Binaba siya nito sa parte ng lupang hindi maputik. Ah, ayaw pala nitong maglakad siya ng nakapaa. So what, wala siyang pakialam do’n. Hindi siya nagpasalamat sa binata, deritso lang siyang naglakad papalayo rito. Nagbabakasakali siyang maka-hanap ng bahay na pwede niyang pakiusapan na tatawag. Hindi niya maaasahan ang bwesit na Doctor pero ayon dito, kilala na nito ang taong nasa likuran na gustong papatay sa buhay nito.
Sandali siyang tumigil sa paglalakad at bumaling sa binata. Nag-iwas naman ito ng tingin sa kaniya at nilagpasan siya pero hindi siya humakbang para sumunod sa lalaki, nag-iisip siya kung sino ang posibleng nasa likod ng gustong papatay sa binata.
“Doc. Hayes,” tawag niya.
Hindi ito tumigil sa paglalakad. “Spare my life, you useless woman.”
Kinalma niya ang sarili. Baka makalimutan niyang tao ito at magamit niya ang baril na kaniyang hawak. Kating-kati pa naman siyang gamitin na. “As you wish.” Oras na babalik na sila sa lungsod, bahala na nga ito! Wala na siyang pakialam. Hahanapin na lang niya si Jackylyn tutal mas may halaga pa ang buhay nito.
“I already know who you are.”
Biglang kumabog nang malakas ang kaniyang puso sa huling sinabi nito. Alam niyang hindi siya bingi at dinig na dinig niya ang sinabi nitong kilala na siya. Lihim siyang napalunok at kunwaring nagtaray. “Naman! I’m Kianna Trunt,” pabalang na sagot niya pero ang totoo, kinabahan siya.
Hindi ito sumagot. Nagpatuloy ito sa paghakbang papalayo. Napasunod ang kaniyang mata sa likuran ng lalaki. Tama ba ang kaniyang ginawa? Sa likod ng pananakit nito sa kaniya, heto siya at pinoprotektahan ito? Tama nga ba lahat? Tama ba na sundin niya ang utos ni Yx para sa kapakanan ng lalaking ito? Naging tama ba ang desisyon niya?
Sa dalawang pagkakataon, nilagay niya ulit sa alanganin ang kaniyang buhay. Para saan nga ba ang dalawang taon niyang pagkawala, para saan nga ba iyon? Useless? Oo, alam niya iyon nung baliw na baliw pa siya rito. Malayo na ang binata at sa mga sandaling iyon biglang namanhid ang buo niyang pakiramdam. Nagtaas siya ng tingin sa langit at napapikit.
That’s it Yx, I’m done.
Nakita niya ang sariling ibang deriksyon ang tinahak. Sa kanan bahagi ang kaniyang tinunton. Wala na siyang pakialam. Naglakad lang siya nang naglakad sa mapunong daan. Hindi na rin siya nag-abalang tingnan kung saan na ang la laki. Bakit nga ba niya pilit sinisiksik ang sarili rito kahit sabihin na siya si Kianna ngayon at taga-bantay lang siya. No, tama na. Kahit sabihin na wala na siyang pagmamahal o nararamdaman pagmamahal man lang, ayaw niya na. Dapat na itong ilibing sa limot.
Saka lang naramdaman ni Abhaya na masakit na ang kaniyang paa nang sandali siyang huminto at umupo sa malaking tipak ng bato. Puro kakahuyan ang kaniyang nakita. Malamang, nasa gubat nga pala siya o tamang sabihin nasa isang probinsya. Tinapik niya ang suot na kwentas at nagsalita, as usual wala pa rin sumasagot sa kabilang linya. Tiningnan niya ang hawak na baril, hindi niya sasantuhin kahit sino sa araw ngayon maliban sa inosente. Matapos magpahinga, nagpasya siyang maglakad. Saan nga ba siya pupunta? Pinagkibit niya ng balikat ang alalahanin iyon. Masarap kaya maglakad ng mag-isa at para makapag-isip-isip din siya ng maayos.
“Kienne? If you hear me... It’s Yx,” boses ng binata ang narinig niyang nagsalita sa pamamagitan ng suot niyang hikaw.
Napatigil siya sa paglalakad. “Yx!”
“I’m trying to locate you. Are you with Hudson? Is he okay?”
“Yes...” Natigilan siya nang paglingun niya ay nakita niya ang hitsura ng binatang tinalikuran niya kamakailan lang. Hindi maipinta ang hitsura nito at nakakuyom ang dalawang kamao na tila nagpipigil ng galit. The hell she care? Hindi niya ito pinansin at hinarap si Yx sa kabilang linya. “I’m giving up this assignment Yx. Sorry to disappoint you. I quit.”
“Wait—”
“No. Ayuko na. I realized that my life is much more important. Kunin mo kami rito once ma-locate mo na and give this assignment to someone else. That’s final. Bye.” Humarap siya sa lalaki at pinagtaasan ito ng kilay. “Bakit ka nandito?”
Hindi ito nagsalita. Malalaki ang hakbang nito na lumapit sa kaniya at hindi niya napaghandaan ang biglang paghila nito sa suot niyang kwentas.
“Merde!” napasigaw siya.
Naputol iyon at dinurog nito sa kamay ang pendat na siyang magdudugtong sa kaniya kay Yx at magbibigay ng tamang lokasyon dahil ito lang ay may GPS tracker. Yung hikaw niya ay konektado ito sa kwentas para gumana.
“The reason why they kept on following me. Fuck!” madilim ang hitsura nito at gigil na humarap sa kaniya. Hindi siya nakahuma. Ano ba ang pinagsasabi nito? Anong connection?
“What are you doing?! Gago ka ba?!” inis na sigaw niya. Hayop din talaga ito, eh. Sa gigil niya hinampas niya ang dibdib nito.
“Kilala na kita.”
Hindi siya nagpahalata na nagulat siya sa sinabi nito. Ang ginawa niya ay tumalikod para hindi mahalata ang kabang bumalatay sa kaniyang mukha at humakbang papalayo. Sandaling nawala ang maskarang kaniyang suot. Ayaw niyang pakinggan ang sasabihin nito kung sakali man.
“Abhaya Kienne Sahada,” sinambit nito ng buo ang kaniyang pangalan.
Tila libu-libong kuryente ang tumama sa buo niyang katawan. Hindi siya makagalaw sa sinabi nito. Para siyang binagsakan ng buong mundo sa isipin nakilala nito ang kaniyang katauhan. Ilang segundo ang kaniyang nagawang kunin bago siya humarap sa binata na taas noo kahit ang totoo, gusto niya ng lumayo sa nga sa oras na iyon.
“Hello, Doctor Hudson Herrence Hayes,” nagawa niyang suotin ang maskarang walang pakiramdam nang salubungin niya ang nang-aarok na titig nito sa kaniya, “What do you expect, a hug from me?” kalmadong saad niya.
Nagsilabasan ang litid ng ugat nito sa leeg at tila nagpipigil ng galit. Isa lang ang nababasa ni Abhaya nang nga oras na iyon, galit. Matinding galit laban sa kaniya.
Wow! Gusto niyang pumalakpak. Ito pa ang may ganang magalit sa kaniya? Nakakatawa nga naman. Well, kilala na nito ang totoong siya ito na yata ang dahilan na tuluyan na siyang umalis.
“You plotted this. All of this, isn’t it?” ngumisi ito ng tila demonyo, “You think I wouldn't know? Isa ka sa kanila na gustong papatay sa`kin!”
Napanting ang kaniyang teynga at biglang umigkas sa ere ang kaniyang kamay. “Bullshit!” Gusto niyang maiyak sa galit pero kinalma niya ang sarili, walang dahilan para umiyak sa harapan nito ulit. Hindi siya ang dating babae na inapakan nito at binasura.
“Confirm.” Hawak nito ang mukhang nabaling sa malakas na pagkakasampal niya. Namula iyon at isabay pa ang galit na nababanaag sa nga mata nito. “Gusto mo akong patayin sa paraan na hindi ka mahahalata? Madali lang, Abhaya.”
“Hindi ako ang kalaban mo,” nangangalaiting sagot niya.
“Yeah, I know it. You’re the spy in the first place. Mamatay ka muna bago mo ako mapapatay.” Akmang hahawakan nito ang kaniyang braso nang pinaulanan sila ng bala sa kalayuan.
Hayop! Ito na nga ang sinabi niya. Natulak niya ang binata at sa ibang deriksyon siya tumakbo. Good thing at malalaki ang mga kahoy sa part na iyon isali ang mga nagtataasan bato. Paano sila nasundan ng mga kalaban? Alam niyang nailigaw niya ang mga ito kaya imposibleng masundan agad sila sa konting panahon.
Nasa likod siya ng malaking puno, habang nasa kabilang puno naman si Hudson. Tinutok nito ang baril sa kaniya at gano’n din siya. Mapapatayan sila kung magpatayan!
Shit! Napayuko siya nang may bumaril sa pwesto niya. Agad niyang sinentro ng baril ang gumawa no’n, sapul ito at deritsong bumagsak sa lupa. Sino ba talaga ang nasa likuran ng lahat ng ito?
Lumaban siya ng barilan at umatras para tumakbo papalayo. Alam niyang hindi nakita ni Hudson ang kaniyang ginawang pakikipagbarilan sa mga kalaban nito dahil busy ito sa pag-asintado ng bawat kaaway. Sinamatala niya iyon para makatakas. Mabilis siyang tumakbo papalayo sa lugar.
“Argh!” Napapikit siya nang maramdaman may tumama na baril sa kaniyang likuran. Tiniis niya ang sakit at nagpatuloy sa paglayo.
Mula sa himpapawid narinig niya ang malakas na ugong ng makina. Si Yx?! Nakaramdam siya ng ginhawa pero sa sagutan nila ng binata kanina, bigla siyang nagdalawang isip sa katauhan nito ngayon. Hindi kaya si Yx ay— bullshit, no! Puno ng barilan ang buong paligid. Huminto muna siya at sumandal sa malaking bato na may makapal na damo na nakatabing sa ibabaw.
Muntik siyang napamura nang gumiwang siya nang sumandal at saka lang niya naisip na tila isa itong taguan o kweba sa ilalim. Walang pagdadalawang isip na pumasok siya at nagtago ro’n. Gamit ang suot na bracelet, nagliwanag ang buong paligid.
Nakatulog siya. Iyon ang unang rumehistro sa utak ni Abhaya nang magmulat siya ng mata at makitang nasa pinagtataguan pa rin siya. Tahimik na ang buong paligid at wala na siyang narinig ng kung anuman barilan. Napapiksi siya sa sunod-sunod na pagsugod ng kirot sa kaniyang bandang likuran ng kaniyang balikat. May tama nga pala siya.
Naghintay siya ng ilang minuto bago nagpasiyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Napasulyap siya sa suot na gadget sa kamay, bandang tanghali na ang oras na nakalagay ro’n. Tahimik at tila walang nangyaring barilan man lang kamakailan lang. Nagsimula siyang humakbang kahit napapapikit siya sa tama ng baril. Good thing at malakas ang kaniyang katawan at takot yata si kamatayan sa kaniya dahil ito nga at buhay pa rin siya.
Hindi niya alam kung saan siya nito pupunta. Nasa gitna siya ng kakahuyan at ayaw niyang makita ang pagmumukha sakali ni Hudson. Dahil nasanay na siya sa ganitong set up at kasali na ito sa naging training niya sa isla ni Yx, sinunod niya ang kaniyang instinct kung saan direksyon siya tutungo.
Sa nalaman, parang nagdadalawang isip na siya. Sino nga ba talaga ang nasa likod ng lahat ng ito? Hindi naman siguro si Yx, kilala niya ito. Kilala nga ba talaga? Hiyaw ng kaniyang utak. Shit! Napahawak siya sa ulo sa mga tanong na nagsilabasan sa kaniyang utak.
Pero kung sakaling si Yx, bakit siya ang ginawa nitong private bodyguard sa binata? Alam nito kung ano ang nakaraan niya at kung sakali man, bakit hindi na lang ito pinatay ni Yx mismo? Bakit kailangan siyang gawin tagabantay? Nalilito siya sa nangyari. Hindi, hindi magagawa ng lalaki na traydurin o ilagay siya sa panganib pero hindi nga ba? Hindi kaya ginawa ito ng lalaki para hindi masyadong mahalata na ito mismo ang nasa likuran nang lahat?
Merde! Napasubsub siya nang wala sa oras sa batuhan. Sino ba talaga ang dapat niyang pagkatiwalaan sa mga sandaling ito?
Pilit niyang winaksi ang mga bagay na naglalaro sa utak niya. Napamura siya nang bumangon at nagpatuloy sa pagpalakad. Bumalik siya sa dinaanan niya kanina pero hindi na ro’n sa kung saan nila iniwan ang kotse ng lalaki. Napangiti siya nang makita ang maluwang na daan. Nakahinga siya ng maluwang at nagpatuloy sa paglalakad. Hihintayin niyang may hihintong sasakyan o kahit na ano sa daan, siguro naman hindi abandonadong lugar ang pinasukan niya.
Inabot siya ng mahigit tatlong oras sa paghihintay nang may matanaw siyang chopper. Magtatago pa sana siya nang mapansin niyang si Yx ang piloto. Biglang nalito ang kaniyang utak at gustuhin man niyang tumakbo, nanatili na lang siyang kalma. Alam niyang wala itong gagawin masama sa kaniya at ilang beses niya na itong napatunayan. Magsusuot na lang siya ng maskara na wala siyang alam o tamang salita, wala siyang pakialam.
“I’ve been looking for you, akala ko kung napano ka na,” nag-alalang sabi ni Yx nang pumasok na siya sa loob ng chopper.
Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita. Gusto sana niyang itanong rito kung kumusta na at napatay na ba nito ang binata, na nagwagi ba itong patayin ito at ginamit pa talaga siya? Pero nanatili siyang tahimik, kailangan niya ng lakas ayon na rin sa kaniyang kondisyon ngayon.
“We need to remove that bullet.” Saka nito sinimulan paliparin ang chopper.
Siya naman ay sandaling pinikit niya ang mata. Kailangan niya ang kaniyang lakas at pinipilit ang sarili na huwag munang mag-isip ng kung anu-ano. Sarili muna niya ang kaniyang isipin.