PINAPAKAIN ni Saskia ang mga taong gumagawa ng bahay niya sa may garden nang bigla na lang sumulpot doon si Matt. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang lugar na iyon o kung paano nito nalaman na nandoon siya. Isa pang kagulat-gulat dito’y may dala-dala itong kung anu-ano.
“Ano’ng ginagawa mo dito?”
“Gusto kong mag-tour sa future house natin,” pabirong sabi nito sa kanya.
She almost jerked at the thought. Sa ngayon, ayaw muna niyang mag-isip ng tungkol sa ‘future’ nila. Basta masaya siya dahil maayos na silang nakakapag-usap ngayon at hindi na siya masyadong nao-awkward-an kapag nakikita niya itong nakahubad—na hobby nga yata nito. Ang palagi nitong sinasabi sa kanya’y naiinitan daw kasi ito sa klima sa Pilipinas.
“Hindi pa ‘to maganda kasi hindi pa tapos. Ano nga pala ‘yang mga dala mo?” tanong niya rito nang makalapit siya rito.
“Food and wine,” nakangiting sagot nito sa kanya. Pagkuwa’y natawa siya rito. “Kailangan ko pa ring makuha ang date na ipinangako mo sa’kin ‘no,” dugtong pa nito.
Hindi kasi ito nakasama sa Bataan visit nila nina Francisco at nang pamilya nito dahil nagkaroon ito ng urgent call sa agency nito dati. Hindi raw ito maka-hindi sa dati nitong manager kaya naman pumayag ito sa isang photoshoot na ipinagawa nito rito para daw sa magazine ng dating management nito. Pagkatapos ng araw na iyon ay agad itong pumunta sa kanya at muling humingi ng date.
Gusto sana niya itong pagbigyan pero naging abala siya sa trabaho nitong nakaraang mga araw kaya hindi niya ito mapagbigyan. Pero palagi naman silang nagkikita sa bahay nila o kapag sinusundo siya nito o kaya’y sa bahay ng mga ito dahil bumibisita siya roon pag-uwi niya kahit na gaano pa ka-late. Tinitingnan din kasi niya ang garden na pinapa-renovate nito. Malapit na rin iyong matapos.
“Plano mong mag-date tayo dito?” aniya rito.
Hindi na siya alangan sa isiping magde-date sila dahil komportable na siya sa presensiya ni Matt. Sa kanilang dalawa ay siya ang abala sa trabaho kaya ito ang nag-a-adjust para magkita silang dalawa. Hangga’t maaari ay sinusundo siya nito sa kanilang opisina nitong mga nakaraang araw kaya naman inuuluan siya ng tukso ng mga kasamahan niya sa trabaho. Pero nginitian lang niya ang mga ito at kung minsan ay sumasakay siya sa biruan ng mga ito. Dahil kay Matt ay natuto siyang maging carefree. Hangga’t maaari rin ay sinusubukan niyang magkita sila isang beses isang araw. Kaya kapag umuuwi siya ay dumadaan muna siya sa bahay ng mga ito.
Ngayon niya aaminin na atraksyon ang una niyang naramdaman kay Matt noong nakita niya ang mga litrato nito sa Google. Pinigilan lang talaga niyang mas lumago pa iyon dahil natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanilang dalawa. Natatakot siyang magkamali muli dahil sa isang lalaki. Akala kasi niya noong una ay nagpa-power trip lang si Matt, pero napatunayan niyang hindi naman dahil sa sinsero ito sa mga sinasabi sa kanya at pansin naman niyang seryoso ito sa kanya. She’ll risk on him. Based on Matt’s attitude towards her now, she knows that he’s worth the risk.
Naikwento rin niya sa kanyang Tita Tara ang naging pag-uusap nila ni Matt noon at sinabi nitong boto ito kay Matt para sa kanya. Nang malaman naman ni Trina na magde-date sila ni Matt noon ay mas excited pa ito kaysa sa kanya. She even picked dresses for her to wear. Ang problema na lang niya ay si Tyra. Hindi pa niya nasasabi rito ang mga nangyayari sa kanila ni Matt dahil hindi ito sa bahay nila ngayon tumutuloy kundi sa bahay ng kaklase nito dahil abala daw ang grupo nito sa ginagawang thesis project ng mga ito.
Sinabi niya sa kanyang sarili na maiintindihan naman siguro ni Tyra kung makikipag-date siya kay Matt o kung magkakaroon man sila ng relasyon ni Matt. Katulad nga ng sinabi noon ni Trina, makaka-get over naman siguro si Tyra kay Matt lalo na’t bata pa ito. Marami pa itong makikilalang lalaki na kasing-edad nito. Makakalimutan din nito ang pagtingin nito kay Matt kapag lumipas ang mga araw.
“Bakit naman hindi? Wala naman nang dangerous debris and sides dito eh. Naglilinis na lang naman yata sina manong,” ani Matt sa kanya.
“Opo, sir! Pwedeng-pwede na nga kayong lumipat dito ni Ma’am Saskia eh,” anang isang trabahador dito.
“Doon po sa rooftop magandang mag-date. Do’n sa flatform sa may attic. Tapos, tumingin kayo sa bituin sa mga langit habang magkahawak-kamay,” anang isang bata-batang trabahador.
Napangiwi siya sa paraan ng pagkakasabi nito ng mga iyon. Ang corny lang.
“Uuy. Maganda ‘yong rooftop idea na ‘yon. Let’s go,” yaya sa kanya ni Matt. Nanlaki ang mga mata niya rito. Hindi siya makapaniwala na sumang-ayon ito sa suhestyon ng lalaking iyon.
“Mamaya na. Hintayin muna natin silang makatapos kumain. Itu-tour na muna kita sa ibang parte nitong bahay. Teka, paano mo nga pala ito nalaman?” aniya rito.
“Kay Tita Tara. Tinuro ka niya dito. And I figured, this is the best place to have our date,” ani Matt. Tumango-tango siya sa sinabi nito.
Niyaya niya ito papasok sa bahay kung nasaan ang dining room. Pinababa niya rito ang mga dala nitong pagkain sa malinis na table na gawa ng mga trabahador sa may dining ng bahay. Wala pa kasi siyang nailalagay na mga gamit doon dahil ipapa-deliver niya ang mga in-order niyang gamit kapag malinis na ang buong bahay.
“Kailan ka lilipat dito?” tanong ni Matt.
“Kapag naipa-deliver ko na ‘yong mga gamit na in-order ko. Hindi pa kasi available si Rashmi eh. Kaibigan ko siya at siya ‘yong interior designer ko. Siya ang magmamando sa mga trabahador na ‘yon para mag-ayos nitong bahay,” paliwanag niya rito.
“Hindi na pala tayo magiging magkapit-bahay,” anito sa pinalungkot na tinig.
“Magkabilang street lang naman tayo. You can always come here,” aniya rito. Iginiya niya ito patungo sa kitchen area ng bahay dahil iyon ang kanugnog ng dining room. Bago ka makapasok sa kitchen ay kailangang dumaan ka muna sa isang glass wall na may abstract design na siyang harang ng kitchen at dining.
“Can I live here too?” anito sa kanyang inililibot ang tingin sa buong kitchen area.
L-shaped kitchen iyon at sadyang pinalakihan niya iyon dahil gustong-gusto ng mommy niyang magluto. Palagi nitong sinasabi sa kanya noong nag-aaral pa lang siya na dapat daw ay pagawan niya ito ng malaking kitchen. Siya ang nagdesenyo ng bahay niya kaya nagawa niya ang lahat ng gusto niyang mangyari doon ngayon.
“Gusto mong bilhin ang bahay ko?” pabirong sabi niya rito.
“No. I want to marry you,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“I don’t want a stripper for a husband,” aniya rito.
“I won’t ever get naked in front of other people except you again. I promise,” anito sa kanya na ikinatawa niya. Simula nang maging komportable siya rito, wala na rin siyang problema sa mga paghuhubad nito. In fact, she doesn’t mind if he’s going to be half-naked all the time.
Me like it! anang pilyang bahagi ng isipan niya.
“Ang sabi sa’kin ni Tyra, you model underwears most of the time. What are you going to do about that?”
“Hindi ko tatanggapin ‘yong trabaho kapag underwear ang imo-model ko,” agad na sagot nito sa kanya pagkuwa’y napakunot-noo ito sa kanya. “Again. What’s with you and my body?”
“Para kasing araw,” aniya ritong nagpipigil ng tawa.
“Bakit? Masakit sa mata?” kunot-noong tanong ni Matt.
“Hindi. Kasi ang hot.” Pagkasabi niya niyon ay hindi na niya napigilan pang mapatawa lalo na ng bahagyang mapaawang ang mga labi ni Matt. Natutuhan niya ang banat na iyon dahil kina Lucas at Jenna. Palagi kasing nagpapalitan ng banat ang dalawa at hindi niya maiwasang makapakinig sa mga ito dahil nasa iisang opisina lang naman sila at wala siyang ibang choice kundi ang marinig ang banatan ng dalawa. Effective naman pala talaga ang banat lines ng mga ito. Nagamit niya ngayon kay Matt.
“Saan napunta ang totoong Saskia?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Matt. Natawa naman siya sa reaksyon nito.
“You changed my life in a moment...” pakantang sabi niya rito habang umuupo siya sa pantry counter. Nang makita ni Matt ang ginawa niya’y lumapit ito sa kanya at nagulat siya sa sunod nitong gianwa. He extended his hand and leaned in on the pantry’s wall making their faces just inches from each other.
“Alam mo kung ano ang naiisip ko ngayon? I want you here, making delicious dishes for me. We’ll have breakfast together everyday in this very same spot then I’ll wash and dry the plates,” masuyong sabi nito sa kanya. Pakiramdam niya’y nagtatalon ang puso niya sa kilig dahil sa mga sinabi nito.
“Hindi ako masarap magluto eh. Pero dahil ikaw ang may restaurant sa’ting dalawa at ikaw ang mahilig magluto, baguhin natin. Ikaw na lang ang magluto at ako ang maghuhugas ng mga pinggan. I love pancakes in the morning. But let’s not talk about the future for now. Let’s just enjoy the present, shall we?” aniya rito.
Marami na siyang alam tungkol kay Matt ngayon dahil nagku-kwentuhan sila tuwing sinusundo siya nito sa opisina at natandaan niya ang sinabi nito na mahilig itong magluto. Naalala pa niya ang pag-uusap nila noong isang gabing pauwi sila sakay ng sasakyan nito dahil coding siya at sinundo siya nito sa kanyang opisina.
“Nabanggit sa’kin dati ni Tyra na restaurateur ka at musician. Ano’ng pangalan ng restaurant mo at saka paano ka naging musician?” tanong niya rito.
“Ah, so nakapag-background check ka na pala sa’kin,” nanunudyong saad nito.
“Hindi ah. Nabanggit lang sa’kin ni Tyra.”
“I love cooking. Kung hindi siguro ako nagmomodelo, naging chef na ako. Kaya nagtayo ako ng isang restaurant sa New York. It’s called Pinoy. It basically offers Filipino dishes and food fusion cuisines. At pagdating naman sa musika, I play the guitar, the drums and the piano. No’ng bata pa kasi kami ni Kuya Ryleigh, in-enrol kami nina mommy sa isang music school kaya natuto kaming tumugtog ng iba’t ibang instrumento. Pero forte ko ang pagtugtog ng piano,” anito sa kanya.
“Why in New York? And, do you sing?” interesadong tanong niya rito. This is good. She’s getting to know him more.
“Dahil do’n nakabase ‘yong agency na nagma-manage sa modelling career ko kaya do’n ako umuuwi after every photoshoot sa iba’t ibang bansa. Nagpa-plano akong magtayo rin dito ng Pinoy.”
“Sure,” nakangiting sabi ni Matt sa kanya.
And with one swift move, his lips touched with hers and she felt ecstatic. He held her nape as she held his shoulders. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nahalikan siya ng isang lalaki pero iyon ang unang pagkakataon na una pa lang ay na-enjoy na niya ang isang halik. It was nothing compared to her first kiss and how she wished he was her first. She matched Matt’s passionate kisses until they’re both out of breath.
“Ma’am Sa—ay, shit!” narinig niyang mura ng isa sa kanyang trabahador kaya agad siyang lumayo kay Matt at tumalon sa pantry counter na kinauupuan niya.
“M-manong, bakit po?” tanong niya sa trabahador. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay nakasalang siya sa oven dahil pakiramdam niya’y nakalagay siya sa hot seat. She felt flushed as her face heats up.
“Aalis na po kami,” nakatungong sabi sa kanya ng trabahador na para bang ito pa ang nahihiya sa nakita. Pero mas hiyang-hiya siya rito. Ayaw na ayaw niya ng ganoong pakiramdam.
“S-sige po, manong. Maraming salamat po,” aniya rito.
Nang makaalis ang trabahador ay hindi niya magawang humarap kay Matt. When she heard him chuckle, she instantly find her way out of the kitchen. Agad naman itong sumunod sa kanya.
“It’s not that bad,” sabi nito sa kanya.
“It is that bad,” aniya ritong diniinan ang salitang “that”.
“Eh ‘di sa bedroom na natin gawin next time,” pabirong sabi ni Matt sa kanya.
“Ewan ko sa’yo! Kumain na lang nga tayo,” yaya niya rito saka siya nagpatiunang maglakad patungo sa dining room.
“We should do it more often,” ani Matt.
And she couldn’t agree more. She liked how they kiss.
“BAKIT HINDI mo ako nagustuhan no’ng una?” tanong kay Saskia ni Matt.
Kasalukuyan silang nasa rooftop ng bahay niya sa may attic. Katatapos lang nilang kumain ng mga dala nitong pagkain at ngayon ay inuubos nila ang wine na dala nito. Dahil wala pang kasangkapan sa bahay niya—wala pang kopita—ay naghalinhanan na lang silang uminom sa bote ng wine. It was kind of sweet and intense in terms of third degree kissing. Para na rin kasi silang naghahalikan ni Matt sa ginagawa nila.
“Honestly, because you looked like you’re just tripping me,” aniya rito.
“You think I’m just tripping? I’ve never been this hooked on a woman before. Women were the ones who are hooked on me. Kung iniisip mo na playboy ako, I’ve never played with a woman’s heart before and I never would. Isipin ko pa lang si mommy, natatakot na ako,” natatawang sabi nito sa kanya.
Na-impress siya sa sinabi nito tungkol sa mommy nito. Ang sabi nila, kung paano daw ituring ng anak na lalaki ang kanilang ina ay ganoon din nila ituturing ang girlfriend o asawa nila.
Points for Matt!
“Wala ka pang nagiging girlfriend?” naiintrigang tanong niya rito.
“Mayro’n naman. Madami, actually. Pero katulad ng ibang relationships, incompatibility at misunderstanding ang karaniwang nagiging ugat kung bakit kami naghiwalay ng mga naging girlfriend ko. Kung nasaktan ko man sila, hindi ko sinadya ‘yon.”
“Models din ba ang mga ex mo?” tanong niya rito. Isipin pa lang niya na puro models ang naging girlfriend nito’y naiirita na siya sa sarili niya—o mas tamang sabihing nai-insecure siya.
“I only date models. Kahit kailan ay hindi ko plinanong makipagrelasyon sa isang model. Mahirap makipagtrabaho sa ibang model kapag ang karelasyon mo ay isang model din. Believe me. May mga kaibigan ako na hindi na umulit makipagrelasyon sa kapwa nila model dahil nagkakagulo lang. I like to have a relationship with ordinary girls,” paliwanag ni Matt.
“Bakit nagustuhan mo ako?” tanong niya rito.
“For one, because of your killer legs. Two, because you’re beautiful. Three, because of your wits. Four, because of your innocence. And mostly because my mind keeps on thinking about you and my heart keeps on beating hard for you,” sabi ni Matt sa kanya. Other than him—looking intensely gorgeous as ever—he looked sincere as he said those words.
“Wow. Hindi ko naisip na corny ka pala,” nangingiting sabi niya rito.
“People are always corny when they’re in love,” ani Matt.
“Kapag ganitong pagkakataon, nambobola lang ang mga lalaki para makuha ang babaeng gusto nila,” sabi naman niya rito.
“Shoot me now if I’m just bluffing,” anito.
Ipinorma niya ang kanyang kamay na hugis baril at kunwa’y binaril ito. Hindi naman ito natinag sa pagkakaupo. “Uuy. Hindi ka namatay. Ang tindi ng defense mo ah.”
“Sabi ko sa’yo hindi ako nambobola eh,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Eh, ano? Nanloloko lang?”
“Hindi. Nagmamahal lang,” anito sa kanya sabay kindat.
Nangingiting umisod siya palapit dito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at napatingin siya ng deretso sa mga mata nito. “Ang ganda talaga ng mata mo. Gusto ko rin ng ganyang mata,” aniya rito.
“Contact lens lang ang katapat niyan. Pero kapag ako ang napangasawa mo, pwede kang magkaroon ng blue-eyed na anak. Libre ka pang tumingin sa mga mata ko oras-oras. Hindi ako kukurap mag-enjoy ka lang sa pagtingin sa mga mata ko.”
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa magkabilang pisngi nito. “Are you proposing marriage to me, Matt?” tanong niya rito. Kanina pa kasi ito nagsasalita tungkol sa ‘future’ daw nila.
“I want to. I’m intending to. Do you see yourself with me in the future?” tanong nito sa kanya. Ito naman ang humawak sa magkabilang pisngi niya. Kinuha niya ang bote ng wine sa pagitan ng mga hita nito at uminom doon. “And I guess that’s a ‘no’,” malungkot na sabi nito sa kanya. Tinanggal nito ang pagkakahawak sa magkabilang pisngi niya.
Siya naman muli ang humawak sa magkabilang pisngi nito at mabilis itong binigyan ng halik sa mga labi. “Ayoko munang isipin ang future sa ngayon pero gusto kong magkaro’n ng blue-eyed na anak,” nakangiting sabi niya rito.
Ngumiti sa kanya si Matt. Nagulat siya ng bigla na lang nitong ipulupot sa baywang niya ang mga kamay nito at marahang binuhat siya nito paupo sa kandungan nito. Without further ado, his lips were instantly on hers.
Screw the stars up in the sky. This man is worth more than those. The rooftop date she thought was corny turned out to be the best date she’d ever had.