Sa pribadong isla ulit kung saan siya dinala rati ni Yx nung sandaling inabot niya ang kamay nito at nagdesisyon na sumama. Naramdaman niya sandali ang kapayapaan sa kaniyang dibdib nang maramdaman ang malamyos na preskong hangin na tumama sa kaniyang balat. Pinaasikaso siya agad nito sa mga kasamahan niyang nando’n pero bago iyon, nagawa niyang itanong kung nasaan si Jackylyn. Senyas lang ang kaniyang nakuha sa lalaki na sinasabing mamaya na sila mag-usap.
Nakuha na ang bala at binalot na ang kaniyang balikat ng bendahe nang magpasya siyang magpahinga sa kaniyang silid sa islang iyon. Kating kati na siyang hubarin ang suot na jacket ni Hudson at itapon. Ito ang dahilan ng lahat kung bakit heto siya ngayon at naguguluhan at nalilito.
Gabi nang magpasya si Abhaya na kausapin si Yx sa ayaw man o sa gusto nito. Ang baril niya ay nakatago sa kaniyang beywang kung sakali man malalaman niyang ginagamit siya nitong puppet. Alam niyang imposible ang kaniyang iniisip laban sa lalaki pero sa mga sandaling ito, sarili lang niya ang kayang pakakatiwalaan.
“Si Yx?” tanong niya sa kasamahan na nakasalubong niya papunta sa pribadong opisina nito.
“May kausap pa siya. Hindi raw pwedeng isturbuhin.”
Napatingin siya sa ikalawang palapag ng bahay, nag-iisip kung kakausapin ba ito laban sa mga katanungan na nagsimulang gumuhulo sa utak niya o huwag na lang? Napahugot siya ng hangin, at nagsimulang humakbang. Its now or never.
Sirado ang pintuan ng opisina ni Yx at may nakalagay na ‘No Molestarʼ. Napaikot siya ng eyeball sa ‘Do Not Disturbʼ sign na nakalagay ro’n.
Lumapit siya sa pintuan at marahan pinihit ang pintuan, sisilipin niya ang kausap nito at baka pwede siyang sumingit. Importante ‘tong sasabihin at itatanong niya. Nakatalikod ang kausap ni Yx sa gawi niya kaya hindi niya makita ang mukha at mukhang seryuso ang pinag-uusapan ng mga ito.
“What’s the next plan?” tanong ng kausap nito.
“Kienne would probably kill me if she’ll find out, I’m using her against Hudson.”
Napaatras siya at mahigpit na napakuyom. Tama nga ang kaniyang hinala. Si Yx ang nasa likuran nang lahat ng ito. Tama si Hudson, isa siyang instrumento. Pero bakit? Bakit siya ginamit ni Yx?!
Gustong gusto niyang sugurin ito at hamunin ng barilan pero nag-flashback sa isipan niya ‘yong panahon na tinulungan siya nitong bumangon at buohin ang kaniyang pagkataong winasak ng lalaki. Kung sabagay, kaya naman siya nandito dahil kay Hudson. Pero bakit? Bakit siya pa? Kung may balak itong patayin ang binata, dapat hindi na siya dinamay pa. Akala niya kilala niya na ito, hindi pala. Akala niya, ang sekretong ahensyang pinamunuan nito ay malinis ang hangarin at gawain. Kinalma niya ang sarili at tahimik na umalis sa lugar na iyon. Hindi ito ang oras para magwala sa mga kaniyang nalalaman. Sapat na ang kaniyang narinig mula sa lalaking akala niya ay kaibigan.
Pinilit niyang makatulog sa gabing iyon pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog. Ang daming nagsusumigaw na katanungan sa utak niya pero ni isang sagot ay wala siyang mahanap. Hanggang narinig niya ang mahinang katok sa kaniyang pintuan at alam niyan si Yx ito. Binuksan niya ito at may dala itong envelope. Bagong assignment. Nagtungo sila sa lanai at doon nag-usap.
“Si Jackylyn?” Bigla niyang naalala ang kaibigan.
“She’s stable, which gives her a pretty good chance of coming out without much harm, but it always hard to tell with comatose patient.”
Natigilan siya sa narinig na comatose ang kaniyang kaibigan. Kumalma siya. Gusto niyang mapangisi sa sinabi nito. Talaga lang ha, muntik ng patayin ng mga tauhan nito ang kaibigan niya, at siya. Kung sabagay, wala pa siyang alam no’n pero ngayon hindi na siya mauutakan pa pero nanatili siyang tahimik sa nalalaman.
“I’m giving you another assignment. You failed to protect Doc. Hayes—”
“Is he dead?” deritsahang tanong niya. Suot-suot niya ang maskarang hinding hindi mababasa nito ang tunay na nilalaman ng kaniyang utak ng mga sandaling ito.
“He’s not.”
Hindi siya nakaramdam ng kasiyahan at hindi rin siya nakaramdam ng ginhawa sa narinig. Mas naramdaman niya ang sakit na matagal niya nang kinalimutan at taon na ang nagdaan. Bakit nararamdam niya ulit ang sakit na matagal ng patay?
“Here.” Inilapag nito ang dokumentong hawak-hawak sa lamesang nando’n saka siya iniwan mag-isa.
Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lang ang kaniyang mata sa dokumentong iyon na naglalaman ng panibagong panganib ng buhay niya. Nagdaan ang ilang minuto bago siya nagpasiyang abutin iyon at buksan ang loob.
Theon Willoughby?
Napakunot ang kaniyang noo sa nabasang impormasyon at sa larawan na nakapaloob do’n. Bakit si Theon ang next assignment niya? Ano ‘to? Bigla siyang napatayo at nagtungo sa kaniyang silid para do’n ipagpapatuloy ang pagbabasa. Napasabunot siya sa buhok nang mabasa ang laman ng hawak niya. Sasamahan niya ito papuntang Mississippi for business matter. As usual, private bodyguard. Ayaw nito sa sa halatang bodyguards ‘raw’, ang gusto nito ay halatang chickababes at girlfriend material.
Gusto niyang balikan si Yx at ireklamo na huwag sa kaniya ibigay iyon nang maalalang si Theon at Hudson ay magkaibigan at magpinsan. Wait, she smell something nasty. Hindi niya gusto ang amoy. Mukhang ginagawa ito ni Yx para gawin siyang pain or mukhang kursunada nito ang pamilya ng mga ito. Kung sabagay, kung yaman ba naman ang pag-uusapan sino ang hindi maiinggit? Napangisi siya. She’s in.
Maarteng nakaupo si Abhaya sa couch sa loob nang office ni Theon. Gusto niyang asarin ang lalaki dahil busy at focus ito sa ginagawa sa laptop nito. Buti na lang at hindi siya nito inasar kanina nang dumating siya at nagpakilala na siya ang magiging escort nito. Tumango lang ito na parang nawala ang kayabangan sa katawan. Hindi na lang niya iyon pinansin at matamang nakaupo ro’n. It’s been a week since that incident happen at wala na siyang narinig laban kay Hudson and who cares? Medyo okay na ang kaniyang balikat at totoong balewala na ito sa kaniya, sanay na siya sakit. Manhid na yata siya at nakakatakot ang bagay na iyon.
“The hell! Pag may mangyaring masama sa pasyenteng iyan gigilitan ko kayo sa leeg isa-isa.” Galit na sigaw nito at pinukpok ang lamesang gawa sa mamahalin at matibay na kahoy nang sagutin nito ang cellphone. Nagsitalpukan ang mga gamit na nando’n sa lakas ng impact.
Napakunot siya ng noo. Masyado yatang mainit ang ulo nang taong ito at parang gusto niyang pakalmahin sa pamamagitan nang pagsaboy ng maiinit na tubig para mas lalong uminit ang ulo. Napangisi siya sa kabaliwang naisip. Mamayang hating gabi ang alis nila ng lalaki gamit ang private plane nito at gusto na rin niyang matapos ito at sulbahin mag-isa ang plano ni Yx.
“I know. Take good care of Jackylyn. I want her to wake up from comatose. I don’t care how long it will take, you hear me idiots?!” pinatayan nito ang katawag sa kabilang linya. Binato lang nito ang cellphone sa dingding at durog na bumagsak iyon.
Basta mayayaman talaga mahilig manira ng bagay. Napairap siya pero wait, si Jackylyn? Comatose? Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa narinig. Ang pasyente ba na sinasabi nito at ang kaibigan niyang si Jacky ay iisa? Shit. Napaayos siya sa pagkakaupo at napatayo ilang segundo ang nagdaan. Deritso niyang tinungo ang pwesto ni Theon na walang takot at pasalampak na binagsak ang dalawang palad sa mesa. Sana naman ibang babae ang sinasabi nito.
“Do you have a photo of that woman?”
“Who?”
“Jackylyn.”
Napatanga ito sa kaniyang sinabi at tila hindi nahandaan ang kaniyang pagtatanong. Dumaan ang ilang sandali at may pinakita ito sa kaniya sa laptop nito nang iharap sa kaniya. Ang kaibigan niya. Nasa kama, walang malay at maraming nakakabit sa katawan. Kinalma niya ang sarili. Umakteng siyang hindi niya kilala ang babae. Kailangan niya iyon gawin para sa ikabubuti niya at nang kaniyang kaibigan.
“You know her.” hindi patanong ang pagkakasabi ni Theon. Matamang itong napatitig sa kaniya.
Mabilis siyang nagkibit ng balikat at bumalik sa kaniyang upuan. “Hindi.”
Curse you to hell Yx! Ang sabi mo sa`kin nasa okay na kalagayan si Jacky at akala ko pa naman, sa`yo siya. Kung sabagay mas okay na rin na kay Theon siya dahil alam kong mga pain lang kami na ginawa mo.
Maarte siyang umupo ulit at pinaglalaruan ang kaniyang baril. Kanino niya kaya ito magagamit? Kay Yx, o kay Hudson?
“Lemme ask you,” panimula nito. Kalmado na ang hitsura ng binata at matamang tiningnan siya.
“Shoot!” Umakte siyang nag-shoot ng bola sa isang tabi.
“You’re escorting my fucking cousin Herrence for weeks and…”
“... And?” nagtaas siya ng kilay nang tumingin siya rito.
“Do you have any idea where he is?”
Napaayos siya ng upo. Ano ang ibig sabihin nito? Wala si Hudson? “Nope,” kampanteng sagot niya at pinaglalaruan ulit ang baril sa kaniyang kamay. Kung sakaling nagtatago nga ito, tamang magtago muna ito. Huwag muna itong lumitaw dahil susulbahin niya ang problema niya kay Yx.
“Do you know who’s Abhaya?”
Napatigil siya sa paglalaro ng baril sa kaniyang kamay at deritsong napatingin dito. Nakikita niyang binabasa siya ni Theon kaya napilitan siyang magsuot ng emosyong hindi siya maha-halata. Ngumiti siya na hindi abot sa mata.
“Who is she?” tiningnan din niya ito pabalik. Magtitigan sila hanggang sa kung sino ang unang susuko.
“Forget it.” Saka ito tumayo at lumabas. Naiwan siyang nakaupo ro’n at wala siyang planong sundan ang binata. Ang usapan, escort lang hindi yaya.
Ilang sandali ang lumipas, may pumasok na panauhin. Mabilis siyang napatingin kung sino iyon. Isang magandang babae na nakasuot lang ng simpleng malaking T-shirt at loose jeans. May malaking eyeglass at naka-ponytail ang mahaba at kulutang buhok. Nerd itong tingnan pero nakikita niyang maganda ang babaeng nasa kaniyang harapan ngayon.
“Hi, andito ba si Theon?” nahihiyang tanong nito, “Wala kasi ang secretary niya sa labas kaya dumeritso lang ako sa pagpasok.”
Ngumiti siya. Wala siyang planong takutin ang inosenteng mukha nito, “Kakalabas pa lang.” At sa nakikita niya, malinis ang intensyon ng dalaga. Hindi kaya kapatid ito ni Theon? Pinsan kaya?
“Ah gano’n ba... Mauna na ako. Pasabi na lang na dumaan ako, ha? Ako nga pala si Amara Legrand. Sige, paalam.” Pipigilan pa sana niya ito pero nakalabas na ang dalaga at nawala sa paningin niya. Nagkibit siya ng balikat. Weird.
Hating-gabi at nasa private plane na sila na pag-aari ng Willoughby. Hindi siya nakaramdam ng excitement habang nakaupo sa mamahalin at marangyang upuan. Aabutin ng mahigit 16 hours ang kanilang byahe papuntang Mississippi pero sanay na siya sa mahabang byahe kaya wala siyang pakialam. Ang kaniya ay matapos na ito at gusto na rin niyang makita ang pamilyang nasa probinsya.
“How is she?”
Naka-headset siya pero walang music na naka-play kaya rinig niya ang malaking boses ni Theon na nasa unahan nakaupo.
“Is she responding? I need all of you to do everything for her. Monitor her heartbeat every hour. While I’m gone, make sure to keep her safe and protected. Double the security.”
Bahagya siyang napangiti sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang katayuan ni Jacky sa buhay ni Theon pero base sa nakikita at naririnig niya mula sa lalaki, mukhang may nakaraan ang mga ito na hindi sinasabi sa kaniya ng babae. Base sa pag-aalala ng binata, importante ang dalaga sa buhay nito and that makes her smiled bitterly. Pero bago pa siya kainin ng kaniyang sistema, nag-soundtrip na lang siya at pinikit ang mata.
Mahaba at nakakapagod ang byahe pero wala siyang magawa kundi ang enjoyin ang byaheng iyon kahit sobrang bagot na bagot siya dahil napapanis na yata abg kaniyang laway. Mabuti na lang at maraming pagkain kaya ang magawa niya, kain lang nang kain na parang walang bukas. Masarap pala kumain kapag wala ka nang magawa sa buhay. Napangisi siya sa isipin iyon.
“Ms. Trunt,” tawag ni Theon sa kaniya.
Nakatingin ito sa kaniya ngayon habang panay lamon siya ng chocolate cake na sinerve sa kaniya ng private attendant. Isang bilog iyon at hindi halatang dito niya binunton ang kaniyang pagkabagot at isipin pa ang dami niyang iniisip. “Yeah?” nagtaas siya ng kilay.
“Mukhang nagpapakamatay ka yata gamitng pagkain,” nakangising saad nito.
Nag-ikot siya ng eyeball. Really? Kailan nakakamatay ang pagkain maliban kung wala itong lason? “Funny.”
Nagseryuso naman ito agad, “Follow me at my room pagkatapos mo d’yan. May pag-uusapan tayo.”
Room? Manigas ito. Kung mag-uusap sila, sa labas lang. Nabibwesit siya sa salitang ‘room’ na iyan. Inabot din siya ng mahigit isang oras sa kakalamon ng mga pagkain nando’n at nung ‘di na kinaya ng kaniyang tiyan, nagpasiya siyang matulog. Limang oras na lang at nasa Mississippi na sila kaya kailangan niyang matulog para may lakas siya mamaya kung sakaling makikipagbakbakan agad siya.
Wala naman masamang nangyari nung dumating sila. Deritso agad sila sa business meeting nito na tatlong Russian sa isang sikat at isa sa mamahalin restaurant. Really? Gusto niyang mapamura pero dahil trabaho niya ay escort, wala siyang reklamo. Sinigurado niyang hindi makakaapekto ang jetlag sa kaniyang kagandahan.
Nakasuot siya ng black evening dress, labas ang kaniyang cleavage at likod pero tamang tama na matatakpan ang tama ng baril na nakuha niya nung nakaraan linggo. Isali pa ang mahabang slit ng kaniyang damit. Ang buhok niya ay mabilisan niyang ginawang messy bun at naglagay siya ng mysterious look make up. Ayaw naman niyang magmukhang tsimay kasama ang lalaki.
Napaubo pa si Theon nang lumabas siya sa eroplanong naka-ready na at nakasuot na stelletos. Ilang segundo rin bago nito nakuha ang mata mula sa pagkatitig sa kaniya kaya isang nakakamatay na irap ang binigay niya rito. Nakahawak siya sa siko ni Theon na kung titingnan ay isa siyang girlfriend nito. Kailangan niyang umakteng parang nobya nito ayon na rin kay Yx. Ngumisi siya nang maalala ang huling usapan nila nang lalaki.
“Make sure you can protect him. I know you won’t fail me this one. Goodluck, Abhaya,” and that’s the first time he heard Yx calling her first name. Odd.
Ngumiti siya nang matamis sa tatlong ka business meeting ni Theon. They look fucking handsome at their mid-ages. Nagsusumigaw ang dating ng mga ito nang isang panganib.
Mabilis na nag-abot ng kamay ito sa binatang kasama niya at nakipag-shakehands pero nasa kaniya nakatingin. Hinalikan naman ng nga ito ang kaniyang kamay na ningitian lang niya ng ubod tamis. Pero sa likod ng kaniyang utak, gigil na gigil siyang paduguin ang mga nguso. Nagpakilala siyang girlfriend ng binata na ngiti naman ang kaniyang nakuha kay Theon. Humawak ito sa kaniyang beywang at tila proud na proud na girlfriend siya.
Patago niyang sinuri ang buong paligid nang makapag-order na sila. Nagsimula na ito sa pag-uusap at wala siyang maintindihan dahil nagsalita ito sa lenggwaheng Russian. Lihim niyang pinagmamasdan bawat galaw ng mga tao sa loob ng restaurant na iyon at lahat naman walang kahina-hinala. May kaniya-kaniyang mundo na ang mga ito maliban nung dumating sila kanina na lahat ay napalingon sa kanilang pagpasok.
Sumakit ang kaniyang ulo. Well, ganito talaga siya kapag may jetlag pero sinasanay niya ang sarili. Dumating na ang kanilang inorder at nagsimula na silang kumain pero hindi niya ginalaw ang pagkain. Tinitigan niya iyon at piniling abutin ang wine. Bahagyang inamoy niya ito at napansin niya ang kakaibang tingin ng chef na nag-serve no’n sa kaniyang ginawa. Wait, chef?
Mabilis siyang napasulyap kay Theon, hindi pa nito ginalaw ang pagkain at nang tangka nitong kunin ang kutsara, mabilis niyang pinigilan ang kamay nito at sinagi sa ilalim ng mesa ang paa nito na ibig niyang sabihin ay 'huwagʼ. Nakuha naman nito ang kaniyang nais sabihin at nag-excuse ito sa tatlong Russian na pumunta ng restroom dahil may tumawag sa phone nito kahit wala.
Ngumiti naman siya nang nakakaakit sa mga ito at tila pinaglalaruan ang pagkain gamit ang tinidor. Wala siyang planong kainin iyon ayon na rin sa ibang tingin na napapansin niya nula sa kalayuan na binigay sa kaniya ng chef. Hindi siya pinanganak kahapon para hindi malaman na may lason nilagay sa pagkain hinanda para sa kanila... Dahil nagsimula ng kumain ang mga ito at wala naman nangyari masama. Shoot! Itong tatlong nasa harap nila ay ang kaaway niya. Kaanib ba ito ni Yx? Well sorry, papatay siya kung iyan ang basihan.
“You don’t like it?” sandaling tumigil ang isa na may malaking tattoo sa gilid ng leeg.
Mapang-akit siyang umiling, “I wanna eat something,” bahagya niyang kinagat ang labi in seductive way.
Napatanga naman ang mga ito at napahinto sa pagsubo. “Something not in the menu, hmm?”
Napangisi siya sa likod ng kaniyang utak. Nakuha niya ang interest nito sa katawan laban sa kaniya. Babae talaga ang kahinaan nang bawat lalaki pero hindi siya dapat pakampante. “Yeah, you know what I mean right, gentlemen?” saka siya kumindat sa mga ito at mas lalong dinagdagan ang pang-aakit niya habang busy ang kaniyang utak sa pag-iisip.
Nakita niyang naalarma ang chef mula sa kaniyang peripheral vision. Gotcha! Do’n naman bumalik si Theon sa kaniyang tabi at alam niya ang kislap ng mata nito na may nais ipahiwatig. Agad naman siyang umakteng na parang walang nangyari raw at sumenyas kuno sa tatlong lalaki na magkikita sila after this sa pamamagitan ng pagkindat niya. Gago! Magkikita sila sa hukay ng mga ito ngayon gabi.
“Waiter!” tawag nito, “I want a new one.”
Nagkibit lang siya ng balikat at hinarap ang wine, pinaglalaruan niya ulit iyon. Nag-usap ang mga ito sa salitang alien ulit na hindi niya maintindihan. Saka lang napansin ni Abhaya na may konting sugat ang kamao ni Theon at may konting bahid ng dugo.
“Anong nangyari sa kamay mo?” singit niya sa usapan. Nagtatakang napatingin naman sa kaniya ang tatlong lalaki pero matamis na ngiti lang ang kaniyang binigay.
“May tinumba lang na kalaban.”
Tumango lang siya sa naging sagot ni Theon.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang inorder na pagkain at ‘yong chef ang naghatid. Mabilis gumalaw ang kaniyang buong katawan nang pagkalapag na pagkalapag nito sa pagkain, agad niyang sinipa ang lalaki at tinaob ang mesa. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbunot niya sa baril na sa hita lang niya at gumanti ng barilan.
Sigawan at tilian ang narinig niya kasabay takbuhan papalabas ng mga tao nang sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.
“Kianna!” Si Theon. May baril itong hawak at mabilis itong nakatago sa isang tabi.
“Still breathing!” nagawa pa rin niyang sumagot. Nasa kabilang poste siya na tama lang makita kung nasaan ang kasamang lalaki. “Listen, we need to get you out of here as soon as possible. I’ll cover you don’t worry.”
“Bullshit! I can handle myself Kianna. The reason why I hired and brought you with me is not to die. Papatayin ako ng pinsan ko kapag nangyari ‘yon.”
Hindi siya sumagot. Nakipagbarilan siya. Ang sinasabi nitong tatlong investor ay may hawak na baril laban sa kanila. Kung hindi pa niya nakuhang sipain ang pagbunot ng dalawa sa baril ng mga ito baka nadali nito si Theon. Nakuha pang sipain ng binata ang isa saka mabilis nagpagulong at nagtago.
Clear. Dalawang kamay ni Abhaya ang may hawak ngayon ng baril at pareho silang nagtataguan ng kaaway. Ang laki yata ng galit ni Yx, ah. Gusto niyang matawa. Ayon sa report na hawak niya, tatlong business meeting at business deal ang gagawin nila rito sa Mississippi. Ayaw kumuha ng escort ni Theon ayon kay Yx but his father insisted so here she is risking her life again for someone. Well, this is her now, fearless like her name; Abhaya.
Sumenyas sa kaniya si Theon at gano’n din siya. Kung ganitong masakit ang kaniyang ulo, mababa lang ang kaniyang pasensya at mahilig siyang sumuot lalo sa panganib. Pinagbabaril ng mga ito ang pwesto niya at nag-iisip siya kung paano wakasan ang gabing iyon.
Isa, dalawa, tat— Lumabas siya sa pinagtataguan at gumulong at walang takot na hinarap sa pagbabarilan ang mga ito. Una niyang inasintado ang lalaking limang dipa ang layo sa kaniya. Gano’n din ang binata, sumabay ito sa kaniya at nasa kaniyang likuran habang siya ay nakaupong nakabukaka sa sahig at walang pikit na pinagbabaril ang mga ito. Sabay silang nakipaglaro ng barilan ni kamatayan at kung sino ang unang mamatay ngayon gabi at mauuna sa impyerno.
Tatlong magkakasunod na putok ang pinakawalan niya bago patay na bumagsak ang lalaking chef. Walo lang naman ang kalaban nila sa gabing ito at ang iba hindi naman nila pinatay iyon, ‘yong iba ay kamay niya ang tinira at parang batang tumakbo papalabas at tumakas. Tumayo siya at nilapitan ang tatlong investor ni Theon na ngayon ay nanginginig sa takot, puro dalawang balikat ng mga ito ang binaril niya. Wala siyang planong pumatay ng marami ngayon.
“Now, sing!” Itinutok niya ang baril sa mga ito.
“W-what song?” panabay na sagot ng mga ito.
Gusto niyang matawa pero pinigilan niya. Kitang kita ang takot sa mga mata ng mga ito kaya siguro hindi makuha ang ibig niyang sabihin. Minsan nakakabobo na talaga kapag nasa kamatayan ka na. “How about the title of... ‘Who’s the fucking asshole behind this?’ Know that song?” seryusong saad niya habang nakatutok pa rin ang dalawang baril sa mga ito. Isang maling galaw at hindi siya manghihinayang na patayin ang mga ito ngayon din. Gusto niya ng kompirmasyon kahit alam niya na kung sino ang nasa likod.
MAAGANG nakatulog si Abhaya sa silid na pinagdalhan sa kaniya ni Theon. Bahay raw ito ng great grandmother ng lalaki. Malaki ang bahay o sa madaling salita, mansiyon. Hindi na siya nagtanong kung ano ang family background nito dahil tinamad siya. Ang mahalaga sa kaniya, ang kamang matutulugan sa sobrang pagod.
Nagising na lang siya kinaumagahan na okay na ang pakiramdam. Hindi nga niya magawang magpalit ng damit at magtanggal ng make up at sapatos. Deritso lang siya sa banyo at naligo. Nando’n na rin sa loob ng silid ang maleta niyang kasya sa buong linggo ang susuotin. Nagpalit siya ng simpleng shirt at jeans. Tinalian ang buhok kahit basa pa iyon saka siya lumabas.
“How is she doing?”
Ito agad ang nabungaran niyang scenario kay Theon na nasa maluwang na sala kaharap ang cellphone. Lakad ito nang lakad at hindi yata mapakali ang itlog nito. Nag-ikot siya ng mata. Masyado yatang mabigat iyon kaya walang kapaguran ang lalaking ito.
“Pagkain?” bungad niya. Wala siya sa mood para mag-good morning at hindi naman niya gawain ang bagay na iyon.
Sumenyas lang ito na may kausap pa sa cellphone at tinuro sa kaniya ang daan patungong kusina. Nagkibit lang siya ng balikat at tahimik na nagtungo ro’n, mukhang mapaparami ang kain niya nito.