsura nito. Tila sinasadya kasi nitong mag-display ng katawan sa harapan niya.

And he’s not only shirtless now. Kung kanina’y naka-denim pants pa ito’y ngayo’y naka-shorts na lang ito. And he’s getting under her skin. Naiinis siya rito dahil pakiramdam niya’y inaakit siya nito.

At naaakit ka naman? kastigo niya sa sarili.

Hindi, hindi, hindi! agad na sabi niya sa sarili. Imposibleng maakit siya rito dahil kontrolado niya ang sarili niya. Hinding-hindi na siya magkakagusto sa kahit na sinong lalaki kahit kalian. She’d had enough of them.

“Wala. Sinasabi lang ni Saskia na baka may nililigawan daw ang kuya mo sa ospital kaya gustong-gustong palaging naka-duty doon,” sagot para sa kanya ng Tita Melanie niya kay Matt na nanatiling nakatingin sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin dito dahil bigla siyang nakaramdam ng ilang sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya.

“Let him be. Bakit? Gusto mo ba siya, Saskia? That hurts,” anito. Ano’ng sinasabi nito? May crush ba ito sa kanya o nilalandi lang siya nito?

Pinili na lang niyang ignorahin ang sinabi nito. “Tita, ano nga po pala ‘yong sasabihin mo sa’kin?” tanong niya sa Tita Melanie niya.

“Sorry, baby. Your brother already stole her heart,” nakangising sabi ng Tita Melanie niya sa anak. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Wala naman siyang sinasabing gusto niya si Ryleigh. Kinindatan lang naman siya ng Tita Melanie niya na para bang may pinaplano ito.

“Well, then I’ll steal it from him,” ani Matt. Lumipad ang tingin niya rito at nakita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. Then, he smiled at her and she felt her heart thump.

Shit ka talaga, Matt!

“Or, it’s much better to ask for her permission. Saskia, would you allow me to have your heart?” tanong sa kanya ni Matt dahilan para manlaki ang mga mata niya at pigil na pigil niya ang kanyang hininga. Idagdag pa ang intense na pagtingin sa kanya ni Matt. Pakiramdam niya’y matutunaw siya anumang oras dahil sa tingin nito. Tumingin siya sa kanyang Tita Melanie para humingi ng tulong pero nailing lang ito at napangiti.

“So?” untag sa kanya ni Matt.

Tumikhim siya at umayos ng upo. “Tita, pag-usapan na po natin ‘yong sasabihin mo sa’kin,” aniya sa kanyang Tita Melanie.

“O, siya. Matthew, gawin mo na ang dapat mong gawin dahil may dapat kaming pag-usapan ni Saskia. Mamaya ka na dumiskarte sa kanya,” pagtataboy ng Tita Melanie niya sa anak.

But Matt leaned in on her. Napaatras naman siya mula sa kanyang kinauupuan. At sa kaaatras niya’y muntikan nang matumba ang bangkong inuupuan niya. Mabuti na lang at magaap iyong nahawakan ni Matt para hindi siya tuluyang mabagsak. Ngunit iyon naman ang naging dahilan para mapasubsob siya sa dibdib at abs ni Matt.

Stupid move.

“Easy, babe,” ani Matt sa tapat ng kanang tainga niya dahilan para manindig ang balahibo niya sa batok. “I’ll make sure I’ll have your heart next time,” bulong sa kanya ni Matt bago siya nito tantanan.

“Sa tingin ko, sasakit ang ulo ko sa inyo,” naiiling na sabi ng Tita Melanie niya pagkaalis ni Matt. Pero hindi niya naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin dahil abala pa sa pagpo-proseso ang utak niya sa sinabi ni Matt.

“I’ll make sure I’ll have your heart next time,” sabi nito na nag-e-echo sa isipan niya.

And he really has the guts to call me ‘babe’!

DAMN! WHY won’t she bite back? tanong ni Matt sa sarili pagtalikod niya kina Saskia at sa mommy niya. Napu-frustrate siya sa inaakto ni Saskia sa kanya. Hindi matanggap ng ego niya na hindi ito nagpi-flirt sa kanya hindi katulad ng ibang babaeng nakikilala niya. At sa kauna-unahang pagkakataon din ay siya ang unang lumapit sa babae. He had women throwing theirselves on him.

‘Nice’ lang ang katawan ko? Heck, my body’s great! And it costs thousands of dollars!

She won’t bite back dahil ang kuya mo ang gusto niya, paalala sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya. But he doubted it if his brother would ever take notice of her. His brother is so much in love with his profession. He doesn’t have time for women and relationships.

And you do? kastigo niya sa sarili.

Oo naman. I always have time for women, sagot niya sa sarili.

So, you like Saskia?

Napangiti siya sa sarili nang maalala kung bakit napagdesisyunan niyang akitin si Saskia. Nang mag-facepalm ito nang makitang nakahubad siya’y natuwa na siya rito. He wanted to tease her to look straight into his body. Naa-amuse din siya sa tabil ng dila nito. Ito lang ang babaeng nakilala niya na kayang magsalita sa kanya ng ganoon.

There was no doubt that she’s beautiful too. Kahit na simpleng shorts at t-shirt lang ang suot nito’y maganda pa rin itong tingnan. And she had a pair of nice legs. Above average din ang height nito kaya hindi ito alangan sa kanya. He’d been with so many beautiful women before—mostly, hot and sexy models—but he had never felt this way towards a woman. Iyong pakiramdam na gustong-gusto mo siyang akitin dahil gusto mo siyang makasama. He wanted to date her. Si Saskia ang unang babaeng nakakuha ng interes niya sa pag-uwi niyang iyon sa Pilipinas.

Sa nakalipas na limang taon ay nag-travel siya sa iba’t ibang bansa dahil sa trabaho niya bilang isang modelo. He’d travelled all over the world and yet he didn’t find someone like Saskia before. Someone who could make him do everything just to get her. And she’s not even naked yet. Most women that he’d been with before seduced him naked, but Saskia seduced him with her sharp tongue and her innocent face.

He’s Matthew Lawrence McDonell. One of the best male models of the world. Hinding-hindi siya titigil hangga’t magkagusto sa kanya si Saskia. Hindi siya papayag na hindi ito magkagusto sa kanya katulad ng pagkagusto niya rito. Kaya kahit na dapat ay lalabas siya ng bahay ay mas minabuti niyang manatili na lang muna roon ngayon dahil dito. Kanina’y naka-pantalon na siya at magsusuot na lang sana siya ng t-shirt nang may itanong lang siya sa mommy niya pero nang makita niya si Saskia ay nagbago ang isip niya.

Kaya ngayon ay hinubad niya ang suot niyang pantalon at nag-shorts na lang siya dahil gusto niyang maakit sa kanya si Saskia. He’ll do sit-ups and push ups to get her attention. Kapag wala pa ring nangyari ay kailangang maging mas matindi ang pang-aakit niya rito.

I’ll make sure she’ll be hooked on me.

“WHAT DO you think, Saskia?” untag kay Saskia ng Tita Melanie niya. Nag-angat siya ng tingin dito at na-guilty siya dahil hindi siya nakikinig dito.

Pesteng Matt kasi! paninisi niya kay Matt.

Si Matt na naman? It’s all about Matt, Matt, Matt, Matt and it’s all about him, him, him, him, kanta ng isang bahagi ng isipan niya.

It’s official. Inaakit talaga siya ni Matt. Dahil kung hindi ay hindi ito sa harapan nila ng mommy nito mag-e-exercise na ang tanging suot ay shorts lang. Dahil dito ay hindi siya nakapag-concentrate sa mga sinabi ng Tita Melanie niya. Parang may sariling isip ang ulo at leeg niya dahil kusang tumitingin ang mga iyon kay Matt habang nagpu-push ups ito.

Kanina, nang nagsi-sit ups ito—na gustong-gusto ni Vani dahil ito ang may hawak ng mga paa ni Matt—ay tuwing tumatayo ito ay tumitingin ito sa kanya at kumikindat. Who wouldn’t be distracted with that?

Kung hindi ka naman tumitingin sa kanya, hindi ka madi-distract, anang isang bahagi ng isipan niya.

Huminga siya ng malalim bago umisod palapit sa Tita Melanie niya at bumulong siya rito. “Tita, pwede po bang sa loob na lang tayo mag-usap? Masyadong mainit dito eh,” aniya rito.

“Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na umuwi siya dito o hindi,” anang Tita Melanie niya.

“Po?” maang na tanong niya rito.

“Halika na sa loob,” yaya nito sa kanya. Tumayo ito mula sa kinauupuan at pumasok sa loob ng bahay kaya sumunod agad siya rito. “Mula nang mapabalitang dumating ‘yang si Matt dito, hindi na tumigil ang telepono dito sa kakatunog. Kung hindi designers, promoters, clothing lines, at reporters ang tumatawag, puro babae naman,” naiiling na sabi ni Tita Melanie.

“Tita, sikat po kasi ang anak n’yo kaya gano’n. Ikaw ba naman ‘yong maging isang international model, maging gwapo at hot katulad ni Matt hindi ka hahabulin ng mga tao? You should be proud of him, tita,” aniya rito.

“Pati pala ikaw nabiktima niya,” natatawang sabi ng Tita Melanie niya.

“Tita, ayaw ko sa mga lalaking conceited,” aniya rito.

“That’s what I thought. Kaya nga sinabi ko kanina sa kanya na si Ryleigh ang gusto mo. Masyadong confident kasi ang isang ‘yon na lahat ng babaeng makikilala niya’y magkakagusto sa kanya,” sabi naman nito sa kanya.

Kaya pala. “Tita, maiba tayo. Ano nga po pala ‘yong gusto n’yong ipagawa sa garden n’yo?” tanong niya rito. Umupo sila sa sofa sa salas ng mga ito. Doon ay makakapag-concentrate na siya sa talagang ipinunta niya sa mga McDonell.

“Gusto ko sanang ipa-renovate ‘yong garden ko pero hindi ko alam kung ano ang magandang gawin sa kanya.”

“Ano po ba ang gusto n’yo para sa garden n’yo? Maybe I can sketch something for you,” aniya rito. Nag-take siya ng major courses bilang landscape architect kaya marunong siya niyon. Marahil ay sinabi ng Tita Tara niya kay Tita Melanie na landscape architect din siya kaya nandoon siya ngayon.

“Gusto ko sanang maging modern ang dating niya. Gusto ko rin sanang maglagay ng Sunday table sa garden. Ayaw ko ring matatanggal ‘yong malaking puno dahil magiging mainit kapag natanggal ‘yon. Ang sabi kasi ng kaibigan ko dati, kung Venice-inspired garden ang gagawin ko, maa-out of place daw ‘yong swimming pool kaya mas maganda siguro kung modern ‘di ba?”

Napaisip siya sa sinabi nito. “Pwede naman po sigurong paghaluin ‘yong Venice themed garden at saka modern style na gusto mo. Sandali lang po. Pwede po bang pumunta ako sa dining n’yo para makapag-sketch ako?” aniya rito.

“Go. Maghahanda lang kami ni Vani ng merienda natin,” nakangiting sabi nito sa kanya. Sabay silang nagpunta sa dining area ng mga ito bago ito dumeretso sa kusina ng mga ito. Agad naman siyang umupo sa gilid ng dining table ng mga ito para masimulan na niya ang nabi-visualize niyang garden ng mga McDonell.

Ang mga sumunod na minuto ay ginugol niya sa pag-i-sketch ng dalawang design na tumutugma sa gustong mangyari ng Tita Melanie niya. She was in her element now. Venice-themed design with a mix of modern style. May mga contact na siyang supplier na maaari nilang pagkuhanan ng mga ilalagay nila sa garden kung walang kilalang supplier ang Tita Melanie niya.

Nang makita niya ang dalawang finished sketch ng garden ay napangiti siya. Kahit ball pen lang ang gamit niya’y nagawa pa rin niyang mag-sketch ng maayos na ayon sa nabi-visualize niyang garden. Nagustuhan niya ang dalawang sketch na ginawa niya at ngayon ay kailangan na lang mamili doon ng Tita Melanie niya. Kung wala naman itong magustuhan sa dalawa ay gagawa na lang ulit siya ng bago.

“Nice. You know how to draw,” anang boses ni Matt mula sa tagiliran niya.

“Jeez, Matt!” gulat na sabi niya rito habang sapo ang dibdib. Hindi niya namalayan ang pagdating nito roon. At napapikit siya ng makitang shirtless pa rin ito.

“Kanina pa ako dito. Hindi mo lang ako napansin dahil masyado kang engrossed sa ginagawa mo,” anito sa kanya saka siya kinindatan.

Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili niya. “Ano ba talaga ang ginagawa mo?” hindi na niya napigilang itanong dito. Tutal ay silang dalawa lang naman ang naroon ngayon.

“What do you mean?” maang na tanong nito sa kanya. Pero nahalata niyang may pinipigil itong ngiti sa mga labi.

“Stop tripping around me! Kung binabalak mong i-seduce ako d’yan sa mga paghuhubad mo, ‘wag mo ng ituloy dahil kahit kailan ay wala sa plano kong pumatol sa isang stripper,” mataray na sabi niya rito.

“You think too much, babe. I’m not a stripper. Nainitan lang ako kanina kaya nakahubad ako. At saka, sanay akong mag-exercise na nakahubad regardless of the place I’m in. You think na sine-seduce kita? At bakit mo naman nasabing sine-seduce kita? Are you seduced?” nakangising tanong nito sa kanya.

Shit! mura niya sa sarili. Parang bumalik sa kanya ang lahat ng sinabi niya rito. Nakakainis siya!

“Of course not! Masakit lang sa matang makita kang palaging nakahubad. Why don’t you put on a shirt for a change?” aniya rito.

“Bakit ba hindi ka makatingin ng deretso sa’kin? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nakahubad? You’re so frigid,” anito sa kanya.

“I’m not! Ang paghuhubad kasi may pinipiling lugar dapat. Fine, you have a nice body and everyone knows that. Hindi mo na kailangang ipangalandakan ‘yon sa buong mundo,” aniya rito.

“What’s with you and my body?”

“Bakit tinatanong mo sa’kin ‘yan?” kunot-noong tanong niya rito.

“Women would want to see me naked. Why can’t you?”

Napamata siya rito. Masyado talaga itong conceited. “I’m not one of those women. At, hello? Nandito ka kaya sa Pilipinas. Conservative ang mga tao dito ‘no. Ibahin mo ang bansa natin sa mga napuntahan mo ng bansa na walang kaso sa kanila ang paghuhubad,” aniya rito.

“Tyra and Trina likes my body,” ani Matt.

“So? Sila ‘yon, hindi ako,” mataray na sabi niya rito. Inayos niya ang mga sketch niya at tumayo mula sa kinauupuan niya. Ipapakita na niya iyon sa Tita Melanie niya para makauwi na siya sa kabilang bahay. Baka umabot na sa tuktok ng ulo niya ang pagkainis niya kay Matt.

Sasabihan na rin niya si Tyra na humanap na lang ng ibang lalaking gugustuhin dahil hindi magiging mabuting impluwensiya dito si Matt. Paano na lang kung palagi itong nakahubad sa harapan ni Tyra? Mapo-pollute lang ang utak ng pinsan niya.

“What would it take for you to date me, Saskia?” pagkuwa’y tanong sa kanya ni Matt na ikinagulat niya.

Gusto siya nitong i-date? Bakit siya? She’s a nobody. Sigurado siyang maraming babae sa buong mundo na mas maganda at hindi hamak na mas sexy sa kanya na may gusto dito kaya bakit siya nito gustong i-date?

Maybe he wants to date you to feed his ego. Baka ikaw ang unang babae na tumanggi sa kanya, anang isang bahagi ng isipan niya. Kung ganoon man ang rason nito’y mas lalo siyang nakaramdam ng inis dito.

“I’m pining for your brother, Matt,” pagsisinungaling niya rito.

“Hindi mo sinagot ang tanong ko,” anito sa kanya.

“Fine. I wouldn’t date you. Whatever it takes,” sabi niya rito saka ito tinalikuran at nagtungo sa kusina ng bahay ng mga ito. Siguro naman ay tatantanan na siya nito pagkatapos niyon.

Matt spells ‘distraction’ and ‘trouble’ in big capital letters so she should avoid him.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.