“WHY DID YOU do that?”
Naiikot ni Saskia ang kanyang mga mata dahil sa tanong na iyon ni Trina. Kanina’y siya ang nagda-drive ng kotse papunta sa Bachelors Bash venue pero dahil sa nangyari ay nawalan siya ng lakas na magmaneho pa pauwi kaya ito na ang pinag-drive niya.
“Ayokong pag-usapan ‘yon, Trina. Focus on your driving,” sabi na lang niya dito.
“Okay. Pero ihanda mo na ang sarili mo bukas dahil siguradong magiging headline ka sa Yahoo! at magiging trending sa Twitter ang ginawa mo,” ani Trina.
Napapikit siya dahil sa sinabi nito. Bakit ba kasi niya naisipang gawin iyon? Dinama niya ang kamao niyang nasaktan dahil sa ginawa niya. Kailangan niyang lagyan ng yelo iyon mamaya pagkauwi nila.
“Basta ‘wag mong sasabihin kay Tita Tara ang nangyari ha,” aniya kay Trina. Kapag sinabi kasi nito iyon sa tita niya’y sigurado siyang sasabihin iyon ng tita niya sa kanyang ina. Baka mag-histerya ang mama niya kapag nalaman nitong nakasuntok siya ng isang lalaki sa harapan ng maraming tao.
“What step?” maang na tanong niya kay Matt nang nasa may gitna na sila ng stage.
“This,” anito saka mabilis na dinampian ng halik ang kanyang mga labi. Naghiyawan na naman ang mga audience. Pakiramdam niya’y nanigas ang buong katawan niya dahil sa ginawa nito at dahil napakalapit pa rin ng mukha nila ni Matt sa isa’t isa. He held her face with his two hands afterwards. Naduduling na yata siya sa kakatingin dito pero hindi naman siya makahuma.
“Kiss! Kiss! Kiss!” panay ang sigaw ng mga audience.
Nang makita niyang pumikit si Matt ay isang segundo lang ay magkalapat na ang kanilang mga labi. Hindi na siya nakapagreklamo pa. Pero hindi katulad kanina, hindi iyon simpleng halik na lang. His warm mouth plus his manly scent is a killer combination. It was exhilaratingly enchanting.
His tongue urged her lips to open up for him and she did. She didn’t know what she was doing. It’s like her mouth has a mind of its own. But she can’t deny the fact that she like the feel of Matt’s lips against hers. It’s incredibly delicious. And to make it even more delicious, she did what Matt’s doing. Nakalimutan niya kung nasaan silang dalawa.
“Wow,” nakangiting sabi ni Matt nang maghiwalay ang mga labi nila. Hawak pa rin nito ang magkabilang pisngi niya. His intense gaze was still focused on hers disregarding the audiences’ screams.
Audience? People had been staring at us while we’re...kissing?
“Did you...did you just kiss me?” tanong niya rito.
“Yes,” nakangising sagot nito at hindi niya iyon nagustuhan.
Para namang may sariling pag-iisip ang kanyang kamao. Bigla na lang iyong umigkas at tumama sa panga ni Matt. Narinig niya ang gulat na pagsinghap ng mga tao. Nanlaki naman nag kanyang mga mata dahil sa kanyang nagawa. Agad namang lumapit ang ilang tao—baka ang mga organizers—kay Matt.
“Why did you do that?” naninising tanong sa kanya ng isang babae.
“I’m sorry,” hinging-paumanhin niya rito. Nakaramdam siya ng pagkapahiya kaya bumaba siya ng stage at tumakbo palabas ng lugar.
Hindi niya alam kung bakit niya nagawa iyon. Basta hindi niya nagustuhan ang pagngisi sa kanya ni Matt kaya nainis siya rito. Isa pa’y napahiya siya sa mga tao dahil sa ginawa nito. Nahiya din siya sa kanyang sarili kaya naibuhos niya rito ang pagkainis na nararamdaman niya. Pero alam niyang mali ang nagawa niya lalo na’t alam niyang hindi naman kasalanan ni Matt ang nangyari. She lost herself when he kissed her and when she realized it, she didn’t like it. Kaya niya ito nasuntok.
I kissed him back! I can’t believe it! Damn, he’s such a trouble! sabi niya sa sarili. Pagdating kay Matt ay nawawala ang control niya sa sarili at nakakalimutan niya ang mga dapat at hindi niya dapat gawin. Which is not good. She always has control over things. But not Matt. Kaya natatakot siyang lumapit dito. Natatakot siyang mawalan ng control sa kanyang sarili. Patunay na lang ang paghalik niya rito na hindi naman niya dapat ginawa dahil hindi naman niya ito nobyo.
“Mom wouldn’t know, but Tyra will,” sabi ni Trina sa kanya.
Oh, shit! Tyra! “Hay, siguradong magagalit siya sa’kin. In love na in love ‘yon kay Matt eh. Teka nga pala. Hindi ka ba maiinis sa’kin?” tanong niya kay Trina.
“Bakit naman ako maiinis sa’yo? Nakakatuwa ka nga eh. Pinipigilan mo ang sarili mo na gustuhin si Matt pero hindi mo rin naman magawa,” natatawang sabi nito sa kanya.
“Hindi ka naiinis sa’kin dahil sa nangyari? Gusto mo si Matt ‘di ba?” aniya rito.
“Nah. Matt and I are just friends. Lumabas kami dati no’ng nagkita kami sa Milan pero hindi kami nag-click so our romantic journey ends there. Wala kaming sparks eh.
Sinabi ko lang na gusto ko si Matt para inisin si Tyra. Parang ikaw rin kasi ‘yon eh. Sa’yo yata nagmana si Tyra sa pagka-seryoso,” paliwanag ni Trina.
“Napaka-childish mo talaga,” sabi niya rito.
“Sino kaya sa’ting dalawa? Twenty-seven ka na pero kahit kailan hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Ngayong may dumidiskarte sa’yo, tinataboy mo naman. Gusto mo naman pero pinipigilan mo ang sarili mo. That move is just for teenagers, Saskia. You’re not a teen anymore so give him a chance,” sabi ni Trina sa kanya.
“Your sister’s in love with him and I don’t want to hurt her. Isa pa, mukhang naglalaro lang naman ‘yang si Matt. Ayokong makipaglaro sa kanya,” sabi niya rito.
“Believe me, Saskia. Ngayon ko lang nakita si Matt na naging pursigido sa isang babae. You’re lucky. Wala pa siyang babaeng pinag-ukulan ng pansin ng ganito. When he asked me what your comfort food was, sinabi kong macarons. Since then, ako na ang naging tanungan niya tungkol sa’yo. Kung si Tyra ang inaalala mo, bata pa siya. She’ll get over it soon. Isa pa, wala rin naman siyang magagawa dahil ikaw ang gusto ni Matt at hindi siya,” sabi sa kanya ni Trina.
“Nasabi mo rin ba sa kanya kung ano ang nangyari noon—“
“Goodness, Saskia! Ang tagal nang nangyari no’n. Hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka-get over? The more na dapat mong i-date si Matt. He’ll help you recover,” sabi sa kanya ni Trina.
“Matagal na akong naka-recover, Trina. I just don’t trust men anymore. Pare-pareho lang sila,” aniya rito.
“Mali ka d’yan. Iisa lang ang lahi nila pero magkakaiba sila. Ibang-iba si Matt kay Si—“
“Okay. Let’s leave it at that,” putol niya sa iba pa nitong sasabihin.
“Give him a chance, Saskia. Hindi lang siya ang bibigyan mo ng chance pero ang sarili mo rin. You’ll definitely enjoy being with him—“
“Okay, enough. Fine. Kapag nagtanong siya next time. Pero kapag hindi, tapos na ‘yon, okay?” aniya rito. Pero sinabi lang niya iyon para matigil na ito.
“Great!”
PASAKAY NA sana si Saskia sa kanyang kotse nang makita niyang palabas ng gate ng bahay ng mga McDonell ang Range Rover ni Ryleigh. Sumaludo siya rito dahil ganoon niya ito palagi binabati. Itinigil naman nito ang sasakyan nito sa tapat ng nakaparadang sasakyan niya. Pagkuwa’y bumaba si Ryleigh sa sasakyan nito at lumapit sa kanya.
“Good morning, doc,” pormal na bati niya rito. Katulad nang kapatid nito’y gwapo rin si Ryleigh. Pero mestizo ito hindi katulad ni Matt na medyo moreno. May suot din itong salamin na nakadagdag sa appeal nito. Ang unang mapapansin kay Ryleigh ay ang ngiti nito na palagi yatang nakahanda tuwing may nakakasalubong itong tao. His smile was always brighter than sunshine.
“Good morning, Saskia,” nakangiting bati rin nito sa kanya.
“Duty again?” tanong niya rito.
“Yup. Iniwan ko nga muna ‘yong isang pasyente ko sa bahay. Ang arte nga eh,” anito.
“May pasyente ka sa bahay n’yo?” tanong niya rito.
“Si Matt,” natatawang sagot nito. “Thank you for rocking his world, Saskia. May kayabangan kasi ‘yon eh,” dugtong pa ni Ryleigh pero nahihiya siya rito.
“Kumusta naman siya?” tanong niya rito. Hindi siya makatingin ng deretso dito.
“May pasa ‘yong panga niya pero okay lang ‘yon. Nag-iinarte lang dahil hindi siya makaharap sa mga interviews. Other than his bruised face, he also has a bruised ego. Ikaw ang unang babae na nakasuntok sa kanya. So, congratulations, Saskia,” sabi ni Ryleigh sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.
“I’m sorry,” sambit niya.
“He’ll get over it,” ani Ryleigh.
“Galit siya?” tanong niya rito.
“That’s what he said. Pero dahil lang ‘yon sa pride niya,” ani Ryleigh. Napangiwi siya. Nakaramdam siya ng guilt. “Saskia, I have to go. Baka ma-late ako sa ospital eh,” paalam sa kanya ni Ryleigh.
“Ah, sige. Ingat!” sabi niya rito. Sumakay na ito ng sasakyan nito at ganoon din naman siya. Pero hindi siya mapakali sa kanyang upuan kaya bumaba siya ng kotse niya at tinungo ang bahay ng mga McDonell. Gusto niyang makita si Matt at gusto rin niyang humingi ng paumanhin dito.
Pagpasok niya sa gate ng mga McDonell ay nakita niya ang dalawang trabahador sa garden na nag-aayos ng Bermuda grass. Binati niya ang mga ito bago nagtuloy sa loob ng bahay. Nasabi ng mga ito sa kanya na baka sa susunod na linggo ay tapos na ang trabaho ng mga ito.
“Oh, Saskia. Wala kang pasok?” bungad ni Vani sa kanya.
“Mayro’n. Si Matt nga pala?”
“Uuy, gusto mo na si Sir Matt ngayon? Ang hot kasi niya ‘no?” nanunudyong sabi sa kanya ni Vani.
“Nang-intriga ka pa. Hindi. May sasabihin lang ako sa kanya,” aniya rito.
“Nasa kwarto niya. Puntahan mo na lang,” ani Vani.
“Tawagin mo na lang. Hihintayin ko na lang dito,” aniya rito.
“Ay, ayaw mong pasukin siya sa kwarto?”
“Vani, tawagin mo na lang siya. Please?” aniya rito.
“Okay, okay,” sabi nito saka umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng mga McDonell. Nawala ito sa paningin niya dahil tinungo nito ang right wing ng palapag. Marahil ay doon ang kwarto ni Matt. Maya-maya pa ay bumaba na si Vani. “Ayaw daw niyang bumaba. Kung gusto mo daw siyang kausapin, ikaw ang umakyat do’n,” sabi ni Vani.
“Ano? Eh, bakit daw ayaw niya?” tanong niya rito pero nagkibit-balikat lang si Vani.
Sinubukan niyang tawagan si Matt pero hindi naman nito sinasagot ang tawag niya kaya t-in-ext na lang niya ito pero hindi rin ito nag-reply. Kung mamayang gabi pa niya ito kakausapin ay tiyak na hindi siya mapapalagay sa kanilang opisina kaya kailangan na niya itong makausap ngayon.
“Vani, samahan mo na lang ako sa taas,” yaya niya kay Vani.
“Ikaw na lang. Marami pa akong gagawin ‘no,” sabi sa kanya ni Vani.
“Okay, fine. Ang arte ng amo mo ha,” sabi niya kay Vani bago siya umakyat sa taas. Isang kwarto lang naman ang nasa right wing ng second floor kaya kumatok siya sa pintuan niyon dahil doon naman pumunta kanina si Vani. “Matt,” tawag niya mula sa labas ng pintuan.
“I’m naked,” sabi naman nito mula sa loob ng kwarto.
“I’m serious,” sabi niya rito.
“Seryoso din ako. If you want to talk to me, you’d have to talk to me naked,” sabi ni Matt.
“Gusto ko lang mag-sorry sa nangyari. Hindi ko sinasadya. I felt humiliated kaya nasuntok kita. Sorry,” sabi niya rito. Hinintay niya ang sagot nito pero hindi naman ito sumasagot. At least, nakapag-sorry na siya. Hindi na siya mako-konsensiya mamaya.
Aalis na sana siya roon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Matt. Her jaw dropped when she saw Matt with nothing but his black underwear. Parang naging awtomatiko ang naging pagtingin niya sa gitnang bahagi ng katawan nito.
Saskia! Quit staring! saway niya sa sarili kaya tumalikod siya kay Matt. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. At tila tuksong nag-rewind sa isipan niya ang halik na namagitan sa kanilang dalawa. The feel of his lips still lingered on hers.
“I’m sorry,” aniya kay Matt.
“For the punch or for staring? You can stare at me freely. Pero ‘yong suntok...”
“Ikaw naman ang may kasalanan eh! Bakit mo kasi ako hinalikan?” nanunumbat na tanong niya rito.
“Come on, Saskia. You can’t deny the fact that you liked my kiss, how we kissed. You responded. So, admit it that you punched me to feed your pride,” ani Matt sa kanya. Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa magkabilang balikat saka iniikot paharap dito.
“Okay, fine. I’m sorry. Please don’t remind me again about that. Ayoko nang maalala ‘yon,” aniya rito habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito.
“You’re not forgiven yet,” ani Matt.
“Hindi ko naman hinihingi ang kapatawaran mo,” taas-noong sabi niya rito.
“Okay, fine. Pero ‘wag mo akong sisisihin kapag hindi pa rin nawala ‘yang guilt feeling mo. Lalo na’t hindi ako nakapunta sa isang photoshoot ko ngayon dahil may pasa ako sa mukha. Matagal pa naman nila akong hinintay na makauwi dito sa Pilipinas ‘tapos, hindi rin pala ako makakapag-photoshoot para sa kanila,” pangongonsensiya pa sa kanya ni Matt.
“Fine! Ano ba’ng gusto mo?”
“A date with you,” ani Matt. There he goes with his slow teasing sexy voice again.
“If you—“
“Ooops. Sa’kin ka may kasalanan. So, I call the shots here,” ani Matt.
“Hindi ako pwede kapag weekdays dahil may trabaho ako. Hindi rin ako pwede this coming weekend dahil pupunta kami sa Bataan ng partner ko para tingnan ‘yong site na gagawan namin ng plano. Puno rin ang schedule ko by next week dahil by that time, gumagawa na kami ng plano para sa resort. Kailangan ko ng one hundred percent focus do’n dahil do’n nakasalalay ang pangarap ko. So, I wouldn’t be available ‘til next month,” paliwanag niya kay Matt.
“Once and for all, Saskia, why don’t you give in? Your kisses said you like me. Bakit hindi mo na lang tanggapin ang nararamdaman mong ‘yon?” tanong sa kanya ni Matt.
“I’m already damaged, Matt.”
Mataman itong tumingin sa kanya pagkatapos niyang magsalita. Hindi niya alam kung maganda o tama ba ang lungkot na mararamdaman niya dahil bigla na lang nanahimik si Matt. But a part of her was also glad because she knows he’s not going to bug her anymore.
Pero nagulat siya ng bigla na lang nitong hinawakan ang kanany kamay niya at hinila siya nito papasok sa loob ng kuwarto nito. Iniupo siya nito sa kama. Bahagya siyang lumayo ng upo rito.
“Ano’ng ginagawa mo?”
“Tell me everything that happened to you. Makikinig akong mabuti,” seryosong sabi nito—in a friendly tone.
Kumunot ang noo niya rito. “May trust issues rin ako sa mga lalaki. But if you insist, sige. Aaminin ko na. I have herpes,” seryosong sabi niya rito pero nagbibiro lang talaga siya. Sukat sa sinabi niya’y bigla na lang siya nitong hinila pahiga sa kama. “What the hell?”
“Let’s do ‘it’. Kapag nagka-herpes din ako, maniniwala na ako sa’yo. Don’t worry. If ever, hindi ko naman ipagsasabi eh,” pagsakay nito sa biro niya.
“Very funny, Matt,” naiiling na sabi niya rito saka siya bumangon mula sa kama.
“Seriously. Sa tingin mo maniniwala ako do’n? You’re the most conservative woman I’ve ever met,” anito.
Nagpanting ang magkabilang tainga niya dahil sa sinabi nito. Ano kaya ang sasabihin nito kapag nalaman nito kung ano ang tingin niya sa katawan nito?
“I’m not conservative, Matt. Just careful,” aniya rito saka nagpakawala ng isang buntong-hininga. “I fell in love with my professor. Isinuko ko sa kanya ang lahat-lahat. And I mean, all. Talaga. Oh, you probably get the picture. Anyways, sino ba naman ang hindi mai-in love sa kanya? He’s intelligent, cool, charming, gentleman, handsome, thoughtful, understanding, he cooks, he does the garden, he does housekeeping—“
“Ano ‘to? Slambook?” nagbibirong singit ni Matt sa kanya. Hinampas niya ang braso nito na ikinatawa naman nito. “I get it. Husband material siya kaya na-in love ka sa kanya.”
Tumango siya rito. “Nang makilala ko siya, ‘yong magiging future agad namin ang inisip ko. I fell in love with him. Kaya ginawa ko ang lahat makuha ko lang ang loob niya. Siguro naisip niya na palay na ang lumalapit sa’kin, tutukain ko na lang. Kaya siguro nang malaman ng school board namin ang tungkol sa relasyon namin, isinuko at itinanggi niya agad ako. I would like to think na naging one-sided lang ang story namin pero kung wala siguro siyang nararamdaman sa’kin noon, kahit ano’ng gawin kong panunukso sa kanya, hidni pa rin siya kakagat. But he did. Iyon nga lang, he just wasn’t ready to give up everything for me like I did for him. At ‘yang katotohanang ‘yan ang pinakamasakit sa lahat. I felt unloved and uncared for. Dinungisan ko ang pangalan ng mga magulang ko at ikinahiya ko ang sarili ko. Kaya nang i-suggest nina Tita Tara na sa Amerika na lang ako mag-aral, pumayag agad ako. I started anew in America. Since then, ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako muling magmamahal ng isang lalaki. There. The end,” pagtatapos niya sa kanyang kwento.
Hindi niya inakala na maikukwento niya ang lahat ng iyon sa isang tao—at kay Matt pa!
“Nagkamali ka ng isang beses. So, what? Ako nga marami nang nagawang pagkakamali sa buhay eh. Do you think I’ll back down after what you said? No. I still want to date you, Saskia. Matagal nang nangyari ‘yon. You deserve another chance in love. I deserve a chance with you,” masuyong sabi sa kanya ni Matt.
Na-overwhelm yata siya dahil sa sinabi nito kaya napangiti siya rito at kung dati’y ayaw niyang mapalapit dito, hindi na ngayon. Base sa ugali ni Matt, hindi niya ine-expect na makakarinig siya ng mga ganoong salita mula rito. Pero na-touch siya sa mga sinabi nito.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama nito. “Wake up early on Saturday,” aniya rito. Ngumiti ito sa kanya at pakiramdam niya’y tumalon ang puso niya.
“We’ll enjoy on Saturday, babe,” anito sa kanya.
“Stop calling me ‘babe’,” aniya rito.
“Honey?”
“No. ‘Saskia’.”
“Oh. Wife.”
Pinandilatan niya ito ng mata pero tawa lang ang iginanti nito sa kanya.