WHAT A CHALLENGE! nakangiting sabi ni Saskia sa sarili pagkalabas niya ng opisina ng Tito Tyrone niya. Parang kailan lang na humiling siya ng magandang proyekto, pagkatapos ay heto na ngayon sa kamay niya. May bonus pa.
Kinausap siya ng Tito Tyrone niya kanina kasama ang isa pa niyang kaopisina na si Dustin at dalawang mula sa engineering department na sina Marlon at Francisco. Ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Mamimili na ang Tito Tyrone niya ng susunod na magiging head architects at head engineers ng kanilang kompanya. And she’s on for the challenge.
Ang challenge ay ang makagawa sila ng presentation para sa gagawing isang malaking resort sa Bataan. Kailangan nilang i-present sa may-ari ng magiging resort ang gawa nila at ito mismo nag pipili sa dalawang team kung anong proyekto ang nagustuhan nito. Ang mapipili nitong team ang magiging head architect at head engineer ng kanilang kompanya.
Ang partner niyang engineer ay si Francisco. Magaling itong engineer at marami na rin itong naging kliyente na more than satisfied pa sa gawa nito. Hindi rin iyon ang unang beses na makaka-tandem niya ito sa isang proyekto at alam niyang katulad niya’y gagawin din nito ang lahat para maging head engineer ng kanilang kompanya. Pero alam din niyang hindi magiging madali ang laban dahil mas matagal na sa kompanya ang kalaban nilang si Dustin at Marlon.
Kung sa kanya lang, na-flatter siya dahil siya ang pinakabata sa kanilang apat at hindi rin niya inaaasahan na ngayon siya bibigyan ng pagkakataon ng tito niya ng ganoon. Pero nagpapasalamat din siya dito dahil sa tiwalang ibinibigay nito sa kanya. She would definitely win this challenge and she would be the next head architect of the company.
“I wonder kung napili lang siya dahil pamangkin siya ng may-ari ng kompanya,” narinig niyang sabi ni Marlon patungkol sa kanya at hindi niya iyon nagustuhan.
“Hayaan mo na lang siya,” bulong sa kanya ni Francisco. Tama ito. Patutunayan na lang niya sa mga ito na kaya niyang manalo sa labang iyon at worthy siya para maging sunod na head architect.
“Kung ‘yon lang pala ang batayan, matagal na sanang head architect ng kompanyang ito si Saskia,” anang Tito Tyrone niya mula sa kanilang likuran na ikinagulat nilang apat. Bigla na lang kasi itong lumabas sa opisina nito. Nginitian niya ito dahil ipinagtanggol siya nito.
Anim na taon na siyang nagtatrabaho sa kompanya nito at hindi naman naging madali para sa kanya ang lahat kahit na tito niya ang may-ari ng kompanya. Naging junior architect siya at naging miyembro muna siya ng teams bago siya nag-lead ng teams niya. She believes that she’s a promising candidate for the head architect position. And these guys won’t let her down.
“I’m sorry, sir,” hinging-paumanhin ni Marlon sa tito niya. Saka ito umalis doon kasama si Dustin. Humihinging-paumanhin na tumingin sa kanya si Dustin. Kaibigan niya ito at madalas silang magkasama dahil kaopisina niya ito. Hindi katulad ni Marlon na mayabang, mabait si Dustin.
“Saskia, can I ask you a favor?” anang Tito Tyrone niya sa kanya.
“Ano po ‘yon, Sir?” tanong niya rito. “Sir” ang tawag niya rito dahil nasa opisina sila.
“I’m talking as your tito. Nagpaalam kasi sa’kin kanina si Trina. May ramp modelling show daw siya na panonoorin mamayang gabi. Baka mag-bar na naman ‘yon pagkatapos no’n eh, baka pwede mo siyang samahang manood mamaya,” anang tito niya.
Model si Trina at hindi naman ito pinipigilan ng mga magulang nito pero dahil may pagka-conservative ang Tita Tara at Tito Tyrone niya’y medyo mahigpit ang mga ito sa mga anak. Kahit na nagmo-model si Trina ay may rules pa rin itong sinusunod. Ang problema lang naman kay Trina ay kapag nayayaya ito ng mga kaibigan nito at hindi ito makatanggi kaya madalas na nasa bar ito.
“Sure, tito,” sagot niya sa tito niya.
“O, sige. Sasabihin ko na sa kanya na sasama ka sa kanya. You don’t need to babysit her. Basta ‘wag mo lang siyang hayaang mag-bar mamaya,” bilin ng Tito Tyrone niya.
“Sige po, tito. Got it,” nakangiting sabi niya rito.
“Thanks, Saskia!”
“No problem. Sige po, Sir,” paalam niya rito saka niyaya nang umalis doon si Francisco.
Habang pabalik sila sa kani-kanilang opisina ay pinag-usapan na nila ni Francisco kung kailan sila bibisita sa site at napagkasunduan nilang sa weekend na lang sila pupunta doon para walang pasok. Isasama daw nito ang asawa’t anak nito para makapamasyal na din ang mag-anak nito. Wala naman siyang kaso doon. Gusto din niyang makilala ang pamilya nito.
Pagkabalik niya sa kanilang opisina ay nagtaka siya dahil nagkukumpulan sa table niya ang mga kaopisina niya.
“Hoy! Ano’ng mayro’n?” untag niya sa mga ito.
“Bakit secret love ang peg mo? Pa-taray-taray ka pa no’ng isang araw ah,” sabi ni Jenna sa kanya na ikinakunot ng noo niya. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito.
“Ano’ng ‘secret love’?” tanong niya habang lumalapit sa table niya. Hinawi niya ang mga kaopisina niyang nagkumpulan doon at nagulat siya sa nakita sa kanyang table. “Kanino naman galing ‘to?” kunot-noong tanong niya. May bouquet ng bulaklak sa table niya.
“Kanino pa, eh ‘di kay Papa Matt!” kinikilig na sabi ni Jenna.
“May card, may card. Basahin mo na, dali!” excited namang sabi sa kanya ni Kyrie.
“Grabe! Mas excited pa kayo kaysa Saskia,” sabi naman ni Athur.
“So? Ngayon lang kasi may nagpadala ng bulaklak sa kanya kaya sino ba naman ang hindi mae-excite?” ani Jenna.
“Tse! Bumalik na nga kayo sa trabaho,” pagtataboy niya sa mga ito. Ang hindi lang umalis sa tabi niya ay sina Jenna at Kyrie na excited talagang malaman kung ano ang laman ng card. “Alis! Hindi ko ‘to bubuksan ng may audience,” aniya sa mga ito.
“Ang damot mo naman,” reklamo ni Jenna.
“Sabihin mo sa’min kung ano’ng nakalagay ha?” sabi naman ni Kyrie.
“Oo na. Alis,” pagtataboy niya sa mga ito. Nang makaalis ang dalawa ay umupo siya sa kanyang swivel chair at tiningnan ang mga bulaklak. Pink roses iyon na paborito niyang kulay ng rosas. Sino ba ang pinagtatanungan ni Matt ng mga paborito niya?
Kinuha niya ang card na kasama ng bouquet at binuksan iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung ano ang laman niyon. Muntikan na siyang mapatili sa gulat nang makita ang nakahubad na litrato ni Matt na siyang laman ng sobre. Agad niyang itinago sa drawer ng table niya ang sobre at t-in-ext si Matt.
Pervert! text niya kay Matt. Nagbigayan sila ng numero dahil nagte-text at nagtatawagan sila tungkol sa pagpapa-renovate ng garden ng mga ito.
Pinaypayan niya ang sarili dahil nainitan siya. Bakit nagpadala ng ganoong larawan sa kanya si Matt?
It’s an invitation, babe, reply sa kanya ni Matt.
Napakunot ang noo niya sa text nito. Kaya muli niyang tiningnan ang laman ng card. Mabilis lang ang ginawa niyang pagtingin at nakita niyang imbitasyon nga iyon sa Bachelors Bash na taunang ginagawa ng isang magazine kung saan rumarampa sa stage ang mga lalaking naggagandahan ang katawan.
I’m not going, text niya rito.
Oh, you would. Trina said you’ll come with her, reply nito sa kanya.
Shit!
NAKATUNGO lang si Saskia habang on-going ang rampa ng mga lalaki sa Bachelors Bash na iyon. Siya lang yata ang hindi nag-e-enjoy sa lugar na iyon dahil lahat ng babae sa tabi niya ay tumitili sa mga lalaking rumarampa. Siya lang ang hindi makatingin sa stage dahil nahihindik siyang makitang naghuhubad ang mga lalaking iyon.
Bakit ba kasi hindi ako magaling humabi ng alibi? inis na tanong niya sa sarili. Nasa kwarto lang niya sana siya ngayon at natutulog hindi iyong pakiramdam niya’y siya pa ang naeeskandalo sa mga lalaking rumarampa sa harapan niya at naghuhubad.
Hindi na sana siya sasama doon. Sinabi niya sa Tito Tyrone, Tita Tara niya at kay Trina na masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya makakasama pero hindi siya pinaniwalaan ni Trina. Gumamit pa ito ng thermometer para masabing wala naman siyang sakit o kahit sinat man lang. Kinonsensiya pa siya ng magaling niyang pinsan dahil sa damit na binili nito sa kanya. Mahal daw. Hindi naman niya sinabing bilhan siya nito ng damit.
Suot niya ngayon ang fitted blue dress na binili sa kanya ni Trina. Hindi siya komportableng magsuot niyon dahil nako-conscious siya sa pigura niya lalo na’t kalahati lang ng hita niya ang haba niyon. Mas sanay siyang magsuot ngn office clothes at business suits kaysa magsuot ng dresses. Hindi siya katulad ni Trina na kayang suotin kahit anong ipasuot dito.
“Sasa, tumayo ka naman d’yan. Enjoy the show,” sigaw sa kanya ni Trina.
“Ayoko. Hindi pa ba matatapos ‘to? Inaantok na ako,” sabi niya rito.
“You’re no fun, Saskia. Malapit na ‘tong matapos. Pero hindi tayo agad uuwi dahil magba-bar pa tayo mamaya,” ani Trina.
“Oh, no we won’t. Pagkatapos nito’y uuwi na tayo dahil inoorasan tayo ng parents mo,” sabi niya rito.
“Ang KJ mo naman. Makakatulog din ang mga ‘yon,” ani Trina.
“Ah, basta. Hindi tayo magba-bar mamaya,” mariing sabi niya rito.
“Kapag hindi ka tumayo d’yan, iiwanan kita dito at magba-bar ako mamaya. Tumayo ka na dahil malapit na ang finale,” excited na sabi ni Trina sa kanya.
“So? Kailangan bang tumayo para sa finale?” maang na tanong niya rito.
Hinila siya nito patayo. “Ano ka ba. Malay mo, ikaw ang mapili no’ng last act na halikan siya on stage. Swerte mo,” nakangising sabi sa kanya ni Trina.
“Ay, naku! Wala akong pakialam d’yan. Ikaw na lang,” sabi niya rito. Tangkang babalik siya sa upuan niya pero hinigit muli siya ni Trina at hinawakan na nito ang braso niya para hindi na siya makaupo pa. “Trina, bitiwan mo ako,” aniya rito.
“Ayoko nga. Bear with me. Hindi na nga tayo magba-bar mamaya kaya samahan mo akong makitili ngayon. You’ll surely enjoy the last act. Ang hot niya,” sabi ni Trina sa kanya sabay kindat.
“Wala akong—“ Natigil siya sa pagsasalita nang umugong ang malakas na sigawan at palakpakan mula sa audience. Pati si Trina ay nakitili rin kaya tinabunan niya ang magkabilang tainga niya gamit ang dalawang kamay niya. Napakaingay na ngayon sa buong venue.
“Saskia, look!” sabi sa kanya ni Trina saka itinuro ang gitnang bahagi ng stage.
In the middle of the stage was a black Ducati driven by a man who wore dark sunglasses, black leather jacket, black maong pants and black boots. Parang pamilyar sa kanya ang pigura ng lalaking iyon. Itinigil ng model ang black Ducati sa may unahang parte ng stage bago ito bumaba roon. Her heart raced with awe, nervousness and...excitement?
Pagkababa nito sa bike ay binuksan nito ang suot na leather jacket at napanganga siya kasabay ang mas malakas pang sigawan ng audience. He was wearing nothing underneath the jacket. He only sported his rock-hard abs. Lumakad ang lalaki sa ramp at muli itong tumigil sa may gitna para hubarin ang suot nitong sunglasses. Natigagal siya ng makilala si Matt. Si Matt pala iyon!
“Go all the way, Matt!” sigaw ni Trina. All the other girls screamed their lungs out while she was there wide-eyed as she stared at Matt’s figure.
Oh my god! hiyaw ng isipan niya. This is his world. This is his limelight. Matt’s born to do this.
She was in awe of how great he looked at the ramp, how good he was in modelling and how insanely hot and gorgeous he really is. Muli itong lumakad pauna sa ramp bago ito muling tumigil at hinubad naman ang suot na leather jacket. He spread his hands as he kneeled in the ramp. He looked so damn hot!
Napalunok siya habang pinapanood ang mga kilos ni Matt. She felt like he lured her into liking him that night. She felt seduced. Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang tumayo si Matt at umikot ito saka tumingin sa audience.
“Take me, Matt!” sigaw ng mga babae sa audience. Muling lumakad si Matt patungo sa gitna ng ramp at tumigil ito sa harapan nila. Gusto sana niyang magtakip ng mukha pero hindi gumagalaw ang mga kamay niya. Pakiramdam niya’y tumigil din sa pagtibok ang puso niya.
“Oh my god!” muling sigaw ng mga babae.
“Go get him, Saskia,” sabi sa kanya ni Trina saka siya nito itinulak papunta sa may ramp. Nagulat siya sa ginawa nito. Bakit siya nito itinulak? Babalik sana siya sa tabi nito pero may humawak sa braso niya. Paglingon niya’y nakita niya ang nakangiting mukha ni Matt.
“Come with me, babe,” sabi nito sa kanya.
Shit! Even his voice is seducing me, aniya sa kanyang sarili. Pero wala siyang nagawa dahil parang may sariling pag-iisip ang kanyang mga kamay. Nang abutin ang mga iyon ni Matt ay hinila siya nito patungo sa stage. Muling umugong ang malakas na sigawan ng audience.
“You looked so damn hot, babe,” bulong sa kanya ni Matt habang inaalalayan siya nitong maglakad patungo sa gitna ng stage.
You too, ngali-ngaling sabihin niya iyon dito.
“Do you want to take my pants off?” nangingiting tanong sa kanya ni Matt. Nanlaki ang mga mata niya rito. Tinawanan naman siya nito. “I guess not. So, let’s just do the next step,” anito sa kanya.
“What step?” maang na tanong niya rito.
“This.”