Chapter 41

“YOU’RE A scheming bitch, Ate Saskia!”

Napaatras si Saskia nang marinig niya ang sinabi ni Tyra. Kahit kailan ay hindi niya naisip na sasabihan siya nang ganoon ng isang tao—at pinsan pa niya—dahil lang sa isang lalaki. Hindi pa man siya nakakabawi ay umarangkada na naman ang pang-aakusa ni Tyra sa kanya.

“Kaya pala pinipilit mo akong ‘wag na lang siya ang gustuhin ko dahil gusto mo siya! Kesyo he’s not good for me. Yeah, right. You clearly just want him for yourself! Grabe ka, Ate Saskia! Kung gusto mong magka-boyfriend, ‘wag si Matt!” galit na sigaw sa kanya ni Tyra.

“Tyra, kalma ka lang,” aniya rito.

“Paano ako kakalma? I saw you kissing Matt! I love him, Ate. How could you!” nang-aakusang sabi nito sa kanya na para bang napakalaking kasalanan ang nagawa niya gayong nagmahal lang naman siya. Napaupo si Tyra sa kama niya dahil tila nahapo ito.

“I’m sorry, Tyra,” tanging nasabi niya rito. Umupo siya sa tabi nito. Hindi niya alam kung paano palulubagin ang loob ni Tyra dahil hindi naman niya sinasadyang masaktan ito o hindi niya intensyong saktan ito. Tangkang yayakapin niya ito pero bigla na lang itong tumayo.

“Kayo na ba?” mabalasik nitong tanong sa kanya.

“Tyra...”

“Kayo na ba?!” sigaw nito.

“O-oo. Please. Let me—“

“I hate you! Ayaw na kitang makita pa kahit kailan! Umalis ka na dito!” galit na sabi nito sa kanya saka padabog na tinungo nito ang pintuan. She slammed the door so hard it made the room quake a little.

Napabuntong-hininga na lang siya. “This is just a bad night for her. May bukas pa,” aniya sa sarili. Sakto namang pasok ni Trina.

“Matt?” agad na tanong ni Trina sa kanya.

“Kapag nalaman niya ‘to, siguradong mas magiging conceited ‘yon,” naiiling na sabi niya na ang tinutukoy ay si Matt. She just kept her cool. She knew where Tyra was coming from. Kailangan niya itong intindihin.

Natawa si Trina sa sinabi niya pero agad din itong sumeryoso. “’Wag mong masyadong intindihin si Tyra. Katulad nang sinabi ko sa’yo noon, makaka-get over din siya kay Matt. For all I know, iniisip lang niyang in love siya kay Matt dahil ang tingin niya dito’y Prince Charming niya. You know how teenagers think. Kaya ikaw, enjoy your relationship with Matt. Dapat lang na sumaya ka na,” sabi sa kanya ni Trina pagkatapos ay kinindatan siya nito.

“Ikaw, gustong-gusto mong saktan si Tyra ‘no?” biro niya rito.

“Kailangan niyang malaman na hindi puro saya at sarap ang buhay. Na hindi niya maa-achieve ang lahat ng gusto niya. She’ll learn and recover. ‘Yong inaasal niya ngayon sa’yo, gano’n din ako dati no’ng hindi ko makuha ang mga gusto ko. Bratty. Pero natuto ako kaya alam kong matututo at mare-realize din ni Tyra ang mga dapat niyang ma-realize,” paliwanag sa kanya ni Trina.

“Ano’ng nakain mo? Ang seryoso mo ngayon ah,” pabirong sabi niya rito.

“Ambrosia yata. Kaya siguro medyo nag-iba ang pakiramdam ko,” sakay nito sa biro niya.

Tumawa siya sa sinabi nito at saka umiling. May pagka-loka-loka din ang pinsan niyang ito. “Thanks, Trina.”

“You’re welcome,” nakangiting sabi nito bago lumabas ng kanyang kwarto.

Kahit papaano ay nakatulog siya ng tila walang pinoproblema nang gabing iyon. Naniniwala din siyang maiintindihan ni Tyra ang lahat. Kailangan lang nitong kumalma at makapag-isip ng maayos.

Kinabukasan ay sinubukan niya muling kausapin si Tyra pero hindi pa rin siya nito pinapansin. Palagi silang magkatabi tuwing sabay-sabay silang kuamakain sa bay pero ngayon ay si Trina na ang katabi niya. At habang kumakain sila’y binibigyan siya nito ng matatalim na tingin.

Sigurado siyang mas nagalit ito sa kanya nang bigla na lang sumulpot doon si Matt na pagkatapos bumati sa lahat ay dumeretso sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

“Ang sweet n’yo naman. ‘Kainis,” ani Trina na nakadagdag pa sa tensyon sa pagitan nila ni Tyra.

“Yeah. Nakakapanggigil nga sa sweetness eh,” sarkastikong sabi ni Tyra. Kitang-kita niya kung paano siya nito bigyan ng nakamamatay na tingin.

Itinulak niya palayo sa kanya si Matt saka siya tumayo at nagpaumanhin sa mga kasabay niyang kumain. Niyaya niya si Matt palabas ng bahay dahil gusto niya itong makausap na hindi kaharap ni Tyra.

“Papatayin na ako ni Tyra do’n kanina. ‘Tapos, dumating ka pa,” sabi niya kay Matt na kumunot ang noo.

“Why?”

“She’s in love with you,” kaswal na sabi niya rito.

“Talaga? Bakit naman daw?” tila oblivious na tanong nito. Hindi niya ito kinakitaan ng pagmamalaki.

“Because you’re Matthew Lawrence McDonell. Kailangan bang may dahilan para mahalin ang isang tao?”

“Hindi naman. Pero hindi naman kami malapit ni Tyra sa isa’t isa. Ni hindi pa nga kami nagkakasama ng matagal sa isang lugar eh. Baka attracted lang siya sa’kin katulad ng ibang fans ko. She’s giving me apple pies though. Nalaman niya yatang favorite ko ‘yon kaya whenever possible, nag-iiwan siya niyon sa bahay,” anito.

Itinuloy pa rin pala ni Tyra ang pagpapapansin kay Matt. Pero wala pa ring nangyari. Kaya naiintindihan niya ang galit nito sa kanya.

“Eh ‘di minamahal ka niya sa malayo kung gano’n,” aniya kay Matt.

“Lilipas din ‘yon. Lalo na kapag hindi na niya ako nakikita,” ani Matt sa kanya.

“Eh, ‘di gano’n din pala ang mangyayari sa’tin? Kapag hindi na tayo nagkikita, mawawala na ang lahat?” panunubok niya rito. Natawa siya nang mas lalong kumunot ang noo nito at bahagyang tumaas ang isang kilay nito sa kanya.

“Sigurado akong hindi pagmamahal ang nararamdaman para sa’kin ni Tyra kaya ko nasabi ‘yon. Eh, ikaw? ‘Wag mong sabihing hindi mo ako mahal para makalimutan mo ako agad? Isang linggo pa lang kalilimutan mo na agad ako?”

“Paano pala kung mangyari ‘yon?”

“Kapag nangyari ‘yon, babalik ako agad dito and I’ll make you fall for me again. Kahit paulit-ulit ko pang gawin ‘yon ako lang ang palagi mong mahalin.”

Pinigilan niya ang mapatili sa kilig dahil hindi naman niya gawain iyon. Matt always managed to touch her heart. Idinaan na lang niya sa pagpisil sa pisngi nito ang kilig niya kaya iyon ang napag-trip-an niya.

“Asus! Nagpaka-corny ka na naman,” pabirong sabi niya rito saka kinurot ang isang pisngi nito.

“Mahal mo naman ako eh,” anito sa kanya sabay kindat.

“Yeah, right. Anyways, we have to do something about Tyra,” aniya rito.

“Ako na ang bahala sa kanya,” anito saka niyakap siya at hinalikan sa noo.

“ARE YOU enjoying yourself, Tyra?” tanong ni Matt kay Tyra. Nasa Richville country club sila kung saan sila kumakain ng tanghalian. Itinanong niya sa kanyang Tita Tara—na ina nito—ang schedule ni Tyra sa unibersidad na pinapasukan nito para masundo niya ito roon at makausap ng maayos. Kaya naroon sila ngayong dalawa.

“Bakit mo ‘to ginagawa?” tanong sa kanya ni Tyra. Tila unease ito sa harapan niya taliwas sa inaasahan niyang mag-e-enjoy ito sa “date” nilang iyon. Ibig sabihin ay apektado talaga ito sa relasyon nila ni Saskia.

“You know what, dapat ‘Kuya Matt’ ang tawag mo sa’kin,” sabi na lang niya rito na agad niyang pinagsisihan. Yumuko kasi si Tyra at bago pa iyon ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

Wrong move, man.

Hindi siya naging komportable sa sitwasyon nila. Ayaw na ayaw pa naman niyang makakita ng babaeng malungkot. Kapag nakakakita siya ng babaeng malungkot ay ginagawa niya ang lahat mapasaya lang ito.

“Joke lang ‘yon,” bawi niya kay Tyra.

“Inutusan ka ba ni Ate Saskia na gawin ‘to?” tanong nito sa kanya.

“Hindi. Actually, hindi niya alam na magkasama tayong dalawa ngayon. Anyways, isinama kita rito dahil gusto kong magkwentuhan tayong dalawa,” simula niya rito.

“Ano namang pagkukwentuhanan natin?” anito.

“My vacation here. Alam mo bang nagpunta ako dito para magbakasyon lang at pagbigyan ang mga nagre-request sa’kin noon? But you know what, I found love. I’ve travelled all over the world, I’ve met different people—mostly, women—pero dito ko lang pala matatagpuan ang babaeng mamahalin ko. I never knew love until I met your Ate Saskia, Tyra. I never planned to fall in love when I came here. Plano ko lang makasama ang pamilya ko at makita ang mga kaibigan ko. Pero alam mo ba, matindi ‘yong pinsan mo eh. She got me so hooked on her and I don’t know how to unhook myself from her—oh, actually, I don’t want to be unhooked from her.”

“Gusto ko lang malaman mo na hindi niya ipinilit ang sarili niya sa’kin. In fact, iniiwasan niya nga ako noon. Ako lang talaga ang naging mapilit dahil gusto kong makuha ang loob niya. Inaamin ko na noong una, gusto ko lang talaga siyang tuksuhin. Pero nang lubos ko siyang makilala at makapasok ako sa buhay niya, nagbago ang takbo ng isip ko pati na rin ng puso ko.”

“Whenever I’m with her, I feel normal and not the Matthew McDonell people look up to in the runway or on magazines. Nakakagaan ng loob ‘yon. Maliban sa pamilya ko, pakiramdam ko ay siya lang ang nagmahal sa’kin bilang ako at hindi dahil gwapo ako o maganda ang katawan ko. Komportable ako sa kanya. I can be whoever I want to be with her and that feels nice,” aniya kay Tyra.

“Pero dalawang linggo pa lang kayong magkakilala,” nakayukong sabi ni Tyra sa kanya.

Umiling siya. “It only took a second for me to love her without hesitation, Tyra. Wala naman kasing rule pagdating sa pag-ibig na kailangang matagal muna kayong magkakilala o magkasama para ma-in love sa isa’t isa eh. Real love isn’t a game where one would win against the other. In love, both of you should be winners. And with Saskia, I feel like a real winner,” aniya kay Tyra.

“Right. I’m sorry,” ani Tyra sa kanya. Mabilis itong tumingin sa kanya pagkuwa’y muling yumuko.

“Wala ka namang masamang ginawa eh. I know what you feel and I understand it. You’re a very lovely girl, Tyra. Mahahanap mo rin ang lalaking para sa’yo. Bata ka pa naman eh. Enjoy your single life ‘cause singles can still mingle,” nakangiting sabi niya rito sabay kindat.

“You’re such a thoughtful and sweet guy, Matt,” ani Tyra sa kanya.

“Marami pang lalaking thoughtful at sweet sa mundo. ‘Yon nga lang, sa aming lahat, ako ang pinaka,” pabirong sabi niya rito. Pakiramdam niya’y nabunutan siya ng tinik nang tumawa ito.

“I’ll find someone like you,” anito sa kanya.

Umiling siya. “Don’t. Find someone worthy of you.”

“LAST CALL for my flight, baby.”

Narinig ni Saskia na sabi sa kanya ni Matt pero ninais niyang hindi iyon marinig. She tried to focus her attention on his arms wrapped around her waist and how good his lips felt like as it were pressed against her forehead. She’s not going to have him for the following months to come. At pakiramdam niya ngayo’y mamatay siya isipin pa lang niya ang mga araw na wala ito.

Stupid. Nabuhay ka nga ng pitong taon na walang lalaki sa tabi mo. Ngayon pa kaya, anang isang bahagi ng isipan niya.

But with Matt, it’s different. Mahal niya ito at iyon ang oras na ayaw niya itong mawala sa paningin niya. But he has to leave and it’s not the time for her to be selfish.

“Mag-aaral akong gumawa ng apple pie para pagbalik mo, gagawan kita no’n,” aniya kay Matt.

“That would be something to look forward to,” nakangiting sabi sa kanya ni Matt. He pulled her close to him and pressed his lips against her lightly. “I love you, Saskia.”

“I love you too. I’ll be waiting for you here no matter what,” masuyong sabi niya rito. Tears were starting to well up in her eyes. Hindi niya alam na ganito pala kahirap ang magpaalam sa isang taong mahal mo. It’s nothing worse as giving up something for the man you love.

Dapat pala ay isinama niya si Jenna o si Trina sa paghahatid kay Matt. Hindi kasi pwede si Ryleigh dahil may kailangan daw itong bantayan sa ospital. Wala pa rin naman ang Tita Melanie niya at ang Tito Hugh niya dahil bukas pa ang dating ng mga ito kaya walang ibang maghahatid kay Matt kundi siya. Isa pa’y hindi niya ito hahayaang makaalis nang hindi sila maaaring magkita kaya um-absent siya sa trabaho niya ngayon.

“I’ll come back for you, babe. You better think about marriage then,” anito sa kanya. Gamit ang kamay nito’y pinahid nito ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi niya. Saka nito kinuha ang mga gamit nito sa sahig saka siya muling hinalikan.

“I’m saying ‘yes’ to you now,” aniya rito.

“Sinasabi mo ba ‘yan para hindi ako umalis?” kunot-noong tanong nito sa kanya pero nakikita niyang may pinipigil itong amused na ngiti para sa kanya.

“Ayaw mo?”

“No, no. Geez. Here I am trying to think of a perfect proposal for you but here you are already saying ‘yes’,” naiiling na sabi nito sa kanya saka siya binigyan ng isang bear hug. It’s kind of awkward for him to do that to her but she liked it anyway. “Shit! Hindi pala ‘to madali,” anito sa sarili.

“You better go bago pa kita kaladkarin pauwi sa’tin,” aniya rito. Itinulak na niya ito palayo sa kanya dahil baka nga gawin niya ang sinabi niya.

“You’d do that?” amused na tanong ni Matt sa kanya.

“Go!” sigaw niya rito.

“Goodb—“

“Don’t. This isn’t goodbye yet. You’ll still come back soon,” aniya rito. She was afraid for them to say goodbye.

“Okay. I love you, then.”

“Sinabi mo na ‘yan kanina. At saka, umalis ka na nga! Kanina pa ‘yong last call ng flight mo. Ang daldal mo kasi,” aniya rito.

She heard him chuckle. “I’ll mi—“

“Go!” muling sigaw niya rito.

“Ang hard mo naman sa’kin. Pero sige na nga. You’ll give me more than a hug and a kiss when I came back,” anito sa kanya. Muli siya nitong hinalikan sa mga labi. Then, he sped off away from her.

When Matt turned his back on her, she felt bad. She tried to block all the negative things coming around her head but it’s no use. They’d be apart for a long time and she doesn’t know if she can handle it.

You should. You love him.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.