“PERO BAKIT?”
Naiikot ni Saskia ang kanyang mga mata sa tanong na iyon ni Tyra. Pagkagaling niya sa bahay ng mga McDonell ay agad siyang dumeretso sa kwarto nito at sinabi niya ritong tigilan na ang pagkagusto kay Matt dahil hindi makakatulong dito ang lalaki.
“Because...” Paano ko ba sasabihin sa kanya ng tama?
“Because?”
“Seriously, he’s not who you think he is,” sabi niya kay Tyra.
“Ano’ng ibig mong sabihin, ate?” kunot-noong tanong nito sa kanya.
Pumikit siya ng mariin saka huminga ng malalim bago harapin si Tyra. “Bastos siya, conceited, at mayabang. He’s not nice at all,” mariing sabi niya kay Tyra. At least, his body’s nice.
“Paano mo nasasabi ang mga bagay na ‘yan? Nagkakilala na ba kayong dalawa?”
“Yes! Pinatawag kasi ako ni Tita Melanie sa kabilang bahay dahil nagpa-sketch siya ng bagong design para sa garden nila. Gusto kasi niyang i-renovate ‘yong garden nila. At alam mo ba, nando’n ‘yong Matt na ‘yon. Shirtless!” kwento niya kay Tyra. Natawa sa kanya si Tyra. “What?”
“Ate, ang OA mo. Komportable lang si Matt na ipakita ang katawan niya dahil sanay na siyang ibalandra ang katawan niya sa mga magazines. He’s an underwear model most of the times, you know,” sabi sa kanya ni Tyra.
“I don’t care! Wala naman siya sa isang pictorial kaya hindi naman niya kailangang maghubad palagi ‘no,” aniya rito.
“Baka naman naiinitan lang siya. You know, naninibago siya sa weather dito dahil sanay siya sa lamig sa ibang bansa,” paliwanag ni Tyra na para bang spokesperson ito ni Matt.
Bumuntong-hininga siya. Kapag nga pala in love ang tao sa isang tao ay hindi nito napapansin ang mali sa taong iyon. Kaya walang point kung paliliwanagan pa niya si
Tyra dahil tiyak na hindi nito makikita ang punto niya.
“Fine. Ang gusto ko lang namang sabihin eh, hindi siya magiging mabuting impluwensiya sa’yo. Humanap ka na lang ng lalaking kaedad mo kung gusto mong magka-boyfriend,” sabi niya rito.
“But, why?”
“I don’t want you to do something with him anymore,” aniya rito.
“Ate Saskia, may ginawa bang masama sa’yo si Matt? Bakit parang galit na galit ka sa kanya?” nagtatakang tanong ni sa kanya ni Tyra.
“Hindi naman ako galit sa kanya. Naiinis lang. Ah, basta. ‘Yon lang naman ang gusto kong sabihin sa’yo. Sige. Babalik na ako sa kwarto ko dahil ipagpapatuloy ko na ang ginagawa ko,” paalam niya rito.
“Did he hit on you, ate?”
“Huh?”
“Si Matt. Did he hit on you?” tanong sa kanya ni Tyra.
Yes. “N-no. Hindi naman. Pero kasi, ‘yong level ng maturity n’yo hindi matched. Kaya gusto ko sanang humanap ka na lang ng kaedad mong lalaki. Kasi si Matt...ah, basta. Hindi siya bagay sa’yo,” aniya kay Tyra.
“Ate Sasa, sa love, walang matanda o bata. Kapag mahal mo kasi, mahal mo lang. Wala nang ‘buts’ and ‘what-ifs’,” paliwanag sa kanya ni Tyra. Naitaas niya ang isang kilay dito.
“Believe me, Tyra. Ganyan din ang paniniwala ko noon pero nasaktan lang ako sa huli. And, yes. I’m warning you, Tyra. Stop whatever you’re planning with Matt,” aniya rito bago lumabas ng kwarto nito at nagtuloy sa kwarto niya para tapusin na ang proyektong ginagawa niya na ipe-present niya sa isang kliyente nila sa Lunes. Basta ang sabi niya sa sarili ay hindi na siya makikialam pa sa kung ano ang gustong gawin ni Tyra para kay Matt at lalong ayaw niyang ma-involve kay Matt.
Kinahapunan pagbaba niya sa dining area nila ay nagulat siya nang sabihin ng Tita Tara niya na may padala sa kanya si Matt. Ang paborito niyang macarons iyon mula sa paborito niyang bakeshop. Paano kaya nalaman ni Matt na paborito niya iyon? At bakit naman siya bibigyan ni Matt ng ganoon?
“Nag-away ba kayo ni Matt?” tanong sa kanya ng Tita Tara niya.
“Bakit?” naiintriga namang tanong ni Trina. Hindi siya makatingin ng deretso dito lalo na kay Tyra. Hindi niya alam kung bakit siya nagi-guilty.
Hindi naman ako nakipag-flirt kay Matt kanina, ‘di ba? aniya sa sarili.
Pero aminin mo man o hindi, naakit ka sa kanya kanina, sabi naman ng isang bahagi ng isipan niya na hindi niya nagustuhan.
“Ah, hindi, hindi. Tita, baka para sa’ting lahat naman ‘yan,” aniya.
“Eh, ang sabi ni Matt para sa’yo daw ‘yan. Peace offering,” anang Tita Tara niya.
“Peace offering? Sabi mo hindi kayo nag-away,” ani Trina.
“Ah, nainis kasi ako sa kanya kanina. Napaka-conceited kasi,” aniya sa mga ito.
“Did he hit on you?” nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya ni Trina. Bakit ba iyon ang unang pumapasok sa isipan ng mga ito?
“No! Of course not!” agad na tanggi niya sa mga ito.
“Okay, okay. Masyado kang defensive,” natatawang sabi ni Trina.
Nakahinga siya ng malalim nang hindi na magtanong pa ang mga ito tungkol kay Matt. Natutukso man siyang kainin ang macarons ay hindi niya iyon ginalaw man lang. Kaya ibinigay na lang niya iyon kay Tyler. Bumalik siya sa kanyang kwarto.
Unang araw pa lang ng pagkikita nila ni Matt ay pakiramdam niya’y madami nang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Naiinis siya rito dahil inaakit siya nito at naakit siya. Natatakot siyang makagawa ng kahiya-hiyang bagay sa harap nito at sa harap ng ibang tao. She has to hold her feelings back and face them composed. Ayaw na niyang ma-involve pa sa isang lalaki lalong-lalo na kay Matt kaya hindi na sila dapat pang magkita nito.
This thing with Matt has got to stop now before it gets worse.
HINDI PA man nakakaupo sa kanyang swivel chair si Saskia ay narinig na niyang tinawag na naman ang pangalan niya sa labas ng opisina nila. Katatapos lang niyang makipag-meeting kay Mr. Gerrero na nagpagawa sa kanya ng plano ng bahay ng mga ito. Iyon ang ginawa niya nang nakaraang weekend at masaya siya dahil natapos na niya iyon. Ngayon ay naghihintay na lang siya ng bagong proyekto. Na sana ay malaki-laki naman. Gusto niya kasi ng challenge.
“Kaya pala ayaw mong magpaligaw sa’min dito ha,” bungad sa kanya ni Lucas. Nakasalubong niya ito sa may pintuan ng opisina nila. Magkakasama silang mga architect sa iisang opisina. Pero maganda naman ang opisina nila. Parang malaking bahay lang nilang lahat.
“Huh? Ano’ng sinasabi mo?” naguguluhang tanong niya rito.
“May naghihintay sa’yo sa labas. Ideretso mo na sa conference room dahil baka mainggit ang iba dito,” sabi pa ni Lucas na hindi niya pa rin maintindihan kung sino ang tinutukoy.
“Sino ba kasi ‘yon?” tanong niya rito.
“Oh my gosh, Saskia! Ang tagal mo namang lumabas. Halika na!” biglang sabi sa kanya ng kapwa niya architect na si Jenna saka siya hinila palabas ng kanilang opisina. Mukhang excited na excited ito kaya iniisip niya kung sino ba iyong taong nasa labas.
Napatigil siya sa paglalakad at hinila niya ang kamay niyang hila ni Jenna nang makita niya kung sino ang nakasandal sa may reception desk nila. Pakiramdam niya’y tumalon ang puso niya pagkakita niya rito. Kaya naman pala excited si Jenna. Pero ano namang ginagawa doon ni Matt?
In fairness, he looks decent. Naka-polo at denim pants kasi ito ngayon hindi katulad noong una niyang kita dito na shirtless ito. And then again, he looks insanely hot and gorgeous. Kahit ano yatang isuot nito’y ganoon pa rin ang magiging description niya dito.
Oooops. Get a hold of yourself, Saskia. No boys, no cry, right? paalala niya sa sarili.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” mataray niyang tanong kay Matt.
“Hello to you too, Saskia,” nakangiting sabi sa kanya ni Matt.
“Ang hard mo naman sa kanya, girl,” saway sa kanya ni Jenna.
“Ano namang hard do’n? Tinatanong ko lang naman siya kung ano’ng ginagawa niya dito, ‘di ba?” aniya kay Jenna saka muling humarap kay Matt. Nakakatingin na siya ng deretso dito ngayon dahil hindi na ito nakahubad. Hindi na siya matutukso pa dito.
“Nandito ako dahil pag-uusapan natin ang tungkol dito,” ani Matt sa kanya saka ipinakita ang nakarolyong papel.
“Ano ‘yan?” tanong niya rito.
“Marriage contract,” nakangising sagot ni Matt. Narinig niyang napasinghap sina Jenna at ang receptionist nilang si Hanna kaya tinapik niya sa braso si Matt para sawayin ito sa kalokohan nito. “Joke lang. Ito ‘yong ini-sketch mo para sa renovation ng garden namin,” ani Matt.
“O? Bakit dinala mo pa dito? Pwede namang mamaya namin pag-usapan ‘yan ni Tita Melanie sa bahay n’yo,” aniya rito.
“Girl, paupuin mo naman muna siya. Kliyente naman pala siya eh,” sabi sa kanya ni Jenna.
Bumuntong-hininga siya. Ayaw niyang dalhin ito sa loob ng opisina nila dahil baka makantiyawan siya roon ng mga kaopisina niya. Ayaw naman niyang silang dalawa lang ang maging laman ng conference room nila.
“Matt, pupunta na lang ako sa bahay n’yo mamaya para mapag-usapan namin ni Tita Melanie ang tungkol d’yan,” aniya kay Matt na paraan ng pagtataboy niya rito.
“Ay, ‘wag mo muna siyang pauwiin,” singit na naman ni Jenna sa kanila.
“Jenna, this is Matt. Matt, this is Jenna,” pakilala niya sa dalawa dahil alam niyang iyon naman ang gustong mangyari ni Jenna. Para matapos na ang pangungulit nito sa kanya. Nagkamay ang dalawa at tila nakuryente naman si Jenna dahil sa kilig.
“Actually, Saskia, you won’t find mom at home tonight. Umalis sila ni daddy papunta sa US dahil pinapatawag sila doon nina lola. Busy naman si kuya sa duties niya kaya sa’kin naiwan ang responsibilidad na kausapin ka tungkol sa renovation ng garden. So, shall we talk about it now?” ani Matt sa kanya.
Seriously? Silang dalawa ang mag-uusap palagi para sa renovation ng garden ng mga ito? This is trouble.
“Hindi ba pwedeng pagdating na lang nina Tita Melanie galing sa US namin pag-usapan ‘yan?” tanong niya rito.
“No can do. She’s hopeful na matatapos ang renovation by next month before ng anniversary nila ni daddy dahil gusto niyang gawin ang party doon sa garden,” paliwanag sa kanya ni Matt.
Okay, fine. Bumuntong-hininga siya bago ito niyaya papasok sa kanilang conference room. “Come with me,” yaya niya rito saka siya nagpaalam kina Jenna at Hanna. Agad namang sumunod sa kanya si Matt.
“You look good in a business suit,” bulong sa kanya ni Matt na ikinagulat niya. Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ito.
“Sinabi mo ba ‘yon dahil gusto mong purihin din kita?” mataray na tanong niya rito.
“Bakit ba ang taray-taray mo pagdating sa’kin?” nakakunot-noong tanong nito.
“Dahil ang kulit mo,” aniya rito. Binuksan niya ang conference room at iminwestrang mauna na itong pumasok sa kanya pero sinabi nitong mauna na siya. Umupo siya sa isang upuan doon at umupo naman sa tabi niya si Matt kaya lumipat siya ng ibang upuan na mas malayo rito.
“Kung gusto mong maging harmonious ang partnership natin sa project na ‘to, rule number one, ‘wag na ‘wag kang bubulong sa’kin. Rule number two, ‘wag na ‘wag kang lalapit sa’kin. At rule number three, ‘wag na ‘wag kang maghuhubad sa harapan ko. Malinawag?” aniya rito.
“Why all those rules?” tanong sa kanya ni Matt.
“Kung ayaw mong mag-away tayo, susundin mo ang lahat ng ‘yon,” aniya rito.
“Bakit nga? Man-hater ka ba?”
“Of course not!” tanggi niya rito. Hindi naman talaga siya man-hater. Kung man-hater siya, hindi na sana siya nakikipag-usap pa sa mga lalaki.
“So, you’re just scared of me.”
“What? Why would I be...of course not!”
“So, bakit may mga rules kang gano’n? Masama bang bumulong? At imposible namang hindi tayo maglapitan dahil magiging magkatulong tayo sa renovation ng garden ‘di ba? Paano tayo mag-uusap ng maayos kung hindi tayo lalapit sa isa’t isa? Lastly, what’s with you and my body again?” tanong ni Matt sa kanya na may pinipigil na ngiti sa mga labi.
Shit ka talaga! “Ah, basta. ‘Yon ang gusto ko,” giit niya rito.
“That means you’re really scared of me.”
“I’m not. You’re not a ghost,” aniya rito.
“But you’re scared that you might fall for me. Naapektuhan ka kapag binubulungan kita, kapag nilalapitan kita at kapag nakikita mo akong nakahubad,” nanunuksong sabi nito sa kanya.
“H-hindi kaya,” aniya rito. Tumikhim siya at inayos ang pagkakaupo. “Ano nga pala ang napiling design ni tita?” pag-iiba niya ng usapan.
“Actually, I talked to mom about your designs. Okay naman ‘yong iba except do’n sa fountain. I’ve been to Venice and there’s not much garden there. ‘Yong Grand Canal kasi ang main attraction sa kanila. If the garden would be Venice-themed too, dapat may representation ‘yong Grand Canal. ‘Tapos gusto pa ni mommy na may mixture ng modern design. So, I suggest na gawin mo na lang modern style waterfall ‘yong ilagay sa garden rather than a fountain, ‘tapos mag-request tayo sa gagawa na kung pwedeng habaan ‘yong bagsakan ng falls para maging representation ng Grand Canal ‘yong magiging flow ng tubig. And mom also wants a bridge, so we can have a bridge there,” paliwanag ni Matt.
“Hmmm. That’s good,” aniya rito. Mataman siyang nakinig dito at na-amaze siya sa mga ideya na naisip nito.
“Hanga ka na sa’kin?” anito sa kanya saka siya kinindatan.
“Alam mo, ayos ka na sana eh. Conceited ka lang,” prangkang sabi niya rito.
“Ikaw rin eh. Ayos ka na sana, mataray ka lang,” ganti nito sa kanya.
“Sa’yo lang,” aniya rito.
“Bakit nga sa’kin lang?” makulit na tanong nito sa kanya.
“Basta,” tanging nasabi niya.
“Ang sabihin mo, crush mo naman talaga ako. Pinipigilan mo lang. Just a piece of advice, don’t hold it back. If you would, it’s going to be more than a crush the next day,” sabi nito sa kanya na ikinatanga niya rito.
“’Ayan! Conceited ka na naman,” aniya rito.
“But it’s the truth,” giit nito sa kanya.
“Hindi kita crush,” aniya rito. Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. Mahihirapan siyang makipag-usap dito ng maayos.
“Love, perhaps?” pangungulit pa nito sa kanya. Tumayo na rin ito mula sa kinauupuan nito.
“Baka ikaw ang may crush sa’kin,” ganti niya rito.
“Yeah. I like you,” agad na amin nito na muli niyang ikinatanga rito.
“Hinay-hinay lang. Baka mamaya ma-in love ka ng tuluyan, wala akong maisusukli sa’yo,” aniya rito.
“I don’t stop until I get what I want, babe.”
“I don’t care much about that.”
“Keep doing that and I’ll kiss you,” banta nito sa kanya.
“Keep on bantering with me and I’ll punch you,” banta rin niya rito.
“I’d like to see you try it,” hamon nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya dahilan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. And his manly scent distracted her. It brought a tingling sensation on her system. She felt teased again as his tongue licked his pillowed lips and his slightly hooded eyes gazed at her intensely.
“I hate you,” sabi na lang niya rito saka itinulak ito palayo at mabilis na lumabas ng conference room nila. Dumeretso siya sa comfort room nila para payapain ang mabilis na tibok ng puso niya.
Damn Matt!