Chapter Story 2 - Chapter 17

Nagising si Abhaya na maingay ang paligid at nang buksan niya ang mata, natuon ang kaniyang mga mata sa mga Greek Gods na nasa kaniyang harapan. Una niyang nakita si Cuhen Malcogn, kasunod si Azael Aadi Legrand, Zyd Caiden McCluskey at si Yx.

Bigla siyang napabangon sa kinahihigaan at agad na tumaas ang kamay sa ere na parang susulong sa matinding giyera. Anong ginagawa ni Yx rito? Teka...

“Hey, hey Abhaya calm down!” natatawang wika ni Azael. Chillax itong nakaupo sa sofa at nakadekwatro pa ang paa.

“What are you doing here Yx?! Are you here to kill me?” walang takot na tanong niya.

Lahat napatingin kay Farhistt nang tumalim ang kaniyang mga mata rito. Kahit nasa ganito siyang posisyon, kung balak siyang papatayin nito ngayon hindi niya ito uurungan. Kahit nakomatose siya, natatandaan niya ang paggamit nito sa kaniya laban kay Hudson.

“Yx?” Panabay na tanong ng mga ito.

“Come on. I guess me and Kiene need to talk privately.”

“No!”

“Explain this Farhistt. Who is Yx, and why did Abhaya mentioned you’re going kill her?” kalmadong tanong ni Cuhen. Nakapamulsa pa ito habang nakasandal sa dingding.

Napabuntunghinga ng sunod-sunod ang lalaki at nakangiting lumapit sa kaniya. “Yes, Yx and I are one.”

“Putangina!” sabay-sabay na napamura ang mga ito.

Si Zyd ay nabulunan sa kinakain mansanas, agad itong nag-abot ng tubig at ininom. Si Azael ay napatayo nang wala sa oras, at muntikang mahulog sa kinauupuan. Habang napaunat ng likod si Cuhen na hindi makapaniwala sa sinabi ni Farhistt.

“The hell you did?” Si Cuhen na hindi mapigilan magalit.

“And you betrayed me. You used me to kill Hudson!” galit na sigaw niya, “Akala mo hindi ko alam?! That night bago mo ako pinadala kay Theon, narinig kita. You used me for your own desire!”

Mabilis sumugod ang tatlong lalaki kay Yx at pinagsasapak at pinagsusuntok ito. “Gago ka pare! Pinag-kati-walaan ka namin!” malakas na suntok ang nakuha nito kay Cuhen.

“Para ito kay Hudson!” Si Zyd na sipa ang ginawa.

“At para ito kay Abhaya na ginamit mo!” Si Azael na sasapak na sana pero biglang napatigil dahil hindi man lang tumugon sa ginawa nila ang lalaki.

Nakangiti lang si Farhistt at tila inaasahan na talaga nitong mangyayari iyon, “Atleast listen to me before you beat me, no?” dumugo ang ilong nito at nagkaroon ng black eye. “Pero sino sumuntok sa mata ko?”

Sabay-sabay na nagsiilingan ang mga ito at nagtuturuan na parang mga bata. “Si Cuhen, kaliwang kamao nga ginamit niya kaya kaliwa rin black eye mo,” mabilis na sagot ni Zyd, halatadong slang ang pagsasalita ng tagalog.

“Why me? It’s Azael. Kanan mata ang sinuntok ko, hindi kaliwa,” defensive na sagot ni Cuhen.

“Si Zyd kaya! Dahil kung ako sumuntok diyan, wala na siyang mata ngayon.”

“It’s not me!”

Nagtutulakan ang mga ito sa sagot. Napaikot ng mata si Abhaya at napa-face palm nang wala sa oras. Seriously? Hindi niya alam kung seryuso ba ang mga ito o baka magkakampi rin o hindi talaga kaaway si Yx? Maybe she need his explanation as well tulad ng sinabi nito. Dahil kung kaaway talaga ito, hindi ba dapat patay na siya ngayon? Ang gulo. Nalilito na siya sa mga nangyayari. Masisira na yata ang utak niya.

“Sabihin mo sa`kin ang buong katotohanan ngayon Yx. Lahat-lahat. Walang kulang at walang dagdag. I want the whole truth.” seryusong saad niya.

Nagsitigilan ang mga ito sa pagtuturuan at lahat napatingin sa kaniya at kay Farhistt. Nakangiwing pinagtulungan ng mga ito na itayo ang lalaki at pinaupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Parang gusto niyang matawa na ewan pero dahil seryuso siyang malaman ang katotohanan, hindi niya magawang tumawa sa nakakaawang hitsura ni Yx. Nakunan ng wamport ang gwapong hitsura nito.

“Herrence buddy supposed to be here.” Napatingin si Cuhen sa suot nitong relo.

“Para siya naman ang bumugbog nito kay Farhistt,” natatawang sabad ni Zyd.

“I explained my side, spare me.” mahinang sagot nito habang nilalapatan ang sariling pasa sa mukha ng icebag. “Hindi naman kayo mukhang excited sa pagbugbog sa gwapong mukha ko, ‘no?”

Napailing-iling naman si Abhaya habang nakamasid sa mga ito. Yx explained but not the whole story. Summarised lang iyon at naguguluhan pa rin siya but what she saw is, hindi si Yx ang kaniyang kaaway. Kung gano’n, sino ang nasa likod ng lahat ng ito? Sino ba talaga ang dapat pagkatiwalaan at hindi?

“Mas may ma-excite pa diyan... si Doc.” kangising wika ni Azael at binato ng pabiro si Farhistt ng alcohol. Sapol ang noo nito. Nagsitawanan naman ang mga gagong kaibigan nito sa ginawa ni Azael.

“That’s it, ubos na pasensya ko.” Biglang tumayo si Yx at hinamong magsuntukan si Azael.

Sabay na nagsi-cheer naman sa likod si Cuhen at Zyd. Nagtaas pa ng banner si Zyd gamit ng t-shirt nito at sabay wagayway sa ere. “Welcome to rambleeee! The left side was ugly monkey and the right side was ugly hippo. Team B Vs. Team J!” anunsyo nito sa loob ng silid na iyon.

“Why Team B and J? What’s that for?” eksena naman ni Cuhen.

“It’s Team Blow and Team Job, short for blowjob,” kangising sagot ni Zyd.

Parang umakyat sa ulo ni Abhaya ang lahat ng kaniyang dugo. Hindi ganito ang pagkakilala niya sa mga ito, all awhile akala niya matitinong tao pero mas malala pa sa mga batang paslit mag-isip. Mas tataas yata ang lagnat niya. Napahilot siya sa sentido ng wala sa oras.

“Lumabas kayong lahat. Ngayon na!” Tinuro niya ang pintuan.

“Hudson will—” Si Azael.

“Out! Ang iingay niyo. And besides, I don’t wanna see him ever as well. Lahat magsilabas.”

“Even me?” inosenteng tanong ni Cuhen. Tinuro pa nito ang sarili at nag-puppy eyes.

Gusto niyang matawa sa hitsura nito. Bwesit! Alam niyang boss niya dati ito pati si Azael pero matagal na iyon. Gusto niyang mapag-isa at nang makapag-isip siya ng maayos. “Lahat.” pinal na sagot niya at bumalik ng higa sabay pikit agad ng mga mata.

Biglang naging tahimik ang paligid. Nagmulat siya ng mata at nakita niyang tahimik at walang kibong nakaupo ito ng maayos sa isang sofa na pinagkasya lang talaga ng mga ito ang sarili sa maliit na sofang nandoon. Hindi niya mapigilan bumuhalakhak ng tawa. Ang eengot ng mga ito. Ang kauna-unahang tumawa siya. Ang swerte ni Hudson na may kaibigan itong ganito. Napuno niya ng halakhak ang buong silid na iyon na parang walang problema.

“Mukhang kailangan yata natin siyang dalhin sa mental institution...” nababahalang saad ni Zyd.

“O kaya sa rehabilitation...” Si Cuhen.

“Kaya naman ipapatokhang natin. Sumubra sa shabu ‘to.” Si Azael.

“Okay ka lang ba? Pinakain ka ba nila? Hindi ka pa naman siguro nabaliw?” Si Farhistt.

Imbes na magalit sa sinabi ng mga ito, ay natawa siya lalo. Mga bwesit talaga ang mga ito. Alam niyang pinapatawa lang siya ng mga ito at na-appreciate niya ang bagay na iyon but that doesn’t mean na okay na siya kay Hudson. Maybe she’ll forgive him but she’ll never forget. Aalis pa rin siya once magiging okay na siya. Kailangan din niyang tawagan si Jacky, alam niyang nag-alala na ang babae sa kaniya sa mga oras na ito.

Isang oras ang nagdaan nang bumukas ulit ang pintuan at niluwa ro’n ay ang mukha ng taong ayaw niyang makita. Sarkasmong tiningnan niya lang ito at agad binawi ang tingin. Nakaalis na ang mga kaibigan nito at siya lang naiwan mag-isa sa loob ng silid na iyon.

“Leave,” deritsang lumabas iyon sa kaniyang bibig.

“Let’s talk, please?” nagsusumamo ang boses nito pero tinawanan lang niya ito ng nakakainsulto.

“Leave!”

Humakbang ito papalapit sa kaniya. “I won’t. You need to hear me out, just this time please?”

Galit na tinapunan niya ito ng tingin at kung nakakamatay lang ang mga titig niya, natunaw na ito kanina pa. “Just leave Hudson and die.”

Natigilan ito sa paglapit sa kaniyang kinaroroonan. Kitang-kita niya ang sakit na sumalamin sa mukha nito. Sakit? Gusto niyang matawa, baka kung magkwentahan sila ng sakit na pinagdaanan, baka ma-out of place ito. Wala itong karapatan masaktan, wala kahit isang gusing. Mas bagay rito, lumandi nang lumandi at hayaan siya. Sa totoo lang, makita lang ang mukha nito ay sinusumpa niya na ang buong kalangitan.

“Do you really hate me that much?”

Walang kaemosyong ngumiti siya. “Loath.”

“Okay...” pabulong na sagot nito at napakuyom ng kamao. Nagtaas ito ng tingin at pinipigilan ‘wag maiyak sa harapan niya.

Wow! Ang galing umarte. Hindi lang pala ito Doctor, Engineer, Hacker at Business Man, artista rin pala ito. Malupit talaga ang isang Hayes! Napangisi siya at nailing.

“Abhaya...”

“Please lang, mawala ka na. That’s all I would ask from you. Leave and don’t ever show yourself to me. Kung patuloy kang magpapakita sa`kin, mas lalo lang kitang kamuhian. Mas lalo ko lang naalalang ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko, kaya alis! Umalis ka, Hudson. Umalis ka bago kita patayin.” tumalim ang kaniyang tingin dito at hinihintay na umalis ito ng tuluyan pero hindi, humakbang ito papalapit sa kaniya at inabot ang kutsilyong katabi ng mga apple sa side table niya.

“Then kill me.” Binigay nito sa kaniya ang kutsilyo.

Tinatakot ba siya nito? Binabantaan? Walang takot na kinuha niya iyon at tiningnan ito sa mata. Nakakatawa naman ang lalaking ito. Ngumisi siya at tinitigan ito ng masama.

Dumakma ito sa kaniya at malamlam ang mga matang tinitigan siya. “I... I Love you.”

Malakas na tinarak niya ang kutsilyo rito kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata niya. Lumamlam lang ang mga mata ni Hudson na nakatitig sa kaniya at masuyong ngumiti. Diniin niya lalo ang kutsilyo sa pagkakasaksak, tiniis nito ang sakit at walang reklamong maririnig sa labi ng binata pero kitang-kita niya ang mga luha na sumipil sa mga mata nito. Wala itong karapatang sabihin sa kaniya na mahal siya. Wala! Pinikit niya ang mata at hinugot ang kutsilyo. Hindi nito deserved na patawarin o kahit ang mahalin.

“Abhaya!”

Si Jacky ang nakita niya sa pintuan at gulat na gulat. Bigla siyang napaurong at tinapon sa isang tabi ang kutsilyo. Nanginginig ang kaniyang katawan nang mapatingin siya sa Hudson na duguan sa kaniyang harapan. Malayang dumaloy ang dugo sa balikat nito. Pero nanatiling malamlam ang tinging binigay nito sa kaniya ngayon.

“Out, please? P-please...” pabulong na lang na lumabas sa kaniyang bibig ang katagang iyon. Nanlabo ang kaniyang paningin at hindi niya na alam kung ano ang sumunod.

NAGISING si Abhaya kinabukasan sa tapik at yugyog ni Jackylyn. Nang magmulat siya ng mga mata, ang nag-alalang hitsura ng kaibigan ang kaniyang nabungaran.

“God, you’re okay!” mabilis siya nitong niyakap. “Binabangungot ka. Kanina ka pa nagwawala kaya.”

“Why?” natigilan siya nang maalala ang ginawa niya kay Hudson at sa nakita nito.

“Ako ang nagbantay sa`yo rito.”

Akmang tatayo siya sa mula sa pagkakahiga pero pinigilan siya ng kaibigan. “But I need to go. Kaya ko na ulit ang katawan ko,” pinal na sabi niya.

Tumango ito at inalalayan siyang bumangon. “Sigurado ka ba?”

Ngumiti siya at tumango. Napabuntunghinga ito at walang magawa kundi ang ialis siya sa lugar na iyon. Wala silang imikan dalawa at hindi na ito nag-ungkat sa nakita nitong ginawa niya. Pero isa sa araw na ito, aalis na siya. Maiiwan si Jackylyn, siya lang ang magpapakalayo at magpapahilom ng sugat.

Nakahanda na ang kaniyang maleta, fake passport at wallet. Aalis na siya ngayon patungong Iceland. Ngayon ang kaniyang flight na si Jacky ang nag-process. Malungkot itong nakatingin sa kaniya nang makakababa siya ng hagdanan. Parang batang paslit ito na maiiwan sa bahay at ‘di isasama sa pamamasyal. Natawa siya sa hitsura nito at pabirong inirapan ang kaibigan. Pwede naman siya nitong bisitahin anytime.

“Hindi na ba talaga magbabago isip mo?”

Umiling siya, “Yes. Hahanapin ko lang sarili ko, Jackylyn.”

Napabuntunghinga ito at napahukipkip sa isang tabi. “Pero and’yan si Doc. Hayes, lagi niyang pinaparamdam sa`yo kung gaano ka niya kamahal at kung gaano ka kahalaga sa kaniya.”

Natawa siya at naiiling sa sinabi nito. Kamahal? Expired na pagmamahal ba? Ilang araw at gabi rin siyang binabalikan ni Hudson, nagmamakaawang mag-usap sila. Nakakatawa lang, ano ba ang gusto nitong pag-usapan nila? Mga taong tulad nito, hindi na pinapansin. Bakit ba hindi na lang ito mamatay?

“Hatid mo na ako sa Airport.”

Nag-ikot ito ng mata, “Okay-okay! Lagay mo na sa back compartment ‘yang maleta mo at aalis na tayo.”

Maarteng dinala niya ang maleta papalabas. Ngayon pa lang, malulungkot na siya na iiwanan niya ang kaibigan pero kailangan. Babalik naman siya, matagal pa nga lang. Sa ngayon, ang umalis ang the best decision na kailangan niyang gawin.

Napakuyom siya ng kamao nung makapasok na siya sa passenger seat habang hinihintay si Jackylyn. Bumungad sa kaniya ang stuff toy sa dashboard nito. Mapait siyang napangiti at pinigilan ang sariling ‘wag kainin ng galit.

Naalala niyang bumisita siya kahapon sa puntod ng kaniyang anak, nasa malayo pa lang siya... Nakita niya na si Hudson, nakatayo sa harap ng puntod ng anak niya. Unang pumasok sa kaniyang isipan, pagsasampalin ito at palayasin pero nanatiling nakatayo siya sa isang tabi, malayo, na ‘di mapapansin ng lalaki. Hindi na siya nagulat nang yumugyog ang balikat nito at nagsimulang umiyak. Mapait siyang napangiti, kahit ilang luha pa ang iluha nito, hindi nito maibabalik ang buhay ng kaniyang anak.

Napaluhod ito at dinig na dinig niya ang hagulhol nito. Paulit-ulit nitong binanggit ang salitang ‘Sorry baby... Sorry.’ Bago pa siya sapian ng kademonyohan, tumalikod na siya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.