Chapter Story 2 - Chapter 16

Tatlong araw ang nagdaan. Medyo okay na rin ang kaniyang sugat at hindi na masakit. Pwede na siyang gumulong at lumundag na hindi poproblemahin na mabibinat sugat niya. Sandali siyang napalingon sa bintana at napataas ng kilay, mula rito kitang-kita niya si Theon na nakaupo sa hood ng kotse nito at matiim na nakatingin sa gawi niya. Ano na naman ba ang ginagawa nito?

Kung wala ka lang asawa Theon, kanina pa kita nilantakan.

Wait-wait, what? Agad niyang pinilig ang ulo sa malanding pumasok sa utak niya. Arghh! Maagang-maaga pero ito agad ang gusto niyang gawin almusal. No, no, no! Mabilis siyang tumakbo papuntang banyo at nagmadaling maligo. Marami siyang gagawin sa araw na ito.

Isang white t-shirt at jeans ang suot niya, binagayan na rin niya ito ng rubber shoes. Nagsuot na rin siya ng cap matapos itali ang hanggang likod na buhok at agad sinukbit ang back pack na ang laman ay laptop niya at baril. Pero bago siya tuluyang lumabas, nagsuot siya ng nerd glasses.

“Going somewhere?” Ito ang tanong ni Theon nang lumabas siya. Ang gwapo nitong tingnan sa suot na business suit.

Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Baka kapag ginawa niya ‘yon, makakalimutan na naman niya ang totoong rason kung bakit nandito siya.

“Jackylyn!” mabilis itong sumunod sa kaniya.

Nag-ikot siya ng eyeball. Binilisan niya ang kaniyang paglalakad at tumawag ng taxi. Bahala ito sa buhay nito kung trip nitong sundan siya o hindi. Busy siya at alam niyang busy rin ito sa asawa nito. Hindi nga niya alam kung bakit sunod pa ito nang sunod sa kaniya. Tapos na rin siyang magpasalamat sa pagligtas nito sa kaniyang buhay kaya hindi niya maintindihan kung ano ba ang kailangan nito.

“Manong sa tabi ng Jukka’s Empire Properties tayo. Pakibilisan niyo po sana.”

Agad siyang umibis sa sasakyan at pasimpleng tumambay sa isa sa mga convenient store na nando’n. Mula sa kaniyang direksyon, makikita niya kung sino ang papasok sa naturang building na pag-aari ng matanda. Ilang minuto rin ang pinalipas niya bago buksan ang bag at kinuha ro’n ang kaniyang laptop.

Perfect! Napangiti siya. Mabilis niyang tinipa ang keyboard at nilagay ang pangalan ng matandang Don. Walang lumabas na eksaktong location nito. Napailing siya sa parteng iyon, matinik talaga ang matandang ganid na lolo niya. Gumawa siya nang ibang paraan para makita ang location nito pero walang lumabas sa screen kaya nagtiyaga na lang siyang maghintay.

Busy siya sa paghigop sa sabaw ng cup noodles nang matanaw niya ang isang mamahaling kotse na paparating. Tumalim ang tingin niya nang huminto ito sa harap ng Jukka’s Empire Properties at mula ro’n ay lumabas ang matandang naging sanhi lahat ng takot niya. Hindi pa man ay pinanlamigan na siya ng katawan. Ilang beses niya itong nakita sa television at balita pero iba pa rin ang impact nito sa kaniya. Nakakatakot!

Isang matandang lalaki na masasabi ng lahat na sobrang bait ayon na rin sa ngiti nito na binibigay sa lahat na bumati. May tungkod itong hawak pero alam niyang hindi ito basta-basta tungkod. Isa itong improvised na baston na isa sa malakas na uri ng baril.

Kalma lang Jacky, kalma. Hindi tayo mananalo sa takot mo. Pinilit niyang pagaanin ang sarili pero habang ginagawa niya ‘yon, mas lalo lang siyang kinain ng takot at kaba. Nagsimulang magtubig ang kaniyang magkabilang mata sa hindi niya alam na dahilan kaya agad niyang binawi ang tingin kay Don Jukka.

No, she can’t do it. She needs more time. Mahabang oras! Hindi sapat ang dalawang taon na nasa Isla siya ni Yx para maging handa at tanggalin takot niya. Hindi sapat iyon para ipaghiganti niya ang buhay ng namatay niyang magulang. Hindi pa sapat dahil siya mismo ay kinakain ng sarili niyang kahinaan. Natatakot siya iyon ang totoo!

“Ha?!” Bigla siyang napatayo sa sobrang gulat nang hawakan siya ni Theon sa balikat.

“You’re shaking,” puna nito at sinuyod siya ng tingin.

Saka lang niya napansin ang sarili na nanginginig nga siya. Agad niyang pinunasan ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Yes, she admitted it. She’s shaking and the thought of her na kaya niyang patayin ang matanda ay biglang naging malabo.

“I-I’m not!” Mabilis niyang naisilid ang laptop sa kaniyang bag at nagmamadaling lumabas.

Napatingin naman si Theon sa kaniya at lahat ng gusto nitong sabihin ay naiwan sa ere. Hindi na ito sumunod, hinayaan siya nitong makalayo at nakadagdag ng ginhawa sa kaniya iyon.

Sa isang simbahan siya bumagsak at nanghihinang pumasok. Nanginginig pa rin ang kaniyang buong katawan at kailangan niyang hamigin ang sarili bago siya uuwi. Agad siyang yumuko nang nasa harapan siya at nakipag-usap sa Diyos.

God, grant me the strength I need. Buhay ang papatayin ko, buhay na kailangan maunang masunog sa impyernong ginawa mo para sa mga kasamaan!

“Kung sa tingin mo ay tama ang gagawin mo at alam mong ikakapamak ng sarili mo anak, ‘wag mo na ipagpatuloy. Hindi lahat ng mali ay pwede mong itama sa sarili mong paraan.”

Natigilan siya bigla at awtomatikong nagtaas ng tingin. Isang Pari ang nasa kaniyang harapan at nakangiti. Nahihiyang ngumiti siya rito at mabilis na nagpaalam. Ito ang kauna-unahang pumasok siya sa simbahan at kung siya ang tatanungin, hindi na mabilang sa kamay ang taong pinatay nila ni Abhaya kaya wala siyang karapatan humarap sa Diyos at humingi ng tulong dito.

Tumambay siya sa ibang lugar, nasa isang rooftop siya ng isang building at mula rito malaya niyang na-access ang mga lugar na hindi pwedeng pasukin. Pinag-aaralan niya sa kung anong paraan pwede niya patayin ang matanda na hindi siya pangunahan ng takot.

Kumunot ang kaniyang noo nang may nag-pop na messages sa windows ng laptop niya. A message from Yx.

‘12:00 clock.’

Mabilis siyang napatingin sa wristwatch na suot, 20 minutes at mag-alas dose na. Wala na siyang sinayang na oras, tinakbo niya ang elevator pababa. Kailangan niyang makausap si Yx at tanungin kung ano ang nangyayari sa taong binabantayan nila ni Abhaya at kung nasa’n ang mga ito.

“Here.” May inabot sa kaniya ang binata na envelope nang salubungin siya nito sa lobby.

Casual na umarte si Jackylyn sa harap ni Yx at tinanggap ang inabot ng binata. Nagpaalam na ito agad sa kaniya at nagtuloy-tuloy sa pagpasasok sa elevator paakyat sa 10th floor. Nagkibit siya ng balikat at nagpasyang umuwi sa apartment para makapag-isip ng maayos at tingnan ang laman. Alam niyang hindi ito panibagong assignment, hindi nagbibigay ang lalaki sa kaniya na pang-isahang lakad. Wait, hindi nga ba?

“D’yan lang sa may kanto,” paalala niya sa manong driver. Tango lang naging sagot nito sa kaniya.

“So what is it?” bulong niya sa sarili habang pasalampak na umupo sa kama. “Date and address?” bigla siyang natuliro at napatingin sa kalendaryo nang makita ang laman.

Isa iyong sulat kamay ni Yx na naglalaman ng date at address sa isang lugar at pangalan ng taong kailangan niyang puntahan at bisitahin sa pamamagitan ng dahas. Isang tao lang ang kailangan niyang patahimikin ayon na rin sa report ni Yx na kailangan mamatay muna ang ugat at ang iba niyang kasamahan ang bahala sa mga sanga at bunga paano patayin.

Dalawang araw mula ngayon sa isang lugar na hindi niya alam na nag-exist ang kaniyang pupuntahan. Mabilis niyang kinuha ang laptop sa bag at tinipa ang malabong address na binigay ni Yx sa papel. Naiintindihan niya kung bakit agaran siyang binigyan nito ng assignment kahit kasasabi lang nito na refrained muna siya pansamantala. Lahat na mga kasama niyang agents ay nasa ibang lugar at may hawak ng iba’t ibang kaso. Binigay nito sa kaniya, ibig sabihin madaling tao lang ang haharapin niya.

“Goodluck.”

Mensaheng natanggap niya sa lalaki. Bigla siyang kinain ng kaba sa isipin mag-isa lang niya itong gagawin. Masyado siyang nasanay na may partner siyang tulad ng kaibigan niya. But no, Yx trusted her. Ibig sabihin nito ay madaling bagay lang ang pinapagawa nito.

Tinabi niya ang laptop at humiga sa malambot na kama. Hinayaan niya ang sariling kainin ng iba’t ibang emosyon habang nakatitig sa kesame hanggang sa lumitaw sa isip niya ang mukha ni Theon. Napangiti siya pero agad din pinaalis ang mukha nito, pinaalala niya sa sariling hindi para sa kaniya ang lalaki at may mahal ‘tong iba. May mahal itong iba.

Hindi lang niya maintindihan kung bakit sinusundan siya nito, gusto niyang alamin ang bagay na iyon pero wala siyang lakas na loob na kausapin ito ng sinsero. Natatakot siya na kapag ginawa niya iyon ay magiging si Jackylyn na naman siya na sinuko lahat dito. Si Jackylyn na naging tanga minsan at umibig sa taong may asawa.

Pinikit niya ang mata at hinayaan ang sariling makatulog. pagkatapos niyang ma-settle itong assignment at plano niya sa matandang Don, maglalaho na naman siyang parang bula. Hindi na ulit siya makikita ni Theon. Siguro ito lang ‘yong pagkakataon na makita siya nito na nasa paligid lang.

WALANG kahirap-hirap na inakyat niya ang likuran pader nang malaking bahay. Isa itong bahay bakasyunan at ayon sa nakuha niyang information, isa itong Drug Syndicate galing sa ibang bansa at naglilibang pansamantala sa Pinas kasama nito ay limang bayarang babae.

Napangisi siya habang sinulyapan ang orasang pambisig na suot niya. 30 minutes— no, 20 minutes... Papatayin niya ito sa harap mismo ng mga bayarang babae. She can’t wait! Masasabi niyang nagpa-excite iyon sa kaniya.

Inayos niya sandali ang sumbrero sa pagkakalagay sa kaniyang ulo saka siya nagsimulang humakbang papuna sa pintuan sa may kusina. Bago siya sumuong sa panganib ngayon, inalam niya muna ang detalye ng bahay sa pamamagitan ng blue print na nakuha niya.

Ang masters bedroom ay nasa 3rd floor ng bahay, nasa pinakadulo ito ng tatlong kwarto. Kung wala ang papatayin niya sa pool, nasa kwarto na ito for sure. May secret passage sa kitchen para hindi siya makita kung sakaling maraming bantay. Dito siya pwedeng dumaan at papasok sa isang room kung saan malaya niyang mapupuntahan ang 3rd floor na hindi dadaan sa hagdanan sa may sala.

Ready! Hinanda niya ang sarili habang naglalakad siya sa madilim na pasilyo. Hawak niya sa kamay ay isang mataas na uri ng baril na may silencer at flashlight. Marahan siyang naglalakad sa sekretong hagdanan at pinatalas ang pandama. This time, sarili lang niya ang meron siya. Wala si Yx at si Abhaya na nasa likod niya para tumulong kung sakaling madali siya sa assignment niyang ‘yon.

Nakarating siya sa itaas na walang kahirap-hirap. Inayos niya muna ang sarili bago siya naglakad sa pasilyo ng 3rd floor nang makita niyang maraming bantay sa labas ng master’s bedroom.

Paska! Paano niya ito gagawin? Kukulangin ang lakas niya kung dito sa mga ‘to niya gagamitin. Kailangan niyang gumawa ng paraan lalo na at hindi basta-bastang mga bantay ang nakatayo sa labas. Lahat ay may hawak na mahahabang uri ng baril at matitikas ang tayo. She’ll be dead for sure.

Napahugot siya ng malalim na hininga at ilang beses na pinakalma ang sarili. Breath in, breath out. Kaya niya ‘to! Kinakabahan siya sa totoo lang pero kakayanin niya. Ipapakita niya sa sarili niyang kaya niyang labanan ang takot para mahaharap niya na ang kaniyang lolong ganid.

Mabilis siyang pumasok sa isang silid na nando’n at tinanggal ang sumbrero at jacket na suot, tinali ang tshirt at litaw na litaw ang malalim na cleavage niya at pusod. Ginulo niya ang natural na buhok at pina-sexy tingnan ang sarili.

Let’s begin the game!

Humakbang siya papalabas nang silid na walang baril na dala at nakapaa. Malandi siyang ngumiti at naglakad ng nakakaakit papunta sa mga ito. She swayed her body perfectly and bingo! Nakuha niya ang atensyon ng sampung lalaki. Nakakunot ang mga noo nito at tinutok agad ang baril sa kaniya.

Paska! Sandali siyang natigilan pero agad siyang ngumiti ng matamis. Nang-aakit na lumapit siya sa mga ito at maarteng kinagat ang labi. Natatawa siya sa kaniyang inasta ngayon, kung nakikita siguro siya ni Theon sa ganitong ayos, pagsasabihan siya nitong malandi. Well, hindi nga ba?

“Boys...” maarteng sambit niya at sinabayan ng pag-indayog ng kaniyang katawan sa hangin.

Nakatutok pa rin sa kaniya ang mga baril ng mga ito pero sa kislap ng mga mata ng mga lalaki, panalo na siya. Malandi siyang tumawa at nilapitan ang unang lalaki. Hinawakan niya ang dulo ng baril nito at hinimas-himas iyon sa paraang pang-aakit. Ang lagkit ng tingin na binigay niya rito at bahagya pang yumuko para makita nito lalo ang kaniyang dibdib.

Jerk!

“Shhh... ‘Wag muna...” Kinindatan niya ito nung abutin sana ang kaniyang dalawang malalaking dibdib na na-developed sa hard training sa isla.

Lumipat siya sa isang lalaki at tulad kanina, hinimas niya ang dibdib nito pababa sa tiyan... Hanggang sa puson. Nagsilabasan naman ang ugat sa leeg nito na halatang sabik na sabik na angkinin siya. Nung akmang hahawakan siya ng lalaki, pabiro niyang tinampal ang kamay nito at malanding tinawanan.

“Let’s play a game. The one who guess my name will have me for tonight... Hmm? What you think guys?”

Lahat sumangayon sa gusto niya at kaniya-kaniyang mentioned ang mga ‘to sa pangalan ng babae. Kahit naman mahula ng mga hayop na ‘to ang buong pangalan niya, walang makakaangkin sa kaniya.

Lihim siyang napangisi nang dahan-dahan binaba ng mga ‘to ang baril. Perfect! Nakuha niya na ang mga atensyon nito. Malandi siyang tumawa at pasimpleng kumatok sa pintuan. Kunwari ay sumandal siya sa dahon ng pinto at ang mga ito ay nakapaligid sa kaniya na parang asong ulol. Naglalaway at gustong gusto siyang kainin.

Kunwari napatili siya ng malandi nang bumukas ang pintuan at kunwaring natumba. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagsalo ng lalaking target niya nang gabing iyon. Lihim siyang napangisi, its her chance! Once dadalhin siya nito kasama sa mga babae nito sa silid, magagawa niyang kitliin ang buhay nito nang walang kahirap-hirap na ‘di malalaman ng mga tauhan nito.

“Tama kaunis nainen?” Who’s this beautiful lady? Tanong nito agad. Biglang umayos ang mga tauhan ng lalaking target niya at kunwari hindi siya nakikita.

Wait, Finnish language?!

Biglang sumikdo ang dibdib ni Jackylyn at nang lingunin niya para makita ang kabuuang mukha ng kaniyang lalaking target, nagulantang siya sa nakita. Paska!

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.