Chapter Story 2 - Chapter 19

Ilang sunod-sunod na luha ang bumagsak sa mga mata nito at hindi makasagot sa kaniyang sinabi. Marahan itong napatango at nagtaas ng tingin sa kalangitan, “I’m... I’m sorry but I can’t. I... I fucking can’t.”

Manhid na yata siya. Kung oo kanina umiyak siya, kung kanina sinambit niyang mahal niya ito, kung kanina naging marupok siya, well kanina iyon. Magaling. Magaling itong maglaro at kasabwat pa ang mga kaibigan nito sa paglalaro ng damdamin niya? Merde! Hindi siya kailanman laruan!

Marahan siyang humakbang paatras nang bitawan siya nito. Wala siyang pakialam sa paligid at sa mga taong nakatingin sa kanila at nanonood. Masyadong unfair para sa sarili niya. Enough is enough. Masyado na siyang inabuso. Nakakapagod na rin.

“Please...” puno ng pagmamakaawang saad nito.

Sandali siyang napahinto sa boses nitong nagmamakaawa pero saglit lang iyon at nagpatuloy siya sa paghakbang.

“Abhaya...”

Napangiti siya ng mapait. No...

“Let’s start together...”

Oo, magsisimula siya pero hindi na ito kasama. Dapat pala umalis na siya papuntang Iceland. Hindi niya napansin na naging kasabwat nito ang lahat pati si Jackylyn.

“God knows how much I regret of losing you. Isang pag-kakataon na lang, isang pagkakataon na maipakita at mapadama ko sa`yo kung gaano kita kamahal.”

Sumikdo ang puso niya sa sinabi nito. Hindi. Hindi siya dapat maniniwala pa rito. No. Pinilit niyang patigasin pa ang puso, “Tama na Hudson, tigilan na natin ‘to! Pagod na pagod na rin ako. Hindi ko na kailangan ang sinasabi mong pagmamahal. Nakakapagod na. Ayuko na at mas mabuting magsimula tayo pareho na hindi magkasama. Tigilan na natin ang lahat ng ‘to...”

“Abhaya... Hudson did everything to save you. He almost gone insane. You mean the world to him. Ulol ang kaibigan namin pero mahal na mahal ka niya kahit huli niya nang maisip ang bagay na iyon. Please give him one more chance. Isa na lang. Isa na lang...” Si Cuhen. Seryuso ang pagkakasabi nito at hindi niya alam kung ano ang iisipin ng mga sandaling iyon.

“Gago ang kaibigan namin pero ikaw lang ang babaeng nagpabago sa kaniya. Kiene, mahal ka ni Hudson at ilang beses niyang pinatunayan iyon nung wala kang malay.” Si Yx.

“Maawa ka sa kaniya... Baka next thing na mawala ka pa, Mental Institution na ang kukuha sa kaibigan namin Doctor. Ka-wawa naman. Masyado kasi siyang manhid at ayaw pa umamin pero halata naman sa galaw. Abhaya, mahal ka niya kahit gago ang Doctor na ‘yan!” madramang sigaw ni Azael at nagpapahid pa ng luha. Suminghot-singhot pa ito.

Hindi niya napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang mga luha. Bakit, bakit parang nasasaktan siya sa mga salitang naririnig niya? Napansin na lang niya na tumigil na siya sa paghakbang at nanginginig ang mga labing napalingon siya sa lalaki. Nando’n lang ito, nakatingin sa kaniya. Makikita sa mga mata nitong namumula ang pagmamahal na ngayon lang niya nakikita.

Hudson...

Bibigyan ba niya ito ng pagkakataon? Bibigyan ba niya ang sarili? Anong pwede niyang gawin?

Nanlaki ang kaniyang mata nang biglang sunod-sunod na nagpapaputok sa langit ng baril ang mga taong nandoon pero alam niyang hindi tunay na baril ang mga iyon. Mula sa kalangitan ay biglang umulan ng maraming petals ng pula’t puting rosas gamit ng isang chopper na lumabas mula sa kung saan. Pinaliguan sila ng napakaraming petals at hindi niya alam kung anong iisipin at gawin ng mga oras na iyon habang nakatingin sa kalangitan.

Nakita niya si Jackylyn sa itaas na siyang nagsasaboy ng mga rosas. Kumaway-kaway ito sa kaniya at ang lapad ng ngiti. Napaluha siya. Dahan-dahan natutunaw ang galit na naramdaman niya. Kukurutin niya ang singit ng babaeng ito kapag makababa ito mamaya. Pati ito kasama pero hindi man lang siya ininform para naman hindi masayang ang kaniyang mga luha.

Hindi pa man siya tuluyan nakabawi, naramdaman niyang ginanap ni Hudson ang kaniyang mga kamay at dahan-dahan itong lumuhod sa kaniyang harapan nang hindi niya namalayang nakalapit sa kaniya. Nagsiunahan sa pagtibok ang kaniyang puso.

“Abhaya...”

Ang lakas ng tahip ng puso niya. Hindi niya alam kung saan siya titingin, sa mga mata ba nito, sa kamay nito o sa biglaang pagbagsak ng malaking banner sa harap ng lumang building mula sa itaas na ang nakasulat; MARRY ME, PLEASE?

Napakagat siya ng labi at hindi makapaniwala sa nabasa. Ilang beses niyang kinurap-kurap ang mata pero hindi, nasa isang nakaka-shock na reyalidad siya. Napaiyak siya ng tuluyan at hindi mapigilang humagulhol. Bibigay na ba siya? Bibigyan niya ba ng pagkakataon si Hudson? Kung oras na mag-oo siya, magiging masaya na ang lahat para sa kanila? Magkakaroon na ba ng masayang ending ang lahat?

“Isa akong gago, inaamin ko ‘yan. Pinaglaruan ko ang puso mo pero Abhaya, nung mawala ka hinanap kita. Half of me was missing at hindi ko alam bakit. Sa pagkawala mo, hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin ka. It took me forever para maamin ko sa sarili ko na mahal kita. Dati, hindi ko maamin sa sarili ko na minahal na kita. I’m defending my own pride at nagkunwaring hindi kita mahal but this heart.” Tinuro nito ang puso. “This heart choose you over and over again. Abhaya Kiene Sahada will you marry a badass Doctor named Hudson and spend a lifetime with me?”

Hindi niya na nakuhang sumagot nang biglang sinuot nito ang mamahaling singsing sa kaniyang daliri, na takot yatang ‘hindi’ ang kaniyang sagot. Merde! Napaiyak siya. Mabilis niyang sinunggaban ito ng mahigpit na yakap kahit ang lagkit ng pekeng dugo sa katawan nito pero wala siyang pakialam.

“Yes!”

“Really?!” hindi makapaniwalang tanong nito.

“Oo papakasalan ka niyang gago ka. Huwag kang feeling tanga!” malakas na sigaw ni Theon.

“Willing kang pakasalan ako?” pag-uulit nito at hindi pinansin ang sinabi ni Theon.

“Yes, kung gusto mo ‘wag na lang—”

“It’s a yes! No way. Oh, God I’m so happy!”

Isang malakas na sigawan at hiyawan sa buong paligid. Sabay-sabay na nagsipalakpakan ang mga ito at parang mga teenagers na sobrang kinikilig sa pinapanood na pelikula.

“Congratulations moron!” Si Cuhen.

“Doc. Idiot say it at last!” Azael shouted.

“Damn! I wanna cry for you fuckers,” madramang saad ni Zyd, “May lovelife ka na talaga. Sana all.”

“Thank you for the black eye, asshole! I guess, I really deserved it.” Si Farhistt na naiiling at sinapo ang mata. “Lagi niyo na lang binubugbog ang gwapo kong mukha. Mga walang awa.”

“I’m so happy for you bro!” Si Theon, “Dapat hindi mo na ‘yan binigyan ng chance Abhaya! Dapat huwag mo ‘yan pakasalan— Arayyyy! Ang sakit, aray!”

Natawa sila pareho nang pinagtulungan batukan ito ng apat ang kawawang Theon para tumahimik.

Pinunasan ni Hudson ang mga luha niya at masuyong ngumiti. Hindi lang pala siya ang umiiyak nang mga sandaling iyon dahil nakita niyang namumula ang mga mata nito at puno ng pagmamahal.

“Hudson...”

“I love you, my soon to be Mrs. Hayes.” Mabilis na tinawid nito ang pagitan ng kanilang distansya sa pamamagitan ng labi nito..

Napapikit siya nang maglapat ang kanilang mga labi. Kung panaginip ang lahat ng ito, ayaw niya ng magising kahit kailan. Binuhat siya nito at sa harap ng maraming taong nandoon, naghalikan sila ng lalaking hanggang ngayon ay nanatili sa kaniyang puso.

“Yeheyyy! EUT na this!” malakas na hiyaw ni Theon.

“What’s EUT?” The four asked nonchalantly.

“Basta! Sigaw na lang kayo, EUT-tan na!”

Magkapanabay naman na nag-chorus ang apat pero agad din napa-takbo papalayo si Theon nang may bumulong kay Farhistt kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. “Abhaya help me! They’re going kill me.”

“Let them be,” nakangising saad ni Hudson sa kaniya.

Tango naman ang kaniyang sagot habang ang lawak ng kaniyang ngiti. Ito ang pinakamasayang araw na nangyari sa kaniya..

HINDI MAPIGILAN ni Hudson ang mga luhang kuma-wala sa kaniyang mga mata. Habang pinagmamasdan ang pina-kamagandang babae na ngayon ay marahan naglalakad sa pulang carpet, na kanina lang ay pinaliguan ng mga tsikiting ng mga puting rosas.

His queen, the love of his life, the one whom he gonna spend his life with. After years of chasing, here they are at mangangako sa harap ng Diyos na mamahalin ang bawat isa mamaya sa altar.

“Dude she’s really beautiful,” anas ni Farhistt. Pabiro pa siyang siniko.

“Thanks man but you still owe me a punch. Hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pag-kidnapped mo sa kaniya.”

“Correction; tulong. Hindi kidnapped.”

Hindi na siya sumagot dahil nasa harapan niya ang babaeng mahal na mahal niya. Halos ‘di siya makapagsalita sa sobrang ganda nito ngyaon at sandaling tumigil ang oras nang maglapat ang kanilang mga mata. Ngumiti ito at agad niyang kinuha ang kamay nito sa kamay ng mga magulang nito na dumayo pa galing probisya at masayang-masaya para sa kanila. Nagmano siya bawat isa sa mga ito.

“Ingatan at mahalin mo ang anak namin tulad ng pagmamahal namin sa kaniya,” naluluhang saad ng ama nito.

“Ikaw na bahala sa anak namin, mahalin mo siya sa paraan na mapapasaya mo siya, hijo,” naiiyak na saad ng ginang.

Tumango siya bilang sagot at respito sa ama at ina ni Abhaya. Ang lapad ng ngiti niya nang sila na ang dalawang humakbang papuntang altar. Nakakabakla man sabihin pero kinikilig siya at hindi niya kayang itago ang sayang naramdaman nang araw na iyon. Kulang na lang ay sumigaw siya sa sobrang saya.

Pinatawad ni Abhaya ang kaniyang ina na siyang nakabangga rito pero hindi naging madali. Umabot nang ilang buwan bago nito tuluyang natanggap ang lahat sa tulong niya at lahat ng mga taong nakapaligid dito, nag-aabot ng pagmamahal. Halos bugbugin siya ng kaniyang ina nang malaman nito ang buong kwento nila ni Abhaya at sa magiging apo sana nito. Sobrang nanghihinayang ito pero may pagkakataon pa sila at sinisigurado niyang gagawa sila ng apat na pares ng kambal agad. Iniisip pa lang ni Hudson iyon, na-excite na siya. May panangga na siya sa anak ni Cuhen.

Isang malakas na palakpakan sa loob ng simbahan mata-pos niyang halikan ng buong pagmamahal ang babaeng legal ng kaniya. Hindi na ito makakatakbo pa papalayo sa kaniya at kahit ilang beses itong tumakbo papalayo, ibabalik niya ito sa lugar kung saan ito nababagay at ‘yon ay ang makasama siya. Abhaya deserved to be his. His wife. His queen. His other half. His one and only forever.

Lahat ay masayang bumati sa kanila at ang mga madrama niyang kaibigan ay yumakap sa kaniya. Masaya siya at naging kaibigan niya ang mga hayop na ito. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na binigay sa kaniya ng dalaga... No, Mrs. Hayes.

“Its unfair,” puna ni Abhaya sa kaniya nang nasa sasakyan sila patungong mansyon kung saan gaganapin ang reception sa malaking hardin.

“Why? What’s wrong?”

“I don’t like it.”

“What do you mean?”

“I don’t even remember you courted me to be your girlfriend. Dapat nanligaw ka pala muna.”

Napahagalpak siya ng tawa. She looked so cute. Akala niya nagsisi ito na magpatali sa kaniya dahil wala na itong kawala pa ngayon. Hindi niya iyon hahayaan kahit magdeklara pa ito ng World War 3 at 4.

“Then I’ll court you everyday, my love.” kinindatan niya ito at nagpatuloy na sa pagdrive.

Nag-insist ang asawa na ito magdrive pero hindi niya hinayaan, baka sa sementeryo ang bagsak nila. Alam niya kung gaano kakaskakera ang babae. May balak pa siyang mag-honeymoon ng buong isang taon sa labas ng bansa para makabuo agad ng maraming kambal.

“I love you wife.” Hinalikan niya ang kamay nito.

“I don’t love you...”

“Ha?”

“But super duper sooo much love you!” Hinalikan siya nito sa pisngi.

Nababakla na naman siya dahil namula ang kaniyang buong mukha at parang asong ulol na ngising-ngisi habang nagda-drive...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.