“Jacky?! Jacky you hear me? You hear me!”
Mula sa nanlalabo niyang paningin, nakita niya ang lalaking tinawag niya... Si Theon. Pinangko siya nito at dinala sa sasakyan ng lalaki. Saka niya narinig ang malakas na pagsabog. Niligtas siya nito? Gusto niyang imulat ang mga mata pero walang lakas siyang gawin iyon. Dito na ba siya mamatay? But at least nakita niya ang lalaki kung sakali mamatay nga siya pero hindi pa siya handa.
Dinig na dinig niya rin ang pagmumura nito habang mabilis na binaybay ang daan. Pinagsusuntok nito ang manibela at panay ang tingin sa kaniya sa likuran.
“Everything will be alright. I’m not going to let you die so just hang on! We’re close.”
At tuluyan naging madilim ang lahat sa kaniya. Hindi niya alam ang sumunod.
“Ha?!” napasinghap si Jackylyn nang magmulat siya ng mata.
Ilang beses siyang kumurap at tumingin sa paligid. Ang unang pumasok sa kaniyang isipan ay nasa isang private room siya. Napatingin siya sa swerong nakatusok sa kaniya at naging blangko sandali ang kaniyang utak nang pumasok ang isang Doctor.
“Glad you’re awake!” masayang saad nito.
“What happened?” lumabas pa rin iyon sa kaniyang bibig kahit alam naman niya ang nangyari.
“Mr. Willoughby brings you here. Actually, you’re on his house. I’m the Doctor assigned to you and it’s been 2 weeks since you slept in that bed. Let me check your vitals.” Lumapit ito sa kaniya at hinayaan niya itong gampanan ang pagiging Doctor.
Napatingin lang siya sa labas ng bintana at kiming napangiti sa realisasyong ang lalaki ang nagligtas sa buhay niya. Kung paano siya nito naligtas, ayaw niya nang tanungin iyon.
“Everything seems okay. Ang kailangan mo lang ay magpahinga. Tatawagan ko rin si Mr. Willoughby at ipaalam na gising ka na, he’ll be happy for sure.”
“Please don’t!” mabilis niyang sabi rito.
Nagtataka naman itong napatingin sa kaniya. Hindi pa siya handa na makita ulit ang lalaki kahit nagkita na sila nito sa birthday party. Hindi niya alam kung paano susuungin ang mga tanong na ibabato nito. Mas mabuting ‘wag muna.
“Just don’t tell him Doc na gising na ako. H-hindi pa ako handa makita siya.” napakagat siya ng labi.
Napabuntunghinga naman ang lalaki at naintindihan tumango. Nagpaalam na ito. Bumuntunghinga siya at napatitig sa kesame nang maalala niya ang kaibigan. Napabangon siya nang wala sa oras. Si Abhaya! Mabilis umikot ang kaniyang tingin, wala siyang cellphone makita. Nag-aalala siya rito. Hindi niya mapapatawad ang sarili, partner sila kaya dapat hindi lang kaligtasan niya ang mahalaga rito, pati na rin sa nag-iisang kaibigan niya.
Umalis siya sa hospital bed na bitbit ang IV fluid. Sa ilang beses ba nilang nilalagay ng babae ang kanilang buhay sa bawat assignment, sanay na siya sa ganito pero hindi siya tulad ng dalaga na puno ng tapang ang puso. May kahinaan pa rin siya, at ‘yon ang takot niya.
Lumabas siya nang silid. May mga nakabantay na dalawang lalaki ro’n at nagulat pa ito nang makita siya. Mabilis itong yumuko at nagbigay galang.
“Pahiram ng cellphone .”
Agad binigay ng isa ang cellphone sa kaniya at mabilis niyang ini-dial ang number ng kabigan pero out of coverage ito. Napabuntunghinga siya at binalik sa mga ‘to ang phone. Bumalik siya sa loob ng silid. Binalik niya sa lagayan ang IV fluid at umupo sa kama.
Inabot niya ang remote sa side table at binuksan ang malaking flat screen TV. Deritsong bumungad sa kaniya ang mga random news. Bumalik siya ng higa sa kama at hindi na nag-abalang patayin iyon. She let her mind wander instead of resting.
“Don. Jukka, tama ba ang narinig namin na aalis na kayo sa Pinas for good at sa Finland maninirahan? Paano ang mga negosyong tinayo niyo rito at mga batang umasa sa inyo?”
Natigilan siya sa tanong ng reporter. Awtomatikong lumipad ang kaniyang tingin sa malaking TV at pinanood ang matandang Don. Walang pinagbago, matikas pa rin ito. Mabait itong humarap sa camera at ngumiti.
“Yes, kailangan. Living here alone is not good. All my businesses will continue to operate and of course, continue ang pagbibigay ko ng tulong sa mga kabataan. Kailangan ko lang munang magpahinga at ako na rin ay matanda na.”
“Don. Jukka, isang tanong na lang. Ayon sa source ko, may apo kayong babae na ubod ng ganda. Saan na ba ito? Totoo ba na umalis ito nung nagpasya kang ipakasal mo ito sa kaibigan mo sa negosyo?”
Paska! Napamura siya sa tanong na binato ng reporter. Napatingin siya sa facial expression nang matanda at kitang-kita niya ang lihim na pagtagis bagang nito pero saglit lang iyon. Ngumiti ito agad at nagawang magbiro.
“Ah, ang apo ko. Nasa magandang buhay na siya ngayon sa Finland. Isa sa dahilan kung bakit do’n ko rin gusto manatili. Siya lang ang tanging pamilya meron ako.”
Mabilis niyang pinatay ang pinanood. Abut-abot ang kaba ng puso niya at nag-isip nang kung anong pwedeng gawin. Sa tono ng pananalita ng matanda, hindi masisikatan ng araw ang reporter na nangahas magtanong. Panibagong tao na naman ang mawawalan ng buhay dahil sa kaniya.
Hindi pa siya handa na harapin ang matanda pero dahan-dahan niya nang pinasok bawat trabaho nito na hindi alam ni Yx at Abhaya. Gumagawa siya nang sarili niyang plano. Nang paraan para paano pabagsakin ng dahan-dahan ang matanda nang hindi kailangan ng baril at dahas.
Bigla siyang natigilan sa pag-iisip niya nang pumasok ang panauhin na ayaw niyang makita nang mga oras na iyon. Lihim siyang napakagat ng labi, kakasabi lang niya sa Doctor. Napahugot siya ng hininga at hinanda ang sarili sa mahabang katanungan na ibabato nito sa kaniya ngayon.
Agad na lumapit sa kaniya si Theon at hindi niya inasahan ang pagbiglang yakap na binigay nito. Sa sobrang higpit ng yakap nito napa-aray siya dahil tinamaan ang kaniyang sugat. Saka lang niya nalaman na may mga tama pala siya.
“I’m sorry.” Bigla itong bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. “I’m happy now that you’re fully awake.”
Napatingin siya sa mga mata nito. Totoo ngang masaya ito na makita siya pero hindi niya magawang ngumiti. Ano na ang sunod plano niya? Nalaman na siya nitong siya si Jackylyn. Imbes na magpasalamat ay pinakiusapan niyang iwan muna siya nito sandali sa loob ng silid na iyon.
“Okay,” sagot nito, “But I’ll be back after an hour. Get rest.” Tinungo na nito ang pintuan at marahan sinirado.
Napahawak siya bigla sa puso niyang sobrang bilis ng tibok. What was that?! What was that! Grabe, walang pinagbago ang epekto nito. Nakakabaliw pa rin. Kaya pa rin nitong paikutin ang kaniyang mundo gamit lang ang boses nito.
Nagpapahinga si Jackylyn nang pumasok si Theon at may dalang tray na puno ng pagkain. Do’n lang din niya naramdamang gutom na siya kaya hindi niya hinintay na sabihin nitong kumain siya. Eksaktong pagkababa nito sa dalang tray ay nilantakan niya na ang mga iyon.
“Dahan-dahan lang baka mabulunan ka,” paalala nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Oras na maka-recover siya, aalis din siya sa poder nito. Hindi siya pwedeng magtagal sa lalaki. Kailangan niya pa kontakin si Yx at alamin ang kalagayan ng kaibigan niya.
“Mas lalo kang gumanda.”
Nasamid siya. Agad nitong inabot sa kaniya ang tubig at mabilis niyang nilagok iyon. Matagal niya ng alam na maganda siya. Kung dati ay wala siyang confident na ipagmayabang iyon, ngayon ay mas mataas ang confident niya sa sarili. Knowing Yx taught them in battle field to fight, stand on their own and build their confidence to the highest.
Timunog ang cellphone nito, sandali itong nag-excuse para sagutin ang tawag. Nagpatay malisya naman siya pero sa lalaki nakatuon ang kaniyang buong atensyon at sa kausap nito. Asawa ba nito ang kausap? Babae? Lihim niyang pinilig ang ulo, what’s wrong with her?
“Yeah, I mean I’m with Jackylyn right now.” sumulyap ito sa kaniya.
“Where can we meet? Nakuha mo ba lahat ng gusto ko? Okay good, I’m going.” Pinatay nito ang tawag saka tumingin sa kaniya. Hindi niya pinansin ito. Inuna niya ang pagkain. “I’m going.”
Hindi rin siya tumango at hinayaan si Theon. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin, agad niyang pinagtatanggal ang mga swerong nakasabit sa kaniya. Hindi niya na kailangan ang mga bagay na ito, kailangan niyang umalis at hindi puso niya ang laging masusunod. Hindi nga niya alam kung bakit niligtas siya ng lalaki pero ayaw niya nang alamin.
Sumilip siya sa bintana nang silid na iyon. Nakita niyang nakaalis na ang lalaki. Huminga muna siya ng malalim at tinungo ang pintuan. Tulad kanina, may mga bantay pa rin do’n. Agad niyang binigyan ng tig-iisang surpresa ang mga ito. Tulog na bumagsak ang dalawa.
Masakit pa rin ang mga sugat niya pero kailangan niya ng makaalis sa mga oras na ito. Kinapkapan niya ang dalawang lalaki na pinatulog at kinuha niya ang cellphone ng isa. Agad niyang dinial ang number ni Yx habang tinatahak ang pasilyo. Mabuti at walang nakabantay sa pasilyo kahit na sa labas ng mansiyon, wala.
Pero hindi niya inalala ang bagay na iyon, mabilis siyang sumakay sa isa sa mga sasakyan naro’n. Hindi na rin siya nahirapan paandarin iyon dahil alam niya kung paano galawin ang wiring. Malaya niyang binaybay ang daan nang walang inalala na meron susunod sa kaniya.
“Hello Yx?” bungad niya nang sumagot ito sa kabilang linya.
“Jackylyn.”
“Yes, it’s me—”
“Listen, don’t call me. May nakikinig sa kabilang linya na hindi natin alam. Don’t worry for your partner, she’s doing okay. For now, you gotta hide yourself and that is your assignment.” At nawala ito sa kabilang linya.
Bigla siyang napapreno sa kalagitnaan ng kalsada. Tama ba ang narinig niya mula kay Yx? May nangyari bang masama nung tulog siya? Dalawang linggo lang siyang tulog kaya posibleng may masamang nangyari sa mga ito pero alam niyang may isang salita ang lalaking leader nila. May tiwala siya kay Yx. Susundin niya ang utos nito.
Mabilis niyang tinapon sa gitna ng kalsada ang cellphone at pinasibad ang sasakyan. Huminto siya sa isang fastfood at pumara ng taxi. Sumakay siya at dumeritso sa inupahan niyang apartment na two storey na siya lang mag-isang nando’n.
Pumasok siya sa loob at kumuha ng pamasahe. Pagkatapos niyang mabayaran ang driver, dali-dali siyang tumakbo sa loob at nag-lock ng pintuan at pati mga bintana. Dalawang linggo na pagpahinga ay sapat na iyon sa kaniya. Binuksan niya ang kaniyang laptop at tiningnan ang location ni Yx at ni Abhaya pero hindi niya makita.
Napabuntunghinga siya at nagpasyang bumaba para magtimpla ng kape. Halos mapasigaw siya sa gulat nang bumungad sa kaniya ang hindi maipintang mukha ni Theon na nakaupo sa sofa. Nakapatong ang isang paa nito sa kabila at nakahalukipkip ang kamay. Kung hindi siya nagkakamali sa pagkakabasa sa kislap ng mata nito, galit na galit ito ngayon.
Umarte siyang walang pakialam sa presinsya nito at hinayaan ito na nakaupo sa sofa. Ano pa ba ang itatago niya? Sa cruise pa lang, nakilala na siya nito. Bakit ba kasi ang hilig mag-krus ng landas nilang dalawa?
Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Hindi siya nag-abalang tingnan ang lalaki na nakatingin sa kaniya. Nagkunwari siyang wala ito at hindi niya ito nakita. Hindi ito ‘yong panahon na puro pagmamahal niya rito ang iisipin niya.
“I knew it, aalis ka.”
Natigilan siya sa pagtimpla. Kaya pala ang bilis nitong sundan siya.
“You’re not fully recovered Jacky. Bakit ba ang hilig mo tumakas?”
Saglit lang, bakit ito galit? Magkaano nga sila ulit? Anong pinagpuputok ng butsi nito?
Humarap siya sa lalaki nang matapos siya sa pagtimpla. “Look Mr. Willoughby, you saved my life and I thanked you for that. Now, can you leave in peace?”
Napatiimbagang ito at tumayo. “Okay, I am going to leave but I’ll be following you 24/7.”
Nababaliw ba ito? Anong tingin nito sa kaniya, isang bata para bantayan.?
“Hindi kailangan. Busy akong tao at kung ano man ‘yong nangyari dalawang taon na ang nakaraan, kalimutan mo na. Hindi ako nandito para lumandi at manatili sa poder mo, so please leave.” Bitbit niya ang isang tasang kape at nagsimulang humakbang patungong hagdanan. Nasa ikalawang palapag ang kaniyang silid.
Narinig naman niya ang malakas na pagsara ng pintuan at napahinga siya sa parteng iyon. Mukhang bukas na bukas din ay kailangan niyang umalis sa pamamahay na ito at maghanap ng ibang matutuluyan.
Bumalik siya sa study table kung saan nando’n ang laptop. Pagkakaalam niya, magkasama si Doc. Hayes at Abhaya. Agad niyang tiningnan ang location ng lalaki pero nadismaya lang siya, hindi niya makita. Kung sabagay, hindi niya kayang hukayin ang kung ano meron ito. Mas magaling ito sa kaniya pagdating sa cyber. Yx taught her a lot, including small cases up to big cases. Masasabi niya rin na hindi basta-bastang tao si Yx kaya mataas ang respito niya sa binata.
Naalala niya ang matandang Don. Paska! Agad siyang pumasok sa pinagbabawal na site, this time ay mas maingat at hindi siya mapapansin nang kahit sino kaya rito siya nilalagay ni Yx dahil may tiwala ito pagdating sa bagay na iyon.
Napailing-iling siya nang bumungad sa kaniya ang isang video kung saan dahan-dahan tinu-torture ang lalaki. Ito ‘yong reporter na nangahas nagtanong sa matanda. Nakaupo ito sa silyang kahoy at pinapahirapan ng tatlong lalaki.
Damn! Sumusobra na talaga ang matandang iyon!
Mukhang ito yata ang kailangan niyang bigyan ng unang pansin. Jackylyn grinned at that thought. Why not? The reason why she grow up with unbearable fears it’s because of that old man. Pero sa tulong ng mga kasamahan niya sa isla kung saan tinulungan sila ni Yx, dahan-dahan nawawala ang mga takot na namamahay sa kaniya. Minsan-minsan bumabalik pero alam niya na kung paano hawakan ang kaniyang kahinaan.
Perfect! Si Don. Jukka Rokassowskij ang una niyang patumbahin. Hindi niya mapapahinto ito kahit buong negosyo nito ang pabagsakin niya, mas mabuting ito mismo ang pabagsakin niya. Tama na rin ang kasamaan nito. ‘Yong reporter ang gusto niyang huling biktima nito. May kasabihan nga na: ‘Kung patay ang ugat, patay lahat ng sanga at bunga.’
***