Nagsimulang manginig ang kaniyang katawan pero nakuha niyang ngumiti ng sobrang tamis sa harapan nito. Hindi pa man, nandidiri na siya mula sa pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. Diring-diri siya na gusto niyang masuka.
Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking binentahan ng matandang Don sa kaniya. Ang lalaking bumili sa kaniya sa halagang bilyon. Gusto niyang matawa sa isipin sagad sa kapangitan ang lalaking nasa harapan niya at kung bakit ito ang kaniyang naging assignment. Ang nakakapangit lang, walang picture ng taong papatayin niya. Ang tanging description lang ay isa itong Drug Syndicate.
“Sinun nainen tanaan, kulta.” Your woman for tonight, honey. Malanding pagkakabigkas niya at marahang pinadausdos ang kamay sa malabalahibo nitong katawan.
Gusto niyang sumigaw nang ‘alcohol please’ sa sobrang pandidiri pero kasama sa training ang magpanggap. Dapat hindi siya sumabit ngayon dahil dalawa lang patutunguhan nito, its either ito ang mapapatay niya o siya ang magpapatay ngayon gabi. Tough choice, isn’t it?
Matagal siya nitong tinitigan at halatang tinitimbang nito ang kaniyang sinabi. Sa huli ay ngumisi ito at niyaya siya sa loob ng silid kasama ito. Successful ang pang-aakit niya. Demonyong napangisi siya sa isipin mapapatay niya itong walang anuman hirap.
Hinanda niya ang maliit na kutsilyong nakaipit sa belt niyang suot. Kasingliit lang ito ng kaniyang thumb finger at isang dangkal ang haba pero hindi basta-basta kutsilyo ang hawak niya, may lason ang katawan nito. Hindi naman halatadong handang-handa siya.
Ang mga babaeng kasama nito ngayon ay nakahubad na lahat at naghihintay sa lalaki, lahat pulang-pula ang mata at halatadong kagagamit lang ng mga babaeng bayaran ng cocaine. Nangangalaiti siya sa bahaging iyon! Dapat talaga pinapatay at sinusunog ang mga ganitong klaseng tao. Peste kasi!
“Why not try to take off your clothes, slut?” pabulong na tanong nito.
Nahigit ni Jackylyn ang hininga nang maramdaman ang dulo ng baril sa kaniyang leeg. Ito na nga ang kaniyang sinasabi, hayop! Pinilit niyang kumalma at nang-aakit na ngumiti rito.
“I will honey but throw your gun please? You’re making me like you more.”
Gusto niyang masuka sa sinabi. Gustong gusto niya ng magmugmug ng alcohol at mag mouthwash ng sanitizer.
Ngumiti lang ito ulit at sinunod ang kaniyang sinabi. Hinagis nito sa sofa ang baril at nauna itong humakbang sa kaniya para dumulog na sa kama pero hindi niya na hinintay na makalayo ang lalaki. Mabilis niyang binunot ang kutsilyo at dinunggaban ito ng saksak sa likod.
“Ei niin nopea narttu!” Not so fast bitch!
Nagulat siya sa pagbiglang harap nito at pinigilan ng isang kamay ang pag-atake niya. Hindi siya kasinggaling ng kaniyang kaibigan, pero hindi siya mahinang nilalang. Alam niyang tama ang distansya at timing na kaniyang ginawa para hindi malaman nito ang plano niyang pagsaksak. Anyways, nandito na ‘to. Ang kailangan niya ay depinsahan ang sarili kahit anong mangyari.
“Well, ‘wag kang mag-alala papatayin kita.” tumalim ang kaniyang mga mata na nakatingin dito at agad binitawan ng kamay niyang may hawak na kutsilyo at sinalo ng isa niyang kamay. Mabilis niyang naisaksak dito habang tilian naman ang mga kababaehan sa isang tabi sa sobrang takot.
Napamura siya nung huliin nito ang kaniyang isang kamay at inikot para balian. Napangiwi siya sa sakit lalo na nung nabitawan niya ang hawak na kutsilyo at bumagsak ito sa carpeted na sahig. Hindi niya napuruhan ang lalaki, dumaplis lang sa tagiliran nito ang ginawa niyang saksak. Not bad para sa taong kagaya nitong hayop!
Napaluha siya sa sakit ng huliin nito ang kaniyang leeg habang hawak nito ang kaniyang isang kamay. Matangkad ito at malaki ang katawan. Kayang kaya siya nitong ipalipad sa hangin at balian ng buto sa pamamagitan lang ng kamay nito. Napaubo siya. Mahigpit na mahigpit ang pagkahawak ng kamay nito sa kaniyang leeg at ilang segundo lang ay babawian siya ng hininga.
Th-theon!
Out of nowhere nabigkas niya ang pangalan nito sa isipan. Bumagsak ang luha sa kaniyang mata at bago pa siya pawian ng buhay, malakas siya nitong tinapon sa isang tabi. Napaigik siya sa sakit ng tumama ang kaniyang likod sa paahan ng mesa. Napasunod ang kaniyang tingin dito nang marahan itong humakbang patungo sa baril nitong hinagis sa sofa.
No!
Kailangan niyang maunahan ito bago siya nito mapatay. Marami na siyang pinagdaanang sakit at takot sa buhay, hindi pwedeng sa kamay lang siya nito mamatay. Hindi matatanggap ng isip niya iyon. Mabilis niyang tinakbo ang kutsilyong nasa sahig kahit namimilipit pa siya sa sakit. May lason iyon kaya alam niyang gumagana na ang lason nung daplisan niya ito.
“Killing you isn’t my thing, but I won’t let a slut kill me,” kalmadong saad nito at humarap sa kaniyang hawak ang baril.
Eksaktong mahawakan niya na ang kutsilyo nang biglang umalingawngaw sa buong paligid ang putok ng baril. Nagsitilian ang mga kababaehan at nagsitakbuhan sa labas habang siya ay biglang naging yelo sa pagpulot ng kutsilyo. Pinakiramdaman niya ang sarili, wala siyang naramdamang sakit pero biglang nanlalabo ang kaniyang paningin sa luha. Patay na bumagsak ang lalaki sa kaniyang harapan. Dilat na dilat ang mga mata nitong nakatingin sa kesame habang nakabaon ang bala ng baril sa lalamunan.
God! Nanginginig ang kaniyang katawan. Muntikan na siyang nadali ngayong gabi. Hindi niya pala talaga kaya kung wala si Abhaya.
“Jacky!”
Natigilan si Jackylyn sa paraan ng pagtawag sa pangalan niya. Its Yx, its Yx, okay? Ito lang ay posibleng tutulong sa kaniya sa assignment na binigay nito. Imposibleng si Theon ito ang tumawag sa kaniyang pangalan, sobrang malaking imposible!
“You okay?”
Nanghihinang napaupo siya. Ang lalaking walang ibang nasa harapan niya ay si Theon; may hawak na baril at nakasuot ng cap at jacket. Napaluha siya lalo. Hindi niya alam kung anong sasabihin nang mga oras na ito sa pagbiglang sulpot at pagtulong sa kaniya.
“Let’s get outta here.” Inakay siya nitong makatayo.
“Bakit ka nandito!” Hindi tanong iyon, sumbat. Sinusumbatan niya ang palaging sulpot nang sulpot nito sa buhay niya.
Hindi ito sumagot sa tanong niya. Tiningnan lang siya ng maigi at pinunasan ang mga luhang pumatak sa kaniyang mata.
“Let’s get out of here. Ilang minuto lang ay darating na ang mga pulisya at ayaw mo naman sigurong makitang madatnan ka rito, ‘di ba?”
Natahimik siya sa sinabi nito. Okay, saka niya na ito tatanungin kapag nakaalis na sila pero bago iyon, binalikan niya ang baril at gamit sa silid kung saan iniwanan niya ang mga iyon.
Nagulat din siya nang makitang nagkalat ang mga taong halos walang buhay sa pasilyo. Halatang lahat ay tulog at wala ni isang dugo mula rito. Napatingin siya sa kay Theon at ni isang galos, wala itong nakuha. Biglang pumasok ang maraming katanungan sa kaniyang isip. Sino ba talaga ito?
NAKATITIG lang si Jackylyn sa kesame ng kaniyang kwarto nang matanggap ang mensahe ni Yx sa isang secured site kung saan sila nag-uusap dalawa. Wala siyang cellphone, wala siyang balak na magkaro’n kahit isa.
“Congratulations.”
Hindi siya nag-abalang nag-response sa message nito. Yeah, congrats. Congrats dahil kung ‘di dumating si Theon kagabi, baka bangkay na siya ngayon at pinaglalamayan na. Napabuntunghinga siya nang maalala niya ang pag-uusap nila kagabi ng lalaki...
“Sino ka ba talaga? Paano mo nalaman na nandito ako?”
“Hindi naman siguro nabagok ang ulo mo nung sinabi kong susundan kita 24/7,” walang ganang sagot nito habang nakatutok ang tingin sa daan. Minamaneho nito ang itim na sasakyan papalayo, “If I weren’t there, you probably get killed,” matigas na pagkakasabi nito.
Napansin niya ang pagkuyom ng kamao nito at pagtigas ng anyo. Sandali siyang natahimik at ilang minuto bago nagawang magsalita.
“Sino ka ba talaga?” deritsahang tanong niya.
“And you, who are you? Ah yeah, isa kang undercover agent. Is this the reason bakit ka tumakas sa penthouse ko?” walang paligoy-ligoy na sagot nito. Nasa daan pa rin ang buong atensyon at hindi nag-abalang sumulyap sa kaniya.
She sensed angered on his tone. Wow, galit ito? In what particular way? “Drop me home. I need to fix things.”
Hindi ito tumango, hindi rin sumagot. Nanatili itong tahimik at hanggang sa umabot sila sa apartment niya. Hindi na niya hinayaan pagbuksan siya nito ng pintuan, deri-deritso na siyang bumaba at pumasok sa loob habang naiwan si Theon na nagpipigil sa sobrang galit. Ilang beses nitong sinuntok ang manibela bago ito nagpasyang umalis at mabilis na pinaharurot ang sasakyan...
Alam na ni Theon kung anong klaseng trabaho meron siya, kung anong mundo ang kaniyang kinagagalawan. Nagkibit siya ng balikat at hinayaan itong mag-isip kung anong klaseng babae siya. She doesn’t care after all.
Tumayo siya at nagtungo sa sala. Tinatamad siyang lumabas ngayon ng kaniyang apartment kaya ang ginawa niya ay nagkulong sa loob. Binuksan niya sandali ang flat screen TV para manood ng palabas pero agad siyang natigilan nang lumitaw ang mukha ni Theon habang ini-interview sa isang sikat na Morning Show. Naramdaman niya ang biglang pagsikdo ng puso niya sa mga magagandang mata nito.
Hoy heart, nababaliw ka na ba? Baliw ka na nga yata...
Dinama niya ang pusong naguunahan sa pagtibok. Inaamin niyang mas gwapo ito sa personal kesa sa camera. Lalo na kapag ngumingiti ito habang kausap ang isang host, pakiramdam niya sa kaniya ito ngumingiti sa tuwing nag-focus ang camera rito.
No wonder bakit and daming baliw nga sa kaniya kahit may asawa siya... Napaismid siya sa bagay na iyon.
“Mr. Willoughby, bigyan mo kami ng advice kung paano mananatiling happy and contented sa isang young marriage. We all know kung gaano ka successful ang buhay mo in business and marriage... Is there any formula?” mahabang lintaya ng babaeng host at halatang kinikilig sa presinsya ng lalaki na sobrang cool tingnan na nakaupo sa pang-isahang sofa.
Nagsitilian naman sa buong studio at kilig na kilig kahit usapang kasal at may asawa na ang lalaki nung nagbigay ito ng nakakamatay na ngiti. Napaismid lalo si Jackylyn at napairap sa hangin. Ang babaw ng kaligayahan. Nangangati ang kaniyang kamay na pindutin ang off button ng remote pero nanatiling nakatutok ang kaniyang mata sa screen.
“Formula?” tumawa ito ng sobrang landi. “I don’t have that. I just love her more than my world and sapat na ang bagay na ‘yon sa`kin. Loving her means life to me.” At nagbigay ito ng nakakamatay na ngiti na pinagtilian ulit ng mga taong nando’n. Kulang na lang ay mamatay sa kilig ang host at sumabay ito sa tilian.
Pero siya, hindi siya kinilig sa naging pahayag nito para sa asawa. Kailan ba siya naging kinilig? Ang huling natandaan lang niya nung nasa poder siya nito ay sakit ang kaniyang naradaman. Ang mahalin ang isang Theon Willoughby sa kabilang may asawa ito ay isa sa pinakabaliw at pinakatangang ginawa niya pero isa rin ‘yon sa dahilan kung bakit nandito siya ngayon at buhay na lumalaban. May pros and cons and pagdating nito sa buhay niya but for her, kailangan niyang iwasan ito sa susunod na araw. Hindi pwedeng lagi itong susulpot at manggugulo ng nananahimik niyang mundo.
“Ang swerte naman ng asawa niyo Mr. Willoughby.”
“Mas swerte ako sa kaniya.” Ngumiti ito ng nakakamatay.
Malakas na tilian ang kaniyang narinig. Naninikip ang puso niya at parang libu-libong karayom ang tinusok do’n. Mariin siyang napakagat ng labi at huminga ng malalim. Inaayos niya ang kaniyang sistema at nang makabawi siya, nagpasya siyang patayin ang TV pero naiwan sa ere ang gagawin niya nang magsihiyawan ulit ang nasa studio nung may hawak ng gitara si Theon.
Wait...
Biglang sumikdo ang puso niya nang simulan nitong tipain ang string ng gitarang hawak. Parang kinapos ng hininga ang sistema niya sa isipin makikita niya ulit itong kumanta. Unang narinig niya ang boses nito ay nung nasa yacht sila.
Nagsimulang magtubig ang mata niya nang kantahin nito ang kantang Ocean’s Away. Kung hindi siya nagkakamali, ito ‘yong kinanta nilang dalawa sa yacht nito. Bago pa man siya tuluyang traydurin ulit ng puso niyang walang magandang inambag sa utak niya, pinatay niya nang tuluyan ang TV at nagdadabog na umakyat sa taas. Hindi ito ang oras para mag-reminiscing siya sa nakaraan.
Tiningnan niya ang kaniyang laptop kung may lumabas na data galing sa hinahanap na tao. Napabuntunghinga siya nang makitang walang makakapagturo kung sa’n si Abhaya. Kailangan na kailangan niya ng kausap at ito lang ang tanging makakaintindi sa kaniyang sitwasyon pero bago siya nito maiintindihan, expected na maraming kurot muna ang makukuha niya rito.
Natigilan siya nang matanggap ang isang unknown message sa email. Maingat niyang binuksan niya ang mensaheng iyon. Nagulat siya sa nakita, isa iyong picture niya na nakaupo sa isang convenient store at kumakain ng cup noodles. Mabilis niyang pinasok ang email na gamit nito at chineck ang location ng email pero wala siyang makuhang location. Nagsimula siyang kainin ng kaba. May nagmamasid sa kaniya, ‘yon ang unang pumasok sa utak niya. Nag-dive siya sa Gmail Company at inabot ng ilang oras sa pagisa-isa ng information kung kaninong email address galing iyon pero walang lead.
Napamura siya at kinalma ang sarili. Her weakness doesn’t helping her at all. Mabilis siyang tumayo at hinablot ang jacket. Kailangan niyang kitain si Yx at kausapin ng personal. Nasa pintuan na siya habang sukbit ang bag nang biglang may pumasok na mga armadong lalaki.
Shit!
Naging alerto ang kaniyang isipan pero huli nang bunutin niya ang kaniyang baril, isang malakas na sikmura ang kaniyang nakuha. Natapon siya sa isang tabi at namimilipit sa sakit. Pinilit niyang buksan ang mata para tingnan ang gumawa no’n pero ang sumunod na nangyari ay nalanghap niya ang mabahong chemical.