Chapter Story 2 - Chapter 20

He was there at the bar. Seryuso lang siyang nakatingin sa dalaga na umiinom habang wala sa sarili. Maingay ang buong paligid at may jetlag pa siya but he want to see her in his own way. Napansin niyang may tinitigan ang dalaga sa isang direksyon at nang tingnan niya iyon, isang kahinahinalang lalaki. Mabilis siyang tumayo at pinuntahan ang estrangherong lalaki pero sana hindi na lang pala niya ginawa iyon dahil nang magbalik siya sa kaniyang pwesto nang ‘di maabutan ang lalaki, wala na si Abhaya. Si Theon na lang ang nando’n.

Inikot niya ang kaniyang mata sa loob ng bar na iyon pero walang kahit anino ng dalaga. Napansin niyang nababahala na si Theon, nagtanong-tanong at nagpunta ito sa restroom. Shit! Parang iba ang kaniyang pakiramdam kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa lalaki.

“Herrence?” gulat itong napatingin sa kaniya.

“Abhaya. Where is she?” iyon ang bungad niya rito.

“Sumunod siya sa`kin kanina, baka nasa girls restroom pa.”

Baka? Walang kasiguraduhan. Iba na ang pakiramdam niya sa paligid. May masamang hangin na pumasok at ramdam niya iyon. Tinungo niya ang restroom at walang pasabing pumasok doon, chineck ang bawat cubicle pero wala kahit anino ng babae. Damn!

Zerus!

Damn! Mabilis siyang lumabas doon at bumalik kung saan nakita si Zerus. He’s nowhere to be found. Tinanong niya si Theon at sinabing nakaalis na ang binata dahil may emergency itong pupuntahan.

“Fuck it! Follow me idiot.”

Dahil sanay siya sa gano’n set-up, mabilis lang sa kaniya na makakuha ng detalye sa pamamagitan ng CCTV ng bar na iyon. Nakuha niya ang plate number ng sasakyan nito at iyon ang ginamit niya sa pag-input ng data kay Travis para mas mapapabilis ang paghahanap niya. May device siyang naka-connect sa kaniyang AI robot.

Gotcha!

Nakuha niya agad ang location nito. Malakas ang kutob niyang isa si Zerus. Alam niya kung sino ang nasa likuran ng lahat ng ito at hindi basta pipitsuging kaaway kaya naging maingat muna siya at naghintay ng tamang panahon kung kailan kikilos.

“How the hell did you know I’m here in Mississippi and hired Abhaya?”

Isang malakas na batok ang kaniyang binigay kay Theon habang nagmamaneho ito at sinusundan ang kulay pulang dot sa mapa.

“I’m everybody’s worst nightmare, remember that.”

Napakamot ito sa parteng binatukan niya. “Yeah, you’re a hacker. Ba’t ko nga ba nakalimutan ang bagay na iyon but why you are here? Is it because of her? Mahal mo ‘no? Yiehh!”

“Oo manahimik ka na! Fuck.”

Tumahimik naman agad ito at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho habang siya ay seryusong naglagay ng mask sa mukha at sumbrerong itim. He is wearing all black. Kinuha niya rin sa loob ng case ang dalawang baril na nasa backseat ng kaniyang kotse. Hindi pwedeng ipagbukas ang lahat. Every second is gold.

“Woah! Looks like we’re going to dive in a bloody shit.”

“I will cut our bloodline kapag may masamang nangyari sa kaniya! Mark that, Theon Willoughby.”

Hindi ito umimik nang makitang seryuso nga siya sa sinabi. Alam ng mga taong nakakakilala sa kaniya na hindi siya mahilig makipagburuan at kung ano ang kaniyang sinasabi ay ginagawa niya. Pero bakit nga ba niya ginagawa ito?

Sa pagpunta niya ng Mississippi ay may nag-send sa kaniya ng files. Background ni Abhaya ulit iyon at nung paulit-ulit niyang binasa ang impormasyon nito, doon lang nag-sink in sa utak niya na parang may mali. Hindi siya matahimik kaya naghukay ulit siya. Malabo ang nakukuha niyang clue na magtuturo sa kaniya pero sapat na iyon para isipin na hindi ito ang kaaway niya at ito ang alas ng kaniyang kaaway laban sa kaniya.

Damn. Nagkamali na naman siya. Masyadong matalino ang kaniyang kaaway, nililigaw nito ang kaniyang atensyon at focus sa tuwing may lead siyang nakukuha. Pinaglalaruan ang kakayahan niya sa larangan ng Cyber World. May mali at ngayon lang niya naisip lahat iyon. Masyado siyang kinain ng galit sa isipin na tinraydor siya ni Abhaya samantalang inosente ito at biktima lang din. Pinaglalaruan silang dalawa, iyon ang totoo.

Ang pinagtataka lang niya ay siya ang kailangan ng mga ito pero bakit ang dalaga ang pinuntarya? Kung gagamitin ng mga ito si Abhaya para sa kaniyang kahinaan, well, nakuha nito ang kaniyang buong atensyon. Handa na siyang makipagpatayan.

Welcome to hell, motherfuckers!

ISLAND OF ALGIERS, NEW ORLEANS. 03:13 AM. AUGUST 30, 2018

Napatitig si Hudson sa suot na wristwatch , hinihintay niya ang tamang pagsalakay. Gamit ang motorboat na ninakaw lang niya mula sa kung saan para makalusot sa kabilang isla ay naghintay pa siya ng isang oras. May dina-download pa siyang plano.

“Saan ka?” Si Cuhen.

“Hell, dude.”

“Fuck you. Make sure you come home else, I’ll burn the entire hell.”

“Idiot. Paano mo masusunog ang impyerno? Gotta go. See ya when I see ya again.” Walang sabing pinatay niya ang cellphone.

Hindi niya pinasama si Theon, hindi ito kasama sa away niya kaya hinayaan niya itong maghintay sa kotse kahit kating-kati itong sumama— siya na ang umayaw. Hindi pwede. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan pandagat na gagamitin sa oras na iyon.

He arrived safe. Walang nakapansin sa kaniyang pre-sinsya pero nagulat siya nang may tumutok sa kaniyang leeg ng isang baril. Agad siyang nagtaas ng kamay pero agad din umigkas ang kaniyang paa para pilayan kung sino man ang haharang sa daraanan niya para lang magulat na si Farhistt iyon.

Fuck! Anong ginagawa ng hayop na ito dito?

“Sasagutin ko ‘yan mga tanong mo mamaya pero sa ngayon, we need to hurry and save your woman.”

Ang daming pumasok na mga katanungan sa utak niya nang mga sandaling iyon pero sumangayon siya sa sinabi nito. Yeah, ang importante sa ngayon ay ang buhay ng dalaga. Farhistt give him a piece of shit paper. Plano iyon ng buong lugar. Isinilid lang niya iyon sa kaniyang bulsa at agad na nilang tinakbo ang malaking bahay sa kalayuan na pinalilibutan ng matataas na paril.

There she saw Abhaya. Nakagapos ito sa kama. Nahi-rapan din siya sa paghanap ng silid kung saan ito itinago. Kung nagkataon, baka kung ano na ang nagyari rito. Mabilis niya itong pinakawalan. Damn! There’s a strong emotion na gusto niyang yakapin ito nang sobrang higpit pero wala siyang oras gawin iyon. He need to let her out first bago niya tuturuan ng leksyon ang hayop na Zerus at nang taong pinagsisilbihan nito para patayin siya. Alam niyang suntok sa buwan itong kaniyang ginawa pero wala siyang pakialam.

Nagawa niyang patakasin ang dalaga. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagtatanong at kalituhan pero walang pamahon para magpaliwanag. Ang gusto niyang mangyari ay tumakas na ito bago niya tuluyan sunugin ang buong lugar.

Puta!

Napasigaw siya sa kaniyang isip nang marinig ang malakas na putok ng baril at nang tingnan niya ito, nakita niya ang dalagang bumagsak sa tubig.

Putangina!

Mabilis pa sa kidlat na pinatay niya ang bumaril dito at agad na dinaluhan ang babae. Agad niya itong pinangko at kitang-kita niya ang malalim na sugat nito. Kapag hindi niya ito magagamot agad, mamatay ito.

Bullshit! Damn. You can’t die on me, you can’t die on me.

“Farhistt! Abhaya was shot. I need to go. I’ll let you handle the situation. Take care, dude.”

“Okay. I’ll follow in a seconds. Mauna na kayo. Save her asap!”

At sumunod na ginawa niya ay lumayo sa lugar na iyon kasama ang dalagang walang malay at naliligo na sa sariling dugo. He’s not entitled one of a successful Doctor kung hindi niya kayang iligtas ang buhay ng dalaga.

Mabilis niyang tinanggal ang suot nitong damit nang marating niya ang kabilang bahagi ng lugar. Kung babalik siya kung saan niya iniwan si Theon, mauubusan ng dugo ang dalaga at iyon ang hindi niya pahihintulutan mangyari. Agad niyang pinunit iyon at ginawang tali sa bahaging tinamaan ng bala. Kapag hindi niya madadala sa malapit na hospital o clinic ang babae, isang oras ang lang pinakamahabang oras na magtatagal ito.

Nagnakaw siya ng sasakyan para mapabilis niya ang pagdala nito sa malapitan hospital. Kailangan nito ng oxygen at tanggalin ang bala sa katawan.

“Hold on Abhaya. Everything will be okay. Just hold on.”

Mabilis na inasikaso ng hindi kalakihan hospital ang dalaga. Nakilala agad siya ng mga ito nang magpakilala siya sa kaniyang pangalan. Siya mismo ang nagpresintang mag-opera sa dalaga. At dahil malakas ang kapangyarihan ng kaniyang pangalan, sunod-sunuran ang mga ito sa kaniyang gusto. Hindi niya pwedeng iasa sa mga ito ang kaligtasan ng babae.

Tatlong nurse at isang doctor ang nag-assist sa dalaga habang hinahanda niya ang sarili at mga kagamitan na kakailangan niya. Dumaplis sa puso nito ang isang malakas na uri ng bala at kung hindi siya mag-iingat sa pagtanggal, bibilis ang palpitations ng puso nito at iyon ang ikakamatay nito na hinding hindi niya pahihintulutan.

Ilang oras din ang nagdaan nang matapos sila at nakahinga siya ng maluwang nang makitang naging maayos na ang tibok ng puso ng babae. Naging successful ang operation.

“Doc. Hayes her heart!”

Fuck Abhaya!

Nagsimula na itong tumibok ng hindi normal at parang nakipagkarerahan. Damn it! Agad niyang hinawakan ang kamay nito at hinaplos ang buhok. His tears start streaming from his eyes. Damn! This is first. Walang nakakapagpaiyak sa isang tulad niya pero bakit sa mga sandaling ito, takot na takot siya?

“Hold on please? Please I’m begging you... You can’t die on me.” Nagsimula siyang mataranta. Sunod-sunod na nagsi-patakan ang mga luha sa kaniyang mata. “Abhaya... Please ‘wag ka bumitaw, okay? Huwag...”

“Doc... She’s—”

“Fuck off!” malakas na sigaw niya sa mga ito, “All of you, get out!” Agad na tumalima ang mga ito at iniwan siyang mag-isa. Mahigpit namaj niyang hinawakan ang kamay ni Abhaya at marahang hinalikan iyon. “God... Please give me another chance. Huwag sana ngayon, maawa ka... Huwag muna... Ang dami ko pang pagkakamali. Ang dami kong gustong gawin na kasama si Abhaya. Please God, ‘wag muna. Bigyan mo muna ako ng pagkakataon na itama lahat ng pagkakamali ko. Lahat-lahat... Nagmamakaawa akong ‘wag mo siyang kunin sa`kin.”

Garalgal ang kaniyang boses habang umiiyak siya sa kamay ng babaeng ayaw niyang mawala. Ayaw niyang pati ito mawala. Napahinga lang siya ng maluwang nang makitang bumalik na ang normal na tibok ng puso nito pagkatapos nang ilang minuto.

Bantay sarado ang silid ng Abhaya. May pinadala si Farhistt na dalawang tao magbabantay sa labas ng room kung saan ito naka-confine. Ayon kay Farhistt, nakatakas si Zerus at ang taong pinupunterya niyang patayin. Swerte ng mga ito. Saka niya paghahantingin ang mga ito pag mailipat niya na sa Pinas ang dalaga. Pero kung gaano kahigpit ang bantay na pinadala ni Farhistt, gano’n naman kadulas ang kaaway para malusutan sila.

“Goodbye bitch. May your soul will rest in hell forever.”

Tumalim ang mga mata niya sa hawak nitong injection at nang makita siya ng babaeng nurse, mabilis nitong hinagis papunterya sa kaniya ang injection na hawak. Tumama ito sa gilid ng pintuan.

Fuck it!

Mabilis itong tumakbo papuntang bintana at lulundag mula roon pero mabilis ang kaniyang kamay para ibato rito ang dalang bag na ang laman non ay ang kaniyang laptop. Sapol ito at bumalandara sa isang tabi. Saka naman biglang pumasok ang dalawang nagbabantay na sandali pala kumain. Ito na ang humarap sa babae at siya naman ay mabilis na hinarap si Abhaya.

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso nito ng hindi normal ayon sa monitor. Nagkaroon ng reaction ang katawan at gumalaw-galaw na parang nag-aaway ang dugo at lason sa katawan.

“2 minutes.”

Isang malakas na sampal ang ginawa niya sa kawawang nurse. Gumulong sa kamay nito ang maliit na botelyang tingin niya ay lason na ginamit nito. Agad niyang tiningnan iyon.

Fuck! Fuck! Doctor siya at ang dalawang minuto ay napakabilis. Tumalim ang kaniyang mata sa babaeng nurse at pinahubaran ito sa tatlong bantay. Wala siyang pakialam kung babae ito.

“Anong ginagawa niyo?! Puta bitawan niyo ako!”

Got it! Nasa pendulum na kwentas na suot nito ang antidote. Mabilis niyang hinaklit iyon. Kapag may lason, imposibleng walang antidote na dala ang taong iyon. Agad niyang sinenyasan ang tatlo na patulugin ang babae na ginawa naman ng mga ito.

Wala siyang sinayang na oras, mabilis niyang ininject sa daluyan ng dugo ni Abhaya ang kulay asul na antidote. Segundo lang ay bumalik sa normal ang tibok ng puso nito pati ang kulay. Napahinga siya ng maluwang at niyakap ng mahigpit ang dalagang walang malay.

War was been declared. Kung siya rati ang hinahabol ngayon naman siya ang humahabol sa kaniyang kaaway. Hindi na siya mapapaikot tulad ng ginawa nito. Mahilig itong maglaro at ngayon siya naman ang maglalaro. Ang taya? Buhay.

Natapos niya ang away sa pamamagitan ng tulong ng mga tanginang kaibigan niya. Basta patayan, laging present ang mga ito. Pero sa tuwing dumadaan sa isip niya ang huling engkwentro nila ng pinaka-mastermind sa Mexico, nakaka-ramdam siya ng kalungkutan. Part of it ay kasalanan niya kung bakit ang laki ng galit nito.

“You killed my son, and you deserve to die.” nakangising saad nito kahit bugbug sarado niya ang mukha.

Tuliro siyang napatitig dito. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng hayop na ito na ilang beses ng sumundo sa kaniyang buhay. “The fuck are you talking about!” Isang suntok pa ang binigay niya rito.

Napaubo ito at natanggal ang tatlong ngipin. Puro dugo na ang bibig nito pero wala siyang maramdaman awa. Demonyo siya sa lahat ng demonyo at iyon yata ang nagustuhan sa kaniya ni Satanas kaya lagi itong kakampi niya. Hindi basta-basta namamatay ang isang Hayes na katulad niya. Mali ito ng kinalaban.

“The fuck I’m talking about?” tumatawang saad nito habang namimilipit sa sakit. “The day you were fucking hit us with your fucking car!”

Agad siyang napaurong. Biglang bumalik sa kaniyang gunita ‘yong araw na naaksidente siya, naalala niyang may nakabanggaan siyang sasakyan. Napaatras siya. Ano nga ba talaga ang nangyari sa araw na iyon? Ang pagkakaalam lang ni Hudson, nakomatose. Nang magising, naging seryuso siya sa paghahanap kay Abhaya.

“My 5 years old only son got killed that day! Sa kawalang kwenta mong tao na nagmaneho! Binangga mo kami at iyon ang dahilan na bumangga kami sa isa pang 10 wheelers truck. Ang anak ko? Patay. Patay na. Durog na durog ang katawan,” kitang-kita sa mukha nito ang buong sakit, “Ang mali mo, binuhay mo pa ako!”

Para siyang binuhusan ng tubig. Naalala niya ang ginawa niya kay Abhaya, ang pagkawala ng anak nila na siya rin ang dahilan at ngayon naulit na naman. Napakuyom siya ng kamao at parang pinagsusuntok ang dibdib niya sa sakit at galit sa sarili. Ganito pala kalala ang nangyari. Napaupo siya sa isang tabi at napatingin sa sariling kamay na may bahid pang mga dugo.

“Ngayon Doc. Hayes, ngayon mo itanong kung bakit gustong gusto kitang patayin. Dahil sa`yo, iniwan ako ng pinakamamahal kong asawa dahil sa pinatay mo ang anak namin. Sawa na ako sa paikutin ka kaya papatayin kita!”

Hindi niya napansin ang biglaan pagbunot nito ng kutsilyo at agad na tinarget sa kaniya. Kung hindi niya nailag ang ulo, malamang tumama ito sa kaniyang mukha asintado. Hindi pa siya tuluyan nakahuma nang bigla itong inabot ang remote control sa ibabaw ng desk nito kung saan sinugod niya sa pinagtataguan nitong lungga.

“Game over, Hudson Hayes. Sabay tayong mamatay at magtutuos sa impyerno.” Ngumisi ito at biglang pinindot ang power button.

Mula sa kung saan ay may malakas na sumabog. Malakas iyon at alam niyang parte ng bahay ay nasusunog.

“Isasama kita sa kamatayan,” nakangising saad nito at muling pinindot ang power button pero hindi nito napaghandaan ang pagbunot niya ng baril at huli na ito, tumama sa noo nito ang tatlong magkakasunod na balang binigay niya.

Gago! Hindi siya pwedeng sumamang mamatay. Abhaya needs him at marami pa siyang itatamang mali. Mula sa kung saan ay lumabas si Cuhen at hinila siya papalayo ro’n dahil nagsimula nang tupukin ng apoy ang buong malaking bahay. Kung titingnan ito sa labas ay parang simpleng bahay lang ito pero ang nagmamay-ari ay isang notorious drug syndicate sa dark web at business man sa mundong normal na isa sa hinahanap ni Farhistt.

He felt sorry for the kid but what’s gone was gone. Hindi niya na kayang ibalik pa ang nakaraan dahil kung alam lang niyang mangyayari iyon, una pa lang dapat hindi niya na sinaktan nang araw na iyon ang dalaga. Ang daming nadamay. Ang daming panahon nasayang; sinayang niya. Ang mga tanong na hinahanapan niya ng mga kasagutan ay dahan-dahan lumuluntad sa kaniya ang mga kasagutan...

“Hey mutt you look like a dead batt. You okay?” Si Cuhen.

Nasa loob siya ng silid ng dalaga kung saan para itong mahimbing na natutulog. Banayad ang magandang mukha nito at walang bahid ng anuman sakit na dinulot niya.

“Yeah,” kiming saad niya.

“You love her.”

Hindi siya sumagot. Matalik na kaibigan sila ni Cuhen pero nang mga sandaling iyon, wala siyang maisagot rito. Pinili niyang ibahin na lang ang topic.

“How’s your Ellah and my two little punks?”

Nagseryuso ito at tinapik siya sa balikat. “Supposed to be, you have your own kiddo right now—”

“I was an asshole,” dugtong niya na sinangayunan nito.

He’s stupid! Never in his life he felt that he was stupid and useless. Pero nang mga sandaling iyon, ramdam na ramdan niya ang mga katagang iyon. Ang sakit. Matalino siyang tao pero alam niya na iyong salitang bobo. Hindi niya ikakaila iyon na isa siyang matalinong bobo.

Hinahangaan niya si Abhaya. Napakatapang nitong babae. Kinaya nito ang lahat ng sakit na kaniyang binigay. Ginantihan siya nito sa paraan pati siya ay nababaliw sa sarili para rito. Sex lang ang habol niya nung una pero hindi niya akalain magwawakas ito sa ganitong parte ng kwento. Fuck him! Karma niya na ito, naniningil.

ALAM niyang hindi na siya mapapatawad ng dalaga pero gagawin niya lahat para mapatawad siya. Tinakasan na naman siya at hinayaan siya ng kaniyang mga kaibigan kung ano ang kaniyang gagawin. Kalmado siyang tao at lahat sa kaniya ay may sulosyon. Hindi siya madaling takutin at hindi madaling guluhin ang utak pero sa mga oras na iyon, gumulo lahat nang kaniyang sistema at kasunod non ay nakita niya ang sariling dinalaw ang puntod ng anak nila ng dalaga.

Para siyang pinagsaksak ng maraming kutsilyo nang makita niya mismo sa sariling mga mata ang babaeng umiiyak sa harap ng puntod ng anak nila. Nawalan siya ng lakas na lapitan ang puntod, nakatayo lang siya sa malayo habang tinatanaw ang babaeng sobrang nasaktan. Parang kinuyom ang kaniyang puso at bago pa siya nagdesisyon na aalis sa lugar na iyon, mabilis niya nang nayakap ang dalaga. Hindi niya kayang makitang durog na durog ito at umiiyak. Sobrang sakit sa part niya at kung pwede niyang kunin ang sakit na nararamdaman nito, ginawa niya na.

Abhaya loathed him but he ain’t giving up. Aminado siya sa sariling mahal na mahal niya ang dalaga pero laging nag-aaway ang pride at puso niya. At sa huli, kinain niya lahat ang pride niya... Dahil sa pride niya, ilang beses niyang nasasaktan ito.

“Fuck you dupe!” Isang malakas na suntok ang binigay niya kay Farhistt.

Tinanggap naman nito ang bawat suntok niya at galit habang nanonood lang ang mga kaibigan niyang gago. Nagpustahan pa si Zyd at Azael habang nagtsi-cheer si Cuhen.

“Hey chump! I did it to save her. Look, she became strong, fearless, independent and...”

“Enough dimwit!” Isang sipa ang ginawa niya na inilagan naman agad nito.

“Listen you! Your frustration can’t solve this problem. You want Abhaya to forgive you, right?”

“Don’t call her name.” he snap.

Nagtaas agad ito kamay. “Okay-okay. At least put down your ear and listen to me.”

“5 minutes dolt before I ruin your ugly shitty face! Tell me why the hell you hid her when you know I was looking for her?”

Acceptable ang paliwanag ni Farhistt pero hindi pa rin siya makapaniwala. Pumunta ito sa office niya sa hospital pero nakuha raw ng dalaga ang atensyon nito na naglalakad na parang wala sa sarili kaya sinundan agad nito. Naawa ito sa dalaga kaya nagdesisyon si Farhistt na itago at kunin. Ginawa raw nito iyon ng walanghiyang kaibigan niyang gago para ipamukha sa kaniya ang kabobohan niya at napamukha naman nito. Isinampal pa nga. Ang lupit nitong kaibigan! Kaya sa sobrang kabwesitan niya, isang malakas na suntok sa mata ang binigay niya sa lalaki.

Farhistt and his tangina friends decided to make a show. Kinabahan pa siya sa planong iyon, pero iyon daw ang pinakamabilis na paraan para malaman kung mahal pa rin ba siya at mapapatawad ni Abhaya. Alam niyang pwede siyang kamuhian ng babae oras na malaman nitong sinet-up na naman nila pero disperado na siya at si Farhistt ang nagsuhestiyon. Nag-hired pa sila ng mga tao para gawin goons para magmukhang totoo. Bahala na! Ayaw niyang umalis ito papuntang Iceland.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.