Chapter Story 2 - Chapter 18

apalingon siya nang pumasok na si Jackylyn sa driver seat, ito ang magmamaneho. Baka kasi pag siya, magkakaroon ng car racing sa kalsada. “Ang tagal mo.”

Napabuntunghinga ito, “Kinausap ako ni Yx.”

“Yx?”

“Yes. Sinabi niyang nawawala si Hudson. Hindi ito nakauwi at ang huling nakuha lang nilang data sa kaniya ay galing siya sa cemetery.”

Hindi siya kumibo. Pinilit niyang inabsorb sa sarili ang sinabi ni Jacky. Galit siya sa binata. Sa ginawa nito sa kaniya at lahat-lahat. Nababalot ulit ng galit ang kaniyang puso kaya walang pakialam siyang napatitig sa stuff toy.

“I don’t care of him,” At pinikit niya ang mga mata para ipahiwatig sa babae na ayaw niyang pag-usapan ang lalaki.

“Theon and I talked last night. Honestly tinanong ko siya kung anong nalalaman niya sa`yo... Sinabi sa`kin ni Theon na muntikan ka ng mamatay sa huling misyon mo sa Mississippi. Kung siguro hindi ako comatose that time, hindi ko naman hahayaan may mangyari sa kaibigan ko.”

Nakuha nito ang kaniyang atensyon kaya nagmulat siya ulit ng mga mata at napatingin dito. “May gusto ka ba ipaabot sa`kin?”

“Si Doc. Hayes na ang mas mabuting tanungin mo.”

“Jacky... Please, ayuko pag-usapan ang lalaking iyon.”

Biglang nag-ring ang cellphone nito at mabilis nitong sinagot iyon. “Yx... Wait what? Kiene? Yes... You mean what? Doc. Hayes?! No...”

What happened?

Biglang sumikdo ang puso ni Abhaya aminin man niya o hindi, kinabahan siya. Hindi niya nagustuhan ang hitsura ng kaibigan habang nakikipag-usap ito kay Yx. May masamang nangyari ba? Totoo ba nawawa ang lalaki at hinahanap na o baka namasyal lang sandali? No, wala naman sigurong masamang nangyari rito. Wala siyang pakialam pero bakit ang lakas ng kabog nang kaniyang puso na halos lalabas na sa katawan niya.

Hudson...

“Shit! Kiene, pwede ba magtaxi ka na lang? I gotta help Yx saving Doc. Hayes.” Mabilis na bumaba ito sa sasakyan.

“Jackylyn!”

Napahinto ito at nagtatakang napatingin sa kaniya, “He’s in critical situation. Yx find the location sa gustong pumatay sa kaniya and now I guess they are torturing him.”

Napatitig siya rito at matagal bago nakapagsalita. Nag-aaway ang utak at puso niya sa mga sandaling iyon. Dapat magsaya siya pero bakit hindi siya masaya?

Napailing-iling si Jackylyn na pasulyap-sulyap sa kaniya habang sakay sila sa kotse nito. Mabilis nitong pinaharurot ang bagay na iyon na parang pagmamay-ari nito ang kalsada.

“Papatayin ako ni Yx pag nalaman niyang sinama kita. Kiene naman, eh!”

“I don’t care about Yx. May kasalanan pa rin sa`kin ang lalaking iyan and now drive faster. Make it fly!”

Napangiwi ito sa kaniyang sinabi at sunod-sunod na tumango, “May God bless us.”

Matinding ayaw ang nakuha niya sa kaibigan na gusto niyang sumama rito. Pero dahil makulit siya at ginamit niya ang pagiging superior, napa-oo niya si Jackylyn kahit na ayaw na ayaw nitong isama siya.

“You hate him that much, right? Bakit sumama ka pa? Flight mo ngayon papuntang Iceland.”

Bakit nga ba? Oo galit siya sa lalaki, totoo iyon. Pero ang malaman na dinakip ito at inisip na binugbog at pinatay, hindi yata niya nagustuhan. She spent half of her life protecting him... Before... Nung hindi pa siya nito pinagdudahan at binalak na patayin. The rest is, wala na siyang alam.

“Kiene...”

“Just drive Jacky,” pinal na sagot niya at wala itong magawa kundi ang tumango ulit sa naging desisyon niya. After this, pwede na siyang mamuhay ng matiwasay sa Iceland.

She took two guns with her. Magkahiwalay sila sa pagpasok ni Jacky. Isang abandonadong sunog na building na malayo sa kabihasnan ang nasa harapan nila ngayon. Magka-hiwalay sila sa pagpasok para mas mabilis nila mahanap ang lalaki at dahil walang katao-tao sa labas kaya hindi sila nahirapan. Imbes sa Airport ang kaniyang punta, heto siya ngayon, kasama si Jackylyn.

“Arghhhh!”

Kung hindi siya nagkakamali, boses iyon ni Hudson. Nasa pangatlong palapag ito at dinig na dinig niya ang tawanan ng mga tao habang sigaw nang sigaw ang lalaki sa sakit.

“Yx where were you?!” tanong niya sa isip. Hindi naman siguro nito kagagawan ngayon ang nangyayari? Dahil kung oo, sinusumpa niyang papatayin niya mismo ito sa sariling mga kamay.

“Stop it!!!” nakakabinging sigaw ni Hudson. “Argghhh!”

Parang kinuyom ang puso niya habang naririnig ang malakas nitong sigaw na tila pinapahirapan ng sobra. Gusto niyang takbuhin agad ang silid na pinaglalagyan nito pero hindi pwede kundi baka mauna siyang mamatay pag ginawa niya iyon.

Nasa kondisyon na ang kaniyang katawan at alam niyang kaya niyang makipaglaban ngayon. Walang takot na palihim siyang humakbang sa bawat hagdan.

“Masakit ba? Mas masakit pa ang aabutin mo diyan kung hindi ka aamin.”

“Gripuhan mo ang hayop na iyan!”

Gusto niya ng tumakbo at pagpapatayin agad ang mga taong nando’n pero kapag ginawa niya iyon, siya ang magiging alanganin.

“Damn you! I don’t know what you’re talking idiots.”

Malakas na tawanan ang narinig ni Abhaya. Hinuha niya ay hindi lalagpas sa trenta katao ang mga taong nando’n kaya kung magmamadali siyang sumugod, hindi na siya sisikatan ng araw.

“Ahhhhh enough! Please stop it.”

Bahala na! Pikit matang tinakbo niya ang hagdanan pa-punta sa silid kung saan ang lalaki, pinakinggan niya kung saan nanggagaling ang boses at ingay, nasa pinakadulo ito. Nagtataka lang siya kung bakit tila wala man lang tao sa hallway na nagbabantay. Pero hindi na siya nag-isip sa bagay na iyon, ang sa kaniya ay mailigtas si Hudson.

Ang lakas ng tahip ng kaniyang dibdib nang marinig niya ang malakas na tawanan at putok ng baril. Hudson nooo! Anyong tatakbuhin niya na ang pinakahuling silid nang may humila sa kaniyang likuran na hindi niya napansin o tamang sabihin masyado siyang nagpadalos-dalos.

Mabilis ang lalaki na posasahan ang kaniyang kamay at inagaw ang kaniyang dalawang baril na hawak. Hindi na siya nakapaglaban dahil nasa anim na armadong kalalakihan nasa likuran niya at lahat ay nakatutok sa kaniya ang matataas na uri ng baril. Hindi niya makita ang hitsura ng mga ito dahil sa mask na suot. Sana hindi mahuli ng mga ito si Jacky.

Napakagat ng labi si Abhaya nang makita ang hitsura ni Hudson sa gitna ng malaking silid na iyon na nakatali sa upuan at puno ng pasa ang hubad na katawan. Dumudugo ang noo at ilong at may pasa sa labi at mukha. Ilan sa dugo nito ay pumapatak patungo sa sahig. May sugat ito sa tagiliran at doon galing ang mga dugo.

“Hudson!!!” Wala siyang pakialam. Mabilis siyang tu-makbo papalit dito at naiiyak na pinagmasdan ang mukha ng binata. Nakunan ng kalahati ang kagwapuhang taglay nito.

“A-Abhaya?” napatingin si Hudson sa kaniya na hindi makapaniwala. Anyong aabutin nito ang kaniyang pisngi pero hindi nito magawa dahil nakaposas ang dalawang kamay nito sa likuran ng upuang bakal.

Gano’n din siya, gusto niyang abutin ang mukha nito pero hindi niya magawa. Ang tanging magawa lang niya nang mga sandaling iyon ay mapaluha habang nakaupo sa harapan nito para lang magpantay sila. Hudson look so tired and exhausted. Nakikita niya sa mga mata nito na pinipilit lang nitong kayanin ang sakit.

“Tingnan nga naman, may magandang dilag na regalo si Doc!” Biglang umeksena ang pinaka-lider ng grupo na nakasuot ng pulang maskara at hinila siya papalayo sa binata.

“Noooo! Let go of me.”

“Spare her life. Damn! Ako kailangan niyo.”

Malakas na tawanan ang umugong sa loob na iyon at nagsi-high five sa isa’t isa. “Gago! Papayatin ka rin namin at bago namin gawin iyon, hahayaan namin makita ng babaeng ito ang pagpatay sa`yo.”

Hindi! Nahumindig siya sa narinig. Anong gagawin niya? Dalawa lang sila at nasa ipit na sitwasyon. Hindi siya makagalaw. Ang tanging inaasahan na lang niya ay si Jackylyn at Yx.

Tinulak siya nung leader sa mga tauhan nito at agad naman siyang hinawakan ng mga kalalakihan at sinapilitan pinaupo sa silyang bakal na nasa harapan mismo ni Hudson isang dipa ang layo. Gusto niyang magwala pero hindi niya magawa.

Sabay-sabay na nagsibagsakan ang kaniyang mga luha at walang ampat iyon sa pag-agos. Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat sa buhay niya? Napakuyom siya ng kamao nang abutan ng baril ang lalaking nakapulang mask ng tauhan nito. Walang ingat na hinila nito ang buhok ng lalaking minsan mahal niya... Minsan nga ba? Baka hanggang ngayon ito pa rin?

“Please d-don’t...” halos pabulong na lang iyon na luma-bas sa kaniyang bibig. Pakiramdam niya bumalik siya sa sariling siya, na wala man lang magawa dati sa nakaraan niya.

“What can you say woman? Papatayin ko ang taong mahal mo.” Napangisi ito. “Any last words?” Tinutok nito ang dulo ng baril sa ulo ni Hudson.

H-hudson...

Nanginginig siya. Hindi niya magawang magpumiglas. Hindi niya magawang sumigaw man lang at maghisterya. Ang alam lang niya ay walang awa sa pagpatak ang kaniyang mga luha nang mga sandaling iyon. Hindi niya makapa ang kaniyang boses at basta lang siya nakatitig sa binata.

“A-Abhaya...”

“Wala kang sasabihin? Okay, mabilis akong kausap.”

“Wait!” malakas na sigaw niya nang akmang kalabitin na nito ang trigger ng baril.

Nakangising tumigil naman ito at sinenyasan siyang magsalita sa loob ng isang minuto. God! Ano ang pwede niyang sabihin sa isang minuto? Ang dami niyang gustong sabihin, baka kukulangin ang buong araw sa gusto niyang sabihin at itanong. Hindi sapat iyon.

“Magsalita ka na putangina!”

Napakuyom siya ng kamao at sa nanginginig na labi ay napapikit siya ng mga mata. Hindi niya kayang tingnan ang susunod na mangyayari.

“I’m sorry for the everything I’ve done to you. Pinag-sisihan ko lahat ng iyon. Ang mawala ang anak natin, ang mawala ka, ang saktan ka ng sobra... I regret everything. I’m sorry... I’ve been a fool...”

“Hudson... H-Hudson...” halos pabulong lang iyon na lumabas sa kaniyang bibig.

“I know... I don’t deserve your forgiveness but I... I w-want you to know that... That I really... love you, Abhaya... Sorry... Kung hindi kita pinahalagahan... I’m really sorry...”

“Times up!” Isang alingawngaw ng baril ang pumuno sa loob ng silid na iyon.

Hindi!

Nang magmulat siya ng mata, nakalupaypay na ulo ng binata na naliligo sa sariling dugo ang namulatan niya at— wala ng buhay.

“Nooooo! Hudson... Nooo. Merde!” doon na siya nag-histerya, “Mga putangina niyo?! Mga hayop.” nagwawala siya sa upuan pero hindi siya makawala kaya ang ginawa niya ay naglakad papalapit sa lalaki kasama ang upuan bakal kahit mabigat iyon basta malapitan lang niya ito. “Hey wake up, hey? No you can’t die on me... Hey you can’t die. No please? No please... Wake up!” Hindi niya na napigilan humagulhol. Yumugyog na ang kaniyang dalawang balikat. “You can’t die on me peste ka. Please wake up!”

Naramdaman niyang pinakawalan ng mga ito ang kaniyang kamay. Imbes na mang-agaw ng baril at maki-pagpatayan, mabilis siyang yumakap sa binata na wala ng buhay. Niyakap niya ito nang sobrang higpit. Wala siyang pakialam kung naliligo siya ng dugo nito basta ang alam lang niya sobrang sakit-sakit ng kaniyang puso at parang pinatay iyon.

Ang lahat ng galit, poot at hinanakit na naramdaman niya rito ay parang bulang naglaho. Ang pumalit doon ay ang pagmamahal niya dati sa binata pero huli na, hindi man lang nasabi na mahal pa din niya ito at pinatawad niya na. Namatay itong hindi man lang narinig sa labi niya na tinanggap niya ang kapatawaran nito.

“Huddddsssooonnnn!!!” malakas na sigaw niya, “Bakit?! Alam mong mahal na mahal kita...” nanghihinang humagulhol siya dibdib nito habang nakayakap siya sa katawan. Parang buong pagkatao niya ay nawala... “Alam mo kahit kailan hindi ka nawala sa puso ko, kahit kailan nanatili ka rito. Oo, dati pa mahal na kita pero dahil alam kong laro lang ang lahat kaya kahit nasasaktan ako, hindi ko pinakita sa`yo. Yes, nagalit ako ng sobra nung namatay ang anak ko, ang anak natin at poot ang naghari sa sarili ko that time. I ran away. I made myself stronger. Binaon ko sa hukay ang dating ako. I disguised. Yx took me. Help me stronger. Nang maging okay na ang lahat, saka ulit nag-cross ang landas natin. Akala ko, I already forgot you that time. Na bakit ko pa mamahalin ang isang tulad mong demonyong nasa katawan tao but I was wrong... And now... and now...” Hindi niya kayang sabihin ang katagang `you’re gone’ kaya yumakap na lang siya sa katawan nito at wala siyang pakialam kung papatayin siya ng mga taong nandoon sa silid na iyon.

Biglang natigil sa pag-iyak si Abhaya nang maramdaman niya ang kamay na humaplos sa kaniyang buhok. Mabilis siyang napalayo kay Hudson at doon niya nasilayan na buhay ito at ang lapad ng ngiti. Kumikinang pa ang mga magagandang mata nito na parang nanalo sa lotto sa sobrang saya.

Natuliro siya bigla at hindi alam kung ano ang gagawin nang oras na iyon. Akala ba niya at... Napatingin siya sa buong silid na iyon at lahat ay nakangiti sa kaniya. Nakababa na ang mga mask ng mga ito at kitang-kita niya ang kasiyahan at kilig sa mga mukha ng mga ito na parang nasa pelikula sila. Isa na ro’n sina Yx, Cuhen, Azael, Zyd, Theon at ang iba ay hindi niya na kilala kung sino ang mga ito.

Kung gano’n, ang lahat ng mga nangyayari ay palabas lang lahat? Mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang mata. Umakyat ang dugo sa kaniyang ulo at bago pa siya kainin ng hiya at galit niya, mabilis niyang tinakbo ang pintuan papalabas sa nakakahiyang silid na iyon. Pinaglalaruan na naman siya!

“Abhaya, wait!”

Hindi siya nakinig. Ano ba ang gustong ipamukha nito? Napahiya siya sa isipin pinagkaisahan siya ng mga kaibigan nito. At bago pa niya ito sampalin sa sobrang hiyang naramdaman, kailangan niyang umalis sa lugar na iyon. Naalala niya ang kaniyang sinabi rito kamakailan lang at imbes na matuwa dahil buhay naman pala ito, gusto niya itong bayagan. Pwede naman sa paraan na hindi siya mamatay sa kaiiyak sa putanginang apog nito! Sa sobrang bilis niyang tumakbo naabutan siya nito sa labas ng naturang building.

“Damn it! I said, wait.” Isang malakas na kamay ang pumipigil sa braso niya.

Mabilis na umigkas ang kaniyang kamay papunta sa pisngi nito. Isang malakas na sampal ang kaniyang ginawa. “Damn you!”

“Abhaya...”

Napasinghap siya sa sakit na nakita niya sa mga mata ni Hudson. Para siyang nahimasmasan at napatitig dito. Nagsimula na naman siyang traydurin ng kaniyang mga mata dahil nag-siunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Nung sinabi nito kanina na mahal siya? Totoo ba ‘yong? Para saan ang lahat ng ito? Anong gusto nitong ipalabas?

“S-stop it, Hudson...”

Inabot nito ang kaniyang pisngi at pinunasan gamit ng daliri nito ang kaniyang mga luha. “Shhh... Don’t cry. I don’t wanna see you cry for me.”

Mas lalo siyang napaluha. Ibang katauhan nito ang nasa harapan niya ngayon at ito ang kauna-unahang pagkakataon na masuyo siya nitong pinagmasdan. Nakikita niya ang pagmamahal na matagal niyang gustong makita rito pero pinagkait nito dati sa kaniya.

“Kung naglalaro ka na naman... please, ayuko na!” naiiyak na saad niya at hinayaan ito sa ginawang paghaplos sa kaniyang pisngi at pahiran ang kaniyang mga luha.

“Inaamin ko Abhaya, ang taas ng pride ko. Mapaglaro. mapanakit. Pero sana paniwalaan mo ‘ko Abhaya sa sasabihin ko...”

Pero takot na siya, ayaw niya ng sumugal pa. Ilang luha ba ang pumatak sa mga mata niya rito. Hindi niya mabilang at ngayon, heto ito sa harapan niya? Just like that? Just the fucking like that?! Mabilis siyang tumalikod at walang sabing iniwan si Hudson.

Agad siyang hinabol ni Hudson at mahigpit siyang niyakap mula sa likod. Binaklas niya ang kamay nito at mabilis na pinalis sa kaniyang katawan pero masyadong mahigpit iyon. Ano ba?! Akala nito okay siya? Akala nito madadala siya sa mga iyak nito?! Hell no. Pinatigas niya ang kaniyang puso at walang emosyon tumingin sa mga mata nitong puno ng sakit nang humarap ito sa kaniya.

“Enough,” walang gatol na saad niya.

“Hindi,” mabilis nitong sabi. “Hurt me. Slap me. Punch me. Sue me! Everything! Do whatever makes you happy but I won’t stop. I won’t stop, Abhaya, because I love you.”

Love? Love?! putanginang pagmamahal ‘yan! Saan ba iyan nung panahon kailangan niya at hinahanap dito? Saan ba ‘yan nung panahon siya ang naghahabol dito? Saan ‘yan nung panahon na mahal na mahal niya ito?

“Bago pa kita mas lalong kamuhian, umalis ka na sa buhay ko at huwag na huwag ka nang magpapakita pa kahit kailan. Kalimutan mo na ako,” pinilit niyang kumalma. Pagod na siya, sa lahat. Pagod na pagod.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.